0% found this document useful (0 votes)
2K views131 pages

Another Wizard's Tale - AegyoDayDreamer

This document is the prologue and first chapter of a fictional story titled "Another Wizard's Tale". It introduces the main character, a mortal girl struggling as a writer. She receives a publishing rejection and has family and financial problems. She decides to pawn her earrings and get a job while taking a break from writing. While walking sadly near a bridge, an old man interrupts her thoughts.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as TXT, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
2K views131 pages

Another Wizard's Tale - AegyoDayDreamer

This document is the prologue and first chapter of a fictional story titled "Another Wizard's Tale". It introduces the main character, a mortal girl struggling as a writer. She receives a publishing rejection and has family and financial problems. She decides to pawn her earrings and get a job while taking a break from writing. While walking sadly near a bridge, an old man interrupts her thoughts.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as TXT, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 131

Another Wizard's Tale

by AegyoDayDreamer

Beginning of Never-Ending

=================

Another Wizard's Tale

Title: Another Wizard's Tale

Genre(s): Action, Adventure, Comedy, Fantasy, Horror, Romance, Supernatural

Type: English-Tagalog Fictional Story

✔ Walang kinalaman ito sa Wizard's Tale (story nina Yana at Brylle) pero may mga
characters and places sa kwentong iyon na mababasa niyo rin sa kwentong ito. Pero
hindi talaga kailangan na nabasa niyo na ang Wizard's Tale para maka-relate sa
kwentong ito.

✔ Tatapusin ko ito dito sa Wattpad. Wala pa akong plano kung ipa-publish din ba
ito. Wag niyo akong madaliin.

✔ Isinusumpa ko, sino mang gagawa/mamimigay/susuporta sa illegal softcopy ng kwento


ito ay mababalot ng walang hanggang kadiliman. Seryoso ako. As I will, so mote it
be. *evil laugh*

So enjoy the full trailer! Every Saturday ang update. Sana rin suportahan niyo ang
kwento ni Sylfer gaya ng pagsuporta niyo sa kwento ng BryAna.

=================

Prologue (10-25-2014)
Once upon a time, there was a stranger.

A mortal girl whose dream is to become a writer.

During her lowest time, an old man gave her the answer.

To a quest so supreme, she started a new chapter.

Then she met a Wizard from the Class B+

The most unlikely guy whom she granted her trust.

The two were a mess, maybe the craziest.

But together in distress, they're no doubt the best.

Up above a foreign spiralling rainbow sky

Across the mystic land they walked and passed by.

There were monsters, ogres, dark creatures on spy.

But never say die until they reached so high.

Yet even if they went a very long way,

They knew the story has to end one day.

From each other, they must go away.

In the Otherworld, the mortal can no longer stay.


And like a painful goodbye of the sun setting,

Slowly all their memories, cursed into nothing.

Will their love story become a forgotten feeling?

Or will they make it a beginning of never-ending?

Author's Note: Special mention para saaking editor na si Wisdomdeath / Baby A /


Allison. Please follow her dahil pwede niyong kulitin yan tungkol  dito sa kwento.
Next update: November 1.

=================

Chapter 1 (11-01-2014)

(The Mortal)

Nanginginig yung kamay ko habang nakatitig sa katatanggap ko lang na email. Reply


iyon mula sa publishing consultant na pinagpasahan ko ng manuscript na pinaghirapan
kong isulat sa loob ng hindi ko na mabilang na buwan.

Ang saya-saya ko pa noong sinimulan ko nang basahin yung message, “Good day! I am
Elizabeth Martinez, a Publishing Consultant from...” Pero habang papalapit na ako
sa dulo, nagsimula nang gumuho ang mundo ko. Kumbaga parang tragic ending pala yung
nakalagay doon sa message. “Your story is good. But this is not what we are looking
for.”
Pinin-point nung publishing consultant yung mga dahilan kung bakit hindi raw
mabebenta yung libro ko. Masyado raw cliché at parang hindi raw babagay sa target
audience ko.

Ang dami pa niyang pampalubag-loob na pinagsasabi—na kesyo may potential naman daw
ako bilang writer, na magaganda raw ang ideas ko, na keep on writing and sending
proposals, but for the nth time, rejected yung manuscript ko.

Breathe in. Breathe out. Screw it!

“Bakit palagi na lang ganito!” Naisigaw ko sa sobrang pagka-dismaya. Pinagpupunit


ko na rin yung mga tissue na nakalagay sa may gilid ng lamesa pero dahil sa ginawa
ko...

“Miss, sinasayang niyo po ang tissue namin at nakakaistorbo pa kayo sa ibang


customer. Baka pwedeng doon na po kayo sa labas at nang magamit naman ng ibang
naghihintay na customers yung upuan at lamesa.”

Napatingin ako dun sa babae, from head-to-toe-to-head ulit. “FYI Miss, customer rin
ako rito. Nakita mo ‘tong tubig at crackers? Dito ko yan binili!”

“Yun na nga po, yan pa lang ang nabibili niyo mula pa kaninang umaga. Hapon na
ngayon!” Pagsusungit nito at may huling hirit pa. “At least man lang, pakidagdagan
yung bibilhin para sulit naman yung libreng charge niyo ng laptop niyo at ng gamit
niyo sa wifi ng shop namin.”
Ang sungit ni Ateng! Dumadagdag pa sa init ng ulo ko. Dinukot ko nga yung wallet ko
sa bag ko pero pagsilip ko, wala na akong kapera-pera.

“Ano Miss, may bibilhin ka pa ba?” At bilang pagganti niya, tinignan niya ako from
head-to my wallet-to my head ulit. “May pambili ka ba?”

Wala akong nagawa kundi irapan na lang siya at magpack-up na ng gamit ko. Pero bago
ako umalis, sinadya ko muna siyang bungguin ng laptop bag ng laptop na dala ko at
sinagi ko pa yung ibang upuan at lamesa. “Hindi na ako babalik dito sa shop niyong
bulok!”

“Hindi na talaga kayo makakabalik dito dahil yung wallet niyo po yung bulok!” Aba
naman talaga! Pahiya ako roon ah. Galing mambara ni Ateng!

* * *

Umuwi na ako sa apartment na tinutuluyan ko. Nagmukha akong akyat-bahay dahil sa


bintana ako dumaan. Hindi sa nakalimutan ko yung susi nitong kwarto ko. Sadyang
pinagtataguan ko lang kasi yung landlady dahil two months na akong delayed sa pag-
abot ng upa.

Pagpasok ko sa loob, hinalungkat ko sa damitan ko yung natitirang perang tinitipid-


tipid ko. Alam ko naman na kung magkano na lang yung natitira dun—pero binilang ko
ulit sa pag-asang may tooth fairy na naligaw sa kwarto ko at ‘di sinasadyang
nakaiwan ng pera.

Natapos ko na itong bilangin. Walang nadagdag sa pera ko. Walang tooth fairy. Hindi
kaya kailangan ko lang talagang mag-alay ng ngipin? Pero hindi! Wala talagang tooth
fairy.
Napatingin ako bigla sa cellphone ko na sadya kong iniiwanan sa tuwing lumalabas
ako. May missed calls mula kay Mrytle, younger sister ko.

Sabi ko sa kanya, ako lang ang dapat tumawag sa kanya. Pero naisip ko, baka may
problema kaya gusto ako nitong makausap.

I dialed her number and, “Hello Mryt.” I tried to sound as calm as possible. “Hindi
ba sabi ko ako lang ang tatawag sayo. Naka-ilang missed calls ka. May problema ba?”

“So it’s really you.”

Malalim na boses ng lalaki ang narinig ko sa kabilang linya. Bakit siya pa? Bummer!
“Dad...?”

“Nasaan ka?”

I knew he would ask that. Buti na lang bilang isang writer, napaghandaan ko na ang
isasagot ko. “Kung sasabihin ko sa inyo kung nasaan ako, anong point ng paglalayas
ko?” Sabi ko with conviction pa!

“Ano bang problema mong bata ka? Bakit mo ginagawa ‘to? Gusto mo ba talagang sirain
ang buhay mo? Nasaan ka at ipapasundo na kita!”

“Dad, I’m okay!” Nag-iisang sagot ko sa lahat ng mga tanong niya. “You don’t have
to worry about me.”

“Umuwi ka na!”

“Uuwi lang ako kapag pinaalis mo na yang babae mo sa bahay.”

“Si Amelia ay parte na ng pamilya natin. Matuto ka namang respetuhin siya!”

“Pero si Mommy, hindi mo na nirespeto.”

“You know that’s not true!”

“I know what’s true, Dad. Iniwan mo si Mommy para sa Amelia na yan. Namatay siya
dahil din sa babaeng yan! You can’t force me to go home and live together with that
killer!”

“That’s too much!” He shouted. This time, galit na talaga siya.

But that’s nothing compared to how angry I am at him and that mistress of his. “If
you’re not ready to lose that woman, then that means you’re ready to lose your
daughter.”

“For heaven’s sake! Don’t make it sound like I have to choose! Anak kita at asawa
ko na si Amelia ngayon. We can settle this. Natanggap na siya ni Mrytle kaya alam
kong matatangap mo rin siya.”

“What?” Nagpintig ang tenga ako. “Tinanggap na siya ni Mrytle?” That traitor!

“Just give Amelia a chance, honey. Go home, please.”

“Hell no, Dad! And this conversation ends now!” I hang up. Tuluyan ko na ring in-
off ang phone ko para hindi na niya ako matawagan pa ulit.

First, career problem. And then, financial dilemma. Now, family drama! What’s next?
Problem sa love life? Pero buti imposibleng mangyari yun. Sa sobrang dami na ng
problema ko sa buhay, wala na akong time para sa ganun.

* * *

Isinangla ko na yung last pair ng earrings na meron ako kapalit ng halos fifteen
thousand. Sosyalin yung earrings na yun pero hindi ako nanghihinayang na isangla
dahil si Dad naman nagbigay nun. Wala nang kwenta yun.

Pagkakasyahin ko yung pera para sa upa ko sa apartment at sa panggastos ko hanggang


sa mga susunod pang buwan. Pero ang plano ko, hindi na lang ako basta tatambay at
haharap sa laptop ko.

Siguro panahon na nga para maghanap na muna ako ng ibang trabaho. Saka na lang ulit
ako magsusulat. Saka na kapag nakahanap na ulit ako ng inspirasyon.
Para sa kakainin ko naman sa hapunan, nagpasya akong magtinapay na lang. Pero kahit
tinapay lang, kailangan magmaganda pa rin. Sa paborito kong sosyalin na bakery ako
namili kahit na may kamahalan pa. Feeling ko kasi, baka ito na yung last time na
makakain ako ng masarap at yung trip ko.

Sa may ‘Fabelous Bakery and Café’ ako bumili. Pagmamay-ari iyon ng mag-jowang
ginamit ko bilang character reference sa kwento ko. Mala-prinsipe kasi yung lalaki—
gwapo, mabait at mayaman. Yung girlfriend naman niya, kahit na may pagka-villainous
ang ugali ay perfect princess pa rin naman.

They are a perfect couple, kaya nga nagtataka ako kung bakit ayaw bumenta nung
kwentong ibinase ko sa kanila?

Nang makabili na ako ng tinapay na sinigurado kong aabot hanggang bukas, nagpasya
na akong umuwi. Ngunit nang mapadaan na ako sa tulay kung saan may malalim na ilog
sa ilalim, hindi ko naiwasan tumigil sa paglalakad upang pagmasdan yung tanawin.

Yung mga ganitong eksena sa buhay ko, napapaisip na lang ako bigla. Maayos naman
yung buhay ko noon. Bakit siya naging patapon ngayon?

Napabuntong-hininga ako. Naalala ko ulit yung mga problema ko. Nalulungkot tuloy
ako.

“Hoy ineng!” Naputol ang pagse-senti ko nang bulyawan ako ng isang matandang
lalaki. Medyo gusgusin siya at pang-sinauna ang ayos. Pipilay-pilay siyang lumapit
saakin—ang kaliwang kamay ay nakakapit sa kanyang tungkod at yung kanang kamay
naman ay nakasapo sa kanyang noo. “Ay dyusmeng buhay ‘to! May sumpa ba ang lugar na
ito?”
“Po?”                                                               

   

“Hindi ito ang unang beses na may naabutan akong taong balak din tumalon sa tulay
na ito! Dyan! Dyan mismo sa pwestong iyan siya nakatayo at kung hindi ko pa
napigilan, siguro patay na siya ngayon!”

Napaatras ako at lumayo dun sa pwestong tinutukoy ng matanda.

“Ano bang problema niyong kabataan ngayon? Wala na ba kayong ibang solusyon para
tapusin ang problema niyo?”

Napakurap ang mga mata ko. Anong pinagsasabi niya? Was he thinking na
magpapakamatay ako? “Iniisip niyo bang magpapakamatay ako?”

“Hindi ba? Magsabi ka ng totoo!”

“Hindi po! Mahal ko pa buhay ko!”

Pinandilatan ako ng matanda. “Kapag nagsisinungaling ka, bukol aabutin mo saakin!”


Pagbabanta pa niya habang nakaduro na saakin ang tungkod niya. And you know what’s
weird? Feeling ko parang mas dangerous pa ang tungkod niya kaysa sa baril o
kutsilyo.

“Opo! Napatambay lang po ako rito sandali para magpahangin!”


Nang mapatunayan ko nang hindi naman talaga ako magpapakamatay, nakita kong
nakahinga na ng malalim yung matanda.

Palihim naman akong natawa at medyo na-touch rin sa reaksyon niya. Sa kabila ng
sunud-sunod na problema ko ngayong araw, isang estranghero ang nagpakita saakin ng
kabutihan at pag-aalala ngayon.

“Pasensya ka na, ineng. Yung itsura mo kasi kanina, mukha ka nang tatalon dyan sa
tulay.”

“Ganun po ba ka-obvious yung patung-patong na problema sa mukha ko?”

Tinitigan ako ng matanda habang hinihimas pa yung balbas niya. “Kung ganun may
pinoproblema ka nga?” Tapos napatingin siya sa hawak kong paperbag mula sa
Fabelous.

Mula sa pure pag-aalala niya saakin kanina, I have this feeling na mukhang may
hidden agenda na rin siya sa mga tinapay ko.

“Bibigyan kita ng isang payo pero bilang kapalit, bigyan mo rin ako ng isang
tinapay na hawak mo.”

Just as I thought! Tinapay nga ang puntirya niya! Pero magbibigay naman ako kahit
wala siyang ibigay na kapalit. Pero dahil siya naman ang nag-aalok na payuhan ako,
I’ll give it a shot then. May pakiramdam kasi ako na kung ano ang sasabihin ng
estrangherong ito, magkakaroon ng malaking saysay sa buhay ko.
=================

Side Story 1 (11-05-2014)

A/N: So this is an experiment. You could say that this is a short special chapter
or spin-off about the previous chapter. May mapagtyagaan lang kayo habang
naghihintay ng Sabado. And yes, all chapters ng AWT, gagawaan ko ng ganito. Every
Wednesday ang release ng side stories.

PS. Na-follow niyo na ba si @WisdomDeath? Please do so. Hindi pa natatapos ang


surprise namin sa inyo. :)

= = = = =

(The Author)

Matapos bumili ng tinapay ng ating bidang Mortal, sakto naman ang pagdating ng isa
sa mga nagmamay-ari ng Fabelous Bakery and Café—si Elysse Fabel.

“I’m back!” Panggulat na bati niya sa co-owner ng shop at ngayon ay boyfriend na


niyang si Prince Dustin Blake. Kaso, imbes na siya ang manggulat, siya pa ang
nagulat dahil nahuli niyang nakatayo si Dustin sa cashier’s area at ang laki pa ng
ngiti nito.

“Elysse! You’re back!”

“Yeah, I just said that. Why are you smiling?”


“Because you’re back.”

“You’re already smiling before you knew I was here.” Saka siya lumingon-lingon sa
paligid. “And what are you doing there? I told you na wag agawan ng trabaho ang
employees natin diba? You’re spoiling them!”

“I just borrowed her job for a while to serve a customer.”

“Let me guess, yung customer ba na yun ang reason kung bakit ka nakangiti. Was it
Yana?”

“Nope.”

Napataas ng kilay si Elysse. “So who’s the lucky customer na ikaw pa talaga ang
nag-serve?” Every word she said, there’s an obvious hint of jealousy.

Pero dahil sadyang slow si Dustin kaya hindi niya ito napansin. “She’s back!”

“Who’s back? And you didn’t answer my question.”    

  

“You remember the Lit major girl? Our very first customer! She’s back!” Masaya at
excited na sagot nito. Hindi niya alintana ang nagbabadyang lovers quarrel nila ni
Elysse. “Nagtataka nga ako noon kung bakit natigil siya sa pagbisita dito sa shop.”
“You seemed to really miss that girl.”

“Sort of. Nakasanayan ko kasi na umaga pa lang, nandito na siya.”

“Oh yeah! Tapos mahuhuli ko siyang panay ang titig sayo then afterwards, she’ll
write something on her laptop.”

“She did? I once asked her kung anong ginagawa niya? She told me she’s writing a
novel. Do you think ako yung ginawa niyang bida?”

“Why don’t you go ask her?”

“I will. Kapag nakita ko siya ulit.”

“No! Sundan mo na siya ngayon. Kaaalis lang naman niya, maabutan mo pa siya for
sure.”

“Really?”

“Yeah. Tapos wag ka nang bumalik.”


Natigilan bigla si Dustin. Napaisip sandali. Kinabahan. “I think I misheard you.
Did you say na wag na akong bumalik?”

“You heard it right. Lumayas ka na.”

“But—”       

“Sundan mo na yung favorite customer mo. Tapos wag ka nang bumalik!”

Pinagpawisan na si Dustin. Late na ng marealize niyang galit na si Elysse. At


halata sa kawawa at inosente niyang mukha ang pagtataka. “Oh come on. What did I do
to make you mad?”

“Nagtanong ka pa! Lumayas ka na dyan!”

Nagmamadaling tumakbo palapit si Dustin kay Elysse. Kumapit ito sa kamay at balikat
ng dalaga para humingi ng tawad. “Hey, sorry na.”

“It’s too late.”

“I’m sorry, please! Hindi ko na uulitin!” At para hindi na makapagpumiglas si


Elysse, binigyan siya agad ng back hug ni Dustin. “Sorry na.”
“Ang manhid mo naman kasi eh!”   

             

“I promise I won’t do it again. Alam ko naman na ayaw mong inaagawan ko ng trabaho


ang employees natin. Wag ka nang magalit ah.”

“What? Dustin!”

Sa huli, tuloy pa rin ang away—o siguro mas tamang tawagin na hindi
pagkakaintindihan ng dalawa. Hindi pa rin kasi na-gets ni Dustin na nagseselos si
Elysse. Itong si Elysse naman, ayaw pang sabihin ng diretso kay Dustin.

Pero walang dapat ipag-alala. Bago natapos ang araw na iyon, nagkabati naman ang
dalawa.

End of Side Story 1

=================

Chapter 2 (11-08-2014)

(The Mortal)
Isang payo sa problema ko kapalit ang isang tinapay.

Mula sa isang matanda na siguradong napagdaanan na ang pwedeng pagdaanan sa buhay,


tingin ko ay may makukuha naman akong matinong advice mula sa kanya.

Inisip ko kung alin ba sa mga problema ko ang pwede kong hingian ng payo niya.
Gustuhin ko man na tungkol sa problema sa pamilya ko ang itanong, hindi ko itinuloy
dahil masyadong personal. Kaya sa halip, yung problema ko tungkol sa kwento ko ang
itinanong ko.

