10 Ways To Feel Numb When Hurting
10 Ways To Feel Numb When Hurting
in this story only exist in the writer's realm and have no relation whatsoever to anyone bearing the same names and the events that occurred are simply coincidental. Prologue Sana may gamot sa heartbreak. Para isang inom mo lang ng tablet, tanggal na agad lahat ng sakit. ** Ganun pala talaga kasakit ang heartbreak no? Akala ko yung mga napapanood ko sa T.V was just an exaggeration from the reality of having your heart broken. Pero totoo pala yun. When it strikes you, it makes you feel the worst emotion in the world. Sagad sa buto yung kirot. And now, experiencing it firsthand was a devastating thing ever. Hindi ko alam na mahal ko na pala .sya. I thought it was just a mere fondness, or a so-so infatuation. Pero ngayon ko lang talaga napagtanto na mahal ko pala sya. Why is it only now that I've come to my senses? Why is it only now, when it's far too late to admit it? Kung hindi ko ba ito dineny dati, would the tables turn, and maybe I wouldn't be crying like this? I don't think so. Kasi kung umamin naman ako, it would cause me a bucket more of tears. Nakakainis naman kasi eh, lagi na lang ganito ang kinahihinatnan ko. I fall too easily, only to experience this heartbreak, yet again. Natuto ba ako? No. May ginawa ba akong paraan para makaiwas sa ganitong sitwasyon? Wala. Hinahayaan ko lang ang sarili kong mahulog kahit na alam kong malaki ang chance na masasaktan ako. I was never born pretty. I grew stout and shorter than the other girls at school. I don't have a nosebridge and I'm myopic. In short, hindi ako yung tipo ng babae na "Ideal type". Some says I'm cute, pero madalang ang makakapagsabi na maganda ako. If you ask people if I'm pretty, they would just say, "oh, she's.. cute.." Passable. But never pretty. But I don't mind. Alam ko naman yun. Wala akong paki kahit hindi ako maganda. Being beautiful was just a socially constructed idea for me. Ang lagi ko na lang sinasabi sa sarili ko, Beauty is in the eye of the beholder. That's what I always believe in. For 16 years, that's what I believed in. Hanggang sa nakilala ko sya two years ago. Or better yet, nung nakilala na nya ako, personally. Blockmate ko sya. 2 years ago, we're just considered to be normal acquaintances. Pwedeng matapos ang isang buong araw na hindi ko sya nakakausap, or pansinin man lang.
2 years ago, naiilang ako lumapit sa kanya. O kahit sa ibang lalaki din naman. I just don't have the courage to talk to them. Lagi ko kasing iniisip na wala silang interest na makipag-usap sakin, dahil nga hindi ako maganda. Or whatever. So 2 years ago, ang tanging alam ko lang sa kanya ay kaklase ko sya. Pati pala yung pangalan nya. Yung pangalan nya na, 2 years ago, wasn't so memorable for me. Rui.. Just Rui.. CHAPTER 1 ~~ [1. Try eating the weirdest food combination ever, e.g, kanin na sinabawan ng milo.] Meeting you was fate, being your friend was a choice. But loving you is beyond my control. ** I can still remember the very first time na nakausap ko sya. Sa text. I don't know what hit me that day para magsend ng 'Hi' sa lahat ng contacts sa cellphone ko. Maybe it was boredom. Or I was just fooling around. Basta bigla ko na lang ginawa yun, trying to see whose gonna reply. I got his number in the most casual way. Through my other blockmates, of course. Normal naman na dapat at least meron kang 90% na contacts ng mga kaklase mo di ba? In case of emergency, it can be really handy. So ayun nga, after I I group message my contacts, he suprisingly replied. He "hi'd" me back. Kung sa personal, hindi ako madalas nakikipag-usap sa lalaki, it was different this time. I texted him back, until we indulge in a light conversation hanggang sa narealize kong may sense pala syang kausap, kahit sa text man lang. For the very first time in my life, nakausap ko si Rui kahit sa text man lang. He made me smile in his witty remarks. Noon lang ako nagkaroon ng chance to know him better, para naman madagdagan yung alam kong facts tungkol sa kanya, besides the reality na kaklase ko sya at Rui ang pangalan nya. I thought that night, siguro masaya din syang kausap ng personal. But the next day never proved me anything. We were back with the 'normal acquaintances' status. It's as if, hindi kami nagkatext kagabi. What should I expect? Na magiging close kami agad? Foolish Sofia. You should have known better. A day came. Then a week. Then a couple of months or so. We were just 'normal acquaintances' still. Gumagalaw sa kani-kaniyang mundo. Hanggang sa isang rare chance na naman ang naganap. Nakasabay ko sya sa jeep na sinasakyan ko pauwi, one time.
Hindi ko pa nga narealize na katabi ko na pala sya nun kung hindi nya pa ako kinalabit. "Ui." I awkwardly looked at him, "eto din pala yung jeep na sinasakyan mo." "hmm." tumango sya. Then I went blank. Wala na akong masabi. Wala na akong maitanong na pwede naming mapag-usapan pa. So I ended up looking outside the jeep. Binibilang kung ilang minuto pa ang lilipas na magkukunwari akong hindi ko sya katabi sa mga oras na iyon. Napaka-awkward lang kasi. Awkward talaga. He poked me, again. So I ended up looking at him, again. "nakapagreview ka na sa Business Finance?" tanong nya. "hmm, konti lang," dahil tinatamad pa akong mag-aral that time, "ikaw? Nakareview ka na?" "hmm." he smiled. Now, what to tell next? "wow! Ikaw na masipag mag-aral." biro ko, para lang magtuloy-tuloy yung topic. "madali lang naman yun mga lessons eh." Anong magandang isagot? I admit it, hindi talaga ako magaling sa pagmemaintain ng magandang conversation, unless otherwise, ka-close ko ang kausap ko. Titingin na lang ba ako ulit sa labas ng jeep, o earphones plugged in na lang? I resulted in indulging myself with the earphones na lang at ang art of sleeping, kunwari. Naiilang pa talaga kasi akong makipag-usap sa kanya. Another day passed. A week or two before I had the chance na makasabay ulit sya. That day, nanood ang section namin ng meeting de avance. My bestfriend went home early, pero tinapos ko pa yung program. Gabi na nun pero hindi pa rin tapos magsalita yung classmate namin na candidate as well. Around seven p.m na nung kinalabit ako nung isa ko pang classmate na nanonood din. "Fia," she mouthed, "sabay daw kayo ni Rui umuwi." Hindi ko alam kung bakit sa mga oras na yun, I had goosebumps all over my body. But nevertheless, I said "Okay." After ng program, tiyaka na kami umuwi. That was the first time na nakasabay ko syang maglakad palabas ng campus at second time na nakasabay pauwi.
