0% found this document useful (0 votes)
691 views55 pages

Filipino

Ang dokumento ay tungkol sa kasaysayan ng wikang Filipino mula sa panahon ng mga katutubong Pilipino hanggang sa pagkakatatag ng wikang Filipino bilang pambansang wika. Ito ay naglalarawan ng pag-unlad ng wikang Filipino mula sa mga katutubong wika hanggang sa pagkakaroon ng wikang Pilipino sa ilalim ng 1935 Konstitusyon at pagpapalit nito sa Filipino sa ilalim ng 1973 Konstitusyon.

Uploaded by

Kat Kat
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
691 views55 pages

Filipino

Ang dokumento ay tungkol sa kasaysayan ng wikang Filipino mula sa panahon ng mga katutubong Pilipino hanggang sa pagkakatatag ng wikang Filipino bilang pambansang wika. Ito ay naglalarawan ng pag-unlad ng wikang Filipino mula sa mga katutubong wika hanggang sa pagkakaroon ng wikang Pilipino sa ilalim ng 1935 Konstitusyon at pagpapalit nito sa Filipino sa ilalim ng 1973 Konstitusyon.

Uploaded by

Kat Kat
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 55

Pangalan: _____________________________________ Sabjek: __________________________

Aralin 1: Kasaysayan ng Wikang Filipino


Ang bawat etnolinggwistikong grupo ay may sariling wikang sinasalita. Ayon sa
Komisyon sa Wikang Filipino, may higit sa 187 na mga wika ang bansa batay sa
pagkakaroon ng iba’t ibang grupong nakatira sa bawat rehiyon. Kaya naman napakayaman
at masasabi ring may kumplikadong sitwasyong linggwistikal ang Pilipinas.
Napakamalaking salik rin dito ang pananakop ng mga dayuhan dahil naapektuhan ang
mismong wika at kultura ng mga sinaunang katutubong Filipino.

PANAHON NG PRE-KOLONYAL
Ayon sa ulat ng mga misyonerong Kastila, ang mga sinaunang katutubong Filipino
ay 100 porsiyentong literado bago pa man sila dumating. Mga matanda, bata, lalaki o
babae man ay nakapagbabasa at nakapagsusulat ng Baybayin 9na binubuo ng 14 katinig
at 3 patinig. Napatunayan ito sa isinulat na Relacion de Las Islas Filipinas ni Padre Pedro
Chirino at sa Sucesos de las Islas Filipinas ni Antonio Morga noong 1600.

PANAHON NG MGA KASTILA (1521-1898)


Wala pang isang wikang nagbubuklod sa mga Pilipino kaya naging madali sa mga
Kastila ang pananakop. Isa sa mga pangunahing paraan ng kanilang pananakop ang
Katolisismo, at ang mga akda na inilimbag ng mga prayle ay nakasulat pa sa baybayin.
Itinuro nila ang alpabetong Romano bilang kapalit ng katutubong Alibata Silibaryo at
pumasok ang mga letrang dating wala sa silabrayo tulad ng E, O, C, Q, at iba pa. Kaya
naman may mga pagbabago sa mga baybayin ng mga salita. Sa kadahilanang takot na
magkaisa ang mga katutubong Filipino, hindi nila itinuro ang wikang Kastila, sa halip ang
mga prayleng Kastila ang nag-aral ng wika ng iba’t ibang etnikong grupo. Ang wika ng mga
katutubo ang naging pangunahing midyum ng komunikasyon sa panahong ito.
Ayon kay Añonuevo, R. (n.d.), noong 1986 ay itinatag ni dating pangulong Emilio
Aguinaldo ang Saligang Batas ng Biyak-na-Bato na nakasaad na ang wikang Tagalog ay
magiging wikang gagamitin sa lahat ng transaksyon ng kanilang lupon at ito’y maging
wikang opisyal.

1
PANAHON NG MGA AMERIKANO
Sa pagsakop ng mga Amerikano sa bansa noong 1940, naging malaking instrumento
ang edukasyon sa pagpapalaganap ng wikang Ingles. Ang mga Thomasites o mga
sundalong Amerikano ang nagturo sa mga paaralan sa panahong ito. Napakabilis ng
pagtanggap ng mga Filipino sa wikang Ingles dahil hindi ito ipinagdamot ng mga
Amerikano na ituro sa kanila, hindi tulad ng mga Kastila.
Ipinagbawal ang pag-aaral ng anumang bagay na Pilipino at naipatupad ang Batas
Sedisyon o Act No. 292 noong Nobyembre 4, 1901 na nagpaparusa ng kamatayan o
matagal na pagkakabilanggo sa mga Pilipino sa pagsasalita, pagsusulat, o pagtangkilik sa
pagsasarili at paghihiwalay ng Pilipinas sa Estados Unidos.

Pinalawak ang paggamit ng wikang Ingles sa larangan ng edukasyon. Ingles ang naging
wika ng gobyerno, edukasyon, komersiyo, at ng midya. Ayon kay Garcia, Hufana,
Magracia, Santos, at Barcelona (2012) mula kay Constantino (1991), nais ng mga
Amerikanong maging midyum ng komunikasyon ang wikang Ingles nang sa kalauna’y
maging lingua franca o wikang pambansa ito.
1935 KONSTITUSYON
Pinangunahan ni dating pangulong Manuel L. Quezon ang panahon ng Komonwelt at
dito nagsimula ang pormal na kasaysayan ng paghahangad ng bansa na magkaroon ng
isang wikang magsisilbing behikulo ng pambansang pagkakaisa. Noong Kumbensiyong
Konstitusyonal 1934, nagtalumpati si deligado Felipe R. Jose ng Mountain Province hinggil
sa halaga ng sarilng wika. Mula sa talumpating ito, nabuo ang Komite sa Wikang Opisyal
at sila ay nagdaos ng pampublikong pagdinig. Iminungkahi ng Komite na dapat lamang na
wikang katutubo sa bansa ang magiging wikang pambans at hindi ang dayuhang mga wika
tulad ng Ingles at Kastila. Sinusugan ito ni dating pangulong Manuel L. Quezon at
nakabatay ito sa probisyong pangwika ng 1935 Konstitusyon.

1935 Konstitusyon Artikulo XIV Seksyon 3


Ang Konggreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng
isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo. Hangga’t
hindi itinakda ng batas, ang wikang Ingles at Kastila ang siyang mananatiling opisyal
na mga wika.

Batas Komonwelt Blg. 184


Bilang pagsunod sa probisyong pangwika pinagtibay ang batas Komonwelt Blg.
184 na nagtatag sa Surian ng Wikang Pambansa (SWP)-ahesiyang nagsagawa ng mga

2
pag-aaral ng mga wika sa Pilipinas para sa pagpili ng magiging batayan ng wikang
Pambansa.

Ang mga naging miyembro ng bagong tatag na Surian ng Wikang Pambansa (SWP) ay
nagmula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Pinamunuan ito ni Jaime C. de Veyra
(Samar-Leyte), Filemon Sotto (Cebu), Casmiro F. Perfecto (Bicol), Felix S. Sales
Rodriguez (Panay), Hadji Butu (Moro), Cecilio Lopez (Tagalog), at Santiago Fonacier
(Ilocano). May tatlong krayterya upang makapili ng wikang Pambansa na kanilang
binuo, ito ay; 1) may maunlad na istruktura, mekaniks, at nakalimbag na literature;
at 2) naiintindihan at ginagamit ng nakararaming bilang ng mga Pilipino. Sa pagpili
ng wika, kinonsidera nila ang sumusunod na mga pangunahing wika ng bansa –
Tagalog, Cebuano, Ilokano, Bicolano, Hiligaynon, Kapampangan, Pangasinense, at
Samar-Leyte Waray. Napili ang wikang Tagalog batay sa mga krayteryang itinatag ng
SWP noong Disyembre 30, 1937 at magkakabisa ang proklamasyong ito dalawang
taon matapos itong mapagtibay. Tinawag itong

WIKANG PAMBANSA NA BATAY SA TAGALOG.


Naging mabilis ang pagkatuto ng mga Pilipinong mula sa iba’t ibang etnikong
grupo na labas-pasok sa Maynila sa wikang pambansang batay sa Tagalog. Sentro ng
kalakalan, gobyerno, at edukasyon ang Maynila kaya tinanggap at ginamit ito ng
nakararaming Pilipino.

PANAHON NG MGA HAPON (1942-1945)


Sa panahon ng mga Hapon, ginawang pangunahing midyum ng edukasyon ang
Wikang Pambansang batay sa Tagalog at binigyang diin ang pagpapaunlad ng
nasyonalismo dahil ipinagbawal ang pagsusulat sa Ingles. Itinuring din itong Gintong
Panahon ng Panitikan.

Batas Komonwelt Blg. 570


Nang natapos ang pananakop ng mga Hapon noong 1945 at ipinagkaloob ng mga
Amerikano ang “kalayaan” ng bansa noong Hulyo 4, 1946, naging wikang opisyal ang
wikang pambansang batay sa Tagalog kasama ng Ingles at Kastila. Naging asignatura ito
sa lahat ng baitang sa elementarya at maging sa lahat ng taon sa sekundarya.

3
Proklamasyon Blg. 12 (Marso 26, 1952)
Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12 noong
Marso 26, 1952, na nagsasaad na ipagdiwang ang pagkakaroon ng Linggo ng Wikang
Pambansa mula Marso 29 hanggang Abril 4 taon-taon, at ito rin ay pagpaparangal kay
Francisco Baltazar “Balagtas” na nagdiriwang ng kaarawan tuwing ika-2 ng Abril.

Proklamasyon Blg. 186


Noong 1953, sa bisa ng Proklamasyon Blg. 186 inilipat ang pagdiriwang ng Linggo
ng Wikang Pambansa mula Agosto 13 hanggang Agosto 19 taon-taon bilang parangal sa
dating Pangulong Manuel L. Quezon na itinuturing na “Ama ng Wikang Pambansa”.

Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 (Agosto 13, 1959)


Mahigit na 20 taon pa ang nakalipas bago nagkaroon ng tiyak na pangalan ang
wikang pambansa na batay a Tagalog. Ipinanganak ang PILIPINO bilang katawagan sa
Wikang Pambansang batay sa Tagalog sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7
noong Agosto 13, 1959 na nilagdaan ni Jose P. Romero – sekretaryo ng Departamento ng
Edukasyon sa panahong iyon.

1973 KONSTITUSYON
Hindi natigil ang digmaang pangwika dahil para sa mga di-Tagalog, nadarama nila
ang kakulangan at ang pagkolonya o napasasailalim sila sa mga Tagalog, ito ay
tinatawag na rehiyonalismo. Ayon kay Gracia et al. (2012) mula kay Hembrador (1974),
matindi ang nadamang “oposisyong sikolohikal” ng mga di-Tagalog dahil para sa kanila,
pagbabagong bihis lamang ng wikang Tagalog ang Pilipino na nakabatay pa rin sa 20
titik ng bakadang Tagalog (a, ba, ka, da, e, ga, ha, i, la, ma, na, nga, o, pa, ra, sa, ta, u,
wa, ya) at hindi kumikilala sa ibang titik na matatgpuan lamang sa ibang wikang
katutubo.
Noong 1971, ginanap ang Kumbensyong Konstitusyonal bilang tugon sa digmaang
pangwika at bumuo ng Komite sa Wikang Pambansa. Ang pagpapawalambisa rin ng 1935
Konstitusyon ay malaking oportunidad rin para sa mga di sang-ayon ng wikang Pilipino.
Inirekomenda ng komite na alisin ang Pilipino at palitan ng isang bagong komon na wikang
pambansang tatawaging FILIPINO batay sa mga katutubong wika sa bansa at maging
asimilasyon ng mga salita mula sa mga dayuhang wika (Garcia, Hufana, Magracia, Santos,
at Barcelona, 2012 mula kina Tupaz, 1973 sa kay Llamzon, 1977). Inirekomenda rin ng
komite na ipagpatuloy ang pagiging wikang opisyal ng Ingles at Kastila ngunit sa pinal na
draft, ang Ingles at Pilipino ang lumabas.

4
Artikulo XIV, Seksyon 3 ng 1973 Konstitusyon
Ang pambansang Asembleya ay dapat magsagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pormal na pagpapatibay ng isang panlahat na wikang pambansa
na tatawaging FILIPINO.

Department Order No. 25 Series of 1974


Ipinagtibay ng lupon ng Pambansang Edukasyon ang patakaran sa
edukasyong bilinggwal. Ang nasabing department order na pinamagatang
Implementing Guidelines for the Policy on Bilingual Education ay may layuning
gagamitin ang Wikang Filipino sa pagtuturo sa mga asignaturang gumagamit ng
Wikang Filipino tulad ng araling panlipunan/agham panlipunan, edukasyong pisikal
at pangkalusugan Samantala mananatiling wikang Ingles ang gagamitin sa mga
asignaturang gagamit ay wikang Ingles. Ang mga pantersyaryang institusyon (mga
antas pangkolehiyo at gradwado) ay pinagkalooban ng diskresyon na magpaunlad ng
sariling mga iskedyul para sa implementasyon ng edukasyong bilinggwal ayon sa
kanilang kakayahan at kahandaan.

1987 KONSTITUSYON
Pinawalambisa ang 1973 Konstitusyon at sa naaprubahang 1987 Konstitusyon ay
nagkaroon ng pagbabago sa probisyong pangwika kung saan kinilala ang wikang
FILIPINO bilang wikang pambansa. Isinaad ito sa Probisyong Pangwika Artikulo XIV,
Seksyon 6-9:

Artikulo XIV, Seksyon 6


Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito ay
dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa
iba pang mga wika. Nakasaad pa rin sa nasabing probisyon ng Konstitusyon na
dapat suportahan ng pmahalaan ang pagtaguyod at paggamit ng wikang Filipino
bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at edukasyon. Makikita ito sa Artikulo
XIV, Seksyon 7:

Artikulo XIV, Seksyon 7


Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal
ng Pilipinas ay Filipino at hanggat walang itinadhana ang batas, Ingles.
5
Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wika sa mga rehiyon at
magsisilbing pantulong na mga wikang panturo noon.

Patakaran sa Edukasyong Bilinggwal ng 1987 Konstitusyon


Noong Mayo 21, 1987 nagpalabas si Dr. Lourdes Quisumbing, ang dating
Sekretarya ng Edukasyon, Kultura at Isports ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 53
s. 1987. Pinalawak na bersiyon ito ng Patakaran sa Edukasyon Bilinggwal ng 1974 at
isinasaad dito ang pagpapalaganap ng Filipino bilang wika ng literasi at paggamit ng
Ingles bilang di-eksklusibong wika ng syensya at teknolohiya. Sumunod naman ang
Pangkagawaran Blg. 54 s. 1987 na pinamagatang Panuntunan ng Implementasyon
ng Patakaran sa Edukasyong Bilinggwal ng 1987 na naglalahad ng mga dapat
isagawa ng ibaibang ahensyang pang-edukasyon sa Pilipinas para sa implementasyon
ng patakaran sa edukasyong bilinggwal ng bansa.

Atas Tagapagpaganap Blg. 335, s. 1987


Nagpakita ng malakas na suporta si dating pangulong Corazon C. Aquino sa
pagpapalaganap at paggamit ng Filipino sa pamahalaan. Nag-aatas ito sa lahat ng
kagwaran, departamento, kawanihan, opisina at ahensya ng pamahalaan na
magsagawa ng mga hakbang na kinakailangan upang magamit ang Filipino sa
opisyal na mga transaksyon, komunikasyon, at korespondensya.

Atas Tagapagpaganap Blg. 117


Nilagdaan ni dating Pangulong Corazon Aquino ang atas na ito upang palitan ang
SWP ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas o LWP.

Batas Republika Blg. 7104


Noong Agosto 30, 1991 pinalitan ang LWP at itinatag ang batas na ito upang
likhain ang Komisyon sa Wikang Filipino. Tungkulin nitong gumawa ng mga
hakbangin, patakaran, at pananaliksik para maitaguyod, mapaunlad, at
mapangalagaan ang wikang Filipino at iba pang mga wika sa bansa. Samakatuwid,
ang wikang pambansang Filpino ay nagdaan sat along yugto ng ebolusyon – mula sa
wikang pamabansang batay sa Tagalog na pinagtibay ng 1935 Konstitusyon, naging
Pilipino ito batay sa isinaad sa Order Blg. 7, s. 1959 na nilaagdaan ng Sekretaryo ng
Departamento ng Edukasyon na si Jose E. Romero, at kalaunay tinawag na Filipino

6
batay sa isinaad sa 1987 Konstitusyon. May nukleyus wikang Filipino – ang wikang
Tagalog at ito ay batay sa lahat na umiiral na wika sa bansa.

Aralin 2: Gamit ng Wikang Filipino


Sa aklat na Ang Akademikong Filipino sa Komunikasyon nina Santos, A. et.al., may
tatlong (3) pangunahing gamit ng wika. Ito ay ang Pagpapangalan (labeling), Interaksiyon,
at Transmisyon.

1. Pagpapangalan o Labeling
 Ginagamit ito sa pagtitiyak o pagtukoy sa mga bagay, gawain, kilos o tao sa
pamamagitan ng pagbibigay-ngalan dito. Sa bahaging ito ay mas napapadali ang
pakikipagkomunikasyon o pakikibahagi sa diskurso dahil may tiyak na mga
katawagan sa mga bagay na nakapaligid sa atin, sa pagtiyak kung ano kilos ng isang
tao, sa mga panawag sa mga tao at maging sa mga salitang nais nating ipahayag.

Halimbawa: Pagbibigay ngalan sa mga gusali.

Labeling ng mga pagkain o produkto .

2. Interaksyon

 Ito ay tumutukoy sa pagbabahagian o pagpapalitan ng mga saloobin, kaisipan o


ideya, atbp. Kung gayon, sa pamamagitan ng pakikipag-interaksiyon natin sa iba ay
naipadadama natin ang ating mga emosyon, hinaing, ninanais at di-ninanais gamit
ang ating wika.

