Ikalimang kabanata: Pag-alam sa mga ponema at morpema
A. Panimula. Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa kung paano Inaalam ang mga ponema at
morpema ng isang wika ang isang guro ng Filipino ay kailangang magkaroon ng sanligang kaalaman sa
bagay na ito lalo na kung siya’y nagtuturo sa pook ng mga di-tagalog.
upang maging mabisa at matipid sa panahon ang pagtuturo ng guro ay kailangang malaman niya
ang mga katangian o kakayahan kundi lamang ng pilipino kundi gayundin ng wika ng unang wika ng mga
batang kanyang tinuturuan sapagkat kung totoong ang artikulasyon sa pananalita ng isang bata sa kanyang
natutuhan at kinagawian sa kanyang unang wika ay nagkakaroon ng kaugnayan sa kanyang pag-aaral ng
aling ba ng pangalawang wika ang isasagawang pahambing na pagsusuri ng guro sa Filipino bilang
pangalawang wika at sa wika ng pook bilang unang wika ay makatutulong ng malaki sa kanya upang
alamin kung alin alin ang kanyang dapat bigyang-diin sa kanyang mga paksang aralin.
Kung ang kabuuan ng isang wika ay hahatiin sa tatlong Antas palatunugan o ponolohiya
palabuuan o morpolohiya at palaugnayan o sintaksis Kailangang malaman ng guro kung saan saan
nagkakatulad at nagkakaiba ang Pilipino at wika ng po sa batas na nabanggit sa mga bahagi ng
nagkakatulad ang dalawang wika ay halos nakatitiyak ang guro na walang magiging suliranin ng mga mag-
aaral ngunit sa mga bahagi ng nagkakaiba ang dalawang wika ay hindi na kailangang patunayan pa na tiyak
na makasusumpong ang guro ng di biro-biro mga suliranin sa kanyang pagtuturo
ngunit bago makapagsasagawa ng pahambing na pagsusuri ang guro sa alin man sa nabanggit na
tatlong antas ng wika ay kailangan mo ng suriin niya ang wika ng po kailangan alamin nyo muna kung ano-
ano ang mga ponema ng wika ng po kung paano ang ng mga ponema ng wikang ito ay pinagsasama-sama
upang bumuo ng problema at kung papaano ang mga morpemang ito ay pinagsasama-sama upang bumuo
ng iba't ibang pangungusap.
B. Mga hakbang sa pagsusuri. Sa pagsusuri ng isang wika ay Karaniwan inuuna ang tungkol sa
palatunugan nito Inaalam muna ng nagsusuri kung ano-ano ang mga tunog na makahulugan Opo ni Mico
ang sinasabi ng wika Pagkatapos ay saka pa lamang siya tutungo sa ikalawang Antas ang pag-alam sa mga
morpema ngayon din ang pagsusuring syntactic Oo naman ay karaniwang isinasagawa kung nasuring na
ng nagsusuri ang palatunugan at palabuuan ng wika gayunpaman may mga dalubwika na nagsisimula sa
gramatika na sumasakop sa morpolohiya at sintaksis at pagkatapos ay saka pa lamang tungo sa palatunugan
tingnan natin kung paano karaniwang magsasagawa ng pagsusuri ang isang raw sa palatunugan ng isang
wika
unang-una dapat isagawa ng guro ay ang pagkuha ng impormante ang impormante ay isang taong
ang unang wika ay wika ng sinusuri kung may isang wika ng kapwa nauunawaan ng nagsusuri at ng
impormante ang pagsusuri ay hindi gaano magiging mahirap kung kapos na marunong Ingles halimbawa
magtatala lamang ang pagsusuri ng mga salita sa Ingles at pagkatapos ay pagbibigay niya sa impormante ang
katumbas sa wikang sinusuri Ngunit kung walang common language na magagamit ang nagsulat ng
impormante makabubuting gumamit ang una ng mga larawan ng makapal na bagay mabisa rin ang
paggamit ng aso para sa mga pandiwa at pang-uri.