I was thinking that that moment, for sure's gonna be awkward again. Hindi kami nagkibuan habang nag-aantay ng jeep. Hanggang sa nakasakay na kami. Surprisingly though kahit maluwag yung jeep, tumabi pa rin naman sya sakin. Sa isip ko, naghahalungkat na ako ng bagay na puwede naming mapag-usapan kahit paano. I tried my hardest, to start a conversation. "buti tinapos mo yung program," sabi ko. "moral support daw sabi ni Cassie eh." "aah." Alam ko, wala na naman akong maidudugtong dito. Nakakainis talaga, kung bakit kasi hindi ako biniyayaan ng talent sa pagiging good conversationalist. He poked me after a while, tapos tinanong nya ako kung may homework ba kami kinabukasan. Sabi ko wala. Then there was another dead air. I didn't look outside. Tried my best not to look outside. But I was so tempted to do so. I was happy after a while kasi I made myself not to do it because someone inside the jeep caught my attention. Kinuha ko yung cellphone ko sa bag at tiyaka nagtype sa 'New Message.' Humarap ako kay Rui. Tapos pinakita ko sa kanya yung phone ko. "Wag kang maingay. Grabe makatingin si kuyang nakablue sakin.." sabi nya. After nyang basahin yun, for the first time, I giggled at him. "sabi ko wag kang maingay eh." I shush him. "ay sorry, kala ko text sayo.." he smiled after reality dawned him, then looked at the man I was referring to. "ah oo. Si kuyang nakablue kanina sa room di ba?" palusot pa nya para hindi makahalata yung lalaking nasa tapat namin na naka kulay blue. The man I'm talking about. Nagtype naman din sya dun sa phone ko. --Oo nga. Titig na titig sayo.haha.-I tried to suppress my smile, then nagtype ulit ako.
"pakita mo sakin pag nagtext back na ah." biro pa sakin ni Rui habang nagtatype pa ako ng sasabihin ko sa kanya. "oh." Inabot ko sa kanya yung phone. --Nakakatakot yung titig eh. haha.-Hindi ko alam kung papasalamatan ko ba si kuyang nakablue or kakatakutan sa pagtitig nya sakin, but nonetheless, tinulungan nya akong magkaroon ng chance para makausap si Rui, kahit sa ganitong ka-weird na paraan. Tinulungan ako ni kuyang nakablue para maging kumportableng makausap ng tuloy tuloy si Rui. Hanggang sa nakababa na si Kuyang nakablue sa jeep, magkausap pa rin kaming dalawa ni Rui. "weirdest food combination you ever had?" I tried asking him, "ako kasi, pinapalaman ko yung ketchup sa fita cracker." "ah, alam ko na.." he smiled, "chocolate na idi-dip sa alamang." "alamang? Yung bagoong?" "oo. Lagi kasing may ganun sa ref namin. Try mo, masarap. Pramis!" That night, nadagdagan na naman yung mga bagay na alam ko tungkol sa kanya. He fancies eating chocolate dipped in bagoong alamang. Masarap kaya yun? Parang hindi naman. Matamis tapos isasawsaw mo sa maalat? Anong lasa nun? Before we part ways, I suddenly thought, ilang araw, linggo o buwan na naman kaya ang lilipas bago ko sya makausap ulit tulad ngayon? CHAPTER 2 ~~[2. Try altering your habits like having a new route when going somewhere.] Everything changes, nothing is permanent. Things keep changing. ** Yung 'normal acquaintance' status namin ni Rui ay naglevel up naman, sa tingin ko. Now, we are 'just friends.' Not closefriends, not bestfriends but just friends. Yung tipong we'd smile or nod at each other kapag nagkikita kami sa room. Tinatawag ko na sya sa pangalan nya mismo, instead of the usual 'Ui' lang. And vice versa. It's like narealize na naming nag-eexist pala kami sa mundo ng bawat isa. We're Just friends. Kapag may homework sya na nakalimutan, puwede syang magtext sakin at magtanong. Nakakausap ko na sya sa room with eye contact. Wala na yung usual shyness na meron ako pag kumakausap ng lalaki.
Just friends. Nakakapagtanong sya whenever he's late kung "nandyan na ba yung prof?" then I'd text him kung meron na nga ba o wala pang prof. Like nung isang beses, nalate sya. He asked me kung may prof na ba o wala pa. Luckily, absent yung prof namin ng first subject. --asan ka na ba?-- text ko sa kanya. --pasakay pa lang ng jeep. wla kcng masakyan, punuan eh.-It was raining that day. --ah, sge. Sna mkasakay ka na-- reply ko. --patext nlng pag may prof na ah.-Then hindi na ako nagreply. Before the second subject started, nakarating na din naman sya. When our vacant time came, lumapit ako sa kanya. "anong nangyari sayo? Basang sisiw ka kanina ah." biro ko pa. "kainis nga eh, walang jeep na bakante. Antagal ko kayang naghintay dun, tapos umuulan pa." "san kaba kasi nakatira?" Napagtanto ko ng oras na yun na malapit lang pala ang lugar nila Rui sa bahay namin. One moment, I smiled out of the blue. "doon ka na lang sumakay sa terminal na sinasakyan ko para di ka na mahirapan." tinuro ko sa kanya yung lugar kung saan ako sumasakay pag pumapasok sa school. Imbis na mag-antay pa kasi sya ng jeep na dadaan, at least sa terminal, pasahero mismo ang inaantay. "oo nga. Galing mo talaga, Fia!" sabi nya after. Yung mga panahon na yun, feeling ko kumpleto na ang araw ko kahit hindi pa man ako nakakapagtanghalian. Sa mga sumunod na araw, nagkakataon na nagkakasabay kami ng jeep na sinasakyan sa umaga. But we always sit away from each other. Nevertheless, nakakasabay ko syang maglakad papasok ng campus. Limited conversation at times, pero kahit paano hindi na nagkaka-ilangan. Pag may pagkakataong nakakasabay ko ang bestfriend ko sa jeep, yun yung mga instances na hindi kami nagkakausap ni Rui kahit magkasabay kaming maglakad. Mas naeentertain ko si bestfriend dahil nga bestfriend ko yun. Pero yung peripheral vision at subconscious mind ko, nakatuon kay Rui. At hindi ko pa alam noon kung bakit ganun.
One time, pumasok ako sa school na may dalang gitara. As usual nagkasabay ulit kami ni Rui, pero as usual din, hindi kami magkatabi. Nasa dulo ng jeep kasi sya nakaupo. Ako naman, sa may pinakalikod ng driver, dahil nga may gitara akong dala. Para iwas bangga sa mga bababang pasahero. Pagbaba namin ng jeep, masyadong matirik yung araw kaya kinuha ko yung payong sa bag ko. Nagulat na lang ako habang nagkakalkal ako ng bag, kinuha ni Rui yung dala kong gitara. "ang liit liit mo na nga, andami mo pang bitbit." sabi nya. "sorry naman di ba?" pabiro ko. When I opened my umbrella, nakisukob din sya. Maybe, takot din syang umitim. Pero dahil maliit nga ako, I had to extend my arms upward para makasukob sya. Seeing the obvious, kinuha nya yung payong sakin. "hay tagabitbit ako ni Fia," parinig nya. Natawa na lang ako. But I'm thankful for his gentleman's act. Like a lot. CHAPTER 3 ~~ [3. Be nationalistic. Try visiting historic places like Luneta Park, Intramuros or the National Museum. It will help you discover the other meaning of love.] Being inspired with someone is the simplest and the best reason why you find yourself smiling without any reason. ** 6 months. For six months, hindi na ulit kami nagkausap ni Rui ng ganung katagal. Siguro dahil may girlfriend sya nung mga panahong iyon. At ako? Syempre busy sa buhay ko. Nung summer, sobrang nawili ako sa pakikinig ng KPOP songs. Nahawaan na kasi ako, finally, nang bestfriend ko ng kpop virus nya. Nung summer, I tried my best to learn basic Hangul, both writing and speaking. Kaya noong tumungtong ako ng 3rd year sa college, wala akong ibang pinagkakaabalahan kundi magspazz sa favorite Korean boygroup ko. By 3rd year din, nareinvent ko ang sarili ko ng di sinasadya. Kung dati I was just a mere wallflower, by 3rd year, maingay na ako kahit paano. Medyo umayos ang social life ko. Medyo madaldal na ako. Nakakatawang isipin na kapag something Korean ang napag-uusapan sa room, lagi na lang yun na-aassociate sa pangalan ko. To the point na sabi ng prof ko sa Sociology, Xenocentric daw ako sa fondness ko sa KPOP.