Halimbawa: Pakikipag-usap sa kaibigan.

7
Pagsagawa ng panayam .

3 . Transmisyon
 Dito ginagamit ang wika sa pagpapasa ng mga impormasyon. Sapagkat, hindi
magiging matagumpay ang pakikipagkomunikasyon kapag walang impormasyon na
naipapasa. Ang pagpapasa o pagsasalin ng mga impormasyon ay walang katapusan
maging ito man ay personal, sa mga aklat, radio, internet, telebisyon, lektyur at iba
pang pamamaraan sa paghatid ng impormasyon.

Halimbawa: Pagbibigay ng mga kabatiran sa pamamagitan ng facebook. Mga


impormasyon mula sa balitang napapanood sa telebisyon tungkol sa
COVID-19.

Batay naman sa Edisyong (2012) aklat na Ang Akademikong Filipino sa Komunikasyon


nina Santos, A. et.al., ginagamit ang wikang Filipino sa interaksyon ng mga mamamayang
Pilipino sa isa’t isa. Bilang linggwa franka ng mga Pilipinong may iba’t ibang wikang
kinagisnan, nagagamit ito sa pagbabahaginan at pagpapalitan ng ideya, iniisip, saloobin,
atbp. Gayundin, ginagamit ang wikang Filipino sa pagpasa ng mga impormasyon na
maaaring nasa pasalita o pasulat na paraan. Kung gayon, pinauunlad lamang nito ang
kaisipan ng mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng pagiging malikhain at mapanuri.

Narito ang pitong (7) gamit ng wika ayon kay M.A.K. Halliday (1973) batay sa
kaniyang aklat na Explorations in the Functions of Language (Explorations in Language
Study).

8
1. Instrumental

 Ang wika ay instrumental kung ito’y nakikiramay sa pangangailangan ng mga tao


sa paligid lalo na kung may katanungan na kailangan sagutin. Ito ay ginagamit
rin upang mangyari o maganap ang mga bagay-bagay tulad ng pag-uutos,
pagsasalaysay o pagpapahayag, pagtuturo at pagkatuto sa karunungang
kapakipakinabang, pagbibigay panuto, pangangalakal, atbp.

Halimbawa: Pagtukoy sa nais bilhin na selpon sa isang mall.

Pag-order ng pagkain sa isang restawran.

2. Interaksiyonal
 Sa isang komunidad, may iba’t-ibang tao tayo na makikila o makakahalubilo.
Kung kaya, kung may interaksiyon sa isa’t isa o ang pagkakaroon ng
kontak sa iba at pagbuo ng pagkakaugnayan sa pamamagitan ng
pakikipagtalakayan ng tao sa kanyang kapwa. Tulad ng pagpapaalam,
pagbibigay-galang o pagbati, atbp.

Halimbawa: Pagbati ng magandang umaga sa mga kapitbahay.

Pagkwentuhan sa mga taong bagong mo lamang na kilala sa


paaralan.

3. Personal

 Ito ay wikang ginagamit upang maipahayag ang sariling damdamin o opinyon.


Katulad ng pagsulat ng talaarawan, journal at pagpapahayag ng pagpapahalaga
sa anumang anyo ng panitikan. Padamdam, paghingi ng paumanhin,
pagpapahayag ng sariling damdamin (tuwa, galit, gulat, hinanakit, pag-asa,
kagustuhan).

Halimbawa: Pagpapahayag ng opinyon sa isang pulong.

Pagiging bukas sa mga problema sa sarili.


4. Regulatori

 Ang tungkulin ng wika dito ay kumontrol o gumabay sa kilos, asal, o paniniwala ng


ibang tao. Ginagamit rin ito sa pag-impluwensya ng tagapagsalita sa madla.

Halimbawa: Pag-uutos ng tatay sa kanyang anak na lalaki.

Pagsasalita sa isang dibate.

9
5. Heuristic
 Ito ang wikang ginagamit upang maghanap ng mga impormasyon o datos.
Ginagamit rin itong instrumento upang maragdagan ang kaalaman ng
isang tao. Tulad ng pagtatanong, pananaliksik, pag-eeksperimento, panonood ng
mga balita sa telebisyon o dyaryo, atbp.

Halimbawa: Pagtanong sa isang guro tungkol sa paksang hindi mo


intindihan.

Pagdalo sa isang seminar.


6. Imahinatibo
 Dito, ang wika ay ginagamit upang makapagpahayag ng sariling imahinasyon sa
malikhaing paraan. Tulad ng paglikha ng mga kwento, tula, at iba pang mga mga
malikhaing ideya.

Halimbawa Pagsulat ng nobela.


Paggawa ng bagong kanta.

7. Imahinatibo
 Ginagamit ang wika upang magbahagi o makapagbigay ng kaalaman at
impormasyon. Ito rin ay ginagamit upang magbigay ng impormasyon/datos sa
paraang pasulat at pasalita. Katulad ng pag-uulat ng balita, panayam,
pagpapaliwanag, pagsagot, pagtuturo, atbp.

Halimbawa: Paguulat ng bagong kalagayan ng panahaon.

Pagbabalita sa radyo o telebisyon.

Gayunpaman, malaki ang tungkuling ginagampanan ng wikang Filipino sa bansa lalo


na sa mga mamamayang pinagsisilbihan nito. Narito ang limang (5) tungkulin ng Wikang
Filipino ayon kina Santos, A. et.al., (2012):

1. Binibigkis ng wikang Filipino ang lipunang Pilipino.

 Sapagkat nagkakaroon ng integrasyon o pagtitipon ang mga etnikong grupo sa


bansa. Kung kaya, sila ay nagkakaugnay o nagkakaintindihan sa pamamagitan ng
isang wikang pareho nilang nauunawaan. Dahil na rin ang mga wika sa Pilipinas ay
nabibilang sa isang angkan, nagiging madali ang pagkatuto at paggamit sa wikang
Filipino gawa na rin ng pagkakapareho ng maraming salita sa mga wika sa
Pilipinas.
10
2. Ang wikang Filipino ay kasangkapan sa pagpapanatili ng kulturang Pilipino.
 Ayon kay Salazar (1996:40), ang lumikha sa sariling wika ay nagpapayaman sa
sariling kultura; ang lumikha sa ibang wika ay naglalayo rito at nag-aambag lamang
sa ibang kultura. Nangangahulugan lamang ito na ang wika at kultura ay
magkabuhol, dahil ang Filipino ay nakabatay sa Tagalog na kaugnay ng mga wika
sa Pilipinas, ibig sabihin nito nagagampanan ang tungkuling mapanatili ang
kulturang Pilipino. Kabilang na rito ang pagiging magalang na narereplek sa wika.
Ang kulturang likas sa ibang etnikong grupo sa Pilipinas ay nagiging bahagi ng
pambansang kultura kapag naisalin sa wikang Filipino.

3. Ang wikang Filipino ay sumasalamin ng kulturang Filipino.


 Sapagkat may mga salitang likas lamang sa wikang ginagamit ng mga Pilipino na
repleksyon ng kulturang Pilipino. Tulad na lamang ng “bayanihan,” ito ay likas sa
mga Pilipino kaya’t may salitang tulad nito sa wikang Filipino na hindi matatagpuan
sa ibang banyagang wika. Katulad din ng mga salitang bagoong, balut, penoy, atbp.,
na mga pagkaing Pilipino kaya’t bahagi na ito ng wikang
Filipino.

4. Ang wikang Filipino ay lagusan o daluyan ng kaisipang Pilipino at daan tungo sa


puso ng mga Pilipino.

 Inaantig ng wikang Filipino ang damdamin ng mga Pilipino. Kung kaya, ito ay
tumatagos sa puso’t isipan na nagpapapitlag o nagpapakilos sa tao. Katulad ng
pangungusap na “Iniibig Kita,” ay higit na nagpapakilos sa puso kaysa sa
pangungusap na “I love you.”

5. Sinisimbulo ng wikang Filipino ang pagka-Pilipino ng mga Pilipino.

 Sapagkat ang paggamit ng wikang Filipino ay isang paraan sa pagkilala sa mga


Pilipino. Kung kaya, sa pamamagitan ng paggamit ng wikang ito saan man naroroon
ang mga Pilipino ay mapagkakakilanlan kung sino sila.

Ayon naman sa Iba’t Ibang Bagay Tungkol sa Wika batay sa blogspot.com, ang
wikang Filipino ay may kani-kanilang gamit. Lahat ng mga wika sa isang bansa ay hindi
lang bastabastang ginagamit sa pagbibigay komunikasyon kundi ito’y magagamit rin sa
ibang aspekto.
Gayunpaman, ang mga aspektong ito ay tinatawag na gamit ng wika.

11
Kaugnay nito, narito rin ang ilan sa Gamit ng Wikang Filipino sa Lipunan: 1.
Itinuturing itong instrumental dahil kaya nitong tugunan ang mga
pangangailangan ng tao tulad ng mga sumusunod:

• Pagpapahayag ng damdamin

• Naghihikayat
• Direktang nag-uutos

• Pagtuturo/pagkatuto ng maraming kaalaman

2. Ang regulatoryong bisa ng wika ay nagtatakda, nag uutos, nagbibigay–direksiyon


sa atin bilang kasapi ng lahat ng institusyon.

Mga elemento ng wika upang matawag na regulatoryo:

• Batas o kasulatan na nakasulat, nakikita o inuutos nang pasalita.

• Taong may pusisyon na magpatupad ng batas.


• Taong nasasaklawan ng batas

• Konstekto na nagbibigay

• Bisa sa batas

Gamit ng wika ayon sa regulatoryong bisa


• Nagpapatupad ng batas.

• Nagpapataw ng parusa sa sino mang sasaway sa mga batas.


• Partisipasyon ng mamamayan sa paggawa ng batas.

• Pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan

• Pagtatakda ng polisiya para sa kaunlaran ng lahat, pantay na opurtunidad at


paglulala ng karapatan ng mamamayan.

Dagdag pa ni Santarita, Joefe B., kinikilala ang wikang Filipino hindi lamang sa
komunikasyon at pakikipag-ugnayan kundi higit sa lahat ang pagpapahalaga rito bilang
kapahayagan ng realidad, dalyunan ng kultura at imbakan ng kamalayan.

Sa larangan naman ng Pananaliksik:


Upang tumaas ang tingin ng mga mag-aaral sa wikang pambansa, dapat gamitin ang
Filipino sa pananaliksik-panlipunan, ayon sa mga guro sa isang talakayan sa Pamantasang
De La Salle noong ika-27 ng Nobyembre.

12
Ayon kay Prop. Crizel Sicat-de Laza ng UST, mapapairal ang maka-Filipinong
pananaliksik sa pagpili ng mga paksa sa konteksto ng kalagayang pang-ekonomiya at
pampulitika ng bansa. “Dapat may kabuluhan at mapanghamon ang kanilang mga
paksang sasaliksikin,” dagdag niya. “Ang pananaliksik ay para sa kapuwa at sa lipunan at
hindi pansarili lamang.”

Naniniwala siyang may pulitika sa likod ng pagpili ng wika sa pananaliksik, na siya


umanong ugat ng mababang pagtingin ng mga mag-aaral sa Filipino. “Sa pamamagitan ng
pagpili ng wika sa pananaliksik, maiuugnay ang personal na aspirasiyon [ng mga mag-
aaral para bayan,” ani de Laza.

Narito naman ang Gamit ng Wikang Filipino sa Edukasyon:


Ginagamit ang wikang Filipino bilang isang midyum upang makapagsulat,
makapagbasa, makaintindi ng mga aralin at mga bagay na dapat matutuhan at malaman
ng mag-aaral. Kung walang wika, hindi matututo ang isang mag-aaral sa mga bagay na
kailangan niyang malaman at hindi magkakaroon ng pagkakaintindihan ang nagaganap na
komunikasyon sa loob ng paaralan.

Ang wikang Filipino ay legal na batayan bilang wika ng edukasyon. Kung kaya
lumawak ang paggamit nito sa wika ng pagkatuto at mas mapapaangat pa ang antas ng
literasi sa edukasyong Pilipino. Nakasaad sa Artikulo XIV seksyon 7 ng konstitusyon; ukol
sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino. Ito ay nararapat bilang wika ng edukasyon sa Pilipinas sa kadahilanang mas
mabilis matuto ang kabataan sa lenggwaheng kanilang nakasanayan. Mas naiintindihan
ng mga kabataan ang kanilang aralin kapag ipinapaliwanag sa wikang Filipino.

Sa kabuoan, ang wikang Filipino ay gamit sa pakikipag-ugnayan sa pag-aaral at


pagtuturo sa iba. Ang sukatan ng karunungan at katalinuhan ay kakayahan nito sa
pagsasalin ng mga natutuhan sa ibang tao.

Samakatuwid, napakahalaga ng wikang Filipino sa iba't ibang larangan atdisiplina


sapagkat ito ang nagbibigay buhay, diwa at ang nagpapakilala sa bansa, itoang
sumasalamin sa kultura, kaugalian, paniniwala, kaalaman at karunungan ng
mgamamayan, ang nagbabatid ng kakayahan ng mga tao, ito ang daluyan ng
atingkomunikasyon, ito ang larawan na nagpapakita ng ating pagkakakilanlan, kung
paanotayo tatanawin at ituturing ng mga tao sa labas ng bansa. Wikang Filipino ang
13
kaluluwang Pilipinas, ang karunungan nito ang susi sa pambansang pag-unlad sa iba't-
ibangaspeto para sa iisang minitmithing tagumpay.

14
Aralin 3: Pagtuturo ng Wikang Filipino
ANG MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG WIKA AT ANG PAMARAANG
KOMUNIKATIB SA PAGTUTURO NG WIKA

I. Ang mga Katangian ng Isang Mabisang Estratehiya sa Pagtuturo


Nasa ibaba ang talaan ng panukatan sa pagpili ng estratehiyang gagamitin sa pagtuturo ng
Filipino na ipinalalagay na mabisa:

1. Angkop sa kakayahan at kawilihan ng mga mag aaral.


2. Bungan g pagtutulungan ng guro at ng mga mag aaral.

3. Nagtataglay ng probisyon para sa pagkakaiba iba ng mga mag aaral.


4. Nagsasaalang alang sa mga nakaraang karanasan ng mga mag aaral.
5. Humahamon sa kakayahan ng mga guro at mga mag aaral.

6. Nagtataglay ng maayos na pagkakasunud sunod ng mga hakbang.


7. Nakaaakit sa aktibong partisipasyon ng klase.
8. Bunga ng masusing paghahanda ng gurong nagsasagawa nito.
9. Nakatutulong sa ikatutupad ng layunin ng pagtuturo.
10. Nagsasaalang--alang sa mga batas o simulain ng pagkatuto.

II. Ang mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Wika

1. Sa una, ikalawa at ikatlong baiting ay bernakular ang midyum ng pagtuturo para sa


lahat ng asignatura.

2. Sa ikatlong baiting, ipapasok ang Ingles bilang hiwalay na subject at patuloy na


ituturo bilang hiwalay na subject hanggang sa ikaapat na taon ng haiskul.

3. Sa ikaapat na baiting, Filipino ang midyum ng pagtuturo at patuloy na magiging


wika ng pagtuturo para sa lahat ng subject maliban sa Ingles, hanggang sa ikaapat
na taon ng haiskul.

4. Sa malaon, ililipat sa Filipino ang edukasyong teknikal--bokasyunal.

5. Sa pagkilala sa karapatan sa academic freedom ng mga institusyon ng higit na


mataas na larangan, dapat ipaubaya sa DepEd ang pagpili ng wika ng pagtuturo sa
edukasyong pangkolehiyo.

6. Sa taong 2000, lahat ng asignatura matangi sa Ingles at iba pang mga wika ay
ituturo sa pamamagitan ng Filipino.

III. Ang Ibang Makabagong Pananaw sa Pagtuturo ng Wika


Malaki na ang pagbabagong nagaganap sa kalakaran ng pagtuturo ng wika.

15
NOON- Kaalamang istraktural o kayarian ng wika ang pinagtutuanan ng pansin
NGAYON- Paglinang ng kahusayan sa paggamit ng wika, kasanayan sa
pakikipagtalastasan o ang kasanayang KOMUNIKATIB.

Ano nga ba ang kasanayang KOMUNIKATIB?


Ayon kay CHOMSKY, ang kasanayang komunikatib ay magkasamang language competence
(kaalaman sa wika) at language performance (kakayahan sa paggamit ng wika). Mula
naman kay TITON, ang kasanayan sa wika ay hindi lamang sa kaalaman sa gramatika o sa
tuntuning gramatikal kundi gayundin ang kasanayan sa angkop at matagumpay na
pagunawa at pagpapaunawa ng nais ipahayag ng nag--uusap.

Narito naman ang komponents na kailangan upang makapagsalita at matanggap ng


lipunan na binuo ni Hymes sa akronim na SPEAKING.

S - Setting (saan nag--uusap)


P - Participants (sino ang nag--uusap)
E - Ends (ano ang layon ng pag--uusap)
A - Act Sequence (paano ang sunud--sunod na gawain, pagbati, pangungumusta,
pagtatanong)

K - Keys (anong istilo o speech register, pormal o di--pormal)


I - Instrumentalities (kung pasalita o pasulat)
N - Norms (ano ang paksa ng usapan)
G - Genre (ano ang uri ng pagpapahayag)

IV. Ang mga Paraan/Estratehiya at Pagdulog sa Pagtuturo ng Wika


Limang gamit ng wika ang maaaring iugnay sa ideya at kaisipan ng mga mag--aaral:
personal, interpersonal, directive, referential at imaginative.

