100% found this document useful (1 vote)
526 views18 pages

WRITTEN REPORT FILI 1002 (Campollo, Ricarte, Rivera, Viterbo)

Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
100% found this document useful (1 vote)
526 views18 pages

WRITTEN REPORT FILI 1002 (Campollo, Ricarte, Rivera, Viterbo)

Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 18

I.

INTRODUKSYON

Ang iba't ibang mga teorya ay inilatag upang ilarawan ang pag-aaral at
pagkatuto ng una at pangalawang wika. Upang maunawaan ang likas na katangian
ng pagkuha ng una at pangalawang wika, iba't ibang mga aspeto ang sinuri,
inihambing, at tinukoy ang kaibahan. Ang mga resulta mula sa mga paghahambing
at kaibahan na ito ay may mahalagang mga implikasyon para sa mga guro ng wika
na maaari tulungan silang mag-disenyo ng kanilang mga syllabus, proseso ng
pagtuturo at mga aktibidad sa silid-aralan. Pinapagana ng mga resulta na ito ang
wika guro upang maunawaan ang kanyang mga mag-aaral bilang isang proseso.

Maraming mga katangian ng pagkuha ng ikalawang wika ang nabigyang-


pansin ng mga pag-aaral na isinasagawa sa isyu ng Interlanguage. Ang teoryang
Interlanguage ay binuo noong 1970s at 1980 upang bigyang-diin ang mga pabago-
bagong katangian ng pagbabago ng wika na gawin ang Interlanguage na isang
natatanging sistema.

Si Selinker (1969, na binanggit sa McLaughlin, 1987) ay tumutukoy sa


pangkalahatang lingguwahe bilang ang pansamantalang mga gramatika na itinayo
ng mga nag-aaral ng pangalawang wika patungo sa target na wika. Ang
pangkalahatang linguwahe ay ang pag-aaral ng pagbuo ng pangalawang kaalaman
sa wika at may ilang mga katangian ng katutubong wika, pangalawang wika, at ilang
mga katangian na tila napaka-pangkalahatang at may posibilidad na mangyari sa
lahat o iba pang Interlanguages. Ito ay sistematiko, dinamiko at patuloy na
umuusbong. Tumaas ang pagbabago sa pananaliksik tungkol sa wika sa nakalipas
na dalawang dekada matapos makuha hindi lamang ang atensyon ng linguists kundi
pati ng lahat ng uri ng guro sa ibat ibang mga bagay na konektado sa lengguwahe.
Sa pag-aaral ng wika, halimbawa na lamang, hindi pangkaraniwan na makahanap
ng mga gurong nagsasanay na inaaral ang unang wika para lamang mapalawak ang
kanilang sa pagtuturo sa mga makakasalamuha nilang katutubong estudyante. Sa
ibang pag-aaral, binibigyan ng pagkilala o introduksyon ang unang wika dahil mas
mabilis na matutunan ng mga bata ang kanilang unang wika kaysa sa pangalawang
wika na kailangan ng matinding pag-aaral. Kailangan ng matinding pagsasanay at
sistematikong pag-aaral patungkol sa pangalawang wika.
II. PAGLALAHAD NG MGA IDEYA

Sa pagtuturo ng lengguwahe, kailangan ng paulit-ulit na pagsasanay upang


makuha ang isang bagay. Obserbahan natin ang isang bata sa pagtamo ng kanyang
unang wika o mother tongue, inuulit-ulit niya ang isang bagay hanggang sa makuha
nya ito ng maayos. Ito rin ang dapat nating gawin sa pagkatuto ng foreign language.

Ang pagkatuto ng lengguwahe ay matatamo sa pamamagitan ng imitasyon o


panggagaya. Katulad na lamang ng nabanggit sa itaas, na natatamo ng mga bata
ang kanilang wika sa pamamagitan ng imitasyon o panggagaya.

Sa pagkatuto ng foreign language, kadalasan nating ginagawa, una ay ang


pakinggan ang tamang pagbigkas ng isang tunog, sumunod ang paglikha ng salita at
panghuli ay ang pagbuo ng isang pangungusap. Ito ang natural na pagkakasunod sa
kung paano natin natututunan ang isang lengguwahe.

Panoorin o obserbahan ang paglago ng kaalaman ng bata tungkol sa wika,


pasalita man o pasulat. Una, pinakikinggan niya ang tunog saka ito isasalita. Ang
pang-unawa sa isang salita ay susunod na lamang ng kusa. Ibig sabihin, ito ang
tamang paghahayag ng pagkakasunod-sunod ng proseso sa pagkatuto ng isang
lengguwahe.

Ang isang bata ay nakikinig at nagsasalita ng mga tunog at salita kahit walang
nagtuturo sa kanila, nagkukusa ito. Ang pagbabasa at pagsulat mas mataas na lebel
ng pagkatuto. Ang natural na pagkakasunod-sunod para sa una at pangalawang
wika ay pakikinig, pagsasalita, pagbabasa at pagsusulat.

Noong bata tayo, hindi na kinakailangan ng pagsasalin upang matutunan ang


unang wika, kaya naman maaaring hindi na tayo dumaan sa proseso ng pagsasalin
sa pag-aaral ng ibang lengguwahe.