Ewan ko ba dun sa prof kong iyon, masyadong intelektwal mag-isip, lagi akong ninonosebleed sa kanya. Weird din sya, in a coooool way though. Madami syang activity na pinagawa samin noon sa subject nya. Pumunta kami sa Quiapo Church para magsociologize, pati na rin sa mga piling mall sa Metro Manila. Pero ang pinaka dabest na activity na ginawa namin ay iyong pagpunta sa National Museum. That was my first time na pumunta doon. At sobrang nakakatuwa yung experience na makita yung mga bagay that has something to do with the past. From the Galleon Trade ceramics and stuff, down to paintings of Luna and Hidalgo and Amorsolo. It was a rare experience of nationalism. A very rare experience. Sayang nga lang at absent ang dearest friend ko that time. Si Ishi, my dearest friend and also blockmate, had a dengue. That day ko lang nalaman, nung pumunta kami ng National Museum, na may dengue pala sya. And that incident paved way para magkausap ulit kami ni Rui. After 6 months. "Fia!" tawag nya sakin nung nag-aayos na ako ng bag, at pauwi na rin. My heart pounded terribly. "bakit?" tanong ko nung nakalapit na ako sa kanya. "gusto mong dalawin si Ishi?" tanong nya habang nagtetext sya. "oo sana eh. Kaso di ko alam yung ospital na pinag-confine-nan nya. Bakit?" He handed me his phone. "oh, text mo sya, kumbinsihin mo para makapunta tayo sa kanya." wait.. 1..2..3.. Tayo? Did he just say "Tayo"? Hindi ko alam kung bakit biglang natuwa ulit ako sa mga oras na yun. Maybe because, madadalaw ko si Ishi, or maybe because of the other reason na ayokong masyadong pansinin. --pramis wag na lang. magkikita na din naman tayo next week. hindi lang kasi ako yung patient sa room. may dalawa akong kasamang bata...-- text ni Ishi sakin noong nagpaalam akong dadalaw kami ni Rui. "ayaw eh," sabi ko kay Rui. Nakauwi na lahat ng blockmates namin pero nakatambay pa rin kami sa National Museum. "gusto mo ba talagang pumunta?" sabi ni Rui sakin. I nod. "text ko na lang ulit." --sige na Ishi. Kami lang ni Rui ang pupunta dyan. Pramis, behave kami.--
Andaming jeep na ang nakadaan, umaambon na rin. Pero kami ni Rui, kinukulit pa rin si Ishi para payagan kaming dalawin sya. Rui and I take turns para itext si Ishi. Until hindi na malaman ni Ishi kung sino ba talaga ang kausap nya. --wag na lang talaga Fia. Magdate na lang kayo.Joke! xD basta wag nyo na akong dalawin...-natatawang pinabasa sakin ni Rui yung reply. I was half smiling, half embarrased that time. Smiling kasi ang weird ng text ni Ishi, embarrased kasi... hindi ko alam.. So we ended up going home instead. Since pareho kami ng way pauwi ni Rui, magkasabay na naman kami sa jeep. Bumababa kami ng Quiapo church para dun mag-antay ng 2nd jeep namin. Pero dahil medyo rush hour na noon, at ang dalang ng jeep, pumunta muna kami ng bakeshop para bumili ng pagkain. Nung nasa byahe ulit kami, doon na namin binuksan yung binili namin. Yung akin eggnog, yung kanya, hindi ko alam kung ano yung tawag dun. Sa buong byahe namin pauwi, hindi ko akalaing yung 6 months na hindi namin pag-uusap ay mababawi sa oras na yun. Ang dami naming napagkwentuhan. From school stuff, hanggang sa korean artists. Mula UKISS, C.N blue at SNSD. Hindi ko lubos maisip na may 'straight guy' palang nakakaappreciate kahit pano sa KPOP. Tapos nun ko lang din narealize yung feeling na hindi mo mamamalayan yung buong oras ng byahe dahil masyado kang hook sa kausap mo. I laughed, kahit pinagtitinginan kami ng mga katabi naming pasahero. That time, parang walang wall between us. Just two friends enjoying the time, while it lasted. Sa mga oras na yun, inopen ko sa kanya yung crush life ko. At ganun din naman sya. I also taught him a little bit of Hangul. "yung 'yepuda' naman, ibig sabihin nun, 'pretty'." turo ko sa kanya. Hindi na namin namalayan na dapat na pala syang bumaba after a while. And when he did, I was left smiling. Then my phone vibrated. --yepuda! Tama ba? Ingat pag-uwi. haha.-He texted me that. I can't help it. I think I grew fond of him now. CHAPTER 4 ~~ [4. Sing your heart out. No matter how "sintunado" it is, just sing your heart out.]
Knowing a person is like music. What attracts us to them is their melody, and as we get to know who they are, we learn their lyrics. ** The fondness grew stronger nung nagkaroon kami ng chance na bumuo ng banda. Sort of. May activity kasi sa college namin and they happen to be in need of performers. Hindi ko alam, but all of a sudden I was so enthusiastic to try out the auditions. Since my singing ability was a little above bearable, inaya ko si Rui pati yung bestbuds nyang sina Evo at Sam na magtry-out. Mamaw ng gitara si Evo, at magaling naman kumanta si Sam kaya kay Rui ko na lang pinadaan yung request ko na pilitin yung dalawa nyang katropa. "Ui Rui, ikaw na bahala mangumbinsi dun sa dalawa ah." paalala ko. Hindi naman ganun kahirap ayain yung dalawa, kaya in the end pumayag din sila. "kailan tayo magpapraktis?" tanong ni Sam dahil yung audition medyo papalapit na rin noon. "bukas na lang. Wala namang pasok eh." sagot ko. "sige, pano yung gitara?" I looked at Evo. "wala yung gitara sa bahay eh." "sige, ako na lang magdadala nung isang gitara. Fia, di ba may gitara ka?" sabi ni Rui sakin. I nod. "magkita na lang tayong apat dito sa school ng 8am ah." "sabay na lang tayo pumasok bukas. Anong oras tayo magkikita sa terminal?" tanong ulit sakin ni Rui. "six na lang ng umaga." So by 6:30am the next day, nasa byahe na kami papuntang school. Tapos hindi na naman kami magkatabi ng inupuan. Kukuha na dapat ako ng pambayad nun nung nagtext sya sakin. --okay na ung bayad.-- he informed me. Then I smiled. Again. Intriguing how he can make me smile so easily. At the end of the week, nalaman namin na nakapasa kami sa audition. Sobrang natuwa naman ako noon, only to find out later na hindi namin sya makakasamang magperform sa mismong araw ng event.
