Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V
Sangay ng Sorsogon
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG CALAO
Calao Prieto Diaz, Sorsogon
TP: 2022-2023
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO PANANALIKSIK II
UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT (2nd Sem)
Pangalan: Iskor:
Taon at Pangkat Petsa:
Panuto: Kilalanin ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang uri ng teksto. Isulat ang titik ng wastong sagot.
1. Proseso ng pag-aayos, pagkuha, at pag-unawa ng anumang uri at anyo ng impormasyon o ideya na kinakatawan
ng mga salita o simbolo na kailangang tinganan at suriin upang maunawaan.
A. Pakikinig C. Pagbasa
B. Panonood D. Pagsasalita
2. Isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon at tinatawag din itong
ekspositori.
A. Tekstong Argumentatibo C. Tekstong Persweysib
B. Tekstong Impormatibo D. Tekstong Prosidyural
3. Sa Wikang Filipino, ang wastong ayos ng pangungusap ay nasa anyong ______ + ______ o kaya ay simuno +
panaguri.
A. Panaguri + Simuno C. Pang-abay + Pandiwa
B. Pagbibigay-Depinisyon D. Sanhi at Bunga
4. Ang Pagtitig ba ay tinatawag din na fixation?
A. Oo, dahil ito ay napapatitig ang mata upang kilalanin at intindihin ang teskto
B. Hindi, dahil ito ay napapatitig ang mata upang kilalanin at intindihin ang teskto
C. A at B ang tamang sagot
D. Wala sa banggit
5. Kapag ang isang teksto ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan, sitwasyon at iba pa.
Ang uri ng sulating ito ay nagpapaunlad sa kakayahan ng mag-aaral na bumuo at maglarawan ng isang
partikular na karanasan.
A. Tekstong Prosidyural C. Tekstong Persweysib
B. Tekstong Deskriptibo D. Tekstong Naratibo
6. Kung ilalarawan ang isang kaibigan, maaaring ibigay ang taas, haba ng buhok, kulay ng balat o kursong
kinukuha. Ito ay paglalarawang_______.
A. Deskriptibo C. Obhetibo
B. Impresyon D. Suhetibo
7. Maaaring ilarawan ang kaibigan bilang hingahan ng sama ng loob, madalas na nakapagpapagaan ng mga
suliranin, o kaya ay bukas na libro sa lahat. Ito ay paglalarawang_____.
A. Deskriptibo C. Obhetibo
B. Impresyon D. Suhetibo
8. Isang uri ng di-piksyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon sa manunulat
hinggil sa isang isyu.
A. Tekstong Prosidyural C. Tekstong Persweysib
B. Tekstong Deskriptibo D. Tesktong Naratibo
9. Layunin ng tekstong ito na magsalaysay o magkuwento batay sa isang tiyak na pangyayari, totoo man o hindi.
Maaaring ang salaysay ay personal na naranasan ng nagkukuwento batay sa tunay na pangyayari o kathang-isip
lamang.Ito ay maituturing na Tekstong___.
A. Tekstong Argumentatibo C. Tesktong Prosidyural
B. Tesktong Deskriptibo D. Tekstong Naratibo
10. Sa tuwing tayo’y nagbabasa, ang simbolo o imahe ay mga liwanag na tumatama sa _____ ng ating mata.
A. Retina C. Estruktura
B. Mata D. Paksa
11. Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay maaaring maging mabuting kaibigan. Anong cohesive device ito?
A. Ellipsis C. Reperensiya (Katapora)
B. Substitusyon D. Reperensiya (Anapora)
12. Piliin ang pahayag sa ibaba ang halimbawa ng Kohesyong Leksikal na Kolokasyon
A. Nana-Tatay
B. Anak-Aso
C. Nagtatanim sila ng mga gulay sa bakuran
D. Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan. Ang mga batang ito ay nagtatrabaho na sa murang
gulang pa lang.
13. Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala sa parirala, at
pangungusap sa pangungusap.
A. Substitusyon C. Pang-ugnay
B. Reperensiya D. Ellipsis
14. Isang uri ng teksto na nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin
gamit ang mga ebidensiya mula sa personal na karanasan, kaugnay na literatura at pag-aaral, ebidensiyang
kasaysayan at resulta ng empirikal na pananaliksik.