Ang isang bata ay natural na ginagamit ang lengguwahe nang hindi iniisip ang
tamang pagkakasunod-sunod nito, walang nagbabanggit sa kanya ng tungkol sa
pangngalan at pandiwa ngunit unti-unti itong nakabubuo ng isang pangungusap.
Maaari ring sa ganitong paraan tayo matuto ng ibang lengguwahe.
Ang mga pahayag na ito ay inilalahad upang malinawan ang mga taong
nananahan sa teoryang behavioristic na kung saan ang akwisisyon ng unang wika
ay binubuo ng mga sumusunod : (1) role practice (2) habit formation (3) shaping (4)
overlearning (5) reinforcement (6) conditioning (7) association at (8) stimulus and
response.

Ang mga pananaw na ito ay may mga kapintasan din. Ang mga kapintasan
na ito ay maaaring maobserbahan ng mga tagapagturo nito ay maiayos base sa
tamang istruktura.

Mga Domeyn ng Pagkatuto ng Wika

Mahalagang malaman ng isang magiging guro ng Filipino sa hinaharap ang


kahalagahan ng layunin sa pagtuturo ng wika na walang ibang layon kundi ang
pagkatuto ng mga mag-aaral. Isa sa mga esensyal na hakbangin tungo sa
ikauunawa ng epektibong pamamaraan ng pagbubuo ng layunin ay ang
pagkakaroon ng komprehensibong kaalaman sa apat (4) na domeyn ng layunin sa
pagkatuto ng wika: Domeyn Pangkabatiran o Kognitib (Cognitive Domain); Domeyn
na Saykomotor (Psychomotor/Physical Domain); Domeyn na
Pandamdamin(Affective Domain) at Domeyn na Linggwistik (Linguistic Domain). Ang
bawat domeyn ay kumakatawan sa isang partikular na set ng mga palagay at
paniniwala tungkol sa kung paano natututo,kumikilos,at gumagalaw ang mga mag-
aaral sa isang pagtuturong pangklasrum.

Domeyn na Saykomotor o Pisikal (Psychomotor or Physical Domain)

Ang domeyn ng Saykomotor ay nahihinggil sa kasanayang motor at


manipulatibo na nangangailangan ng koordinasyong neuromascular. Ang sayko
(psycho) ay nangangahulugang “isip” at ang motor ay “galaw”.Ito ay kinapapalooban
ng mga layunin na ang tinutungo ay ang paglinang ng mga kasanayang motor at
kasanayang manipulatibo.Sa lubusang pagkamit sa domeyn na ito ng pagkatuto,
nilalayon ng guro ang pagkalinang ng mga kakayahang pisikal mula sa mga
batayang galaw ng katawan (paglakad,pagtakbo) hanggang sa mga kilos at galaw
na nangangailangan ng maraming pagsasanay upang matamo (pagtugtog ng
gitara,pagsayaw,paglangoy, at iba pa).

Apat ang mahihinuhang pangkalahatang kategorya sa domeyn na


saykomotor o pisikal: observing o pagmamasid , imitating o paggaya at pagsunod sa
kilos at galaw, practicing o paulit-ulit na pag-ensayo at adapting, ang huling hakbang
upang perpektong maisakatuparan ang ganap na pagkatuto.

Domeyn Pangkabatiran o Kognitib (Cognitive Domain)

Ang Domeyn Pangkabatiran o Kognitib ay pumapatungkol sa paglilipat o


transmisyon ng kaalaman. Ito ay mga layunin na lumilinang ng mga kakayahan at
kasanayang pangkaisipan ng mga mag-aaral. Ang kognitib na domeyn at tumutukoy
sa mga pag-iisip na rasyunal, sistematiko o intekektwal. Ang pang-unawa o
pagkatuto ng tao ay mabilis na umuunlad sa unang labing anim na taon ng kanyang
buhay at bumabagal pagtanda. Iminungkahi ni Jean Piaget ang intelektwal na
pagdebelop nang isang bata sa pamamagitan ng iba’t ibang yugto: ang yugto ng
sensorimotor mula sa edad 0 hanggang 2, ang yugto ng pre-operational mula sa
edad na 2 hanggang 7 at ang yugto ng operational mula edad 7 hanggang 16. Ang
pinaka kritikal na yugto para sa pagkatuto ng una at pangalawang wika ay
nagaganap sa sa pagbibinata o pagdadalaga ng isang tao o sa edad na 11. Sa
panahong ito, ang isang tao ay mayroon ng kakayahang mag-isip ng tama na
umaayon sa karanasan at sa kanyang nararamdaman.

Sa lubusang pagkamit sa domeyn na ito ng pagkatuto, kailangan ang


pagtuturo at mga kaligiran sa pagkatuto na magpapabilis sa pagkatuto ng wika.

