BEED 1 Modyul 1 Aralin 1 at 2 Estruktura
BEED 1 Modyul 1 Aralin 1 at 2 Estruktura
MGA MODYUL
sa
ELED 30023
Pagtuturo ng Filipino sa
Elementarya 1 (Estruktura at
Gamit ng Wika)
Tinipon ni:
MARINA P. PLATINO
718112104.docx Page | i
TABLE OF CONTENTS
Page
Vision/Mission/Philosophy/Pillars iii
Mission/Goal/Objectives of PUP Mulanay Branch iv
Institutional Learning Outcomes iv
Program Description & Objectives v
Course Outcomes vii
Grading System viii
Modyul 1 Batayang Kaalaman sa Wika 1
Aralin 1 – Konsepto at Katangian ng Wika 1
Aralin 2 – Mga Kagamitang Tanaw--dinig
Modyul 2 Filipinolohiya: Kahulugan, Kalikasan at Kasaysayan ng
Kamalayang Bayan (Diskursong Makabayan, Mamamayan at
Agham Bayan)
Aralin 1 – Ilang Kabatiran sa Kamalayang at Kulturang Filipino
718112104.docx Page | ii
Vision, Mission, Philosophy & Ten Pillars
Vision
PUP: The National Polytechnic University
Mission
Ensuring inclusive and equitable quality education and promoting lifelong learning
opportunities through a re-engineered polytechnic university by committing to:
provide democratized access to educational opportunities for the holistic development
of individuals with global perspective
offer industry-oriented curricula that produce highly-skilled professionals with
managerial and technical capabilities and a strong sense of public service for nation
building
embed a culture of research and innovation
continuously develop faculty and employees with the highest level of professionalism
engage public and private institutions and other stakeholders for the attainment of
social development goal
establish a strong presence and impact in the international academic community
Ten Pillars
Pillar 1: Dynamic, Transformational, and Responsible Leadership
Pillar 2: Responsive and Innovative Curricula and Instruction
Pillar 3: Enabling and Productive Learning Environment
Pillar 4: Holistic Student Development and Engagement
Pillar 5: Empowered Faculty Members and Employees
Pillar 6: Vigorous Research Production and Utilization
Pillar 7: Global Academic Standards and Excellence
Pillar 8: Synergistic, Productive, Strategic Networks and Partnerships
Pillar 9: Active and Sustained Stakeholders’ Engagement
Pillar 10: Sustainable Social Development Programs and Projects
Mission
Relevant and reflective of the mandate of the University to democratize access to
educational opportunities and to serve as the avenue of knowledge in the countryside, PUP
Mulanay commits to:
1. seek constant, continuous and innovative approach for country development;
2. promote social awareness relevant to the people’s socio-economic and cultural
transformation;
3. prepare and develop every member of the academic community to be truly
productive and self-reliant citizens necessary in nation-building; and
4. upgrade the moral values of its academic, non-academic personnel and students
in the quest for national transformation and renewal in order to achieve a
nationalistic education in the third millennium.
Goal
PUP Mulanay seeks to lead in the development of productive and self-reliant
individuals responsive to the needs of the region.
Objectives
The Branch shall aim to:
1. contribute to the manpower development of the CALABARZON;
2. produce graduates in agricultural entrepreneurship to utilize the resources in the
area for production and development;
3. supply the demand for teachers and educators in basic and technical-vocational
education;
4. provide technical know-how in information and communication technology
necessary in office administration and management; and
5. inculcate PUP's shared values of God-fearing, love for humanity and democracy,
collegiality, integrity and credibility, transparency and accountability, passion for
learning; and humanist internationalism.
718112104.docx Page | iv
Institutional Learning Outcomes
1. Creative and Critical Thinking
Graduates use their imaginative as well as a rational thinking ability to life situations in
order push boundaries, realize possibilities, and deepen their interdisciplinary and general
understanding of the world.
2. Effective Communication
Graduates are proficient in the four macro skills in communication (reading, writing,
listening, and speaking) and are able to use these skills in solving problems. Making
decisions, and articulating thoughts when engaging with people in various circumstances.
4. Community Engagement
Graduates take an active role in the promotion and fulfillment of various advocacies
(educational, social and environmental) for the advancement of community welfare.
718112104.docx Page | v
Program Description.