Sabi ni Evo, may importanteng pinuntahan daw si Rui. And probably, baka daw magdrop out na rin that semester. I don't know what to feel. I'm a bit sad, I think, that time. So the day of the event, wala si Rui. We performed kahit wala sya. Pero nakakalungkot talagang isipin na baka hindi ko na din sya makita ulit. "talaga? Magdadrop out na sya?" nagulat yung classmate ko nung kinuwento ko kinabukasan sa kanya yung dahilan kung bakit hindi namin nakasama si Rui nung performance. "oo, sabi ni Evo sakin mismo." sagot ko habang inaayos ko yung papaxerox kong homework. "sayang naman. Kung kailan nagiging close ka na sa kanya tsaka pa nangyari to.." biro sakin ng classmate ko. "adik ka talaga kahit kailan." natatawa kong sagot. Pagkatapos kong magpaxerox, umakyat na kami papuntang room noon habang pinag-uusapan pa rin namin si Rui, nang bigla na lang, out of nowhere nakasalubong namin SIYA sa hagdan. "UI!" nagulat ako nung nakita ko sya. Ngumiti muna sya sakin bago sya tuluyang bumaba. After the moment of shock, I shook my classmate with so much happiness. "Bumalik si Rui!" tumili ako ng walang tunog. "grabe ka Fia! Iba na yan!" "nakita mo yun, bumalik sya!" ulit ko habang sobrang kinikilig na ewan. Sa sobrang tuwa ko at kilig na rin, nadulas pa ako nung papasok na kami ng room. Pero tawa pa rin ako ng tawa. Yung feeling na sobrang saya lang! Okay fine. Crush ko na si Rui that time. Kaya ako nagkaganon. I tried my best to calm my heart nung nakita kong bumalik na ng classroom si Rui. Maya maya, tinawag nya ako. "kamusta kahapon?" tanong nya. "heh! andaya mo, kung di pa sinabi sakin ni Evo, hindi ko pa malalaman yung nangyari sayo." "nagpaalam ako sayo ah." "hindi kaya. Wala kang sinabi." hindi naman ako galit o nagtatampo sa kanya, I was just messing around. At alam naman nya yun. Tumatawa pa nga sya habang kinukwento nya sakin yung buong detalye ng nangyari sa kanya nung nawala sya.
"next year, babawi na lang ako." sabi nya sakin. "sabi mo yan ah." Nadagdagan pa yung chance na mas nakakabond ko si Rui. Mas dumami yung pagkakataon kahit paano na nakakabiruan ko sya. As I get closer to Rui, I get closer to other people as well. Especially with some guys. Nawala na yung pinaniniwalaan ko dati na walang lalaki ang magkakainteres na kausapin ako dahil hindi ako maganda. I proved myself wrong. Ako lang talaga yung naging ilap sa mga lalaki. But being friends with them is cool. At least, in my opinion. Nasundan pa yung chance na makapagperform kami nila Rui, Evo at Sam. Sa isang activity namin sa isang subject, mas nakilala ko sila. At ganun din sila, sa akin. Isang beses hindi naiwasan na nagkaroon ako ng argument sa dalawa kong kaklase. I was beside the three guys when that happened. Ewan ko ba. Nung natapos yung epic scenario na yun, how I wished na sana hindi na lang nakita ni Rui yung pagkakataon na yun. Pag minamalas naman kasi, kaibigan nya din yung isa sa mga nakasigawan ko. Well, I'm friends with that girl too. Dala na lang siguro ng pressure kaya hindi ko napigilan yung sarili ko na mag-indulge sa ganung argument. It might be intuition or what, pero dapat talaga hindi na lang nangyari yun. Dapat hindi ko na lang nakaaway si Cassie nun. CHAPTER 5 ~~ [5. Learn a new language. Then use it whenever possible. Japanese when happy. Italian when sad. Spanish when angry, and Korean when hurting.] If you can't get someone off your mind, maybe they are supposed to be there. ** Before the 1st semester ends, almost lahat na ng classmates kong babae, alam na nilang crush ko si Rui. Blame my mouth. Hindi kasi mapigilan na magkwento eh. Before the 1st semester ends din, bati na kami ni Cassie at nung isa ko pang blockmate. I was the first one to approach them. Lalo na kay Cassie. In all fairness naman kasi, Cassie is one of my closest friend din sa room. I enjoy having light conversations with her. Plus may mga instances na pareho kami ng interest. She fancies KPOP as well. Isa rin si Cassie sa mga nakaalam na crush ko si Rui. Well, whenever I have a new crush naman, she would be one of the few persons who would first know. I think. Kaya nga I value our friendship. Kaya nga I let my pride vanish para lang makipagbati kay Cassie nung nagka-argument kami.
Nung officially sembreak na, wala akong ibang ginawa sa bahay kundi magFACEBOOK o kaya manuod ng KDrama. Lagi na lang din ako napapagalitan dahil nag-iba yung body clock ko. I always sleep late and would wake up late, again. Wala din naman kasi akong mahanap na pagkaabalahan. Well, I had one though. Yun yung iistalk yung facebook account ni Rui. Besides that, wasted ako. Chos lang. Natatawa lang ako sa sarili ko minsan kung bakit binabantayan ko ang facebook account ni Rui. Hindi naman sya ganun ka-adik sa FB, pero hindi ko talaga mapigilang bantayan yung account nya. Kung hindi naman ako timang minsan, there were other diversions. Pero kapag napapagalitan na talaga ako, I would do household chores. Ng napipilitan pa. One day, pumunta ang bestfriend ko sa bahay namin. I wasn't expecting her that day. Yun pala, may good news sya sakin. Sort of. "teh, may paraan na tayo para makita ang mga future hubby natin!" kwento nya sakin. "paano?" I was extremely anxious. Our favorite Korean boygroup is having their concert sa Philippines kasi. Since hindi kami pinanganak na mayaman, pinalaking practical at nanghihinayang na gumastos ng libong piso para makapunta dun, we need to find ways para maka-earn ng ticket. So my bestfriend wanted me to join a singing contest. Wanted me to sing in full Korean. Nung nalaman ko yun, I was hesitant. Dahil una, I seldom join contests like that. Pangalawa, ang pathetic pa ng diction ko sa Hangul. Pero dahil ang date ng concert ay two days after ng birthday ng bias ko, I took my chances. Meet and greet with the Korean artists plus Platinum Tickets ang prize nung contest. Syempre, grab the opportunity agad ako. Minsan ko lang makikita, if ever, ang mga idolo ko. Dahil nagtagumpay si bestfriend sa panghihikayat nya sakin, I had to call 911. Inaya ko sina Rui, Evo at Sam sa fandom ko. Kahit di fan yung dalawa ng Kpop, pumayag pa rin sila after ng madugong pakiusapan. Grabe, noon ko lang napagtantong may kaartehan din palang taglay ang mga lalaki. Kala ko dati, babae lang ang pakipot. Oh well, pumayag na sila na sa 2nd semester namin aasikasuhin ang audition piece namin. I was excited that time. Not to realize the odds that might be coming my way soon. When the second semester started, maraming bagay na naman akong nabago sa buhay ko. The usual 'shy girl' was totally gone. Ewan ko ba, kung kani-kaninong barkada na ako napapasama. But they're the good ones. Yung tipong hindi naman mapapariwa ang buhay ko. Mas lalo din akong naging close kina Cassie at sa mga kaibigan nya, especially kay Lenlen. Lenlen can be considered as a 'superclose friend' of Rui too. Syempre, di ba pag may gusto ka sa isang tao, mas kikilalanin mo sya sa mga kaibigan nya? Sweet, gentleman and funny, those
were the characteristics na meron daw si Rui. And I totally agree to that. The more I feel close to him, mas nararamdaman ko yung mga bagay na yun. During our break time nung isang beses, Cassie-at the most unexpected time- told me that Rui broke up with his current girlfriend that time. Which tends to be his ex now. Unang salita na lumabas sa bibig ko? "I know." Yun yung sinabi ko sa kanya. Pano ko nalaman? Syempre, tambay nga ako sa FB nya nung sembreak di ba? Natawa sakin ng bongga si Cassie nun. "hay nako Fia! Late na pala ako sa balita." sabi nya pa. And that was the last time we laugh, together. Kasi pagkatapos nun, maraming bagay na pala ang mababago sa pagkakaibigan namin. Blame my weak heart for that. CHAPTER 6 ~~[6. Write to yourself. Write about what you feel as of the moment. It can be a great outlet for the things you can't say.] Falling for someone is easy. Picking yourself back up is the hardest part. ** Paano mo ba malalaman kung mahal mo na ang isang tao? Are there any signs or 'symptoms' to know better? Sabi kasi ng mga kaibigan ko, love comes when you least expect it. So paano mo nga malalaman when love is already around? Hay nako. Sa eighteen years ko ng nabubuhay sa mundo, hindi ko pa talaga alam kung pano malalaman kung mahal ko na ang isang tao. I can always recall the times when I would confuse the difference between having a crush from being inlove. Kala ko pag may crush ka na sa isang tao, mahal mo na din sya. Yun yung akala ko. Kaya everytime na nagkakaroon ng ibang love interest ang crush ko dati, yung so-called 'heartbreak' na nararamdaman ko, madaling mawala. Kaya ang akala ko dati yung mga teleseryeng may theme ng bigong pag-ibig, puro kadramahan lang yung alam. Yung mga tipo na umiiyak yung babae for days, weeks or months? Yung di maka-move on? Akala ko mere exaggeration lang. Totoo pala lahat yun. Slowly, little by little, hindi ko nararamdaman na yung fondness ko kay Rui, iba na pala. Whenever my friends would tease me na baka mamaya hindi lang pala crush ang nararamdaman ko para kay Rui, I would always deny the obvious truth that I don't see myself.
