Group 3 Esp Script
Group 3 Esp Script
ROLEPLAY SCRIPT
Nagsisimula Ang Pagmamahalan Sa Tahanan
NARRATOR: Sa isang maliit na tahanan, nakatira ang isang batang nagngangalang (bunso). Isang araw
sa paaralan ng tagsci, siya ay niyaya ng kanyang mga kaibigan papunta sa isang lugar.
(B-Kaibigan1): Uy (bunso), sama ka samin pagkatapos ng klase, may bagong bukas na computer shop
sa kabilang Kanto.
(Bunso): Eh, ayoko, baka mapagalitan ako ni inay, wala rin akong pera para diyan.
(B-kaibigan1): Hay nako, lagi ka na lang ganyan, sumama ka na, kaming bahala sa pera, kaya Tara na,
bilisan mo.
(Bunso): Pero paano na ang ating pagsusulit? Bukas na ito mangyayari ngunit wala pa rin akong
napag-aaralan ni-isang letra.
(B-kaibigan2): Hay nako, pabayaan mo na yun, matalino ka naman Kaya makakagawa ka agad.
NARRATOR: Matapos ng kanilang klase, nagtungo sila sa bagong bukas na computer shop upang
makapaglaro.
(B-kaibigan2): Aba, mukhang magaling ka sa larong ito ah! Pakipot ka pa, magaling ka naman pala.
(Bunso): Ayoko na, anong oras na, kailangan ko nang makauwi dahil mapapagalitan ako ng aking tatay.
(B-kaibigan1): Hindi ka uuwi hanggat di ka maglalaro ng isa pang beses, Dali na, minsan lang to!
(Bunso): Hay, sige na nga, Tara Isa pa!
Lumipas ang ilang oras, madilim na ang langit ngunit Hindi pa rin naka-uwi si (bunso). Labis na nag-aalala
ang kanyang inay.
(Nanay): Aba't nasaan na kaya ang batang iyon? Oras de peligro na Wala pa rin, (panganay) tawagan mo nga
yang Kapatid mo, madilim na, Akala ko ba tanghali ang labas nila?
NARRATOR: Dumating ang kanilang tatay galing sa trabaho, nagtataka kung bakit wala pa ang bunsong
anak. Nag-aalala na ang kanyang mga kapamilya, walang ideya kung saan sya pumunta. Makalipas ang
kalahating oras, dumating na ang bunsong anak.
(Bunso): Ah wala tay, gumawa lang kami ng esp project sa bahay nina (b-kaibigan1). Medyo mahirap yung
gawain kaya natagalan, sensya na tay!
(Nanay): Abat siguraduhin mo lang na totoo yang sinasabi mo, malaman laman ko lang na mababa ng
marka mo, malilintikan ka sakin.
NARRATOR: Kinabukasan, sa eskwelahan, nagkaroon ng biglaang pagsusulit bilang balik aral sa kanilang
tinalakay. Si (bunso) ay hindi mapakali sapagkat nakalimutan nyang pag-aralan ito.
(Bunso): Naku! Nakalimutan kong ireview ang lesson natin, ano na ang gagawin ko!? Lagot ako kay tatay.
Matapos ng pagsusulit, chineckan ng kanilang guro ang kanilang mga sagot. Laking gulat nya nang makita
na si (bunso) ang may pinaka-mababang marka!
(Guro): Anong nangyare sa iyo? Hindi ka naman ganito noon, napaka taas ng mga marka mo ngunit, bakit
nagka-ganito? Paki-tawag nga ang iyong mga magulang, at akin silang kakausapin.
(Bunso): Huwag po huwag po! Pwede po bang ang ate/kuya ko na lamang po ang kausapin nyo?
NARRATOR: Kinausap ng guro ang kanyang nakatatandang Kapatid, labis na kalungkutan ang naging
reaksyon niya. Matapos ang klase, umuwi na ang magkapatid.
(Panganay): Iyan pong si (bunso) eh nakakakuha ng pinaka mababang puntos sa kanilang pagsusulit
kanina, nakakapagtaka po para sa akin, maaari nyo po ba syang kausapin? Bilang ate/kuya, nag-
aalala rin po ako sa kanya.
(Nanay): Bunso, may problema ka ba na hindi mo sinasabi sa Amin? May nararamdaman ka ba?
Sabihin mo sa amin, pangako, Hindi ka namin sasaktan.
(Bunso): Ano po kasi inay..... Nakalimutan ko po na may pagsusulit, naglaro po kami ng mga
kaibigan ko sa bagong bukas na computer shop, hindi po totoo yung project namin.
Niyaya lang din po ako.
Tatay): Ay yun lang naman pala eh, ngunit tatandaan mo na ang paglalaro ay hindi ina-araw araw
ha? Pinapayagan ka namin ngunit wag mo itong aabusuhin. Hindi kami galit sa iyo, Basta ang
mahalaga ay magamit mo ang oras ng tama.
(Nanay): Tama ang iyong tatay, huwag mo ring kakalimutan na magpaalam kung may pupuntahan
ka, Ng gayon ay alam namin kung nasaan ka.
(Panganay): Sana sa susunod huwag na ng mauulit yung ginawa mo ah? Ayaw kitang matulad sakin.
(Bunso): Maraming salamat nanay, tatay, at sayo ate/kuya. Pangako ko po na hindi na iyon mauulit.
NARRATOR: Laging tandaan, ang pagmamahal ay nagsisimula sa tahanan, karapatan ng isang tao
na mahalin at bigyan ng tamang paggabay. Mahalaga sa isang bata ang maturuan ng tamang asal at
bigyan ng karunungan sa pamamagitan ng komunikasyon.
MEMBERS
LEANNE DE GUZMAN
PRINCESS ADANNA POLINAR
YEOHAN GABRIEL MOLABOLA
SASHA RIHANNA TALAMPAS
JOREN PAUL BUICO
BRIDGET YRISH BALUBAL
LUIS FERNANDEZ
LUIS CARLO SARMIENTO