The Bachelor in Elementary Education is a four-year program that focuses on
preparing excellent educators for reflective classroom practice in elementary schools. This
program prepares students in the areas of literacy, mathematics, social studies, and science
to create classroom environments that stimulate young students’ curiosity and engage their
intellects in ways that directly foster high achievement. The principles of diversity,
democracy, authenticity, academic rigor and accountability are integrated into both the
professional foundation and elementary education pedagogy courses.
After successful completion of all academic requirements of the degree/program,
graduates of BEED should be able to practice the teaching professions in the elementary
levels.
Program Objectives
1. Demonstrate in-depth understanding of the diversity of learners in various learning
areas.
2. Manifest meaningful and comprehensive pedagogical content knowledge (PCK) of
the different subject areas.
3. Utilize appropriate assessment and evaluation tools to measure learning
outcomes.
4. Manifest skills in communication, higher order thinking and use of tools and
technology to accelerate learning and teaching.
5. Demonstrate positive attributes of a model teacher, both as an individual and as a
professional
6. Manifest a desire to continuously pursue personal and professional development.
718112104.docx Page | vi
PANGKALAHATANG BUNGA
GRADING SYSTEM
Quizzes 70%
Pangkalahatang Mga Gawain
Marka
Proyekto 30%
(Midterm)
Pangkalaghatiang Pagsusulit 100%
Kabuuan
Quizzes 70%
Mga Gawain
Proyekto
Final Panghuling Pagsusulit 30%
Kabuuan 100%
Basahing mabuti ang nilalaman ng Modyul bago gawin ang mga Gawain.
Tapusin muna ang mga Gawain sa bawat aralin bago lumipat sa kasunod na Modyul.
Dahil ang mga Gawain ay ginagawa sa tahanan, hindi ka nakikita ng guro mo, kaya
inaasahan na gagawin mo ito nang buong katapatan. Panatilihin ang mga
mabubuting ugali kahit walang nakakakita s aiyo.
Ang mga Gawain sa Modyul ay ipapasa sa guro ayon sa itinakda niyang oras at
mamarkahan kaya inaasahang ito ay maayos at malinis.
Isusulat ang lahat ng Gawain sa ibinigay na template ng guro o sa malinis na papel o
coupon bond, kukuhaan ng larawan (picture) at ipapasa sa Google Classroom.
Ang iba pang Gawain tulad ng mahabang pagsusulit ay gagawin sa Google
Classroom o iba pang opsyon.
Introduksyon
Ang Modyul 1 ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa kalikasan
at estruktura ng wikang Filipino. Dito’y tatalakayin ang katuturan ng ponolohiya o palatunugan,
morpolohiya, mga pagbabagong morpoponemiko at sintaksis. Matututuhan din ang
pagpapalawaK ng mga pangungusap..
Ang Modyul 1 ay makatutulong upang mataya ang mga kaalaman ng mga mag-aaral sa
paggamit ng wika sa araw-araw na pakikipagtalastasan.
Layunin din ng Modyul 1 na mahubog ang mga mag-aaral na may kakayahan at
kasanayang nakaaagapay sa pamantayang pandaigdig sa ika-21 siglo, nakapag-iisip nang
malaya, mapanuri, at may malalim na pagkilala at matatag na pagpapahalaga sa sariling wika.
Mga Layunin:
Pagkatapos ng aralin 1, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natatalakay ang kahulugan at katangian ng wika;
2. Nakapagbibigay ng sariling konsepto sa wika;
3. Napahahalagahan ang wika sa araw-araw na pamumuhay;
4. Nakasususlat nang angkop na sulatin at reaksyon o repleksyong papel.
718112104.docx Page | 1
Kagamitan sa Kurso
Pangunahing panganagilangan ng tao ang magsagawa ng maayos na Sistema ng
komunikasyon upang mapanatili ang maayos na pakikipamuhay sa kanyang kaligiran.
Karaniwan na nating ginagamit ang Sistema ng komunikasyong ito sa pang-araw-araw nating
buhay kaya’t hindi natin lubos namamalayan na ang mga ito’y likha nating mga nilalang.