Dahil sa kasanayang komunikatib, hindi tinatalikuran ang pagtuturo ng kayarian ng wika


kundi binibigyang--diin ang paglinang ng kakayahang umunawa at gumamit ng mga
wastong pananalita sa aspetong pambalarila. Mahalaga sa pagkatuto ng wika ang mga
sumusunod na estratehiya gaya ng inilalarawan sa dayagram.
Kadikit ng panahon ng Information and Communication Technologies (ICT) ang pagpasok
sa ating kamalayan at lipunan ng mga terminong gaya ng e-Learning, e-Commerce,
eGovernment, knowledge-based society, knowledge--based economy, information society,
paperless society, information economy, attention economy at iba pang techno-terms
(Librero, 2008). Sa panig ng akademya, nagresulta ang ICT ng pagbabago maging sa

16
sistema ng pagtuturo at pagkatuto sa wikang Filipino. Isa sa mga kongkretong patunay
nito ay ang pagkakaroon ng asignaturang isinasagawa sa wikang Filipino sa UP Open
University (UPOU). Mula sa personal na danas ng mananaliksik hanggang sa mga kaugnay
na literatura hinggil sa Open and Distance Learning (ODL), sinusuri sa papel na ito ang
iba’t ibang salik sa pagtuturo ng/sa wikang Filipino kaugnay ng mga isyung pang-mag--
aaral, estratehiya sa pagtuturo, at Internet bilang pangunahing paraan ng pakikipag-
ugnayan. Upang tugunan ang layunin, ipaliliwanag sa papel ang kabuuang sistema ng
ODL at ang kontekstuwalisasyon nito sa Pilipinas, partikular sa UPOU. Ilalahad din sa pag-
aaral ang katangian ng mga mag-aaral ng UPOU kaalinsabay ng inaasahang katangian ng
isang ODL teacher. Sa ganang ito, magiging tungtungan ng pananaliksik ang ugnayang
akademiko sa distance education na tinalakay ni Moore (1989). Mula rito, bibigyang-diin
ang epektibong pagbubuo ng mga gawain sa pagtuturo/pagkatuto ng mga aralin sa wikang
Filipino sa ODL at ang paggamit ng software na Moodle. Inaasahang sa pamamagitan nito
ay mabibigyang-ideya ang mga mambabasa sa kabuuang sistemang ODL bilang lunan ng
pagtuturo ng/sa wikang Filipino sa makabagong panahon.

17
Aralin 4: Pagtuturo ng Wikang Filipino

Mga Dulog Teoretikal sa Pagtatamo at Pagkatuto ng Wika


Mahaba-habang panahon na ang inilaan ng maraming pantas sa larangan ng
pagaaral ng wika upang maipaliwanag kung paano natutuhan ang wika. Sa katunayan,
may dalawang klasipikasyon ang mga salita ayon sa mga sinaunang pilosopong Griyego:
Una, iyong tumitiyak sa kilos na isinasagawa sa isang pangungusap; at ang Ikalawa, ang
tao o bagay na nagsasagawa ng kilos.

1. Prescriptive Grammar
Bukambibig ng marami noong panahong iyon ang balarilang Latin sa mga
pagaaral ng wika. Noong unang ituro ang Filipino sa ating mga paaralang bayan,
nakaangkla ito sa balarila ng wikang Ingles. Sa kayarian at istruktura ng Ingles
ibinatay ang anumang pagpapaliwanag hinggil sa wikang Filipino. Kaya ang
paniniwala noong una, kung ano ang ayos ng pangungusap sa Ingles ay ganoon din
sa Filipino. Ang mga pananalig at mga paniniwalang binanggit hinggil sa pagkatuto
ng wika ay naglundo sa metodong grammar-translation sa pagtuturo ng wika. Sa
metodong ito, ang mga mag-aaral ay nagmememorya ng mahabang talaan ng mga
talasalitaan, mga anyo ng pandiwa at mga pangngalan.

2. Descriptive Linguistic
Sinuri ng mga naunang Linggwist ang mga yunit ng tunog ng wika, kung
paano nabuo ang mga ito, at nailarawan din nila ang istruktura ng mga
pangungusap. Nakabuo sila ng isang metodo sa pagtukoy ng mga tunog ng wika, ng
pagsusuri at pagtukoy ng mga morpemang bumubuo ng isang salita, at ng pagsusuri
ng mga anyo ng pangungusap. Sumibol nang panahong ito ang pagbabalangkas o
dayagramming bilang gamiting paraang pedagohikal sa paglalarawan ng wika. Isang
mahalagang tungkulin ng guro ng wika noon ang kaalaman sa istruktura ng una at
ikalawang wika upang maipalaiwanag ang target na (W2) sa tulong ng kaalaman sa
kayarian ng unang wika.

3. Teoryang Behaviorism
Bagama’t hindi tuwirang teoryang linggwistik ang behaviorism, malaki ang
nagging impluwensya nito bilang teorya sa pagkatuto ng una at pangalawang wika.
Ipinahahayag ng teoryang behaviorism na ang mga bata ay ipinanganak na may
kakayahan sa pagkatuto at ang kanilang kilos at gawi ay maaaring hubugin sa

18
pamamagitan ng pagkokontrol ng kanilang kapaligiran. Ang kakayahang intelektwal
ng mga bata ay mapapayaman at mapapaunlad sa tulong ng mga angkop na
pagpapatibay rito.
Binigyang-diin ni Skinner (1968), isang pangunahing behaviorist, na
kailangang “alagaan” ang pag-unlad na intelektwal sa pamamagitan ng pagganyak at
pagbibigaysigla at pagpapatibay sa anumang mabuting kilos o gawi. Ayon sa mga
behaviorist, ang pagkatuto ng wika ay bunga ng panggagaya, paulit-ulit na
pagsasanay hanggang sa ma-master ang tamang anyo nito, at positibong pidbak.

May paniniwala rin si Skinner na maaaring maisagawa ng bata ang anumang


gawain kung tuturuan at bibigyan siya ng tamang direksyon.

Halimbawa:

1. Posibleng pagkaanak pa lamang ay maaaring hubugin na ng mga magulang ang


kanilang anak para maging isang doctor o isang abogado.

2. Ang mga gurong umaayon sa paniniwalang ito ni Skinner ay palaging kariringgan ng


mga papuring “Magaling.” “Tama ang sagot mo.” Kahanga-hanga ka.” “Sige,
ipagpatuloy mo.”

Ang Teoryang Behaviorism sa pagkatuto ay nagbibigay sa mga guro ng set ng mga


simulain at mga pamaraang madaling isagawa sa pagtuturo. Ang Audio-Lingual Method
(ALM) na naging popular noong mga taong 1950 at 1960 ay ibinatay sa teoryang
behaviorism. Ang mga pangunahing katangian ng ALM ay inilahad sa ibaba.

• Binibigyang-diin ang mga kasanayang pakikinig at pagsasalita


• Binibigyang-diin ang pag- amit lamang ng
target
na wika

• Kagyat na gantimpala/pagpapatibay sa bawat tamang sagot


• Kagyat na pagwawasto ng kamalian
• Ang pagtuturo at pagkatuto ay nakatuon sa guro

4. Teoryang Innatism
Ang teoryang innatism sa pagkatuto ay nakabatay sa paniniwalang, ang bata
ay ipinanganak na may “likas na talino” sa pagkatuto ng wika. Ipinaliwanag ni
Chomsky (1975,1965) na ang kakayahan sa wika ay kasama na pagkaanak at likas
itong nalilinang habang ang mga bata ay nakikipag-interaksyon sa kanyang
kapaligiran. Ayon pa rin kay Chomsky, ang mga bata ay biologically programmed
19
para sa pagkatuto ng wika at ang wikang ito ay nalilinang katulad nang kung paano
nalilinang ang iba pang tungkuling biyolohikal ng tao.

Halimbawa:
1. Pagdating ng bata sa takdang gulang, nagagawa niya ang paglalakad lalo na kung
nabibigyan ng tamang nutrisyon bukod pa sa malaya siyang nakakakilos at
nakakagalaw.

Tinukoy ni Chomsky ang espesyal na abilidad na ito na Language Acquisition


Device (LAD). Ang aparatong ito ay karaniwang inilalarawan bilang isang likhang isip
na “black box” na matatagpuan sa isang sulok ng ating utak. Sa kasalukuyan,
inilaglag na ni Chomsky at ng kanyang mga kapanalig ang terminong LAD; sa halip,
Universal Grammar (UG) na ang tawag nila sa aparatong pang-isipan na taglay ng
lahat ng mga bata pagsilang.

5. Teoryang Cognitive
Ayon sa pananaw ng teoryang cognitive, ang pagkatuto ng wika ay isang
prosesong dinamiko kung saan ang nag-aaral ng wika ay palaging
nangangailangang mag-isip at gawing may saysay o makabuluhan ang bagong
tanggap na impormayon, alamin ang pumapailalim sa tuntunin, at mailapat
ang mga ito upang makabuo ng orihinal na pangungusap. Ayon sa mga
cognitivist, ang pagkakamali ay isang palatandaan ng pagkatuto at
eksperimentasyon at hindi ito kagyat at tuwirang iwinawasto.

Nakapokus ito sa pagtuklas na pagkatuto sa pamamagitan ng mga dulog


na pasaklaw at pabuod. Sa dulog na pabuod, ginagabayan ng guro ang
pagkatuto sa pamamagitan ng ilang tiyak na halimbawa at ipasusuri niya ang
mga ito upang makatukalas sila ng isang paglalahat. Ang dulog na pasaklaw
na kabaligtaran ng dulog na pabuod. Kung ang dulog na pabuod ay
nagsisimula sa mga halimbawa patungo sa paglalahat o pagbubuo ng
tuntunin; ang dulog na pasaklaw naman ay nagsisismula sa paglalahad ng
tuntunin patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa.
Ang teoryang cognitiveay palaging nakapokus sa kaisipang ang mga
impormasyong ito’y maiuugnay ng mga mag-aaral sa kanilang umiiral na
istrukturang pangkaisipan at sa kanilang dating kaalaman. Ang Teoryang
Cognitive at Teoryang Innatism ay magkatulad sa maraming aspekto. Parehong
pinanghahawakan ng mga teoryang ito na ang mga tao ay ipinanganak na may
likas na kakayahan upang matutuhan ang isang wika. Pinaniniwalaan ng mga

20
Innativist na hindi kailangang suportahan ang bata sa pagtatamo ng wika
dahil likas niya itong matututuhan. Samantalang sa kampo ng mga
Cognitivist, kailangan ang pagtuturo at mga kaligiran sa pagkatuto na
magpapabilis sa pagkatuto ng wika.

6. Teoryang Makatao
Ang teoryang makatao sa pagkatuto ay nagbibigay-diin sa kahalagahan
ng mga salik na pandamdamin at emosyonal. Tungkulin ng guro na maglaan
at lumikha ng isang kaaya-ayang kaligiran sa klasrum at isang pagkaklaseng
walang pananakot kung saan maginhawa ang pakiramdam ng bawat mag-
aaral at malaya nilang nagagamit at nasusuri ang bagong wikang natutuhan.
Ilan sa mga metodo sa pagtuturo ng wika na may kaugnayan sa
makataong tradisyon ay ang sumusunod:
1. Community Language Learning ni Curran
2. Silent Way ni Gattegno
3. Suggestopedia ni Lazonov
Mga Napapanahong Teorya sa Pagtatamo at Pagkatuto ng Wika
Ang umiiral na pananalig na natutuhan ang wika sa pamamagitan ng palagiang
paglalaan ng mga input na berbal at may katugong pagpapatibay (reinforcement) ay
malinaw na ipinahayag sa aklat ni B.F Skinner na Verbal Behavior (1957). Samantala,
noong 1959, sa isang matinding rebyuna ang isinagawa ni Chomsky sa aklat ni Skinner,
pinanindigan niya na kung ang wika ay matututuhan lamang sa pamamagitan ng
pagpapatibay, magiging mahirap para sa isang taal na tagapagsalita ng wika (W1) ang pag-
unawa sa mga pangungusap na hindi pa niya naririnig. Idinagdag pa rin ni Chomsky na
hindi lamang sa mga proseso ng pagmememorya at pag-uulit natutuhan ang wika.

Ang ating isipan ay may taglay na isang aktibong prosesor ng wika, ang Language
Acquisition Device (LAD), na nakalilikha ng mga tuntunin sa pamamagitan ng walang-
kamalayang pagtatamo ng pansariling pagbabalarila.

May tatlong pangunahing ideya ang nakaimpluwensya sa pagtuturo at pagkatuto ng wika


sa kasalukuyan.

Una, ang paglipat sa isang paradigmang kognitib na nagsasabi ng pangunguna ng


pagkatuto bago pa man ang pagtuturo nito.
Ikalawa, naisasaalang-alang nang lubos ang proseso ng pagtuturo/pagkatuto kung ito ay
katugma (compatible) ng mga prosesong likas na nagaganap sa ating utak.

Ikatlo, ang integrasyon ng mga kaalaman ay isang mahalagang kaisipang kontemporaryo


na may kaisahan sa mga layunin ng lahat ng mga lawak pangnilalaman at pagsanib ng
21
pagtuturo ng pagsulat, pagsasalita, pakikinig, pag-iisip, at ang pagkilos ay isang
nangungunang simulain sa kasalukuyang kaisipan tungkol sa pagkatuto ng wika.

Ang Balarilang Transpormasyonal (Transformational Grammar)


Ang mga mambabalarilang transpormasyonal gaya ni Chomsky ay nananalig na ang isang
wika ay may taglay na set ng mga tuntunin na walang malay na nalalamman at nagagamit
ng isang tao sa kanyang pang-araw araw na pakikipagtalastasan. Tunguhin ng balarilang
transpormasyonal na maipaliwanag at mailarawan ang likas na mga tuntuning ito ng wika.

Bagama’t hindi nagging modelo ang paradigmang ito sa pagtuturo ng wika perse, malaki
ang naiambag nito sa Monitor Model ni Krashen.

Monitor Model ni Krashen


May iminungkahing teorya si Krashen hinggil sa pagtatamo ng pangalawang wika (W2) na
nagging batayan ng isang balangkas para sa pag-unawa ng mga proseso kung paano
natutuhan ang pangalawang wika. May limang haypoteses na nakapaloob sa teoryang ito
ni Krashen: ang acquisition learning hypothesis, na nagpapakita ng kaibahan ng pagtatamo
(na patungo sa katatasan) sa pagkatuto (na sangkot ang kaalaman sa mga tuntuning
pangwika); ang natural order hypothesis, nagpapahayag na ang mga tuntuning pangwika ay
natatamo sa isang mahuhulaang pagkakasunod-sunod; ang monitor hypothesis, na
nagpapalagay na may isang paraan ng pag-iisip para sa pagtatamo ng katatasan; ang input
hypothesis, nagpapahayag din na ang unawa sa mga mensahe; at ang affective filter
hypothesis, na nagpapaliwanag hinggil sa mga sagabal na pang-isipan at pandamdamin
para sa ganap na pagtatamo ng wika.

Bagama’t marami ring pagtuligsa ang ibinato sa monitor model, nakapaglaan naman ito ng
isang matibay na kaisipang teoretikal para sa natural approach, na malaki ang
impluwensya sa pagtuturo at pagkatuto ng pangalawang wika.
1. Acquisition learning hypothesis (pagtatamo-pagkatuto).
- Isinasaad ng haypotesis na ito na ang pagtatamo at pagkatuto ay dalawang magkahiwalay
na proseso sa pagiging dalubhasa sa wika. Ang pagkatuto ay “kaalaman tungkol” sa wika.

Pagtamo (Acquisition) vs. Pagkatuto (Learning)


Malimit na pagkakamali ng marami ang pagtamo at pagkatuto ng wika. Ngunit ang dalawa
ay may dalawang kaibahan.
Pagtamo Pagkatuto

22
Ang pagtamo ng wika ay nagaganap Ayon kay Pasigan, et al (2018) mula
nang hindi namamalayan sa pamamagitan kay Krashen (1981) ang pagkatuto ay isang
ng subconscious process kung saan wala binalak na proseso o conscious process
silang alam o kamalayan sa kung ano ang kung saan pinag-aralan ang nais
panuntunang pangwika ito ay ayon kay matutohang wika (ponolohiya, morpolohiya,
Limacher (2019). sintaks, semantika at pragmatiks)
Ito ay ginagamit sa pormal na
sitwasyon, halimbawa sa loob ng silid
aralan.

2. Natural Order Hypothesis


- Ayon sa haypotesis na ito, may mga tuntuning pangwika na mas naunang natamo kaysa
sa iba. Nananalig din ito sa paniniwalang may likas na sinusunod sa natural na order ang
bata sa pagtatamo ng wika.
Halimbawa:
Tuntuning pangwika partikular na sa Pagbabagong Morpoponemiko.

3. Monitor Hypothesis
- Malinaw na isinasaad ng haypotesis na ito ang ugnayan ng pagtatamo at pagkatuto ng
wika. Sa tulong ng kaisipang Monitor ni Krashen, napag-ibayo ang kalakaran sa pagtuturo
ng wika sa pamamagitan ng paglalaan ng isang language-rich environment na
makapagpapadali sa natural o likas na pagkatuto nito.

Halimbawa:
Si Juan ay gumawa ng isang pangungusap. Ang monitor (natutunan sa wika) ay ang
magwawasto kung tama ba ang mga salitang ginamit sa pangungusap.

23
4. Input Hypothesis
- Naninindigan ang haypotesis na ito na ang wika ay natatamo sa isang prosesong payak at
totoong kamangha-mangha-kapag naunawaan natin ang mga mensahe. Ang kahusayan ay
mapauunlad kung patuloy na tatangkilikin ang mga sinasabi ni Krashen na
comprehensible input. Ipinagpapalagay ni Krashen na ito ay input na maaaring ihalintulad
sa “caretaker speech,” anyo ng pagsasalita para sa mga batang bago pa lamang nagsasalita
na maririnig sa mga yaya o caregiver. Ang caretaker speech (maikling pangungusap,
madaling maintindihan, kontrolado ang bokabularyo, iba’t-ibang paksa) ay nakapokus sa
komunikasyon.
“Learners progress in their knowledge of the language when they comprehend language
input that is slightly more advanced than their current level”. - (Krashen, 1981).

