0% found this document useful (0 votes)
21 views

LAS 4th Quarter

Gr. 9 LAS
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
21 views

LAS 4th Quarter

Gr. 9 LAS
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 17

Department of Education

Republic of the Philippines


ILOILO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

Filipino 9
Ikaapat na Markahan – Learning Activity Sheet LAS
Kaligirang Kasaysayan ng Noli Me Tangere

Alamin

“Kung sadyang tapat ang pag-ibig sa bayan, laging naisin ang


kaniyang kagalingan”- Dr. Jose P. Rizal. Narinig o nabasa mo na ba ang
pahayag na ito na tinuran ng ating bayani na si Dr. Rizal? Ano kaya ang
nais niyang ipakahulugan dito?
Mula sa pahayag niyang ito, nakasulat siya ng isang nobela- ang Noli
Me Tangere. Naging inspirasyon ni Dr. Rizal sa pagsulat ng nobela ang
mga Pilipinong pinagmalupitan ng mga Espanyol.
Ang modyul na ito ay tumatalakay sa layunin ni Dr. Rizal bilang
mayakda, ang kalagayang panlipunan ng Pilipinas nang panahong isinulat
ang akda at ang epekto ng pagkakasulat ng nobela mula sa panahon ng
Kastila hanggang sa kasalukuyan.
Halina’t iyong lakbayin ang kakaibang mundo ng panitikan na
magbabalik-tanaw sa nakaraan.
Inaasahang pagkatapos mo sa modyul na ito, matututuhan mo ang
sumusunod:
1. natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan
ng:
• pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat nito;
• pagtukoy sa mga kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ito;
at
• pagpapatunay sa pag-iral ng mga kondisyong ito sa kabuoan o
ilang bahagi ng akda. (F9PN-IVa-b-56); at
2. nailalarawan ang mga kondisyong panlipunan sa panahong isinulat
ang akda at ang epekto nito matapos maisulat hanggang sa
kasalukuyan. (F9PB-IVa-b-56)
1
Halina’t simulan mo na ang pag-aaral sa modyul na ito upang ikaw ay
matulungan na mas mapalawak ang iyong kaalaman sa pagkakasulat ng
Noli Me Tangere. Alam kong masisiyahan ka sa mga matutuklasan mo
habang pinag-aaralan ang araling ito. Dadalhin ka nito sa panahon ng
mga ninuno. Halina’t simulang pagyamanin ang iyong kaalaman.

Subukin
Bago mo alamin ang nilalaman ng modyul na ito, sagutin mo muna
ang sumusunod na tanong upang matukoy kung may kaalaman ka na
tungkol sa paksang iyong pag-aaralan.

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong. Piliin ang letra ng


tamang sagot at isulat sa hiwalay na papel.

1. Kanino inihandog ni Dr. Jose Rizal ang nobelang Noli Me Tangere?


A. sa Prayle C. sa mga Pilipino
B. sa Espanya D. sa GOMBURZA

2. Ano ang nagbunsod kay Rizal na sumulat ng Noli Me Tangere at El


Filibusterismo?
A. mga prayle C. mga Pilipino
B. GOMBURZA D. tatlong paring martir

3. Anong aklat ang naging inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng Noli Me


Tangere na tumatalakay sa isang lalaking kumutya kay Hesus
habang siya ay patungo sa Golgota at pinarusahan ang lalaki na
maglakad sa buong mundo nang walang tigil?
A. Bibliya C. The Wandering Jew
B. El Filibusterismo D. Uncle Tom’s Cabin

4. Anong nobela ang gumising sa natutulog na damdamin ng mga


Pilipino at nagsiwalat sa kabuktutan at pagmamalupit ng mga
Espanyol?
A. El Filibusterismo C. Noli Me Tangere
B. The Wandering Jew D. Uncle Tom’s Cabin