Domeyn na Pandamdamin o Apektib (Affective Domain)

Ang bawat tao ay mayroong iba’t ibang emosyon at naiimpluwensyahan nito


ang bawat isa. Isa sa tinitignan ang Domeyn na Pandamdamin (emotional) upang
malaman ang sagot sa kung ano ang pagkakaiba ng pagkatuto ng una sa
pangalawang wika. Ang Domeyn na Pandamdamin ay nahihinggil sa paglinang ng
mga saloobin, emosyon, kawilihan at pagpapahalaga ng mga mag-aaral. Ito ay may
kinalaman sa pagkakaroon ng simpatya, pagpapahalaga sa sarili, pag-uugali at iba
pa na may kaugnayan sa pagkatuto ng pangalawang wika. Kasama sa domain na ito
ang paraan kung paano natin haharapin ang mga bagay sa paraang emosyonal,
tulad ng mga damdamin, pagpapahalaga, pagiging mahinahon.

Domeyn na Linggwistik (Linguistic Domain)

Ang dumaraming bilang ng mga pag-aaral ng mga mananaliksik ay


nagagamit na ngayon upang mabigyan ng kalinawan ang mga proseso ng
linggwistikong pag-aaral ng pangalawang wika, at kung paano naiiba ang mga
proseso sa pagitan ng bata at matanda. Malinaw na ang mga bata na natututo ng
dalawang wika ay sabay na natututo sa pamamagitan ng paggamit ng magkatulad
na pamamaraan o diskarte. Ang susi sa pagkatuto ng dalawang wika ay ang
paggamit nito sa magkaibang konteksto. Karaniwan mayroong 2 natatanging mga
konteksto tulad ng tahanan / kapitbahay, tahanan / paaralan, o ina / ama. Ang mga
bata ay hindi nahihirapan na matukoy ang paghihiwalay at pagkakaiba ng naturang
konteksto, kahit na kung minsan ang pagkuha o pagkatuto ng unang wika ay
bahagyang mas mabilis kaysa sa isang wika.

Ang proseso ng pagkatuto sa pangalawang wika ng matatanda ay hamak na


mas mahirap sapagkat iilan lamang ang mga detalyadong pag-aaral na isinasagawa
sa natural na pamamaraan, isa rito ang hindi pinag-aaralang akwisisiyon ng
lingwahe ayon sa matatanda. Karamihan sa akwisisyon ng pangalawang wika ng
matatanda sa kultura ng kanluranin ay nahuhubog sa pamamagitan ng iba’t ibang
kagamitan sa silid aralan (aklat, estratihiya atb.) ngunit magiging mahirap tapusin
ang natural na proseso. Habang ang mga susunod na mga kabanata ay
mababanggit ang isyung ito, isa lamang ang pinapabatid nito, na ang may mga
sapat na edad na tumatanggap sa pangalawang wika sa sistematikong paraan ay
hindi mahihirapan at ang mga nagtatangkang bumuo ng isang lingwistikong
balangkas batay sa mga impormasyong maaring magamit, at impormasyon na
nagmula sa katutubong wika at pangalawang wika. Ang natural at pagkakasunod-
sunod na sistema ng mga paksa ng pangalawang wika ngayon ay magandang
pananaliksik. Ang dapat na matutunan natin sa pananaliksik na ito ay ang kaguluhan
ng unang wika ay hindi nagpapahiwatig na ito ang pinaka mahirap na bahagi sa
akwisisiyon ng pangalawang wika ng mga matatanda. Ang pagkatuto ng mga
matatanda sa pangalawang wika ay nagpapahiwatig ng ilang problema na nakita rin
pagkatuto ng bata sa unang wika. Isang serye ng pananaliksik nina Heidi Dulay at
Marina Burt ang nagpapahayag ng mga kahalagahan ng mga kadahilanan bukod sa
unang wika. Sinasabi nila na ang pagkatuto ng mga bata ng pangalawang wika ay
ginagamitan ng malikhaing konstruksiyon ng proseso katulad ng unang wika. Ang
konklusiyon na ito ay sinusuportahan ng isang pananaliksik sa akwisisyon ng labing
isang ingles na morpema sa pagkatuto ng mga bata ng ingles bilang kanilang
pangalawang wika. Natuklasan nina Dulay at Burt na mayroong mga
magkakamukang bagay sa akwisisyon ng bata sa iba pang mga katutubong wika at
ang bagay na ito ay kamukha ng bagaybna natuklasan ni Roger Brown gamit ang
parehong instrumento ngunit ito ay ang pagkuha ng bata sa wikang ingles bilang
kaninang pangalawang wika.

Ang mga argumentong ito ay lohikal at metodolohikal tungkol sa pagiging


totoo ng mga pananaliksik nina Duly at Burt. Ipinaglaban naman ni Ronansky ang
mga istatistikal na pamamaraan na ginamit ay pinaghihinalaan at sa nabanggit na
labing isang morpena ng Ingles iilan lamang ang pagkakaugnay nito sa ingles.
Gayunpaman, iginigiit na ang mga bata ay mukhang hindi naman naguguluhan sa
unang wika katulad ng mga matatanda, ito ay pinapatunayan ng iba’t ibang
pananaliksik na patungkol sa pagkatuto ng bata ng pangalawang wika, sa
pamamagitan ng mga gulo sa unang wika, ito ay tinuturing na bihira. Mas
magkakaroon ng kaisipan na ang unang wika ay hindi nagpapakita ng parehong
antas ng kaguluhan sa pagkatuto ng mga bata ng pangalawang wika katulad ng mga
matatanda.

