What Is An Electromagnet
What Is An Electromagnet
3.
4.
5.
❖ Ang sobrang caffeine sa isang araw ay maaaring magdulot ng ilang
epekto sa katawan partikular sa nervous system at mga kalamnan. Mga
epekto nito ay tulad ng insomnia o hirap sa pagtulog, pagiging nerbyoso at
hindi mapakali.
❖ Ang paninigarilyo ay isang masamang bisyo. Ito ay masama para sa
ating kalusugan. Bukod sa magastos ang paninigarilyo, ay nakapagdudulot
pa ito ng maraming uri ng sakit tulad ng sakit sa puso, bronchitis at kanser.
Nakakapagpahina din ito ng resistensya ng ating katawan. Ito rin ay
nakamamatay.
❖ Ang alak ay isang uri ng inumin na may halong katas ng ubas at espiritu
ng alkohol. Tulad ng paninigarilyo, ang pag-inom ng alak ay nagdudulot
ng masamang epekto sa kalusugan ng tao.
Mga Karamdamang Epekto o Sanhi Ng Paggamit Ng Caffeine,
Tabako at Alkohol:
➢ Anemya - Pagbaba ng lebel ng oxygen sa dugo dahil sa madalas na pag
iinom ng alak.
➢ Kanser - Sakit na nakukuha sa kemikal na acetaldehyde na isang
carcinogen na nakukuha kapag umiinom ng alak.
➢ Altapresyon - Kondisyon ng pagtaas ng presyon ng dugo dahil sa
kaiinom ng alak.
➢ Pagkalimot - Ang talas ng pag-iisip ay natural na nababawasan sa
pagtanda ng bawat tao. Ngunit sa taong madalas na umiinom ng alak,
doble o triple ang bilis ng pagkasira ng mga cells.
➢ Gout - Hindi komportableng karamdaman na nagdudulot ng matinding
pananakit sa mga kasukasuan.