Fil9 q3 Mod16 Ramaatsitaepikongnagmulasaindia Version2 PDF
Fil9 q3 Mod16 Ramaatsitaepikongnagmulasaindia Version2 PDF
Filipino
Ikatlong Markahan - Modyul 16
Rama at Sita: Epikong
Nagmula sa India
Department of Education ● Republic of the Philippines
Filipino- Grade 9
Alternative
Ik Delivery Mode
Ikatlong Kwarter, Linggo7-8 – Modyul 16: Rama at Sita: Epikong
Nagmula sa India
First Edition, 2020
Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalty.
3
Filipino
Ikatlong Markahan- Modyul 16
Rama at Sita: Epikong
Nagmula sa India
4
Department of Education ● Republic of the Philippines
5
Talaan ng Nilalaman
Mga Pahina
Aralin 16 ……………………………… 4
Balikan ……………………………… 4
Tuklasin ……………………………… 4
Suriin ……………………………… 6
Pagyamanin ……………………………… 6
Isaisip ……………………………… 7
Isagawa ……………………………… 8
Buod ……………………………… 9
Tayahin ……………………………… 10
Susi ng Pagwawasto ……………………………… 11
Sanggunian ……………………………… 13
Modyul 16
Konseptong Pampanitikan
Pangkalahatang Ideya
Ang panitikan ay pamana sa atin ng ating mga ninuno upang mas lalo nating
makilala ang mayayamang kultura ng iba’t ibang lugar o bansang pinanggalingan
nito. Matapos mapag-aralan ang mga akdang pampanitikan ng Asya sa mga
naunang kwarter mas lumawak pa ang kaalaman ng mga mag-aaral sa mga
mayayamang kultura nila dito. Sa bahaging ito maglalakbay na naman tayo sa
Kanlurang Asya, pag-aaralan dito ang epikong nagmula sa lugar na ito. Mahahasa
muli ang galing ng mga mag aaral sa pagbabasa at pang-unawa sa akdang
tatalakayin.
Nilalaman ng Modyul
6
Ang aralin sa modyul na ito ay naglalaman ng mga konsepto tungkol sa epiko.
Naglalahad rin ito ng isang epiko ng India na pinamagatang “Rama at Sita” na
isinalin ni Rene O. Villanueva.
Alamin
Pangkalahatang Panuto
Paano mo Matututunan?
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
● Basahin at unawain nang mabuti ang mga konseptong pangwika.
● Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
● Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay.
2
Suriin Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at
nararapat mong matutunan upang malinang ang
pokus na kompetensi.
Subukin
Kolum A Kolum B
3
b. Siya ay isang madre na naging santa.
Walang sawa siyang tumulong sa mga
nangangailangan sa Calcutta.
Gawain B: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat sa sagutang papel ang letra
ng tamang sagot.
9. Bihagin mo si Sita para maging asawa mo. Ano ang kahulugan ng salitang “bihagin”?
A. ikulong C. hulihin
B. bitagin D. akitin
4
Rama at Sita: Epikong
Nagmula sa India
Aralin
Balikan
Napag-aralan sa nakaraang aralin na ang bansang India ay mayaman
sa kultura at paniniwala. Pinaniniwalaan ng bansang ito ang
kagandahan, katotohanan, at kabutihan. Naniniwala sila na
pinagpapala ng Diyos ang maganda at matalino at kumikilos nang
ayon sa kanilang lipunan. Napakarami rin nilang mga tradisyon. Halos
sa loob ng apat na libong taon ay tila hindi nagbago ang mga
kinagisnang tradisyon ng mga Hindu. Ang mga ito ang pumukaw sa
interes ng mga dayuhang manlalakbay.Malimit na nababasa ang mga
kultura nila sa kanilang epiko.
Tuklasin
Gawain 1:
Gamit ang web organizer. Isulat ang mga dapat gawin para maging matatag ang
pagsasama ng magkasintahan/mag-asawa kahit na may mga pagsubok na
nararanasan o pinagdadaanan.
