100% found this document useful (1 vote)
125 views

Lesson Plan Demo March 3

1) The document outlines a 50-minute lesson plan on animal body parts used for movement. 2) Students will learn about different animal body parts like tails for swimming, wings for flying, and webbed feet for hopping. 3) The lesson involves students guessing animals in a box, mimicking animal movements, and identifying body parts used from pictures.
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
100% found this document useful (1 vote)
125 views

Lesson Plan Demo March 3

1) The document outlines a 50-minute lesson plan on animal body parts used for movement. 2) Students will learn about different animal body parts like tails for swimming, wings for flying, and webbed feet for hopping. 3) The lesson involves students guessing animals in a box, mimicking animal movements, and identifying body parts used from pictures.
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 6

6

March 3, 2021

Masusing Banghay Aralin


Sa Science 3

Time Allotment: 50 minuto

I. Mga Layunin:
Pagkatapos ng 50-minutong talakayan, ang mga bata ay inaaasahang:
a. Nailalarawan kung papaano gumagalaw ang mga hayop;
b. Nakikilala ang mga bahagi ng hayop na ginagamit sa paggalaw; at
c. Nakikilahok sa mga talakayan sa gawaing klase

II. Paksang Aralin


a. Paksa: Bahagi ng Katawan ng mga Hayop na Ginagamit sa Paggalaw
b. Sanggunian: Science TG pp. 68-70, Science LM pp.64-67 K-12 Kasanayang Kurikulum
c. Kagamitan: Laptop, Speaker, mga larawan, plaskard, tunay na bagay, tsart, atbp
d. Pagpapahalaga: Pangangalaga at Pagmamahal sa mga Hayop
e. Integrasyon: Edukasyon sa Pagpapakatao

III. Pamamaraan:

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda

Magandang umaga mga bata! Magandang umaga din po Gng. Lopez at kapwa
ko mag-aaral.

Bago kayo maupo pakipulot muna ninyo ang mga


kalat sa gilid ng inyong mga upuan.

Maaari na kayong maupo.


Salamat po ma’am.

2. Balik-aral

Anu-ano ang mga alaga ninyong hayop sa iyong


tahanan?

Magbigay nga ng isa Kate.


aso po ma’am
Mahusay!

Ano pa Jessica?
pusa po ma’am

MATHEMATICS 1 1
6

Magaling.

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak

Mga bata ano ang makikita ninyo sa mesa?


kahon po ma’am
Tama.

Ano kaya ang laman ng kahon na ito, maaari niyo


bang hulaan? (huhulaan ng mga bata)

Tama. Tingnan natin kung tama ang inyong mga


hula. Tatawag ako ng isa sa inyo para siya ang unang
bubunot.

Maaari mo bang subukan, Jamaica?


(bubunot ang bata sa harapan)
Ano ang kaniyang nabunot?
ibon po ma’am
Magaling!

(Ilahad din ang mga ibang hayop na nasa kahon)

Ilan lahat ang mga hayop na naririto sa ating mesa


ngayon?
Maaari mo bang bilangin, CJ?
sampu po ma’am
Tama!
At ano naman ang mga kulay nito?

Magbigay ka nga ng isa Alysa.


kulay kape po ma’am

Wasto!
Kung may mga alaga kayo na katulad nito, ano ang
dapat mong gawin? alagaan at mahalin po natin sila ma’am
Subukan mo nga Kate.

C. Paglalahad ng Paksa:

Anong bahagi ng kanilang katawan ang


ginagamit para sila ay makalangoy?

Magbigay ka nga, Jane. buntot po nila ma’am

MATHEMATICS 1 2
6

Tama.

Magbigay nga rin kayo ng mga hayop na kalabaw po ma’am


naglalakad at tumatakbo na nabanggit sa awit.

Mahusay!

D. Pagtatalakay:

May ipapakita ako sa inyo, ano ang nakikita ninyo sa kahon po ma’am
mesa?

Tama!

Ito ay isang kahon ngunit ginawa kong mini aquarium.


Ngayon, ano ang nakikita ninyong laman nito? mga isda po ma’am

Mahusay!

Ang gagawin natin ngayon ay tayo’y mamimingwit.

( Ilalahad ng guro sa mga bata ang laman ng kahon


ngunit sa tulong ng mga bata sila ang mamimingwit sa
loob ng kahon )

Sino ang unang susubok na mamimingwit? Subukan mo


nga Rose. (mamimingwit ang bata)

Mahusay!