“Isa po akong writer at gusto kong malaman mula sa inyo kung ano ba talagang mali
sa kwento ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tinatanggap ng publishing
companies.”

“Isa kang manunulat. At tungkol naman saan ang kwentong isinulat mo?”

Ikinwento ko na sa matanda yung story ko na more than ten times nang nari-reject—
Ang ‘Charlene’s Fate’.

It’s a fairytale-like story of Princess Charlene from the Kingdom Fabel. Because of
treason, namatay ang pamilya niya at kinailangang lisanin ang kaharian nila.
Napadpad siya sa isang maliit na bayan at doon, dinanas niya ang lahat ng hirap na
pwedeng danasin, but that didn’t break her spirit because unlike the typical
princesses, Charlene is feisty. Palaban siya at sabihin na nating maldita.

Then one day, she met Diomel. And what she didn’t know was that Diomel is a Prince
from a faraway yet familiar kingdom. He’s in search for his betrothed princess—who
in fact was actually her!

Fate brought the two together. They went to places to find allies and along the
journey, they finally fell in love with each other.

Sa last chapter, nabawi nila ang Kingdom Fabel. And to satisfy my future readers,
it ended with a ‘Happily Ever After!’

“I’m a major in Literature kaya sure po akong pulido ang pagkakasulat ko. Idagdag
mo pa na kung ilang beses ko siyang ipinasa sa publishers, ganun din karaming beses
ko siyang naedit! Hindi ko lang talaga maintindihan, bakit ayaw pa rin nila sa
perpektong kwento na yun.”

Matapos kong magkwento, naging malalim ang iniisip ng matandang kausap ko.
Nakakunot ang noo niya habang hinihimas ang bigote niya at nang maisip na niya ang
mga sasabihin niya, hinarap niya ako. “Maganda nga ang kwento mo. Pero sa tingin
ko, yung pagiging perpekto nun mismo ang mali.”

Ako naman ang napasalubong ang kilay. “Ibig sabihin dapat bara-bara kong ginawa
yung kwento?”

“Ibig kong sabihin ay tungkol sa takbo ng kwento mo. Prinsesang dumanas ng hirap
dahil sa sinakop na kaharian. Ngunit nahanap siya ng isang prinsipe at ano nga ulit
yung sinabi mong katapusan?”

“Happily ever after po.”


“Sa totoo lang ineng yang sinasabi mo ay ilang ulit nang nabasa ng mga tao. Madali
na lang hulaan para sa kanila ang kwento. Wala na ang surpresa. Wala na ang gulat.
Sa madaling salita, gasgas na. Luma. Nakakasawa.”

“Ow...” Ouch.

Truth is, I don’t easily accept criticisms. Kung sa mga professionals nga, hindi ko
matanggap. Pero mula sa matandang ito, I know I can trust his words. Pero ang sakit
pa rin ng pagiging straight to the point niya.

“Ano pong tingin niyong kailangan kong gawin?”

“Gumawa ka ng bagong kwento.”

“Hindi po ganun kadali yun!”

“Isang tingin ko pa lang sayo, alam kong malawak ang imahinasyon mo. Paniguradong
may maiisip ka kaagad. Makakapaisip ka pa ng mas maganda.”

“Pero yung Charlene’s Fate na nga yung maganda! Sinunod ko po yung perfect
formula!”

“At paano mo naman ba nakuha ang ‘perfect formula’ na tinutukoy mo?”


“Sa mga fairy tales po.”

“Fairy tales?” Biglang humagalpak kakatawa yung matanda. Pinagpapalo pa niya yung
semento gamit ang tungkod niya sa sobrang kagalakan.

“Timeless po ang fairy tales! Mula noon hanggang ngayon, mapabata o matanda, lahat
yun tinatangkilik!” Saka ko inisa-isa sa kanya ang ilan sa mga napansin kong key
points kung paano nagiging mabenta ang isang fairy tale. “Una, sa title pa lang,
dapat may kinalaman sa lead girl. Tulad ng Cinderella, Little Mermaid, Sleeping
Beauty at marami pang iba! Kaya nga ‘Charlene’s Fate’ ang title ng story ko.
Pangalawa, naghirap silang mga bida! Pero sinalba sila ng isang prinsipe! Walang
sino man ang hindi kikiligin sa isang prinsipe! At huli, yung sinasabi niyong
gasgas na—happily ever after. Lahat ng tao, gusto ng happy endings! Mga emo lang
ang nag-eenjoy sa tragedy.”

Halos naubusan ako ng hininga nang ipaliwanag ko yun. Tuluy-tuloy talaga at walang
preno.

Akala ko nga, matatauhan na yung matanda at makukuha niya ang punto ko. Pero
nginitian niya ako at sinabi ang isang bagay na hindi ko inaasahan. “Paano kung
sabihin ko sayo na hindi lahat gustong makatuluyan ang isang prinsipe?”

“Kapag nangyari iyon sa isang fairy tale, walang happy ending kung ganun.”

“Wala nga. Dahil ibig sabihin, may higit pa.”

Natahimik ako. Pinapag-isip talaga ako ng malalim ng matandang ‘to. Tanga lang ang
aayaw sa isang prinsipe. O kaya kapag bulag si girl. One more thing, what’s better
than a happy ending?
“Alam mo ineng sa itsura mo, hindi mo pa rin nakukuha ang gusto kong ipaliwanag
sayo.”

“Medyo nahihirapan nga pong iprocess ng braincells ko ang sinasabi niyo.”

“Ganito na lamang, para magkaroon ka ng ideya, magtungo ka sa lugar na ito.


Siguradong makakapulot ka rin ng inspirasyon dyan.” May iniabot siyang isang papel
na may address ng library. “At para makapasok ka, ipakita mo naman ito.”

Sa pagkakataong iyon, nag-abot naman siya ng isang keychain. Sa dulo nun ay may
small badge na may simbolong ngayon ko lang nakita. “Sabihin mo sa tagabantay roon
na si Lorcan ang nag-imbita sa iyo. Ipakita mo yan bilang patunay.”

Alam kong gusto niya lang tulungan ako pero, “Wala na po akong time para rito. Kung
talagang dapat magsimula ako ng panibagong kwento, kailangan ibabad ko na ang
sarili ko sa harap ng laptop. Kailangan ko nang pagplanuhan.”

“Ang kwento ay tulad ng isang paglalakbay. Kadalasan, mas masaya at ‘di-malilimutan


kapag biglaan at hindi pinagpaplanuhan. Maaaring nakakatakot dahil hindi mo alam
kung ano ang mangyayari. Maaring magkamali at madapa sa daan. Pero sa mga
pagkakamali mong iyon, matututo ka. Magiging masaya ka. Magpapatuloy ka. Pero alam
mo ba kung ano talaga ang kahihinatnan nun?”

“Ano po?”

“Sa sobrang saya ng naging paglalakbay, saka mo masasabi na sana ay wala na lang
itong katapusan.”

Nagtaasan ang mga balahibo ko sa mga sinabi niya. Literally, I’m lost for words.
Nakangangang nakatitig na lang ako sa kanya.

“Bahala ka na ineng kung susundin mo ang payo ng isang tulad ko.” Matapos nun ay
inilahad na niya ang kamay niya. “Yung tinapay ko?”

Tulad ng napagkasunduan namin, iniabot ko sa kanya yung isa sa mga tinapay ko. For
sure, mabibitin ako ngayong gabi. Kailangan kasi, abutin hanggang bukas ng agahan
itong pagkain ko.

“O siya! Umuwi ka na at gabi na.”

Saka ko lang napansin na gabi na nga! Kanina noong una kaming mag-usap, may araw
pa. Ngayon, sa mga ilaw na lang sa kalsada ang liwanag namin.

Nagsimula na siyang maglakad palayo. Sa naalala kong sinabi niya kanina, Lorcan ang
pangalan niya. What a unique name. Bagay na pangalan ng isang fictional character.
“Um, Lolo Lorcan! Ako nga po pala si—”

“I don’t need to know, young lady. But it was a pleasure meeting you.”

Na-shock ako nang mag-English si Lolo Lorcan. I thought palaboy na matanda lang
siya! But what’s more shocking, iba na ang outfit niya! Naka-long black coat na
siya with matching fedora hat pa! His shoes are shining, so as the crystal from his
cane.
“Wow! Magic ba yang ginawa niyo?”

“You want some real magic?” Nginitian niya ako. Tinapik niya ang kalsada gamit yung
tungkod and the streetlights started to flicker.

“Woah!” I’m impressed but I don’t believe him! “Na-chambahan niyo yung panandaliang
brownout na yun ah!”

“You love fairy tales but you don’t believe in magic. Let’s see if this could
change your mind.” He waved his cane above his head, and suddenly he’s gone.

I looked from left to right and found his silhouette standing at the far end of the
bridge. Nag-teleport siya! How’s that possible? He was waving his hand and for the
second time, he vanished—for good.

Mama Mia! Hindi yun magic! Aparisyon yun! Multo yata yung nakausap ko!

When I got home, I was panting and trembling. I already told myself na hindi multo
si Lolo Lorcan. Besides, nasa akin pa rin yung note at key chain na binigay niya.
Baka nanti-trip lang yung matanda, although I know na seryoso naman siya sa mga
pinayo niya sa akin kanina.

For now, magdi-dinner na muna ako at pagkatapos ay ita-type ko yung mga words of
wisdom na narining ko kanina.
Resume na dapat ang gawin ko ngayon pero dahil sa pag-uusap namin ni Lolo Lorcan,
muli akong nabuhayan ng dugo sa pagsusulat. I will hold on to this dream! At
gagawin kong parte ng bago kong kwento si Lolo Lorcan—kahit na wala pa talaga akong
idea sa magiging takbo nun.

At tsaka bukas, iniisip kong puntahan rin yung address ng library na tinutukoy
niya, tutal ay medyo malapit naman yun dito. Bukod sa payo ng matanda, instinct ko
na rin ang sumisigaw na sa lugar na iyon, makakahanap talaga ako ng inspirasyon.

=================

Side Story 2 (11-12-2014)

(The Author)

Sa baranggay hall, nagkakagulo yung mga tanod dahil sa isang CCTV footage na nakuha
kanina lang malapit sa tulay.

“Iyan! Tignan niyo yang dalawang ‘yan!” Sabi nung tanod na unang nakapansin sa
kababalaghang naganap. “Mag-isa lang yung babae noong lapitan siya ng matanda. Ang
tagal nga nilang nag-usap. Pero bigla na lang nabalot ng liwanag yung matanda at sa
isang iglap, nagbago yung suot niya!” Saka niya pinause yung video para pakinggan
ang reaksyon ng mga katrabaho.

“Hala oo nga!”
“Baka street magician?”

“Baka may sapi?”

“Baka alien?”

“Hindi pa tapos.” Ni-play ulit ng tanong yung video para ituloy ang panonood.
“Bigla nagkaroon ng hindi maipaliwanag na brownout dyan lang mismo sa tulay. At
pagkatapos, bigla siyang nawala!” At muli, pinause niya yung video para bigyan ng
chance na makapag-react ang mga kasama.

“Saan na yung matanda?”

“Nag-teleport?”

“X-Men?”

“Avengers?”

“Napadpad siya sa may dulo ng tulay. Heto panoorin niyo.” At pinapanood na niya
ulit yung video. “Para siyang usok na napunta bigla diyan. At noong kumaway siya,
tuluyan na siyang nawala.”
Ilang beses pa nilang inulit-ulit na panoorin yung video. Kinikilabutan na ang mga
ito at may posibleng sagot na sila.

“Aha! Yan yung kaluluwa ng nagpakamatay na matanda sa tulay na yan. Hindi pa rin
nakikita yung katawan nun kaya siguro nagpaparamdam siya.”

“Kawawa naman yung babaeng kausap niya. Kumaripas talaga ng takbo dahil sa takot.”

“Maski ako, baka maihi sa salawal eh.”

“Alam niyo, dapat na talagang ipa-blessing natin ang tulay na yan.”

“May iba pa akong ideya. Post natin sa youtube. Panigurado, hahakot ‘to ng views.”

“Ay oo nga! Maganda yan! Baka ma-TV pa tayo!”

“Teka, gagawa na ako ng youtube account.”

Hay! Kawawang mga tanod! Hindi lang ang bidang mortal natin ang nabiktima ni Lolo
Lorcan. Good luck na lang sa kanila kung maging viral talaga ang video na yun.
End of Side Story 2

=================

Chapter 3 (11-15-2014)

(The Mortal)

Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko—sunud-sunod na kalampag sa pintuan kasabay


ang nakakabulabog na talak ng landlady. Ilang umaga na niyang ginagawa saakin ‘to.
Concerned citizen lang, ayaw niya akong nali-late ng gising.

Pero bukod sa paulit-ulit niyang pagtawag sa maganda kong pangalan, bininyagan na


rin niya ako ng iba’t ibang klase at malulutong na mura. Hindi ko siya masisisi.
Ang tagal ko kasi siyang pinagtaguan.

Bago ako bumangon, kinapa ko sa ilalim ng kama ko yung perang kagabi ko pa ni-
ready. Pagkatapos ay dire-direcho akong naglakad na palabas habang nakapikit pa rin
ang mga mata.

“Aba! Sa wakas, nagpakita ka na rin!”


Hindi ko alam kung anong reaksyon ng mukha niya at wala akong balak alamin.
Nananatili pa rin kasing nakapikit ang mga mata ko dahil kapag siya ang unang taong
nakita ko sa umaga, baka magka-‘daymare’ ako. Daymare is a nightmare while awake.

“Hoy ano ka ba? Nagi-sleepwalk ka lang ba? Ang tagal mo nang hindi nag-aabot ng
upa! Panahon na siguro para magbalut-balot ka na—”

Bago pa niya ituloy yung linyang alam kong ang tagal na niyang gustong sabihin,
inilahad ko na agad ang kamay kong may pera. Another reason why I don’t want to
open my eyes is because it’s painful to see my money go!

Dali-daling hinablot ng landlady ang pera at saka niya ito binilang. 7,700 din iyon
—five thousand sa utang kong dalawang buwan na upa, two thousand para ngayong buwan
at may butal pang dalawang daan pampalubag-loob sa tagal kong hindi nagpakita sa
kanya.

Nang marinig ko na ang mahinang pagtawa ng landlady, that’s my cue na pwede ko nang
buksan ang mga mata ko. Maaliwalas na ang mukha niya at napakaganda ng ngiti.
Mabait naman siya—mabait basta may pambayad ka.

“Pasensya na po kayo kung na-delay yung bayad ko.”

“Sana hindi na ito maulit ah.”

Masaya nang umalis yung landlady. Nabigyan na rin ng katahimikan ang umaga ko.
Pero gustuhin ko mang bumalik ulit sa pagtulog, sunod na tumunog ang second alarm
ko sa phone. Isinet ko talaga iyon ng maaga dahil sa importanteng lakad ko ngayon.

Naligo na ako, nagbihis, at bilang almusal, tubig lang dahil walang kape at yung
natira kong tinapay kagabi ang kinain ko. Bitin nga dahil binawasan kahapon nung
matanda yung pagkain ko, pero nasanay na yata ang tiyan ko na pakonti-konti na lang
ang kainin.

Bago ako umalis, inayos ko na rin ang mga gamit na dadalhin ko. Ang nasa ‘to-bring
list’ ko ay laptop, instax mini, a bottle of water, sapat na pocket money, pati
yung keychain at note na bigay saakin ni Lolo Lorcan.

Sa tinatawag na Orcen Library ako tutungo. Ayon dun sa address na nasa note,
tatlong sakay iyon mula dito sa apartment ko. Pero dahil nagtitipid ako, kaya naman
na lakarin na lang. Morning exercise na rin ‘to. It’s healthy for my body and for
my wallet!

Lagpas isang oras at kalahati akong naglakad hanggang sa makarating ako sa


tinatawag nilang Evermyth Road. Inisa-isa ko yung buildings and establishments pero
hindi ko mawari kung saan nga ba yung lugar na yun.

Mabuti na lang, isang traffic enforcer ang napagtanungan ko.

“Kuya, alam niyo po ba kung saan yung Orcen Library?”

“Library?” Napakamot sa ulo yung manong. Mukhang hindi niya alam. “Wala namang
library na malapit sa lugar na ‘to.”
“Po? Nakalagay po rito sa note na binigay saakin, sa Block 609 Evermyth Road
makikita yung library.”

“Ah! Sa Block 609! Direchuhin mo ‘tong kalye na ‘to tapos kumanan ka. May makikita
kang stoplight at limang building na lang, nasa Block 609 ka na.”

Napangiti na ako dahil mukhang malapit na ako sa library. Ang kaso...

“Pero Miss, mukhang mali yung sinabi sayo. Hindi naman library yun kundi isang
lumang building na lang.”

“Sigurado po kayo?”

“Oo. Ang tagal ko nang nagtatrabaho sa lugar na ‘to. Mag-iingat ka na lang at wag
kang magpapaloko.” Babala niya saakin.

Kinabahan naman ako nang maiwan na akong mag-isa. Imposible namang lokohin ako ni
Lolo Lorcan. Anong makukuha niya saakin?

Pero hindi kaya kilala niya ako at pamilya ko? Imposible rin! Kaya nga sa lugar na
‘to pinili kong makipagsapalaran dahil nakasisiguro akong wala kaming kuneksyon
dito. Hindi kami sikat dito. Hindi kami at hindi ako kilala rito.

Pinili kong sundin ang instinct ko na ituloy na ang paghahanap sa library.


Paglagpas ng stoplight, binilang ko yung mga buildings hanggang sa wakas ay
narating ko na ito.
I’m standing in front of a two storey building. Tulad ng sinabi ng napagtanungan ko
kanina, it’s a really old building. Comparable to a lot of ancestral buildings and
houses na napuntahan ko during high school field trip days.

Nakita yung wooden door. It has majestic, or rather, whimsical carvings on it. It’s
super cool so I took a picture of it with my instax. On the side of the door,
there’s a plaque saying that Orcen Library was built on October 1699.

I won’t do the Math para bilangin kung ilang taon na ang library pero wow! Sobrang
tanda at luma na pala nito! A question popped in my mind. Base on its age, this
place surely has historical value in it. Pero bakit hindi siya alam nung manong
kanina? Bakit ngayon ko lang din narinig ang tungkol sa lugar na ito?

Pumasok na ako sa loob at sinabayan ng tunog ng wind chimes ang pagbukas ko ng


pintuan. Akala ko, bookshelves na agad bubungad saakin pero may makipot na hallway
pa muna na binabantayan ng isang matandang babae.

Sa tancha ko, nasa mid 40’s na yung babaeng tagabantay. Masyadong makaluma para sa
edad niya at sa panahon ngayon ang istilo niya ng pananamit. Naaalala ko sa kanya
yung mga bistidang suot ni Miss Minchin mula sa Princess Sarah. “Paano ka nakapasok
dito?” Tanong niya saakin at tinignan pa ako mula ulo hanggang paa. Gusto ko sanang
sagutin na sa pinto ako dumaan.

“May isang matanda po ang nagturo saakin sa lugar na ‘to. Lorcan po ang pangalan
niya.” Halatang nagulat ang matandang babae pero mas nagulat siya nang ipakita ko
na yung keychain na binigay saakin ni Lolo. “Ipakita ko raw po ito sa tagabantay
bilang patunay?”

Hindi na sumagot pa yung matandang babae. Ibinaba niya ang librong binabasa, tumayo
sa kinauupuan niya at pinasunod na ako sa kanya.
Dumaan kami sa isang hallway at natanaw ko agad sa dulo nito ang isang grandiyosong
hagdanan. Napangiti ako. I wanted to take a selfie pero pinagbawalan ako ng
matanda. “Mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha ng mga litrato sa loob ng Orcen
Library.”