Halimbawa, dito saPilipinas, nakasanayan na nating tumingin sa ating kaliwa bago tayo
tumawid sa kalye upang matiyak ang ating kaligtasan. Lefthand driving kasi ang Sistema ng
pagpapadaloy ng trapiko sa ating bansa. Ngunit sa ibang bansa, ang mga tumatawid ay sa
kanan tumitingin sa halip na sa kaliwa dahil ang Sistema ng kanilang trapiko ay righthand
driving. Gayon din, natutunan nating pumila at maghintay ng ating pagkakataon upang maging
maayos ang pagpapadaloy ng ano mang serbisyong nais nating matamasa. Ang mga
sumisingit o di kaya’y hindi pumipila ay nakakatanggap ng mga matatalas na tingin o di kaya ay
pasaring, bagay na nakapaghahatid sa kanila ng hindi magandang pagtanggap ng mga
nagtitiyagang pumila.
Ang wika ay sistema ng pakikipag-unawaan. Kung tutuusin, lahat ng uri ng buhay ay
may nabubuong sistenma ng pagkakaunawaan. Maging ang mga hayop ay nalilinang ng mga
paraan ng pakikipag-ugnayan upang mabigyan ng marka ang kanilang pangangailangang
mabuhay. Ngunit may kakaibang Sistema ang paglikha ng wika ng mga tao sapagkat
nakabatay na ito sa isang Sistema ng pananagisag na nabubuo batay sa kanilang pang-araw-
araw na karanasan.
Sa sistemang ito, ang isang ideya ay ipinahahatid gamit ang ilang pamamaran. Sa
hanay ng mga tao, dahil sa kanilang higit na mataas na uri ng talion, makikilalang ang wika ay
makikita sa mga paraang pakilos at pasalita. Sa wikang pakilos halimbawa, mauunawaan kung
panatag ang isang tao sa kanyang kinalalagyan sa pamamagitan ng pakilala sa mga reaksyong
mababakas sa kanyang mukha at katawan.
Sa wikang pasalita, ang mga titik ay isinasalin sa Sistema ng tunog na arbitraryo ring
itinakda ng mga lumilikha at gumagamit nito. Halimbawa, ang titik na a ay binibigkas ng mga
Pilipino bilang /a/. Sa mga Amerikano, ang titik na a ay magkakaroon ng ibang palatunugan
718112104.docx Page | 2
kapag binigkas na ng /ey/. Kaya ang salitang Filipinong bay ay binibigkas ng /bey/ sa wikang
Ingles. Sa wikang Tagalog, ang titik na I ay binibigkas bilang /i/ samantalang kapag binibigkas
na ito ng isang mula sa rehiyon sa bandang Kanluran tulad ng Bisaya at Mindanao, ang i ay
binibigkas bilang tunog na /e/. Kaya ang salitang tila na ang ibig sabihin ay parang o isang hindi
tiyak na kalagayan, bagay o pangyayari ay magiging tunog tela na ang ibig sabihin ay isang uri
ng habi ng sinulid na ginagamit sa paggawa ng mga damit o saplot.
Tiyak ang wikang pasulat dahil sa katangian nitong nakikita, nahahawakan at maaaring
balik-balikan kung kailangan ng patunay o pagpapatibay. Nakapagtatakda ng tiyak na
pananagisag ang nakasulat na wika na nakikita sa mga titik. Ang mga titik ay nagiging salita
kapag pinagsama-sama ang mga ito. Samantalang nabubuo naman ang mga pangungusap sa
sistematikong pagsasama-sama ng mga salita. Nabubuo naman ang mga talata sa
sistematikong pagsasama-sama ng mga pangungusap. Sa ganitong Sistema, nailalarawan ang
matalik na ugnayan ng Sistema ang pananagisag na pasulat sa wikang pasulat.
Ano nga ba ang wika? Ayon kay Webster (1974), ang wika ay isang Sistema ng
komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbolo.
Ang wika ay maaaring tumutukoy sa ispesipikong kapasidad ng tao sa pagkakamit at
paggamit ng mga komplikadong sistema ng komunikasyon, o sa ispesipikadong pagkakataong
ng komplikadong sistema ng komunikasyon (Wikipedia).
Ang wika ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pakikipagtalastasan. Ito ang
midyum na ginagamit sa maayos na paghahatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa
pagkakaunawaan.- Mangahis et al. (2005)
Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng
mga ito para magkaunawaan o makapag-usap ang isang grupo ng mga ito.-Pamela C.
