0% found this document useful (0 votes)
448 views15 pages

Q1 LE AP 7 Lesson 5 Week 5

Q1_LE_AP 7_Lesson 5_Week 5.pdf

Uploaded by

monic.cayetano
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
448 views15 pages

Q1 LE AP 7 Lesson 5 Week 5

Q1_LE_AP 7_Lesson 5_Week 5.pdf

Uploaded by

monic.cayetano
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 15

7

Kuwarter 1

Modelong Banghay-Aralin Aralin

sa Araling Panlipunan 5
Banghay Aralin sa Asignatura 7
Kuwarter 1: Aralin 5 (Linggo 5)
TP 2024-2025

Ang materyal na ito ay inilaan lamang para sa paggamit ng mga guro na kalahok sa implementasyon ng MATATAG K to 10 Curriculum
sa Taong-Panunurang 2024-2025. Layunin nito na tumulong sa paghahatid ng mga nilalaman, pamantayan, at mga kasanayang pampagkatuto
ng kurikulum. Ang anumang hindi awtorisadong pagkopya, pamamahagi, pagbabago, o paggamit ng materyal na ito labas sa itinakdang saklaw
ay mahigpit na ipinagbabawal at maaaring magresulta sa angkop na mga mga legal na hakbang at kaparusahan.

Ang mga akda na ginamit sa materyal na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahinulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga bumuo ng materyal ang karapatang-aring iyon..

Mga Tagabuo

Manunulat:

• Jayson P. Sollorano, EdD

Tagasuri:

• Marivic M. Pimentel, PhD (Philippine Normal University-Manila)


Mga Tagapamahala

Philippine Normal University


Research Institute of Teacher Quality
SiMMER National Research Center

Pinagsikapang tiyakin ang kawastuhan ng mga impormasyon na nasa materyal na ito. Para sa mga katanungan o puna, maaari pong
sumulat o tumawag sa Tanggapang ng Direktor ng Bureau of Learning Resources sa pamamagitan ng pagtawag sa mga numero ng telepono
(02) 8634-1072 at 8631-6922 o sa pamamagitan ng email sa [email protected].
BANGHAY ARALIN

ARALING PANLIPUNAN, KUWARTER 1, BAITANG 7 (ARALIN 5-LINGGO 5)

I. NILALAMAN NG KURIKULUM, PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYAN SA ARALIN

A. Mga Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa ginampanan ng katangiang pisikal ng
rehiyon sa pagbuo ng sinaunang kasaysayan at kalinangan ng mga mamamayan sa Pilipinas
at Timog Silangang Asya.

B. Mga Pamantayan sa Pagganap Nakabubuo ng proyekto na nagpapaliwanag sa ginampanan ng katangiang pisikal ng rehiyon
sa pagbuo ng sinaunang kasaysayan at kalinangan ng mga mamamayan sa Pilipinas at
Timog Silangang Asya.

C. Mga Kasanayan at Layuning Mga Kasanayan


Pampagkatuto
1. Nasusuri ang kalinangang Austronesyano at Imperyong Maritima kaugnay sa pagbuo
ng kalinangan ng Pilipinas at Timog Silangang Asya.

2. Natatalakay ang konsepto ng Austronesian at Mainland Origin Hypothesis (Bellwood)


3. Napahahalagahan ang pinagmulang lahi ng mga Pilipino.
4. Nakagagawa ng isang pagsasaliksik hinggil sa pinagmulang lahi ng karatig bansa at
pagkakatulad nito sa Pilipinas.

