0% found this document useful (0 votes)
184 views

AP9 q1 LAS Week1-2

The document discusses the concept of demand which refers to the quantity of a product or service that consumers are willing and able to purchase at different prices within a given period of time. It also explains the factors that affect demand such as price, income, tastes, number of consumers, and prices of related or substitute goods.

Uploaded by

Nimfa Separa
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
184 views

AP9 q1 LAS Week1-2

The document discusses the concept of demand which refers to the quantity of a product or service that consumers are willing and able to purchase at different prices within a given period of time. It also explains the factors that affect demand such as price, income, tastes, number of consumers, and prices of related or substitute goods.

Uploaded by

Nimfa Separa
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 10

9

Araling Panlipunan
LEARNER’S ACTIVITY SHEET
Ikalawang Markahan - Week 1-2:
Natatalakay ang Konsepto at Salik
na Nakaaapekto sa Demand sa
Pang-araw-araw na Pamumuhay
Araling Panlipunan – Grade 9
Learner's Activity Sheet
Quarter 2 – Week 1-2: Natatalakay ang Konsepto at Salik na Nakaaapekto sa
Demand sa Pang-araw-araw na Pamumuhay

First Edition, 2021

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work
of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of
such work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a
condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module/activity sheet are owned by their
respective copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek
permission to use these materials from their respective copyright owners. The
publisher and authors do not represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education


Secretary: Leonor Magtolis Briones
Undersecretary: Diosdado M. San Antonio
Development Team of the Module
Writer: Riza Lynn Gacula
Editors: Edgar U. Dolorzo
Reviewers: Edgar U. Dolorzo
Illustrator:
Layout Artist:
Management Team:

Marilyn B. Siao
Roberto N. Mangaliman
Ma. Luz I. Orbe
Cecilia A. Arga
Edgar U. Dolorzo

Printed in the Philippines by ________________________

Department of Education – Schools Division of Catbalogan City


Office Address: Purok 4, Barangay Payao, Catbalogan City
Facebook Page: fb.com/CatbaloganCityDivision
E-mail Address: [email protected]
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VIII – EASTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF CATBALOGAN CITY

LEARNER’S ACTIVITY SHEET FOR QUARTER 2, WEEK 1 & 2


Kompetensi: Natatalakay ang konsepto at salik na nakaaapekto sa demand sa pang-araw-
araw na pamumuhay
Mahalagang Paalala: Gamitin ang sanayang papel nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o susulatan ang anumang bahagi ngasanayang papel. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Ibalik ang sanayang papel na ito sa iyong guro o
tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay

Simulan mo! (Review and Motivation)

Gawain 1: BILI AKO NO’N, BILI AKO N’YAN

Panuto: Suriin ang Nilalaman ng bubble thought na nasa ibaba at sagutin ang mga
pamprosesong tanong.

Pamproseng Tanong:

1. Anu-ano ang ipinahihiwatig ng mga bubble thought?

2. Anong konsepto sa ekonomiks ang inilalarawan sa bubble thought?

Address: Purok 4, Barangay Payao, Maharlika Highway, Catbalogan City, Samar


Email: [email protected]
Facebook Page: fb.com/CatbaloganCityDivision
Telefax: (005) 251-3196 | (055) 543-8268
Alam mo ba? (What is it/Discussion of the Topic)

ANG KONSEPTO NG DEMAND

Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin


ng mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.

Batas ng Demand
Isinasaad ng batas ng demand na mayroong inverse o magkasalungat na ugnayan ang
presyo sa quantity demanded ng isang produkto. Kapag tumaas ang presyo, bumababa ang
dami ng gusto at kayang bilhin (ceteris paribus). Ang ceteris paribus ay nangangahulugang
ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang salik na nakaaapekto sa pagbabago ng quantity
demanded, habang ang ibang salik ay hindi nagbabago o nakaaapekto rito. Ayon sa batas ng
demand, sa tuwing ikaw at ang iyong pamilya ay magdedesisyon na bumili ng isang produkto o
serbisyo, ang presyo ang inyong pangunahing pinagbabatayan. Sa bawat pagbili mo sa
tindahan, itinatanong mo muna ang presyo bago ka magdesisyon kung ilan ang iyong bibilhin.