"grabe naman. Hanggang crush ko lang yun si Rui. Tsaka sa panget kong ito, magkakagusto yun sakin?" katwiran ko sa kanila. Pero lahat ng sinasabi kong ganun, syempre masakit din sa part ko. Yung feeling na walang chance na magustuhan ka ng taong gusto mo, coz you know deep inside, you are not his type. Hindi ka nya gusto, sa madaling salita. At kailan man hindi ka nya magugustuhan. Or better yet, friend lang talaga ang maituturing nya sayo. Ang sakit di ba? That's why I told myself not to fall for Rui. Deprived my heart for that little thing called love. Pero meron naman sa puso kong space na medyo umaasa pa rin. Hoping for a miracle or whatever. Dumating yung isang beses na hindi ko inaasahan. Nalaman kasi ni Sam yung nararamdaman ko para kay Rui. I was so bothered na baka ikwento nya kay Rui yun. But he promised me that he will not tell. Maybe it was fate, or destiny that's currently working in my life when the most unexplainable thing happened. Busy akong nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan ko when Rui, Evo and Sam called me that day. So lumapit naman ako. We were inside the room that time and they were sitting at the left side corner. Nung nakalapit ako sa kanila, kinabahan ako. Kinabahan in a sense na naisip ko baka mamaya naikwento na pala ni Sam kay Rui yung mga nangyari kaya eto at pinapalapit nila ako. "Tabi ka kay Rui," sabi ni Evo nun. "ayoko nga." I calmed myself. Para di ako mag-stutter. Para di ako mahalatang kinakabahan ngayon. "bakit nyo ba ako tinawag?" I sat beside Evo but I was facing Rui. The moment na nakaupo na ako, Rui asked me this. "Fia, puwede bang manligaw?" 1..2..3.. I was left dumbfounded. Yung tibok ng puso ko biglang huminto. For about 5 seconds, I don't know what to say. "nagbibiro ka ba?" halos mautal pa ako nung tinanong ko si Rui. But before he could answer, sumabat naman si Evo. "teka pare, kinikilig pa." sabi nya. Hindi ko alam, pero bigla na lang akong nainis after sabihin ni Evo yun. Tinitigan ko si Sam, as if we're having a mental telepathy. Sa mga tingin ko, I was conveying to him the question kung sinabi nya ba kay Rui yung nalaman nya tungkol sakin. Pero umiling sya. In his eyes, I knew he never mentioned it.
Pero bakit naman magtatanong ng ganun sakin si Rui? Alam na ba nya yung feelings ko? Ganun na ba ako ka-obvious? Was he asking sincerely or was he trying a prank against me? Andaming tanong yung nabuo sa isip ko pero hindi ko mabigyan ng sagot. Pinili ko na lang kasi umalis sa kinakaupuan ko. Feeling ko kasi sa mga oras na yun, papatak na yung mga luha ko. Intuition it might be, pero hindi ako natuwa sa tinanong sakin ni Rui. At sa side comment ni Evo. And to think na sa mga oras na yun, tatlong beses pang inulit ni Rui yung tanong nya. As if he's trying to corner me. As if that's his only way to confirm some of his hunch. Nanginginig akong pumunta ng comfort room. Naiinis ako sa mga nangyari. Naiinis ako sa sarili ko. Kasi masakit na malaman na baka pinagtitripan lang ako ni Rui. Cowboy nga kasi ang dating ko sa kanya. It's as if I'm "one of the boys" kaya nga naging mas close kami. Pero kung sa tingin nya na baka magandang joke yung ginawa nya, well, nagkamali sya. Kasi nasaktan ako. Kasi may part sa puso ko na umasa. Umasa na baka gusto nya rin ako. Only to find out, I'm being pranked. Pero bumalik ako ng classroom ng walang bahid ng nararamdaman. Ayokong ipakita kay Rui na mahina ako. Ayokong ipakita na naapektuhan ako. Lumipas yung mga araw na parang normal lang. Kung aakalain mong normal lang talaga. Naguusap pa rin naman kami ni Rui. Kahit na ayoko pa syang kausapin. Kay Sam naman, natuwa ako kahit paano. At least napatunayan kong mapagkakatiwalaan sya. For days, si Lenlen ang lagi kong kasamang umuwi. Siya na din yung halos nakakaalam ng lahat ng bagay tungkol sa nararamdaman ko kay Rui. Buti nga hindi ako pinagsasawaan ni Lenlen kausapin eh. Laging si Rui na lang kasi ang bukambibig ko. Kung hindi kay Lenlen ako nagkukwento, andyan naman si Ishi at yung bago naming blockmate na si Jharie. Silang tatlo halos yung nakakakwentuhan ko. Busy pa kasi ang bestfriend ko kaya di ko pa sya nakukwentuhan. Kaya medyo naiipon na din yung mga updates ko sa kanya. Siguro kapag nagkwento na ako sa bestfriend ko, mala-telenovela ang kalalabasan. I remember one time nung pauwi na kami ni Lenlen, nagkwentuhan muna ulit kami kasama sina Cassie at ilan pa naming blockmate. Naging topic ulit namin si Rui. For the nth time. Pero sa mga oras na yun, may isang bagay akong nalaman na hindi ko inaasahan na naman.