A. Tekstong Argumentatibo C. Tekstong Persweysib
B. Tekstong Prosidruyal D. Tekstong Naratibo
15. May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaaasahang maiintidihan o magiging malinaw pa rin sa
mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng
nawalang salita.
A. Reperensiya C. Ellipsis
B. Pang-ugnay D. Argumento
16. Elemento ng pangangatwiran na kung saa’y paglalatag ng mga dahilan at ebidensya upang maging makatwiran
ang isang panig.
A. Pangangatwiran C. Proposisyon
B. Panghihikayat D. Argumento
17. Isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksiyon kung paanong isasagawa ang
isang tiyak na bagay. Layuning makapagbigay ng sunod-sunod na direksyon upang maisagawa ang mga gawain
sa ligtas, episyente at angkop na paraan.
A. Tekstong Argumentatibo C. Tekstong Persweysib
B. Tekstong Prosidyural D. Tekstong Naratibo
18. Isa sa nilalaman ng teksto ay ang naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng
pamamaraang isinagawa.
A. Layunin o target ng awtput C. Kagamitan
B. Ebalwasyon D. Metodo
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Iugnay ang katangian ng iba’t ibang uri ng teksto batay sa
pahayag/sitwasyon.
19. Maraming nasalanta sa pagdaan ng bagyo sa lalawigan ng Quezon noong taong 2004. Bukod sa bagyo ay
gumuho pa ang kabundukan na ikinamatay ng maraming mamamayan. Natabunan sila ng umaagos na tubig,
lupa malalaking bato at mga troso. Ang trahedyang ito ay isinisisi sa ilegal na pagtrotroso. Dahil sa kalbo na
ang bundok, gumuho ang lupa nito dahil wala nang kumakapit sa lupa tulad ng ugat ng mga puno.
A. Paglilista ng klasipikasyon C. Paghahambing
B. Pagbibigay-depinisyon D. Sanhi at Bunga
20. Ang istetoskowp ay isang uri ng instrumentong pangmedisina upang pakinggan ang daloy ng hangin sa baga
at gayon din ang tibok ng puso ng may karamdaman. Kalimitang ginagamit ito ng mga doctor sa medisina at
mga nars sa ospital. Napakahalagang instrument ito ng mga tagapangalaga ng kalusugan ng sangkatauhan.
A. Paglilista ng klasipikasyon C. Paghahambing
B. Pagbibigay-depinisyon D. Sanhi at Bunga
21. Ang isang set ng kompyuter ay binubuo ng mga sumusunod: CPU, Monitor, Mouse, Keyboard, at AVR o
automatic voltage regulator. Ang mga opsyonal na bahagi nito ay ang printer at scanner. Ibig sabihin,
maaaring wala ang mga kagamitang ito.
A. Paglilista ng klasipikasyon C. Paghahambing
B. Pagbibigay-depinisyon D. Sanhi at Bunga
22. Dalawang uri ng pamahalaan ang umiiral sa kasalukuyan, ito ay ang presidensyal at parlyamentari. Ang
pinakamataas na nanunungkulan sa Presidensyal at tinatawag na pangulo, samantalang ang sa parlyamentari
ay tinatawag na Punong Ministro. Gayon pa man, parehong demokrasya ang pinaiiral sa dalawang uri ng
pamahalaan. Ang karapatan ng mamamayan, kapayapaan, at hustisya ay pinangangalagaan din sa dalawang
anyo ng pamahalaan.
A. Pagbibigay-depinisyon C. Paghahambing
B. Paglilista ng klasipikasyon D. Sanhi at Bunga
23. “Mabagal at tila hirap na hirap si Pagong habang inihahakbang ang kanyang maliliit na mga paa. Bukod
dito,kuba na rin siya sa pagdadala ng kanyang mabigat na bahay sa kanyang likuran.” Anong paglalarawan
ang inilapat sa pahayag?