5. Affective Filter Hypothesis


- Ang hypothesis na ito ay may kaugnayan sa mga baryabol na pandamdamin gaya ng
pagkabahala, motibasyon, at pagtitiwala sa sarili. Mahalaga ang kabatiran ukol dito dahil
nagagawa ng mga ito na mahadlangan ang mga input para gisingin ang Language
Acquisition Device (LAD). Kung mahahadlangan ng affective filter ang ilan sa mga
comprehensible input, maaaring kaunting input lamang ang makapapasok sa LAD ng mag-
aaral. Ang isang kontekstong affective at positibo ay nakapagpapataas ng input.

MOTIVATION - high

SELF CONFIDENCE - high

ANXIETY - low

Ang Pagtuturong nakapokus sa mag-aaral (Learner-Centered Teaching)


Ang pagtuturong nakapokus sa mag-aaral ay gumagamit ng mga teknik na:
1. Nakapokus sa mga pangangailangan, tunguhin, at istilo sa pag-aaral;
24
2. Nagbibigay ng ilang pagkontrol sa mga mag-aaral (halimbawa: pangkatang gawain o
pagsasanay)
3. Nakadaragdag ng pagtitiwala sa sariling kakayahan at kagalingang pansarili;
4. At kurikulum na may konsultasyon at isanasaalang-alang ang input ng mag-aaral at
hindi itinatakda kaagad-agad ang mga layunin.
Ang ganitong kalagayan sa loob ng klasrum ay nagbibigay ng kamalayan na “maangkin” ng
mga mag-aaral ang kanilang pagkatuto at nakadaragdag sa kanilang intrinsic na
motibasyon.
Ang Pagkatuto na Tulong-Tulong (Cooperative Learning)
Ang isang klasrum na kooperatib-samakatuwid ay hindi pagalingan o paligsahan kaugnay
ng mga katangian ng pagkatutong nakapokus sa mag-aaral. Ang mga mag-aaral ay isang
“koponan” na ang layunin ng bawat manlalaro ay mapagtagumpayan ang anumang
itinakdang gawain.
Dagdag na konotasyon ng “kooperatib” ay ang pagbibigay diin nito sa sama-samang
(collaborative) pagsisikap ng guro at mag-aaral upang matamo ang mga itinakdang layunin.

Ang Pagkatutong Interaktib (Interactive Learning)


Mapadadali ang paggamit ng wika kung ang pansin ay nakapokus sa pagbibigay at
pagtanggap awtentikong mensahe (mensaheng taglay ang impormasyong kawili-wili sa
nagsasalita at tagapakinig). Ayon kay Wells, ang palitang-salita ang siyang pangunahing
yunit ng dikors. Ang interaksyong panlinggwistika ay isang sama-samang gawain na
nangangailangan ng triyadikong pag-uugnayan ng nagpapadala (sender), tagatanggap
(receiver), at ng konteksto ng sitwasyon sa isang komunikasyong pasalita o pasulat man.
Karaniwang makikita sa isang klaseng interaktib ang mga sumusunod:
1. Madalas ang mga gawaing dalawahan o pangkatan
2. Paggamit ng mga awentikong wika bilang input sa konteksto ng tunay na paggamit
nito.
3. Paglikha ng mga tunay na wika para sa makabuluhang komunikasyon
4. Pagsasagawa ng mga gawaing pangklasrum bilang paghahanda para sa aktwal na
paggamit ng wika sa “labas”
5. Pagpapasulat na totoo ang target na awdyens

Whole Language Education


Ang katawagang ito ay bunga ng mga pananaliksik sa pagbasa at ginagamit upang
bigyangdiin a) ang “kabuuan” ng wika laban sa pananaw na pagbabahagi ng wika sa mga
maliliit nitong element gaya ng ponema, morpema, at sintaks; b) ang interaksyon at pag-
uugnayin sa pagitan ng pasalitang wika (pakikinig at pagsasalita) at wikang pasulat

25
(pagbasa at pasulat); at c) ang kahalagahan ng alituntunin sa pagsulat na ito’y likas at
umuunlad, na katulad din ng alituntuning pasalita.
Ang whole language ay isang leybel na ginagamit upang mailarawan ang:
1. Tulong-tulong na pagkatuto
2. Pagkatutong partisipatori
3. Pagkatutong nakapokus sa mag-aaral
4. Integrasyon ng “apat na kasanayan”
5. Paggamit ng mga awtentiko at natural na wika

Content-centered Education
Ayon kina Brinton, Snow, at Weshe (1989), ang content-centered education ay ang
integrasyon ng mga pagkatuto ng mga nilalaman sa mga layunin ng pagtuturo ng wika.

Pagkatutong Task-Based
Ayon kay Micheal Breen (1987), ang task ay alinmang binalangkas na pagkatutong
pangwika na may tiyak na layunin, nilalaman, paraan, at mga inaasahang matatamo ng
mga magsasagawa ng task.

Brain-Based Learning
Sa ganitong kalagayan, marapat sigurong alamin natin ang mga teoryang neurofunctional
at ang pagtatangka nitong ipaliwanag ang koneksyon sa pagitan ng tungkulin ng wika at
neuroanatomy-para matukoy hangga’t maaari kung aling mga bahagi ng utak ang may
tungkulin para gumana ang wika sa pakikipagtalastasan.
Inilahad sa talahanayan sa ibaba ang mga simulain hinggil sa brain-based learning (Caine
at Caine, 1991) at naglaan ito ng paraan kung paano ilalapat ang ilang kaalaman sa utak
sa pagtuturo ng wika.

Mga Simulain at Implikasyon sa Pagtuturong Brain-Based


Simulain Mga Implikasyong Pampagtuturo
1. Nagagawa ng utak na makapagproseso Ang mga karanasan sa pagkatuto ay
nang maramihan at sabay-sabay. kailangang maiplano nang mabuti
(orchestrated) upang mapakilos at
maisangkot ang maraming bahagi ng utak.
2. Kasangkot sa anumang pagkatuto ang Dapat isaalang-alang ang nutrisyon,
kabuuan ng ating physiology (katawan at ehersisyo, labis na pagkabahala, at
mga bahagi nito). kahandaan ng mag-aaral sa anumang
okasyon ng pagtuturo at pagkatuto.
3. Ang paghahanap at pagbuo ng kahulugan Ang anumang pagkatuto sa wika ay
ay likas sa tao. kailangang maglaan ng kapanatagan at
pagpapalayag-loob bukod pa na tumutugon
ito sa kawilihan at pagkamausisa ng mga

26
mag-aaral.
4. Ang utak ay nakadisenyo upang Ang ideyal at mabisang proseso ng
makapaghulo at makalikha ng mga larawan. pagtuturo ay naglalahad ng mga
impormasyon sa paraang magagawa ng utak
na makahugot ng mga hulwaran at aktibong
makalikha ng pagpapakahulugan.
5. Ang mga emosyon ay mahalaga sa Kinakailangang suportahan ng anumang
memorya. pagtuturo ang kaligirang kabatiran ng
magaaral at ang kanyang taglay na wika.
6. Sabay-sabay na pinoproseso ng utak ang Ang mga kasanayang pangwika gaya ng
mga bahagi at kabuuan ng isang kaisipan. balarila at talasalitaan ay lubusang
natutuhan sa isang awtentikong kaligirang
pangwika (paglutas ng suliranin, pagtatalo
sa isang isyu, pagtuklas).
7. Kasangkot sa pagkatuto ang atensyong Ang musika, sining, at iba pang mga
may tiyak na pokus at mga pang-unawa sa katulad na pampasigla sa ating kaligiran ay
kapaligiran kaugnay nito. maaaring makaragdagat makaimpluwensya
sa likas na pagtatamo ng wika.
8. Ang di-malay at may malay na Kailangang bigyan ng pagkakataon ang
pagpoproseso ng isip ay lagging kasangkot mga mag-aaral na balik-aralan ang
sa anumang pagkatuto. anumang pagkatuto upang mapag-isipan
itong mabuti, at mapamahalaan nang
maayos ang paglinang ng sariling
pagkatuto.
9. Tinatayang may dalawang uri ng Gamitin ang rote learning system sa mga
memorya: ang memoryang spatial at ang teknik sa pagtuturo na nakapokus sa
memoryang rote. pagsasaulo ng mga salita at mga tuntuning
panggramatika samantalang sa mga
pagtuturong kailangang isangkot ang
magaaral sa pagbabahagi ng naiibang
karanasan.
10. Nagiging mabisa ang pagkatuto kung Ang isa-sa-isang paglinang ng mga
ang mga kaalaman at kasanayan ay kasanayang pangwika ay lubos na
nakapaloob sa likas na memoryang spatial. matututuhan kung nakatutok sa mga
gawain at karanasang awtentiko (lakbayaral,
pagtatanghal, dula, kwento, at iba pa).
11. Ang pagkatuto ay napasisigla ng mga Dapat sikapin ng guro na ang kanyang
hamon at nahahadlangan ng pagbabanta at klasrum ay kaaya-aya at walang anumang
pananakot. palatandaan ng panankot a mayaman sa
mga hamong pang-isipan.
12. Bukod-tangi ang bawat utak. Ang mga teknik sa pagtuturo ay kailangang
marami at magkakaiba.

27
Aralin 5: Pagkatuto sa Wikang Filipino

MGA TEORYA SA PAGKATUTO NG WIKA

 TEORYANG KOGNITIB

genetic

egocentric

at

JEANPIAGET-(1896 -1980)
(Jean William Fritz Piaget)
Kapanganakan

Agosto 9, 1896 –Neuchâtel, Switzerland


Kamatayan

Setyembre 16, 1980 (edad 84) –Geneva,


Switzerland
Kinikilala dahil sa: Constructivism,
epistemology, theory
of
cognitivedevelopment, object permanence,

28
Si Jean Piaget ay isang Swiss psychologist
genetic epistemologist. Siya ay pinakasikat
na kilala para sa kanyang
teorya ng pag-unlad ng cognitive na tumingin sa kung paano ang mga bata ay bumuo ng
intelektwal sa buong kurso ng pagkabata. Bago ang teorya ni Piaget, ang mga bata ay
madalas na naisip bilang simpleng mga may edad na. Sa halip, iminungkahi ni Piaget na
ang paraan ng pag-iisip ng mga bata ay panimula sa pagkakaiba-iba sa iniisip ng mga may
sapat na gulang. Ang kanyang teorya ay may malaking impluwensya sa paglitaw ng
sikolohiya ng pag-unlad bilang isang natatanging subfield sa loob ng sikolohiya at malaki
ang naambag sa larangan ng edukasyon. Siya rin ay kredito bilang isang payunir ng teorya
ng konstruktivista, na nagmumungkahi na ang mga tao ay aktibong nagtatatag ng
kanilang kaalaman sa mundo batay sa mga pakikipag-ugnayan sa pagitan ng kanilang mga
ideya at kanilang mga karanasan. Si Piaget ay niraranggo bilang pangalawang pinaka-
maimpluwensyang psychologist ng ikadalawampu siglo sa isang 2002 survey.
Ngayon, siya ay pinakakilala para sa kanyang pananaliksik sa pag-unlad ng
nagbibigaymalay sa mga bata.Pinag-aralan ni Piaget ang intelektwalna pag-unlad ng
kanyang sariling mga anak at lumikha ng isang teorya na inilarawan ang mga yugto na
ipinasa ng mga bata sa pagbuo ng intelektwal at pormal na mga proseso ng pag-iisip.

29
BASIC COGNITIVE CONCEPT SCHEMA (Stock Knowledge)
- Individual’s way to u nderstand or create meaning
about a thing or experience on himself and the
world.
- For example, a person might have a schema about
buying a meal in a restaurant. The schema is a
stored form of the pattern of behavior which
includes looking at a menu, ordering food, eating it
and paying the bill. This is an example of a type of
schema called a 'script.' Whenever they are in a
restaurant, they retrieve this schema from memory
and apply it to the situation.

ASSIMILATION
- Which is using an existing schema to deal with a new object
or situation.
- Process of fitting new experiences or knowledge into an existing or previously
created cognitve structure or schema.
EXAMPLE:
A 2 year old child sees a man who is bald on top of his head and has long
frizzy hair on the sides. To his father’s horror, the toddler shouts “Clown,
clown” (Siegler et al.,

ACCOMMODATION
- This happens when the existing schema (knowledge) does not work, and needs to be
changed to deal with a new object or situation.
EXAMPLE: In the “clown” incident, the boy’s father explained to his son that the man was
not a clown and that even though his hair was like a clown’s, he wasn’t wearing a funny
costume and wasn’t doing silly things to make people laugh. (With this new knowledge, the
boy was able to change his schema of “clown” and make this idea fit better to a standard
concept of “clown”).

EQUILIBRATION
- People have the natural need to understand how the world works and to find order,
structure, and predictability in their life.
- Achieving proper balance between assimilation and accommodation.

30
COGNITIVE DISEQUILIBRIUM
- A discrepancy between what is perceived and what is understood.
- Our experiences do not match our schema (stock knowledge).

May apat na Yugto:

(1) Ang yugto ng sensorimotor: Ang unang yugto ng pag-unlad ay tumatagal mula sa
pagsilang hanggang sa edad na dalawa.Sa puntong ito sa pag-unlad, alam ng mga bata ang
mundo lalo na sapamamagitan ng kanilang mga pandamaat paggalaw ng motor.
(2)Ang yugto ng preoperational: Ang pangalawang yugto ng pag-unlad ay tumatagal mula
sa edad na dalawa hanggang pito at nailalarawan sa pamamagitan ng pagbuo ng wika at
ang paglitaw ng simbolikong pag-play.
(3)Ang kongkretong yugto ng pagpapatakbo: Ang ikatlong yugto ng pag-unlad ng
kognitibo ay tumatagal mula sa edad na pitong hanggang humigit-kumulang na edad 11.
Sa puntong ito, ang lohikal na pag-iisip ay lumitaw ngunit ang mga bata ay
nakikipagpunyagi pa rin sa abstract at teoretikal na pag-iisip.
(4)Ang pormal na yugto ng operasyon: Sa ika-apat at pangwakas na yugto ngpag-unlad
ng kognitibo, na tumatagal mula sa edad na 12 hanggang sa pagtanda, ang mga bata ay
nagiging mas matalino at abstract na pag-iisip at deduktibong pangangatuwiran. Pagtamo
ng Wika (Language Acquisition)

PAANO NGA BA NATUTUHAN ANG WIKA?


TEORYANG KOGNITIB (Jean Piaget)
Nakasalig ang teoryang ito sa pananaw ni Jean Piaget (1896-1980). Ayon sa kaniya, ang
pagkatuto ng wika ng isang bata aynakaugnay sa kakayahan nitong mag-isip.
Pinaniniwalaan din ng teoryang ito na kung ang bata aymay pag-unawa sa mga
konseptong nakalantad sa kaniyang kapaligiran, masmadali niya itong magagamit sa

31
pagsasalita. Ang wika ay sumasalamin sa prosesong pangkaisipan ng isang bata. Ang pag-
unlad ng kognitibong kakayahan ay pag-unlad din ng pagkatuto ng wika. Ang dalawang ito
ay parehong nalilinang sa pamamagitan ng interaksyong nagaganap sa kapaligiran.
Ayon sa pananaw ng teoryang kognitib, ang pagkatuto ng wika ay isang prosesong
dinamiko kung saan ang nag-aaral ng wika ay palaging nangangailangang mag-isip at
gawing may saysay o makabuluhan ang bagong tanggap na impormayon, alamin ang
pumapailalim sa tuntunin, at mailapat ang mga ito upang makabuo ng orihinal na
pangungusap. Ayon sa mga cognitivist, ang pagkakamali ay isang palatandaan ng
pagkatuto at eksperimentasyon at hindi ito kagyat at tuwirang iwinawasto. Tinatanaw
ng mga cognitivist ang pagkakamali bilang isang integral na bahagi ng pagkatuto.
Nakapokus ito sa pagtuklas na pagkatuto sa pamamagitan ng mga dulog na pasaklaw at
pabuod.
Dulog na pabuod - ginagabayan ng guro ang pagkatuto sa pamamagitan ng ilang tiyak
na halimbawa at ipasusuri niya ang mga ito upang makatukalas sila ng isang paglalahat.
Dulog na pasaklaw - na kabaligtaran ng dulog na pabuod. Kung ang dulog na pabuod ay
nagsisimula sa mga halimbawa patungo sa paglalahat o pagbubuo ngtuntunin; ang dulog
na pasaklaw naman ay nagsisismula sa paglalahad ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng
mga halimbawa.

Ang teoryangcognitive ay palaging nakapokus sa kaisipang ang mga impormasyong ito’y


maiuugnay ng mga mag-aaral sa kanilang umiiralna istrukturang pangkaisipan at sa
kanilang dating kaalaman.
Ayon kay Pasigan, et al. (2018), ang Teoryang Cognitive at Teoryang Innative ay magkatulad
sa maraming aspekto. Parehong pinanghahawakan ng mga teoryang ito na ang mga tao ay
ipinanganak na may likas na kakayahan upang matutuhan ang isang wika. Ang tanging
pagkakaiba ng dalawang teoryang ito ay may kinalaman sa implikasyon sa pagtuturo.
Pinaniniwalaan ng mga innativist na hindi kailangang suportahan ang bata sa pagtatamo
ng wika dahil likas niya itong matututuhan. Samantalang sa kampo ng mga cognitivist,
kailangan ang pagtuturo at mga kaligiran sa pagkatuto na magpapabilis sa pagkatuto ng
wika.