"May nagugustuhan na ngayon si Rui teh!" sabi ni Lenlen. "talaga? Sino?" I anxiously asked. "secret. Sabi ni Rui wag ko daw muna ipagkalat eh." "andaya mo Lenlen! Nagkuwento ka na, binitin mo pa." "hahahaha! Affected much oh!" biro ni Cassie, "pero sino nga ba yun? Nasa room?" tanong nya. "basta. Di pa naman ata sure yun." sagot ni Lenlen, "spark pa lang kasi yung nararamdaman nya para doon." "spark?" "yep." Lenlen nod. So may nagugustuhan na palang babae si Rui. At sya si Spark. Sino si Spark? DEAR DIARY, Malungkot ako sa araw na ito. Haaay. Nakakainis! Hindi dapat ganito yung nararamdaman ko eh. Hello? Crush ko lang sya! Bakit ako nagseselos? Teka. Nagseselos? Ako? NO. Scratch that. Hindi ako nagseselos. Naiinis ako. Kasi hindi ko dapat maramdaman ito! Ayoko ng ganito. Sino ba kasi yang Spark na yan? Blockmate kaya namin? Haaaaaay. Kung sino man sya, ang sarap nyang gilitan ng leeg ah. Joke! Pero ewan ko. Nagseselos nga siguro ako. Or maybe hindi rin. Bahala na si Batman! Kainis! CHAPTER 7 ~~[7. When you know you're about to cry, do the headstunt for about three minutes. For sure the tears won't fall.] I am amazed with women's ability to hate and love one man, at the same time. ** "Spark? Sino si spark?" tanong sakin ni Jharie nung nakwento ko sa kanya yung latest update ko kay Rui. "I think si Cassie yun." "panong magiging si Cassie yun?" "ewan. Kutob lang namin ni MM yun eh." MM is Sam's girlfriend. A friend of mine and Cassie's too. Nung naikwento samin ni Lenlen yung tungkol kay 'Spark', MM and I had the same hunch. Kasi kahit saan naman daanin, it always falls down to the conclusion that Cassie is Spark. "nagtapat na ba si Rui kay Spark?" I asked Lenlen one time nung papunta kami ng Comfort room.
"hindi na daw sya magtatapat kay Spark." "talaga?" she nod. "Eh ikaw, di mo ba sasabihin kay Rui yung nararamdaman mo?" "Wag na uy. Para saan pa?" para lang masaktan ulit ako? "Magsama nga kayo ni Rui!" biro ni Lenlen. Bakit ko ba kasi kailangan pang magtapat kay Rui if ever? Magugustuhan ba nya ako kung gawin ko yun? The chances are very slim. Lalo na ngayong may Spark na sya. Kahit na nabalitaan ko kay Lenlen na hindi na ipupursue ni Rui si Spark, umiba pa rin yung ikot ng tadhana. Nagsushoot kami nila Rui, Evo at Sam ng audition video namin that dreadful day nung nalaman ko yung buong katotohanan sa katauhan ni Spark. True to my conclusions, si Cassie si Spark. Nagtapat na daw si Rui sa kanya, kwento ni Sam sakin. Grabe. Nung mga oras na magkakasama kaming apat at ginagawa namin yung audition video, feeling ko nun gusto ko ng sumabog. Gusto kong umiyak. Gusto kong maglupasay. Pero di ko magawa. I have to finish the things we were doing that time. Kahit ang bigat-bigat na ng loob ko, I have to control my emotions. Para lang walang makakita na umiiyak ako sa isang pathetic na reason. "ui. Okay ka lang?" tanong sakin ni Sam nung pauwi na kami. "hmm." "sigurado?" "wala yun sakin, ano ka ba. Itutulog ko lang ito." I assured him. But I know that he knows that I was lying that time. Nung nakasakay na ako ng jeep, dun na lumabas kahit paano yung kinimkim kong sakit nung magkakasama kaming apat. Pumatak yung luha ko kaya para walang makakita saking pasahero sa jeep, tumungo na lang ako. Pero may isang lalaki sigurong nakakita saking umiiyak kasi nung pumara na ako para bumaba, sabi ni Kuya sakin, "Ingat ka." When I got home, the first thing that I did was to text Ishi. Lahat ng nararamdaman ko sa mga oras na yun, itinext ko sa kanya. How I realized that I've fallen for Rui so bad. How I feel pathetic about myself. Sabi ko sa kanya, ayoko ng umiyak pa kasi ang pathetic lang tingnan.
I told her how undeniably and irrevocably lucky Cassie is, being the girl that Rui likes as of that moment. How I can't see myself to have the enough courage para makitang magkasama silang dalawa sa mga susunod na araw. It could be a hellweek for me. Humingi ako ng advice kay Ishi kung paano makaget-over sa heartbreak. Kasi yun pa lang so far ang worst ever heartbreak na naranasan ko. Yung sagad sa buto yung kirot. Yung feeling na di ko talaga alam yung gagawin ko? Pero ayoko na ulit talagang umiyak. After a while, she replied. When I read her message, tears continuously run down my face. --Sofia.. Wala yatang shortcut o kung anumang definite na gawin para mawala yung heart ache.. magpagupit ka man, magpakulay ng buhok o kumain ng madaming chocolate.. in the end it all comes down to accepting the fact na kahit sobrang sakit kahit gano mo pa sya kamahal.. may mahal syang iba.. Walang ibang way palabas, kundi time. Ok lang maging tough pero di ibig sabihin nun pipigilan mo yung sarili mong umiyak. Tao tayo eh, pag malungkot ka, iiyak mo. Mahihirapan ka lang kung itatago mo pati sarili mo. At yung hell week? Kakayanin mo yun malagpasan. Oo, may mararamdaman ka if ever makita mo nga silang magkasama. Iiyak ka, masasaktan for about a week or two? Only God knows when.. but eventually makakapagcope ka. Kahit ayaw mong umiyak at kahit unfair.. mahal mo eh.. kaya iiyak ka.. wala namang taong nainlove ng di umiiyak di ba? Di pwedeng puro happiness lang. God has His plan. A perfect time para sa iyo. Di ba nga, good things come to those who wait? At pag andun ka na, masasabi mo na lang it's WORTH THE WAIT. :) -Haaaay. Lord, hindi ba puwedeng burahin na lang sila sa mundo? O kaya ako na lang mawala sa mundong ginagalawan nila? Ayoko na ng ganito. Ayoko ng umiyak! Ang sakit sakit na eh. Hindi ko alam kung paano akong tumigil sa pag-iyak nun. Siguro naubusan na rin ako ng luha. Wala ng mapiga yung mga mata ko. Kaya tinry kong matulog. Pero wala pa rin. Pagulong-gulong lang ako sa kama. Thinking over things that happened in my life. I suddenly then remember, alam pala ni Cassie na may gusto ako kay Rui. Oh.. Just.. great.. CHAPTER 8 ~~[8. Nourish your knowledge. Unveil the reasons why some bitterness is good for your body and soul.] Sometimes it is not enough that a lesson is explained to you. Many times you have to go through the experience and make a mistake before you learn what life is trying to teach you. ** Siguro sa lahat ng nasaktan ng dahil sa pag-ibig, ako na ang pinakabaliw. When I remember the fact that Cassie knows my feelings for Rui, I texted her as soon as possible para makiusap sa kanya na wag na wag na wag nyang babanggitin iyon kay Rui. Then I congratulated her at the end of the message.
