Yunit Iii
Yunit Iii
The main idea of SAT is that during communication, people do not just utter propositions to be answered
with acceptance or rejection. Instead, every exchanged sentence in a communication situation includes the
intention of the speaker to accomplish something such as requesting, advising, and so on. Austin described
three characteristics of statements, or acts that begin with the building blocks of words and end with the
effects those words have on an audience.
TATLONG KOMPONENT
There are different speech act taxonomies for classifying the literal and pragmatic meaning of utterances,
such as Verbal Response Modes (VRM) and Searle‘s taxonomy. Searle‘s taxonomy is more commonly used
as his classification covers a wider variety of intentions of utterances. Searle has set up the following
classification of illocutionary speech acts:
• Commissives—speech acts that commit a speaker in performing an action, e.g., promises.
• Declarations—speech acts that bring something about in the world, e.g., pronouncing something.
• Directives—speech acts that influence the listener to take a particular action,
e.g., requests, commands, and advice.
• Expressive—speech acts that express the speaker‘s psychological state or attitudes towards a
proposition and which have an impact on the listener, e.g. congratulations, excuses, and thanking.
• Representatives—speech acts that express the state of the speaker.
An important assumption of speech act theory is that effective communication requires the accurate
recognition of speech acts that are exchanged between players
B. PRAGMATIKS
Ang Pragmatiks o pragmatika ay isang bahaging larangan ng linggwistika na nag -aaral ng mga paraan
kung paano nakapag-aambag ang konteksto sa pagbibigay ng kahulugan sa wika o salita. Isa itong sangay ng
semiotika o semantika ito ay ang pagaaral mismo ng kahulugan ng wika.
Ang semantika ang tumatalakay sa ugnayan ng mga pinapakitang senyales o paraan ng pagpapahayag at
pati ng mga taong gumagamit nito.
Kung ang isang tao ay may kakayahang pragmatic natutukoy nito ang kahulugan ng mensaheng sinabi at di
sinasabi , batay sa ikinikilos ng taong kausap. Natutukoy din nito ang kaugnay ng mga salita sa kanilang
kahulugan batay sa paggamit at sa konteksto.
Ang progmatiks ay ang pag -aaral kung papaano iniimpluwensyahan ng konteksto ang paraan ng paghahatid
ng impormasyon ng mga sentens o pangungusap. Samakatuwid , ito ay pag -aaral ng aktwal na pagsasalita.
Sa pakikipagtalastasan, mahalagang maunawan ang intension ng nagsasalita dahil mahuhulaan ang mensahe
nito nang tagapakinig. Mahalaga ang kakayahang pragmatiko bilang daan sa pagiging epektibo nang
pakikipagtalastasan , sapagkat nililinaw nito ang relasyon sa pagitan ng intension ng nagsasalita o
nagpapahatid ng mensahe at ang kahulugan nito.
Hindi lamang kaalaman sa bokabularyo at sa pagbuo ng mga pangungusap batay sa itinakda ng gramatika
ang mahalaga para sa iisang mag -aaral ng wika. Mahalaga ring matutunan ang kasanayan sa pagtukoy sa
mga pakiusap , magalang na pagtugon sa mga papuri o paumanhin , pagkilala sa mga biro at pagpapadaloy
ng mga usapan. Samakatuwid kailangang matukoy ng isang tao ang maraming kahulugan na maaring dalhin
ng isang pahayag batay sa ibat ibang sitwasyon.
Ang ganitong kakayahang kumunikatibo ang nais nating itampok sa araling ito sa pamamagitan ng pag-
unawa sa kakayahang pragmatiko. Ang kakayahang pragmatiko ay mabisang nagagamit ang yaman ng wika
upang makapagpapahayag ng intension at kahulugang naayon sa konteksto ng usapan at gayundin natutukoy
ang ipinahihiwatig ng sinasabi di-sinasabi at ikinikilos ng kausap.
PRAGMATIK
Kadikit ng paglinang sa kakayahang pragmatiko ang ‗konsepto ng speech act. Ito ay ang paggawa ng mga
bagay gamit ang salita. Hal. Nito ang pakikiusap, pagtanggi, pangangako , at iba pa.
TATLONG SANGKAP NG SPEECH ACT
1. ILLOCUTIONARY FORCE- sadya o intensyonal na papel (pakiusap, utos,
2. LOCUTION- anyong linggwistikong (patanong at pasalaysay)
3. PERLOCUTION-epekto ng tagapakinig (pagtugon sa hiling, pagbibigay atnsyon)
S E T T I N G (Saan nag-uusap?)