A. Deskriptibo C. Suhetibo
B. Impresyon D. Obhetibo
24. “Talagang marami ang nagugutom sapagkat kulang sa disiplina ang mga mamamayang namihasa sa
pagwawalang-bahala.Marami sa mamamayan natin ang umaasa sa gobyerno. Dinaranas ang kahirapan sa
kawalan ng motibasyon na magbanat ng buto sa mabuting paraan.” Alin sa pahayag ang proposisyon?
A. Talagang marami ang nagugutom sapagkat kulang sa disiplina ang mga mamamayang namihasa sa
pagwawalang-bahala
B. Dinaranas ang kahirapan sa kawalan ng motibasyon na magbanat ng buto sa mabuting paraan.
C. Konti ang nagugutom sapagkat sapat disiplinado ang mga mamamayan
D. Marami sa mamamayan natin ang umaasa sa gobyerno
25. “Talagang marami ang nagugutom sapagkat kulang sa disiplina ang mga mamamayang namihasa sa
pagwawalang-bahala. Marami sa mamamayan natin ang umaasa sa gobyerno. Dinaranas ang kahirapan sa
kawalan ng motibasyon na magbanat ng buto sa mabuting paraan.” Alin ang isa sa pahayag ang maituturing
na argumento?
A. Talagang marami ang nagugutom sapagkat kulang sa disiplina ang mga mamamayang namihasa sa
pagwawalang-bahala
B. Dinaranas ang kahirapan sa kawalan ng motibasyon na magbanat ng buto sa mabuting paraan.
C. Konti ang nagugutom sapagkat sapat disiplinado ang mga mamamayan
D. Marami sa mamamayan natin ang umaasa sa gobyerno
26. “Bagama’t hirap na hirap na sa paglalakad, tumingin si Pagong sa kanyang pakay- ang puno ng saging sa
dulo ng daan. Sa kabila ng pagod ay napangiti siya at buong giting na sinasabi sa sariling ”Kaya ko
ito”.Ipinapahiwatig ng pahayag na ito ang paglalarawang_____.
A. Deskriptibo C. Suhetibo
B. Impresyon D. Obhetibo
27. Bulubundukin ang lugar. Malalakas ang mga tahol ng aso na sinaliwan ng mga tilaok ng mga tandang.
Malapit ng magbukang liwayway. Marami-rami na ring mga huni ng ibon na nais kumawala at nais liparin
ang himpapawid subalit ‘di nila magawa sapagkat nagbabadya ang masungit na panahon. Anong bahagi ng
tekstong naratibo ang inilapat ng may-akda?
A. Pamamaraan ng narasyon C. Estruktura
B. Oryentasyon D. Paksa
28. “Huwag….Huwag…Huwag maawa kayo. Kunin na ninyo ang maaari ninyong kunin. Huwag lamang ninyo
akong patayin. May mga anak akong binubuhay.Isang malakas na tinig na nagmamakaawa ang paulit-ulit na
naririnig ni Ruben. Isa sa mahalagang bahagi ng teksto na tinatawag na____.
A. Komplikasyon/Tunggalian C. Resolusyon
B. Oryentasyon D. Estruktura
29. Halos lahat ng epiko ay nagtataglay ng mga sumusunod na pangyayari. Una, isisilang ang isang bayani na sa
murang edad pa lamang ay magpapamalas na ng mga kagila-gilalas na kapangyarihan. Ikalawa,
makikipagsapalaran ang bayani. Karaniwang sa isang digmaan mapapasuong ang bayani. Ikatlo,
magtatagumpay ang bayani at siya ay magbabalik sa kanyang bayan. Sa ilang epiko, ang bayani ay iibig pa at
magpapakasal. Anong katangian ng tekstong prosidyural ang ginamit ng may-akda?
A. Layunin o target na awtput C. Kagamitan
B. Ebalwasyon D. Metodo
30. Ang gitara ay isang uri ng instrumentong pangmusika na nahahanay o nauuri sa string. Upang tumunog ang
instrumentong ito ay kailangang kalabitin ng kanang kamay at titipahin naman ng kaliwang kamay.Malinaw
na ipinapahiwatig ng pahayag ang katangiang Tekstong Impormatibo na______.