I also told her, na lalayo muna ako sa kanya. Na humihingi muna ako ng time para makahinga yung Mr. Heart ko. I know it's so selfish of me to ask that from her, pero wala na akong magagawa. Masakit eh. Di ko kayang makausap muna sya katulad ng dati kasi hindi pa man, alam kong iiyak na ko. At ayokong umiyak sa harapan ni Cassie. O kahit kaninoman. As much as possible kung may option lang talaga ako na tuluyang lumayo muna sa kanila, ginawa ko na. Alam ko naman na yung ending nitong sitwasyon na ito eh. Ako at ako lang yung dapat lumayo. Ako yung dapat na makaintindi na kahit baliktarin man natin ang mundo, si Cassie yung babaeng gusto ni Rui. Hindi ako. Si Cassie lang. Pero hindi ganun kadaling lumayo sa mga taong gusto mong layuan lalo na kung hindi nakikisama ang tadhana sayo. Especially pag malakas pang mangpower trip ito minsan. Yung tipong durog ka na nga, mas lalo ka pang dudurugin. It was MM's birthday. Balak nyang manlibre nung araw na yun, and I got lucky to be invited beforehand. Dahil nga same circle of friends ang ginagalawan namin, Rui and Cassie were invited too. Knowing that, I turned down the invitation even though I badly wanted to come. Eh ang kaso nga di ba, weak ang Mr. Heart ko? Kaya if ever na sumama ako, magiging ewan lang yung celebration ni MM ng dahil sakin. Kasi imbis na masaya, magiging gloomy pa ng dahil sa akin. "hindi mo naman kailangang kausapin sila." sabi ni Lenlen sakin nung kinukumbinsi nya akong sumama, "andito naman kami teh!" "Lenlen.. Alam mo naman yung dahilan di ba.. Kaya hindi na ako sasama." "Sumama ka na Fia. Para may kasabay akong umuwi." sabat ni Rui out of nowhere, "or kahit wag na lang." OR KAHIT WAG NA LANG. Ouch. Ang sakit. In the end, dahil sa mga unexpected reasons, hindi nakasama si Cassie sa birthday celebration ni MM. Kaya in the end rin, nakasama ako kasi akala ko pag di sumama si Cassie hindi rin sasama si Rui. But I was wrong. He came with us. With a goal to shatter my heart in many million pieces nung nagkasabay kami pauwi. "dapat talaga hindi ko iniwan si Cassie, Fia eh!" sentimyento nya habang nakasakay na kami. "anong gusto mong gawin ko?" "wala naman. Pero dapat talaga hindi ko iniwan si Cassie dun." All the while na nasa byahe kami, si Cassie lang ang pinag-uusapan namin. Well he talked much about her. He even asked me if I wanted to read their text conversation. Kinuwento nya
lahat ng bagay na iniwasan kong alamin nung una. Pero ayun, nalaman ko pa din mula pa sa bibig nya. Lumaki yata syang manhid eh. Lumaki yata sya sa mundong ito para saktan ako. My stomach was all over the place that time. I remember I wanted to vomit kasi di ako mapakali. I told him to stop talking for a while, pero di sya nagpapigil. He asked me ways how to court Cassie. He asked me things about Cassie. Ako naman si tanga, nagbigay ng advice. "Si Cassie, madali yang makaappreciate ng mga bagay. Simple things can make her smile. So simulan mo sa simple things.." It was like during that time, Rui was talking to a bipolar. He's talking to the Sofia who's a dear friend of Cassie and to the Sofia who's hurting, badly. Buti na lang sa mga oras na yun iniinda ko yung bumabaliktad kong tiyan kasi kung hindi, baka umiyak ako sa harap ni Rui. Baka umiyak ako para lang pakiusapan sya na wag nya na akong saktan pa. Kasi alam ko na. Malinaw pa sa sikat ng araw na si Cassie yung gusto nya. Ilang beses pa bang dapat ulit-ulitin? Ilang beses pa bang dapat durugin yung puso kong durog na? Nakakainis na kasi eh. Ang dating na kasi, parang sinasadya na nyang saktan ako. Ano ba.. Pag ako nakamove-on, "who you?" sya sakin. Sa ngayon, iintayin ko munang dumating yung time na yun. Ang tanging magagawa ko muna eh ang lumayo. I know. It was easier said than done. Mauulit pa yung mga ganung scenario ng maraming beses. I need extra help from above. --First thing, don't visit Rui's facebook anymore. Second, don't text him. Third, limit your conversations. Fourth, don't ever write his name again in your diary. Lastly, just don't think of him again. Alright?-My mindset was all about that. Uumpisahan ko sa simple things. Para makalimutan ko na itong nararamdaman ko para kay Rui. "Fia, anong ulam mo?" tanong sakin ng bestfriend ko nung nagkasabay kaming kumain ng lunch isang beses sa dome. Pero hindi agad ako nakasagot dahil nakatuon yung attention ko sa iba. Kay Rui at Cassie, to be exact, habang sabay silang bumaba ng hagdan. "bitter." narinig kong sabi ng bestfriend ko. That caught my attention.
"huh? bitter? Sino?" sabi ko. "yung ulam mo yung tinutukoy ko. Ampalaya con carne yan diba?" she looked at my lunch intently, "know what? Sometimes, the things you think are bad for your senses turns out to be good eventually. Bitterness is good. Sabi nga nila, mas bumubuti yung isang tao kapag may bitterness sya sa katawan eh." "huh?" "tingnan mo itong ulam mo. This might taste nasty at first, pero maganda ang dulot nyan sa katawan. Mapait sya sa umpisa, pero andaming nutrients naman ang hatid nyan sayo na magpapabuti ng katawan mo, di ba." she smiled while telling me so. Hindi ko nagets agad yung gustong sabihin sakin ng bestfriend ko. Until I came to my senses. "Yeah maybe, some bitterness is good." yun na lang ang naisagot ko. CHAPTER 9 ~~ [9. Pray.] Wanting him is hard to forget. Loving him is hard to regret. Losing him is hard to accept. But letting go is the most painful yet. ** Most of the time, simula nung nalaman ko yung real deal kay Spark, natatawa ako sa sarili ko. I find myself so foolish. Hindi ko kasi alam kung sadya ba talaga akong martyr o ako lang talaga ang gumagawa ng paraan para saktan ang sarili ko. Yung feeling na sabi ng utak ko, kailangang dumistansya muna ako sa mga factors na magtitrigger ng pain sakin, na kailangan kong huminga at bumalik sa dating ako, pero yung puso ko yung nagiging dominante sa pagdedecide at parang nanadya pa para kusa kong malaman o alamin yung mga bagay that had something to do with the both of them. Like everytime na magkasama sila, my eyes may be focused elsewhere, but my attention is much concentrated to them. Hindi ganun kadali i-detach yung sarili ko sa kanila. Hindi ganun kadaling magpanggap na okay ang lahat especially tuwing may chance akong makausap sila. It's like, kahit tungkol sa ibang topic ang pinag-uusapan namin, sa subconscious mind ko, it will always be "si Cassie yung gusto ni Rui. Chances are, she might feel the same for him." Everyday, I earnestly seek the easiest way to forget the feelings I had for Rui, pero I would end up hurting myself instead. It always go in circles, first I would ask myself kung bakit kay Rui ako nagkagusto, and then ask myself again, why of all the girls, kay Cassie pa sya nahulog. Like, hello? Cassie is the perfect girl I can never be. But then, sa araw-araw na tinatry kong kalimutan yung nararamdaman ko para kay Rui, arawaraw ko ding nararamdaman yung guilt at yung sense of selfishness na nangyari sa friendship namin ni Cassie. Because of that little thing called love, kailangan pang maapektuhan yung napagsamahan namin.