Constatino at Galileo S. Zafra (2000)
Ang wika ay parang hininga. Gumagamit tayo ng wika upang kamtin ang bawat
pangangailangan natin.-Bienvenido Lumbera (2007)
Ang wika ang sumasalamin sa mga mithiin, lunggati, pangarap, damdamin, kaisipan o
saloobin, pilosopiya, kaalaman at karunungan, moralidad, paniniwala, at mga kaugalian ng tao
sa lipunan.-Alfonso O. Santiago (2003)
Ang wika ay sistema ng komunikasyon ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o
pasalitang simbolo. –Webster (1974)
718112104.docx Page | 3
Ang wika ay “lawas ng mga salita at sistema ng paggamit sa mga ito na laganap sa
isang sambayanan na may iisang tradisyong pangkultura at pook na tinatahanan.-UP
Diksyonaryong Filipino (2001)
Ang wika ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng
simbolikong cues na maaring berbal o di-berbal.-Bernales et al.(2002)
Ayon naman kay Hill (sa Tumangan, et al., 2000) sa kanyang papel na What is
Language? wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng mga simbolikong gawaing
pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita
at isinasaayos sa mga klase at patern na lumilikha sa isang komplikado at simetrikal na
estruktura. Ang mga simbolong ito ay mayroon ding kahulugang arbitraryo at kontrolado ng
lipunan.
Halos gayon din ang kahulugang ibinigay ni Gleason (sa Tumangan, et al., 2000) sa
wika. Ayon sa kanya, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
Mula sa dalawang katuturang nabaggit, mahahango natin ang mga pangunahin at
universal na katangian ng wika na tatalakayin sa mga sumusunod na talataan.
a. Ang wika ay masistemang balangkas. Lahat ng wika sa daigdig ay sistematikong
nakasaayos sa isang tiyak na balangkas. Walang wika ang hindi nakaayon sa
balangkas na ito. Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog. Ponema ang tawag sa
makahulugang tunog ng isang wika samantalang Ponolohiya naman ang tawag sa
makaagham nap ag-aaral ng mga ito. Kapag ang ponemang ito ay pinagsama,
maaaring makabuo ng maliliit nay unit ng salita na tinatawag na morpema. Ang
morpemang mabubuo ay maaaring isang salitang-ugat, panlapi o morpemang ponema
katulad ng /a/ na sa wika natin ay maaaring magpahiwatig ng kasariang pambabae.
Morpolohiya naman ang tawag sa makaagham nap ag-aaral ng mga morpema.
Samantala, kapag ang mga salita ay ating pinag-ugnay, maaari naman tayong
makabuo ng mga pangungusap. Sintaksis naman ang tawag sa malaagham nap ag-
aaral ng mga pangungusap. Kapag nagkaroon na ng makahulugang palitan ng mga
pangungusap ang dalawa o higit pang tao ay nagkakaroon na ng tinatawag na
diskurso. Aling wika ang hindi sumusunod sa balangkas na ito? Mayroon bang
nalilikhang mga salita nang walang tunog? Maaari bang magkaroon ng diskurso nang
walang pangungusap?
718112104.docx Page | 4
b. Ang wika ay sinasalitang tunog. Hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng
tunog ay may kahulugan. Sa tao, ang pinakamakahulugang tunog na nilikha natin at
kung gayo’t kasangkapan ng komunikasyon sa halos lahat kung hindi man lahat ng
pagkakataon ay ang tunog na sinasalita. Samakatuwid, ito ang mga tunog na nalilikha
ng ating aparatosa pagsasalita na nagmumula sa hanging nanggagaling sab aga o ang
pinanggagalingang lakas o enerhiya, nagdaraan sa pumapalag na bagay na lumilikha ng
tunog o artikulalador at mino-modify ng resonador.
c. Ang wika ay pinipili at isinasaayos. Sa lahat ng pagkakataon, pinipili natin ang wikang
ating gagamitin. Madalas, angpagpili ay nagaganap sa ating subconscious at kung
minsan sa ating conscious nap ag-iisip. Bakit lagi nating pinipili ang wikang ating
gagamitin? Ang sagot: Upang tayo’y maunawaan ng ating kausap. Hindi maaaring
ipagpilitan nating gamitin ang isang wikang hindi mauunawaan ng ating kausap. Gayon
din ang ating kausap, hindi niya maaaring ipagpilitan ang wikang hindi natin batid. Tayo,
ang ating kausap o ang pareho ay lailangang pumili ng komong wika kung saan tayo
magkakaunawaan. Samantala, upang maging epektibo naman ang komunikasyon,
kailangang isaalang-alang natin ang ilang mga konsiderasyon.