D. Nilalaman SINAUNANG KASAYSAYAN NG TIMOG SILANGANG ASYA – UNANG BAHAGI

E. Integrasyon SDG #4: Quality Education


Migrasyon

Lokalisasyon at Kontekstwalisasyon

1
II. BATAYANG SANGGUNIAN SA PAGKATUTO

Blando et al (2014). Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba-Araling Panlipunan-Modyul para sa Mag-aaral. Eduresources Publishing, Inc.
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines (page 153)
Gabuat et al. (2016). Araling Panlipunan 5: Pilipinas Bilang Isang Bansa. Vibal Group, Inc. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City,
Philippines (pp. 52-53)

Mateo et al (2008). Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan. Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikalawang Taon. Vibal Publishing House, Inc. G.
Araneta Avenue, Quezon City, Philippines. (page 67)

III. MGA HAKBANG SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO MGA TALA SA GURO

A. Pagkuha ng UNANG ARAW Ang mga gawaing matatagpuan


Dating sa araling ito ay inaasahang
1. Maikling Balik-aral
Kaalaman magagawa sa loob ng isang
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Piliin sa kahon sa baba ang iyong linggo.
sagot. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
Sa bahaging ito, ang guro ay
1. Ito ang itinuturing na batayan at pangunahing institusyon ng lipunan. may kalayaan na ibahin o
baguhin ang mga pamamaraan
2. Ito ay anyo ng pamilya na binubuo lamang ng mga magulang (ina at ama) at mga upang maibigay ang maikling
anak balik-aral.
3. Ito ay anyo ng pamilya na binubuo hindi lamang ng ama, ina at anak kundi ng
iba pang kaanak tulad ng lola, lolo, o mga kapatid ng mga magulang
BALIK-ARAL
4. Ito ang tawag kung ang pinakamatandang lalaki ang kinikilalang
pinakamamakapangyarihan o pinuno sa pamilya Susi sa Pagwawasto

5. Ito ang tawang kung ang babae ang kinikilalang may kapangyarihang magpasiya 1. Pamilya
at mamuno sa tahanan.
2. Nukleyar
Ekstended Pamilya Nukleyar Patriyarkal Matriyarkal 3. Ekstended

2
4. Patriyarkal

2. Pidbak (Opsiyonal) 5. Matriyarkal

Ang pagsasagot sa balik-aral ay


inaasahang gagawin sa unang
araw ng pagtatalakay ng aralin.

B. Paglalahad ng 1. Paglinang sa Kahalagahan sa Pagkatuto sa Aralin Maaaring umisip ang guro ng


Layunin Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na gabay na tanong at isulat sa iba pang teknik upang
sagutang papel. mailahad ang mga layunin.
a. Ano ang kahulugan at konsepto ng Austronesian?
b. Ano ang tinutukoy sa Teoryang Mainland Origin Hypothesis?
c. Paano mo papahalagahan ang iyong pinagmulang lahi?
d. Sa paanong paraan mo mapag kukumpara ang pinagmulang lahi ng mga
karatig bansa sa ating bansa?

2. Paghawan ng Bokabolaryo sa Nilalaman ng Aralin

Gawain 1. SUBUKIN NATION! (#Susing Salita ng Aralin)


Panuto: Isaayos ang mga pinaghalo-halong mga titik sa bawat bilang upang mabuo Gawain 1
ang tamang salita. Isulat ang sagot sa inyong kuwaderno o sa inihandang espasyo
Susi sa Pagwawasto:
sa sagutang papel.
1. AUSTRONESIAN
UASTRONSEINA Ito ang tawag sa isang pangkat ng mga Tao sa Timog-
_______________ silangang Aysa, Oceana, at madagaskar, na nagsasalita ng 2. TIMOG-SILANGANG ASYA
isa sa mga wikang Austronesian.
3. CHINA
ITMGO- Ito ay isang sub-region ng kontinenteng Asya.
ISLAGNANAGN 4. TAIWAN
ASAY
_______________ 5. INDONESIA

3
HCIAN Ito ay isang bansa na matatagpuan sa silangang bahagi ng
_______________ kontinente ng Asya. Kilala rin ito bilang bansa na
pinakamataas ang populasyon sa Asya.
ATIAWN Ito ay bans ana nakalatag sa Kanlurang Pacific at nasa
_______________ pagitan ng Japan at Pilipinas.