5. Alin sa sumusunod na pahayag ang naging layunin ni Dr. Jose P.


Rizal sa pagsulat niya ng nobela?
2
A. makataong pakikitungo ng mga Kastila sa mga Pilipino
B. maisakatuparan ang pagiging malaya ng bansa sa mga
mananakop
C. matugunan ang paninirang puring ipinarating ng mga Kastila
sa mga Pilipino at sa bansa
D. mahikayat ang kabataan na maging bukas ang isip sa mga
pangyayari sa pamahalaan

6. Anong kalagayang panlipunan ang nilalaman ng nobela? A. pantay


na karapatan ng mga Kastila at mga Pilipino
B. mabuting pakikitungo ng mga Kastila sa mga Pilipino
C. pagkakaroon ng digmaan sa pagitan ng Kastila at Pilipino
D. pagsasamantala ng mga makapangyarihan laban sa
mahihirap
7. Alin sa sumusunod ang hindi kalagayang panlipunan noong
isinusulat ang nobela?
A. pagiging kolonya nito ng Espanya
B. kapangyarihang taglay ng simbahang Katoliko
C. mga kaugalian na nakasanayan ng mga Pilipino
D. pantay na karapatan ng mga Kastila at mga Pilipino

8. Anong kalagayang panlipunan ang nagpapahayag bilang patunay


na ang kapangyarihang taglay ng simbahang Katoliko ay
nakahihigit sa kapangyarihan ng lokal na alkalde?
A. aminado ang mga alkalde na wala silang lakas
B. higit na kinatatakutan ang alkalde kaysa sa pari
C. pinagbibigyan lamang ng mga alkalde ang mga pari
D. mas nasusunod sa pamamahala ang mga pari kaysa sa
alkalde

9. Ano ang nakasanayan o nakaugalian ng mga Pilipino na binanggit


ni Dr. Jose P. Rizal sa nobela na sumasalamin sa kalagayang
panlipunan ng bansa?
A. pagiging walang imik
B. paglaban sa mga Kastila
C. pagiging masunurin sa mga Kastila
D. kawalan ng lakas ng loob na ipahayag ang kanilang
karapatan

3
10. Ano ang naging epekto ng nobela sa mga Pilipino noon hanggang
sa kasalukuyan?
A. Natutuhan na nilang mahalin pa ang mga Kastila.
B. Natutuhan na nilang gumawa rin ng nobela tulad ni Dr. Rizal.
C. Namulat na ang kanilang isipan na maghiganti sa
pamamagitan ng dahas.
D. Naging instrumento ito upang lumaban at magpahayag ng
saloobin ang mga Pilipino.

Aralin
Kaligirang Kasaysayan
1 ng Noli Me Tangere
Ang Noli Me Tangere ay isang akdang pinakamakasaysayan at
pinakamaimpluwensiya para sa Pilipinas. Ito ay nagtataglay ng
makatotohanang pangyayaring gumising sa kamalayan ng mga Pilipino sa
kawalang katarungan, pagmamalupit at pang-aalipin ng mga Kastilang
sumakop sa ating bansa. Nakatulong ang nobelang ito para sa pagharap
ng bansa sa mga suliraning panlipunan sa panahong ito.
Inaasahang ang nobelang ito ay makatutulong hindi lamang sa mga
mag-aaral kundi pati na rin sa mga guro para sa kanilang kinabukasan.
Ngunit, paano nga ba nabuo ang Noli Me Tangere? Halina’t iyong alamin!

Balikan

Bago mo masagot ang tanong kung paano nabuo ang Noli Me


Tangere, magbalik-tanaw ka muna sa nakaraang aralin.

Sa mga naunang aralin, natutuhan mo na malaki ang


ginagampanang papel ng mga akdang pampanitikan sa buhay ng tao,
maging ito man ay pabula, maikling kuwento, alamat, tula, sanaysay at

4
iba pa. Ngayon, balikan mo ang mga akdang pampanitikan sa nakaraang
markahan.

Panuto: Ibigay ang mga natutuhan sa nakaraang markahan tungkol sa


epiko sa pamamagitan ng pagsulat ng maikling talata. Isulat ang sagot sa
hiwalay na papel.