May dalawang konseptong nagpapaliwanag kung bakit may magkasalungat o inverse na


ugnayan sa pagitan ng presyo at quantity demanded. Ang unang konseptong magpapaliwanag
dito ay ang substitution effect. Ipinahahayag nito na kapag tumaas ang presyo ng isang
produkto, ang mga mamimili ay hahanap ng pamalit na mas mura. Sa gayon, mababawasan
ang dami ng mamimiling gustong bumili ng produktong may mataas na presyo ng isang
produkto, ang mga mamimili ay hahanap ng pamalit na mas mura. Sa gayon, mababawasan
ang dami mamimiling gustong bumili ng produktong may mataas na presyo dahil maghahanap
sila ng mas mura.Halimbawa, kung mahal ang softdrinks maaaring bumili ng juice o di kaya
tubig na mas mura. Ang ikalawang konsepto ay ang income effect. Ito ay nagpapahayag na
mas malaki ang halaga ng kinikita kapag mas mababa ang presyo. Kapag mababa ang presyo ng
bilihin, mas mataas ang kakayahan ng kita ng tao na makabili ng mas maraming produkto.
Kapag tumaas naman ang presyo, lumiliit naman ang kakayahan ng kaniyang kita na
maipambili. Lumiliit ang kakayahan ng kita na makabili ng mga produkto o serbisyo kaya
mababawasan ang dami ng mabibiling produkto.

Mayroon tatlong pamamaraan sa pagpapakita ng konsepto ng demand, ang demand


schedule, demand curve at demand function.

Demand Schedule
Ang demand schedule ay isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya at gustong
bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo. Makikita sa ibaba ang halimbawa ng demand
schedule.

Demand Schedule para sa Kendi


Presyo bawat Piraso Quantity Demanded
Php 5 10
4 20
3 30
2 40
1 50
0 60

Address: Purok 4, Barangay Payao, Catbalogan City, Samar


Email: [email protected]
Facebook Page: fb.com/CatbaloganCityDivision
Demand Curve
Ang demand curve ay isang dayagram o grapikong paglalarawan ng ugnayan ng
presyo at quantity demanded. Makikita sa ibaba ang halimbawa ng demand curve.

Demand Function
Ang demand function ay ang matematikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo at
quantity demanded. Maaari itong ipakita sa equation sa ibaba.
Qd = a – bP
Kung saan:
Qd = quantity demanded
P = presyo

a = intercept ( ang bilang ng Qd kung ang presyo ay 0)

b = Slope = Qd
P

Ang demand function mula sa Demand Schedule para sa Kendi: Qd = 60 – 10P

Kapag ang P = 1 Qd = ? Kapag ang P = 5 Qd = ?


Qd = 60 – 10P Qd = 60 – 10P
Qd = 60 – 10 (1) Qd = 60 – 10 (5)
Qd = 60 – 10 Qd = 60 – 50
Qd = 50 piraso Qd = 10 piraso

IBA PANG SALIK NA NAKAAAPEKTO SA DEMAND MALIBAN SA PRESYO


Maliban sa presyo, may iba pang mga salik na nakaaapekto sa demand. Ang
pagsusuri sa mga salik na ito ay mahalagang malaman upang higit na maging matalino sa
paggawa ng desisyon.

1. Kita – ang pagbabago sa kita ng tao ay maaaring makapagpabago ng demand para sa


isang partikular na produkto. Sa pagtaas ng kita ng isang tao, tumataas ang kaniyang
kakayahan na bumili ng mas maraming produkto. Gayundin naman, sa pagbaba ng kita
ang kaniyang kakayahang bumili ng produkto ay nababawasan.
Normal Goods – tumataas ang demand para sa isang produkto kapag tumaas ang
kita ng isang tao
Inferior Goods – ito ang mga produktong bumababa ang kita kapag tumataas ang
kita ng isang tao.