Akala ko, aakyatin namin yung hagdanan pero tumigil kami sa kalagitnaan at isang
pintuan sa kaliwa ang binuksan ng matandang babae. Pinasok na namin ito at nakita
ko na ang kanina ko pang hinahanap—mga libro!

“Mga libro lamang sa loob ng kwartong ito ang pwede mong mabasa.”

“Pwede po bang gumamit ng laptop at maki-charge?”

“Hindi. Bawal ang kahit na anong gadgets sa loob.”

“Pero paano ko po gagawin ang research ko?”

“Marunong ka naman sigurong magsulat. Sa ganung paraan pinapayagan ang pagkuha ng


impormasyon mula sa mga librong mayroon kami.”

“Ang higpit naman po.”


“Natural lang dahil wala ka nang makikitang ibang mga libro na kagaya sa mga
librong naririto sa Orcen Library.”

“Ow... okay.” Puro mga one-of-a-kind books pala ang meron dito sa Orcen Library.

“May ibang tanong ka pa ba?”

“Ano pong pangalan niyo?”

“Maari mo akong tawaging Mrs. Ne-ma.”

“Ako naman po si—”

“Hindi ko tinatanong.” Masungit na saad niya at tuluyan na niya akong iniwan mag-
isa.

Itinuon ko na ang atensyon ko sa mga librong nasa paligid ko. Dahil ipinagbabawal
ang laptop, nagpasya akong magbasa na lang muna.

Unang librong nakuha ko ay hindi naman novel pero parang guidebook sa isang fantasy
world. Yung sumunod na librong binasa ko ay tungkol naman sa history pero about pa
rin dun sa ibang mundo na yun.
And it gets weirder!

Puro fantasy books lang ang nakikita ko! Iba’t iba at puro unknown yung authors
pero iisa lang ang topic nila—a fantasy world known as the Otherworld.

It was weird but interesting. At aaminin ko, na-in love na ako agad sa idea ng book
collection na ito. Parang guidebook ito tungkol sa isang malawak na fairy tale at
kahit alam kong hindi naman talaga nag-eexist ang Otherworld at mga creatures nito—
masyadong believable yung mga nababasa ko at hindi ko mapigilan na hindi maniwala.

The old man was right. Sa lugar na ito nakahanap nga ako ng inspirasyon.

* * *

Masyado akong nawili sa pagbabasa at mga nalalaman ko tungkol sa Otherworld. Pero


kulang pa. Kulang pa ang mga nababasa at inspirasyon ko.

“Magsasarado na ako.” In-inform ako ni Mrs. Ne-ma. “Bumalik ka na lang ulit bukas
para ipagpatuloy ang pagbabasa mo.”

Nang mapatingin ako sa oras, “Grabe! Lagpas alas-diyes na pala!”

Lumabas na ako ng library. Saka ko lang naramdaman ang gutom dahil nag-skip ako
kanina ng merienda at inabot na ng hapunan ngayon.
Wala nang masyadong mga tao at sasakyan sa paligid. Mag-isa lang akong naglalakad
ngayon sa kalsada pero feeling ko, may mga matang nakasunod saakin.

Direcho na lang ang tingin ko at tuluy-tuloy na sa paglalakad pauwi. But I swear na


may nakasunod na talaga saakin!

Over my shoulder, I saw a figure of a man. Nagmatapang ako at hinarap ko siya, pero
mas mabilis siyang nakalapit saakin and the next thing I knew, hinablot na niya
yung bag na dala ko at saka ito kumaripas ng takbo.

“Magnanakaw!” Nagsisigaw na ako at tumakbo na rin para sundan yung damuho.

Yung laptop at instax ko! Nasa bag na iyon ang laptop ko kung saan naka-save yung
drafts ng mga kwento ko at pati na yung instant camera ko na regalo pa saakin ni
Mommy! In short, naroon ang buhay at pangarap ko!

“Magnanakaw! Huliin niyo siya! Magnanakaw!” Pero kanino nga ba ako humihingi ng
saklolo? Eh wala namang katao-tao!

Sa pagtakas ng magnanakaw at pagsunod ko rin sa kanya, napadaan kami sa isang


eskinita. Saktong may lalaki pang napadaan at halos magkabungguan na kami. “Woah!”
Gulat na bungad niya saakin.

“Manong, tulungan niyo ako! Hinahabol ko yung magnanakaw!” Humahangos akong


nakiusap at tinuro ko pa yung direksyon ng magnanakaw na mas lumalayo na.
“Manong? Ako ba ang tinutukoy mong manong?”

Napasimangot ako. At nagiging blangko na rin ang isip. Talagang nakuha pa niyang
magtanong imbes na tulungan ako!

Muli akong napatingin sa direksyon nung magnanakaw. “No... oh no!” This can’t be
happening! Wala na yung damuho! Natakasan na niya ako!

Without thinking straight, sumunod pa rin ako dun sa lugar na posibleng dinaanan ng
magnanakaw. Nagmamadali akong tumawid sa kalsada—at hindi ko napansin ang
humaharurot na sasakyan.

“Ang kwento ay tulad ng isang paglalakbay. Kadalasan, mas masaya at ‘di-malilimutan


kapag biglaan at hindi pinagpaplanuhan.” Bigla ko na lang naalala ang mga katagang
iyon ni Lolo Lorcan. Pumasok kasi sa isip ko na nagsisimula pa nga lang ang
paglalakbay ko, matatapos na agad.

Mabuti na lang at hindi pa pala.

Hindi ako nasagasaan ng sasakyan. Naimulat ko pa mga mata ko at wala man lang akong
kagalos-galos sa katawan. Ligtas ako—at nasa bisig ng isang estranghero.

“You’re safe in my arms, my lady.” Sabi niya saakin, yung lalaking tinawag kong
manong kanina.

Malabo na yata ang mga mata ko para hindi mapansin kung gaano siya kagwapo. Pero
mas lumalabo pa yata ang mga mata ko ngayong ang lapit ng mukha niya sa mukha ko.

But wait! This is not the right time to be mesmerized! Tuluyan na talaga akong
natakasan ng magnanakaw!

Nagsimula na akong magpanic. Nagpaikot-ikot ako sa daan, hindi ko talaga alam kung
ano nang gagawin ko. Kaunti na lang at magkakanervous breakdown na ako pero
naramdaman ko yung kamay nung lalaki sa balikat ko.

“You should calm down.”

“Calm down? Kailangan ko siyang sundan!”

“Stop chasing a man who is not worthy of your love.”

“Love? Tingin mo, boyfriend ko yun?”

“Kaya mo siya hinahabol, diba?”

Animales! Kay poging lalaki, eng-eng lang! At tingin niya talaga, papatol ako dun
sa damuhong humablot sa gamit ko! Mukha kayang goon yun!

“Magnanakaw yun!”
“Magnanakaw? Ng puso mo?”

“HINDI! NG MGA GAMIT KO!” Kung hindi lang siya yung taong nagligtas saakin kanina,
binigti ko na patiwarik ‘tong lalaking ‘to eh! “Ninakaw niya yung laptop at instax
ko. At kung hindi ka sana babagal-bagal dyan, sana natulungan mo akong bawiin sa
kanya yung mga gamit ko!”

Para akong bulkan na sumabog na wala naman sa lugar. Nasigawan ko siya at para
siyang kawawang tuta na napagalitan. But what am I thinking? Anong karapatan kong
ibunton sa kanya ang galit ko samantalang wala naman siyang kasalanan.

Dahil sa hiya at pagka-guilty, tinalikuran ko na lang yung lalaki. Kailangan kong


i-report ang nangyari sa pulis. Kailangan kong mabawi yung mga gamit ko! Pero saan
nga ba ang police station?

Wala tuloy akong choice kundi muling harapin yung lalaking, “Alam mo ba kung saan
yung pinakamalapit na—” Pero paglingon ko, naglaho na rin siya. “Nasaan na yun?”

Mangiyak-ngiyak akong napasalampak sa semento. For a while, pinabayaan kong


lumutang ang isip ko..

Wala na ang mga gamit ko.

Wala na ang mga pinaghirapan ko.


Mukhang kailangan kong bumalik dun sa tulay. This time, tatalon na talaga ako.

“Miss Beautiful...” Muling may humawak sa balikat ko. “Huwag kang maupo diyan,
madudumihan ang damit mo.” Saka siya humawak sa kamay ko at pinatayo na niya ako.

“Saan ka galing? Bigla kang nawala. Bakit ka bumalik?”

Nginitian niya ako at laking gulat ko nang iabot na niya saakin yung bag na
naglalaman ng laptop at instax ko.

“Pa—paano mo nakuha pabalik?” Pero hindi na mahalaha kung paano. Napayakap talaga
ako ng sobrang higpit dun sa bag nang mapasakamay ko na ulit ito. Yung tears of
depression ko kanina at nagiging tears of joy na. “Thank you! Thank you talaga!
Hindi mo alam kung gaano kahalaga itong mga gamit ko na ‘to. Sobrang salamat
talaga!”

Muli lang akong nginitian ng lalaki. Inabot niya ang kamay at saka ito hinalikan.
“Now go home safe.” At aalis na sana siya pero...

“Sandali! Pwede ko bang malaman kung anong pangalan mo?”

“Sylfer Flemwall-Ardensier.”

What an out of the ordinary name!


“I’m—”

“You don’t need to tell me but it was nice meeting you.”

That’s weird. Una si Lolo Lorcan, sunod si Mrs. Ne-ma, and now he’s the third
person na hindi interesadong malaman kung sino ako. Next time nga, ipagdadamot ko
na talaga ang pangalan ko.

=================

Side Story 3 (11-19-2014)

(The Author)

Si alyas Boy Magna—isang notorious snatcher sa lugar na iyon na labas-pasok na rin


sa kulungan. Noong gabing iyon, siya rin ang bumiktima sa ating bidang mortal.

Pwedeng sumali sa marathon si Boy Magna at maaring siya pa ang manalo dahil sa
bilis niyang tumakbo. Doon pa siya dumaan sa karaniwan niyang ruta—yung lugar kung
saan kabisado na niya ang paikot-ikot na daan upang makasiguradong hindi siya
masusundan ng mga humahabol sa kanya.
Ang laki na ng ngiti ng damuho dahil bukod sa wala nang nakasunod sa kanya, ramdam
niya sa bigat ng bag na nahablot niya na tiba-tiba siya ngayong gabi.

Ilang hakbang na lang at malapit na sa kanyang tambayan si Boy Magna, ngunit isang
lalaki ang bigla na lang humarang sa daraanan niya.

“Sino ka?”

“I’m your worst nightmare, pal! You made the biggest mistake of making a beautiful
lady cry!”

Tinignan lang siya ng masama ni Boy Magna. Hindi niya kasi naintindihan yung sinabi
nung lalaki. Bukod doon, malakas ang loob niya dahil mukha namang walang ibubuga
ang isang iyon.

“Wala akong naintindihan sa mga sinabi mo! Lumayas ka sa daraanan ko kung ayaw mong
masaktan!” At bilang panakot, naglabas siya ng balisong at itinutok ito sa lalaki.

“If I were you, I would be very careful with that.”

“Ano bang pinagsasabi mo?”

“Hey, I’m trying to be nice here since it’s my first time in this world. And that
bag isn’t yours so hand it over.”
“Bag? Itong bag ang gusto mo? Ulol mo! Ako nauna rito! Maghanap ka ng ibang
bibiktimahin mo!”

Nakipagpatintero si Boy Magna dun sa lalaki at matagumpay niya itong naiwasan.


Nakangisi siya at patakbo na sana ulit, pero hindi siya natuloy dahil may biglang
umalingasaw na kung anong amoy.

May umutot! At dahil sigurado siyang hindi siya ang nagpakawala nun, malamang ay
yung lalaki humarang sa kanya ang salarin.

“That is just a low level Fart Spell. Surrender now or suffer.”

Walangyang lalaki. Mukha namang mayaman at may pa-English pang nalalaman pero ang
tindi magpakawala ng masamang hangin!

Pinilit takbuhan ni Boy Magna yung matinding amoy pero parang dumidikit na ito sa
buong katawan niya at namamahay na rin sa ilong niya.

Ilang sandali pa, hindi na niya kinaya ang bagsik ng utot at tuluyan nang nanghina.
Ngunit bago siya tuluyang nahimatay, isang tanong ang sumagi sa kanyang
isipan. “Ano bang kinain nung lalaking yun at ganun kabagsik ang utot niya?”

Sa huli, nabawi nung lalaki yung bag na hawak ni Boy Magna. Nanaig ang hustisya—
kahit na sa mabahong paraan.
End of Side Story 3

=================

Chapter 4 (11-22-2014)

(The Mortal)

Mahimbing akong nakatulog pagkauwi ko. Despite the fact na nanakaw yung laptop at
instax ko, naibalik naman saakin ito ng isang misteryosong lalaki. Si Sylfer
Flemwall-Ardensier.

I don’t know what kind of name is that but it’s unique. I don’t know what kind of
person he is but he’s interesting. I don’t know how he managed to get my bag back
but I’m glad he did.

Will I ever see him again? Maybe. I hope. I wish.

The next morning, I woke up earlier than my phone’s alarm clock. Siguro mas excited
lang talaga akong bumisita ulit sa Orcen Library.

Nag-prepare na ako but this time, wala na akong balak dalhin yung laptop at instax
ko. Maybe if I look less sosyal, hindi na ako mapagdidiskitahan pa ng magnanakaw.
Besides, wala rin naman point na magdala ng gadgets dahil pinagbabawal naman yun
dun sa library.
After breakfast, tumuloy na ako sa lakad ko. Alam kong mas mabilis na akong
makakarating dun dahil alam ko na kung saan exactly ang Orcen Library.

An hour later, malapit na ako sa library. Pero dumaan muna ako sa shop na
nagbibenta ng school supplies. Kailangan ko ng bagong notebook kung saan maisusulat
ko lahat ng useful ideas na mapupulot ko sa mga librong nasa Orcen Library, na
gagamitin ko ring reference para sa bago kong kwento.

Pagpasok ko pa lang dun sa shop, una ko nang napansin yung mga nakadisplay na black
and silver leather journal na may letters sa cover at matching lock pa. Naghanap
ako ng may letter M—because my name starts with M—at swerte kong may natitira pang
isa!

Binuklat ko ito at yung unang pahina, parang katulad sa slam book na hilig kong
sagutan noong elementary pa lang ako. Nang tignan ko ang presyo, nalula ako sa
kamahalan. Pero pikit-mata ko pa rin itong binili. Meant to be na mapasaakin ang
journal na ito. Besides, bukod sa letter M ay gusto ko rin yung kulay. Silver—
katunog ng Sylfer.

Pagdating ko sa Orcen Library, binati ko ng magandang umaga si Mrs. Ne-ma pero


isang tango lang ng itinugon niya. Tulad kahapon, ni-lead niya ulit ako dun sa
kwartong pwede ko lang pasukan.

Pagpasok ko sa loob, nanguha na agad ako ng five random books at naupo sa masasabi
kong paborito ko nang pwesto. Ang maganda rito, walang kaagaw sa pwesto dahil ako
lang naman mag-isa rito at walang ibang bumibisita.

Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa at bininyagan ko na rin ang bagong journal ko.

= = = = =
Kapag nagbabasa talaga ako, nakakalimutan ko ang reality. Lalo pa dahil fantasy
books itong mga binabasa ko ngayon. Through reading these books, parang naglalakbay
na rin ako sa Otherworld. At ang dami kong napupuntahan, ang dami kong nakikilala,
ang dami kong nadidiskubre.

I can’t get enough of these Otherworlder creatures, myths and legends! Sobrang
fascinating yung about sa wizardry, magic and curses! Detalyado at kapani-paniwala
talaga yung mga nababasa ko at kaunti na lang ay maniniwala akong nage-exist lahat
ito.

Alas-dose ng tanghali nang magpasya akong mag-lunch break muna sa labas. Bukod sa
kumakalam kong sikmura, kailangan ko ring mag-recharge ng energy. Target kong
makatapos ng sampung libro ngayong araw.

After lunch, bumalik din ako agad sa Orcen Library. Pagpasok ko, iniexpect kong si
Mrs. Ne-ma lang ang makikita ko, pero nagkamali ako.

“I-ikaw?”

“Oh! You’re here!”

Yung lalaking tumulong saakin kagabi! Yung lalaking wini-wish ko pa lang na sana ay
makita ko ulit. Of all places, hindi ko inaasahan na makikita si Sylfer dito. And
it seems like he’s feeling the same way.

“I didn’t expect you to be here.” Natatawa at hindi pa rin makapaniwalang saad


niya. “I thought you are just a plain mortal!”
Mortal? Mortal talaga ang term! Well I guess kaya siya narito ay dahil fan din siya
ng mga fantasy books ng Orcen Library.

“Actually, nagri-research kasi ako rito. Eh ikaw?”

“Same agenda.”

For a while nagkatitigan at ngitian lang kami. Nauna lang akong sumuko dahil mas
nagiging gwapo si Sylfer kapag tinititigan. Isa pa, medyo awkward yung titig din
saamin ni Mrs. Ne-ma.

“So um... I’ll go ahead.”

“No. Let’s go together.”

Sweet corn! Alam ni Sylfer kung paano maging gentleman. And I can’t deny the fact
na nag-eenjoy ako sa paglalandi niya! Unfortunately, magkaibang way kami. Si Sylfer
ay paakyat dun sa magarbong hagdan samantalang hanggang dito na lang ako.

“Hindi ka tutuloy sa taas?”

“Itong kwarto lang dito ang pwede kong pasukan, sabi ni Mrs. Ne-ma.”
“Why?”                    

“Ewan ko. Para lang yata sa special members yung nasa taas?”

“It sucks to be alone there.”

“Wala tayong magagawa. Rule yan dito sa Orcen Library.”

Nakita kong nagbuntong-hininga si Sylfer. Nagmukha na naman siyang tuta kapag


malungkot! Pero umiling siya at muling ngumiti. “I’ll see you after research.”

Muli na akong pumasok sa loob ng kwarto at isinara na ang pinto. Dumirecho ako dun
sa pwesto ko at saka isinubsob ang mukha sa isa sa mga libro.

A stranger is making my heart flutter! May trabaho pa ako pero knowing na nasa
iisang library lang kami ng lalaking iyon, I can’t pull myself to concentrate!

What's with Sylfer? He has this aura like the one’s I read from these books! Kapag
tinitignan ko siya, may magical appeal! Or hindi kaya ito yung tinatawag nilang
spark?

= = = = =
                                          

I decided na umuwi ng mas maaga ngayon para mas safe sa daan.

Paglabas ko ng kwartong iyon, napatingin ako dun sa hagdan. Hindi ko makita kung
anong meron dun sa taas. Pero nandoon pa kaya si Sylfer? Nakauwi na kaya siya? Eh
kung hintayin ko kaya?

I shook my head. Nagmumukha na akong desperadang makita siya ulit! This is so


unlike me. Wala dapat akong time para sa love life! Busy akong tao! Bukod sa buhay
ko, may pangarap akong dapat abutin. So I have to snap out of it and go home.

Nagpaalam na ako kay Mrs. Ne-ma at lumabas na ako. Hindi na ako tumigil o lumingon
pa. Direcho lang ang tingin at lakad ko pauwi. Pero hindi pa nga ako nakakalayo...

“Hey lovely! Pauwi ka na?”

“Oh! Nandito ka pa? Anong ginagawa mo dyan?”   

    

“Hindi ba sabi ko I’ll see you after research. I’m waiting for you.”

Feeling ko nag-blush ako. Sana lang hindi halata.

