0% found this document useful (0 votes)
240 views5 pages

Final - LAS ESP 10 - 3rd Quarter-Week 6 Edited - For Printing

This document is a weekly learning activity sheet from the Department of Education of Butuan City, Philippines for the subject of Edukasyon sa Pagpapakatao 10. The activity focuses on identifying characteristics of a good Filipino citizen through analyzing the lyrics of a patriotic song and reflecting on ways to show love for one's country even when abroad. Students are asked to check traits and behaviors they exemplify and are provided guidance on further developing their understanding and practice of patriotism.

Uploaded by

Joram Ray Obiedo
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd

You are on page 1/ 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XIII – CARAGA
SCHOOLS DIVISION OF BUTUAN CITY

WEEKLY LEARNING ACTIVITY SHEET

Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Quarter 3 Week 6
Pagkakakilanlan ng Tao sa Pagmamahal sa Bayan

Pangalan: ________________________________ Pangkat at Seksyon: ___________

Guro: ____________________________________ Petsa: __________________________

Kasanayang Pampagkatuto:
1. Napangangatwiranan na: Nakaugat ang pagkakakilanlan ng tao sa
pagmamahal sa bayan. (“Hindi ka global citizen kung hindi ka
mamamayan.”) (EsP10PB-IIIf-11.3)

2. Nakagagawa ng angkop na kilos upang maipamalas ang pagmamahal

sa bayan (Patriyotismo) (EsP10PB-IIIf-11.4)

Bahaging oras: Dalawang oras

Susing Konsepto:
• Ayon kay Alex Lacson, may mga simpleng bagay na maaaring isabuhay
upang makatulong sa bansa:
o Mag-aral nang mabuti.
o Huwag magpapahuli, ang oras ay mahalaga.
o Pumila nang maayos.
o Awitin ang Pambansang Awit na may paggalang at dignidad.
o Maging totoo at tapat, huwag mangopya at magpakopya.
o Magtipid ng tubig, magtanim ng puno, at huwag magtapon ng
basura kahit saan.
o Iwasan ang anumang gawain na hindi nakatutulong.
o Bumili ng produktong sariling atin, huwag peke o smuggled.
o Kung pwede nang bumoto, isagawa ito ng tama.
o Alagaan at igalang ang nakatatanda.
o Isama sa panalangin ang bansa at ang kapuwa mamamayan.
Gawain 1 : Ako’y Isang Mabuting Pilipino
Kagamitan: Bolpen
Panuto: Pakinggan ang liriko ng awitin ni Noel Cabangon na pinamagatang
“Ako’y Isang Mabuting Pilipino” at sagutin ang mga sumusunod na
mga Katanungan sa ibaba.

AKO’Y ISANG MABUTING PILIPINO

ni Noel Cabangon

Ako’y isang mabuting Pilipino [repeat chorus]

Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Lagi akong nakikinig sa aking mga magulang
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin Kaya’t pag-aaral ay aking pinagbubutihan
‘di ako gumagamit ng bawal na gamot
Tumatawid ako sa tamang tawiran O kaya’y tumatambay at sa eskwela’y ‘di
Sumasakay ako sa tamang sakayan pumapasok
Pumipila at ‘di nakikipag-unahan
At ‘di ako pasiga-siga sa lansangan Ipinagtatanggol ko ang aking karangalan
‘pagkat ito lamang ang tangi kong kayamanan
Bumababa’t nagsasakay ako sa tamang ‘di ko ibinebenta ang aking kinabukasan
sakayan (Nagbababa ako sa tamang babaan) Ang boto ko’y aking pinahahalagahan
‘di nakahambalang parang walang pakiaalam
Pinagbibigyan kong mga tumatawid sa [repeat chorus]
kalsada
Humihinto ako ‘pag ang ilaw ay pula
Ako’y isang tapat at totoong lingkod ng bayan
Pabor o lagay ay ‘di ko pinapayagan
[chorus] Tapat ang serbisyo ko sa mamamayan
‘pagkat ako’y isang mabuting Pilipino ‘Di ko ibinubulsa ang pera ng bayan
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Ipinagtatanggol ko ang mamamayang Pilipino
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin
Mga karapatan nila’y kinikilala ko
Iginagalang ko ang aking kapwa tao
‘Di ako nagongotong o nagbibigay ng lagay Ipinaglalaban ko ang dangal ng bayan ko.
Ticket lamang ang tinatanggap kong ibinibigay
Ako’y nakatayo doon mismo sa kanto
[repeat chorus twice]
At ‘di nagtatago sa ilalim ng puno
Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino (3x)
‘Di ako nagkakalat ng basura sa lansangan
‘Di bumubuga ng usok ang aking sasakyan
Inaayos ko ang mga kalat sa basurahan
Inaalagaan ko ang ating kapaligiran

1. Tungkol saan ang awiting “Ako’y Isang Mabuting Pilipino”?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2. Base sa awitin, anu-ano ang manipestasyon ng isang mabuting

Pilipino? Magbigay ng apat na sagot.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

3. Anu-anong mga kilos sa awitin ang iyong naipamalas upang maipakita

ang pagmamahal sa bayan? Magbigay ng apat na sagot.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Gawain 2 : Ako ba ito?