TEORYANG BEHAVIORISM
ni B.F Skinner (Burrhus Frederic Skinner)

Kapag pinag-uusapanang katagang “Behaviorism”, kadalasang iniuugnay ito sa isang sikat


na psychologist at behaviouristna si B.F.Skinner. Ang“behaviourism” ay nagsimula noong
1900 atbinigyang paliwanag noong 1920 ng isang sikat naAmerikanong sikolohista
nasiJohn Watsonat Ivan Pavlov. Ang mga behaviorist ay nakadepende lamang
32
sakapansinpansin na kaugalian para matuto, hindi nila binibigyang diin ang
mentalnaaspeto ng magaaral, dahil parasa kanila ang pagkatuto ay nagaganap kapag
angtiyak na saligan ay naabot (Ebert & Culyer, 2011). Bagama’t hindi tuwirang teoryang
linggwistik ang behaviorism, malaki ang naging impluwensya nito bilang teorya sa
pagkatuto ng una at pangalawang wika.
Binibigyang diin ng Behaviorist Theory ni B.F. Skinner na ang pagkatuto ng wika ay isang
proseso ng habit formation. (Habit formationis the process by which a behavior, through
regular repetition, becomes automatic or habitual). Dagdag pa rito, na ang pagkatuto ng
wika ay bunga ng panggagaya, paulit-ulit na pagsasanay hanggang sa mamaster ang
tamang anyo nito, at positibong pidbak.
Skinner suggested that a child imitates the language of its parents or carers. Successful
attempts are rewarded because an adult who recognizes a word spoken by a child will
praise the child and/orgive it what it is asking for. Successful utterances are therefore
reinforced while unsuccessful ones are forgotten. Binigyang-diin ni Skinner na kailangang
“alagaan” ang pagunlad na intelektwal sa pamamagitan ng pagganyak at pagbibigay-sigla
at pagpapatibay sa anumang mabuting kilos o gawi.
Ipinahahayag ng teoryang behaviorism na ang mga bata ay ipinanganak na may
kakayahan sa pagkatuto,at ang kanilang kilos at gawi ay maaaring hubugin sa
pamamagitan ng pagkokontrol ng kanilang kapaligiran. Ang kakayahang intelektwal ng
mga bata ay mapapayaman at mapapaunlad sa tulong ng mga angkop na pagpapatibay
rito.
Halimbawa: Si Tarzan, na lumaking napapalibutan ng mga unggoy. Natutunan at
naiintindihan niya ang paraan ng pakikipagpag-usap ng mga hayop kahit siya ay tao. May
paniniwala rin si Skinner na maaaring maisagawa ng bata ang anumang gawain kung
tuturuan at bibigyan siya ng tamang direksyon. Halimbawa, posibleng pagkaanak pa
lamang ay maaaring hubugin na ng mga magulang ang kanilang anak para maging isang
doctor o isang abugado.
Ang teoryang behaviorism sa pagkatuto ay nagbibigay sa mga guro ng set ng mga simulain
at mga pamaraang madaling isagawa sa pagtuturo. Ang Audio-Lingual Method (ALM) na
naging popular noong mga taong 1950 at 1960 ay ibinatay sa teoryang behaviorism.
Ang mga pangunahing katangian ng ALM ay inilahad sa ibaba:
•Binibigyang-diin ang mga kasanayang pakikinig at pagsasalita;
•Binibigyang-diin ang pag-uulit at mga dril;
•Paggamit lamang ng target na wika;
•Kagyat na gantimpala/pagpapatibay sabawat tamang sagot;
•Kagyat na pagwawasto ng kamalian; at
•Ang pagtuturo at pagkatuto ay nakatuon sa guro.

33
Ang mga gurong umaayon sa paniniwalang ito ni Skinner ay palaging kariringgan ng
mgapapuring,
•“Magaling!”
•“Tama ang sagot mo!”
•“Kahanga-hanga ka!”
•“Sige, ipagpatuloy mo!”

TEORYANG INNATENESS O INNATIVE


Sikolohiya ng Wika: Wika at Pag-iisip
Bago tumungo sa konsepto ng sikolohiya ng wika, marapat na alamin muna natin ang
kahulugan ng dalawang salita a bumubuo rito.
Ang sikolohiya makaagham na pag-aaral ng isip at katangian ng tao. Ayon kay McLeod
(2019):
Psychology is the scientific study of the mind and behavior. Psychology is a multifaceted
dscipline and includes many sub-fields of study such areas as human development, sports,
health, clinical, social behavior and cognitive processes..
Ang linggwistika naman ay ang makaagham na pag-aaral ng wika. Ang mga pangunahing
sangay nito ay ang ponolohiya o makaagham na pag-aaral ng mga tunog, morpolohiya na
nakatuon sa pagbuo ng mga salita, sintaks na nakapokus sa pag-aaral sa pagbuo ng
pangungusap at semantika o ang pag-aaral ng mga kahulugan. Ayon kay Taylor & Taylor
(1990):
Linguistics studies language as a formal system. Its three main branches are phonology, the
study of speech sounds and their patterns, morphology, the study of words and word
formation, syntax, the study of sentence structure, semantics, the study of meaning.

Sikolohiya ng Wika (Psychology of Language)


Mula nang umusbong ang sikolohiya ng wika (pychology of language) o sikolinggwistika
noong 1936, maraming mga linggiwsta, manunulat, at iskolar na ang nagtangkang bigyang
kahulugan ang salitang ito. Ayon kay Taylor at Taylor (1990), ang sikolinggwistika, mula sa
pinahihiwatig ng mismong salita, ay ang pagtatambal ng sikolohiya at linggwistika. Ito ay
ang pag-aaral ng language behavior: kung paano natututohan at ginagamit ng tao ang wika
upang makapagbahagi ng kanyang mga ideya.
Ayon naman kay Barekat (2011) mula kay Altman (2001), ang sikolinggwistika na
nangangahulugang sikolohiya ng wika (psychology of language) ay ang pag-aaral ng
sikolohikal at neurological na mga salik sa pagtamo, paggamit, pagprodyus at pag-unawa
ng taosa wika.
Binigyang kahulugan din ito nina Balamurugan at Thirunavukkarasu (2018). Ayon sa
kanila, ang sikolingwistika ay nakatuon sa sa pag-unawa, pagprodyus, at pagtamo ng wika.
34
Pinagmulan
Unang ginamit ni Jaco Robert Kantor ang terminong psychoinguisticssa kanyang aklat na
An Objective Psychology of Grammar noong 1936 at nagsimulang gamitin ng kanyang mga
kapanaligat ng Indian University subalit ito ay sumikat noong 1946 sa artikulong language
and pycholinguistics: a review”, ng kanyag estudyanteng si Nichoas Henry Pronko. Dagdag
pa ni Balamurugan at Thirunavukkarasu (2018):
It was used for the first time to talk about an interdisciplinary science “that could be
coherent” as well as in the title of Psycholinguistics: A survey of theory and research
problems, a 1954 book by Charles E Osgood and Thomas A. Sebeok.
Ang pagtamo (acquisition) ng wika ay nagaganap sa mga unang taon ng pagkabata. Ayon
kay Hauptseminar (2014), “Language acquisition tells about the manner in which we
unconsciouslylearn language in our childhood.”Dagdag pa niya:
This is a process which can take place at any period of one's life. In the sense of first
language acquisition, however, it refers to the acquisition (unconscious learning) of one's
native language (or languages in the case of bilinguals) during the first 6 or 7 years of one's
life (roughly from birth to the time one starts school).
Habang dini-develop ng bata ang kanyang unang wika, ang proseso ay automatic at
subconscious. Ang prosesong ito ay tinatawag na first language acquisition opagtamo sa
inang wika (mother tounge). Ang kasalungat naman nito ay ang second language
acquisitiono ang pagtamo ng ikalawang wika pagkatapos matamo ang unang wika. Ayon
kay Hickey (2014):
Second language acquisition refers to a further language which is acquired after the
first, usually after primary school. The acquisition of a second language never reaches
the degree of proficiency of the first. The reason for this is that children start too late, in
fact they are usually teenagers before being exposed to the second language. After
puberty one cannot learn a second language as well as a first one, no matter how
much time one invests in this.

Pagtamo (Acquisition) vs. Pagkatuto(Learning)


Malimit na napagkakamali ng marami ang pagtamo at pagkatuto ng wika. Minsan ay
ginagamit ang pagtamo upang tukuyin ang anumang yugto sa lubusang pagkatuto ng
wika kabilang ang pagbasa at pagsulat. May iilan ring ginagamit ang salitang “pagkatuto”
sa mga bata na nasa murang edad pa lamang (pre-school). Subalit ang dalawa ay
mayroong mahalagang kaibahan.
Ang pagtamo ng wika ay nagaganap nang hindi namamalayan. Natatamo ng bata ang
wika sa pamamagitan ng subconscious processkung saan wala silangkamalayan sa mga

35
panuntunan ng gramatika. Ito ay nangyayari habang natututohan ng bata ang kanyang
unang wika (W1) (Limacher, 2019).
Samantala, ang pagkatuto naman ng wika, ayon kay Pasigan, et al. (2018) mula kay
Krashen (1981), ang pagkatuto ay isang binalak na proseso kung saan pinag-aaralan ang
wika sa isang organisadong paraan at may sinusunod na isang tiyak na programa o
silabus. Ang pagkatuto ng wika ay hindi angkop sa mga batang nasa kanyang mga unang
taon pa lamang sapagkat nangangailangan na may malay at karunungan siya sa bagong
wika. Mayroon siyang pangunahing kaalaman sa gramatikal istraktyur. Gumagamit tayo
ng deductive approach sa pag-aaral ng ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika, at
pragmatiks ng wikang nais matutuhan.

Mga Teorya sa Pagtamo ng Wika (Language Acquisition)


Sa nakalipas na limampung taon, maraming mga teorya na ang naisilang na naglalayong
ipaliwanag ang proseso kung paano natututong gumamit at umunawa ng wika ang bata.
Ang prosesong ito ay tinatawag na language acquisition. Narito ang ilan sa mga kilalang
teorya sa pagtamo ng wika.

o Teoryang Behaviorism o

Teyoryang Cognitive o Teoryang

Innateness o Innative

Ang teoryang Innateness ni Noam Chomsky ay naniniwalang lahat ng bata ay ipinanganak


na may likas na salik sa pagkatuto ng wika. Ipinaliwanag ni Chomsky (1975, 1965) na
ang kakayahan sa wika ay kasama ng pagkaanak at likas itong nalilinang habang ang mga
bata ay nakikipag-interaksyon sa kanyang kapaligiran. Ang pananaw na ito ang
nagpapahayag na ang wika ay nakapaloob at nabibigyang-hugis ng sosyo-kulural na

36
kapaligiran kung saan ito nabubuo. Ito’y mabibigyang-kahulugan lamang kapag may
interaksyong nagaganap sa kapaligiran (Badayos, 2008).

Ayon pa rin kay Chomsky, ang mga bata ay biologically programmedpara sa pagkatuto ng
wika at ang wikang ito ay nalilinang katulad ng kung paano nalilinang ang iba pang
tungkuling biyolohikal ng tao. Halimbawa, pagdating ng bata sa takdang gulang, nagagawa
niya ang paglalakad lalo na mabibigyan ng tamang nutrisyon bukod pa sa malaya siyang
nakakakilos at nakagagalaw. Hindi na siya dapat pang turuan sa paglalakad. Lahat ng
bata ay nag-uumpisang maglakad sa halos na magkakatulad na edad at ang gawaing ito ay
nararamdaman ng mga batang normal ang paglaki a pag-edad. Para kay Comsky,
ganitongganito rin ang pagtatamo ng wika.
Inilahadpa rin ni Chomsky na ang isipan ng mga bata ay hindi blangkong papel na
kailangan lamang punan sa pamamagitan ng panggagaya ng wika na kanilang naririnig sa
paligid. Sa halip, inihayag niya na ang mga bata ay may espesyal na abilidad na tuklasin
sa kanilang sarili ang nakapaloob na mga tuntunin sa isang sistema ng wika.
Tinukoy ni Chomsky ang espesyal na abilidad na ito na Language acquisition Device (LAD).
Ang aparatong ito ay karaniwang inilalarawan bilang isang likhang-isip na ‘black box’ ng
lahat at tanging iyon lamang ang mga simulaing panlahat na taglay ng mga wika ng lahat
ng tao, at ito ang humahadlang sa isang bata na lumihis sa tamang daan sa kanyang
pagtuklas ng mga tuntunin ng wika. Upang gumana ang LAD, kailangan lamang ng bata
na may pagkakataon siyang mahantad sa mga halimbawa ng wikang kaniyang sasalitain o
pagaaralan.
Ang mga halimbawang ito ang magbibigay-diin upang gumana ang aparato. Sa oras na
gumana ito, magagawa ng batang tuklasin sa kanyang sarili ang istruktura ng wikang
pagaaralan sa pamamagitan ng paglalapat ng kanyang taglay na kabatiran sa batayang
gramatika ng isang partikular na wika sa kanyang kapaligiran.
Sa kasalukuyan, inilaglag na ni Chomsky at ng kanyang mga kapanalig ang terminong
LAD, sa halip, Universal Grammar (UG) n ang tawag nila sa aparatong pang-isipan na
taglay ng lahat ng mga bata pagsilang (Badayos, 2008).
Ayon sa Studies in Linguistics and Literature:
Noam Chomsky’s innateness theory (proposes that children have an inborn or innate faculty
for language acquisition that is biologically determined. It seems that the human species has
evolved a brain whose neural circuits contain linguistic information at birth and this natural
predisposition to learn language is triggered by hearing speech. The child's brain is then able
to interpret what she or he hears according to the underlying principles or structure it already
contains.

37
Noam Chomsky

Si Avram Noam Chomsky (ipinanganak 7 Disyembre 1928) ay isang


Amerikanonglingguwista, pilosopo, cognitive scientist, historyador, at social critic. Minsan
inilalarawan bilang "ama ng modernong lingguwistika", si Chomsky ay isa ring
pangunahing pigura sa analytic philosophy at isa sa mga tagapagtatag ng sangay
ngcognitive science. Siya rin ang may-akda ng higit sa 100 aklat sa iba't ibang paksa tulad
nglingguwistika, digmaan, politika, atmass media. Ang kanyang ideolohiya ay nakahilig sa
anarcho-syndicalism at libertarian socialism.
May mahalang papel si Chomsky sa pagbagsak ngbehaviorism, lalo na sa pagiging kritikal
sa mga gawa ni B. F. Skinner. Isa sa mga pinakabinanggit na iskolar sa kasaysayan,
naiimpluwensiyahan ni Chomsky ang isang malawak na hanay ng mga pang-akademikong
sangay. Siya ay malawakang kinikilala bilang isangparadigm shifter na nakatulong sa
pagsindi ng isang pangunahing rebolusyon saagham pantao, na nag-ambag sa pag-unlad
ng isang bagong cognitivistic framework para sa pag-aaral ngwikaat angisip. Bilang
karagdagan sa kanyang patuloy na pananaliksik, siya ay nananatiling isang
nangungunang kritiko ng patakarang panlabas ng Estados Unidos, neoliberalism at ng
mga makatabagong state capitalism, anghidwaang Israeli–Palestinian, at mainstream news
media. Ang kanyang mga idea ay napatutunayang makabuluhan sa loob ng mga kilusang
anti-kapitalista at antiimperyalista. Ang ilan sa kanyang mga kritiko na inakusahan siya
ng anti-Americanism.

Teoryang Makatao
Ang teoryang makatao sa pagkatuto ay nagbibigay diin sa kahalagahan ng mga salik
napandamdamin at emosyunal. Ito'y nananalig na ang pagtatagumpay sa pagkatuto
aymangyayarilamang kung angkop ang kaligiran, may kawilihan ang mga mag-aaral at
may positibong saloobin sila sa mga bagong kaalaman at impormasyon. Kung ang mga
kondisyong ito'y hindi matutugunan, ang anumang paraan o kagamitang panturo ay
maaaring hindi magbunga ng pagkatuto. Kaya nga, sa larangan ng pag-aaral ng wika,
kailangang may magandang saloobin ang mgamag-aaral sa wikang pag-aaralan, sa mga
gumagamit ng wika at sa mga guro ng wika.
Tungkulin ng guro na maglaan at lumikha ng isang kaaya-ayang kaligiran sa klasrum at
isangpagkaklaseng walang pananakot kung saan maginhawa ang pakiramdam ng bawat
mag-aaral atmalaya nilang nagagamit at nasusuri ang bagong wikang natutuhan. Dagdag
pa dito, mas mabilisna natututunan ng tao ang wika at wala siyang pag-aalinlangang
gamitin ito at malaya niyang nailalahadang kanyang saloobin. Kailangan ding linangin ng
guro ang pagpapahalaga sa sariling mga mag-aaral. Pangunahing binibigyang pansin ng
teoryang makatao ang mga mag-aaral saanumang proseso ng pagkatuto. Palaging
isinasaalang-alang ang saloobin ng mga mag-aaral sapagpili ng nilalaman, kagamitang
panturo at mga gawain sa pagkatuto.

Ilan sa mgametodo sa pagtuturo ng wika na may kaugnayan sa makataong tradisyon ay


ang sumusunod: CommunityLanguage Learning ni Curran; ang Silent Way ni Gattegno at
ang Suggestopedia ni Lazonov.
1. Ang Community Language Learning (CLL)

Ang CLL ay isang klasikong halimbawa ng pamaraan na bataysa domeyn napandamdamin.