d. Ang Wika ay arbitraryo. Kung ipinalalagay na ang wika ay arbitraryo, ano ang
paliwanag sa pahayag na ito? Ayon kay Archibald A. Hill (sa Tumangan, et al., just that
the sounds of speech and their connection with entities of experience are passed on to
all members of any community by older members of that community. Kung gayon, ang
isang taong walang ugnayan sa isang komunidad ay hindi matututong magsalita kung
paanong ang mga naninirahan sa komunidad na iyon ay nagsasalita sapagkat ang
esensya ng wika ay panlipunan. Ngunit, samantalang ang bawat komunidad ay
nakabubuo ng mga sariling paglkakakilanlan sa paggamit ng wika na ikinaiiba nila sa iba
pang komunidad, bawat indibidwal ay nadedebelop din ng sariling pagkakakilanlan sa
pagsasalita na ikinaiiba niya sa iba pa, sapagkat bawat indibidwal ay may sariling
katangian, kakayahan at kaalamang hindi maaaring katulad ng sa iba. After all, no two
individuals are exactly alike.
718112104.docx Page | 5
e. Ang wika ay ginagamit. Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng iba
pang kasangkapan, kailangang patuloy itong ginagamit. Ang isang kasangkapang hindi
ginagamit ay nawawalan na ng saysay, hindi ba? Gayon din ang wika. Idagdag pa na
kapag ang wika ay hindi na ginagamit, ito ay unti-unting mawawala at tuluyang
mamamatay. Ano ang saysay ng patay na wika? Wala.
f. Ang wika ay nakabatay sa kultura. Paanong nagkakaiba ang mga wika sa daigdig?
Ang sagot, dahil sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at mga pangkat. Ito
ang paliwanag kung bakit may mga kaisipan sa isang wika ang walang katumbas sa
ibang wika sapagkat wala sa kultura ng ibang wika ang kaisipang iyon ng isang wika.
Pansinin natin ang pagkakaiba ng Ingles at Filipino. Ano-ano ang iba’t ibang anyo ng ice
formations sa Ingles? Ano ang katumbas ng mga iyon sa Filipino? Maaaring yelo at
nyebe lamang. Ngunit ano ang katumbas natin sa iba pa? Wala, sapagkat hindi naman
bahagi ng ating kultura ang glacier, icebergs, frost, hailstorm at iba pa. Samantala, ano
namman ang katumbas sa Ingles ng ating palay, bigas at kanin? Rice lamang, hindi ba?
Bakit limitado sa bolabularyong Ingles sa pagtutumbas ng mga salitang kargado ng
kulturang agricultural? Ang sagot, hindi iyon bahagi ng kanilang kultura.
g. Ang wika ay nagbabago. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring tumangging magbago.
Ang isang wikang stagnant at maaari ring mamatay tulad ng hindi paggamit niyon.
Paano nagbabago ang wika? Ang isang wika ay maaaring nadaragdagan ng mga
bagong bokabularyo. Bunga ng pagiging malikhain ng mga tao, maaaring sila ay
nakakalikha ng mga bagong salita. Ang pinakamahusay na halimbawa nito ay ang mga
salitang balbal at pangkabataan. Samantala, kailangan ding lapatan ng mga katawagan
ang mga produkto ng pag-unlad ng teknolohiya at syensya. Bunga nito, ang ating wika
ay nadaragdagan ng mga bagong salita na hindi umiiral noon. May mga salita ring
maaaring nawawala na sapagkat hindi na ginagamit. Samantala, may mga salita
namang nagkakaroon ng bagong kahulugan. Halimbawa, ano ang mga orihinal na
kahulugan ng salitang bata? Sa ngayon, ano-ano ang iba pa ninyong bagong
kahulugan? Ang mga iyan ay mga patunay na ang wika ay nagbabago.
Gawain 1
Bumuo ng isang paglalagom tungkol sa kalikasan, katuturan at gamit ng wika.
Mga Layunin
718112104.docx Page | 6
1.Natatalakay ang mga ginagawang tanaw-dinig;
2.Nakasusulat o nakagagawa ng mga angkop na halimbawa ng tanaw-dinig;
3.Nakasusulat ng angkop na sulatin at reaksyon o repleksyong papel.
Kagamitan sa Kurso
718112104.docx Page | 7
GINAGAWA:
A. Tuwirang Karanasan
1. Eksperimento
- maaaring ginagawa sa laboratory.
- Dito ang mga mag-aaral ay nasusubukanng tumuklas ng bagong kaalaman sa siyensya.