Kagamitan: Bolpen.
Panuto: Suriin kung angkop sa iyo ang mga katangian o gawain na nakatala
sa ibaba. Lagyan ng tsek () ang angkop na katangian o gawain na
iyong isinasabuhay. Sagutin ng may katapatan at pawang katotoha-
nan mula sa iyong sarili.

Mga Katangian Ako ito Hindi ako

ito
Halimbawa:
Inaawit ko nang maayos ang Lupang Hinirang at
binibigkas na may paggalang ang Panunumpa sa 
Watawat at Panatang Makabayan
1. Nakikipagtulungan ako sa mga organisasyong ang
adbokasiya ay protektahan ang buhay at kalusugan ng
mamamayang Pilipino.
2. Tumatanggi ako sa anumang bagay na di ayon sa
katotohanan kahit sa simpleng pagsisinungaling.

3. Masaya ako kapag tinutulungan ko ang mga

nangangailangan.

4. Lagi akong nagapapasalamat at humihingi ng

patnubay sa Diyos.

5. Nagmamano at humahalik ako sa kamay ng mga

nakatatanda sa akin.

6. Sinisegurado na nakukuha ko kung ano ang dapat

para sa akin at naibibigay kung ano ang nararapat
para sa iba.

7. Isinasaalang-alang ko ang karapatan ng iba bilang

tanda ng paggalang at pagkakaroon ng kapayapaan at
kapanatagan ng loob.

8. Sinusunod ko ang mga panuntunan sa paaralan at

komunidad.
9. Sumasama ako sa pagbisita ng mga museo.

10. Tinatapos at ginagawa ko ang lahat ng makakaya

upang magawa ang gawain nang higit pa sa
inaasahan.

11. Inihiwalay ko ang basura ayon sa uri nito.

12. Nakikiisa ako sa mga pagtitipong kailangan ang

aking pakikilahok upang ipaglaban ang aking
karapatan bilang mamamayan.

13. Nakihahalubilo ako sa mga kabataang nagpapalitan

ng kuro-kuro sa kung anong maaaring gawin upang
makatulong sa kapuwa Pilipino.

14. Sinisikap kong gamitin ang aking kalayaan sa

kabutihan sa kabila ng mga masasamang
impluwensiya sa kapaligiran.

15. Tumatawid ako sa tamang tawiran at hindi ako

nakikipag-unahan o sumisingit sa pila.

16. Gumagawa ako ng paraan upang maisulong ang

kapakanan ng lahat hindi lamang ang aking sarili,
pamilya, kaibigan, at kabaranggay.

Paraan ng pagmamarka
Balikan ang gawain at bilangin ang mga aytem na nilagyan ng tsek sa kolum
na “Ako ito.”
Paglalarawan/Interpretasyon
Nangangailangan nang sapat na kaalaman at pag-unawa sa
0-4 kahalagahan ng pagmamahal sa bayan.

5-8 May kaalaman sa kahalagahan ng pagmamahal sa bayan na

nangangailangan ng pagpapaunlad.
May kasanayan sa pagsasabuhay ng kahalagahan sa
9-12 pagmamahal sa bayan.
May sapat na kaalaman sa pagsasabuhay ng pagpapahalaga sa
13-16 pagmamahal sa bayan na kailangang ipagpatuloy.

Ang mga nakuha mong iskor sa gawain na ito ay hindi nararapat na

bigyan ng negatibong interpretasyon. Ang layunin ng gawaing ito ay upang
tayahin ang iyong gawi o pagpapahalaga na nagpapakita ng pagmamahal sa
bayan. May magagawa ka pa upang ito ay mapaunlad at tuluyang
maisabuhay ang pagmamahal sa bayan.
Repleksyon:
Kagamitan: Bolpen.
Panuto: Pagnilayan at sagutin ang tanong.

Kung ikaw ay nasa ibang bansa, anong kilos ang maisasagawa mo

upang masabing ipinagmamalaki mo ang iyong bansa?
____________________________________________________________________________

Mga Sanggunian:

Edukasyon sa Pagpapakatao 10, Gabay ng Mag-aaral, Modyul 10 –

Pagmamahal sa Bayan, Unang Edisyon 2015 , pahina 184-206

Edukasyon sa Pagpapakatao 10, Gabay sa Pagtuturo ,Modyul 10 –

Pagmamahal sa Bayan, Unang Edisyon 2015 , pahina 104-119

Writer: SHERRAMEL M. MABRAS

School/Station: TUNGAO NHS
Division: BUTUAN CITY
Email address: [email protected]

Content Review Editor:

AMELITA M. AQUINO, SSHT-IV

LILIBETH Y. BUNGHANOY, MT –I

DELIA L. ROYO, SST-III

CHI-A T. SUMANOY,SST-III

Quality Assured: March 29, 2021

Address: Rosal Street, Brgy. Dagohoy, 8600 Butuan City, Philippines

Telephone No.: (085) 341-0022
Email: [email protected]
Website: depedbutuancity.wordpress.com

You might also like