NIDNOESAI Ito ang bansa sa Timog-silangang bansa na tinguriang may


_______________ pinakamalaking archipelago sa buong mundo.

C. Paglinang at 1. Pagproseso ng Pag-unawa Maaari pang umisip ang guro ng


Pagpapalalim iba pang pamamaraan upang
Paksa: ANG AUSTRONESIAN AT TEORYANG MAINLAND ORIGIN HYPOTHESIS ilahad ang paksa sa mga mag-
aaral. Maaring gumawa ng
Ang pangkat ng mga taong gumagamit o nagsasalita ng Austronesian ay tinatawag graphic organizer para mas
na Austronesian. Nanirahan sila sa gawing Timog-Silangang Asya., Polynesia, at mabilis na maunawaan ng mga
Oceana. Ayon sa mga pag-aaral, ang mga unang dumating na Austronesian ay mag-aaral.
nanatili sa Hilagang Luzon at nadatnan ang mga Austral-Melanasian na nauna nang
nanirahan doon. Sa paglipas ng panahon nagkaroon ulit ng migrasyon hanggang sa
kumalat na sila sa buong kapuluan hanggang sa mga isla ng Celebes, Borneo, at
Indonesia.

Ayon sa arkeologong Australian na si Peter Bellwood, isang dalubhasa sa mga pag-


aaral ng populasyon sa Timog-silangang Asya at sa Pacific. Ipinaliwanag sa kanyang
Teorya ng Austranesian Migration ang dahilan ng pagkakatulad sa kultura, wika, at
pisikal na katangian ng mga bansa sa Asya.

Ang mga Austronesian ang ninuno ng mga Pilipino. Ang mga taong nagsasalita ng
Austronesian ang ninuno ng lahat ng mga tao sa Timog-silangang Asya. Noong 2500
B.C.E. ang mga Austronesian ay nakarating sa Pilipinas mula sa Taiwan. Sa Timog
China naman ang orihinal na pinagmulan ng mga taong ito. Ito ay kinilalang
Teoryang Austronesian Migration.

Kilala rin ang teoryang ito bilang, Mainland Origin Hypothesis, na kung saan
binigyang diin na nagmula ang mga Austronesian sa timog China na naglakbay sa

4
Taiwan at nagtungo sa hilagang Pilipinas. Mula sa Pilipinas ay nagtungo naman sa
Indonesia. Ang iba ay nagtungo sa Malaysia, gayundin sa New Guinea, Samoa,
Hawaii, Eastern Island hanggang Madagascar.

Ito rin ang naging batayan ni Bellwood sa kaniyang teorya sa pagkakatulad ng


wikang gamit sa Timog-silangang Asya at sa Pacific.

Imperyong Maritima (Insular)

Pilipinas (Bago ang 1565)

Tinawag na Maritima o insular ang bansang Pilipinas dahil ito ay napaliligiran ng


tubig. Sa panahong ito, ang Pilipinas ay binubuo ng mga barangay sa Luzon at
Visayas at tanging Mindanao ang yumakap sa relihiyong Islam. Nagtatag ng mga
Sultanato sa Lanao at Sulu. Makikita rin ang mga impluwensya ng Tsino sa ating
kultura. Gayun din ang mga impluwensyang Muslim na nakikita sa pamumuhay ng
mga mamamayan sa Mindanao.