Ang mga matatanda ay siguradong may malay sa pagkatuto ng wika,


ipinapakita na mas magagamit ng maayos ang unang wika dahil sa matibay na
pundasiyon nito, subalit ito ay lalong magiging magulo. Ngunit ayon nga sa mga
nabanggit kanina, nakakagawa rin ng pagkakamali ang mga matatanda ba hindi
katulad ng mga ilang pagkakamali na nagagawa ng mga bata. Ang resulta ng
malikhain pang-unawa sa pangalawang wika ay naglalayong matuklasan ang mga
panuntunan na hiwalay mula sa mga patakaran ng unang wika. Gayunpaman ang
unang wila ay mas mainam gamitin para punan ang mga pagkukulang na hindi
napupunann ng nag aaral dahil sa pagbuo ng pangalawang wika. Sa mga ganitong
kaso, dapat nating maunawaan na ang unang wika ay ituring din bagay na dapat
pangasiwaan at hindi sagabal lamang.

Tinatalakay naman ang apat na domeyn na naglalaman ng mga dahilan ng


pagkukumpara at pagkakaiba ng una at pangalawang wika. Gayunpaman, sa apat
na iti ay mahalagang mapanatili ang pagkakaina sa pagitan ng tatlong uri ng
paghahambing sa pagkuha ng una at pangalawang wika, dapat din ay mag-ingat sa
pagkukumpara ng una at pangalawang wika. Sa pagsasaalang-alang ng tatlong
posibleng paghahambing, dapat ay alisin ang mga hindi kailangan salita sa lohika.
Sa pamamagitan ng pag-gamit sa kanila, makakabuo ka ng sarili mong
pagkakaintindi kung ano ang relasyon ng una at pangalawang wika at kung paano
ang relasyon na ito ay nakakatulog sa pagkatuto ng pangalawang wika.

MGA ISYU SA PAGKATUTO NG UNANG WIKA.

Kakayahan – Pagsasagawa

Mahirap makarating sa kakayang lingguwistika sa pamamagitan ng


pangalawang wika, tulad na lamang ng unang wika. Para sa mga bata ang pang
huhusga ng gramatika ay maaring matamo ang pangalawang wika at magkaroon ng
epekto. Para sa mga matatanda maari silang mas maging direkta sa kanilang
kakayahan at maaring pumili sa pagitan ng dalawang alternatibong paraan at
ipinapakita nila ang kanilang kanalayan sa gramatika ng pangalawang wika. Bukod
dito, sa paghatol ng mga pagsasalita sa modernong silid-aralan ng wika at mga
tugon sa iba’t ibang mga pagsubok, ang mga guro ay kailangang maingat na
maingat sa pagkakaiba sa pagitan ng pagganap sa

Bukod dito, sa paghatol ng mga pagsasalita sa modernong silid-aralan ng


wika at mga tugon sa iba’t ibang mga pagsubok, ang mga guro ay kailangang
maingat na maingat sa pagkakaiba sa pagitan ng pagganap sa ibinigay na araw o sa
isang naibigay na konteksto at kakayahan ng kalahatan sa pangalawang wika.

Pag unawa vs. Produksiyon


Kahit pa ang pag-unawa ay nagmula sa isang hiwalay na antas ng kakayahan
o hindi, mayroong isang unibersal na pagkakaiba sa pagitan ng pag-unawa at
paggawa. Ang pag-aaral ng pangalawang wika ay karaniwang nangangahulugang
pag-aaral na masalita at maunawaan ito.

Pagka walang malay.

Pagtanda natin, ano nga ba ang nangyayari sa “Little Black Box” o LAD?
Nagdudusa ba ang matatanda sa “harpening of arteries”? Kasama ba nating
tumanda ang LAD? Ang pag uuri ba ang kamatayan ng LAD? Wala tayong sagot sa
mga tanong na ito, pero may mga pahiwatig na sa pisikal, kognitibo at apektibong
dahilan. Ang alam lang natin ay ang matanda at mga bata ay parehong nagpapakita
na maaring matutunan ang wika sa kahit anong edad. Kung hindi nakuha ng isang
tao ng matagumpay ang pangalawang wika ito ay dahil sa namamagitang dahilan sa
kognitibo at apektibong rason at hindi sa kawalan ng likas na kakayahan.