_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________

_______________________________________

Tuklasin

Kilala mo ba kung sino ang ating pambansang bayani? Kung gayon,


mas kilalanin mo pa siya sa pamamagitan ng pagbasa ng malayang tula
na nasa ibaba.

Tatak Bayani
Ni Kenneth C. Salvador

Tinaguriang bayani, nagbuwis ng buhay


Matalino, makabayan, may angking husay
Dr. Jose P. Rizal ang kaniyang pangalan Isa
ring manunulat ng ating bayan.

Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonzo Realonda ang kaniyang buong ngalan
Sa Calamba Laguna, siya’y isinilang
Hunyo 19, 1861 ang kaniya namang kapanganakan
Tinawag na Pepe sa kanilang tahanan.

Si Donya Teodora ang kaniyang ina


Unang guro niya sa abakada.

5
Si Don Francisco naman ang kaniyang ama Pinag-
aral siya sa Ateneo de Manila.

Sa Unibersidad ng Santo Tomas, kursong medisina’y kinuha


Upang gamutin ang katarata ng mahal
niyang ina.
Sa hindi magandang pakikitungo ng
Kastila
Ang nag-udyok sa kaniya na magtungo
sa Espanya.

Si Dr. Rizal, isa ring dalubwika


Iba’t ibang lenggwahe ang inaral niya,
Arabe, Ingles at Aleman
Mapa-Hapon, Italyano at Latin man.

Sa kaniyang kabataan,
maraming babae sa kaniya ay dumaan
Buhay pag-ibig niya ay naging makulay
Josephine Bracken at siya’y ‘di mapaghihiwalay.

Sa angking husay sa pagsusulat


Maraming mga akda ang kaniya nang naisulat
“Sa Aking mga Kabata”, ang una niyang akda
Na ang pahiwatig ay pagmamahal sa sariling wika.

Nakasulat din siya ng dalawang nobela


Noli Me Tangere at El Filibusterismo
Mga nobelang naglantad at nagmulat sa kalagayan ng mga Pilipino
Sa maling pamamalakad ng Kastila at ‘di makatarungang pagtrato.

Sumulat din siya ng mga tula


Mi Ultimo Adios ang huli niyang akda
Nagsasaad ng wagas na pag-ibig sa kapuwa
Pagmamahal sa bayan, dito rin niya inilathala.

Kaya naman dapat siyang pasalamatan


Sa pagtulong sa ating mamamayan
Dahil sa kaniya’y nakamit ang kalayaan
Ngalang Dr. Jose Rizal, nakatatak sa ating isipan.

6
Pag-unawa sa Binasa
1. Ano ang nilalaman ng tula?
2. Sino si Dr. Jose P. Rizal?
3. Ano-ano ang mga kondisyon sa lipunan sa panahong isinulat ang
Noli Me Tangere?
4. Bakit isinulat ni Dr. Jose P. Rizal ang Noli Me Tangere at ano ang
nagsilbing inspirasyon niya upang isulat ang akda?
5. Bilang kabataan, paano mo maipakikita ang pasasalamat sa ating
pambansang bayani?

Suriin

Ngayon ay mas nakilala mo na si Dr. Jose P. Rizal, pagtuunan mo


naman ng pansin ang kaniyang nobela na isinulat. Ito ay ang Noli Me
Tangere. Alamin mo kung paano niya ito naisulat. Halina’t iyong basahin at
suriin ang mga impormasyon sa kasunod na pahina.

Kaligirang Kasaysayan ng Noli Me Tangere

Ang Noli Me Tangere ang


kaunaunahang nobelang isinulat ni Rizal.
Magdadalawampu’t apat na taon pa
lamang siya nang isulat niya ito. Naisipan
ni Rizal na sumulat ng Noli Me Tangere
dahil sa tatlong aklat na nagbigay sa
kaniya ng inspirasyon: The Wandering Jew,
Uncle Tom’s Cabin, at ang Bibliya.
Nang mabasa ni Rizal ang aklat na
The Wandering Jew (Ang Hudyong Lagalag)
ay nabuo sa kaniyang puso na sumulat ng
isang nobelang gigising sa natutulog na
damdamin ng mga Pilipino at magsisiwalat
sa kabuktutan at pagmamalupit ng mga
Espanyol.