Integrasyon ng Migrasyon

Ang migrasyon o pandarayuhan sa loob ng isang bansa at maging sa ibang bansa


ay mahalagang salik sa pagtataya ng kaunlarang pangkabuhayan. Ito ay hindi na
bagong pangyayari sapagkat ang prosesong ito ay bahagi na ng mahabang
kasaysayan ng Asya. Dahil sa migrasyon ay napaunlad ang mga pamayanan dahil
sa paninirahan ng ating mga ninuno na pinagmulan ng ating lahi. Maaari na rin
ituring ang migrasyon bilang salik ng pagpapaunlad ng isang lipunan at estado.
Halimbawa na rito ang kasaysayan ng Timog-silangang Asya, ang pandrayuhan na
isinagawa ng mga Indian at Tsino na nagresulta sa pagdami ng kanilang bilang sa
nabanggit na lugar at sa pagunlad ng ekonomiya ng rehiyon.

5
IKALAWANG ARAW Ang bahaging ito ay nakatakda
2. Pinatnubayang Pagsasanay na gawin sa ikalawang araw,
subalit may kalayaan ang guro
Gawain 2: PAMPROSESONG MGA TANONG (#I-UNDERSTAND) na gawin ito kahit anong araw
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan at isulat ang sagot sa bastat matatapos ang lahat sa
sagutang papel. ika-apat na araw.

1. Ano ang kahulugan ng Austronesian?

_________________________________________________________________________________ Gawain 2
_________________________________________________________________________________
May kalayaan ang guro na
2. Ano ang ibigsabihin ng Teoryang Mainland Origin Hypothesis ni Peter Bellwood? magbigay ng marka para sa
gawaing ito.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
3. Paano ipinaliliwanag ng Teorya ng Austronesian Migration ang pinagmulan ng
ninuno ng mga Pilipino.

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

4. Paano mo pahahalagahan ang pinagmulang lahi ng mga Pilipino?

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Gawain 3. 3-2-1 CHART ( #ILISTA MO!) Gawain 3


Panuto: Mahaba-haba na rin ang iyong tinuklas at sinuring datos. Sa
pagkakataong ito pansamantala kang tumigil at sagutan ang tsart sa ibaba upang May kalayaan ang guro na
mabatid ang lawak na ng iyong natutunan at naunawaan tungkol sa Austronesian magbigay ng marka para sa
at Teorya ng Mainland Origin. Simulan mong sagutan ang tsart sa ibaba. Kaya pa gawaing ito.
ba? Isulat ito sa iyong sagutang papel.

6
3 Things you Found Out 2 Interesting Things 1 Question You Still
Have
1. 1. 1.
2. 2.
3.

Ang bahaging ito ay nakatakda


IKATLONG-ARAW
na gawin sa ikatlong araw,
3. Paglalapat at Pag-uugnay
subalit may kalayaan ang guro
Gawain 4: PANGKATANG GAWAIN (#Collaboration is the key) na gawin ito kahit anong araw
bastat matatapos ang lahat sa
Panuto: Hatiin ang klase sa sampung pangkat. Magsaliksik tungkol sa lahi ng isa ika-apat na araw.
sa mga kapit-bansa ng Pilipinas sa Timog-Silangang Asya na sinasabing nagmula
rin sa mga Austronesian. Alamin ang mga katangian at kultura ng kanilang lahi at
ihambing sa lahing Pilipino. Gumawa ng powerpoint presentation para dito. Isama
Gawain 4
sa presentasyon ang pananaw kaugnay sa natuklasang pagkakatulad at
pagkakaiba ng mga pangkat ng taong sinasabing nagmula sa iisang lahi. Gawing May kalayaan ang guro na
gabay ang rubriks sa ibaba. magbigay ng marka para sa
gawaing ito. Gayunpaman,
maaari rin na umisip ang guro
Napakahusay Mahusay May kulang ng ibang aktibiti para masubok
(4) (3) (2) ang kolaborasyon ng mga mag-
Paglalahad ng impormasyon. aaral.

Organisasyon ng presentasyon.