• Pook ng pag-uusap o ugnayan at kung kalian ito nangyari.
• Kailangang malaman kung nasaan ang tagapagsalita para maiyon niya ang kanyang pananalita at
paggamit ng wika sa kanyang kausap.
E N D S (patutunguhan)
• Binabatay dito ang patutunguhan ng gustong ihayag ng tagapagsalita sa kanyang mga tagapakinig.
• Pakay, layunin at inaasahang bunga ng pag-uusap
I N S T R U M E N T A L I T I E S (Midyum ng usapan)
• Anyo at estilo ng pananalita
• Kailangan alamin kung anong midyum (pasulat o pasalita) ang gagamitin sa pakikipag-
komunikasyon, kung ito ba‘y bumabagay sa sitwasyon.
NORMS
• Umiiral na panuntunan o alintuntunin na sinusunod sa isang lipunan sa pag-uusap at kung ano ang
reaksiyon ng mga kalahok.
• Dito inalam kung tugma o alam ng tagapagsalita ang mga paksang kanyang ginagamit at kung ito‘y
binabatay sa sosyal na panuntunan at pamamahala ng mga aksyon at reaksyon.
GENRE
• Paksa o uri ng impormasyon o sangkap na ginamit
• Isinasaalang-alang ang uri ng pagsasalita, gawa o kaganapan para sa mga halimbawa at ang uri ng
kwento na ginamit.
Ayon kay hymes sa kanyang acronym na SPEAKING, mapapansing tatlo sa mgaito ay participant,
setting at norm na binibigyan din ng konsiderasyon ng isang taong may kakayahang
sosyolingguwistik. Kaya‘t mahalagang ito‘y mapag-aralan dahil dito malalaman kung mahusay
magsalita ang isang tao. Dito rin natin matutunan kung paano maki-angkop ang taong may
kakayahang sosyolingguwistiko.
―Hindi lamang dapat sinasaklaw ng kasanayan ang pagiging tama ng pagkakabuo ng mga
pangungusap, kundi ang pagiging angkop ng mga ito, depende sa sitwasyon.-Hymes
C. Semaiotiks
Ang mga semiotika ay ang pag-aaral ng mga palatandaan at mga simbolo, lalo na habang nakikipag-
usap ang mga bagay na sinasalita at hindi sinasalita. Kabilang sa mga karaniwang halimbawa ng mga
semiotika ang mga palatandaan ng trapiko, mga emoyo at mga emoticon na ginagamit sa electronic
na komunikasyon, at mga logo at tatak na ginagamit ng mga internasyonal na kumpanya upang
ibenta sa amin ang mga bagay - "katapatan ng tatak," tinawag nila ito.
Semiotics Kung gayon, ang teorya at pag-aaral ng mga palatandaan at simbolo, lalo na bilang mga
elemento ng wika o iba pang mga sistema ng komunikasyon.
Ang isang taong nag-aaral o nagsasagawa ng semiotics ay kilala bilang isang semiotician. Marami sa
mga tuntunin at konsepto na ginamit ng mga kontemporaryong semioticians ay ipinakilala ng Swiss
lingguwista na si Ferdinand de Saussure (1857-1913).
Tinukoy ni Saussure ang isang pag-sign bilang anumang paggalaw, kilos, larawan, pattern, o
kaganapan na nagbibigay ng kahulugan. Langue tinukoy niya ang istraktura o balarila ng isang wika,
at parole tinukoy niya ang mga aktwal na pagpipilian na ginawa ng tagapagsalita upang maipabatid
ang impormasyong iyon.
Ang mga semiotika ay isang mahalagang pag-aaral sa pag-iisip tungkol sa ebolusyon ng kamalayan
ng tao.
Ang Ingles na pilosopo na si John Locke (1632-1704) ay nakatali sa pagsulong ng katalinuhan sa
tatlong hakbang: pag-unawa sa likas na katangian ng mga bagay, pag-unawa kung ano ang gagawin
upang makamit ang anumang nais mong makamit, at ang kakayahang maibahagi ang mga bagay na
ito sa iba.
Nagsimula ang wika gamit ang mga palatandaan. Sa terminong Locke, ang mga palatandaan ay
dyadic-samakatuwid, ang isang senyas ay nakatali sa isang tiyak na kahulugan.
Itinuro ni Charles Sanders Peirce (1839-1914) na ang mga palatandaan ay gagana lamang kung may
katalinuhan na may kakayahang matuto mula sa karanasan.