7
Ang The Wandering Jew ay tungkol sa isang lalaking kumutya kay
Hesus habang siya ay patungo sa Golgota. Ang lalaking ito ngayon ay
pinarusahan na maglakad sa buong mundo nang walang tigil.
Ang Uncle Tom’s Cabin ay tungkol sa pagmamalupit ng mga puting
Amerikano sa mga Negro. Tumindi ang pagnanais ni Rizal na makabuo ng
aklat na tumatalakay sa pagmamalupit ng Kastila sa mga Pilipino.
Ang pamagat na “Noli Me Tangere’’ ay salitang Latin na ang ibig
sabihin sa wikang Filipino ay ‘’huwag mo akong salingin’’ na hango sa
Bibliya sa Ebanghelyo ni San Juan.
Inilathala ang unang nobela ni Rizal noong dalawampu’t anim na
taong gulang siya. Makasaysayan ang aklat na ito at naging instrumento
upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan.
Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay
ipasulat sa ilan niyang kababayan na nakababatid sa uri ng lipunan sa
Pilipinas at yaon ay pagsasama-samahin niya upang maging nobela.
Ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan, kaya sa harap ng kabiguang ito,
sinarili niya ang pagsulat nang walang katulong.
Bago matapos ang taong 1884 ay sinimulan niya itong isulat sa
Madrid at doo’y natapos niya ang kalahati ng nobela. Ipinagpatuloy niya
ang pagsulat nito sa Paris noong 1885 at natapos ang sangkapat. Natapos
naman niyang sulatin ang huling ikaapat na bahagi ng nobela sa
Alemanya noong Pebrero 21, 1887.
Natapos niya ang Noli Me Tangere, ngunit wala siyang sapat na
halaga upang maipalimbag ito. Mabuti na lamang at dumalaw sa kaniya si
Maximo Viola na nagpahiram sa kaniya ng salapi na naging daan upang
makapagpalimbag ng dalawang libong (2,000) sipi nito sa Imprenta Lette.
Si Rizal mismo ang nagdisenyo ng pabalat ng nobela. Pinili ni Rizal
ang mga elemento na ipaloloob niya rito, hindi lamang ang aspektong
astetiko ang kaniyang naging konsiderasyon – higit sa lahat ay ang
aspekto ng simbolismo.
Nagalit man ang mga Espanyol kay Rizal at nangamba ang kaniyang
pamilya na baka siya’y mapahamak, inibig pa rin niyang makabalik sa
Pilipinas dahil: Una, hangarin niyang maoperahan ang kaniyang ina dahil
sa lumalalang panlalabo ng mata. Pangalawa, upang mabatid niya ang
dahilan kung bakit hindi tinugon ni Leonor Rivera ang kaniyang mga sulat
mula taong 1884-1887. Panghuli, ibig niyang malaman kung ano ang
naging bisa ng kaniyang nobela sa kaniyang bayan at mga kababayan.
Ang nobela ay tumatalakay sa mga kinagisnang kultura ng Pilipinas
sa pagiging kolonya nito ng Espanya. Binabatikos din ng nobela ang mga