Mga Unibersal

May roon bang unibersal na istrakturang pareho sa lahat ng wika? Kung


ganoon ay pagkakatuto ng pangalawang wika ay tungkol lamang sa pagkakatuto ng
mga mabababaw na parte nito may roon ng bagong ayos ang nakatatag.
Gayunpaman, tila may maliit na ebidensya na ang malalim na istruktura ay unibersal
din. Ang kahulugan at pag-iisip ay tila ba natutuloy bilang kultura ng mababaw na
istraktura. Kung may isang matagumpay na paraan upang matutunan ang
pangalawang wika, ito ay detalyadong pag-aaral ng mga katangian ng “mabuting
mag-aaral ng wika” sa buong mundo at maaaring magsimulang buksan ang ilan sa
mga bagong vistas

Wika at Kaisipan

Ang isa pang isyu na nagpapabagabag sa isip natin ay ang una at


pangalawang pagkuha ng wika ay ang tumpak na ugnayan sa pagitan ng wika at
pag-iisip. Siguradong malinaw sa atin na ang kaisipan ay hinuhubog ang wika at ang
wika ay hinuhubog ang kaisipan. Ang nag aaral ng pangalawang wika ay malinaw na
nagpapakita ng pag aayos ng mga bagong bagay kaysa sa luma. Ang pagkilala sa
mga kaisipan at konsepto ng wika sa parehong paraan ngunit hindi nalalayo sa
pangalawang wika ay ang bagong paraan na ng pag uuri. Ang guro ng pangalawang
wika ay kailangang maging lubos na may kamalayan sa mga uri ng pag-iisip sa
kultura na maaaring maging maka sagabal sa mga uri ng kanilang lingwistika.

Imitasyon

Habang ang mga bata ay mahusay sa malalim na istraktura ng imitasyon, ang


mga matatanda, kung maglalakas-loob ay mas mahusay sa mababaw na
istratraktura ng pang gagaya lalo na kung tahasan nilang idederekta ang alinman sa
panloob o panlabas na mga gawain nila. Minsan ang kanilang pagpopokus sa sentro
ng kababawan sa pagintindi ay nagiging dahilan para sila ay maguluhan sa wika
pero madalas ito ay nakakatulong. Ang pagkakatuto ng matatanda ng pangalawang
wika ay may maitutulong para sila ay magkamalay sa totoong halaga nito at
mabawasan ang kamalayan sa pagiging mababaw habang sila ay nakikipag-usap.
Ipinahihiwatig nito na ang mga makahulugang konteksto sa pagkatuto ng wika ay
kinakailangan; ang mga nag aaral ng pngalawang wika ay naglalayong hindi maging
abala dito at hindi makalimutan ang tungkulin at layunin ng wika.

Pagsasanay

Napakaraming klase ng wika ang paulit ulit na pinagsasanayan at nakasentro


sa mababaw na paraan. Kung tama si Ausable sa janyang teyorya ng pagkatuto,
ang bilang ng mga nasasayang na oras sa pagsasanag ay hindi parte ng pagkatuto.
Ang importante ay ang pagpapahalaga. An kontekstwalisado, maayos at
makahulugang komunikasyon sa nag aaral ng pangalawang wika ay maaring
mangyari.

Input
Sa kaso ng pagkatuto ng mga matatanda ng pangalawang wika ang pang
magulang na input ay napapalitang ng input ng isang guro. Makakatulong ang isang
guro upang magkusa ang nag aaral ng pangalawang wika ngunit may kahulugan
ang kanyang pakikipagkomunikasiyon sa kanyang mga estudyante na parang
magulang sa bata, dahil ang input ay importante sa pagkatuto ng pangalawang wika
kagaya ng unang wika. At ang input na iyon ang magtataguyof ng mahalagang
komunikasyon ng nag-aaral ng wika gamit ang wika.

III. PAGHAHAMBING AT PAGKOKONTRAST NG MGA IDEYA

UNANG WIKA- ito ay ang katutubong wika(native tongue), inang wika o


arteryal na wika.Itoy natutunan natin mula ng tayo ay ipinanganak.

PANGALAWANG WIKA

- ayon sa dalubwika, ito ay tumutukoy sa alinmang wikang natutuhan ng isang


tao matapos niyang maunawaang lubos at magamit ang kanyang sariling wika o ang
kanyang unang wika.

MGA URI NG PAGKAKATULAD AT PAGKAKAIBA

Nakapaloob dito ang pagbibigay ng pagkakahambing ng akwisisyon ng una


at pangalawang wika. Mas magiging lohikal ito sa pamamagitan ng paghahambing
ng pagkatuto ng bata at matanda.

Ang Cell A1 ay sinasabing hindi pangkaraniwan dahil may naitalang ilang


mga kaganapan na kung saan ang matanda ay nakatatamo ng kanyang unang wika.
Mayroong isinulat si Curtis (1997) tungkol kay Genie, labing-tatlong taong gulang,
isang batang madalas mapag-isa sa buhay hanggang sa may nakatuklas sa kanya
at sumubok na ituro ang kanyang unang lengguwahe. Ibinilang sya sa tinatawag na
“wolf children” at sa isang banda ay ibinilang sya sa A1.

Ang mag uri na tinutukoy ay C1-C2, C2-A2 at C1-A2


Unang Uri : Ang akwisisyon ng una at pangalawang wika sa mga bata (C1-
C2)

Pangalawang Uri : Akwisisyon ng pangalawang wika sa bata at matanda (C2-


A2)

Pangatlong Uri : Akwisisyon ng unang wika sa mga bata at akwisisyon ng


pangalawang wika sa mga matatanda.