A. Pagbibigay-depinisyon C. Sanhi at Bunga
B. Paglilista ng klasipikasyon D. Paghahambing
31. Ito’y paraan ng Manunulat na ginagamit upang makapagganyak o makahikayat ng mga kaisipan at kaugalian.
A. Pathos C. Logos
B. Ethos D. Eros
32. Teksto na nagbibigay diin sa pagkatulad at pagkakaiba – iba ng dalawa o higit pang tao, bagay, kaisipan, o
ideya ng isang pangyayari.
A. Pag – iisa – isa o Enumerasyon
B. Paghahambing at Pagkontrast
C. Problema at Solusyon
D. Depinisyon
33. Umaalingawngaw ang tinig ng asong ulol sa loob ng kuweba. Ano uri ng tayutay ang pangungusap?
A. Onomatopeya C. Personipikasyon
B. Hyperboli D. Metapora
34. Kasingningning ng mga bituin ang iyong mga mata. Ano uri ng tayutay ang pangungusap?
A. Metapora C. Onomatopeya
B. Simili D. Hyperboli
35. Ang estrukturang ito ay kadalasang naghati – hati ng isang malaking paksa o ideya sa iba’t ibang kategorya o
grupo upang magkaroon ng sistema ang pagtalakay.
A. Pagbibigay Depinisyon C. Paghahambing
B. Paglilista ng Klasipikasyon D. Sanhi at Bunga
36. Sa pagsulat ng tekstong ito, hindi dapat magpahayag ng mga personal at walang batayang opinion ang isang
manunulat.
A. Tekstong Argumentatibo C. Tekstong Impormatibo
B. Tekstong Nanghihikayat D. Tekstong Naratibo
37. Nagbibigay panuto o direksiyon kung paano gawin ang isang bagay.
A. Tekstong Impormatibo C. Tekstong Persweysib
B. Tekstong Prosidyural D. Tekstong Naratibo
38. Nilalaman ng bahaging ito kung paano ang kalalabasan o kahahantungan ng proyekto ng prosidyur.
A. Layunin o Target ng Awtput C. Kagamitan
B. Ebalwasyon D. Metodo
39. Ang Opinyon o Lohikal na pagmamatuwid ng manunulat/tagapagsalita
A. Ethos C. Pathos
B. Logos D. Metodo
Panuto: Basahin ang teksto. Suriin ang angkop na datos na inilapat sa seleksyon.
Mapalad ang Pilipinas na pinagpala sa lahat ng bansa dahil sa kahangang-hangang kagandahan
nito. Di- mabilang na nilalang ang nabighani sa bughaw na karagatan nito, luntiang kaparangan at iba’t
ibang uri ng hayop sa kagubatan. Taglay nito ang pambihirang kaanyuan na waring batubalaning
umaaakit sa napakaraming turista.
Tunay na mahaba ang talaan ng maipagmamalaki nitong kaakit-akit na mga tanawin. Nariyan ang
mahiwagang pagyayakapan ng alon at bundok ng mga pulo sa Batanes, Luzon, ang pulu-pulutong na
Hundred Islands na matatagpuan sa Golpo ng Lingayen, Pangasinan at ang hugis balisunsong na
Bulkang Mayon sa Albay, ang matayog na Talon ng Pagsanjan sa Laguna.
Anupa’t isang paraiso na kaloob ng Poong Maykapal ang Pilipinas na maituturing na
pangalawang hardin ng Eden.
40. Ano ang paksa ng teksto?
A. Iba’t ibang tanawing nakakaaakit sa turista
B. Iba’t ibang tanawin sa Pilipinas
C. Paraisong kaloob ng Maykapal
D. Maipagmamalaking tanawin
41. Anong uri ng teksto ang ginamit ng may-akda?
A. Tekstong Impormatibo
B. Tekstong Persweysib
C. Tekstong Deskriptibo
D. Tekstong Naratibo
42. “Di- mabilang na nilalang ang nabighani sa bughaw na karagatan nito, luntiang kaparangan at iba’t ibang uri
ng hayop sa kagubatan” Ang paglalarawan ay tinatawag na____.