5
Gawain 2. Paglinang ng Talasalitaan: Punan ang nawawalang letra sa mga kahon
na walang nakasulat upang mabuo ang kahulugan ng salitang italisado. Gamitin sa
makabuluhang pangungusap ang mga salitang natutuhan.
u o
i a w
g k w
n p n w l
b g
Alam mo ba:
Ang epiko ay isang uri ng akdang pampanitikan na kinapapalooban ng mga
kabayanihan at pakikipagsapalaran ng isang tao na nababalot ng kababalaghan at
di kapani-paniwalang mga pangyayari. Tunghayan natin ngayon ang epikong
nagmula sa India ang “Rama at Sita”.
Rama at Sita
(Isang kabanata ) Epiko Hindu ( India)
(Isinalin sa Filipino ni Rene O. Villanueva)
6
Sa gubat tumira sina Rama, Sita at Lakshamanan nang ipatapon sila mula sa
kaharian ng Ayodha. Minsan, isang babae ang dumalaw sa kanila. Hindi nila alam,
nagpapanggap lamang ang babae. Siya ay si Surpanaka, ang kapatid ni Ravana, na
hari ng mga higante at demonyo. “ Gusto kitang maging asawa”, sabi nito kay Rama.
“ Hindi maaari sabi ni Rama, “ may asawa na ako”Narinig ni Sita ang dalawa kaya
lumabas siya. Niyakap ni Rama si Sita sa harap ni Surpanaka. Nagselos nang husto
si Surpanaka.Sa galit ay bigla siyang naging higante. Nilundag niya si Sita para
patayin. Pero mabilis na nayakap ni Rama ang asawa at agad silang nakalayo kay
Surpanaka, siya namang pagdating ni Lakshamanan.
“Sige patayin mo siya!” sabi ni Rama. Binunot ni Lakshamanan ang kanyang
espada at nahagip niya ang tenga at ilong ng higante. “ Sino ang may gawa nito?”,
sigaw ni Ravana nang makita ang ayos ng kapatid. Nagsinungaling si Surpanaka
kay Ravana para makaganti kay Rama. Sinabi niyang nakakita siya ng
pinakamagandang babae sa gubat at inalok niya itong maging asawa ni Ravana
pero tumanggi ang babae. Nang pilitin daw niya, tinagpas ng isang prinsipe ang
kanyang ilong at tenga.“Tulungan mo ako, Ravana,” sabi pa nito.”Bihagin mo si Sita
para maging asawa mo.” Naniwala naman si Ravana sa kuwento ng kapatid.
Pumayag siyang ipaghiganti ito.
7
Mula sa isang mataas na bundok, narinig ng isang agila ang sigaw ni Sita.
Hinabol ng ibon ang karwahe ni Ravana. Pinagtataga ni Ravana ang agila at duguan
itong bumagsak sa lupa.
Pabalik na sina Rama at Lakshamanan nang makita nila ang
naghihingalong agila. “Dinala ni Ravana ang asawa mo sa Lanka,” sabi
nito bago mamatay. Sinunog ng magkapatid ang bangkay ng
agila.Pagkatapos ay naghanda sila upang sundan ang hari ng mga
higante sa Lanka.Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian ng mga higante at
demonyo. “Mahalin mo lang ako ay ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kayamanan.”,Sabi
ni Ravana. Pero hindi niya napasuko si Sita.
Hiningi ni Rama ang tulong ng hari ng mga unggoy para salakayin ang Lanka. Sa
labanang naganap, maraming kawal na unggoy ang napatay pero mas maraming
higante ang bumagsak na pugot ang ulo. Hinanap ni Rama si Ravana at silang
dalawa ang naglaban.
Matagal na naglaban sina Rama at Ravana hanggang sa mapatay ni Rama
ang hari ng mga higante. Tumakas ang iba pang mga higante nang makita nilang
patay ang kanilang pinuno. Umiiyak na tumakbo si Sita sa asawa. Nagyakap sila
nang mahigpit at muling nagsama nang maligaya.
Suriin
Gawain 3: Sagutin ang mga sumusunod na kasagutan.
Pagyamanin
Gawain 4. Basahin ang mga pangyayaring natagpuan sa akda. Ano
kaya ang mangyayari dito? Isulat ang hinuha sa patlang.
1. Sa gubat tumira sina Rama, Sita at Lakshamanan nang ipatapon sila mula sa
kaharian ng Ayodha. Minsan, isang babae ang dumalaw sa kanila. Hindi nila alam,
nagpapanggap lamang ang babae.