Ang pagkakapareho sa pagitan ng pagkatuto ng una at pangalawang wika ay


makikita sa pag-uugali ng orihinal na sumusubok na ipaliwanag ang pag-aaral sa
pangkalahatan. Sinubukan ng psychologist na si Pavlov na maipaliwanag ang pag-
aaral sa mga tuntunin ng pag-kondisiyon at ugali. Kasunod ni Pavlov, sinubukan ni
B. F. Skinner na ipaliwanag ang pag-aaral ng wika sa mga tuntunin ng nagpapatakbo
ng kondisyon nito. Dito nakikita ang pananaw na ang wika bilang isang pag-uugali
na maituro.

IV. MGA PAGPAPATUNAY BUHAT SA MGA PAG-AARAL AT


PANANALIKSIK

Ang mga sumusunod ay mga teorya tungkol sa una at pangalawang wika :

FIRST LANGUAGE ACQUISITION :

Ayon kay W. Tecumseh Fitch, Mother Tongues’ Hypothesis (2004), ang wika
ay lumitaw bunga ng ugnayan ng ina at ng kaniyang anak hanggang sa mapabilang
ang iba pang kamag-anak. Gayun din ang teoryang “Mama” mula sa Linggwistikal
na Teorya na nagsasabi na ang pagkatuto ng wika ay nagmula sa pinakamadaling
pantig ng pinakamahalagang bagay, gaya ng pagiging mahalaga gaya ng ina sa
kaniyang sanggol.

Psycholinguistics theory -
Pinagsamang pagaaral ng pagiisip ng tao at lenggwahe. Sikolohiya at
lenggawahe

Ayon kay Katz ang teoryang Linggwistik ay dapat nakaayon sa detalye ng


klase ng gramatika.Dahil dito, ang wikang panlahat ay dapat batay sa uri ng pagpili
ng gramatika. Ang pagpili ay tumutukoy sa tatlong uri na tinatawag na
organizational, formal at substantive universal. Ang organizational universal ay
nahahati sa dalawang kategorya ang Componential at Systematic Organizational
Universal. Ang Systematic Organizational Universal ay tumutukoy sa pakikipag
ugnayan ng tatlong bahagi ng gramatika. Ang Componential Organizational
Universal naman ay tumutukoy sa pagkakaayos ng mga tuntunin sa bawat bahagi
ng gramatika.

Batay kay Mc Neills, ay mayroong tinatawag na Matibay na Linggwistik


Unibersal at Mahinang Linggwistik Unibersal. Ang mahinang Linggwistik Unibersal
ay isang larawan ng wikang panlahat na may kasanayan na nagbibigay malay.
Matibay na Linggwistik Unibersal ay isang larawan ng isang tiyak na wika na may
kasanayan subalit hindi isang larawan ng isang kasanayan na nagbibigay malay.

Teoryang Generative

Ayon kay Noam Chomsky, nilalayon ng teoryang generative na masagot


ang misteryong nasa likod ng pagkatuto ng unang wika na hindi nasagot at
napatunayan ng teoryang behavioristic. Nais nitong mapunan ang kakulangan ng
unang teorya at makapagbigay ng higit na malawak at malinaw na pagpapaliwanag
sa pagkatuto ng unang wika

Mauuri sa dalawa ang teoryang generative : ang teoryang nativist o


innatism at ang teoryang cognitive.

Teoryang Nativist

Biologically programmed ang pagkatuto ng wika.


Pinaninidigan ng teoryang nativist na ang lahat ng tao ay isinilang na may
likas na salik sa pagkatuto ng wika. Ipinaliwanag ni Chomsky ( 1975 ) na ang
kakayahan sa pagkatuto ng wika ay kasama na ng tao sa kanyang pagkasilang at ito
ay unti-unting nadedebelop sa kanyang patuloy na pakikipag-interaksyon sa
kanyang kapaligiran.

Tinukoy ni Chomsky ang natatanging kakayahan ng Language Acquisition


Device ( LAD ) na tinatawag ding little black box na matatagpuan sa isang sulok ng
ating utak subalit sa paglipas ng panahon ay pinalitan na ni Chomsky at ng kanyang
mga kapanalig ang terminong ito, sa halip ay tinawag nila itong Universal Grammar
(UG).

Teoryang Cognitive

Ang teoryang cognitive ay naniniwala na ang pagkatuto ng wika ay


manipestasyon ng kabuuang pag-unlad ng tao. Ito ay isang aktibong prosesong
pangkaisipan.

Ang nag-aaral ng wika ay palaging nangangailangang mag-isip at gawing


may saysay o makabuluhan ang bagong tanggap na impormasyon, alamin ang mga
tuntunin at mailapat ang mga ito.

Ayon sa mga cognitivist, ang pagkakamali ay isang palatandaan ng pagkatuto


at eksperimentasyon at hindi ito agad-agad na iwinawasto. Isa itong bahagi ng
pagkatuto.

Pagkakatulad : Ang tao ay ipinanganak na may likas na kakayahang


matutuhan ang wika.

Pagkakaiba : Ayon sa nativist ay hindi kailangang suportahan ang bata sa


pagtatamo ng wika dahil likas niya itong matututuhan. Samantalang sa cognitivist,
kailangan ang pagtuturo at mga kaligiran sa pagkatuto na magpapabilis sa
pagkatuto ng wika.