Isipin kung ano ang nakikipag-usap sa iyo ng isang sirena ng ambulansya kapag nagmamaneho ka:
"Ang isang tao ay naminsala at kami ay nagmadali upang makarating doon. Pumunta sa gilid ng daan
at hayaang magmaneho o susubaybayan ka namin at pagmultahin ka . "
Ang konsepto ng mga semiotics ng Peirce ay triadic: sign, kahulugan, interpreter. Tinitingnan ng
mga modernong semiotic ang buong network ng mga palatandaan sa palibot natin, mga palatandaan
o simbolo na nangangahulugang iba't ibang mga bagay sa iba't ibang konteksto, kahit na mga
palatandaan o simbolo na tunog.
Isipin kung ano ang nakikipag-usap sa iyo ng isang sirena ng ambulansya kapag nagmamaneho ka:
"Ang isang tao ay naminsala at kami ay nagmadali upang makarating doon. Pumunta sa gilid ng daan
at hayaang magmaneho o susubaybayan ka namin at pagmultahin ka . "
D. Sosyolinggwistik
Pinagmulan na salita ng sosyolinggwistik
• Binuo lamang sa loob ng nakaraang limampung taon. Ang sosyolinggwistik Ay nilikha noong 1939
ni Thomas C. Hudson, sa pamagat ng kanyang article na "Sociolingusitics in India".
• 1960's naging sikat ang pag-aaral ng sociolinguistics at nagkaroon ito ng dalawang pamagat:
sociolinguistic at sosyolohiya ng wika. Sa katapusan nagkaroon ng kaibahan ang dalawa, ang
sosyolohiya ng wika ay humahawak sa mga paliwanag at hula sa mga ganap ng wika sa iba't ibang
antas ng grupo.
• Teoryang sosyolinggwistik- pamamalagay (assumption) na ang wika ay isang panlipunang
phenomenon.
• Nagiging makabuluhan ang anumang pahayag, aksyon, salita ng isang indibidwal kung ito ay
nakakonstekto sa loob ng lipunan at sinasabi sa ibang indibidwal o grupo.
• At dahil dito, nakabubuo ng iba't ibang konstekto ang paggamit ang wika dahil sa iba't ibang gawain,
papel, interes, saloobin, ang kasangkot sa komunikasyon.
• Ayon Kay ( Constantino 2000 ) sa aklat ni Santos, et. al 2010 ang sosyolinggwistikong ay ideya ng
paggamit ng heterogeneous ng wika dahil sa magkakaibang mga indibidwal at grupo na may
magkakaibang lugar na tinitirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa.
• Pinaniniwalaan dito na ang wika ay hindi isang simpleng instrumento ng komunikasyon na
ginagamit ng indibidwal ayon sa isang sistemang mga alituntunin kundi isang kolektibong pwersa,
isang pagsama-sama ng mga anyo sa isang nagkakaibang cultural at sosyal na mga gawain at grupo.
• Ayon naman sa pagtatalakay sa dtomal na inilathala ng Shiffield Academy sa United Kingdom, ang
sosyolinggwistik ay ang pinagsamang pag-aaral ng sosyolohikal at linggwistika na kung saan pinag-
uugnay ang wika at ang lipunan batay sa iba't ibang konteksto.
• Ayon kay Sapir (1949), ang wika ay maituturing na gamit o kasangkapan sa sosyolisasyon, na ang
ugnayang sosyal ay hindi magiging ganap o buo kung wala ang wika.
• Paliwanang ni Hymes (1967) ukol sa kakayahang komunikatibo, mahalagang malaman kung kailan
tayo magsasalita o hindi magsasalita, ano ang pag-uusapan, sino ang kakausapin, saan at sa anong
paraan.
Kakayahang Sosyolinggwistiko
• sinasaalang-alang ang salik gaya ng estado ng kausap, layunin ng interaksyon, at itinakdang
kumbensyon ng interaksyon
• Ito ay kakayahang gamitin ang wika ng may naaangkop na panlipunang pagkakahulugan para sa
isang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon. Halimbawa:
Magandang araw po! Kamusta po kayo? (Pormal na pamamaraan)
Uy! Kamusta ka naman? (Di-pormal na pamamaraan)
• Ito rin ay tumutukoy sa masteri ng Sociocultural code ng isang wika.
• Ang sociocultural code naman at ang batayan ng tagapagsalita kung paano nila dapat gamitin ang
isang wika.
• Nakapailalim sa araling ito ang modelong speaking.