A. Impresyon C. Suhetibo
B. Deskriptibo D. Obhetibo
Agosto 8, 2016
Mahal kong Itay at Inay,
Sa darating na Linggo, Agosto 15, ay bigayan po ng kard nina Lexter. Ipinagbilin po ng kanyang tagapayo na
makipagkita ako sa kanya. Binanggit po niya na bumagsak si Lexter sa lahat ng aralin dahil sa pagliban-liban niya
sa klase. Laging natutulog sa klase dahil sa mukhang antok na antok. Hindi rin siya nakakapasa dahil sa walang
nagagawang takdang aralin.
Palagay ko Inay, napapasama po siya sa masasamang barkada. Sana po ay hindi magkatotoo ang aking hinala.
Akin po siyang haharapin at kung magkatotoo ang aking kutob, patitigilin ko na po lamang siya at pauuwiin ko na
lamang diyan. Sa isang taon na po ninyo siya ipasok diyan sa atin. Alam naman po ninyong maghapon ako sa
trabaho, kaya hindi ko po siya laging nasusubaybayan.
Salamat po sa inyo!
Nagmamahal,
Gessel
43. “Binanggit po niya na bumagsak si Lexter sa lahat ng aralin dahil sa pagliban-liban niya sa klase”ang pahayag
ay nagpapahiwatig ng:
A. Paglilista ng klasipikasyon
B. Pagbibigay-depinisyon
C. Paghahambing
D. Sanhi at bunga
44. Sa kabuuan ng liham, ang teksto ay nasa uring:
A.
B. Tekstong Impormatibo D. Tekstong Deskriptibo
C. Tekstong Persweysib E. Tekstong Naratibo
Naging kasamahan ni Julio si Atong sa trabaho sa konstruksyon. Naging kaibigan. Ang nagdaang buhay ng
pamilya ni Atong ay nagpagunita sa kaapihang tinamo ng pamilya ni Elias sa Noli Me Tangere. Tulad ng pamilya
ni Elias, ang pamilya ni Atong ay inagawan din ng lupa. Tulad ni Elias, may isa ring kapatid na dalaga si Atong,
si Perla. Mahal na mahal niya ang kapatid. Balak niyang ibili ito ng sapatos at damit sa Pasko. Ngunit hindi
natupad ang munting pangarap ni Atong. Ang kanyang suweldo ay hindi ibinigay sapagkat kulang pa raw ang
pambayad sa basag na habonerang pilit na ipinasasagot sa kanya gayong hindi naman niya kasalanan ang
pagkabasag. Nakiusap si Atong sa namamahala sa kanilang si Kalbo. Sininghal siya ni Kalbo, na mainit ang ulo
dahil sa pagkatalo sa sugal.
Hindi nakapagtimpi, binuntal ni Atong si Kalbo.
Dinakip si Atong. Ginulpi sa City Jail. Dinala sa ospital at doon namatay. Ang pahayag sa City Jail ay
nakipag-away si Atong sa isang barkadang kasama sa selda.
45. Ang tagpuan sa binasang teksto ay_____.
A.
B. Kontruksyon D. City Jail
C. Ospital E. Selda
46. Ang tunggalian sa teksto ay______.
A. Tao vs. Kalikasan C. Tao vs. Sarili
B. Tao vs. Lipunan D. Tao vs. Tao
47. “Tulad ni Elias, may isa ring kapatid na dalaga si Atong, si Perla. Mahal na mahal niya ang
kapatid”ipinahihiwatig ng may-akda sa pahayag ang paglalarawang____.
A. Deskriptibo C. Suhetibo
B. Impresyon D. Obhetibo
48. Batay sa teksto, ano ang ginamit na ayos ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari o estruktura?
A. Mula sa gitnang pangyayari tungo sa gitna C. Pagsusunod-sunod na pangyayari
B. Nagsimula sa dulo papuntang unahan D. Klasipikasyon
49. Ano ang pangunahing paksa ng teksto?
A. Ang kalupitang dinanas ni Atong C. Ang pangarap ni Atong
B. Ang kamalasan ni Atong D. Ang alaala ni Atong
50. Sa kabuuan, ang uri ng tekstong binasa ay______.
A. Tekstong Impormatibo C. Tekstong Deskriptibo
B. Tekstong Persweysib D. Tekstong Naratibo