“Let’s have dinner. My treat.”


Hindi ko pa siya masyadong kilala kaya dapat tumanggi ako. Pero dinner na yun tapos
libre pa! Ngayon pang nagtitipid ako, tatanggi pa ba ako? Sa huli, pumayag na ako.

At galante rin naman si Sylfer. Sa isang mamahaling bar and resto siya nanlibre! Oh
how I miss eating in a place like this! Pero mas namiss ko talaga ang fine heavy
meals.

And while eating, Sylfer and I talked. Confirmed na talaga na fan siya ng mga
fantasy books dun sa Orcen Library dahil lahat na lang ng mabanggit niya, may
kinalaman sa Otherworld. Para kaming nagro-roleplay which is fun!

“So, do you have a permanent residence here?”

“Nangungupahan lang ako.”

“Tuwing kailan ka bumabalik?”

Ang tinutukoy niya siguro ay tuwing kailan ako bumabalik dun sa library. “Actually
first time ko lang bumisita sa Orcen Library kahapon. Tapos dahil nga sa research
ko, baka araw-arawin ko ang pagtambay dun.”

“Hanggang kailan naman ang stay mo rito? I mean, gaano katagal yung pass na nakuha
mo?”
“Pass? Um... anytime naman pwede akong bumalik-balik.”

“What? Wow! May ka-close ka bang portal keeper? Anytime, pwede kang bumalik?
Nakakainggit yun!” Sabi niya pero maya-maya lang din, bumubulong na siya na parang
sarili niya lang ang kausap. “Kung hindi lang mahirap mag-apply ngayon. That lucky
bastard Brylle. Swerte niya dahil parents niya ang nag-apply noon kaya nakakaalis
at nakakabalik siya kung kailan niya gustuhin. If only my parents did the same
thing!”

Portal keeper? Si Mrs. Ne-ma ba yung tinutukoy niya? At tsaka... “Sino si Brylle?”

“Brylle Zaffiro! You don’t know him?”

“Never heard of him.”

Biglang napahawak sa kamay ko si Sylfer. “Seriously? You really don’t know him?” At
noong tumango ako bilang sagot, bigla na lang siyang natawa. “Okay, let me enjoy
this moment. At last! May nakilala na rin akong hindi nakakakilala kung sino si
Brylle!”

“Bakit ba? Sikat ba siya?”

Mas lalong natawa si Sylfer. At kahit hindi ko alam kung ano bang nakakatawa dun,
nahawa na rin ako sa pagtawa niya. He really seemed so happy.
Pero habang nag-uusap kami, napansin ko na may grupo ng mga babae sa kabilang table
na parang sadyang nagpapapansin sa pag-iingay nila. Pasimple akong tumingin sa
direksyon nila at alam ko na kung kanino sila nagpapapansin—kay Sylfer!

But sorry sila, ako ang kasama niya.

“Do you like something to drink?” Biglang nag-aya si Sylfer.

Katatapos lang namin mag-dinner tapos drinks ulit?

Hindi na ako nakasagot pa dahil tumayo na si Sylfer at nagtungo dun sa wine bar.
Kinausap niya yung bartender at hindi ko alam kung anong sinabi niya pero napapayag
niya itong palitan siya sa pwesto niya. Si Sylfer na mismo yung magmi-mix ng
drinks!

Napatayo na ako palapit sa kanya para panoorin siya. Naagaw na rin niya pati ang
atensyon ng ibang customers. Nang magsimula na siyang mag-flairing na may kasama
pang fire tricks, nagmistulang show na yung nangyari.

And the feeling while watching him is like the feeling when I’m reading those
fantasy books. He’s enchanting! He’s making my world stop!

Kinikilig na nga ako eh. I mean, ako ang kasama ng lalaking yan!

But the ‘kilig’ didn’t last for long.


Akala ko, kaya siya nagpapakitang-gilas ay para lang saakin. It turned out na
nagfa-fan service rin pala siya dun sa grupo ng mga nagpapapansing babae!
Pinalakpakan siya at pinalibutan ng mga ito at gustung-gusto naman niya ang
atensyon. At yung ginagawa niyang drinks, hindi lang para saakin kundi para sa
lahat ng mga babaeng naririto!

Something pricked in my chest. Why didn’t I notice it before?

Dalawa lang naman ang posibleng dahilan kung bakit ang espesyal ng trato saakin ni
Sylfer. Una, pwedeng na love at first sight siya saakin, o pangalawa, dahil nature
niya na yun at ganun siya sa lahat. Sad to say, yung pangalawa ang dahilan. And
this just ruined everything!

Jeez! Bakit ba masyado akong nag-assume! And to think I’m starting to really like
him! Mabuti na lang at naagapan ko, at nalaman ko agad kung anong klaseng lalaki si
Sylfer—playboy!

=================

Side Story 4 (11-26-2014)

(The Lux Princess)

Tahimik kaming nagpapalipas ng oras ni Brylle sa may garden. May mga glowing orbs
sa paligid kaya feeling ko, silent date na ‘tong ginagawa namin.
Bigla niyang inabot yung kaliwang kamay ko, saka tinrace yung ring finger ko na
dating may bond ring. Parang namimiss niya yata yung couple rings namin pero sa
isip ko, never na akong papayag na magkaroon ng ganung singsing! Nakakalason kaya
yun sa part ko!

Maya-maya pa, itinigil na niya ang paglalaro sa daliri ko at nakipagholding-hands


na saakin. Napangiti ako. May mga paraan talaga ang wizard na ‘to para maglambing.

At kikiligin na nga sana ako pero biglang naging sobrang higpit ng hawak niya sa
kamay ko at may kasama pa ‘tong mura! Napapikit siya at hindi napigilan na ilubog
ang mukha niya sa balikat ko.

Naramdaman ko yung bibig niya sa may gilid ng leeg ko. Last time I checked, wizard
siya at hindi naman vampire. “Oy Brylle! Anong nangyayari sayo? Nagta-transform ka
ba?”

Tuluy-tuloy pa rin ang pagmumura niya. Napansin kong may lumabas na kaunting luha
sa mata niya at, “Nakagat ko yung dila ko. Bad trip!”

Pinanganga ko siya at sinilip agad yung dila niya. Kawawang bata! “Ay hala!
Dumudugo na nga! Dali, magbigay ka ng number!”

“Huh?”

“Magbigay ka na ng number!”
“Ipantataya mo ba sa lotto ang kamalasan ko? Anong klase ka?”

Sapatusin ko kaya ‘tong lalaking ‘to! “Maniwala ka na lang saakin at magbigay ka na


ng number!”

“9,821,400.”

“Ngek! 1-26 lang!”

“Nagbigay na ng number, umaangal pa! Ang demanding mo, alam mo yun? Bakit ba kasi?
Anong meron sa number?”

“Basta! Pagagalingin ko yang sugat mo sa dila, magbigay ka na ng number.”

“Sinong inuto mo? Tingin mo hindi ko kayang gawin yun? Besides, you’re too late!”
Saka niya pinakita ulit ang dila niya. “See? Napagaling ko na!”

“Eh kasi naman Brylle! Ang KJ mo! Magbibigay ka lang naman ng number!”

“Ikaw ang makulit!” Hindi siya madaan sa matinong usapan, dinaan ko nga sa santong
paspasan! Pinaghahampas ko siya sa braso niya hanggang sa mapapayag ko na siya.
“Fine! Damn, you’re annoying! Nineteen!”
“Nineteen?” Saka ko ni-recite ang alphabet, “A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M,
N, O, P, Q, R, S! OMW, S!”

“So you ask for a number para makapag-recite ng alphabet? Alam mo ba na ang kasunod
ng S ay T-U-V at hindi OMW. Bumalik ka nga ng kinder.”

“Hulaan ko kung anong other name mo—EPAL! Alam mo namang expression ko lang yun eh!
Nineteen yung pinili mo kaya letter S!”

“Ano naman ngayon kung letter S? Ano bang meron?”

“May kasabihan kasi na kapag nakagat mo yung dila mo at dumugo ito, either
pinagbabalakan ka ng masama o pinagtatawanan ng isang tao.”

“Tsk! Kwentong barbero.”

“S? Sino bang kakilala natin na ang pangalan ay nagsisimula sa S?” Saka nanlaki ang
mga mata ko. “Si Sylfer! Pwedeng may balak siyang masama sayo or worst,
pinagtatawanan ka niya!”

Biglang pinitik ni Brylle ang noo ko. “Kalokohan mo, Yana. Naniniwala ka sa mga
ganyan. Tsk!” Saka siya tumayo, “Papasok na ako sa loob bago pa ako mahawa sa sakit
mo.” At iniwan na niya akong mag-isa.

Malapit ko nang kulamin ‘tong si Brylle para bigyan siya ng totoong sakit sa
katawan!
Pero basta ako, naniniwala ako sa kasabihan na yun! Lalo pa na si Sylfer yung
lumabas! Hindi naman talaga malayong pag-isipan siya ng masama o pagtawanan ng
casanova wizard na yun! Speaking of Sylfer, kamusta na kaya siya? Sinong babae na
naman kaya ang binibiktima niya?

End of Side Story 4

=================

Chapter 5 (11-29-2014)

(The Mortal)

Tulad ng dati, wala ulit akong nakitang ibang bisita sa Orcen Library. I’m still
wondering kung bakit hindi sikat ang lugar kahit sa mga book lovers na tulad ko.
Mahal talaga siguro ang magpa-member dito.

Plano ko na lang isubsob na agad ang sarili ko sa trabaho, but someone was about to
ruin that goal.

“Good morning ladylove!” Unang bungad niya saakin—si Sylfer. With a blink of an
eye, he stood right in front of me and his face was only inches away from mine.
“May kasalanan ka saakin.”
I stepped back, blinked a few times and wondered how the hell he did that! Nag-
teleport siya papunta sa harap ko! I remembered the incident with the old man on
the bridge. Nauuso yata ang ganung tricks!

“You left without a word last night. Why?” he asked with a pout.

“You we’re busy. Sobrang gabi na nun at kailangan ko na talagang umalis.” I said
and didn’t dare meet eyes with him.

“I was worried about you.”

Pasimple naman akong umirap. It’s a trap! And I must never fall for it!

“Mag-dinner tayo ulit pagkatapos mo dyan sa nireresearch mo.”

“Sorry pero kailangan kong umuwi ng maaga.” I lied.

“Then let’s just buy food tapos hatid kita pauwi!”

“Hindi rin pwede. Bawal dun sa tinutuluyan ko.” I lied again.


“Babalik na ako bukas. At hindi ko alam kung gaano ulit katagal bago ako makabalik
dito. I want to spend my last remaining hours here with you.” Hinawakan niya ang
kamay ko at hahalikan niya sana ito pero agad ko itong hinila para hindi niya
maituloy.

“Why would you spend your last remaining hours here with a stranger like me?”

“Simply because I like you.”

My left eyebrow rose while my right eye twitched. Is this guy for real? Simply
because he likes me? Simpleng bagay lang talaga para sa tulad niya! Well not for
me! “Kung aalis ka na, then good luck na lang sa byahe mo.”

Tinulak ko na siya at papunta na sana doon sa kwartong pwede ko lang puntahan, pero
hindi pa man ako nakakapasok ay humarang na sa pintuan si Sylfer.

“Did I do something wrong?” And there he goes again. Displaying what seems to be
his signature puppy look. “You seemed off today.”

“I’m busy. Marami akong librong dapat basahin at marami rin akong dapat isulat.
Ngayon kung paharang-harang ka dyan, paano ko yun sisimulan?” Kalmado pero may
kasama nang irap na sabi ko sa kanya.

Finally, mukhang nahalata na rin naman niyang wala talaga ako sa mood na kausapin o
i-entertain ang flirting modus operandi niya. “Okay, then I’ll be right back when
you’re no longer busy.”
“Good luck on that.”

During lunch break, inabangan ako ni Sylfer sa labas pero hindi ko siya pinansin.
Kumain lang ako sa isang karinderia at para siyang anino na nakabuntot lang saakin—
patuloy na nangungulit!

After lunch, I went back to the library and continued my work. Nanindigan lang din
ako na huwag siyang pansinin dahil siguro naman hindi siya manhid. Sooner or later,
mari-realize niyang ayoko nang magkaroon pa ng kinalaman sa kanya.

However, Sylfer is persistent! Daig pa niya mga sintomas ng sakit!

Mukhang ang kailangan lang talaga ay direchahan na siyang itaboy! Ang


pinakamagandang tyempo ay noong pauwi na ako at nandoon ulit siya para abangan ako.

“Hatid na kita.”

“Sabi nang hindi pwede!”

“Hindi ako matatahimik hangga’t may tampo ka saakin.”

Natigilan ako bigla. “Ako? Nagtatampo? I don’t even know you so anong karapatan
kong magtampo sa isang estranghero?”
“I thought we’re already friends.”

Looking down, I feel like a total bitch. Kaya nga bago pa ako may masabing mas
malala, tinalikuran ko na siya at naglakad na paalis.

Kaso, sinasagad ni Sylfer ang pasensya ko. Nakasunod pa rin siya saakin at sa
tuwing lilingunin ko siya, bigla siyang titigil na akala mo wala lang nangyari.
Kunwaring sumisipol pa at kung saan-saan nakatingin.

Nang sinubukan ko nang tumakbo, aba’t tumakbo na rin ang hunghang! But this time,
inunahan na niya ako! Hingal na hingal ako samantalang siya, ang fresh pa rin ng
dating.

“Naiinis na ako sa kakulitan mo ah!”

“Kinukulit kita kasi nagtatampo ka pa. Ang babaeng nagtatampo, dapat inaamo.”

Wow pick-up line! Mabigyan nga rin siya ng sample. “At ang lalaking gago, dapat
makatikim ng kamao.”

“Huh? Kailan?”

“Anong kailan?”
“Kailan ako naging gago?” Tapos bigla siyang napahampas sa pader. “Dark damn it!
That’s why you’re mad! Anong nagawa kong mali? Nabastos ba kita? I’m sorry. I told
you it’s my first time here so probably may nagawa nga akong mali!” Saka siya
lumuhod at tumingala saakin. “I’m ready. You can punch me now, please.”

Kulang-kulang ba ‘tong lalaking ‘to? Ginawang big deal agad yung sinabi ko—although
big deal naman talaga yun. Pero naman! Ngayon lang ako nakakilala ng taong ganito
ka-OA!

“Ewan ko sayo. Pabayaan mo na lang ako.”

“No! Please, please, I beg you! I made a mistake! Kung ano man yung ginawa kong
nakakagago, dapat lang talaga na parusahan mo ako! I won’t stop until you forgive
me!”

“Okay fine! Pinapatawad na kita! Para matigil ka na.”

“You don't sound sincere.”

“Eh hindi naman ako yung humihingi ng sorry, diba?”

“Galit ka pa rin! Suntukin mo na lang ako! Sipain! Bugbugin! Murahin mo!”

“Hindi ako nagmumura.”


“So nagmamahal ka?”

“Gusto mo ba talagang patawarin kita?”

This time, hindi na lang siya lumuhod. Pinagmukha na niya akong anitong sinasamba
niya. “Forgive me! Please!”

“Oy ano ba, Sylfer! Nakakahiya ka na!”

“Please!”

Napa-facepalm na lang ako. At natawa. He’s annoying and yet adorable. “Oo na!
Pinapatawad na kita!”

“Are you sincere this time?”

“Cross my heart. Hope to die.”

“Let’s not cross your heart, dear. And you can’t die! I will die for you instead!”
Holy mother of cheesecakes! Seriously, gaano kalala ang chemical imbalance sa utak
ng lalaking ‘to?

* * *

Pumayag ulit akong mag-dinner kami ni Sylfer sa parehong resto na kinainan namin
kahapon. Mapilit eh. Sayang din naman ang libreng hapunan! Matapos nun, inagawan
niya ulit ng trabaho ‘yung bartender but this time, saakin na lang nakatuon ang
atensyon niya.

“You never told me kung bakit ka nagtampo saakin.”

“Kung ayaw mong magtampo ulit ako, wag mo nang alamin.” Isa pa, nakakahiya naman
kasing dahilan yun. Nagalit ako sa pagiging playboy niya! Nagalit ako dahil ako
yung nag-assume! Na-realize kong wala sa lugar yung pagtataray ko.

Sumenyas si Sylfer na zini-zip na niya ang bibig niya, meaning hindi na nga talaga
niya aalamin ang dahilan ko. Mabuti naman!

Tapos na rin siyang gumawa ng drinks para saakin, pero nalula naman ako sa limang
baso ng inumin na inihanda niya sa harap ko.

“Saakin ba lahat yan?”

“Yeah. My peace offering.”


“Ang dami naman!”

“Hindi ko kasi alam kung anong gusto mong inumin kaya nag-mix na ako ng marami para
may pagpilian ka.”

Iba’t ibang kulay yung inumin. Isa-isa ko itong tinikman at iba-iba man ang lasa,
pare-pareho namang masarap! I know may halong alcohol ang mga ito pero tingin ko
makakaya ko siyang ubusin.

“I’ll have it all.”

“Can you handle it?”

“Just so you know, I’m a good drinker!”

* * *

Oh my God! I knocked those five glasses... and I’m knocked out too! How
irresponsible of me to get drunk! Pero di bale, si Sylfer naman kasama ko!

“Akala ko ba good drinker ka?”


“Akala ko nga rin eh! Ahahahaha!”

“Anong address mo rito sa Mortal World? Ihahatid na talaga kita.”

“Hindi pwede! Kapag nakita ka ng landlady namin, makukursunadahan ka nun!”

“Maganda ba siya?”

“Matanda siya! At mas maganda ako sa kanya!”

Umalis ako sa pagkakabuhat saakin ni Sylfer. Nakakita ako ng railings tapos inakyat
ko yun.

“Delikado yan!”

“I can manage! Magaling yata akong magbalance—” Pero mali yung naapakan ko at...
“Oh my gosh! I’m flying!”

Ito ang gusto ko kapag nakakainom ako eh. Kung anu-ano na lang ang kabangagan ang
nagaganap!
“Oha Sylfer! Kaya mo ‘to? Ikaw marunong mag-teleport, ako marunong lumipad!”

Natawa lang si Sylfer. Nang tignan ko siya, may hawak na siyang stick na umiilaw
yung dulo at nakatutok ito saakin. May ginawa siyang motion at synchronized iyon sa
nangyayari saakin! Nang igalaw niya yun palapit sa kanya, kasama rin akong lumipad
palapit sa kanya!

This is some crazy stunt! But I know the secret! Alcohol!

“Ano yan?”

“You have never seen a wand before?”

“Pahiram nga!” Hinablot ko yun sa kanya.

Pero dahil dun, naramdaman ko ang muling pagbigat ng katawan ko at bumagsak ako.
Buti na lang at hindi ako sa semento dumirecho dahil mabilis akong sinalo ni
Sylfer.

“Saan yung battery nito?”

“Battery?”
“Paano ito umiilaw?” Tapos pinukpok ko yun sa ulo ni Sylfer. “Lowbat na yata! Teka,
i-recharge natin.” Saka ko isinuksok sa ilong niya at umilaw na nga! “See, nagcha-
charge na! Abracadabra sisbumba!”

“Hey! I’ve never heard that spell before but you shouldn’t use magic when you’re
drunk! You know that’s dangerous!” Kinuha niya pabalik saakin yung wand ‘daw’ niya
at itinago na ito. Nang subukan naman niya akong patayuin...

“Wait lang, wait lang! Hindi ako makatayo! Nawawala yung mga paa ko!”

“Hindi nawawala yung mga paa mo!”

“Nilayasan nila ako! Hanapin mo sila, Sylfer! Hanapin mo!”

