Tula
Tula
Ilaw ay bumubukas
Kasabay ng liwanag na malakas
Nagliliwanag sa landas
Ng ating bukas.
Dumidilim dumidilim ito
Nagpapahiwatig na may nagpatay nito
Madilim na ngayon rito
Sino kaya ang maghahatid ng liwanag dito?
Parang buhay natin,
Mayroong nagbababa sa atin
Ano kaya ang kanilang hangarin?
Bakit ganito ang kanilang saloobin?
Mga pagsubok, laging nandiyan
Kailangan lang nating labanan
Upang makarating sa tamang daan
At para makita ang liwanag ng kinabukasan.
Samantha Louise R.
Carimpong
Grade 9 Diamond
Mrs. Leaneth Ramos
Group #: 1
Group Name: West