Ang bawat salitang bibigkasin ng kanyang impormante ay kailangang Pakinggan mabuti ng
nagsusuri upang kanyang maitala ng maayos ang pagtatala ay kailangang gamitan ng isang sistema ng
transcription na magbibigay ng isang simbolo sa bawat tunog sa mga salitang bibigkasin ng impormante ng
higit na mabuting magsimula muna sa mga salita sa halip na sa mga parirala o pangungusap sapagkat may
kahirapang pakinggan gayahin ati transcribe ang mga may kahabaang pananalitâ karaniwang ang
pagtatanungan ay nagmumula sa mga pangalan ng mga karaniwang bagay sa paligid kung sanay na ng
impormante ay maaari ring magsama ng mga pandiwa at pang-uri
ng impormal kung recorder Mabuti rin ako ng nasusuri ang pagbibigkas ng impormante sinabi na
ating mabuting di recorder sapagkat kung hindi rin lamang makakuha week na maka kahawig ng orihinal
ang boses ay makabubuti pang wag ng mag-aral cord kalabisan ng sabihin pang ito ang pagmumulan ng
maligtas at kung mali ang transcription tiyak na maging mali na rin ang resulta ng isasagawang pagsusuri
habang binibigkas ang isang salita ipinapayong obserbahan din ang nagsusuri ang bibig ng
impormante ang totoo kung mag kapalagayang loob na ang nagsusuri at ang impormanteng makabubuti
pa ring obserbahan ng una ang loob ng bibig ng huli upang matiyak ang punto ng artikulasyon sa
pagbigkas ng mga tunog ng bibig ay nakabukas
ang pagtatanungan ng nagsusuri at ng impormante ay hindi kailangang tapusin sa minsang
paghaharap may mga pagkakataon din na higit na magiging praktikal para sa isang nagsusuri ang paggamit
ng higit sa isang impormante lalo na sa mga bahagi ng sa ay may duda
makabubuting ng banggitin dito na ang sistema ng mga ponema o palatunugan sa unang wika ng
nagsusuri ay nagkakaroon ng impluwensya sa kanyang isinasagawa ng pagsusuri na kahit ang isang
nagsusuri ay may sapat na kaalaman sa ganitong uri ng gawain hindi rin niya maiwasan laging maiuugnay
ang kanyang unang wika sa kanyang wika ng sinusuri
narito ang karaniwang pagkakamali ng isang nagsusuri:
1. sa iisang ponema ay higit sa isang simbolo ang ginagamit alalaong baga ang mga alopono
ng isang ponema ay nagkakaroon ng kanya-kanya at Magkaibang simbolo
2. sa dalawang ponema ay isang simbolo lamang ang ginagamit ng dalawang Magkaibang
ponema ay maituturing na mga alopono lamang ng isang ponema
3. ang isang makahulugang tunog o ponema ay hindi nabibigyan ng kaukulang simbolo ng
yayari ang ganito kalimitan sa mga ponemang wala sa palatunugan ng wika ng nagsusuri
4. ang isang simbolo ay kumakatawan sa dalawang magkasunod na ponema o ang
kabaligtaran nito. Ang /c/ ng wikang Kastila ay malamang na kilalaning dalawang
magkahiwalay na ponema ng isang Pilipino- ang /t/ at /s/- sapagkat sa knayang wika ay
walang ganitong uri ng tunog. Sa kabilang dako, kung ang isang Kastila naman ang
magsususri ng wikang Pilipino, malamang na ang /t/ at /s/ sa mga salitang tulad ng itsura,
kotse at abtp. Ay tumbasan niya ng isang simbolo lamang- /c/.
Sa ikalawang hakbang ng pagsusuri ay hindi mo na kakailanganin ng impormante dito magsasagawa ng
pag-iimbentaryo ang nagsusuri sa iba't ibang tunog ng kanyang sinusuri ng wika sa pamamagitan ng
kanyang naitalang salita na binigkas ng impormante sa mga bahagi ng siya ay may duda ang bigkas ay
maaari niyang pakinggan ng paulit-ulit sa tape recorder sa bahaging ito pansamantalang pagsasama-
samahin ng nasusuri ang mga tunog na pinagsususpetsahan o pinagdududahang magkatulad o mga
alopono lamang ng isang ponema sa isasagawang pagkak klasipikado ay maaaring mangyari na ang isang
tunog ay mapasama sa higit sa isang pangkat subalit sa gagawa ng pagpapangkat-pangkat ay kailangang
maging praktikal alalaong baga'y iwasan ang pagpapares ng mga tunog na masyadong magkalayo o
magkaiba at samakatuwid ay hindi maaaring maging mga abono ng isang ponema halimbawa sa tatlong
tunog na m, k, kh halos matitiyak na ang pagsusuri na ang m&k ay Magkaibang ponema kaya dapat
paghiwalayin ngunit ang k&kh ay maaaring mga puno lamang ng isang ponema kay at makatwirang ang
mga ito ay Ituring na suspicious pares o pinagsususpetsahang pares
sa ika-apat na kabanata ay napag-aralan natin na ang ponema ay may mga katangiang tulad ng mga
sumusunod isang grupo ng magkakahawig na tunog na magkakatulad sa punto at paraan ng artikulasyon
at may kanya kanyang sistema ng distribusyon sa wikang pinag-uusapan mapapansin sa binanggit na
Depinisyon na may mga sukat ang dapat isaalang-alang sa pagkilala ng dalawa o higit pang tulog bago
Maituring na ang mga ito'y alopono lamang ng isang ponema ang una ay ang pagkakatulad ng ponetiko o
pagkakatulad ng punto ay paraan ng artikulasyon ang ikalawa ay ang pagkakaroon ng kanya-kanyang
sistema ng distribution ng ibig sabihin ay maaaring ang mga tunog ay nasa distribusyong komplimentaryo
na kaya lamang nagkakaroon ng bahagi ang pagkakaiba ay dahil sa impluwensya ng kani kanilang
kapaligiran.