“Yumuko ka. Ayan lang ang mga paa mo!”

“My feet! My tiny lovely feet!” Akala ko naman nauna na silang umuwi eh. “Pero ayaw
nila akong sundin! Ayaw nilang humakbang! Bad feet! Bad feet!”

“You’re really drunk!” Muli akong binuhat ni Sylfer at umiiling siyang natatawa.
“If you don’t tell me your address, sa Otherworld na tayo tutuloy. Palapit na rin
kasi yung end of stay ko rito.”

“Otherworld?” Ako lang ba ang lasing o pati na rin ‘tong si Sylfer? Ah! Gusto
niyang mag-roleplay ulit kami! “Tara! Doon mo na ako dalhin!”
Nagpunta kami ni Sylfer sa isang eskinita habang naka-piggyback ride ako sa kanya.
Kapag ako ginawan ng masama ng lalaking ‘to, maghahalo ang balat sa tinalupan!

“Bakit nandito tayo?”

Dinukot niya ulit ang wand niya sa loob ng kanyang coat. May ginawa siyang hand
motions habang nakatutok ito sa pader at bigla na lang lumiwanag.

“What in the world...” Hindi ko alam kung dahil pa rin ba ito sa kalasingan. Parang
namamalik-mata na yata ako. Bukod doon sa liwanag, may sumulpot pang kung anu-anong
symbols at parang naging magic circle ang kinatatayuan namin!

It was—uhh? I can’t find a proper word to explain it! But it was cool and at the
same time terrifying.

“Let’s go home.” Inayos ni Sylfer ang pagkakapwesto ko sa likod niya. At ilang


sandali pa, isang kakaibang pwersa ang humigop saamin.

=================
Side Story 5 (12-03-2014)

(The Casanova Wizard)

Kahit two days lang naman akong namalagi sa Mortal World, nakakamiss din pala ang
Otherworld. Limitado kasi ang galaw at kapangyarihang pwede kong magamit sa mundong
iyon. Hindi tuloy ako nakahakot ng mas marami pang Mortal fans!

“Anong nangyari? Nasaan na tayo?” asked by the cutest drunk woman on my back.

It’s my fault why she ended up like that. Limang baso ba naman ng alak ang binigay
ko sa kanya! She said she can handle it—but I should have known better. And what’s
done is done so I have to take responsibility.

“We’re home.” I said, enjoying the feeling of her warm body on my back. Ang sweet
lang namin tignan. “Matulog ka na at iuuwi na muna kita sa camp.”

“Okay,” she answered and her head buried on my shoulder. Medyo nakakakiliti nga ang
hininga niya na tumatama sa leeg ko. And she smells good, I wonder what perfume
she’s using.

I never got to know her name. Akala ko kasi noong una, mortal siya kaya iniwasan
kong huwag nang alamin ang pangalan niya. Kapag kasi nakuha ng isang Otherworlder
ang totoong pangalan ng isang Mortal, magagamit itong paraan para isailalim ito sa
isang life contract or Initiation Ritual. Eh ang cute pa naman niya at baka hindi
ako makapagpigil na angkinin siya!

But then we met again at the Orcen Library—a place under a strong cloaking circle
that kept it hidden from the mere Mortals. Nakapasok siya sa library which could
only mean na baka Otherworlder din siya.

However, she’s very innocent and somewhat naïve. I mean, she doesn’t know what a
wand looks like. O baka sobrang lasing lang talaga siya kaya hindi niya napansin.

We’re already at the Plumdust City near the Flemwall Wizardry Camp, but I decided
not to pass into the gate. For sure kasi na pagkakaguluhan ako ng mga sorceress na
namiss ako for two days, and I cannot afford na makita nilang may iuuwi akong ibang
babae sa kwarto ko. They get easily jealous.

Sa gubat na ako dumaan and a few minutes later, I saw the entrance for the secret
tunnel that only Flemwall members and a few Luxurians know.

“Sylfer...” Nagising siya ulit.

“Ano yun, sugarbabe?”

“Maganda ba ako?” Ito na naman siya sa ka-cute-tan niya.

“Hindi ka lang maganda, dyosa ka sa paningin ko.”

“Eh bakit ang landi mo?”


“Walang lalaki ang hindi maglalandi sa isang Dyosang kagaya mo.”

“Sinungaling ka.”

“Hindi ako nagsisinungaling sa mga babae.” That I swear in my ancestors’ name!

“Sylfer...”

“Ano yun, mahal?”

Sa dami na ng endearment na ibinigay ko sa kanya, yun yata ang pinaka-ayaw niya.


Bigla na lang siyang naglilikot at bumaba sa likod ko. Ilang sandali pa, nagsuka na
siya dun sa may halamanan.

I stayed by her side and give her a light tap on the back. Parang naging gripo yung
bibig niya na isinuka lahat ng kinain at ininom niya. I will never give her drinks
again. Nakakaawa eh.

Patapos na siyang magsuka pero bigla naman siyang umutot. Nagkatinginan kami nun at
pinigilan kong wag matawa. Pero maya-maya, bigla siyang naupo sa isang tabi,
niyakap ang kanyang tuhod at saka umiyak.

I panicked. Woman’s tears are my weakness. “Hey, bakit ka umiiyak? May masakit ba
sayo?”
“Nagsuka ako sa harap mo! This is so unlady-like of me!”

Hala, kasalanan ko na naman! “No... um, fertilizer! Parang fertilizer sa halaman


yung ginawa mo.”

“Umutot pa ako!”

“Gusto rin ng mga halaman yun! And if it makes you feel better, the sound of it
came out really cute.”

“You are very weird, Sylfer.”

“Is that a bad thing?”

“No. I like weird.” Her voice was barely a whisper.

But it was pretty clear to me. “Good! ‘Cause I like you too!”

Her face turned red as we look at each other deep in the eye. And I thought the
moment was perfect but as I went closer, her face turned sour and, “Ugh! Sylfer,
ang baho mo!” She threw up on my chest.
End of Side Story 5

=================

Chapter 6 (12-06-2014)

(The Mortal)

I had a dream last night. A Wizard seduced me and gave me a potion that made me
forget about everything. Isinama pa raw niya ako sa Otherworld at doon,
napakaraming kalokohan naming ginawa. Masaya, nakakakilig... pero nakakainis din.
May ugali kasi yung Wizard na mang-seduce pa ng ibang babae. Hindi siya kuntento ng
saakin lang. And the worst part is, that dream never ended well. Parang hindi yata
kami nagkatuluyan ng Wizard. Basta naputol na lang yung panaginip ko at nagising na
ako.

Wait! Light bulb on!

Parang magandang plot yun for my story! Tamang-tama dahil fantasy pa! The female
protagonist was sent to a magical world by mistake! I guess that would make a very
nice beginning of a story! Yung ending pag-iisipan ko pero kailangan kong maisulat
na agad yun bago ko pa makalimutan.

With my eyes still closed, kinapa-kapa ko na kung saan ko naipatong yung silver
journal ko. 'Journal, where art thou?' Hindi ko ito mahanap sa usual spot na
pinagpapatungan ko.

Paano naman kasi, parang may nagbago sa ayos ng kwarto ko. Actually, kahit ito
mismong kama ko ay nakakapanibago. Sobrang lambot at iba ang amoy—amoy pabango ng
lalaki. Parang kaamoy ni...

"That is so adorable, sugarpuff."

Ano raw? Adorable? Sugar puff? Am I still dreaming? Sino yung nagsalita? And eerily
familiar yung voice niya. I slowly opened my eyes and found a man lying next to me.
"Sylfer?"

"Rise and shine, baby cake!"

Gasp! I jumped out of the bed that instant with the blanket wrapped around my body.
"Ikaw! Anong ginagawa mo rito sa kwarto ko—oh my! Hindi ko kwarto 'to!" I let my
eyes roam around the whole place and back to Sylfer's face. "Why am I here?"

"Calm down, daisy babe. You're in my room. Remember you got drunk last night?"

"I got drunk?"

"You were the cutest thing!"

"Eh bakit mo ako inuwi dito sa bahay mo?"

"This isn't my house. We're at the camp. At tsaka ayaw mo ibigay ang address mo so
I have no choice. And you said it was okay for you to go here."

Oh no! Hell no! Lasing ako at ang lalaking ito pa ang kasama ko! Ang malanding
lalaking ito! Nang matitigan ko pa siyang maigi, wala siyang pang-itaas! Ang hot
niya, infairness. But that's not the point!

"Did... did something happen between us?"

"A lot! It was crazy but one of the best night of my life!"

"Oh my gosh! Walang hiya ka! Sinamantala mo ako noong lasing ako! I knew I never
should have trusted you! Sisiguraduhin kong mananagot sa kawalang-hiyaan mo!"

"Hey, hey! Easy! Ano na namang kasalanan ko?"

"You said something happened! You—you rapist!" I stammered.

"Rapist? I... I didn't rape you! Look, you're still wearing your clothes."

Napayuko ako para tignan ang sarili ko at tama nga siya, nakadamit pa nga ako. "Eh
bakit shirtless ka?"

"Hinubaran mo ako."

"I did what?"


"Ikaw ang nanamantala saakin. Ako ang dapat mong panagutan." Pumikit siya na parang
naiiyak with matching pagyakap sa unan. At maniniwala na sana ako dahil lasing ako
kagabi pero, "JOKE! Sinukahan mo lang naman ako but that's fine with me. Pero kung
gusto mong panagutan pa rin natin ang isa't isa, pwede naman nating gawin yung alam
mo na..."

"Sira ulo ka pala eh!" Tamang-tama, nahanap ko na kung saan nakapatong yung silver
journal ko! Kinuha ko yun at pinanghampas ko sa ulo niya.

"I was just joking!"

"It's not funny!"

"I wasn't being funny though. I'm being romantic!"

"You're joking to be romantic? Well let me tell you something, playboy. It's not a
good combination!"

Inayos ko na ang sarili ko at kinuha na ang mga gamit ko. Sinundan pa ako ni Sylfer
para pigilan ako pero hindi ko siya pinansin. Wala akong balak na magtagal pa sa
bahay o camp o whatever na lugar na ito!

Ngunit nakaka-tatlong hakbang pa lamang ako palapit sa pintuan, naagaw ang atensyon
ko sa direksyon nung bintana. Yung view... kakaiba. Surreal! Parang sa panaginip ko
pa rin!

Dahan-dahan akong lumapit doon para matignan ng maigi yung labas. Tumambad saakin
ang isang malawak na lupain na ngayon ko lang nakita. Tanaw ko rin ang ilang
floating islands sa 'di kalayuan at may mga naglipanang kung anu-anong creatures na
sa mga fantasy books from Orcen Library ko lang nabasa.

Sa pinaka-ibaba nitong mega-structure na kinaroroonan ko, may mga taong nagsasanay.


At mukhang silang mga characters dun sa mga online games na kinalolokohan ng
kabataan ngayon.

"Oh, I get it..." I said to myself. Nananaginip pa rin pala ako. Meaning hindi ko
nakasama si Sylfer buong gabi. Siguro nga ay nahihimbing pa rin ako sa sarili kong
kama dun sa apartment na tinutuluyan ko.

"Ang ganda ng view, 'noh?" Lumapit saakin si Sylfer at umakbay pa. "Pero mas
maganda ka."

Siniko ko naman siya at inalis ang kamay niya sa balikat ko. "Manahimik ka.
Sinisira mo ang moment of awe ko."
"But seriously, ang ganda talaga ng view rito sa kwarto ko."

"Oo na. Sinabi mo pa. Panaginip ko 'to eh."

"Hindi ka nananaginip."

"Kurutin mo nga ako?"

"Hindi ako nangungurot. Iki-kiss na lang kita."

Ngumuso na siya pero ang nahalikan niya ay ang palad ko.

"Ouch!" We exclaimed in unison. Nasaktan yung nguso ni Sylfer samantalang yung


kamay ko naman ang sumakit...

"Bakit masakit?" Eh nanaginip nga lang ako! Isa pa! Sinuntok ko yung pader at
pinagsisihan ko agad yun. "Put-tangerine! Motherfu-reigner! Son of a bi-eefsteak!"
Sarap na talagang magmura dahil sa sobrang sakit but like I said before, hindi ako
nagmumura.

Hinila naman agad ni Sylfer ang kamay ko, may ibinulong siyang kung ano at saka ito
hinipan. In an instant, nawala yung sakit.

"Holy shi-mpanzee... ano yung ginawa mo?"

"Simple healing blow. Pati yun hindi mo alam? Medyo naghihinala na ako sayo, parang
wala kang kaalam-alam dito sa Otherworld."

"Otherworld? Eh diba fictional world lang yun?"

"Fictional? Babydoll, we are at the Otherworld. What is wrong with you? Pinapakaba
mo na ako. Otherworlder ka naman diba?"

"I'm not! From the books I've read and as far as I know, I'm a MORTAL."

Sylfer stopped all his action and stared at me. His silence took so long that I had
to check if he's still breathing.

"Hoy! Ako ang dapat na nagugulat dito ah! Nasa Otherworld tayo? Otherworld is real!
My golly! Kung kailan hindi ko dinala yung instax ko! Wala tuloy akong pang-
selfie!"
Slowly, Sylfer closed his eyes and took big breaths to calm himself down. "We're in
trouble." He sounded afraid. "You're in big trouble."

Hindi na ako nakapag-react sa kung ano yung ibig niyang sabihin. He just pulled me
close to him, raising his hand with a wand pointing at me and said, "Somnus!"

* * *

I woke up and found myself staring at a ceiling. This is no longer Sylfer's room. I
slowly rose up and my vision still blurred, then found out that my hands are tied
on the chair. "What the fudge?"

I gaze focused on a curtain that's hiding the other side of the room. I saw two
male silhouettes and they were talking about something I don't know. Though I
recognized the first voice, it was Sylfer.

"Wala ka bang ibang invisibility potions?"

"Meron naman Master Syl," Sagot sa kanya ng kausap niya. "Pero hindi nun maitatago
ang amoy niya. Matutunton pa rin siya ng mga Sniffers."

"Pwede na rin yun basta mailipat muna natin siya ng ibang lugar. Hindi siya pwedeng
magtagal dito sa camp. Mayayari tayo."

"Saan niyo siya balak itago?"

"Bahala na..."

What's with these two? Ano kayang balak nila saakin? Dahan-dahan ko nang sinubukang
kalagan ang sarili ko pero kahit anong pag-iingat pa ang ginawa ko, naramdaman
nilang gising na ako.

"Master Syl... gising na yata siya."

Pumasok na si Sylfer para i-check nga kung gising na ako. He seemed sorry but
doesn't look okay.

"Bakit ako natali?" Tanong ko sa kanya.

"Nanununtok ka habang tulog." Sagot niya sabay pakita sa black eye niya sa kanang
mata.

Panandalian kaming natahimik. Nagpapakiramdaman. Pero ako na ang unang nagsalita.


"So hindi naman panaginip yung kanina, diba? Otherworld is real. And you... you're
a real Wizard."

"And you're not afraid?"

"No." Adventurous akong tao. Nagulat ako sa nadiskubre ko pero hindi ako natakot.
Besides, "You won't hurt me." Alam ko dahil kung may balak na masama saakin si
Sylfer, sana hindi na ako nagising kanina. "Sino yung kausap mo dun sa labas?
Elemental Guardian mo?"

"Alam mo ang tungkol sa Elemental Guardians?"

"Nabasa ko sa mga libro. So anong klaseng nilalang siya?"

"Tao ako." Sumagot na yung boses.

"At hindi ko siya Elemental Guardian." Dagdag naman ni Sylfer. "Hey bro, halika
rito!"

Nagpakita na yung kausap niya at may hawak itong isang mangkok. Sa palagay ko ay
teenager siya. And for a guy, he has a cute face with disturbingly feminine
features. Though he could look fierce because of his eagle eyes but examining the
way he handles himself, he's a very shy boy. Tipong madaling utuin at masarap i-
bully.

He waved his hand to greet me, "A... ako nga pala si Sage Morseth. I'm a Class D+
Wizard specializing in potion making. At apprentice rin ako ni Master Sylfer."

"Apprentice sa Wizardry?"

"No... he's teaching me on how to be a cool wizard."

"You got to be kidding me?"

"Seryoso ako! Gusto kong maging kasing cool ni Master Syl!"

Ngumisi naman si Sylfer sa may gilid at feel na feel niya na ang taas ng tingin sa
kanya nung kawawang bata na 'to. Ano klaseng pang-uuto kaya ang ginawa niya?

"Anyway, it's nice to meet you Sage. Ako naman si..." Hindi ko natuloy ang
sasabihin ko nang may maalala ako. Isang passage mula sa libro doon sa Orcen
Library.

'A Mortal's anonymity is their best shelter.


Unless you want to enter a Life Contract or become a Mortal Slave,

never entrust your name to an Otherworlder.'

"I can't tell you my name."

"Why?"

"Don't ask me why. Ayokong sumailalim sa Life Contract o maging Mortal Slave ng
sino man sa inyo."

"Ang dami na niyang nalalaman, Master Syl."

"Paano ka nakapasok sa Orcen Library? Imposibleng makapasok ang mga Mortal dun."

"May nakilala akong matanda at in-invite niya ako na pumunta sa library na yun.
Binigyan niya ako ng keychain bilang pass."

"Nasaan yung keychain?"

"Nasa bulsa ko."

Napatingin silang dalawa sa bulsang tinutukoy ko—yung bulsang malapit sa bandang


dibdib ko. Si Sylfer ang naglakas-loob na lumapit at paangat na sana ang kamay niya
pero...

"Wag mong subukang ilapit yang kamay mo saakin, Sylfer."

"Paano namin kukunin yan?"

"You can levitate things."

"Baka kasamang mag-levitate rin yung damit mo. You know, accidents do happen
especially when I'm nervous!"

"Eh 'di kalagan niyo ako!"

"Wala kang gagawing masama?"

"Hello! Mortal ako at Wizard kayo! Sino ba sa atin ang may kapangyarihan?"
Napayuko naman si Sylfer at saka bumulong. "Mas nakakatakot ka kaya magalit."

"Partida, tulog pa siya kanina." Segunda naman ni Sage.

Tinignan ko sila ng masama. Akala mo hindi ko naririnig pinag-uusapan nila.


"Pakawalan niyo na ako bago pa ako tuluyang magalit sa inyo." Sabi ko na may halong
pagbabanta na.

Tinanggal na rin naman na ni Sage ang tali sa mga kamay ko. Saka ko pa lamang
naipakita sa kanila ang tinutukoy kong keychain.

Nang tignan itong maigi ni Sylfer, "May emblem ito ng Flemwall."

"Si Lolo Lorcan ang nagbigay saakin niyan."

"Si Master Lorcan?"

"Tinulungan niya ako na makahanap ng inspirasyon dun sa library para sa gagawin


kong kwento."

Ibinalik na saakin ni Sylfer ang keychain pero bakas na sa mukha niya ang
panlulumo. Medyo kinabahan tuloy ako.

"You said I'm in trouble. Why am I in trouble?"

"Illegal ang pagtapak mo rito sa mundo namin." Sagot saakin ni Sage.

"It's not my fault. Si Sylfer ang nagdala saakin dito." Paninisi ko naman.

"For sure, malulusutan ni Master Sylfer ang kasalanan niya. He's half-Flemwall!
Malakas ang kapit niya."

"Eh ganun naman pala..."

"Pero ibang kaso ang sayo. Huhuliin ka ng MDMs."

"Ano yun?"

"Mortal Detection Marshals."

"Kapag nahuli nila ako, eh di pagpyansahan niyo ako!"


