0% found this document useful (0 votes)
24 views

Detailed LP in AP10

DLP

Uploaded by

Nerie Fakih
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
24 views

Detailed LP in AP10

DLP

Uploaded by

Nerie Fakih
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 6

PLACER NATIONAL HIGH SCHOOL Document Type: PNHS-DLP

Magsaysay, Placer, Surigao del Norte Revision No.: 00


School ID: 304837
Effective Date FEBRUARY 2024
Email: [email protected]
Page No.

BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10


Ikatlong Markahan

A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa:


mga epekto ng mga isyu at hamon na may kaugnayan
sa kasarian at lipunan upang maging aktibong
tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at paggalang
sa kapwa bilang kasapi ng pamayanan

B. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag- aaral ay :


nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na
nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang
kasarian upang maitayugod ang pagkakapantay–pantay
ng tao bilang kasapi ng pamayanan
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto AP10KIL-IIIa-1
Naipapahayag ang sariling pakahulugan sa kasarian at
sex
AP10KIL-IIIa-2
Nasusuri ang mga uri ng kasarian (gender ) at sex
I. LAYUNIN Naihahambing ang sex at gender
Nasusuri ang pagkakaiba ng sexual orientation
at gender identity (SOGIE)
II. NILALAMAN ARALIN 1: Kasarian sa iba’t ibang lipunan
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian LM p.257-259, TG p.245-247
1.TG at LM, Teksbuk LM p.262-264, TG p. 248-249
2.LRMDC Portal
B. Iba pang Kagamitang Panturo Laptop, mga larawan na akma sa paksa,
Projector/TV
IV. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
1. Panalangin
 Magsitayo ang lahat para sa panalangin na  Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu santo,
pangungunahan ni Norjana Guinal. Amen. Panginoon naming Dyos, patnubayan
nyo po kaming lahat sa araw na ito na
magampanan ang aming mga tungkulin bilang
mag-aaral, Gabayan nyo po kami at kalingahin
sa pagtupad ng aming tungkulin. Tulungan nyo
po kami sa aming gagawing mga desisyon.
Pagpalain nyo po ang aming mga guro sa
kanilang araw-araw na paghahatid ng leksyon
at pagbabahagi ng kanilang kaalaman.
Pagpalain nyo rin po ang aming mga magulang
sa patuloy na pagsuporta at pag-aalaga sa amin.
Maraming salamat po sa lahat ng biyaya at
pagpapala sa amin. Ikaw lamang ang aming
sandigan at kalakasan. Amen.
 Maraming salamat.
PLACER NATIONAL HIGH SCHOOL Document Type: PNHS-DLP
Magsaysay, Placer, Surigao del Norte Revision No.: 00
School ID: 304837
Effective Date FEBRUARY 2024
Email: [email protected]
Page No.

2. Pagbati
 Magandang umaga mga mahal kong mag-aaral?  Magandang umaga Ginang Fakih. Magandang
Bago magsiupo, tingnan kung maayos ang mga silya umaga mga bisita.
at walang mga kalat na bsura.

3. Paglilista ng Lumiban
Angel, mayroon bang lumiban sa klase? Ayon sa  Gwen : Wala pong lumiban sa klase Ma’am.
ating nakasanayan, ibigay mo nalang ang
listahan.
 Mahusay!

4. Balik-aral
 Bago tayo dumako sa ating aralin ngayon, ating  Ang ating huling talakayan ay tungkol sa mga
balikan ang tinalakay natin noong nakaraan. dahilan at epekto ng migrasyon dulot ng
Patungkol sa anong paksa ang ating huling globalisasyon.
leksyon?

 Magaling ( pangalan ng batang sumagot)

 Anu-ano ang mga dahilan ng migrasyon?  Sasagutin ni Kent Alipaspas. Ang mga dahilan ng
migrasyon ay una: Trabaho o hanapbuhay,
pangalawa ay ang paghahanap ng ligtas na
lugar, pangatlo ay ang pag-aaral at ang ikaapat
ay ang panghihikayat ng kamag-anak o
 Napakahusay Renjun, malinaw pa sa iyong kapamliya.
isipan ang ating nakaraang talakayan.