Ang pamaraan ito ay ekstensyon ng modelong Counselling-Learning niCharles A. Curran
na nagbibigay-diin sa pangangailangan ng mga mag-aaral-kliyentena nagsama-sama bilang
isang komunidad na binibigyan ng kaukulangpagpapayo. Nababawasanang pagkabahala

38
sa pamamaraang ito sapagkat ang klase ay isangkomunidad ng mag-aaral na laging
nagaalalayan sa bawat sandali ng pagkaklase. Ang guro ay tumatayo bilang isang tagapayo
at laging handa sa anumang pangangailangan ng mag-aaral.
2. Ang Suggestopedia

Ang pamaraang ito'y mula sa paniniwala ni George Lozanov (1979), na ang utak ng tao ay
may kakayahang magproseso ng malaking dami ng impormasyon kung nasa tamang
kalagayan sa pagkatuto, katulad halimbawa ng isang relaks na kapaligiran at ipinauubaya
lahat sa guro ang maaring maganap sa pagkaklase. Halos katulad ng ibang tinalakay na
ngunit ang kakaiba'y isinasagawa ang mahahalagang bahagi nito sa isang kalagayang
palagay ang kalooban ng bawat mag-aaral at relaks ang kanilang isipan.
Mga katangian:

a. Ginagamit ang lakas ng pagmumungkahi upang matulungan ang mga mag-aaral na


maging panatag ang kalooban.
b. Nasa isang komportable at maayos na kapaligiran ang pagkatuto at may maririnig na
mahinang tugtugin.
c. Inilalahad at ipinaliliwanag ang gramatika at bokabularyo ngunit di tinatalakay nang
komprehensibo
d. Napapalinaw ang kahulugan sa pamamagitan ng pagsasalita sa katutubong wika.

e. Nangyayari ang komunikasyon sa dalawang dimensiyon, ang kamalayan (conscious)


kung saan nakikinig sa isang binabasaang dayalogo at ang kawalang-kamalayang (sub-
conscious) kung saan ang musikang naririnig ay nagpapahiwatig na ang pagkatuto ay
madali.

f. Isinasanib sa pagtuturo ang mga sining tulad ng musika, awitin, at drama.


g Bahagi ng ginagawa ng mag-aaral sa klase ang ebalwasyon; walang pomal na pagsubok
ang ibinibigay.
3. Ang Silent Way
Ito ay nanghahawakan sa paniniwalang mabisa ang pagkatuto kung ipinapaubaya sa mga
mag-aaral ang kanilang pagkatuto (Gattegno, 1972). Ang mga mag-aaral sa isang klasrum
na Silent Way ay nagtutulungan sa proseso ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga
suliraning pangwika. Sa ganitong kalagayan nanatiling tahimik ang guro kaya ang
katawagan ay Silent Way.

Sa aklat ni Badayos (2008), inilahad niya ang isang lagom nina Richards at Rogers (1986)
sa teorya ng pagkatuto na pinagbatayan ng Silent Way:
1. Mas mabilis ang pagkatuto kung ang mga mag-aaral ay tutuklas o lilikha ng mga
sariling gawain sa halip na ipasaulo o ipaulit nang maraming beses kung ano ang
natutuhan.

2. Napadadali ang pagkatuto sa tulong ng mga kagamitang panturo tulad ng mga bagay
na nakikita at nahahawakan ng mga mag-aaral.

3. Napadadali ang pagkatuto sa pamamagitan ng mga araling kinapapalooban ng mga


gawain na may suliraning tutuklasin ang mga mag-aaral.
Mga katangian:

1. Pangalawa lamang ang pagtuturo sa pagkatuto. Pananagutan ng mga mag-aaral ang


sarili nilang pagkatuto.

39
2. Tahimik ang guro ng maraming oras ngunit aktibo sa pagbibigay ng sitwasyon at
pakikinig sa mga mag-aaral; nagsasalita lamang siya upang magbigay hudyat (ches),
pinapayagan ang interaksyong mag-aaral-mag-aaral.
3. Di ginagamit ang pagsasalin ngunit ang unang wika ay itinuturing na pinagmumulan
ng kaalaman ng mag-aaral.

Mga Yugto sa Pagkatuto ng Wika

Hindi basta-basta ginagaya ng mga abta ang wikang kanilang mga naririnig ayon sa
pagaaral ng mga linggwista dahil pinipili at iniaakma nila ang kayarian ng mga bahagi ng
pananalita na makahulugan para sa kanila. Samakatuwid, hindi passive learners ang mga
bata gaya ng paniniwala ng marami kundi mga active learners. Sinusuring magaling ng
mga bata ang wikang naririnig at pinipila nila ang bahaging may kahulugan sa kanila. Ang
intonasyon ng wika ang unang hulwarang natutuhan ng mga bata. Mula rito ay pinipili nila
ang salita at mga hulwaran ng mga makahulugang tunog gaya ng: mama, dada, dede. Ang
mga salitang ito ay nakakabit sa mga kongkretong bagay at pangyayari.

Sa simula, ang mga bokabularyo ng mga bata ay binubuo ng mga pangngalan, pandiwa, at
pang-uri. Ang mga salitang pangkayarian o function words ay sa bandang huli na
natutunan. Sa ganitong paraan binubuo ng bata ang wikang kanilang naririnig. Sa
katunayan, umiimbento sila ng sarili nilang balarila, sariling tuntunin na nababago batay
sa modelo, dalas ng paggamit, at pidback. Pare-pareho ang istratehiyang ginagamit ng
lahat ng bata sa pagkatuto ng kanilang wika. Ang mga modelong inilahad sa ibaba ay isang
paglalarawan sa proseso ng pagkatuto ng wika na konsistent sa ilang pananaliksik
(Brooks, Goodman,1976;Brown at Bellugi, 1961). Sa modelong ito, ang pagkatuto ng wika ay
hinatihati sa iba't-ibang yugto. Kakikitaan ito ng pagsasanib na ang ibig sabihin ay may
mga bata na pumapasok sa mas mataas na yugto bago pa man nila namamaster ang mas
mababang yugto ng pagkatuto. Ang pangyayaring ito ay may kinalaman sa kanilang
pagkakaiba. Ang mga edad na inilahad sa bawat yugto ay mga kalkulasyon lamang.

Unang Yugto: Pasumala (Random)

Sa yugtong ito, ang mga bata ay lumilikha ng mga tunog na kakailanganin nila sa
pagsasalita sa mga darating na araw. Kasama sa mga likhang tunog na ito ay iyong bunga
ng kanilang vocalizing, cooing, gurgling, at babbling. Ang mga tunog na nililikha ng mga
bata ay marami at iba-iba at ito'y tinatanaw ng mga matatanda bilang mga ponema
(pinakamaliit na yunit ng tunog sa pagsasalita). Karaniwan nang ang babbling ng mga bata
ay binubuo ng magkakalapit na tunog ang katinig-patinig gaya ng Ma Ma Ma o Da Da Da.
Ang mga unang likhang tunog na ito'y tinatanggap ng magulangn nang may lugod at
kagalakan. Bagama't talagang hindi mawawaan ang mga likhang tunog na ito, tinatanaw
naman ng maraming magulang na ang mga ito'y nangangahulugan ng Mama at Daddy
dahlia para sa kanilang sarili, nakapagsasalita na ang kanilang bunso. Uulit-ulitin nila ang
mga ito at bibigyan nila ng kaukulang atensyon at gantimapala ang mga bata sa tuwing
mabibigkas nila nang maayos ang mga tunog na kanilang ipinaririnig.

Ang mga ginagayang pagbigkas at pagsasalita ay karaniwang tinatawag na echoic speech.

Ikalawang Yugto: Unitary

Sa yugtong unitary, patuloy na lumilikha ng maliliit na yunit ng tunog ang mga bata na
limitado sa isang pantig. Ang haba ng pagsasalita o likhang tunog ay naaayon sa kalikasan
ng pag-unlad na pisikal at pagkontrol sa paggamit ng kanilang mekanismo sa pagsasalita

40
sapagkat ang mga proseso ng paglinang ng wika at paggulang (maturation) ay magkasabay
na nagaganap. Halimbawa, ang batang isang taong gulang ay limitado lamang sa pagbigkas
ng isang salita na maaari niyang ulit-ulitin. Ang isahang salitang ginagamit ng mga bata sa
yugtong ito'y isang pagpapaikli sa kung paano nila tinatanaw ang isang sitwasyong
komunikatibo. At karaniwang ang isang salita na kanilang binibigkas ay pagpapahayag ng
iba't ibang kaisipan. Halimbawa: Ang "sali" ay maaaring mangahulugang "Sali ako" o "Sali
Ikaw".
Ang paggamit ng mga bata ng isang salita upang magpahayag ng mga ideya ay tinatawag
na holophrastic speech. Sa gulang na 12 buwan, ang mga bata ay nagsisimula ng sumunod
sa ilangpayak na pasalitang pautos tulad ng upo, tayo, at iba pa at mapaghuhulo na
maaarina silang magsimulang sumagot sa kabuuang ponemikong konpigurasyon ng
mgasalita at mga parirala. Ang pagkatuto ng bata ng ponolohiya, bokabularyo, at balarila
ay matagal at mahirap kahit na ang pag-unlad nilang pisikal ay maoobserbahang mabilis.

Natutuhan ng mga bata ang ponema ng kanyang wikasa pamamagitan ng


untiuntingproseso ng pag-iiba-iba. Sa una, ang mga salitang binigkas niya aymasasabing
katulad ng mga salita ng nakatatanda na ipinalalagay na ginaya, peroang katunayan, ito'y
pagpapatibay na maging sa panahong ito, taglay na ng mgabata ang kanilang sariling
phonemic system kahit na di pa maayos.

Halimbawa:
Nagrararo, tatain, tatayaw, at iba pa. Sa paglaon, natutuhan ng mga bata ang mga
ponemang eksaktong katulad ng sa matanda.

Ikatlong Yugto: Ekspanyon at Delimitasyon


Sa yugto ng ekspansyon at delimitasyon, ang pagsasalita ay umuunlad mula isahan o
dalawahang pagsasalita hanggang sa maging katulad na ito ng pagsasalita ng matanda.
Humigit-kumulang, sa edad na 18 hanggang 20 buwan, lumalabas na ang kanilang
dalawahang salita.
Ang mgasalitang gamit dito ay may dalawang klase. Ang una ay tinatawag na pivot class
na kalimita'y maikli, at ito iyong malimit nilang bigkasin at maaaring nasa una o ikalawang
posisyon. Ang posisyon ay iyong kinalalagyan ng salita sa isang pangungusap. Ang ikalawa
ay iyong isa pang salita na tinatawag itong open class. Halimbawa: "Kain baby", "Kain
Mommy", "Kain ato" (Kain ang pivot word). Sa mga halimbawang "Dede ko", Dede tata",
"Dede Mama", ang dede ang pivot word. Sa mga halimbawang "Tuya alit", "Mommy alit",
"Daddy alit", alit (allis) ang pivot word at mapapansing ito ay nasa ikalawang posisyon. Ilan
sa mga dalawahang salitang pagsasalita ay maaaring magtaglay ng maraming kahulugan
ayon na rin sa layunin ng pagsasalita. Halimbawa, ang "Mommy raro" ay maaaring
pakahulugan ng "Naglalaro si Mommy" o "Gusto kong makalaro si Mommy".

Magiging mabilis ang pagtatamo o pagkatuto ng mga salita kapag ang kognitibong
kalinangan ng mga bata ay humahantong sa punto ng pagkaunawasa mga bagay,
pangyayari, at mga tiyak na pangalang ng mga ito. Magiging palatanong na ang mga bata
at malimit na maririnig ang mga taong na "Ano to?", "Ano yan"? at maraming "Bakit?"
Upang hindi "malunod" ang mga bata sa yugtong ito ng kanilang pagsasalita, iwasan ang
pagbibigay ng maraming mensahe ng batang nagsasalita . Kailangan gumanap bilang mga
salbabida ang mga matatandang nakapaligid sa mga bata.

41
Ikaapat na Yugto: Kamalayang Istruktural

Upang mailahad nang mahusay ng mga bata ang kanilang papaunlad at paparaming mga
abstraktong ideya at mga damdamin, kailangan makarating sila sa yugtong kamalayang
istruktural. Ito'y mahalaga upang makabuo sila ng mga paglalahat at matuklasan nila ang
hulwaran at kaayusan sa pagsasaltia. Habang patuloy na nagiging komplikado ang
kanilang pagsasalita, magagawa nilang magkamali dahil bumubuo sila ng sariling
paglalahat na kung minsan ay hindi pinapansin ang mga eksepsyon. Halimbawa: "nikain"
vs. "kinain".

Ikalimang Yugto: Otomatik


Sa yugtong ito, ang bata'y nakapagsasabi ng mga pangungusap na may wastong
pagbabalarila kaya magagawa na nilang maipahayag ang kanilang ideya at damdamin
kagaya ng mga matatandang tagapagsalita ng wika. Ang mga batang nasa yugtong ito ay
may kahandaan na sa pagpasok sa kindergarten.

Ikaanim na Yugto: Malikhain


Sa yugtong ito, nagagawa ng mga bata na mag-imbento o lumikha ng sarili nilang wika.
Bagama't ang mga pariralang gamit ay mga dati nang naririnig, nagkakaroon sila ng lakas
ng loob dahil nagagawa na nilang masalita ang ginagamit ng kanilang mga kaibigan at mga
tao sa paligid. Sa mga talakay sa itaas, malalagom na ang mga bata ay natututo ng wika sa
pamamagitan ng 1) pag-uugnay (pagtatambal ng tunay na bagay sa tunog ng salita); 2)
pagpapatibay (anumang positibong papuri na gaganyak sa isang bata upang ulitin ang
anumang tugon);3) panggagaya (paggagad sa anumang tunog na naririrnig sa matatanda);
at 4) elaborasyon (pagpapalawak ng isang salita upang makabuo ng pangungusap).

Aralin 6: Kurikulum at Wikang Filipino


I. Ang Kurikulum

Sa presentasyon ni Arceo, J. (2020), na pinamagatang “Ang Filipino sa Kurikulum”,


naisaad dito na mas higit na mauunawaan ang kahulugan at kahalagahan ng kurikulum
kung ang mga guro ay nagkakasundo sa tunay na katuturan ng EDUKASYON.
Pinaniniwalaan ng mga dalubhasa sa larangan ng pagtuturo na ang EDUKASYON ay isang
proseso kung saan ang lipunan ay naglalaan para sa pag-unlad ng mamamayan.

Ayon kay Sta. Ana, N. (n.d), kurikulum ang tawag sa lahat ng mga gawain, kagamitan,
paksa at mga layuning isinasama sa pagtuturo ng mga asignatura sa paaralan. Patuloy na
pinauunlad ang kurikulum upang matugunan ang mga pangangailangan ng lipunan.
Bilang guro, batayan mo sa mga gawaing isasagawa sa klase ang BatayangKurikulum na
nirebisa nuong 2002. Sa huling rebisyon ng kurikulum sa Filipino, pangunahing
isinaalang-alang ang pangangailangan ng mag-aaral na magkaroon ng balanseng
kakayahan sa paggamit ng wika sa pagkatuto ng ibang asignatura at sa
pakikipagtalastasan.

Ayon naman kina Ragan at Sheperd na nabanggit pa rin sa presentasyon ni Arceo, J.


(2020), na ang kurikulum ay paghahatid, pagsasalin at pagsasaayos ng mga karanasang
pampagkatuto.

Ang Kurikulum ay isang plano ng gawaing pampaaralan at kasama rito ang mga
sumusunod:

42
a. Ang mga dapat matutunan ng mga mag-aaral.

b. Ang patakaran kung paano tayahin ang pagkatuto.

c. Ang katangian ng mga mag-aaral kung paano sila matatanggap sa programa,


at

d. Ang mga kagamitang panturo.

Bilang isang plano, ang kurikulum ang magpapaliwanag sa kaugnayan ng mga layunin,
nilalaman, ebalwasyon at iba pang kakailanganing pampagkatuto. Ang mga sumusunod ay
mga sangkap na bumubuo sa isang mahusay na kurikulum:

a. Ang saklaw ng asignatura, paksa at mga gawaing kasama rito.

b. Ang pagkakasunod-sunod at organisasyon ng paksa; at

c. Mga istratehiya at pamamaraang gagamitin upang matamo ng mga


mag-
aaral ang layunin.

II. Ang Pag-unlad ng Kurikulum sa Pilipinas

Ang bawat panahon sa kasaysayan ng Pilipinas ay kakikitaan ng iba’t ibang tuon ng


kurikulum.

1. Panahon Bago Dumating ang mga Kastila

Pagtuturo sa loob ng tahanan ng mga pangunahing gawain upang patuloy na


mabuhay.

2. Panahon ng Kastila

Sa unang panahon ng Kastila giamit na paaralan ang mga kumbento at mga


pari ang mga guro. Ginamit nila ang dala nilang mga akdang dayuhan at isinalin sa
wikang katutubo upang palaganapin ang Kristiyanismo. Ginamit din nila ang mga
isinalin upang tutuang bumasa, sumulat at bumilang ang mga katutubo.

Sa panahon ng rebolusyon, ang panitikan ay nakatuon sa pagiging makabayan.

3. Panahon ng mga Amerikano

Sa unang panahon ng mga Amerikano, naitayo ang mga paaralang pampubliko,


naging guro ang mga kawal na Amerikano, ginamit nilang aklat ang mga dalang
babasahin at naging palansak ang pagsasaling-wika upang ituro ang wikang Ingles.
Itinuro rin ang pagbasa, pagsulat, pagbilang, paghahalaman, pangkalusugan, at iba
pa. Binigyang-diin din ang paghahanda ng mga Pilipino para sa sariling
pamamahala at ang matibay na pagsasakatuparan ng paghihiwalay ng simbahan sa
pamahalaan.

4. Panahon ng Hapon

Nang dumating ang mga Hapon, ipinagbawal ang pagtuturo ng Wikang Ingles at
sa halip ay ang pagtuturo ng Niponggo at pagtuturo ng Wikang Tagalog. Isinama rin
ang pagtatalakay s patakaran ng co-prosperity sphere at pag-aalis ng kaisipang U.S
Imperialism.

43
5. Panahon ng Martial Law at 1986 Rebolusyon

Ipinatupad sa panahong ito ang bilingual education, population education at


family planning, taxation at land reform, pagpapatibay sa pagpapahalagang Filipino.

6. Kasalukuyang Panahon

Ang kasalukuyang panahon ay nakilala bilang panahon ng makina. Naging


bahagi ng kurikulum ang kompyuter at makabagong teknolohiya. Binigyang-diin
ang pagpapaunlad ng wikang bernakular, ang wikang Ingles, Inclusive Education,
Special Education, makabagong pamamaraan sa pagtuturo gaya ng Multiple
Intelligences, Learning Styles, at maraming pang umuusbong na isyu.