"Hindi yun ganun kadali. Ikukulong ka nila sa mahabang panahon. Tatanggalin nila
lahat ng alaala mo tungkol sa Otherworld. Matagal na proseso lalo pa dahil ang dami
mo nang nalalaman. At kung makabalik ka man sa Mortal World, hindi na magiging
kagaya ng dati ang buhay mo. Sa mga naalala kong kaso ng mga illegal mortals na
nakakarating dito at nakabalik sa totoong mundo niyo, nagkakaroon sila ng sakit sa
utak... kadalasan napagkakamalan nang baliw."

"Sage, tama na. Tinatakot mo na siya."

"Ang dami na niyang nasabi, ngayon mo lang pinatigil!" Napatayo na ako at


nararamdaman ko na ang panic sa buong katawan ko. "Anong gagawin natin? Hindi nila
pwedeng burahin ang mga alaala ko! Baka mawala rin lahat ng mga pinaghirapan kong
research at ideas para sa kwento ko! Worst, ayokong mapagkamalang baliw kapag
nagbalik na ako sa mundo ko!"

"You have three options to make your stay here legal, honeybunch. Option one, we
can sign a Life Contract and you'll be my Mortal Slave for a while. Option two, we
can do an Initiation Ritual and we'll be connected for a while! Option three, we do
option one and two and it will all be for a while!"

"How about option four? Just bring me back to my world!"

"Um, Master Syl..."

"I can't. It took me so many months bago ako nakakuha noon ng pass to stay for two
days sa Mortal World. Pahirapan yun, sweetiepie."

"Ehem... Master Syl..."

"Then you're saying I'm doomed? Hinding-hindi ako papayag sa mga options na binigay
mo!"

"Excuse me lang, Master..."

"Then ready ka na tanggalin nila ang alaala mo?"

"Lalong hindi!"

"Master Sylfer..."

"WHAT?" Sabay naming naitanong sa kanina pang singit ng singit na si Sage. Gusto
yatang makurot sa singit nito eh!
"Nasundan na kayo ng MDMs," sabi niya at ipinakita saamin yung mangkok na kanina pa
niyang hawak. Naglalaman ito ng likido na nagpapakita ng mga imahe mula sa labas.
"Nandito na sila sa camp at may mga kasamang Sniffers."

=================

Side Story 6 (12-10-2014)

(The Author)

“Somnus!”

Tinamaan ng lintek si Sylfer. Kaunti na lang at malapit na siyang maniwala sa sabi-


sabi ng iba na puro masamang hangin lang ang laman ng utak niya. Mas masama pa sa
hangin mula sa Fart Spell niya.

Dahan-dahan niyang ibinaba sa kama ang mortal at saka nag-isip.

“Ano nang gagawin ko?” Hindi siya mapakali at palakad-lakad ito sa paligid ng
higaan. “Mortal siya... mortal siya... pero ang ganda niya. Eh pero mortal siya...
at bawal ‘to!”

Biglang may kumatok sa may pinto, dahilan para magulat siya. Naisip na niya agad na
baka may Sniffers at Mortal Detection Marshals na ang nag-aabang sa kanya.

Dali-dali niyang kinumutan ang mortal at kahit masama sa loob niya, napilitan
siyang itago ito sa loob ng kanyang cabinet.

Matapos nito, lakas-loob nang lumapit si Sylfer sa may pintuan. Nag-iisip na siya
ng mga posibleng alibi na sasabihin ngunit nang buksan na niya ito, “Welcome back
Master Syl!” Si Sage lang pala.

Agad niyang nilingon ang labas para siguruhin na walang ibang tao sa paligid,
“Mabuti dumating ka, bro! May malaking problema tayo?”

“Problema? Kasama ako, Master? Kararating ko lang.”

“Para saan pa na naging Master mo ako kung hindi kita idadamay. I mean... isipin mo
na lang na ito rin ang first challenge na ibibigay ko sayo.”

Dahil sadya namang utu-uto ang batang Class D+, “Ta... talaga, Master? Okay,
challenge accepted!” Saka siya nagmatapang na pumasok na sa kwarto. “Anong problema
ba yan, Master Syl?”

Hindi mahugot ni Sylfer ang mga salita para ipaliwanag ang problema kaya naman
ipinakita niya na lang ang kinaroroonan ng mortal na itinago niya sa cabinet.

“Hwaah! Pumatay ka ng babae, Master?”

“Ano ang una kong itinuro sayo? Ang babae ay minamahal, hindi pinapatay.”
“Eh... anong ginagawa niya dyan, Master? Nilasing mo?”

“Parang ganun... pero hindi ko naman sinasadya na malasing siya! At nagising na


siya kanina, pinatulog ko lang ulit.”

“Ang ganda niya, Master.”

“I know. She’s my girl!”

“Hindi ko naman aagawin.”

“And she’s a mortal.”

“Wow! Nakahanap ka na ng Mortal Slave?”

“No. She’s an illegal mortal. I brought her here by accident.” Nagkatinginan sila.
Malaking problema nga talaga. “Mayayari ako kapag nahuli siya ng MDMs dito.
Kailangan natin siyang mailipat sa ibang lugar!”

Nag-isip sandali si Sage. Kapag hindi niya natulungan si Sylfer, baka itakwil na
siya bilang apprentice. Ngunit dalawang lugar lang naman ang madalas nitong
pagtambayan kapag walang klase sa camp. Yun ay ang kwarto mismo ng Master niya at,
“Sa potion testing room! Dahil sa halu-halong amoy ng potions dun, matatakpan kahit
papaano ang mortal scent niya!”
Mukhang pumasa naman sa unang pagsubok si Sage. Nagtungo na sila sa potion testing
room ngunit hindi naging madali ang lahat.

Okay lang sana kung mahuli sila ng isa sa mga professors sa camp o kaya
makasalubong ng mga fans dahil madali lang namang takasan ang mga iyon. Ang
problema ay nasa mismong mortal na kasama nila.

“Ah—aray ko, Master! Sinasabunutan na niya ako! Ang anit ko!”

“Amin na, ako naman ang magbubuhat sa kanya...” At kabubuhat pa nga lang ulit ni
Sylfer sa mortal, “Ack... she’s strangling me!”

“Konting-tiis na lang, Master! Makakarating na tayo sa potion testing room!”

Naninipa, nanununtok at brutal ang mortal kahit tulog pa ito. Kinailangan talagang
magsalitan sila sa pagbuhat para hindi tuluyang mabugbog ng sleeping monster—este
mortal pala.

Kaya nga pagdating nila sa potion testing room, sinigurado nilang nakatali na sa
isang upuan ang ating bidang mortal para siguradong hindi na ito makapanakit pa.

End of Side Story 6


=================

Chapter 7 (12-14-2014)

(The Mortal)

Dalawang lalaking na may suot na black and red uniform ang lumapit sa gatekeeper ng
camp. Tinitignan ko pa lang ang tindig at mga mukha nila, naiintindihan ko na kung
bakit natatakot sina Sylfer at Sage para saakin. They send off this ‘illegal-
mortals-will-be-punished’ aura.

Magkatulong sila sa pagbitbit ng isang closed wooden box na umuuga-uga at may kung
ano pang ingay na nanggagaling rito. Sylfer said that those are the Sniffers.

“Mula kami sa Mortal Detection Tower.” Pakilala ng unang MDM at sabay nilang
ipinakita ang mga badges nila. “Kagabi, may illegal na mortal na nakapasok dito sa
mundo natin sa tulong ng hindi pa namin nakikilalang Otherworlder. Na-trace ng mga
Sniffers na dito sa Flemwall Wizardry Camp dinala ang mortal.”

“Narito ang search merit na may pirma ng aming head marshal.” Sabi naman ng isa
pang MDM saka nagpakita ng isang papel. “Para sa kapakanan ng buong Otherworld,
hinihiling namin ang pahintulot na mahalughog ang buong camp upang mahuli na ang
mortal at kasabwat nito.”

Binasa ito ng maigi ng tagabantay. Nakita namin ang pagpayag nito at pinagbuksan na
ng gate ang dalawang marshal.

Nang makapasok na ang mga ito, binuksan na rin nila ang wooden box na bitbit nila.
Naglabasan ang apat na 12 inches, beige-colored dragon-like creatures with a thorny
wings. They traced my scent through their anteater-like snouts.
“Ano nang gagawin natin!” I asked, panicking. “Mahahanap nila ako at—no! I don’t
wanna think about it!” Saka ako napatingin sa lalaking dahilan kung bakit ako may
ganitong problema ngayon. “Bakit ang kalmado mo pa dyan?”

“I already gave you options. All you have to do is choose.”

“There’s no way I’ll give in to that! Besides, kasalanan mo lahat ng ‘to kaya bakit
ako ang dapat na maging alipin mo! Think of something! Anything!”

Sylfer looked down and covered his ears at my yelling voice. Aba’t bastos na
lalaki! Sa inis ko, nag-take off na ang kamao at handa na sana sa pag-landing sa
ulo niya pero pinigilan naman ako ni Sage.

“Don’t!”

“Don’t ‘don’t’ me! Damay-damay na lahat dito! Kapag ako hinuli nila, pati kayo
ididiin ko!”

“Ba... bakit pati ako?” Biglang naging kawawa ang boses niya.

“Eh yung master mo naman kasi! Tignan mo, inunahan pa yata ako sa pagni-nervous
breakdown!”
“Paraan lang yan ni Master Syl kapag nag-iisip siya. Wag kang mag-panic at hintayin
natin siya.”

Time is running! Every second na pinababayaan namin si Sylfer sa trip niya, palapit
na rin ng palapit ang mga MDMs at Sniffers nila! Stealing away my memories is a
fate worse than death!

But since nakiusap saakin si Sage na manahimik, sinunod ko na lang ito at hinintay
namin si Sylfer. Siguro naman he’s not dozing off with his eyes open.

Hinarap ko na lamang siya at tumitig sa kanya. I’m praying na sana nga ay


pinapagana niya ang utak niya dahil kung hindi, sisirain ko ang gwapo niyang mukha.

Maybe five seconds later, nakitaan ko nang nagbago ang blank expression ni Sylfer,
then his eyes met with mine, “Are you trying to hypnotize me with your beauty?”

Arg!  Aaaargh! He’s gone mad! Really mad! “May naisip ka na ba bukod sa options na
binigay mo kanina?” I asked, getting twice as worried now.

“May naisip na ako. But it will only work if you trust me and if you do as I say.”

As if I have a choice! Pero nakahinga ako ng maluwag dahil may ibang way pa naman
pala. “As long as I don’t become a Mortal Slave, then let’s go for it! Ano bang
plano mo?”

Sandaling sinilip ulit ni Sylfer yung mangkok at saka tinignan ang wristwatch niya.
“We have less than five minutes before the Sniffers find you here.” Then he reached
for his side pocket and showed me a handkerchief. “I need you to strip and wear
this.”

I heard a ticking sound inside my head and a bomb exploded. My palm landed square
on his face, “Problemado na ang lahat at kabastusan pa yang naiisip mo! Anong plano
mo? Pagbebentahan natin ng aliw ang MDMs para makalusot ako rito!”

“Hmm, I haven’t thought of that. But that could actually work too.”

Sasampalin ko sana siya ulit pero inilagan na niya ito.

“Wait, ito seryoso na! Kaya kita pinapahubad dahil yung amoy ng damit mo ang
pasusundan natin sa mga Sniffers.”

“Then surely you’re not serious that you want me to wear that piece of sheet!” Uy,
parang nagmura na rin ako nun ah.

“Sage, may Shrinking Potion ka dyan, diba?”

Hinanap ni Sage ang tinutukoy ni Sylfer sa isang drawer na may kung anu-anong
potions. “Heto po, Master Syl!” May inihagis siyang maliit na bote na may glowing
white liquid sa loob at sinalo naman ito ni Sylfer.

“Paliliitin ka ng potion na ito and for the meantime, ilalagay ka muna namin sa
isang garapon para kahit papaano ay hindi masyadong humalimuyak ang bango mo.”
“Limang patak ang kailangan mo.” Sabi naman ni Sage.

“And this will work? Hindi na ako mahahanap ng mga MDMs at Sniffers?”

“No matter what we do, we cannot conceal your mortal scent. However, this plan will
get you out of this place and it will buy us some time until we figure everything.”

I looked at him, not fully trusting him, but hoping that this plan will work. “Give
me those.” Kinuha ko na yung panyo at potion. “Yung damit lang naman yung kailan
kong iwan, diba? Pero paano naman itong journal ko?”

“Isang patak lang ng potion ang kailangan niyan.”

“Okay...” I’m ready and I’m afraid and I’m also excited. At maghuhubad na sana ako
pero, “Ano pang ginagawa niyong dalawa? Labas na!”

Nang maiwan na akong mag-isa, inilapag ko na yung journal sa sahig at pinatakan ito
ng Shrinking potion ng isang beses. What I saw next was super-awesome! My journal
shrunk—a coin for scale. And oh heavens above! I sucked in air because it’s my turn
now.

Limang patak ang ininom ko. Walang lasa, wala ring sakit.
But I’ve died and gone to heaven! Just kidding! Not really... but ugh! When I felt
my whole body shrunk, the sensation made it nearly impossible for me not to drop
the F-word! As in sobrang—insert the most profane phrase of disbelief and
astonishment here.

Isang dangkal na lang ang liit ko ngayon, at dali-dali ko nang itinapis sa buong
katawan ko yung panyo na nagmukha nang kumot para saakin.

“Baby lovebug, time is running! Nandito na sa building ang mga Sniffers!”

“Okay na! Pwede na kayong pumasok!” Isinigaw ko dahil pati boses ko ay lumiit na.

Nang sabay na silang pumasok, naunang lumapit at yumuko si Sylfer para tignan ako.
“Oh my teenie weenie tootsie-wutsy! Can I just keep you?”

Naramdaman kong nanindig bigla ang mga balahibo ko dahil sa sinabi ni Sylfer.
“Sage! Kahit anong mangyari, ikaw ang magbibitbit saakin, maliwanag ba?”

Pinapasok na nila ako sa isang garapon habang yakap ko nang mahigpit yung journal
ko at yung panyong suot ko. May tatlong butas naman yung takip na ginamit nila para
makahinga ako ng maayos. Si Sage ang may hawak saakin tulad ng iniutos ko.

“Bro, ingatan mo yang little munchkin ko ah!”

“Oo naman, Master Syl.”


Akala ko ba nagmamadali kami? “So what’s next?”

“Relax,” Sabi ni Sylfer na may kasamang kindat at saka niya dinukot ang wand niya.
“And be enthralled!”

Gamit ang kanyang wand, pinaikot niya ang mga damit ko na parang bola. Saka niya
ito pinalutang at iwinasiwas sa buong kwarto na para bang ikinakalat pa ang buong
amoy ko para sa mga Sniffers.

Sunod, may binanggit naman na spell si Sylfer, “Venenum vergasen,” May lumabas na
suspicious green gas na pareho nilang iniwasan kaya bago pa man ito kumalat, “I en
bubbla!” Ipinaloob niya ito sa isang bula at saka maingat na pinalutang malapit sa
pintuan.

“Nasa same floor na sila nitong building, Master.” Sage reminded us.

Sa may bintana sila dumaan. Unang tumalon si Sylfer at sinundan ito ni Sage na may
hawak ng garapon na kinalalagyan ko. Nagulat talaga ako dahil parang free ride sa
amusement part ang nangyari, but we didn’t end up on the ground because they
floated.

Bago naman namin nilisan ang lugar, yung mga damit ko ay ikinalat pa ni Sylfer sa
iba’t ibang parte ng camp.

We took off as fast as greased lightning, but we can still see what’s happening
inside the room. The Sniffers already found the place and the marshals are ready to
force open the door. But as planned by Sylfer, the bubble with the green gas
exploded, they inhaled it, and nauseatingly beat a hasty retreat off the room.
“Ano ba yung green gas na yun?”

“Yun ang F-bomb ni Master Syl.”

“F-bomb?”

“Fart-bomb!”

One word. Eww.

* * *

Narito na kami sa tinatawag nilang Necro Market—that I will secretly call the
Divisoria of the Otherworld.

Ang daming mga tindang kung anu-ano at nagkalat din ang iba’t ibang nilalang na ni
sa imagination ko ay hindi man lang ito sumagi. I was surprised but wasn’t scared
at all. I mean this experience was a dream that came true for a writer like me! Ang
daming ideas kong napupulot.

It was beyond belief so I wrote a quick list of those creatures in my journal for
future reference. Sayang lang talaga at hindi ko ito makukuhanan ng mga pictures.
Palingon-lingon naman sina Sylfer at Sage para i-check kung nasundan ba kami ng mga
Sniffers. So far, ni anino nila ay hindi namin makita. Namalayan ko na lang na nasa
isang terminal na kami—a terminal with a herd of parrot-feathered flying deer. They
told me na Peryton ang tawag dun. What magnificent creatures! Yun daw ang sasakyan
namin.

“Where are we heading?” I had to ask.

“To my Sugar-baby sister’s laboratory,” Sylfer said.

“Talaga Master? Sa lab ni Miss Zelsha? Makikilala ko na siya! Yes!” Nagbubunying


singit naman ni Sage.

“Wait... sister? Laboratory? Hindi niyo naman siguro binabalak na pag-


experimentuhan ako, noh?”

“Of course not, honeymuffin! Puro mga bakal at sira-sirang gamit ang dina-dissect
ni Sugar-baby. Tinker siya kaya matatawag na genius na rin at sigurado akong
matutulungan niya tayo.”

“Sigurado ka talaga?”

“Na matutulungan niya tayo? Oo naman!”


“Hindi yun. Na may kapatid ka ngang genius! Sure ka na hindi yun katulad mo ah.”

Sylfer chuckled. As if nagpapatawa ako. “Just a piece of advice though. Once you
meet her, never ever disagree on what she says because probably she’s right. Oh!
But never trust her looks.”

“You want us to believe whatever she says but we cannot trust the way she looks?
Ano ba siya? Gender-bender? Can she transform into something? A monster maybe?”

“Hindi naman! Pero kapag nagpaloko ka lang kasi sa ipinapakita niya, you’ll get
crushed!”

“Um... should we take that literally?” Kinakabahang tanong naman ni Sage.

“It depends!”

Pero ang sagot na yun ni Sylfer ang mas nagpakaba lalo saamin. Excited pa naman din
ako kaso anong klaseng ugali kaya meron ang kapatid niyang si Zelsha?

=================
Side Story 7 (12-17-2014)

(The Author)

Kasalukuyang nagka-klase ngayon ang mga Class E o yung mga nasa Beginners level pa
lamang sa camp na ito. Dibdiban ang pag-aaral nila tungkol sa History of Magic and
Wizardry.

Para sa lahat, ang parteng ito ng kanilang pag-aaral ang pinaka-boring dahil puro
notes, lectures, discussions at sangkaterbang memorizations lang ang ginagawa.
Katulad lamang ito sa mga karaniwang klase sa Mortal World—walang magic, ibig
sabihin ay walang thrill. Lalong walang shortcut, kung kailangan mong mag-sunog ng
kilay sa pag-aaral, gawin mo.

Ngunit kahit gaano pa ito ka-boring, ito naman rin ang pinakamahalagang dapat
nilang matutunan. Bago kasi makaangat sa Primary level o Class D, kailangang 100%
nilang maipasa ang oral at written tests. Sa oras na magpabaya sila sa pag-aaral o
kahit simpleng detalye lang ang makalimutan nila, hindi sila kailanman makakaangat
ng ranking.

“Okay, may makapagsasabi ba sa inyo kung sino ang naging kauna-unahang Class S
Wizard sa buong kasaysayan ng Otherworld?”