Address: Purok 4, Barangay Payao, Catbalogan City, Samar


Email: [email protected]
Facebook Page: fb.com/CatbaloganCityDivision
2. Panlasa – karaniwang naaayon sa panlasa ng mamimili ang pagpili ng produkto at
serbisyo. Kapag ang isang produkto o serbisyo ay naaayon sa iyong panlasa, maaaring
tumaas ang demand para dito. Kung naaayon ang pandesal sa iyong panlasa bilang pang-
almusal, mas marami aang makakain mo nito kesa sa ensaymada.

3. Dami ng Mamimili – maaari ding magpataas ng demand ng indibidwal ang tinatawag na


bandwagon effect. Dahil sa dami ng bumibili ng isang produkto, nahihikayat kang bumili.
Halimbawa, dahil nauuso ngayon ang smartphone, marami sa mga mamimili ang gustong
makisabay sa uso kaya marami ang demand nito.

4. Presyo ng magkaugnay na produkto sa pagkonsumo – masasabing magkaugnay ang


mga produkto sa pagkonsumo kung ito ay komplementaryo o pamalit sa isa’t isa. Ang
mga komplementaryo ay mga produktong sabay na ginagamit, ibig sabihin hindi
magagamit ang isang produkto kung wala ang complement nito. Magkaugnay ang dalawa
sapagkat anumang pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto ay tiyak na may
pagbabago sa demand ng komplementaryong produkto. Halimbawa, sa kaso ng kape at
asukal, kapag bumaba ang presyo ng kape ay tataas ang demand sa asukal. Kung
tumaas naman ang presyo ng kape bababa ang demand sa asukal.

Samantala, ang pamalit (substitute) ay mga produktong maaaring magkaroon ng


alternatibo. Ang tubig o juice ay maaaring pamalit sa softdrinks sapagkat pareho itong
pamatid uhaw. Ipagpalagay natin na tumaas ang presyo ng softdrinks, Dahil dito, bababa
Ang quantity demanded ng softdrinks. Kasabay nito, tataas naman ang demand para sa
juice.

5. Inaasahan ng mamimili sa presyo sa hinaharap – kung inaasahan ng mga mamimili na


tataas ang presyo ng isang partikular na produkto sa susunod na araw o linggo, asahan
na tataas ang demand ng nasabing produkto sa kasalukuyan habang mababa pa ang
presyo nito. Halimbawa, ibinalita na may paparating na bagyo at tuwirang tatama sa
Gitnang Luzon, na isa sa pangunahing pinagmumulan ng bigas sa bansa. Inaasahan na
magkukulang ang dami ng bigas sa pamilihan at tataas ang presyo nito. Kaya ang mga
mamimili ay bibili na ng marami habang wala pa ang bagyo at mababa pa ang presyo. Sa
kabilang banda, kung inaasahan ng mga mamimili na bababa ang presyo ng isang
produkto, hindi na muna bibili ng marami ang mga tao sa kasalukuyan. Maghihintay na
lamang sila na bumaba ang presyo bago bumili ulit ng marami.

Mga Gawain (Practice Exercises/Activity)


Gawain 2: COMPLETE IT!
Kompletuhin ang mga katawagan at konseptong tinutukoy ng sumusunod na pangungusap.
Isulat ang mga tamang letra sa patlang upang mabuo ang salita. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot.
1. _ _ _ A _ _ tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong gusto at kayang bilhin ng mga mamimili.
2. _ _ _ A _ _ _ _ _ _ A _ _ nagsasaad na mayroong magkataliwas na ugnayan sa pagitan ng presyo at
quantity demanded.
3. _ _ _ A _ D _ _ _ _ _ grapikong paglalarawan ng presyo at quantity demanded.
4. _ _ _ E _ _ _ _ _ _ I _ _ _ ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang salik na nakaaapekto sa
pagbabago ng quantity demanded, habang ang ibang salik ay hindi nagbabago.

Address: Purok 4, Barangay Payao, Catbalogan City, Samar


Email: [email protected]
Facebook Page: fb.com/CatbaloganCityDivision
5. _ N _ _ _ _ _ _ _ _ _ T nagpapahayag na mas malaki ang halaga ng kinikita kapag mas mababa
ang presyo.