8
kaugalian na nakasanayan ng mga Pilipino at ang kapangyarihang taglay
ng simbahang Katoliko na nahihigitan pa ang kapangyarihan ng mga lokal
na alkalde. Bumuo ng kontrobersya ang nobelang ito, kung kaya't
pagkatapos lamang ng ilang araw na pagbalik ni Rizal sa Pilipinas,
tinanggap ni Gobernador Heneral Terrero sa Malacañang at inabisuhang
puno ng subersibong ideya ang Noli Me Tangere. Pagkatapos ng usapan,
napayapa ang liberal na Gobernador Heneral ngunit nabanggit niya na
wala siyang magagawa sa kapangyarihan ng simbahan na gumawa ng
kilos laban sa nobela ni Rizal.
Ayon sa liham ni Dr. Jose Rizal kay Dr. Ferdinand Blumentritt, ang
mga layunin niya ay ang sumusunod:
1. Matugunan ang paninirang puring ipinaratang ng mga Kastila sa
mga Pilipino at sa bansa.
2. Maiulat ang kalagayang panlipunan, uri ng pamumuhay, mga
karaingan at kalungkutan.
3. Maihayag ang maling paggamit ng relihiyon na ginagawang
dahilan o sangkalan sa paggawa ng masama.
4. Maipaliwanag ang pagkakaiba ng tunay sa ‘di tunay na relihiyon.
5. Mailantad ang kasamaang nakakubli sa karaingan ng
pamahalaan.
6. Mailarawan ang mga kamalian, masasamang hilig, kapintasan at
kahirapan sa buhay.

Isinulat niya ang Noli Me Tangere upang mabuksan ang mga mata
ng Pilipino sa kanser ng lipunan na nangyayari sa bansa. Ito ay ang
pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas.

Pagyamanin

Mahusay! Nalaman at nauwaan mo na ngayon ang kasaysayan sa


pagkakasulat at pagkakabuo ng Noli Me Tangere. Kaya naman, naniniwala
ako na kaya mong sagutin ang mga gawain na inihanda ko para sa iyo.
Halina’t simulan mo na ang pagsagot upang mataya ang iyong natutuhan
sa inilahad na aralin.

9
Gawain 1. #KaalamanKo,IlalahadKo
Panuto: Tukuyin ang mga layunin ng may-akda sa pagsulat ng kaligirang
kasaysayan ng Noli Me Tangere. Kopyahin ang pormat sa hiwalay na papel
at isulat ang iyong sagot.

Gawain 2. #Tinukoy Ko,PatutunayanKo


Panuto: Batid kong kaya mo nang tukuyin ang mga kondisyon ng lipunan
na nabanggit noong panahong isinulat ni Dr. Jose Rizal ang akdang Noli
Me Tangere sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek sa mga pahayag at
patunayan na umiiral ang kondisyong ito sa kabuoan o ilang bahagi nito.
Kopyahin ang pormat sa hiwalay na papel at isulat ang sagot.

Lagya
n ng
Kondisyong Panlipunan Patunay
tsek
(🗸)
10
Makapangyarihan ang balat-
kayong relihiyong nagpahirap at
nagmalupit sa mga Pilipino.

Mahigpit ang sensura kaya’t


hindi pinapayagang mailathala
ang mga sulating tumutuligsa
sa pamahalaang Espanyol.

Umunlad at bumuti ang


kalagayan ng mga Pilipino dahil
sa paraan ng pamamahala ng
mga Espanyol sa Pilipinas.

Mas makapangyarihan ang


simbahan kaysa sa mga opisyal
ng pamahalaan.

Nagsisimula nang mag-alsa at


lumaban ang mga Pilipino dahil
sa pagmamalupit at
pangaabuso ng mga Espanyol.

Gawain 3. #IlalarawanKo
Panuto: Ilarawan ang mga kondisyong panlipunan sa panahong isinulat
ang akda at ibigay ang naging epekto nito matapos maisulat hanggang sa
kasalukuyan. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

Panahon ng Pagkasulat ng Noli Me Tangere

Kondisyong Sitwasyong Epekto


Panlipunan Maglalarawan Noon Kasalukuyan

1. Pananakop ng
mga Kastila sa
Pilipinas

2. Pagmamalupit ng
mga Kastila

11
3. Mas
makapangyariha
n ang simbahan
kaysa sa mga
opisyal ng
pamahalaan

4. Maling
pamamalakad
ng mga
Kastila

5. Hindi
makatarungang
pagtrato

Isagawa

Mahusay! Narito ka na sa halos panghuling gawain sa modyul na ito.