Sabay-sabay na nagtaas ng kamay ang mga estudyante. Syempre pa, walang hindi
nakakakilala sa taong iyon.

“Si Arturius Flemwall po!” Sagot ng estudyanteng tinawag ng guro nilang Class A+
Wizard na nasa edad singkwenta na.
“Magaling! At ilang taon siya noong maging Class S siya?”

“63 years old po!”

“Tama!” Saka nagharap ang guro ng painting ni Arturius Flemwall. “Hindi lahat ng
mga magagaling na Wizard at Sorceress ay nakakaabot sa ganitong ranking. Maka-
graduate ka man dito sa camp at maging Class A+, walang kasiguraduhan kung makakaya
mo pang iangat ang sarili upang umabot sa supreme level na ito.”

“Sir...” Napataas naman ng kamay ang isang estudyante upang magtanong, “Totoo po ba
na kung wala kang dugong Flemwall, mahirap talaga na umabot sa ganoon level?”

Napangiti ng mapait ang guro. “Totoo. Bukod sa family secret na mayroon sila,
nanalaytay na rin mismo sa mga dugo at ugat nila ang natural na paggamit ng
kapangyarihan—idagdag pa na mga Luxurians sila kaya sila ang talagang tinitingala
pagdating sa Wizardry.”

Sa mga sinabing iyon ng guro, halata ang pagkadismaya ng buong klase.

“Ngunit, hindi rin naman ito imposible para sa mga non-Flemwall!” Agad na idinagdag
ng guro upang hindi panghinaan ng loob ang buong klase. “Sa naitalang kasaysayan ng
Wizardry, dalawang non-Flemwall na ang nakagawa noon. Ang una ay kinilalang si
Master Berinon Priery na ipinanganak noong 1630. Sa edad 65 siya naging Class S at
siya ring nagtayo ng Orcen Library na matatagpuan lamang sa Mortal World. Ang
pumapangalawa na alam kong kilala niyo rin ay isang Master Sorceress na kasalukuyan
namang naninirahan sa Light Blooming Forest—si Sorceress Louhi.”

Saka ulit napangiti ang guro ngunit sa pagkakataong ito, wala nang bahid ng pait
kundi pag-asa na lamang ang nakikita sa mga mata niyo. “Tulad ko na non-Flemwall na
nangangarap pa rin na maging Class S balang-araw, gawin nating ehemplo sina Master
Berinon at Sorceress Louhi upang maabot ang pangarap na iyon!”

Nagkatinginan ang lahat, napatango sila at nabubuhayan ng loob. Nang may isang
sumigaw na isinusumpa niyang magiging Class S siya, sinundan din ito ng lahat.

Yung boring na klase, sa wakas ay nagkaroon din ng ingay. Kaya nga lang, “Oh siya!
Bago pala kayo mangarap na maging Class S, lampasan niyo muna ang klaseng ‘to.”

Okay na sana ang lahat. Inspired na sila kahit papaano, yun nga lang, may kumalat
na nakasusulasok na amoy sa buong lugar. “Class, sino yung nagpasabog?” Napatakip
ng kanyang ilong ang guro. Pinaypayan niya ang lugar pero naamoy pa rin niya.
“Argh! May umutot!”

“Hindi ako!”

“Mas lalong hindi ako.”

“Baka si ano—”

“Hindi ako yun ah!”

“Parang dito banda nanggagaling yung amoy eh!”


“Waaaaah! Nakakasuka, galing yata sa taas!”

“Walang aamin sa inyo kung sino yung umutot?”

“Sir, hindi nga po kami yun!”

=================

Chapter 8 (04-18-2015)

(The Mortal)

Hindi ko alam kung paano ie-explain ang experience sa byahe namin with the Peryton.
Pagsakay pa lang ni Sage na may hawak sa kinalalagyan kong garapon, lumipad na ito
at blurry image na lang ang nakita ko. Since walang matinong view, ipinikit ko na
lang ang mga mata ko para hindi mahilo.

Less than an hour later, nang maramdaman ko na ang pagbagal ng lipad namin, saka pa
lamang din ako nagkaroon ng clear sight sa lugar na pinuntahan namin.

Otherworld is nothing like any places you can find on Earth. The surrounding
forest, the sky, the people and the creatures, the whole aura—it's a rarefied level
of reality and fantasy! And I still find it hard to believe na hindi nga ako
nananaginip lang.
Then I saw a steampunk-ish structure of a building. Sobrang obvious na binuo 'yun
from scrap metals and gears and whatever those materials are. It's kind of cool if
you're into retro-futuristic style. But for me, panira ang presence ng building na
iyon sa paraisong ito.

We reached a certain spot at iniwan na doon ang mga Peryton na sinakyan namin. Then
for a moment, nakatanaw lang sina Sylfer sa building na 'yun.

"Bro, nasaan na yung invisibility potion na hinihingi ko?"

"Ito po Master Syl." Agad itong iniabot ni Sage sa kanya. "Ilalabas ko na rin ba
itong mortal?"

"No. This potion is for me. Gaano karami ang iinumin ko for a five minute
invisibility?"

"Limang patak. Pero bakit po ikaw ang gagamit niyan?"

"Dahil siguradong hindi ako papasukin ng kapatid ko kapag nakita niya agad ang
kagwapuhan ko."

Ano ba naman! Hanggang dito sa garapon na kinalalagyan ko, umabot ang kahanginan
niya.

"Pero paano yun, Master?"


"Ikaw ang kakatok at sabihin mo lang na may mensahe ka mula sa Flemwall Wizardry
Camp. Then ako na ang bahala kapag nasa loob na tayo."

Ginamit na ni Sylfer ang potion and it took a minute before he vanished in our
sight. Tanging boses na lang niya ang naririnig namin.

"Mauna na kayo, bro! Nasa likod niyo lang ako."

Nagsimula nang maglakad si Sage hanggang sa marating na namin ang isang higanteng
iron gate. Huminga muna siya ng malalim bago kumatok ng tatlong beses.

We waited kung sino ang sasagot sa pinto, but a smaller hole opened and a
mechanical tentacle came out. May mata sa dulo 'nun. Sobrang cool!

"Sino ka?" It was a sweet girl's voice. Boses na yata ng kapatid ni Sylfer. "I
wasn't expecting any visitor."

"Ahh... um... galing ako sa Flemwall Wizardry Camp. May dala akong mensahe para kay
Ms. Zelsha Flemwall-Ardensier."

Sinimulang kapkapan nung mechanical tentacle si Sage. Nang makita niya ako sa loob
ng garapon, pinandilatan ako ng malaking mata nito.
"At ano 'to? Dactyl?"

"O-opo..."

Obvious kay Sage na kinakabahan siya kung makakapasok ba kami sa loob. Ang tagal
kasi kaming pinaghintay ng mechanical tentacle sa labas. Papasukin ba kami or
patutubuan muna ng ugat dito?

More than three minutes later, nag-open na rin sa wakas ang pintuan. Isang mahabang
hallway ang bumungad saamin. Kahit saan ako tumingin, puro rusty pieces of metals
ang nasa paligid. But it was impressive dahil hindi siya messy tignan. It was more
like an art.

"This way." We heard her voice again but this time, galing na ito sa isang speaker
na nasa pader. Bigla pang nagkaroon ng green lights sa sahig na nagtuturo sa
direksyon na dapat naming puntahan.

Nakahinga na kami ng maluwag dahil nakapasok na kami sa loob. Pero isang hakbang pa
nga lang ang nagagawa ni Sage...

"Wait a minute..." Napatigil ulit kami nang magsalita siya, "You're not alone!"

Napalingon kami ni Sage at nakita namin si Sylfer. The invisibility potion wore
off.

'Yung green lights sa sahig, biglang naging red. At kasabay 'nun ay isang malakas
na wangwang.

'Security breach alert! Security breach alert!'

Hindi na kami nakapag-react dahil nauna nang kumaripas sa pagtakbo si Sylfer at


sumigaw kay Sage na sumunod na, "Takbo! Dali! Takbo!"

Sunud-sunod na ring naglabasan ang mas marami pang mechanical tentacles na pilit
kaming pinipigilan. Nagmistulang patintero na ang pagpasok namin sa loob at itong
si Sage pa, lalampa-lampa at nabitawan ang garapong kinalalagyan ko.

Akala ko tuluyan na akong babagsak, "Waaaaaaaaaaah!!!"

Pero nasalo ako ni Sylfer, "I got you my p'aybee!" At nakuha pa niyang kumindat.

The chase went on for a minute. And it was the longest minute of my life! 'Yung
tentacles kasi parang naging fire torch na rin and if it wasn't for Sylfer's water
and ice magic, siguro natusta na kami. Aaminin ko na for a moment, na-mesmerize ako
sa kanya.

Then we finally reached the end and entered a large room where the mechanical
tentacles can no longer follow us. With all the apparatus, engines, machines and
inventions, naisip kong ito na ang main laboratory. I've never seen such a badass
place!

"Lil' Zel!" Tinawag at hinanap na ni Sylfer ang kapatid niya. "Sugar-baby, come on!
I need you! Where are you?"
Stepping out from a 20-foot tall vertical steam engine was a person inside an
astronaut-like suit. Hindi namin maaninag ang mukha ng nasa loob, "Sugar-butt?" she
asked.

"Yes, Sugar-baby! Ako na nga 'to!"

Sugar-baby and Sugar-butt. The weirdest sibling endearment na narinig ko.

Tinanggal na ni Zelsha ang suot na helmet at nagulat kami sa itsura niya. She's a
KPOP kind of cute! Blonde hair, round face, doll eyes at basta cute talaga! Siya ba
talaga ang nagpapatakbo ng lugar na 'to? Such a sweet pretty face in a badass
environment!

Nakangiti at patakbo na siyang lumapit kay Sylfer. "Sugar-butt!!!" And here I was
expecting a grand touching moment between the two but instead, Zelsha landed a
solid power punch in Sylfer's face.

Talsik si Sylfer—at kasama ako dahil siya ang may hawak sa garapon ko. Nagkasira-
sira din 'yung lugar kung saan siya lumanding. Pero kahit hilong-hilo siya sa sapak
na natanggap niya, "Schnoodle-bum, okay lang ba dyan sa loob?" nag-aalalang tanong
niya saakin.

"Why are you here!?" Muling sumigaw si Zelsha. Galit na galit. "The last time na
nandito ka, you put a hole in my roof!"

"Ikaw naman, Sugar-baby. It was two and a half years ago. Hindi mo ba ako namiss?"
"Ito ang nakamiss sayo." Zelsha displayed her fist.

Ipinasa na ako ni Sylfer kay Sage bago siya muling bugbugin ng kanyang kapatid.
What a real touching... tough moment.

= = = = =

Tapos nang bigyan ni Zelsha ng mga bukol at pasa si Sylfer. Pero kahit kalmado na
siya, medyo may kalayuan ang distansya namin sa kanya. Hindi namin alam kung kailan
ulit siya pwedeng magwala. Delikado.

"So, how's my little Sugar-baby?" Naglalambing na tanong ni Sylfer sa kapatid.


Napahanga niya ako dahil kahit nabugbog-sarado siya, okay lang sa kanya. Masokista
din ang isang 'to.

"I've seen better days without you," Zelsha said cold-heartedly. "At hindi mo ba
nakita na may ginagawa akong bagong steam engine? So just cut to the chase! Bakit
ka nandito at anong kailangan mo?"

"I'm in trouble."

"Hindi na bago 'yan."


"At kailangan ko ang tulong mo." Muli na akong kinuha ni Syfler mula kay Sage.
Binuksan na niya ang garapon at sa wakas ay nakalabas na rin ako.

"Don't tell me nang-kidnap kayo ng Dactyl?"

"She's not a Dactyl. She's a mortal at dahil sa Shrinking Potion kaya lang siya
lumiit."

"Anong problema ngayon? Hindi niyo na siya kayang ibalik?"

"Hindi 'yun!"

"Nasa akin po ang Growth Potion para maibalik siya sa dati!" Singit ni Sage.

"It's about her stay here... it was an accident."

Sandaling napaisip si Zelsha at mukhang may idea na agad siya, "You brought an
illegal mortal here?" At napatawa siya bigla, "When will you grow a brain, brother?
Kahit kailan ang tanga mo talaga!"

Lumapit saakin si Zelsha at pinasakay sa kanyang palad. Tapos hiningi niya kay Sage
'yung Growth Potion at walang paalam na umalis para isama ako sa isang kwarto.
Kaming dalawa lang ang magkasama sa loob at medyo kinabahan ako.
"Ilang patak ang ibinigay sayo para lumiit ka?"

"Lima."

Pinaliguan niya ako ng limang patak ng Growth Potion, and slowly I felt its effect
on my body. I am back to normal—wearing nothing but a piece of handkerchief na
ibinigay saakin kanina ni Sylfer.

"Dalian mong magbihis," utos niya. "You can borrow one of my clothes there." Tapos
iniwan na niya ako para mabalikan niya sina Sylfer.

Hinanap ko na kung nasaan ang cabinet ng mga damit niya and found a great metal
contraption with a combination of cogs and wire mesh. With a touch of my finger,
kusa na itong nagbukas, revealing her wide array of steampunk-inspired dresses.

"Nice!" 'Yun na lang ang nasabi ko. Ang gaganda at mukha lang akong magko-cosplay
kapag sinuot ito. Pinili ko na 'yung tingin kong pinaka-babagay saakin at dali-dali
na itong sinuot.

Matapos kong magbihis, binalikan ko na ring ang journal ko na hanggang ngayon ay


miniature pa rin. Isang patak naman mula sa Growth Potion ang ginamit ko para
magbalik ito sa normal.

Pagkatapos ay lumabas na ako at sinalubong nila ako ng sabay-sabay na tingin.


Pero unang lumapit saakin si Sylfer. He looked at me from head to toe and gave me
an obvious gaze of admiration. Inabot niya bigla ang kamay ko at bumanat agad, "Why
don't just marry me so you won't have to leave?"

Babarahin ko na sana siya, pero nauna na siyang batukan ni Zelsha. I'm against
violence but in Zelsha's case with her brother, I'll even cheer for it! "Aww! Lil'
Zel!"

"Balik sa upuan mo."

"But—"

"BALIK!!!" Sabay tulak sa kapatid niya.

Parang napagalitang tuta si Sylfer na bumalik sa upuan niya. Pero nag-flying kiss
siya saakin kaya naman pakiramdam ko, bumilis na naman ang tibok ng puso ko. This
can't be happening again! Never again!

"My dress fits perfectly at you," Zelsha said to me nicely.

Mabuti na lang at inagaw niya ang atensyon ko. Napangiti naman ako, "Thank you!"

"Kung pwede lang sanang pahiramin din kita ng utak, ginawa ko na."
"Excuse me?"

"Nasabi na nila saakin ang pag-iinarte mo na ayaw mong maging Mortal Slave."

"Sinabi nilang nag-iinarte ako?"

"Hey! I never used that term! I swear!"

"Do you think you have a choice here, mortal? You're the one who's in danger at
ikaw pang may ganang tanggihan ang tulong?"

Nagpanting ang tenga ko. Naalala ko bigla ang warning ni Sylfer tungkol sa kapatid
niya, 'Just a piece of advice though. Once you meet her, never ever disagree on
what she says because probably she's right.'

Tama si Zelsha na maarte ako dahil ayaw kong maging Mortal Slave. Like duh! Sinong
tao ang gugustuhing maging alipin ng kapatid niyang kulang-kulang ang pag-iisip!

'But never trust her looks... kapag nagpaloko ka lang kasi sa ipinapakita niya,
you'll get crushed!' A sweet lady one second, a total bitch next!

Pero hindi pwedeng magpatalo na lang ako! Kailangan sumagot ako! "Nasabi na rin
siguro ng kapatid mo—"
"Tangang kapatid."

"Nasabi na rin siguro ng tangang kapatid mo na hindi ko naman ginusto ang pagdala
niya saakin sa lugar na ito! It was his fault! Bakit ako lang ang kailangang
mamroblema ng ganito sa pagkakamaling ginawa niya!!!"

Nang isigaw ko 'yun, nakita kong napataas ng kilay si Zelsha. "This is not good,"
kabadong pumagitna na sa amin si Sylfer at humawak sa balikat ng kapatid, "Sugar-
baby—"

Pero hindi na natuloy ni Sylfer ang sasabihin dahil inipit ni Zelsha ang kanyang
kamay at saka tinulak palayo.

Nang lapitan na rin ako ni Zelsha, pakiramdam ko nanliit ako sa tingin niya kahit
magkasing tangkad lang naman kami. "Listen, both of you are of the same level of
stupidity! Naging overly-trusting kayo kahit hindi niyo alam ang tunay na pagkatao
ng isa't isa. And now you're blaming everything on him! It's your fault that you
got yourself drunk. My brother's mistake is he's stupid since birth! Pero kahit
ganyan siya, he treated you nice by not leaving you cold and helpless in the
streets of your world! Kung gusto mong tulungan ka namin, tanggapin mong nagkamali
ka rin!"

I was left speechless. But as much as I want to talk back, I didn't.

"Sugar-baby, you've said enough," sumabat ulit si Sylfer.

"Kaya ka ginaganyan ng lahat dahil masyado kang mabait."


"Tanggap ko na 'yun. But please be nice."

"She's not even nice to you, brother. You're protecting someone who doesn't even
know how to appreciate it!"

"Zel!" Tinakpan na ni Sylfer ang bibig ng kapatid niya. Tapos tumingin siya saakin
with a sorry look, "Honeybabes, ako na ang humihingi ng pasensya sayo—"

"No!" pigil ko na sa kanya. "She's right. You're sister is right."

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanila na may hiya sa sarili.

All this time, Sylfer kept me safe but I never even got to thank him. I was so
selfish, all I think about is myself! At kinailangan pa talagang mabara ako para
ma-realize ko 'yun.

So kudos to Zelsha's hell of a genius mind and her bloody straight-forward mouth,
and screw my pride 'cause I'll have to admit it.

"Inaamin ko na. Kasalanan ko rin ito. I'm sorry Sylfer for blaming it all on you.
And thank you because I will never get this far without your protection." 

"It's my honor to protect you, sweet cakes!"


Then I looked at Zelsha with a sincere notion. "But all I want is to safely go back
to my world now. If I don't want to be a mortal slave dahil nga 'nag-iinarte' ako,
then I'm sorry. But that's why we're here because your brother said you're a
genius. Surely I know that you can think of something else. Something better! So
please, I beg you to help us find another way. Help me, please."

This time, sila naman ang na-speechless sa pagpapakumbaba ko. Alam ko naman kasi
kung kailan ako dapat yumuko para tanggapin ang kasalanan ko. Alam ko rin kung
paano humarap para humingi naman ng tawad.

Lumapit na sa akin si Sylfer. Inabot niya ulit ang kamay ko at lumuhod sa harap ko,
"Ayaw mo ba talagang maging asawa ko na lang para maging legal ka na rito."

"Sylfer... just don't."

"But I'm serious! Ayaw rin naman talaga kitang maging Mortal Slave so ako na lang
ang gawin mong alipin! Alipin ng iyong pagmamahal!"

Hindi na ako nakatiis at kinutusan ko na siya sa bunbunan para matahimik. At ang


seryoso ng mga sinabi ko, humihirit pa ng ganun! Isa pa, hindi ko pa nakukuha ang
sagot ni Zelsha. "So are you going to help us—me?" I had to ask her again.
"Please?"

"I will help you only because I think na pwede tayong magkasundo."

"Really?"
"Aww! That settles it! I knew you won't let us down! Ang bait-bait talaga ng baby
sis—" Sabay naming pinatahimik ulit si Sylfer. Sinapok siya sa mukha ni Zelsha at
sinikmuraan ko naman siya. "Ouch... magkakasundo nga kayo."