Ayon kay Jean Piaget, ang kognitibong pag-unlad ng tao ay sumasaklaw sa


apat na hakbang :

(1) sensorimotor, mula pagsilang hanggang edad 2,

(2) pre-operational, edad 2 hanggang 7,


(3) concrete operational, edad 7 hanggang 11,

(4) formal operations, edad 11 hanggang l5

Kasabay ng mga hakbang na ito ang kakayahan sa paggamit ng wika ng


bawat tao

SECOND LANGUAGE ACQUISITION :

Ang Teorya ng Monitor (Monitor Theory) ay binubuo ng limang haypoteses.

Ito ay ang mga sumusunod:

 Acquisition Learning Hypothesis

 Natural Order Hypothesis

 Monitor Hypothesis

 Input Hypothesis

 Affective Learning Hypothesis

Nagsimula ang teorya ng akomodasyon noong 1973. ang teorya ng


akomodasyon ay kilala noon bilang Speech Accomodation hanggang napabilang dito
ang mga tinatawag na di-pasalita (non-verbal) na aspeto ng komunikasyon at
pagkatapos ay tinawag na itong yeoryang akomodasyon.

Ang teoryang akomodasyon ay nakapokus sa mga taong kasangkot sa


sitwasyong pangwika sa proseso ng pag-aaral at pagkatuto ng pangalawang wika.
ang teorya ng akomodasyon ay nagbibigay ng paliwanag sa pag-aaral ng iba pang
wika. ang iba't ibang paggamit ng wika ay bunga ng magkasalungat na
nakasanayang wika sa iba't ibang sitwasyon.

Ang Variable Competence Model ay isang modelong ipinanukala ni Rod Ellis


noong 1984 kung saan pinalawak niya ang mga ideya nina Tarone (1982, 1983),
Widdowson (1979; 1984) at Bialystok (1982). Ayon kay Rod Ellis, ang pagkaka-
exposed sa wikang pinag-aaralan ng isang tao ay mahalaga sa pag-aaral nito. Tulad
na lamang ng isang bata, natututo siyang magsalita dahil sa kanyang mga naririnig
na nagsasalitang tao sa kanyang paligid. Ang Variable Competence Model ay
nahahati sa dalawang kategorya: ang Product of Language at ang Process of
Language.

Ipinapaliwanag sa Product of Language na ang diskurso ay maaaring planado


at hindi planado. Nakadepende sa nagsasalita ang produkto ng kanyang sasabihin,
kung ito ay planado, ang mga salita ay pili at ang nagsasalita ay higit na maingat sa
pagsasalita nito. Halimbawa, bago magbitaw ng salita ang isang tao sa isang
partikular na sitwasyon ay pag-iisipan muna nito ang kanyang sasabihin dahil ayaw
nitong makasakit ng damdamin. Makikita sa halimbawa ang pag-iisip at pagiging
maingat ng taong iyon upang hindi siya makasakit, ibig sabihin ay pinagpaplanuhan
niya ang kanyang sasabihin. Ngunit kung ang diskurso ay hindi planado, maaaring
makasakit ito ng damdamin ng kanyang kapwa.

Ang Process of Language naman ay ipinapaliwanag ang kaibahan ng


linggwistikong kaalaman (rules) at ang abilidad sa paggamit nito (procedure) kung
saan ang linggwistikong kaalaman ay ang kaalaman ng isang tao sa gramatika,
istruktura at pagkakaayos ng mga salita sa isang partikular na wika. Ang abilidad sa
paggamit ng wikang pinag-aaralan ay ang performance o kung paano bibigkasin o
isasalita ng isang tao ang wikang iyon.

Ipinapakita sa Variable Competence Model ang kahalagahan ng exposure sa


wikang pinag-aaralan, pagpaplano ng diskurso, at ang linggwistikong kaalaman ukol
sa partikular na wika.