III. Mga batayang Legal at Opisyal na Paggamit ng Filipino

Legal ang batayan ng paggamit ng wikang Filipino bilang wika ng edukasyon. Sa


Konstitusyon ng 1987, maraming magagandang probisyong pangwika ang nakapaloob
dito kaugnay sa pagtuturo at paggamit ng Filipino bilang wikang panturo. Naisaad sa
Artikulo XIV, Seksyon 7 na:
Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at hanggat walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang
panrehiyon ay pantulong na mga wika sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong na
mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at
Arabic.

Mapapansin sa Seksyon 7 ng 1987 Konstitusyon na tiniyak ang mga wikang panturo.


Bilang pagtugon sa batas, naglunsad ang Kagawaran ng Edukasyon ng palisi sa
Edukasyong Bilinggwal na nakasaad sa DECS Order No. 52, s 1987 na may pamagat na “
Ang Patakaran Edukasyong Bilinggwal ng 1987.”

Layunin ng Patakarang Edukasyong Bilinggwal ang pagtatamo ng magkapantay na


kasanayan sa paggamit ng Filipino at Ingles sa lebel pambansa sa pamamagitan ng
pagtuturo ng dalawang wika at paggamit ng mga ito bilang midyum ng pagtuturo sa lahat
ng antas ng edukasyon. Magiging wikang pantulog ang mga wikang rehiyunal sa mga
unang baitang ng paaralang elementarya.
Nagsilbi namang opisyal na batayan ang mga kautusan at memoranda na ipinalalabas
ng Kagawaran ng Edukasyon.

i. DECS Order 25, s. 1974 “Panuntunan sa Pagpapatupad ng Patakarang


Edukasyong Bilinguwal.” Ang patakaran na naglalayong linangin ang magkatimbang na
kasanayan sa Ingles at Pilipino, ay para sa lahat ng mga paaralan, elementarya,
sekondarya, at tersyarya.

ii. DECS Order No. 50, s. 1975 “Supplemental Implementing Guidelines for the
policy on Billingual Instruction at Tertiary institutions.” Sa DECS Order 25, binigyan ng
opsyon ang mga institusyon sa antas tersyarya na magdebelop ng kanilang sariling
iskedyul ng pag-implementa sa programa.

iii. MEC Order No. 22, s. 1978 “Pilipino as Curricular Requirement in the Tertiary
Level.” Bilang pag-alinsunod sa patakarang bilingguwal at sa iniaatas ng DECS Order
50, s. 1975, nagtakda ng tiyak na programa ng pagtuturo ng Pilipino sa antas
tersyarya.

44
iv. DECS Order 52, s. 1987. Bilang pagtugon sa mga probisyong pangwika ng
konstitusyon ng 1987, nirebisa ang patakarang bilingguwal at ipinagkalat ang
impormasyon tungkol dito sa pamamagitan ng dalawang kautusan o “Filipino and
English shall be used as media instruction, the use allocated to specific subjects in the
curriculum as indicated in DECS Order No. 25, s 1974.” o “…Tertiary level institutions
shall lead in the continuing intellectualization of Filipino. The program
ofintellectualization, however, shall also be pursued in both the elementary and
secondary levels…”

v. CHED Memo Order 59, s. 1996 “New General Education Curriculum (GEC).”

vi. CHED Memo 04, s. 1997. Nang sumunod na taon, muling nagpalabas ang
CHED ng bagong memorandum, ang CM No. 04, s 1997, na pumapaksa sa mga
patnubay sa Implementasyon ng CMO 59, 1996.

vii. CHED Memo Order 11, s. 1998. Muli namang nagrebisa ng kurikulum
ang mga HEI, partikular ang Teacher Education Institutions ng ilabas ng CHED ang
bagong kautusan tungkol sa minimum na rekwayrment ng General Education para sa
magiging guro.

IV. Ang Wikang Filipino sa Larangan ng Edukasyon

Dalawa ang pangunahing dahilan kung bakit itinuturo ang Filipino sa ating mga
paaralang pambansa ayon kay Liwanag, L.B. (n.d.). Ang mga dahilang ito ay nakatadhana
sa umiiral na patakarang pangwika na ipinatutupad kaugnay ng gagamiting wikang
panturo sa mga paaralan.

A. Una, ituturo ito bilang isang sabjek o aralin na bahagi ng kurikulum sa


elementarya at sekondarya.

B. Ikalawa, gagamitin ang Filipino bilang wikang panturo sa mga tiyak na sabjek
o aralin na iniatas sa Patakarang Bilinggwal noong 1974 at 1986.

Malinaw ang pagkakaiba ng dalawang layunin subalit magkatuwang ng kaganapan sa


pagkatuto. Kinakailangang matutuhan ang Filipino bilang isang wikang may sariling
kakanyahan upang magamit ito sa pagkatuto ng iba pang sabjek na itinuturo sa Filipino at
magiging tulay din ito sa pagkatuto ng Ingles na pangalawang wika ng mga mag-aaral.

Sa ipinatupad na kurikulum ng DepEd para sa pagtuturo ng Filipino may mga


pananaw at simulain sa pagkatuto ng wika na binibiyang pansin. Una, ang pagkakaroon
ng interaksyon sa pagitan ng mga mag-aaral, ng guro at ng teksto. Mas mabisa ang
pagkatuto kung nabibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mag-isip, magpalitang-
kuro at tumanggap ng ideya mula sa iba. Ikalawa, ang pagkakaroon ng integrasyon sa mga
kasanayan at gawain sa pagtuturo ng wika. Ang apat na makrong kasanayan sa wika ay
nakikita o naituturo sa isang kabuuan at hindi na hiwa-hiwalay na tulad ng ginagawa dati
(Whole Language Approach and Integrative Approach). Ikatlo, mahalaga ang konteksto sa
pagaaral ng wika. Dito ginagamit ang nilalaman ng ibang aralin o disiplina sa pagtuturo ng
wika (Content-based Instruction / Literature-based Instruction).

V. Ang Filipino sa Batayang Antas ng Edukasyon ni Clemenca C. Espiritu, Ph. D. na


inulat nina Cerilla, S. H., et al. (2018).

45
Ang kalakaran sa pagreporma sa kurikulum at pagtuturo ng wika ay karaniwan nang
sumusunod sa mga kalakaran sa wika at sa mga pagabbagong-bisyon ng pamahalaan at
ng mga pangunahing ahensya na may kinalaman at interasado sa edukasyon.

Ang mga reporma na naisagawa kaugnay ng kurikulum ay nagaganap kada humigit sa


sampung taon. Reporma sa kurikulum ng Filipino nang 1973 (elementarya at sekundarya),
1983 (elementarya), 1989 (sekundarya) at 2002 (batayang edukasyon).

Ang Kurikulum ng Batayang Edukasyon 2002

Ang layunin ng edukasyong elementarya, ayon sa Education Act of 1982, ay siya ring
naging batayan ng Kurikulum ng 2002. Naging batayan ang mga pambanasang batayang
patakaran ng edukasyon na isinasaad sa Konstitusyon ng Pilipinas ng 1987, at ang
Governance of Basic Education Act of 2001.

Niliwanag ng Kagawaran ng Edukasyon na ang Kurikulum ng Batayang Edukasyon ng


2002 ay isang pagrereistruktura lamang at hindi lahat ang pagbabago ng papalitang
kurikula ng elementarya at sekundarya (NESC at NSEC).

Sa Governance of Basic Education Act of 2001, inilahad ang mga pangkalahatang


tunguhin ng batayang edukasyon:

“linangin ang mga mag-aaral na Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng


mga batayang kasanayan sa literasi, numerasi, kritikal na pag-iisip at mga
kasanayang pampag-aaral, at mga kanais-nais na kahalagahan (values) upang
sila’y maging mapagkalinga, makatayo sa sarili, maging produktib, magkaroon
ng kamalayang panlipunan, maging makabayan at responsableng mamamayan.”

Bisyon ng DepED;

“luminang ng mag-aaral na Pilipino sa mga sining at isports at may kahalagahan


ng isang mamamayang makakaliaksan, makatao, maka-Diyos.”

Sa nireistrukturang Kurikulum ng 2002,binigyan ng ibayong pansin ang pagsasanay


para sa pagtatamo ng mga kasanayan sa pamumuhay, pagtukoy at pagsusuri sa mga
halagahan at ang pagkilala sa iba’t ibang katalinuhan ng mag-aaral (multiple intelligence).

A. Ang Kurikulum ng Filipino sa Antas Elementarya

Nagagamit ang Filipino sa makabuluhang pakikipagtalasatasan (pasalita at pasulat);


nagpapamalas ng kahusayan sa pagsasaayos ng iba’t ibang impomasyon at mensaheng
narinig at nabasa para sa kapakinabangang pansarili at pangkapwa at sa patuloy na
pagkatuto para makaangkop sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig.

Layunin ng pagtuturo sa Filipino sa elementarya na linangin ang apat na makrong


kasanayang pangwika; pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat gayundin ang pag-iisip,
sa mga sitwasyong pangkomuiaksyon, gamit ang iba’t ibang materyal tungo sa
pagkakaroon ng masteri.

Dinagdagan ang oras sa pagtuturo ng Filipino sa mga baitang I-III upang magkaroon
ang mag-aaral ng sapat na pag-unawa sa bawat aralin at maisama ang barayti ng mga
tekstong literari at di-literari sa mga gawain sa pagbasa at pag-uanwa.

Unang Baitang:

 Nakabibigkas at nakababasa ang mag-aaral ng mga alpabeto at simpleng salita


nang may wastong tunog;

46
 Nakagagamit ng magalang na pagbati sa pang-araw-araw na pag-uusap; at

Naisusulat ang sariling pangalan at ng mga payak na pangungusap.

Ikalawang Baitang:

 Nakapagsasabi ang mag-aaral ng pangunahing diwa na napakinggan;

 Nakapaglalarawan ng mga tao, bagay at pook; at

 Nakababasa nang wastong paglilipon ng mga salita at nakasusulat nang


kabitkabit na mga titik na may wastong bantas.

Ikatlong Baitang:

 Nakapagsasalaysay ang mga mag-aaral ng buod ng napakinggan/nabasa; 

Naibibigay ag sariling palagay tungkol sa isyung pinag-uusapan Nakababasa at

naipaliliwanag ang kahulugan ng mga salita.

 Natutukoy ang pagkakaisa ng opinyon at katotohanan.

 Nakababasa nang may pag-unawa; at

 Naisusulat ang idiniktang iba’t ibang uri ng teksto.

Ikaapat na Baitang:
 Nakapagpapahayag ng sariling ideya at kaisipan tugkol sa mga nariring;

 Nakapagbibigay ng reaksyon at nakalalahok sa iba’t ibang talakayan;

 Nakagagamit ng matalinghagang salita at mga ekspresyon tuwiran at di-


tuwiran;

 Natukoy ang mga pangyayaring nag-uugnay sa sarili at bunga


ng mga pangayayari;

 Napagsusunod-sunod ang mga ideya at sitwasyon;

 Nakilala ang iba;t ibang bahagi ng babasahin; at Nakasusulat ng

maikling komposisyon.

Ikalimang Baitang

 Nakapagbubuod ng nabasa at napakinggan;

 Nakabubuo ng iba’t ibang pangungusap;


 Nakagagamit ng iba’t ibang sanggunian sa paghahanap ng impormasyon; at

Nakasusulat ng iba’t ibang pahayag na mga 15-20 pangungusap.

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya :

47
A. Deskripsyon
1. Mga lawak o kasanayan Lumilinang sa kasayang: Pakikinig, Pagsasalita, Pagbasa,
Pagsulat, at Pag-iisip.
2. Saklaw sa mga lawak o kasanayan
b) Ang mga tiyak na kasanayan ay nililinang sa pamamagitan ng mga sitwasyon ng
iba’t-ibang kagamitan sa LUBUSANG PAGKATUTO.

c) SIBIKA at KULTURA – una hanggang ikatlong baitang (1) Maaring gamitin ng


Filipino ang nilalaman ng SK/HKS. (2) Ang batayang kasanayan sa pagbasa ay
matutunan nang lubusan sa tatlong baitang.

B. Pagbabago sa Kasanayan o Kompetensi sa Pagkatuto


1. Pagsasaayos, pagbabawas at pagpapangkat sa kasanayang magkakatulad.

2. Pagtuon sa mga tiyak o batayang kasanayan.

3. Pagbibigay diin sa pagbabasa at pakikipagtalastasan para sa pag-unawa sa mga


batayang kaisipan o konsepto sa matematika at agham.

C. Mga Inaasahang Bunga MITHIIN:


- Mabisang pakikipagtalastasan (Pasalita o pasulat)
- Patuloy na pagkatuto upang makaangkop sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa
daigdig.

D. Nakalaan/Nakatakdang Oras sa Pagtuturo ng Filipino


PAGBABAGO: BAITANG NESC RBEC PAGBABAGO I-III 60 80 Dagdag na 20 minuto
IVVI 60 60 Walang dagdag

E. Mga Dapat Isinasaalang-alang sa Pagtuturo ng Filipino

1. Pamaraang Pagsasanib (Integrative Method) Integrasyon o Pagsasanib ng mga


Kasanayan/Lawak sa Filipino (Skills-Based Integration)
HULWARAN 1 - Maaring maituro o mapag-ugnay ang limang kasanayan sa Isang
aralin, kung saan samasama o sabayang nalilinang ang limang kasanayan sa mga
mag-aaral. Ang paglinang ng gawain ay PAKIKINIG tungo sa PAGSULAT sa paglinang
ng mga kasanayan sa PAKIKINIG,PAGSASALITA, PAGSUSULAT o PAG-IISIP.
Isaalangalang sa paglinang ng mga kasanayan ang antas ng masteri o lubusang
pagkatuto.

HULWARAN 2 - Sa pagsasanib ng mga kasanayan o lawak, hindi dapat malinang


lahat ang lawak o kasanayan nang sabay-sabay.

2. Pagsasanib ng tiyak na kasanayan sa Filipino sa Nilalaman o Konsepto ng Ibang


Asignatura (Content-Based Integration)

TANDAAN:
a. Sa Baitang I-III Sibika at Kultura (SK) ang nilalaman ng FILIPINO Palinang sa
kasanayan sa pakikipagtalastasan ang pokus.

b. TEKSTO/BABSAHIN/PAKSANG-ARALIN ng SK at PAGPAPAHALAGA/EKAWP
ginagamit na mga KAGAMITANG PANLITERATURA (TULA, KWENTO, ALAMAT at
iba pa.) Ito’y nagiging LUNSARAN/SPRING BOARD sa paglinang ng mga Kanayan
sa
Filipino.
HALIMBAWA: Ang gagamiting LUNSARAN ng ARALIN ay isang kwento.
48
c. Ang PAKSA o nilalaman ng kwento ay nauukol sa SK at EKAWP, sa ganitong
sitwasyon nalilinang hindi lamang kaalaman sa SK ngunit lalo’t higit ang mga
KASANAYAN sa FILIPINO.

d. BIGYANG-DIIN ang ganitong PAGSASANIB sa oras ng TALAKAYAN sa nilalaman ng


mga TEKSTO o KAGAMITANG PANLITERATURA na ginagamit na LUNSARAN sa
paglinang ng kasanayan.

3. Interaktibong Pagdulog (Interactive Approach)


a. Mahalaga para sa isang makabuluhan o makahulugang interaksyon (meaningful
interaction)
b. Isang gawaing sama-sama (collaborative activity)
c. Pagkakaroon ng komunikasyon o pakikipagtalastasan

(1) pagpapahayag ng sariling ideya


(2) pag-unawa sa ideya ng iba
(3) nakikinig sa iba
(4) bumubuo ng kahulugan sa isang bigayang konteksto

(shared context) B. Ang Kurikulum ng Filipino sa Antas Sekondarya

Itinakda ng Batas Pambansa 232 na kilala rin sa tawag na Education Act of 1982 ang
sumusunod na layunin ng Edukasyong Sekondarya:

1. Maipagpatuloy ang pangkalahatang edukasyon na sinimulan sa elementarya.

2. Maihanda ang mga mag-aaral para sa kolehiyo.

3. Maihanda ang mgga mag-aaral sa daigdig ng pagtatrabaho.

Ang Layunin ng Filipino sa Kurikulum

1. Madebelop ang kakayahan ng mga mag-aaral sa larangan ng mataas, kritikal at


masining na pag-iisip, at sa mas malawak na pagkaunawa at gawaing pagpapahayag
sa iba’t ibang tunay na sitwasyon.

2. Mapalawak ang siyentipiko at teknolohikal na kaalaman at kakayahan bilang daan


sa pagpapalago ng mga nakatagong kalakasan para sa sariling pag-unlad at
pagtataguyod ng kagalingang panlahat.

3. Madebelop at maliwanagan ang mga mag-aaral sa kanilang pangako sa pambansang


mithiin sa pamamagitan ng pag-unawa, pagpapanatili, at pagpapaunlad ng mga
kaaya-ayang tradisyon at pagpapahalaga ng lahing Pilipino.

4. Makapagtamo ng produktibo at entreprenyurial na kakayahan, kagandahang- asal


sa trabaho at kaalamang pangkabuhayan na mahalaga sa matalinong pagpili at
pagpapakadalubhasa sa magiging propesyon.

5. Magtamo ng mga kaalaman, makahubog ng mga kanais-nais na pag- uugali at


matutunan ang mga moral at ispiritwal na pagpapahalaga sa pagkaunawa sa
kalikasan at hangarin ng tao sa sarili, kapwa tao at sa iba pa, kultura at lahi sa
sariling bansa at maging sa komunidad ng mga nasyon.

6. Mapataas ang sariling kakayahan at pagpapahalaga sa sining at isports.

Mga Inaasahang Bunga:


49
Layunin: Nakadebelop ng mga mag-aaral na nagtataglay ng sapat na mga kaalaman,
kakayahan at kasanayan sa paggamit ngg akademikong wika sa pakikipagtalastasan
upang masabing mahusay at mabisang komyunikeytor sa Filipino.
Ayon kay Clemencio C. Espiritu, maraming kahinaan ang naobserbahan sa datihang
kurikulum na pinairal. Nagsagawa ang supervisor ng Filipino ng DepEd Central Office ng
rebyu ng SEDP kurikulum na sinimulang iimplementa noong 1989.