Now that she agreed, sana nga talaga makabalik na ako ng matiwasay sa mundo namin.
I badly miss my own normal world... although I'm beginning to like this world too.

=================

Side Story 8 (04-21-2015)

(The Author)

Two and a half years ago...

"Sugar-baby, what are you doing?"

"Something that is none of your business!"


"Sungit! Ano ba kasi 'yang binubutingting mo?"

Lalapitan na sana ni Sylfer ang kinaroroonan ni Zelsha pero binato siya nito
screwdrivers na animo'y throwing knives lang.

"Hanggang dyan ka na lang! I'm working on a refractor telescope with a laser beam
welding."

"Cool kahit hindi ko masyadong naintindihan!" Saka napansin ni Sylfer ang isang red
button. May nakalagay na sign board doon na 'DO NOT PUSH' pero dahil sadyang
ipinanganak na kulang ang turnilyo niya sa utak, nati-tempt siyang pindutin ito.

Para hindi tuluyang ma-hypnotize ng mahiwagang red button, nag-isip na lang ito ng
ibang pagkakaabalahan. "Anyway, dahil makiki-stay muna ako rito, anong gusto mo for
dinner? Ipagluluto kita lil' sis!"

"I want a steak and you out of my sight," sagot ni Zelsha. She's as cold as usual
kapag kausap ang Kuya niya. Bata pa lang sila, ganyan na sila kaya huwag na kayong
magtaka. "Why are you even here, Sylfer? May Ranking Quest ngayon sa Wizardry
Camp, 'di ba? Aren't you supposed to be there?"

"I'm not participating this year. It's boring!"

"Akala ko ba gusto mong maging Class A na?"


"Yeah, but only if I defeat Zaffiro during the Elemaze."

"Brylle Zaffiro? Isn't he dead? Nahulog siya sa No-magic Zone ng Erden Valley."

"And you actually think na hindi niya masu-survive 'yun? It's Brylle we are talking
about! He's my rival so he can't be that weak and die just like that."

"Then why hasn't he come back yet?"

"I don't know." Napakibit-balikat na lang si Sylfer. "He's not dead, that's it.
Isa pa, sinabi ni Princess Love na babalik siya so ganun din ang paniniwalaan ko.
Oh and speaking of Princess Love, you should meet her!"

"You said you're friends with her so no. She's probably as stupid as you."

Natawa na lang si Sylfer. "Ang sakit mo talagang magsalita! Buti na lang kapatid
kita!" At kukurutin niya sana sa pisngi si Zelsha pero ang kamay niya ang inipit
gamit ang isang giant pliers. "AWW! Sugar-baby, 'wag mong putulin ang daliri ko!"

"Sabi ko kanina, hanggang doon ka lang, 'di ba!?"

"Yeah, I know! Babalik na nga ako! Babalik na ako!"


Pero kakabit ng pangalang Sylfer ay kamalasan. Paalis na sana siya upang hindi
tuluyang maputol ang kanyang kamay, kaso natalisod pa siya ng wires sa sahig at 'di
sinasadyang napindot ang red button.

Nakatutok ang laser beam sa kisame at tuluyang nag-iwan ng malaking butas sa bubong
ng laboratoryo ni Zelsha.

"I'm sorry! Hindi ko sinasadya!" Paatras nang naglalakad si Sylfer dahil unti-
unting bumabalot ang itim na aura sa mukha sa kanyang kapatid. "Aalis na ako! Hindi
na kita guguluhin! I'm sorry! I'm sorry!"

"SYLFEERRRRRRRRRRRRRRRR!!!"

Muntikan nang mamatay si Sylfer noong araw na 'yun. Mabuti na lang at nakatakas
siya at nakapagtago sa Auserwalt Palace.

=================

Chapter 9 (06-18-2015)

(The Mortal)

Hinihintay na namin ang plano ni Zelsha. Nagpaalam siya sandali na may kukunin lang
daw pero pagbalik niya, may buhat na siyang isang upuan na yari sa iron metal.
It looks really heavy but I can see no trace of panting from her sweet and now
smiling face.

"Sugar-butt!" Excited pa siya na tinawag ang kapatid, "Come here. I need you to sit
here for while."

"Sure, Sugar-baby!" At nauna munang umupo si Sylfer bago niya naitanong kung anong
meron sa upuan na 'yun. "Is this a part of your brilliant plan?"

"Oh yeah!" May pinindot na button sa upuan si Zelsha at biglang may lumabas na
metal straps na nag-posas sa mga paa, kamay at baywang ni Sylfer. "But I will need
a moment of silence to think. So if you try to bug me or make any sound, you'll be
electrocuted."

"You've got to be kid-"

Nope. Zelsha's not kidding. Na-kuryente talaga si Sylfer at napasigaw na lang ito
sa sakit.

"Lil' Zel!" At kinailangan talagang makuryente siya for the second time para
maniwalang hindi nga biro ang lahat.

Ang tindi ni Zelsha! Sinilya-elektrika talaga ang kapatid! Mayamaya, sa amin naman
siya tumingin. "Kayo ba, maidadaan ko sa mabuting pakiusap?"
Nagkatinginan kami ni Sage. Hindi na kami sumagot. Sa halip ay tumango na lang kami
pareho. Takot lang naming ma-silya-elektrika rin! Pero bago siya umalis, may isang
utos pa muna siya.

"You! Sylfer's friend. Talk. What's your name?"

"S-Sage Morseth po."

"Why stammer, boy?"

"K-kinakabahan lang po. Idol... k-ko po kayo ni Master Syl. At... magkasing edad
lang po tayo, Miss Zelsha."

"Tinatanong ko ba?"

"H-hindi nga po. Sorry."

"Timplahan mo kami ng Eismint tea. You can use my tea machine over there. Mag-ingat
ka lang dahil nangangain 'yan."

"Ng buhay?"
"Ng tanga," Zelsha said with a smug face. At umalis na talaga siya para magtungo na
sa isang kwarto.

I saw Sage's face turned a bright red. Excited siyang sundin ang utos sa kanya ni
Zelsha but the moment he saw the tea machine, his face turned white. Mukhang
natakot talaga siya at nagpasyang 'wag na lang gamitin ito.

= = = = =

Five minutes pa lang ang nakakalipas, and I can already see Sylfer's pain from
keeping his mouth shut. Actually, hindi ko alam kung ano ang mas torture sa kanya,
'yung electric chair ba o ang pananahimik niya?

"Honey bunny!" He screeched in pain. "Ang kati ng-" he screeched yet again.
"Ilong," and again. "Pakikamot naman," and again. "Please!" and again.

Natawa ako na naawa na rin. Alam na kasing maku-kuryente siya, salita pa ng salita!
At dahil mukhang kating-kati na talaga siya sa ilong niya, lumapit na ako sa kanya.
"Kakamutin ko na. Manahimik ka na."

"Thank you-ahh!"

"Sabi nang manahimik, 'di ba?"

It wasn't that long until Zelsha finally came out again and she was holding a huge
black book.

"Finally, lil' Zel-aww!"

Pinakawalan na ni Zelsha ang kanyang kapatid pero may kasama pa rin itong batok.
"Hanggang doon sa loob, naririnig ko pa rin ang ingay mo. Wala ka na talagang pag-
asa."

"Ayaw ko kasing mapanis ang laway ko, Sugar-baby. Pero may nahanap ka na bang kahit
ano na makakatulong sa atin?"

"I found this book. I once read this when I was nine-or maybe eight? Anyway, it's
about basic binding between an Otherworlder and a Mortal."

No wonder she's a genius. Bata pa lang siya nang mabasa niya ang ganoong kakapal na
libro! Noong nasa ganoong edad ako, fairy tale books lang ang hawak ko! 'Yung
graphic version pa!

"Pero ayaw ni Lambey-pie na sumailalim sa isang Life Contract."

"And that's why pagbabaliktarin natin ang sitwasyon niyo. I remember you said na
gusto mong ikaw ang maging alipin niya, 'di ba? Then let's make the mortal be the
master."

I blinked at her statement, "A-ako ang magiging Master?"


"Payag ka naman na siguro doon?"

"Pero pwede ba talaga 'yun?"

"I believe so. You two will sign a Reversed Life Contract."

"Is there such a thing?" nagtatakang tanong naman ni Sylfer.

"There will be if you do it," saka siya nagbasa ng ilang passage mula doon sa
libro. Hindi pa namin masyadong na-gets pero ipinaliwanag niya ito at kasama na rin
ang naisip niyang plano. "Sa isang regular Life Contract, only the Otherworlder
makes the offer and the Mortal may either accept it or not by signing his or her
name. Pero may nabasa rin ako about bilateral agreement sa contract in which both
the Otherworlder and the Mortal make a promise to each other. So naisip ko, pwede
nating palabasin na noong pumunta si Sylfer sa Mortal World, he badly needed help
at ikaw lang ang nandoon para tulungan siya. Sylfer is now indebted to you and
that's why he offered to be of service-as an Otherworlder Slave. But, you also have
to keep his identity a secret so the contract was made to ensure both of you will
fulfill each other's promise."

After hearing Zelsha's plan, Sylfer instinctively grabbed her hand and raised it to
the air. 'Yung parang ginagawa ng mga referee na itinataas ang kamay sa nanalong
buksingero. "Glory be to you, my lil' Zel! Gets na namin! Ang galing mo talaga!
Pwede pala 'yun! Bakit hindi ko naisip 'yun?"

"Because you're dumb, brother."

"Pero wala pa talagang nakakagawa ng ganito?"


"Wala pa talaga dahil wala naman tangang Otherworlder na papayag na magpa-alipin sa
isang mortal-well except for you."

"That's even great! I'll be the first Otherworlder Slave! And you..." he looked at
me with the corners of his lips turning up into a smirk. "You shall take care of
me, schnoogly-bear!"

Ugh! Sige, pagpatuloy niya pa! Kapag natuloy ang pagiging master ko sa kanya,
mamaltratuhin ko siya! "Pero teka, ano naman kayang posibleng dahilan kung bakit
kinailangan ni Sylfer ang tulong ko?"

"Like I said, he's dumb. And everyone knows it! So any petty reason will do."

May point siya 'dun and I couldn't contain my laughter. Sa katangahan nga naman ng
kapatid niya, katangap-tanggap na mapasubo siya sa ganitong klaseng agreement.

"But that's not it. Tingin ko mas magiging safe kung sasailalim na rin kayo sa
isang ritwal. A contract is written on a paper. For all we know, it can be easily
destroyed. If you magically seal your connection and take a vow under a sacred
circle, even the marshals can't break it."

"You mean to say, sasailalim pa rin kami sa Initiation Ritual?" tanong ko.

"Reversed Initiation Ritual. Meaning, my brother gets the black slave's ring while
you get white master's ring. Parang katulad lang din sa contract na pipirmahan
niyo."
"Oh? Pwede rin pala 'yun!"

"I'm not sure, though. But it's worth a try."

"You know I'm ready for anything!" he said in a proud carefree tone, "But is it
okay with you, honeylips?"

"You will get to wear the slave's ring. Sa nabasa ko noon, ikaw ang pwedeng malason
kapag ginalit mo ako."

"Wearing that ring would be a great honor. And besides, dahil ikaw ang master ko,
kapag napasaya naman kita, I will get a wish!"

Hindi pa rin ako makapaniwala sa timpla ng utak ng lalaking ito. Hindi man lang
siya natatakot sa possible threat na maaari nga siyang malason. Sandali kaming
nagkatitigan ni Sylfer. Hinintay ko 'yung moment na bigla siyang mag-backout but it
never happened.

Zelsha, however, had to finally break our staring contest.

"Baka nakakalimutan niyo, pansamantala lang naman 'to! Kapag nakabalik na ang
mortal sa mundo niya, then that's the end of it! End of the contract, end of the
seal, end of everything!"
Of course, tama naman siya-ulit. So I just took a big breath and said, "Fine.
Let's do this thing!"

= = = = =

May isinulat nang chant si Zelsha sa isang papel upang aralin sandali ni Sylfer.
'Yun raw ang susundin niya kapag isinagawa na ang Reversed Initiation Ritual.

Sinunod na gawin ni Zelsha ang Reversed Life Contract na pipirmahan din namin. It
was written in their language so while she was writing it, may kasama na ring
translation for me.

Sakto naman na lumabas na rin si Sage dala ang tinimpla nitong inumin. Binigyan
niya kami ng tig-iisang tasa and when we all took a sip, we were taken by surprise.
Sobrang sarap!

"This doesn't taste like the normal Eismint tea," comment ni Zelsha. "What did you
put in here?"

"Dinagdagan ko po ng Uva Ursi leaf na magandang iniinom kapag sasailalim sa kahit


na anong magic work at Calamus ground root for binding, protection and wisdom. Para
po kina Master Syl at sa Mortal."

"So you knew a lot about herbs?"


"Potion making and brewing po kasi ang inaaral kong maigi sa camp."

"I'm impressed," Zelsha reached over to tap Sage's shoulder. Naging super red naman
si Sage dahil sa wakas ay napuri siya ng idol niya. "Anyway, the contract is done!
Time to sign it!"

Ipinakita na niya sa amin ang contract. Bilang si Sylfer ang slave, siya ang unang
pumirma ng kanyang pangalan gamit ang sarili niyang dugo. When it was my turn, wala
ring naging problema kahit pa malalim ang hinawang sugat sa aking palad.

Usually, dapat nagpa-panic na nga ako sa dami ng dugo pero kalmado pa rin ako.
Napapaisip tuloy ako, may something ba 'dun sa ininom kong tea?

Matapos ang pirmahan, kinuha na ni Zelsha ang contract para i-check ito. Huli na
nga nang ma-realize kong mababasa na rin niya ang pangalang isinulat ko roon. Crap!

"For a mortal, your name is quite unique!" I can almost hear a silent laugh hidden
in her words, then she looked at me, "But don't worry. Safe ang pangalan mo sa
akin. I'll just call you M."

Crap times two! I wish I can really trust her!

Inilagay na ni Zelsha sa isang garapon ang contract at ginamitan pa ito ng


Shrinking Potion ni Sage. Matapos ay iniabot na niya ito sa akin at, "You keep it.
At huwag mong iwawala habang nandito ka pa."

Napatitig na ako sa miniature contract namin. Akalain mo bang ito na ang katibayan
na may alipin akong isang Otherworlder! Although pansamantala lang naman!

Next thing to do is the Reversed Initiation Ritual. This time, we had to do it


slowly and careful dahil ito pa lang ang unang beses na susubukang i-alter ang
isang sagradong ritwal. A possible backlash could happen-or worse baka hindi ito
mag-work.

Pero gustuhin man naming maging maingat, another problem occurred-or should I say,
our problem is back!

Umalingawngaw ang alarm ni Zelsha. Nang i-check niya ang kanyang ang security
cameras, nasa tapat na ng entrance ang dalawang MDM's na naghahabol sa amin.

"Natunton na nila kayo."

"Ang bilis naman! Paano nangyari 'yun?"

"Paano niyo ba sila tinakasan doon sa camp?"

"Fart spell in a bubble. I promise you, it was effective."

"And your brain is defective." binalibag ni Zelsha ang kapatid sa sahig. "You're
the only wizard who uses that disgusting spell. Of course they know who to hunt and
where to find you now."
At sabay-sabay silang napatingin sa akin, "We must do the ritual quickly."

I huffed trying my best to control myself as soon as Sylfer started the spell.
Nakatayo na siya ngayon sa loob ng magic circle at inaaya ako na samahan na siya.

And as I step inside, the fire from the circle magically healed my wound. That's
when Sylfer and I held each other's hands.

"Elements of Wind, Fire, Water and Earth.

Bless my magic, strong my will.

At this scared space, this hallowed circle,

I bring this mortal, standing before me.

I honor her to witness this rite,

And welcome her to become my master."

Sylfer looked at me, clearly with no hesitation, "Will you accept me? Please
answer, 'I will'."

"I will."

And now his serious expression turned playful and excited once again.
"Harken all you guides and spirits.

Today, this girl owns me now. So mote it be!

Behold elements of Wind, Fire, Water and Earth.

Please grant us the rings to complete this vow."

Lumabas na rin ang bagay na dati ay iniisip kong sa libro ko lang makikita. A white
ring with black crystal formed around my ring finger and Sylfer got his own too.
Narinig ko pa siyang bumulong habang nakatitig sa black slave's ring niya, "Sweet!"

Pinandilatan ko naman siya, "Umayos ka! Baka mawala ka sa focus!" Pero nakuha niya
lang akong ngitian.

"Blessed be this ring, for it shall signify this pledge."

He took my hand to kiss my ring.

"And blessed be your lips, for your words shall be my command."

Then he asked me to kiss his ring. Mukha pa nga siyang kinilig sa ginawa ko.

"Hear ye Mighty Ones, our circle has ended.


This spell draws to its end, but none will be forgotten.

For if ever I cause her pain, sorrow and ill,

Then let there be my death that only she can seal.

As I will, so mote it be.

I may now seal this with a kiss."

A gentle smile now spread over his face. He leaned closer with his eyes lingered on
me longer than usual, "May I kiss you?" he asked.

At wala akong choice. Para sa ikakukumpleto ng ritual, tumango ako.

I felt my heart almost stop for a moment. Pero sa ilong lang pala niya ako
hahalikan. Buti naman.

The ritual went smooth as we hope it would be. And as it ended, tuluyan kong naging
alipin si Sylfer habang ang itinawag naman niya sa akin ay, "Master."

=================

Side Story 9 (06-22-2015)

(The Author)
Ni minsan, hindi pinangarap ni Sage Morseth na maging isang Wizard. Para sa isang
ordinaryong Otherworlder na gaya niya, tanggap na niya ang maliit na pag-asa na
makilala sa ganitong larangan.

Isa pa, ang kanyang pamilya ay may potion-making business na alam niyang kanyang
mamanahin. Naisip niya na mas pagtuunan na lang ng pansin ang bagay na iyon.

Isang araw, bigla nakatanggap ng imbitasyon ang kanilang pamilya upang mapanood ang
gaganaping Ranking Quest sa Flemwall Wizardry Camp mismo.

Pinilit si Sage ng kanyang mga magulang na paunlakan ang imbitasyon. Hindi raw
dapat tinatanggihan ang isang pagkakataon na mapanood ang okasyong inaabangan ng
buong Otherworld. Kaya labag man sa kanyang loob, nagtungo siya sa camp.

Sa kanyang pagdating, naabutan niyang ginaganap ang isang Game of Elemaze sa grand
dome ng camp. Noong mga oras na iyon, mga manlalaro mula sa Class B+ ang
naglalaban-laban.

Hindi niya akalain na isang pambihirang laban pala ang kanyang matutunghayan. At
noong oras na iyon din, nagbago na ang kanyang pananaw.

Ang pinaka tumatak sa kanyang isipan ay ang tinitiliang wizard na kahit hindi
naging kampeon sa laban ay lubos naman niyang hinangaan. Si Sylfer Flemwall-
Ardensier.

"Noong nagsisimula pa lang si Sylfer sa camp, kulelat talaga siya. Marami ngang
nagsasabi noon na kahit Luxurian siya at Half-Flemwall pa, hindi para sa kanya ang
Wizardry. Pero tignan mo naman kung anong naabot niya ngayon sa pagsisikap niya!
Kung magse-seryoso lang talaga siya, mas malayo pa ang maabot niya."
Ang mga salitang iyon mula sa matandang napagtanungan noon ni Sage ang naging
inspirasyon niya at nagtulak sa kanya na subukan nang pumasok sa camp. Isa lang ang
kanyang goal, ang maging kasing cool ni Sylfer.

You might also like