 Palagay ko ay handa na kayo sa ating bagong


tatalakaying paksa. Ngayon ay may ipapakita  Opo Ma’am, handa na kami.
akong mga larawan at sabay-sabay na tukuyin
ang mga ito. Handa na ba kayo?

1. A. Pagganyak

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG -AARAL


 Magpapakita ng mga iba’t ibang kagamitan at  Babasahin ang Panuto na pinamagatang “Para
mga kasuotan kanino ito?”
 Mga katanungan:  (Babanggitin ang bawat bagay na para sa babae
1. Batay sa mga litratong inyong nakita, ito ba o lalake)
ay para sa babae o lalake?
2. Paano nyo nsabi na ang mga bagay nay un  Nakikita po natin ito na gamit ng babae o ng
ay para sa mga babae o sa mga lalake? lalake sa araw-araw .
3. Sa inyong palagay, tungkol saan o ano ang  Student 1: Tungkol sa kakabaihan at
paksa ng ating takalayan sa umagang ito? kalalakihan.
May ideya na ba kayo?  Student 2: Tungkol sa kagamitan ng mga babae
at lalake
 Student 3: Tungkol sa Iba’t - ibang kasarian.
PLACER NATIONAL HIGH SCHOOL Document Type: PNHS-DLP
Magsaysay, Placer, Surigao del Norte Revision No.: 00
School ID: 304837
Effective Date FEBRUARY 2024
Email: [email protected]
Page No.

2. Paglinang na Gawain
2.1 Paglalahad ng Paksa

 Napakahusay ninyong lahat, tama kayo! Ang  Palakpakan ang mga mag-aaral.
ating paksa sa araw na ito ay tungkol sa iba’t-
ibang kasarian sa lipunan.

2.2 Pagtatalakay

 Ano ang ibig sabihin ng Sex?  Ang Sex ay tumutukoy sa biyolohikal at


pisyolohikal na katangiang itinakda para sa
babae at lalake.

 Magaling! Ngayon ano naman ang Gender?  Ang Gender ay ang panlipunan at
pangkulturang gampanin, kilos at gawain na
itinakda ng lipunan para sa mga babae at lalake.

 Kapag biyolohikal nakatangian ang pag-  Ang lalake ay may bayag, adams apple at ang
uusapan, ano ang meron sa babae at ano babae ay may developed breast, puki at matres.
naman ang sa lalake?

 Mahusay, dagdag pa nito na ang lalake ay may  Yun pala ang dahilan ng pagkakaroon ng buhok
XY chromosomes at nagpo-produce ng sa mukha ng mga lalake!
androgen at testosterone kaya nagkakaroon ng
buhok sa mukha.

 Tama! Sa palagay Ninyo, ano naman ang  Jhemuel Deva: ang babae ay may XX
chromosomes ng babae at ano ang ginagawa chromosomes at ito ay nagdadala ng estrogen
nito? at progesterone kaya nagkakaroon ng
buwanang regla.

 Napakagaling naman Jhemuel, saan nyo ito  Sa science po Ma’am.


natutunan?

 Ano naman ang mga katangian sa gender?  Ang lalake ay likas na malakas at matipuno at
sya ang nagtataguyod ng pamilya o ang haligi
ng tahanan.

 Ang babae ay itinuturing na mahina, mahinhin


at sya ay ang ilaw ng tahanan at ang mga babae
rin ang gumagawa ng mga gawaing bahay.

 Tunay na magaling ang inyong kaalaman


tungkol sa gender. May idadagdag lang ako,
ang sex ay batay sa Genetics na ang ibig sabihin
ay ang kanyang pisikal at pisyolohikal na
katangian ay dinidikta ng chromosomes,
hormonal profile at ng ari. Samantalang ang
gender ay batay sa lipunan, ibig saihin ito ay
psychological o socially constructed na itinakda
ng lipunan. Ang inyong mga nabanggit ay
PLACER NATIONAL HIGH SCHOOL Document Type: PNHS-DLP
Magsaysay, Placer, Surigao del Norte Revision No.: 00
School ID: 304837
Effective Date FEBRUARY 2024
Email: [email protected]
Page No.

pawang katotohanan.