Ngayon, upang lagumin ang iyong mga natutuhan sa aralin, isagawa mo
ang gawaing ito na inihanda ko sa’yo.
Panuto: Gumuhit ng isang poster o bumuo ng islogan na nailalarawan at
napatutunayan na ang mga kondisyong panlipunan ay umiiral sa
panahong isinulat ang Noli Me Tangere. Sumulat ng maikling
pagpapaliwanag tungkol dito na nakapaloob ang layunin ng may-akda at
ibigay ang epekto nito matapos maisulat hanggang sa kasalukuyan.
Gawin ito sa hiwalay na papel.

Pamantayan sa Pagguhit ng Poster at Pagbuo ng Islogan


Mahusay na Mahusayhusay Natamo
Mahusay Paghusayan pa
Kraytirya mahusay 3 puntos ng
4 puntos 2 puntos Puntos
5 na puntos
Pagkamalikhain Lubos na Naging Hindi Walang
nagpamalas ng malikhain sa gaanong ipinamalas na
pagkamalikhai paghahanda. naging pagkamalikhain
n sa malikhain sa sa paghahanda.
paghahanda. paghahanda.

12
Presentasyon Naging Hindi naging
Lubhang Hindi
malinaw malinaw ang
naging gaanong
paghahatid ng paghahatid
malinaw ang malinaw ang
mensahe. ng mensahe.
paghahatid ng paghahatid
mensahe. ng mensahe.

Organisasyon Buo ang May kaisahan Hindi ganap


kaisipan, at may sapat Konsistent, ang
konsistent, na detalye at may pagkakabuo,
kumpleto ang malinaw na kaisahan,
kulang ang
detalye. intensiyon. kulang sa
detalye at ‘di
detalye at
malinaw ang
hindi gaanong
intensiyon
malinaw ang
intensiyon.
Kaangkupan Angkop na Angkop ang Hindi angkop
sa Paksa angkop ang mga salitang Hindi ang mga
mga salitang ginamit sa gaanong salitang
ginamit sa islogan, angkop ang ginamit na sa
islogan, larawan sa mga salitang islogan,
larawan sa poster at ginamit sa larawan sa
poster at paliwanag sa islogan, poster at
paliwanag sa paksa. larawan sa paliwanag sa
paksa. poster at paksa.
paliwanag sa
paksa.
Kabuoan

Isaisip
Magaling mahal kong mag-aaral! Salamat sa pagsagot ng mga
gawain na inilaan ko para sa’yo. Ngayon ay sagutin mo naman ang
gawaing ito.

Panuto: Kopyahin sa hiwalay na papel ang grapikong pantulong sa ibaba


at punan ng mga angkop na sagot ang hinihingi ng bawat kahon.

13
Ibahagi moang mga layunin ni
Dr. Jose P. Rizal sa pagsulat ng
I-ShareMo Noli Me Tangere.

Tukuyin at ilarawan mo ang


mga kondisyong panlipunan
habangisinusulat ang Noli Me
I-DuetMo
Tangere atpaliwanag
i ito.

Ibigay mo ang mga naging


epekto ng Noli Me Tangere sa
mga Pilipino hanggang sa
I-ReactMo kasalukuyan
.

Tayahin
Magaling! Binabati kita at napagtagumpayan mo ang mga gawain na
inihanda para sa’yo. Ngayon, alam kong kayang-kaya mong sagutin ang
sumusunod na tanong upang matukoy ang iyong natutuhang kaalaman sa
pag-aaral sa modyul na ito.
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong. Piliin ang letra ng
tamang sagot at isulat sa hiwalay na papel.