Iniulat ni G. Aturo Cabuhat ang mga sumusunod;

a. Repetisyon at overlapping ng mga itinuro lalo na sa wika mula elementarya hanggang


tersarya.

b. Kakulungan kundi man kawalan ng artikulasyon ng mga kurikula sa tatlong antas.

c. Mababaw na nilalaman at kasanayang nililinang .

d. Walang kaayusan at pokus sa pagpili ng content at pagtalakay sa panitikan.

e. Di-lubusang paglianng na kahusayang magamit ang wikang natutuhan sa pagkatuto


ng mga asignaturang itinuturo sa Filipino.

Tugon ng DepEd sa natuklasang kahinaan tungo sa pagrereporma ng kurikulum;

Sa antas sekondarya, mithiin ng pagtuturo ng Filipino na “makadebelop ng gradweyt na


mahusay na komyunikeytor sa Filipino…”

Sinabi sa kurikulum na;

“Sa paglinang ng mga nabanggit na kasanayan, kinakailangang taglayin ng


mga mag-aaral ang tiyak na kaalaman tulad ng gramatikal, sosyo-linggwistik,
diskorsal at istratedyik.”

May atas din na ang pagtuturo ng Filipino ay dapat gamitan ng mga tekstong hango sa
mga asignaturang pangnilalaman tulad ng Aralin/Agham Panlipunan, Agham at
Teknolohiya, Literatura at iba pang kaugnay na disiplina.
Niliwanag ng bagong kurikulum na bago makagradweyt sa batayang edukasyon dapat
ay taglay ng mag-aaral hindi lamang ang mga kasanayang pangwikang batayan at
interpersonal, kundi pati ang mga kasanayang pangwikang kognitib at akademik.

Una at Ikalawang Taon:

 Nakapokus sa masusing pag-aanalisa at pag-aaral ng mga tiyak na


istrukturang gramatikal ng Filipino.

Ikatlo at Ikaapat na Taon:

 Dinedebelop ang mga kaalaman at kasanayang pampanitikan.

Pananaw sa Wikang Filipino sa Bagong Kurikulum

Sa bagong kurikulum lumawak ang Filipino, itinuring itong hindi lamang obdyek ng
pagkatuto o isang asignatura, kundi instrumento rin para matuto ang mag-aaral ng
marami pang bagay bukod sa Filipino. Nililinang ang akademikong kasanayang pangwika
gamit ang mga tekstong dyornalistik, reperensyal, prosidyural, literari at iba pa.

50
Pananaw sa Pagtuturo ng Wika

Tunguhin ng bagong kurikulum sa Filipino; Maituro ng

holistic at natural ang wika.

 Malinang hindi lamang ang kasanayan sa komunikasyong interpersonal kundi


ang kognitib-akademik.
 Mabigyan ang mag-aaral ng eksposyur sa mga paksang napaloob sa mga
asignatura.

 Malinang ang matas na kasanayan sa pagbasa at pagsulat.

 Malinang ang kritikal na pag-iisip ng mag-aaral.

 Maitaas ang kaalaman at pagpapahalagang pampanitikan. Ang Pagtuturo ng

Filipino sa Sekondarya Pangunahing MITHIIN ng Filipino:

- Makadebelop ng isang gradweyt na mabisang komyunikeytor sa Filipino. Kailangang


taglay ang kasanayang makro: PAGBSA, PAGSULAT, PAGSASALITA at PAKIKINIG.

- Bilang sanay na komunikatibong pakikipagtalastasan, nararapat na may kabatiran


at kasanayan siya sa apat na komponent ng kasanayang komunikatib tulad ng
diskorsal, gramatika, sosyolinggwistik at istratedyik.

SA UNANG DALAWANG TAON - Binigyang pokus ang masusing pag-aanalisa at pag-aaral


ng mga tiyak na istrakturang gramatikal ng Filipino bilang isang kasabay sa pagtatamo ng
wastong kasanayan sa maunawang pagbasa.

- Upang matamo ito, pinagsanib ang mga tekstong prosidyural, reperensya,


journalistic, literasi at politiko-ekonomiko at pagkatuto ng iba’t ibang istrakturang
gramatikal.

HULING DALAWANG TAON - Ang pokus ay pagtatamo ng mapanuring pagiisip sa


pamamagitan ng kritikal na pagbabasa at pag-unawa sa iba’t-ibang genre ng panitikang
nakasalin sa Filipino.
- Sa Bawat taon ay binibigyan ng tiyak na atensyon sa paglinang sa pasulat na
komunikasyon sa pamamagitan ng eksposyur sa iba’t ibang uri ng komposisyon at
malikhaing pagsulat. Ito’y Pinagtutuunan ng isang linggong leksyon bawat markahan.

Binibigyang pansin ang mga tiyak na akda bilang mga akdang pampanitikan.

• Sa UNANG TAON - Ibong Adarna Sa IKALAWANG TAON -


florante at Laura Sa IKATLONG TAON -Noli Me Tangere.
• Sa IKAAPAT NA TAON – El filibusterismo

Pinagtutuunan ang mga akdang ito ng dalawang linggong sesyon sa bawat markahan.

- Ang binibigyang pansin sa apat na taong pagaaral sa Filipino ay ang


pagtatamo ng kasanayan sa akdemikong wika.

- Hindi nagkakaroon ng radikal na pagbabago sa kontent ng Filipino


bilang sabdyek sa lebel sekondarya.

51
- Binibigyan lamang ng pokus ang maunawaang pagbasa sa tulong iba’t-
ibang uri ng text upang malinang ang kasanayang linggwistika ng mga mag-aaral.

- Sa panitikan, tinitiyak lamang ang batayan at sukatan ng pagkatuto


tulad ng mga tiyak sa tema, pamantayan at simulain.

Mahusay ang pagkakabuo/pagkakabalangkas ng RBEC sa Asginaturang Filipino


sapagkat hindi lang ang kapakanan ng mga mag-aaral ang isinasaalang-alang dito kundi
pati rin ang kapakanan ng mga guro. - Maayos ang paglalahad ng bawat gawain sa tulong
ng ready-made na BanghayAralin.

Magaganda at napapanahon ang mga teksto at naangkop ang lebel ng pag-unawa ng


mga mag-aaral, lalung-lalo na sa ikaapat na taon. - Magsisilbing hamon para sa kanila
upang sila’y mag-isip. - May sapat na oras ang inilaan sa bawat aralin upang mabigyan ng
pagkakataon ang mga mag-aaral na makagawa ng kanilang mga output. Nabibigyang linaw
din nito ang araling tinatalakay bago matapos ang sesyon.

Sa bahagi ng guro: - Hindi na mauubos ang oras ng guro sa paghahanda ng


banghayaralin. - Maganda ang pagkakaroon ng cooperative leaning dahil sa less talk na
ang guro sa loob ng klase. - Nalilinang ang kakayahan ng mga mag-aaral na magpahayag
ng kanilang saloobin/pananaw na may kaugnay sa aralin.

C. Ang Kurikulum ng Edukasyon sa Antas Tersyarya

Alinsunod sa Republic Act No. 7722 o Higher Education Act of 1994, ang komisyon sa
Lalong Mataas na Edukasyon (CHED) ay naatasang ipatupad ang sumusunod na
katungkulan:

A. Itaguyod ang mahusay o de kalidad na edukasyon.

B. Gumawa ng hakbang upang masiguro na ang gayong edukasyon ay matamo.

C. Kailangang ito ay para sa lahat (accessible to all); mapaunlad ang responsible at


epektibong pamamahala, patingkarin ang karapatan ng mga guro sa pagsulong na
propesyunal at mayaman ang kasaysayan at kulturang minana. Mga Batayang Legal
sa Paglinang ng Kurikulum sa Antas ng Tersarya

1. CHED Memo Blg. 59, S. 1996 ay ipinatupad ang mga sumusunod:


A. Binuo ang “New General Education Curriculum”

B. Binuo ito ng 63 yunit bilang minimum:

- 9 na yunit sa Filipino

- 9 na yunit sa Ingles

- 6 na yunit sa Panitikan

2. CHED Memo Blg. 4, s. 1997

A. Implementasyon ng CHED Memo Blg. 59

B. Humanities, Social Sciences, Communications - 9 na yunit sa Filipino at 9 na


yunit naman sa Ingles.

52
C. Math, Science and Technology, Vocational - 6 na yunit sa Filipino at 9 na yunit
sa Ingles.

D. Literature 1 - ituturo sa Ingles at/o Filipino.

E. Literature 2 - depende sa HEI.

Ang Filipino sa Binagong Kurikulum ng General Education (CHED Memo Blg. 30, S.
2004)

A. Sinimulang rebisahin ang silabus ng Filipino 1, 2 at 3 noong Pebrero


hanggang Abril 2004.

B. Layunin ng rebisyon na maisaayos ang mga silabus upang maiwasan


ang mga overlapping sa tatlong asignatura at higit pang maiangkop sa pagbabago at
pangangailangan ng panahon.

Filipino 1: Komunikasyon sa Akademikong Filipino


a. Nakatuon sa pagluluklok sa Filipino bilang isang didiplina at hindi isang
asignaturang pangwika lamang.

b. Makalilikha ang mga mag-aaral ng mga kaalaman at konseptong ukol sa


kulturang lokal at global na kayang ilapat sa maka-Pilipinong oryentasyon.

Filipino 2: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

a. Nakatuon sa pagtatamo ng higit na mataas na antas ng kakayahang


komunikatibo sa akademikong Filipino.

b. Napaloloob ang mga kasanayan sa kritikal na pag-unawa ng mga teksto


sa iba’t ibang disiplina.

c. Makapagsasagawa ng sistematikong pananaliksik at magkakaroon ng


positibong pananaw sa pananaliksik ang mga mag-aaral.

Filipino 3: Masining na Pagpaphayag

a. Tungkol sa mga prinsipyo at proseso ng masining na


pagpapahayag sa Filipino.

b. Nakatuon ang mga gawain sa malayang pagtuklas at pagpapakita


ng
sariling kakayahan at talino sa pagsulat at pasalitang pagpapahayag.
Literatura 1: Ang Panitikan ng Pilipinas

a. Pag-aaral ng iba’t ibang anyo ng literatura sa pamamgita ng pagbabasa sa ilang


tekstong pampanitikan na hango sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas at iba’t ibang
panahon ng kasayasayan ng bayan.

Literatura 2: World Literature

a. Pag-aaral sa mga piling literatura ng daigdig partikular na ang Southeast


Asian na bansa mula noong unang panahon hanggang sa kasalukuyan.

53
b. Talakayin dito ang iba’t ibang uri ng panitikan tulad ng fiksyon, tula,
drama, maikling kwento, sanaysay at bayograpiya na kumakatawan sa bawat
bansa.

Pagtanggal ng wikang Filipino sa Kurikulum

Matatandaan noong Oktubre 2018 ang kontrobersiyal na pagtanggal ng Korte Suprema


sa Filipino at Panitikan. Noong Marso 5, lumabas ang resolusyon patungkol sa pagbasura
ng Korte Suprema sa pag-apela ng Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Tanggol Wika) sa
naturang desisyon dahil ‘di umano’y wala silang napakitang “substantial argument.” Ayon
sa desisyon ng Korte Suprema, layunin nilang masigurado na ang kukuhaning asignatura
ng mga estudyante sa kolehiyo ay mailalaan sa iba pang larangan na konektado sa
kanilang kursong kinuha. Ito rin ay siyang magbibigay lunas upang hindi na maulit ang
mga paksang naituro noong Grade 1 to 10 hanggang Senior High School. Ngunit hindi ito
nagustuhan ng mga Tanggol Wika at umapela sa desisyon na inihain ng Korte Suprema.
Ayon nga sa mga adbokasiya ng wika, tanging pagkasira at pagkalimot sa pagkakakilanlan
bilang Pilipino ang siyang kinahihinatnan ng nasabing desisyon. Kasabay ng pagsabog ng
nasabing isyu patungkol sa wika, iba’t ibang unibersidad, partikular sa kanilang mga
Departamentong Filipino, ang nakihalubilo at lubos na nabigo sa naging desisyon ng Korte
Suprema dahil sa kanilang iniwang pahayag.

Sa isinagawang panayam ng Rappler sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) Sentro ng Wikang


Filipino Director Rommel Rodriguez, binigyan diin niya na hindi magiging pareho ang
asignaturang kinuha ng mga estudyante sa elementarya at hayskul bagkus ito’y
mapapalalim at mabibigyang diin ang iba’t ibang konsepto pagdating sa kolehiyo. Ayon
naman sa UP Department of Filipino Chairman Vlademeir Gonzales, ang malalang krisis
pang-ekonomiya na kinakaharap ng bansa ay kinokomunika gamit ang ating wika. Ang
panawagan ng mga drayber at manininda sa unibersidad ay naririnig natin sa ating wika.
Ang wika ng mga ordinaryong mamamayan ang wikang dapat inaaral at dinadalubhasa.
Dagdag pa ng isang propesor na ang pagtatanggal ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo ay
patunay na ang pagkiling ng mga nasa posisyon ay wala sa ating sariling kasarinlan. Nasa
bansa tayong kailangang ipaglaban ang sariling atin, ang tama, at ang nararapat. Sa
pagtutol ng sambayanan patungkol sa isyung kinahaharap ng Panitikan at Wikang
Filipino, namayagpag ang pagmamalasakit ng iba sa sariling pagkakakilanlan. Buhay ang
sagisag na ipaglaban ang marapat na ipinaglaban ng batas, namulat ang bawat isa sa
kahalagahan ng sariling atin at hindi lamang sa kung ano ang itinakda ng korte para sa
lahat.

VI. Mga Pagdulog at Istratehiya sa pagtuturo ng wika na angkop sa mga simulain ng


kurikulum sa Filipino.

• Komunikatibong Pagtuturo ng Wika (Communicative Language


Teaching) Inilarawan nina Richards at Rodgers (1986) ang CLT bilang isang
lapit (approach), sa halip na isang pamaraan sa dahilang ito ay
nagrerepresenta sa isang pilosopiya ng pagtuturo na batay sa komunikatibong
gamit ng wika.
Nagsimula ang lapit na ito sa mga naisulat nang literature na nauukol sa
konsepto ng nosyonal-functional at paglinang ng kasanayang komunikatibo sa halip
na sa gramar o istruktura ng wika na katuon ang pagtuturo.

Sa lapit na ito binibigyang pansin ang sumusunod na pananaw o simulain:

• Pagbibigay diin sa gamit ng wika sa komunikasyon sa halip na sa


pag-aaral ng kayarian ng wika.
54
• Pagkakaroon ng katatasan sa pagsasalita sa halip na sa pagiging
tama o wasto sa kayarian o gramar ng wika.

• Pagbibigay pansin sa mga gawaing aktwal na ginagamit ang wika


sa halip na pagsasanay o drill sa mga bahagi ng wika.

• Pagkakaroon ng kamalayan sa iba’t ibang gamit o tungkulin ng


wika ayon sa pagkakataon sa halip na pagbibigay pansin lamang sa wika.

Sa komunikatibong lapit sa pagtuturo ng wika, nililinang ang mga kasanayang


kognitibo tulad ng kaalaman sa gramar ng wika, pagpili ng angkop na bokabularyo at
kasanayang sosyolinggwistika o angkop na paggamit ng wika sa iba’t ibang
sitwasyon. Gayundin nililinang ang makagawi o behavioral na aspeto ng mga mag-
aaral sa paggamit ng wika sa aktwal na sitwasyon (Littewood 1984).

May mga mungkahing hakbang na magagamit ng guro sa pagtuturo ng wika na


sinusunod ang mga simulain ng pagdulog na komunikatibo. Narito ang mga
hakbang at ang paliwanag sa bawat isa.

• Pagtiyak sa Layunin - isa sa mga simulain ng pagdulog na


komunikatibo ay ang pagkakaroon ng kamalayan ng mga mag-aaral sa
ginagawa nila sa klase at sa kahalagahan nito sa kanilang pang-araw-araw na
buhay. Magiging makahulugan ang aralin kung malinaw sa bawat mag-aaral
ang layunin nito. Sa hakbang na ito ipinaaalam sa mga mag-aaral kung ano
ang nilalayon ng aralin.

Halimbawa: Ang tatalakayin nating aralin ay tungkol sa paghingi at pagbibigay


ng payo. Maaari ring ipakita ang mga larawan na nauukol sa mga sitwasyon na
nagpapakita ng mga gawaing pangwika o kaya naman ay dayalogo na
maglalaman ng aktwal na nangyayari sa pag-uusap.

• Paglalahad - dito ipinakikita o ilalahad ang mga kayarian ng wika


na gagamitin sa isang sitwasyon o konteksto na ang tuon ay sa gamit o
tungkulin
ng wika. Paguusapan dito ang layunin ng nag-uusap, mga paraan na ginagamit
upang magkaunawaan tulad ng kilos o mga pahiwatig na salita.

• Pagsasanay - Pagkatapos na matutuhan ng mga mag-aaral ang


mga kayarian na angkop gamitin sa sitwasyon, bibigyang laya ang mga mag-
aaral na gamitin ang mga ito sa iba’t ibang sitwasyon. Dito, iba’t ibang gawain
ang ibibigay ng guro tulad ng pag-uusap tungkol sa napapanahong paksa,
paglutas ng suliranin, mga role-play na isasakilos o mga larong pangwika.

• Paglilipat - Paggamit ng mga natutuhang kayarian at kasanayan


sa makatotohanang sitwasyon. Ang mga mag-aaral ay iisip o pipili ng mga
sitwasyon sa tunay na buhay na ipinakikita ang aktwal na paggamit ng wika.

Halimbawa: Pagdedebate tungkol sa isang paksa, paghingi


ng payo, at pagpapaturo sa pagsasagawa
ng isang bagay.

55

You might also like