Gawain 3: IDEA WEB!

Panuto: Ibigay ang hinihiling sa kahon. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

Mga Salik na Nakaaapekto


sa Demand Maliban sa
Presyo

Gawain 4: I- DEMAND, ITALA at IKURBA

Ipagpalagay na katatapos lamang ng inyong klase sa PE. Nagkataong may tinda sa


kantina na buko juice. Ilang baso ng buko juice ang handa at kaya mong bilhin sa presyong
Php6, Php8, Php10, hanggang Php14 kada baso? Itala ito sa kolum ng Qd. Ilagay sa
talahanayan ang dami ng quantity demanded sa bawat presyo upang mabuo ang demand
schedule.

Ipagpalagay na ang demand function mo ay Qd = 50 – 2P , ipakita ang kompyutasyon


sa pagtukoy ng Qd. Pagkatapos nito ay ipakita sa pamamagitan ng paggawa ng demand curve.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot.

Address: Purok 4, Barangay Payao, Catbalogan City, Samar


Email: [email protected]
Facebook Page: fb.com/CatbaloganCityDivision
Gawain 5: DEMAND READING

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang kolum ng sang-ayon, kung naniniwala ka na tama ang pahayag
ukol sa konsepto ng demand at lagyan ng ekis (X) ang kolum ng di-sang-ayon kung hindi ka
naniniwala. Isulat sa sagutang papel.

PAHAYAG SANG- DI-


AYON SANG-
AYON
1. Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na
gusto at kayang bilhin ng mamimili sa iba’t-ibang presyo sa isang
takdang panahon.
2. Ang ugnayan ng presyo at quantity demanded ay maaaring
ipakita gamit ang demand schedule, demand curve at demand
function.
3. Ayon sa Batas ng demand, ang presyo at quantity demanded ay
mayroong tuwirang relasyon.
4. Ang Ceteris Paribus assumption ay ginagamit upang ipagpalagay
na ang presyo lamang ang salik na nakaaapekto sa pagbabago ng
quantity demanded habang ang ibang salik ay hindi nagbabago o
nakaaapekto rito.
5. Ang income effect ay nagpapahayag na kapag tumaas ang presyo
ng isang produkto, ang mga mamimili ay hahanap ng mas
murang pamalit dito.

Magtulungan Tayo! (What I Learned/Generalizations)

Mga mahahalagang kaalaman na dapat tandaan:

1. Ang demand ay tumutukoy sa kakayahan at pagnanais ng isang indibidwal na bumili ng


produkto o serbisyo sa isang takdang presyo at takdang panahon.

2. Mayroong tatlong pamamaraan sa pagpapakita ng konsepto ng demand, ito ay ang


demand schedule, demand curve at demand function.

3. Ang batas ng demand ay nagsasaad na habang ang presyo ng produkto ay tumataas,


kakaunti ang bibilhing produkto ng mamimili. Ngunit kapag ang presyo ay bumababa,
maraming produkto ang bibilhin ng mamimili habang ang ibang salik ay hindi
nagbabago. Sa nasabing batas, presyo lamang ang nakaaapekto sa demand. Ito ay
naglalarawan ng di tuwirang relasyon ng Qd at presyo.

Address: Purok 4, Barangay Payao, Catbalogan City, Samar


Email: [email protected]
Facebook Page: fb.com/CatbaloganCityDivision
4. Maliban sa presyo, may iba pang mga salik na nakaaapekto sa demand. Ito ay ang Kita,
panlasa, dami ng mamimili, presyo ng magkakaugnay na produkto sa pagkonsumo, at
inaasahan ng mga mamimili sa presyo sa hinaharap

Magagawa ko! (What I Can Do)

Papano kaya tayo matalinong makatutugon sa pagbabagong


dulot ng mga salik na nakaaapekto sa demand?

1. Kapag may pagtaas sa kita, maging matalino sa paggasta nito. Matutong pagplanuhan
nang mabuti ang paggastos at unahin ang mahahalagang bagay na dapat bilhin.