Malikhain at kawili-wili ang


presentasyon
Paggamit ng teknolohiya sa
presentasyon
Kabuuang Puntos

7
D. Paglalahat IKAAPAT NA ARAW Ang bahaging ito ay nakatakda
na gawin sa ikaapat na araw.
1. Pabaong Pagkatuto Inaasahan na matatapos ng
guro ang buong aralin.
Gawain 5. PAGBUBUOD

Panuto: Punan ng angkop na salita ang mga patlang na lilinang sa paksang May kalayaan ang guro na
nakalahad. Pillin sa loob ng kahon sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang umisip pa ng ibang teknik kung
papel. paano ibibigay ang paglalahat

Ang pangkat ng mga taong gumagamit o nagsasalita ng Austronesian ay Gawain 6


tinatawag na (1) _______________. Nanirahan sila sa gawing Timog-Silangang Asya., Susi sa pagwawasto:
Polynesia, at Oceana. Ayon sa mga pag-aaral, ang mga unang dumating na
Austronesian ay nanatili sa Hilagang Luzon at nadatnan ang mga Austral- 1. Austronesian
Melanasian na nauna nang nanirahan doon. Sa paglipas ng panahon nagkaroon ulit
2. Migrasyon
ng (2) ________________ hanggang sa kumalat na sila sa buong kapuluan hanggang
sa mga isla ng Celebes, Borneo, at Indonesia. 3. Peter Bellwood

4. Pacific
Ayon sa arkeologong Australian na si (3) __________________, isang dalubhasa sa mga
pag-aaral ng populasyon sa Timog-silangang Asya at sa (4)_______________. 5. Wika
Ipinaliwanag sa kanyang Teorya ng Austranesian Migration ang dahilan ng
pagkakatulad sa kultura, (5) _____________, at pisikal na katangian ng mga bansa sa 6. Ninuno
Asya. 7. Taiwan

Ang mga Austronesian ang (6)____________ ng mga Pilipino. Ang mga taong 8. China
nagsasalita ng Austronesian ang ninuno ng lahat ng mga tao sa Timog-silangang
9. Mainland
Asya. Noong 2500 B.C.E. ang mga Austronesian ay nakarating sa Pilipinas mula sa
(7) _______________. Sa Timog (8)___________ naman ang orihinal na pinagmulan ng 10. Indonesia
mga taong ito. Ito ay kinilalang Teoryang Austronesian Migration.
.
Kilala rin ang teoryang ito bilang, (9)_______________ Origin Hypothesis, na kung
saan binigyang diin na nagmula ang mga Austronesian sa timog China na naglakbay
sa Taiwan at nagtungo sa hilagang Pilipinas. Mula sa Pilipinas ay nagtungo naman

8
sa (10) ________________. Ang iba ay nagtungo sa Malaysia, gayundin sa New Guinea,
Samoa, Hawaii, Eastern Island hanggang Madagascar.

Ito rin ang naging batayan ni Bellwood sa kaniyang teorya sa pagkakatulad ng


wikang gamit sa Timog-silangang Asya at sa Pacific.

Migrasyon Austronesian Ninuno Pinagmulan Peter Bellwood


Pacific Indonesia Mainland China Taiwan Wika

2. Pagninilay sa Pagkatuto

Gawain 6. Pagninilay
Panuto: Magsagawa ng pagninilay hinggil sa aralin na natutunan. Lalagyan ng tsek Sa bahaging ito ay inaasahang
ng mga mag-aaral sa sagutang papel kung ang mga nakalahad na kasanayan ay masasagutan ng mga mag-
nalinang. Sasagutin din ng mga inihandang tanong. aaral ang pagninilay ng buong
puso.
Mga kasanayan Hindi sapat Sapat ang Lubos ang
ang kasanayan kasanayan kasanayan
ko ko ko

Nasusuri ang kalinangang


Austronesyano at Imperyong
Maritima kaugnay sa pagbuo
ng kalinangan ng Pilipinas at
Timog Silangang Asya.