Bukas-palad"handang tumulong"
Halimbawa: "Bukas-palad"lagi si Cora sa mga mahihirap.
Sa halimbawang ito ang literal na pagbubukas ng palad ay ginamit upang pahayag ang kahulugan na
pagiging matulungin o pag_-abot ng tulong sa mga nangangailangan
Depinisyon ng Metapora
Itinuturing na walang literal na kahulugan ang ilan sa mga figurative speech tulad ng
idiom,sarcasm,irony at metaphor.Mula sa salitang meta 'pagbabago' at phora 'mosyon' na tumutukoy sa
''semantic motion''(Wheelwright ,1964,p.69),ang metaphor,na binibigyang kahulugan nina Wingfield at
Titone bilang ''formally defined statement na maituturing na hindi totoo sa literal na aspeto ngunit
nagpapahiwatig ng isang maliwanag na kahulugan".(Wingfield and Titone,1998,p.257).
Ito ay maituturing na isa sa pinakaraniwan at may mahalagang kontribusyon hindi lamang sa
larangan ng literatura kundi maging sa larangan ng linggwistiko.
PAKSA 4: PAGDULOG AT/O MGA TEORYA NG DISKURSO
Pokus ng Ikaapat na paksa ang pasaklaw na pagtalakay sa pagdulog etnografiko o
etnometodolohiya at mga teorya ng diskurso.
MGA TEORYA NG DISKURSO
1. Speech Act Theory (mga kilos o galaw) - Sa simpleng paliwanag ito ay tumutukoy sa paniniwalang
Ingles na “in saying something, we do something”. Anuman ang
ating sabihin, lagi na itong may kaakibat na kilos, maging ito man ay
paghingi ng paumanhin, pagbibigay-babala, paghihimok atbp.
Isang teorya ng wika kung saan sangkot ang kilos o galaw sa
pag-unawa sa pagpapakahulugan ng isang diskurso.
Ito ay teorya na ipinakilala ni John Langshaw
Austin sa kanyang aklat na “How to Do Things with Words”
Tatlong aspeto ng Speech Act Theory:
Locutionary Act- ang akto ng pagsasabi tungkol sa isang bagay bilang basikong nilalaman.
Ilocutionary Act- ang akto ng pagnanais na gawin sa pamamagitan ng pasalita. Nagtataglay
ito ng motibo, intension at opinyon.
Perlocutionary Act- ang bunga ng iyong ipapahayag.
Kaugnay ng gampaning lokusyon at ilokusyon, na ang hangarin ay makilala ang tungkulin
o gampanin ng lokusyon – ito man ay tagatanggap o gumaganap.
A. Gampanin/Tungkuling lokyusyonari – pagsasabi ng isang bagay na makabuluhan o may
katuturan. Ito ang pagsasaad ng isang pangungusap o bahagi ng pangungusap na literal na
nauunawaan sa paggamit ng wika. Ang kaalamang panglingwistika na ang puhunan sa
pagsasagawa ng akto/ kilos .
Hal. Pangako kong tuturuan kitang magsayaw.
B. Gampanin/Tungkuling ilokyusyonari – ay isang tungkulin ng pagsasagawa ng isang bagay
o isang mensahe ayon sa intensyon ng nagsasalita. May tiyak na puwersa tulad ng pagpapabatid,
pag-uutos, pagbabala atbp.
Hal. A. Pangako: Magkita tayo mamaya at tuturuan kita ng sayaw.
B. Pakiusap: Edwin, maaari bang turuan mo akong magsayaw?
C. Pag-utos: Turuan mo akong magsayaw, kung ayaw mong sisantihin kita sa
trabaho.
C. Gampanin/Tungkulin Perlokyusyonari - tungkuling dulot ng pwersang ilokyusyonari.
Nagpapalabas o nagtatamo ng isang bagay tulad ng panghikayat, pagkumbinsi at pagbabawal.
Limang Puntos ng Ilokyusyonari at Perlokyusyonari (Ayon kay Searle)
Assertives– (Aktong representatibo) ang mga pahayag ay maaaring husgahan kung tama
o mali dahil naglalayon itong magpamalas ng kalagayan at
kaangkupan ng proposisyon. (pagtanggap, paghihinuha, pag-uulat atbp.)
Directives (direktibo) – mga pahayag na naghihimok upang kumilos o tumugon sa
hinihingi ng proposisyon.
Commisives (Komisibo) – mga pahayag na tumiyak o tumupad sa aksyong inilalarawan
ng nilalaman ng proposisyon.