 Ang sex at gender ay may dalawang kategorya,  Ma’am sa sex ito ay ang babae at lalake, at sa
alam nyo ba kung anu-ano ito? gender naman ito ay ang pagkalalaki
(masculine) o pagkababae (feminine)

 Malinaw na ba sa inyo ang pagkakaiba ng sex at  Opo ma’am!


gender?

 Ngayon naman ay dadako tayo sa kung ano ang  Ang kahulugan ng salitang SOGIE ay Sexual
pagkakaiba ng SOGIE. Pamilyar ba kayo sa Orientation Gender Identity and Expression
salitang SOGIE? Ano ang kahulugan nito?

 Tama! Subalit, ano nga ba ang ibig sabihin ng  (Babasahin ng mag-aaral via Visual
mga salitang ito? presentation) : Ang Sexual Orientation ay
tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na
makaranas ng malalim na atraksiyong
apeksyonal, emosyonal, sekswal; at ng malalim
na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay
maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o
kasariang higit sa isa.

 Anu-ano kaya ang mga halimbawa ng mga ito?  (PPT) Mga Halimabawa ng Sexual Orientation:

1. Heterosexual o straight
2. Homosexual (Hal.): Gay at Lesbian
3. Bisexual
4. Pansexual
5. Asexual
 Ano naman ang kahulugan ng Gender Identity  (PPT): Ang Gender Identity ay kinikilala bilang
at Gender Expression? malalim na damdamin at personal na
karanasang pangkasarian ng isang tao, na
maaaring nakatugma o hindi sa sex niya nang
siya ay ipinanganak. Samantalang ang Gender
Expression ay ang panlabas (external) na
pagpapahayag ng ating kasarian. Nakikita ito sa:
Pananamit
Kilos
Boses
Gupit ng buhok
pangangatawan

 Madali nyo bang naintindihan ang mga ito?  Opo


 Mahusay at naintindihan nyo na nga ang
pagkakaiba ng mga ito! Nabanggit natin kani-
kanina lang ang mga halimbawa ng Sexual
Orientaion, anu-ano ng aba ang kahukugan ng
mga ito?
 (PPT) Heterosexual o Straight – mga taong may
atraksyon sa kasalungat na kasarian.
 Homosexual – mga taong nagkakaroon ng
atraksyon sa kaparehong kasarian, maaaring ito
PLACER NATIONAL HIGH SCHOOL Document Type: PNHS-DLP
Magsaysay, Placer, Surigao del Norte Revision No.: 00
School ID: 304837
Effective Date FEBRUARY 2024
Email: [email protected]
Page No.

ay Gay o Lesbian.
Gay – mga lalake na may atraksyon sa
kapwa lalake
Lesbian – mga babae na may atraksyon
sa kapwa babae.
 Bisexual – mga taong may atraksyon sa
kapareho at kasalungat na kasarian.
 Pansexual – mga taong may atraksyon sa taong
anuman ang kasarian.
 Asexual – mga taong wala namang
nararamdamang atraksyon sa anumang
kasarian.

 Malinaw ba ang ating talakayan? Naiintindihan  Opo Ma’am, malinaw.


nyo ba?

 Sa kasalukuyan, ay may tinatawag na LGBTQIA+  (PPT ) Transgender : mga taong


Sigurado ako naririnig na ito. Ano naman kaya nakakaramdam na sya ay nabubuhay sa maling
ng ibig sabihin ng acronym na ito? katawa n, ang kanyang pag-iisip at ang
pangangatawan ay hindi magkatugma
Queer – mga taong hindi sang-ayon na
mapasailalim sa anumang uring pangkasarian,
ngunit maaaring ang kanilang pagkakakilanlan
ay wala sa kategorya ng lalake o babae,
parehong kategorya o kombinsayon ng lalake at
babae
Intersex – mga yaong may parehong ari ng
lalake at babae. Tinatawag din silang
hermaphrodites.
PLACER NATIONAL HIGH SCHOOL Document Type: PNHS-DLP
Magsaysay, Placer, Surigao del Norte Revision No.: 00
School ID: 304837
Effective Date FEBRUARY 2024
Email: [email protected]
Page No.

PREPARED BY: CHECKED BY: NOTED BY:

NERISSA E. FAKIH NOVERITA T. ABUEL DANTE M. OROZCO


Subject Teacher MT-I Principal I

You might also like