I wonder, at times, ano kaya yung nararamdaman ni Cassie sa mga panahong ito? Naaapektuhan din kaya sya sa mga nangyayari o ako lang yung masyadong tuliro? May nararamdaman din kaya sya para kay Rui? Would they be together eventually? Would she care for him like how I asked from her to do so? Or what? Gusto kong malaman lahat, pero natatakot ako. Imbis kasi na nasa stage ako ng paglimot sa mga bagay bagay, baka lalo lang akong malunod sa nararamdaman ko pag nalaman ko pa yung mga sagot sa katanungan ko. But nonetheless, feeling ko talaga, ang selfish ko kay Cassie. "Am I too selfish?" I asked my dear friend one time. "siguro sa tingin ng iba selfish ka. Pero kailangan mong huminga eh." "ang hirap na nga eh. Ang pathetic ko lang no? Nang dahil dun, andaming bagay ang naapektuhan. Pati pagkakaibigan ko kay Cassie, nalamatan." "first heartbreak mo ba?" tanong nya. "hindi.. pero sa lahat ng heartbreak, ito ang pinakamasakit so far. Yung feeling na ayaw mo ng masaktan, pero hala sige! Pag nakikita ko silang magkasama, ang sakit lang talaga. Ayoko na talaga ng ganito. Gusto ko ng kalimutan lahat, ibalik na lang yung dati, kaya lang hindi ko alam kung saan uumpisahan eh." I covered my face, "haay. Ang pathetic ko talaga." "alam mo, maganda dyan, magpray ka." I looked at her again. Kahit medyo nasisilaw ang mata ko sa kanya, "I pray. Sa prayers ko, I would always ask Him to show me the way on what I should do to get these things over with. Pero sa paglipas ng panahon, parang wala namang divine intervention na nangyayari." "maybe, instead of asking Him kung ano dapat yung gawin mo ngayon dyan sa nararamdaman mo, siguro mas magandang ipag-pray ito - kung ano man yung will Niya para sayo, you are earnestly waiting it to be done.. In His time.. - mas maganda yun di ba? At least kahit paano, alam mo sa sarili mo na in His time, yung will Niya, whether it had something to do with your feelings for Rui or your friendship with Cassie, it will lead you to a better you. Hindi Niya naman ibibigay sayo yung ganitong sitwasyon kung alam Niyang hindi mo kakayanin ito, di ba. It's just His way para bigyan ka ng sign that there's someone else better for you. For sure ngayon naiinis ka na kasi ang sakit sakit na tapos antagal pa Niyang tapusin, pero the next thing you know, okay ka na." "kailan kaya yung right time Niya?" "only God knows when. Isipin mo na lang diamond ka." "huh?" I didn't get her. "every hard scratch shapes you to your precious state."
She smiled. Then I woke up. Realizing whether I just talked to an angel in my dream. I reached for my phone. Madaling araw pa lang ngayon. December 12. Before I proceed with my day, I talked to Him. Thank Him for another day He has given me. Asked for His guidance and told Him that I'm earnestly waiting for His will to be done. I think I can still endure the pain, somehow. At least I know He has plans for me.
CHAPTER 10 ~~[10. Do nothing. Time heals everything.] Some scars are beautiful. It reminds us how we heal as we endure. ** "Ate Fia, paano mo ba malalaman kung mahal mo na ang isang tao?" tanong sakin ng kapatid ko noong bumili kami ng Koreanovela sa bangketa noong isang beses. Nagulat naman ako sa kapatid ko sa tinanong nya sakin. Parang dati lang tinatanong ko ang sarili ko ng ganun. "tatlong K.." sabi ko habang tinitingnan yung pedestrian's stop light. "tatlong K?" "Kilig. Kabog. Kirot." I told her as I watched how the numbers count down before we could finally cross to the other side, "Kinikilig ka sa mga simpleng ginagawa nya. Kumakabog ang dibdib mo kapag nakakasama mo sya. Kumikirot ang puso mo pag nakikita mong nasa piling sya ng iba. Pag naramdaman mo yung tatlong K sa isang tao, for sure, mahal mo sya." Natawa yung kapatid ko sa sagot ko, sabay sabi sakin, "ang lalim ng pinaghuhugutan ah." "ah," I smiled, "Nabasa ko lang yun sa isang like page sa facebook. Excerpt ata yun sa isang libro ni Ricky Lee." Tatlong K. Kilig. Kabog. Kirot. Lahat yun naramdaman ko kay Rui. So totoo nga na mahal ko sya. Kahit hanggang ngayon naman. Hindi ko pa masasabing tuluyan ko ng nakalimutan yung nararamdaman ko para sa kanya. It's too soon to tell.
I'm still taking one step at a time. For now. Pero kahit paano, maluwag sa puso kong tinanggap yung mga nangyari, mga nangyayari at mangyayari pa lang. Tanggap ko na kahit paano na, baka, hindi talaga si Rui yung para sakin. Oo. Masakit pa rin sa akin kapag nakikita ko silang magkasama ni Cassie. Pero naniniwala na ako sa kasabihang 'Time heal all wounds.' Eventually, malalagpasan ko din lahat ito. Eventually, mahahanap ko din yung taong para sa akin. Every heartbreak leads me one step closer to my one true love. December 24. 7:45 PM. Ilang oras na lang bago magpasko. Sa paligid, ang tahi-tahimik. Pero deep within everyone's heart is a bucketful of gratitude for Him. Bago pa man din sumapit ang araw ng pasko, binigay na ni God yung christmas wish ko. Pasok kasi kami as one of the six finalists sa sinalihan naming contest nila Sam. On the down side though, hindi na makakasama sina Rui at Evo. I was sad. Not because of Rui alone, but maybe because nanghinayang ako na hindi kami makakaperform ng sama-sama sa mismong araw ng contest. Well, totoo nga siguro yung kasabihang, hindi lahat ng naisin mo ay makukuha mo. But I'm still thankful kay God dahil sa lahat-lahat ng binigay nya sakin this year. For the memories, may it be happy or something sad, plus the sense of being able to live one day at a time. Masaya na ang pasko ko dahil dun. As I receive holiday greetings from everyone, I suddenly felt the urge of doing something I never thought would happen as of now. Para kasing may tumapik sakin. Urging me to do it. Maybe kaya ako nagkakaroon ng lakas ng loob para gawin ito ay dahil sa Kanya. Hindi ko alam. Nahuli ko na lang kasi ang sarili ko na ginagawa na ang bagay na ito. Maybe, THIS IS THE RIGHT TIME. It's all or nothing. --Cassie, just wanna greet you a Merry Christmas! Sana masaya ka ngayon together with your family. Ayun. Just wanna say sorry din nga pala tungkol dun sa hiningi kong 'time' dati. Sorry for being weak. Hindi ko alam, nasaktan din pala kita. Sana mabalik kahit paano yung friendship natin dati. I miss you Cassie! Ily. Merry Christmas ulit.-I finally took the courage to patch things up with Cassie. Kahit alam kong hindi kami 'nag-away', syempre hindi mapagkakailang may nagbago. Kahit paano. I was so anxious for her reply. If she's gonna reply. 1..
2.. 3.. 4.. Yung feeling na pinapailaw mo yung screen ng phone mo para makita mo agad kung may nagtext. 5.. 6.. 7.. Yung tipong pag medyo matagal magreply, gagawa ka muna ng other stuff, only to be pulled back so easily pag narinig mong may nagtext. 8.. 9.. 10.. Yung feeling na nagreply na yung tinext mo at kinakabahan kang basahin yung message nya. --merry Christmas din sau Sofia. :D kung anuman yung nangyari nun, kalimutan na lang natin. Wala naman sa akin yun, naiintindihan kita. Nga pala! Congrats sa contest. Galingan nyo! Ingats palagi. imytoo nd ilytoo! ^u^-Nung natapos kong basahin, I let out a sigh. Parang yung burden ko, gumaan. Maybe, this is one of His plans for me. Maybe this is the right time talaga. Suddenly I realized how that felt. Of letting go. Ang weird. Parang lahat bumalik sa dati. Parang hinatak ka ng oras para ibalik ka sa dating 'ikaw'. Lalo na sa aspeto ng tibok ng puso mo. My heartbeat feels normal. As if saying, handa ulit syang kumabog. Sa tamang panahon. ~~THE END~~