Ang ikatlong hakbang, pagkatapos maiklasipika ang mga tunog, ay ang pagsuri o pag-aaral sa
distribusyon ng mga pinagsususpetsahang pares o grupo ng mga tunog. Subuking
Ika-anim na Kabanata: Pagsususri sa dalawang modelong panggramatika ni Chomsky
A. Panimula. Tatangkain natin ditong magbigay ng payakng paglalarawan sa dalawang modelong
panggramtika ni Chomsky, (2) gamitin ang dalawang modelo sa pangungusap na Bumili ng kendi
si Mario para sa bata, (3) talakayin ang kalakasan at kahinaan ng dalawang modelo, at (4)
magbigay ng ilang kuru-kuro tungkol sa implikasyon ng mga ito sa larangan ng pagtuturo ng wika.
B. Pabuod na Kasaysayan ng Dalawang Modelo.
1. Structures 1957. Noong mga taong 1951 at 1955, samantalang nag-aaral sa Harvard University
bilang isang fellow, si Chomsky ay nagkaideya na ang pag-aaral ng sintaks o palaugnayan ng isang
wika ay maaaraing isagawa sa paraang autonomous o hiwalay sa ibang antas ng wika. BAgo riot,
ang interes ni Chomsky ay tungkol sa tinatawag sa Ingles na ‘mathematical theory of formal
languages’. Noong 1957, pagkatapos niyang mahantad sa mga kilalang linggwistang tulad nina
HArris, Goodman, Quine, Halle, atpb. Ay nagpalabas si Chomsky ng isang monograp na may
pamagat na Syntactic structures, isang kaganapan ng kanayang matibay na paniniwala na ang
gramatika ay mapag-aaralan nang hiwalay sa kahulugan. Kung sabagay ay hindi naman niyang
lubusang isinasantabi ang semantike sapagkat tinanggap naman niya na ang relasyon ng sintaksis at
semantika ay maaaring pag-aaralan pagkatapos pag-aralan nang hiwalay ang sintaksis.
Nang lumabas ang Syntactic structures ni Chomsky ay nayanig ang pundasyon ng Istrukturalismo
sa Amerika. Magugunita na ang mga panahong iyon, ang daigdig ng linggwistika sa AMerika ay
nadodominahan ng Istrukturalismo na pormal na nagsimula nang ipalathala ni Bloomfiled ang kanyang
aklat na may pamagat na Language noong 1933. Lumaganap nang lumaganap at naging palasak sa
Amerika ang Istrukturalismo makaraan ang mga dalawampung taon.
Sa kabuuan, ang mga istrukturalista at nagbibigay-diin sa istruktura o anyo at hindi sa kahulugan.
Para sa kanila, ang semantika ay hindi lubhang mahalaga bagama’t hindi nila kailanman ikinaila na ang
wika ay binubuo ng tunog at kahulugan. Si Bloomfiled mismo ang nagsabing “in human speech, different
sounds have different meanings. To study this coordination of certain sounds with certain meanings is to
study language.” Gayunpaman, may mga pagkakataon na si BLoomfiled ay nagsasawalang-kibo na lamang
kapag hindi niya maipaliwanag sa mga kaagham na pamaraan ang tungkol sa semantika ng wika. Ito ang
maaaring matibay na dahilan kung bakit karamihan sa gawa ni Bloomfiled ay tungkol sa ponolohiya o
palatunugan na nagpapatotoo sa sabi ng makabagong linggwista na si Bloomfield at ang kanyang mga
kasama ay sobra ang ginagawang pagpapahalaga at pag-aaral sa palatunugan (phonetic bias). Ang totoo,
kahit ang tinatawag na neo-Blomfieldians o ang pangkat ng mga makabagong linggwista na naniniwala pa
rin kay Bloomfield ay nagsasabing ang iba’t ibang antas ng wika ay maaaring pag-aralan nang hindi na
kailangan isaalang-alang pa ang kahulugan. Si Harris, halimbawa, na kilala bilang ‘transitional figure’ sa
mga naniniwala sa istrukturalismo at sa transpormasyonalismo ay nakilala pa rin nitong dakong huli dahil
sa kanyang ‘philosophical reductionism’ na ang ibig sabihin ay sa pamamagitan lamang ng mga tunog
inilalarawan niya ang isang wika.