Ano kaya ang maidudulot ng babae sa kanilang tatlo?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
8
Dahil mahal na mahal ang asawa, kinuha ni Rama ang kanyang pana at busog. “
Huwag mong iiwan si Sita kahit ano ang mangyari,” bilin ni Rama sa kapatid
Ano ang maaaring mangyari kay Rama habang sinusundan ang gintong usa?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_________________________________________________________________
3. Matagal na naghintay ang dalawa pero hindi pa rin dumarating si Rama. Pinilit ni
Sita si Lakshamanan na sumunod sa gubat. Hindi, kailangan kitang bantayan,”sabi
nito.Ilang oras pa silang naghintay nang bigla silang nakarinig ng isang malakas na
sigaw. Napaiyak si Sita sa takot.
Ano ang nasa isip nang napaiyak na si Sita?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
4. Hinabol ng ibon ang karwahe ni Ravana. Pinagtataga ni Ravana ang agila at
duguan itong bumagsak sa lupa. Pabalik na sina Rama at Lakshamanan nang
makita nila ang naghihingalong agila. “Dinala ni Ravana ang asawa mo
sa Lanka,” sabi nito bago mamatay.
Ano ang maaring mangyari kung hindi inabutan nina Rama at
Lakshamanan nang buhay ang agila?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Isaisip
9
Isagawa
Gawain 6. Kung ikaw ay isang manunulat, ano ang wakas ang iyong mahihinuha
mula sa sipi ng kuwentong “Rama at Sita”.
Pabalik na sina Rama at Lakshamanan nang makita nila ang naghihingalong agila.
“Dinala ni Ravana ang asawa mo sa Lanka,”sabi nito bago mamatay. Sinunog ng
magkapatid ang bangkay ng agila.Pagkatapos ay naghanda sila upang sundan ang
hari ng mga higante sa Lanka.Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian ng
mga higante at demonyo. “Mahalin mo lang ako ay ibibigay ko sa iyo ang lahat ng
kayamanan.”,Sabi ni Ravana. Pero hindi niya napasuko si Sita.
______________________________________________________________________

Buod
Ang India ay isang bansa sa Timog-kanlurang Asya. Ito ay kaapat na
pinakamalaking bansa sa buong mundo ayon sa lawak ng teritoryo. Batay sa
10
napag-aralan ang bansang India ay mayaman sa kultura at paniniwala.
Pinaniniwalaan ng bansang ito ang kagandahan, katotohanan at kabutihan.
Naniniwala sila na pinagpapala ng Diyos ang maganda at matalino at kumikilos nang
ayon sa kanilang lipunan. Sa akdang “Rama at Sita” masasalamin ang napakarami
nilang mga kultura at tradisyon. Isa sa kulturang Asyano na makikita sa akdang
Rama at Sita ay ang matibay na ugnayan sa dalawang magkapatid o sa pamilya.
Mababasa sa kabuuan ng istorya ang pagmamalasakit ng magkakapatid sa bawat
isa. Si Rama at Lakshamanan ay pinrotektahan ang isa't isa sa panganib at si
Ravana at Surpanaka naman ay nagkampihan upang maghiganti.
11
Tayahin
Kolum A Kolum B
A. elehiya C. awit
B. epiko D. tanaga
12
9. Bihagin mo si Sita para maging asawa mo. Ano ang kahulugan ng salitang “bihagin”?
A. ikulong C. hulihin
B. bitagin D. akitin
Susi sa Pagwawasto
1. C 6. B
2. E 7. C
3. D 8. B
4. A 9. A
5. B 10. C
Gawain 1 : Nasa guro ang pagwawasto
Gawain 2:
1. Ikulong
2. Inagaw
3. Nagkunwari
4. Napaniwala
5. Bitag
13
Mga Sanggunian
Peralta Romulo N.,Lajarca Donabel C.,Cariño Eric O., et.al, Panitikang Asyano-
Ikasiyam na Baitang Modyul ng mga Mag-aaral Unang Edisyon,Vibal Group
Publishing House, Pasig City, 2014
https://brainly.ph/question/467799#readmore
https://www.slideshare.net/nicogranada31/k-to-12-grade-9-filipino-learners-module
14