Expressive (ebalwatibo)– mga pahayag na naglalarwan ng sinseridad ng kondisyon ng
akto sa pagsasalita tulad ng pasasalamat, pagbati, paghingi ng paumanhin, pamumuna,
pagtanggi at pagsang-ayon o kaya ay pagpaparusa at iba pa.
Declaratives (establisado)- mga pahayag na naglalayong mabago ang mundo sa
pamamagitan ngpagrerepresinta ng isang pagbabago. Tulad ng pagbabala, paghirang,
pagpapahintulot, pagpapatawag at pagbibigay-permiso.
Ethnography of Communication – si Dell Hymes ang nagpasimuno sa teoryang ito.
Tinawag niya itong “ethnography of speaking” na kalauna’y naging ethnography of
communication. Binigyan niya ng kahulugan ang ethnograpy of communication na nag-
uugnay sa sitwasyon at gamit, patern at tungkulin, ng gawi ng pagsasalita.
Tumutukoy rin ito sa pag-aaral ng komunikasyon kaugnay sa sosyal at kultural na pag-
uugali at paniniwala.
Nakapokus ito sa kakayahang pangkomunikatibo: ang kaalamang sosyal, sikolohikal,
kultural at linggwistikang may kaugnayan sa angkop na gamit ng wika.
2. Pragmatic theory - ang salitang prama ay galing sa salitang Griyego na ang ibig tukuyin ay
aksyon, galaw, paggalaw, gawa, gawain.
Ang pragmatik ay ang relasyon sa pagitan ng wika at ng tao na gumagamit ng wika.
Ito ang pag-aaral ng mga aktwal na pagsasalita sa iba’t ibang konteksto.
3. Variationist Theory – nakapokus ito sa baryasyon ng wikang ginagamit ng taong sangkot sa isang
diskurso. Kinapapalooban ito ng pagkakaiba ng tono, intonasyon, gamit ng salita gayundin ang
estrukturang panggramatika ng isang ispiker.
Lumaganap ang teoryang ito dahil na rin sa unti-unting pag-usbong ng iba’t ibang speech
community na nagtataglay ng maraming baryasyon sa wika.
4. Ethnography of Communication (mga paraan at aspeto ng pagsasalita) - mas kilalang Speech
Codes Theory ay nauukol sa pag-aaral ng mga sitwasyon, gamit, patern at tungkulin ng
pagsasalita. Ang pinakasusi ng teoryang ito ay ang pamamaraang partisipant-obserbasyon na
nangangailangan ng imersyon sa isang partikular na komunidad. Gumagamit ng mga kasangkapan
ipinakilala ng isang American Anthropolgical linguist na si Dell Hymes.
Ito ay nakatuon sa pangunahin sa bilang ng mga komunidad, kalakasan ng tinig, taas ng
tinig, ang distansya ng ma tagapagsalita, ekspresyon, pagtindig, eye contact, ang termino
ng pinagtutungkulan, mga panuntunan sa mga usapan at iba pa.
Mga iba’t ibang teknik na maaaring magamit sa partisipant-obserbasyon:
• Introspection - paggamit ng intuition
• Detached Observation - o ang di- partisipatoring obserbasyon ng interaksyon sa komunidad
• Interviewing - ang istraktur na interaksyong berbal sa mga miyembro ng komunidad
• Philology - paggamit ng mga pagsulat na materyales.
• Ethnosemantics - pag-aaral ng mga kahulugang kultural.
• Ethnomethodology- detalyadong analisis ng mga kumbersasyon, tinatawag ding diskurso analisis ng
mga lingguwista.
• Phenomology - pag-aaral ng mga kumbersasyon bilang isang problemang
phenomenohikal
5. Communication Accommodation Theory - sinusuri ang motibasyon at konsikwens ng pangyayari
kung ang dalawang ispiker ay nagbabago ng istilo ng komunikasyon. Ang mga gumagamit ng
teoryang ito ay naniniwalang sa komunikasyon, ang mga tao ay nagtatangkang iakomodeyt ang
kanilang istilo kapag nakikipag-usap sa iba.
Dalawang Paraan ng Akomodasyon:
1. Divergence. Ang madalas na gumagamit nito ay ang grupong may malakas ng
pagmamalaking etniko upang ihaylayt ang kanilang identidad.
2. Convergence. Nagaganap kung saan mayroong matinding pangangailangan para sa social
approval. Ang gumagawa nito ay madalas ang mga indibidwal na walang
kapangyarihan.