1. Anong nobela ang gumising sa natutulog na damdamin ng mga


Pilipino at nagsiwalat sa kabuktutan at pagmamalupit ng mga
Espanyol?
A. The Wandering Jew C. Noli Me Tangere
B. El Filbusterismo D. Uncle Tom’s Cabin

14
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang na layunin ni Dr. Rizal
sa pagsulat niya ng Noli Me Tangere?
A. maiulat ang kalagayang panlipunan, uri ng pamumuhay,
mga karaingan at kalungkutan
B. matugunan ang paninirang puring ipinaratang ng mga
Kastila sa mga Pilipino at sa bansa
C. mahikayat ang mga kabataan na maging bukas ang isip sa
mga pangyayari sa pamahalaan
D. maihayag ang maling paggamit ng relihiyon na ginagawang
dahilan o sangkalan sa paggawa ng masama

3. Mula sa layunin na, “mailarawan ang mga kamalian, masasamang


hilig, kapintasan at kahirapan sa buhay”, ano ang nais ipahayag
nito?
A. pagmamalupit ng mga Kastila
B. pagmamalupit ng mga Pilipino
C. pagiging sakim ng mga dayuhan
D. pagpapakita ng lakas sa kapangyarihan

4. Ano ang nais ipakahulugan ng layuning ito? “Maipaliwanag ang


pagkakaiba ng tunay sa ‘di tunay na relihiyon”.
A. maihayag ang maling paggamit ng relihiyon
B. bawat relihiyon ay may iba’t ibang paniniwala
C. mas makapangyarihan ang simbahan kaysa pamahalaan
D. may pagkakaiba ang bawat relihiyon batay sa kanilang
pinaniniwalaan

5. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa kondisyong panlipunan na


nangibabaw sa nobela?
A. pagsasamantala ng mga makapangyarihan
B. makataong pakikitungo ng mga Kastila sa mga Pilipino
C. pagkakaroon ng digmaan sa pagitan ng Hapones at
Amerikano
D. pantay na karapatan sa larangan ng pag-aaral ng mga
Kastila at mga Pilipino

6. Ano ang maaaring pagpapaliwanag sa kondisyong panlipunang


kawalan ng kalayaan sa pananalita at panulat?
A. Limitado ang kalayaang kumilos ng mga Pilipino.
B. Hindi maaaring magsulat o magsalita ang mga Pilipino.
C. May busal ang bibig at putol ang kamay ng mga Pilipino.

15
D. Walang karapatan ang mga Pilipino na magbahagi ng
kanilang saloobin.

7. Ano ang nais ipakahulugan ni Rizal sa kondisyong panlipunang ito:


ang mga kaugalian na nakasanayan ng mga Pilipino?
A. pagiging duwag ng mga Pilipino
B. walang boses upang ipahayag ang kanilang hinaing
C. hindi marunong lumaban sa pang-aapi ang mga Pilipino
D. pinanatili ng mga Pilipino sa kanilang isip ang pagiging
mangmang

8. Ano ang naging epekto sa mga Pilipino ng pagmamalupit ng mga


Espanyol?
A. nanatiling tagasunod na lamang
B. naging mabuti pa silang mamamayan
C. nawalan na sila ng tiwala sa kanilang sarili
D. nawalan ng kalayaan, katarungan at karapatang pantao

9. Ano ang naging epekto sa mga Pilipino nang mabuo ang nobelang
Noli Me Tangere?
A. Nagkaroon ng pag-ibig sa bansa ang mga Pilipino.
B. Nabigyang-linaw ang isip ng mga Pilipino sa mga pang-
aalipin ng mga Kastila.
C. Nakatulong ito upang imulat ang mata ng mga Pilipino na
lumaban sa Kastila.
D. Naging instrumento ito upang makabuo ang mga Pilipino ng
pambansang pagkakakilanlan.

10. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagsakop ng


mga Kastila sa bansa?
A. pagtuturo ng wikang Kastila
B. pagkakaroon ng edukasyon sa bansa
C. pang-aalipin sa mga Pilipino sa sariling bayan
D. pagmumulat sa isipan ng mga Pilipino sa mga maling
kaugalian

16

You might also like