Bumalik tayo kay Chomsky. Sa aklat ni Chomsky ay nagpakita siya ng isang modelo, isang paraan
ng paglalarawan sa ‘competence’ ng isang tao sa paggamit ng wika. KAtumbas ang ‘competence’, sabi niya,
ng tinatawag ni Humbolt na ‘Form’. Ang anyo ng wika, ayong kay Chomsky, ay yaong walang
pagbabagong salik na nagbibigay -buhay at kahalagahan sa bawat partikular na pagsasalita. Sa ibang salita,
sa pamamagitan lamang ng kaalaman sa panloob na representasyon ng anyo maaaring magkaroon ng
kakayahan ang isang tao sa pag-unawa at paggamit sa isang wika. Na kaya lamang nagkakaunawaan ang
dalawang taong nagtatalastasan aya sapagkat kapwa nila alam ang panloob na anyo ng wikang kanilang
ginagamit. Para kay Chomsky, ang panloob na anyong ito ng wika ang siyang kailangan mailarawan sa
isang gramatika.
Sa Structures 1957 ay tinignan ni Chomsky ang wika sa isang paraang matematikal. Ginamit
niya rito ang kanyang kaalaman sa matematika, tulad ng tinatawag niyang ‘probabilistic theory, set
theory, finite state theory, concatenation algebra, graph theory’, atpb. Ginamit din niya rito ang kanyang
kaalaman sa ‘computer languages’ at ‘symbolic logic.’ Sinabi niya ang kanyang modelo sa gramtika ay tulad
ng isang automaton na magpapalabas ng lahat ng maaaring palabasing tamang pangungusap sa isang
partikular na wika.
Ang pamamaraan ni Chomsky ay maituturing na di natural sa paraan ng paglalarawan sa wika, lalo
na ng mga di nakakaunawa sa kanyang ginagawa. Maaaring sabihin na pinahihirap ni Chomsky ang pag-
aaral sa isang buhay na kasangkapan sa pakikipagtalastasan ng tao - ang wika. Subalit naking kay Chomsky
ang daigsdig ng linggwistika, kundi man naniwala ang karamihan. Maaaring ang dahilan ay sapagkat
dumating ang modelong ‘matematikal’ ni Chomsky nang ang daigdig ay nagbabago tungo sa panahon ng
‘computer’.
Sa kabuuan ay tinangka ni Chomsky na bumuo ng isang modelong panggramatika sa anta ng
sintaksis na tinawag niyang ‘phrase structure’. Sa ibang salita, ang kanyang gramatika ay magpapalabas ng
mga parirala. At kung titignan nang malapitan ang kanyang modelo, masasabing sa ubod niyon ay naroon
pa rin ang paraang ginagamit sa modelong Immediate Constituent. Naiba lamang ang paraan ng
paglalarawan. Ang sabi nga ni Chafe tungkol sa modelo ni Chomsky: “Chomsky’s notion of phrase
structure seemed to be a caricature of the IC model as I understood it.”
Ang nasa itaas ay ang unang komponent ng gramatika heneratibo ni Chomsky, ayon sa kanyang
Structures 1957. Binubuo ito ng ‘phras-structure rules’ na magpapalabas ng pangungusap na
kumakatawan o nagrerepresenta sa balangkas ng isang pangungusap. Ayon kay Chomsky ay mapapadali at
magagawang payak ang paglalarawan sa mga pangungusap sa Ingles kung lilimitahan o magmumula sa mga
pangungusap na kernel at mula rito’y bubuo ng iba pang mga pangungusap sa pamamagitan ng paggamit
ng mga transpormasyon.
Ang panagalawang komponent ng modelo ni Chomsky ay binubuo ng mga tuntuning
transpormasyonal. Sa pamamagitan ng mga tuntuning transpormasyonal na ito ay maaaring isagawa ang
mga sumusunod: (1) permutasyon - pagbabagong-ayos ng mga salita sa pangungusap (e.g. ang
pangungusap na tahas ay gagawing balintiyak, (2) pagdaragdag (adjunction) - pagdaragdag ng mga salita
sa pangungusap, (3) pag-uugnay (conjoining) - pagsasama sa dalawang pangungusap, (4) pagbabawas -
pagkakaltas ng mga salita sa pangungusap, at (5) pagpapalit - pagpapalita sa isang salit o parirala ng ibang
salita o parirala.
Kinlasipika ni Chomsky ang lahat ng transpormasyon sa dalawa: ‘singulary’ at ‘generalized’. Ang
trasnpormasyong ‘singulary’ tulad ng halimbawa na isa-isang ginagamit ang mga tuntunin upang makabuo
ng panugngusap na katumbas ng unang pangungusap. Ang transpormasyong ‘generalized’ naman ay ang
pagbuo ng isang pangungusap mula sa dalawang pangungusap, na ang isang, tuntuning transpormasyonall
ay nagagamit sa dalawang ‘phrase markers’.