V. PAGLALAPAT SA REYALIDAD AT SA KASALUKUYANG SITWASYON

Ang kakayahang gumamit at pagkakaroon ng wika ay isang


pangunahing aspeto na nagpapatangi sa tao sa ibang mga nilalang at dahil dito likas
na naipapahayag ng tao ang kanyang kaisipan, damdamin at mga ninanais. Natututo
ang tao ng tinatawag na unang wika at pangalawang wika. Ang unang wika ay
kasama na natin simula pa lamang. Ito ay natutunan natin simula pa lang ng tayo’y
ipinanganak at kinalakihan na. Sa ating unang wika o tinatawag ding katutubong
wika mas naipapahayag natin ng maayos ang ating ideya at saloobin dahil ito ay
likas na sa atin.Gaya na lamang sa pagitan ng dalawang tao, mas
magkakaintindihan ang nag-uusap kung parehas sila ng unang wikang ginagamit.
Magiging maayos ang kanilang komunikasyon dahil sa dalubhasa na sila sa
paggamit nito sa pakikipag-ugnayan. Halimbawa, mayroong nagaganap na debate
sa klasrum ng seksyon malikhain sa ika-anim na baitang at parehas na wikang
Filipino ang kanilang ginagamit sa pakikipagpalitan ng sagot, mas maipagtatanggol
ng bawat grupo ang kanilang panig. Tumutukoy naman ang pangalawang wika sa
alinmang wikang natutuhan ng isang tao matapos niyang maunawaang lubos at
magamit ang kanyang unang wika. Sa pagkatuto ng pangalawang wika, ang tao ay
nangangailangan na dumaan sa isang proseso. Ang pag-aaral ng pangalawang wika
ay nangangailangan ng pagsisikap at tiyaga. Mayroong pagkakataon na kung saan
ang isang tao na iyong kausap ay iba ang unang wika kailangan mong gumamit ng
iyong pangalawang wika upang magkaunawaan kayo, halimbawa nito ay may
kausap kang isang Amerikano na nagbabakasyon lamang sa Pilipinas, dahil sa
Ingles ang ginagamit nyang wika sa pakikipag-usap sayo kinakailangang Ingles din
ang iyong gagamitin upang ikaw ay maintindihan din niya. Halimbawa ng pagkatuto
ng pangalawang wika, karamihan ng kabataan ngayon ay nahihilig sa Korean
Dramas, madalas ito ang kanilang pinapanood upang pampalipas oras at ang iba
nama’y dahil sa iniidolo nila ang bida sa palabas. Unti-unting natututo ang mga
kabataan sa pagsasalita ng korean dahil sa palagi nila itong naririnig o nababasa
habang nanonood.

VI. KONKLUSYON

Ang pagkuha ng una at pangalawang wika ay medyo kumplikado na mga


proseso. Upang maunawaan ang mga prosesong ito , dapat aganahin ng mga guro
ang wika upang maging mas sensitibo sa mga kadahilanan na kasangkot. Habang
ang pagkuha ng una ata pangalawang wika ay naghayag ng ilang pagkakapareho,
ipinapakita rin nila pagkakaiba. Dapat maunawaan ng guro na ang mga phenomena
sa pagkuha ng una at pangalawang wika ay nagkaka-ugnay, wala sa mga ito ang
pagiging paliwanag lamang. Kaya, ang mga guro ay hindi dapat ibase ang kanilang
pagtuturo sa iisang pag-angkin o kadahilanan na kasangkot pagkuha ng wika. Sa
halip ay dapat nilang maunawaan, pag-aralan, at kahit na pumuna bago subukan na
ipatupad alinman sa mga mungkahi na ginawa para sa pagtuturo. Mahalaga rin na
tandaan na ang pananaliksik na sinubukan upang gumawa ng pagkakaiba sa
pagitan ng “pag-aaral” at “acquisition”. Lalo na sa edukasyon sa panaglawang wika,
ang mga salitang “pag-aaral” at “acquisition” ay madalas na ginagamit nang palitan.
Ang mga pangangatwiran na isinasaalang-alang ang pagkuha ng una at
pangalawang wika ay hindi makatwiran at na ang dahilan kung bakit maraming pag-
aaral ang isinagawa nang ipaliwanag ang likas na katangian ng acquisition ng una at
pangalawang wika. Ang pagkuha ng una at pangalawang wika ay apektado ng
maraming mga variable. Kaya, ang pag-aaral profile mismo ay isang mahalagang
pag-alam sa yugto ng paggawa ng desisyon ng pagtuturo ng wika. Bilang
pangwakas, dapat pagsamahin ang teoretikal na kaalaman ng mga guro sa wika sa
kanilang sitwasyon sa pagtuturo.

Mga Sanggunian:

Brown, H. D. (1994). Principles of language learning and teaching (3 rd ed.). USA:


Prentice Hall Regents.

Daniels, H. (1996). Introduction to Vygotsky. GBR: Routledge.

Ellis, R. (1994). The study of second language acquisition. China: Oxford University
Press.

Gallaway, C. & B.J. Richards. (1994). Input and interaction in language acquisition.
UK: Cambridge University Press.

Hawkins, B. (2001). Supporting second language children’s content learning and


language development in K-5. In M. Celce-Murcia (Ed.), Teaching English as a
second or foreign language (3rd ed., pp.367-383). USA: Heinle&Heinle.

Krashen, S. (1982). Theory versus practice in language training. In R. W. Blair (Ed.),


Innovative

Approaches to language teaching (pp. 15-24). Rowley, MA: Newburry House


Publishers.
Lantolf, P. L. & S. L. Thorne. (2006). Sociocultural theory and the genesis of second
language Development. China: Oxford University.

Lantolf, P. L. & S. L. Thorne. (2007). Sociocultural Theory and Second Language


Learning. In B. Van Patten & J.

Williams (eds.), Theories in second language acquisition: An introduction. USA:


Lawrence Erlbaum Associates, Publishers.

Lightbown, P. M., & N. Spada. (2006). How languages are learned (3 rd ed.).China:
Oxford University Press.

McLaughlin, B. (1991). Theories of second-language learning. Great Britain: Arnold.

Richards, J., J. Platt, & H. Weber. (1989). Longman dictionary of applied linguistics.
Hong Kong:Longman.

Steinberg, D. D. (1997). An introduction to psycholinguistics. USA: Longman.

Ipinasa nina :

Campollo, Lhara G.

Ricarte, Lorraine T.

Rivera, Erika G.

Viterbo, Tracy W.

You might also like