- Sila mismo ang gumagaw ng gawain
2. Laro
- kung nababagot ang mga mag-aaral maaaring ganyakin at pasiglahin sa pamamagitan ng
paglalaro.
- larong maaaring gawin sa loob ng klase at habang nagkaklase
- nakalilinang hindi lamang ng pisikal kundi pati na rin ng mental, sosyal at emosyonal na
aspekto ng tao.
- Halimbawa: larong book baseball, hot potato, author’s game, pahulaan, magdala ka,
bugtungan, lunting ilaw pulang ilaw
B. Binalangkas na Karanasan
1. Mga Modelo
- panggagaya sa orihinal na kaanyuan at kabuoan ng isang tunay na bagay.
- maaring gaw asak ahoy, plastic o bakal.
- Halimbawa: modelo na nagpapakita ng mga kasuotan, modelo ng globo, ginayang bulkan,
eroplano, bahay-kubo, maliit na bangka, malaking modelo ng puoso o utak at iba pa.
2. Mock-up
- panggagaya rin tulad ng modelo.
- ang ipinagka-iba lamang ng mock-up ay isa o lang bahagi lamang ang gagayahin at hindi ang
kabuoan.
- Halimbawa: pakpak lamang ng eroplano, makina lamang ng sasakyan
3. Ispesimen
- isang mabuting panghalili sa mga tunay na karanasan.
- Halimbawa: kung hindi madadala ang mga mag-aaral sa pook na pinagkukunan ng mineral,
maaaring magpakita na lamang sa klase ng iba’t ibang uri ng bato bilang ispesimen.
MADULANG PAKIKILAHOK
1. Mga Dula
1.1 Pagtatanghal (Pageant)
- isang makulay na pagpapakita ng mga mahalagang bahagi ng kasaysayan na kung saan ang
mga tauhan ay nakasuot ng angkop na damit,
- may kahirapang ihanda dahil nangangailangan ng panahon, pera at mahabang pag-eensayo.
- kadalasang ginaganap lamang para sa mga espesyal na okasyon o araw.
718112104.docx Page | 8
- pag-arte na walang salitaan.
- kikilos at aarte ang kasali ayon sa hinihingi ng kanyang papel na ginagampanan.
- payak na anyo ng dula.
- ang mga mahiyaing mag-aaral ay nalilinang na magkaroon ng tiwala sa sarili, maging matikas
at maging magalang as pagkilos sa pamamagitan ng pantomina.
1.3 Tableau
- malaki ang pagkakapareho sa pantomina dahil parehong walang salitaan.
- kaya lamang ang tableau ay walang galaw samantalang ang pantomina ay may kilos at galaw.
- parang isang larawang eksaenang may mga tauhang tahimik na tahimik ngunit may sapat at
magandang kapaligiran.
1.4 Saykodrama
- isang kusang-loob na dula na nakaukol sa pansariling lihim o suliranin ng isang tao.
- ang mismong may suliranin ang gagawa ng iskrip at magsasadula.
- karaniwang ginagaw aito sa mga asignaturang Homeroom Guidance at Edukasyong
Pagpapahalaga.
- mabisa sa paglutas ng pansariling problem ana kung tawagin sa Ingles at may “therapeutic
value.”
1.5 Sosyodrama
- ang dulang ito ay walang gasinong pag-hahanda at pag-eensayo.
- umiinog ang paksa sa suliraning panglipunan.
- sa pagsasadula, ipinakikita ang panlipunan at pipiliting mabigyang kalutasan ng mga tauhan
ang nasabing suliranin.
- isang mabisang pamamaraan ito sa pagtuturo ng Sibika at Kultura at Wastong Pag-uugali.
1.6 Role-Playing
- sa role-playing ang diin ay sa papel na ginagampanan,
- ang importante ay mabigyang-buhay at halaga ang papel na ginagampanan.
- madaling ihanda ang role-playing, maraming mag-aaral ang nagaganyak at nawiwiling sumali.
- nagiging daan ito para sa paglinang ng kakayahan sa pag-arte at preparasyon para sa
malakihang pagtatanghal.
718112104.docx Page | 9
- itinuturing ng aktor sa dulaang pasalaysay na ang sarili ay hindi lamang tagaganap ng isang
papel kundi isa ring tagapagsalaysay o tagapagkuwento.
718112104.docx Page | 10
- Ito ay madulang pagbigkas ng tula.