2. Maghanap ng alternatibo o pamalit sa mga produktong may mataas na presyo. Maraming


mapagpipiliang produkto sa mababang presyo sa iba’t-ibang pamilihan.

3. Ugaliing magdala ng listahan ng mga bibilhing produkto upang maiwasan ang pagbili ng
mga produktong hindi naman gaanong kailangan.

4. Maging mapanuri, huwag kaagad mahihikayat sa pagbili ng mga nauusong produkto o


serbisyo kung hindi pa naman gaanong kailangan.

Subukin (Post Test)

I.Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Isa itong talaan na nagpapakita ng dami na kaya at gustong bilhin ng mga mamimili sa
iba’t ibang presyo.
a. Demand c. Demand Schedule
b. Demand function d. Demand Curve

2. Tumutukoy sa kakayahan at pagnanais ng isang indibidwal na bumili ng produkto o


serbisyo sa isang takdang presyo at takdang panahon
a. Demand c. Demand Schedule
b. Demand function d. Demand Curve

3. Nagsasaad na mayroong magkataliwas na ugnayan sa pagitan ng presyo at quantity demanded.


a. Ceteris Paribus c. Demand Function
b. Quantity Demanded d. Price Index

4. Nagpapahayag na mas malaki ang halaga ng kinikita kapag mas mababa ang presyo.
a. Substitution Effect c. Demonstration Effect
b. Income Effect d. Lahat ng mga nabanggit

Address: Purok 4, Barangay Payao, Catbalogan City, Samar


Email: [email protected]
Facebook Page: fb.com/CatbaloganCityDivision
5. Grapikong paglalarawan ng presyo at quantity demanded.
a. Demand c. Demand Schedule
b. Demand Function d. Demand Curve

6. Nagsasaad na mayroong magkataliwas na ugnayan sa pagitan ng presyo at quantity demanded.


a. Batas ng Suplay c. Batas ng Tao
b. Batas ng Kalikasan d. Batas ng Demand

7. Ito ay tumutukoy sap era na natatanggap ng isang indibidwal kapalit ng pagbibigay niya
ng serbisyo.
a. Kita c. Utang
b. Baon d. Insentibo

8. Isa sa mahalagang element na sinusuri sap ag-aaral ng microeconomics ay ang konsepto


ng demand na idinidikta o nagmumula sag a konsyumer. Alin sa mga sumusunod ang
tamang pagpapakahulugan sa konsepto ng demand?
a. Ito ay tumutukoy sa mga produktong kahalili ng mga pangangailangan ng isang
konsyumer.
b. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng mga konsyumer
sa ibat ibang halaga o presyo.
c. Ito ay tumutukoy sa kabuuang dami ng produkto na mabibili sa bawat presyo kung
ang konsyumer ay makabibili ng lahat ng kanilang pangangailangan.
d. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng prodyuser sa
iba’t ibang presyo.

9. Tumaas ang kita ni Mang Juan sa buwang ito kaya nabili na niya ang pangarap na
laruan ng kanyang bunsong anak. Anong salik ang nakaapekto sa pagkonsumo ni Mang
Juan?
a. Panlasa b. Dami ng Mamimili
b. Kita c. Inaasahan sa presyo sa hinaharap

10. Nakita ni Jhoan na nagkakagulo ang kanyang mga kamag-aaral sa pagbili ng bagong
brand ng cellphone sa isang department store kaya nahikayat na rin siyang bumili. Anong
salik ang nakaapekto sa pagkonsumo ni Jhoan?
a. Panlasa b. Dami ng mamimili
b. Kita c. Inaasahan sa presyo sa hinaharap

II-Mag-Compute Tayo
Mula sa datos na nasa ibaba, kumpletuhin ang talahanayan upang maipakita
ang demand schedule.
Demand Function: Qd = 80-5P
PRESYO Quantity Demanded
2
5
7
9
14

Address: Purok 4, Barangay Payao, Catbalogan City, Samar


Email: [email protected]
Facebook Page: fb.com/CatbaloganCityDivision

You might also like