Ngayon ating tingnan ang nakasulat sa isdang nahuli ni


Rose.

( Tatawag ng batang babasa nito sa harapan at gawin


niya ang ipapagawa ng guro )

Maaari mo bang basahin, Jay?


paru-paro po ma’am
Tumpak!

Ngayon, maaari mo bang gayahin o tularan kung paano


gumalaw ang isang paru-paro? (gagayahin ng bata ang galaw ng isang paru-
paro)
Magaling!

Anong bahagi ng katawan ng paru-paro ang ginagamit sa

MATHEMATICS 1 3
6

paggalaw?
pakpak po ma’am
Tama!

Magbigay ka pa nga ng hayop na pakpak ang ginagamit


sa paggalaw. Subukan mo nga Jam.
ibon po ma’am
Mahusay!

Subukan mo nga ring mamingwit, Alysa.


(mamimingwit ang bata at sasabihin kung ano
ang nakasulat)
Ngayon, maaari mo bang ipakita sa amin kung paano
gumalaw ang palaka?
(ipapakita ng bata kung paano gumalaw ang
isang palaka)
Mahusay!

Ano naman ang ginagamit ng mga palaka para sila ay


makatalon?
Subukan mo nga, Joy.
Ginagamit po nila ang kanilang baluktot na paa
ma’am
Magaling!

Subukan mo nga ring mamingwit, Jam.


(mamimingwit ang bata at ipapakita ipapakita
kung ano ang nasa larawan)
Ano ang hayop na nahuli ni Jam?
Maaari mo bang sabihin, Roy?
butiki po ma’am
Wasto!

Ano naman ang ginagamit ng mg butiki para sila ay


makagalaw?
Subukan mo nga, Joy.
Ginagamit po nila ang kanilang katawan ma’am
Tumpak!

Lagi niyong tandaan na ang lahat ng hayop ay


magkakaiba ang kanilang galaw at bahagi ng katawan na
kanilang ginagamit sa paggalaw tulad na lamang ng isda
na ginagamit ang buntot upang makalangoy, ang
pakpak ng paru-paro at ibon upang makalipad, ang
baluktot na paa ng palaka upang makatalon at ang
katawan ng butiki upang makagapang.

MATHEMATICS 1 4
6

E. Pangkatang Gawain

Pangkat I: Gayahin ang galaw ng mga hayop.

Pangkat II: Gumawa ng Talahanayan para sa mga hayop.

Pangkat III: Isulat ang mga bahagi ng katawan kung


paano sila nakakagalaw.

F. Pagsasanay

Panuto: Isulat ang mga bahagi ng katawan na ginagamit


sa paggalaw ng mga hayop sa bilang.
- Buntot
1. Dolphin
- Paa
2. Pusa
- Katawan
3. Uod
- Pakpak
4. Paniki
- Baluktot na paa
5. Palaka

G. Paglalahat

Anu-ano ang mga hayop na ating mga napag-aralan?


Magbigay ka nga ng isa April.
paru-paro ma’am
Tama!

Paano gumalaw ang mga paru-paro?

Mahusay!

At anong bahagi ng kanilang katawan para sila ay pakpak po nila ma’am


makagalaw?

Tama! paglakad ma’am

Ngayon, anu-ano ang mga galaw na ginagawa ng mga


hayop? Magbigay ka nga ng isa Jane.
paglukso ma’am
Wasto!

Subukan mo nga rin Miguel? paglipad ma’am

MATHEMATICS 1 5
6

Mahusay!
paggapang ma’am
Ano pa Nica?
paglangoy ma’am
Tama! Subukan mo nga rin Janelle.

Mahusay! Meron pa ba Jona?

Tumpak!

Ayan ang mga kilos kung paano gumalaw ang mga


hayop.
alagaan at mahalin po natin sila
H. Pagpapahalaga

Ano ang dapat nating gawin sa ating mga alagang paliguan at pakainin po natin sila
hayop?

Paano natin maipapakita ang ating pagmamahal sa


kanila?

IV. Pagtataya

Panuto: Isulat ang mga galaw ng hayop sa bawat bilang.

1. Uod
2. Isda
3. Aso
4. Tutubi
5. Kuneho
6. Butiki
7. Balyena
8. Baboy
9. Paniki
10. Palaka

V. Takdang-Aralin

Sumulat ng dalawang hayop na may galaw sa


paglalakad, paglukso, paglangoy, paglipad at paggapang.

MATHEMATICS 1 6

You might also like