Natatalakay ang konsepto ng


Austronesian at Mainland
Origin Hypothesis (Bellwood)

9
Napahahalagahan ang
pinagmulang lahi ng mga
Pilipino.

Nakagagawa ng isang
pagsasaliksik hinggil sa
pinagmulang lahi ng karatig
bansa at pagkakatulad nito
sa Pilipinas

Pamprosesong mga Tanong:


1. Anong mga kaalaman at kasanayan ang natutunan mula sa aralin?

2. Anong mga kaalaman at kasanayan ang nahirapan kang matutunan?

3. Bakit nahirapan kang matutuhan ang mga nasabing kaalaman at kasanayan?


4. Kung pag-aaralang muli ang nilalaman ng aralin at gagawin ang mga

pagsasanay, paano mo higit na mapagbubuti ang iyong pagkatuto?

a. Sumangguni sa iyong naging sariling karanasan?


b. Sumangguni sa iyong mga kamag-aral at tanungin ang kanilang naging

karanasan sa pag-aaral?

c. Sumangguni sa iyong guro at humingi ng mga mungkahi?

10
IV. EBALWAYSON NG PAGKATUTO: PAGTATAYA AT PAGNINILAY MGA TALA SA GURO

A. Pagtataya 1. Pagsusulit Susi sa pagwawasto:


1. A
Panuto: Basahin at bilugan ang letra ng wastong kasagutan.
2. A
1. Ito ay tumutukoy sa pangkat ng mga taong gumagamit o nagsasalita ng wikang
Austronesian. 3. A
A. Austronesian
4. D
B. Australianesian
C. Indonesian 5. B
D. Filipino

2.Siya ang arkeologong Australian na naniniwala na ang pinagmulan ng mga


ninunong Filipino ay ang mga Austronesian.
A. Peter Bellwood
B. Wilhelm Solheim II
C. Antonio Figafetta
D. Felipe Jocano

3. Ayon sa Mainland Origin Hypothesis orihinal na nagmula ang mga Austronesian


sa bansang _____________.
A. China
B. Indonesia
C. Pilipinas
D. Taiwan

4. Noong 2500 B.C.E. ang mga Austronesian ay nakarating sa Pilipinas mula sa


_______________.

A. China
B. Indonesia
C. Thailand
D. Taiwan

11
5. Binigyang diin ng Mainland Origin Hypothesis na nagmula ang mga
Austronesian sa Timog China na naglakbay sa Taiwan at nagtungo sa hilagang
Pilipinas. Mula sa Pilipinas ay nagtungo naman sa ________________.
A. China
B. Indonesia
C. Thailand
D. Taiwan

2. Gawaing Pantahanan/ Takdang-Aralin


Magsaliksik ng mga impormasyon hinggil sa mga sumusunod:

a. Island Origin Hypothesis (Solheim)

b. "Peopling of Mainland SE Asia

B. Pagbuo ng Itala ang naobserhan


Anotasyon sa pagtuturo sa Problemang Naranasan at
Epektibong Pamamaraan
alinmang sumusunod Iba pang Usapin
na bahagi.

Estratehiya

Kagamitan

Pakikilahok ng mga
Mag-aaral

At iba pa

12
C. Pagninilay Gabay sa Pagninilay:

▪ Prinsipyo sa pagtuturo
Anong prinsipyo at paniniwala ang naging bahagi ng ginawa sa aralin?

Bakit dapat ituro ang aralin sa paraang aking ginawa?

▪ Mag-aaral
Anong gampanin ng mga mag-aaral sa aralin?

Ano at paano natuto ang mga mag-aaral?

▪ Pagtanaw sa Inaasahan
Ano ang aking nagawang kakaiba?

Ano ang maaari kong pang gawin sa susunod?

Inihanda ni: Jayson P. Sollorano, EdD Sinuri ni: Marivic M. Pimentel, PhD

Institusyon: Don Manuel Rivera Memorial Integrated Institusyon: Philippine Normal University-Manila
National High School- Pila Sub-office, SDO-Laguna

13

You might also like