PAGPILI NG PAKSA
Sa paghahandapara sa sabayang pagbigkas may mga dapat isaalng-alang ang isang
tagapagsanaysay at ang mga ito ay ang mga sumusunod:
Pagsama-samahin ang may magkakatulad na tinig. Kung baga sap ag-awit ay may soprano,
alto, bass at tenor. Sa sabayang pagbigkas naman ay mayroong mababa, midyum at mataas.
MGA PAPET
- isang tau-tauhang kaya nagsasalita at gumagalaw ay dahil sa nagpapaandar nito.
- Ang tanaw-dinig na nagpapayaman sa mga karanasan ng mga mag-aaral.
718112104.docx Page | 11
- Nagdudulot ng kasanayan sa pasalitang pakikipagtalastasan dahil sa mga
diyalogong sinasabi.
- Nalilinang sa mag-aaral ang tiwala sa sarili dahil sa pagharap sa madla o kamag-
aaral.
- Nararamdaman niya ang mga usapang ipinahahayag na parang siya ang nasa
katauhan ng tauhang ginagampanan.
- Sa Pagpapalabas ng papet ang buong klase ay aktibong nakikilahok.
- May mga nagsisilbing tagapagsalaysay, tagapagpaandar ng papet, tagapaggawa ng
disenyo at kasoutan, tagapaghanda ng entablado at iba pang gawaing may
kinalaman sa inihandang palabas.
- Habang naghahanda ang mga mag-aaral, ang guro ang namamatnubay sa kanilang
gawain.
Ikabit ang telon o putting kumot sa harap ng klase. Maglalagay ng ilaw sa may likuran
ng telon. Maglagay sa likod ng telon ng mga karting hinugis habang sinasabayan ng
pagkukuwento.
2.2. Istik Papet
Cut-out ng anumang bagay na idinikit sa patpat. Mabisa itong pangganyak sa mga bata
lalo’t sinasabayan ng pagkukuwento.
Mga Kagamitan:
cut out masking teyp patpat
Paraan ng Paggawa:
1. Iguhit sa kartolina ang anumang bagay na gustong gawing papet. Kulayan ito at gupitin.
2. Sa pamamagitan ng masking teyp idikit ang cut-out sa patpat.
3. Maaaring hawakan o isuksok sa boteng walang laman ang pagtatanggal ng istik papet.
2.3 Kamay na Papet o Hand Puppet
718112104.docx Page | 12
Anumang anyo ng tao, hayop, o bagay na iginuguhit sa supot na papel o anumang
tinahing tela. Ang isang kamay ay isinuot o ipinapasok sa supot na papel o ng tinahing tela.
Kapag iginagalaw ang kamay, gumagalaw rin ang papet.
Kinatutuwaan ng mga mag-aaral ang ganitong klase ng papet. Napupukaw ang kanilang
interes kaya’t tutok ang kanilang atensyon sa aralin.
Mga Kagamitan:
supot na papel pentel pen krayola kartolina
1. Gumuhit ng mukha ng tao, o hayop o bagay sa ibabang bahagi ng supot.
2. Tiyaking ang labi ay nakatapat sa tupi ng ibabang bahagi ng supot.
3. Gumupit ng kartolinang anyong pabilog (half-circular shaped) para gawing buhok. Idikit sa
ulo. Tapusin ang drowing.
2.4. Daliri
Paggamit ng mga daliri sa paggawa ng anumang hugis o anyo na gustong gayahin.
Gayundin maaari ding mga maliliit na laruang maaaring isuot sa mga daliri. Tulad ng nasa
larawan.
Maaari ding mga daliring ginuhitan ng anyong mukha ng tao. Pinagagalaw ang daliri
habang sinasabayan ng pagsasalita o pagkukuwento.
2.5. Maryonet oPising Papet
Maaring gumuhit ng larawan ng tao o hayop anumang bagay sa isang malapad na
karton. Gupitin ito. Paghiwa-hiwalayin ang mga bahagi sa pamamagitan ng tamtaks. Itali ang
pisi sa mga bahaging gustong pagalawin. Kung hihilahin nang paitaas ang pisi, kikilos ang
papet.
Mga Kagamitan:
pisi tamtaks karton
Gawain 2
Pumili ng isa sa mga klase ng Papet at gumawa nito. Ivideo ang iyong paggawa hanggang sa
matapos ang awtput at isend sa Google Classrom ito.
718112104.docx Page | 13