0% found this document useful (0 votes)
100 views3 pages

4th Quarter Partida

4th quarter

Uploaded by

kristelacidera
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
100 views3 pages

4th Quarter Partida

4th quarter

Uploaded by

kristelacidera
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 3

Republika ng Pilipinas

Lalawigan ng Bulacan
Bayan ng Norzagaray
BARANGAY PARTIDA

KATITIKAN NG PANGKARANIWANG PULONG NG BARANGAY NUTRITION COMMITTEE NG


BARANGAY PARTIDA PARA SA IKAAPAT NA QUARTER NG BNC MEETING NA GINANAP
NGAYONG IKA- 22 NG NOBYEMBRE 2023 GANAP NA IKA- 1:00 NG HAPON SA HIMPILAN NG
BARANGAY PARTIDA.

================================================================

Magalang na inumpisahan ng Punong Barangay kap.Santiago R.Malubay Jr. ang


pulong at nagpasalamat sa lahat ng suportang natanggap niya sa kanyang pagluklok sa
puwesto bilang Punong barangay at magandang ibinalita ng Punong barangay na walang
aalis na ML at BHW kundi madagdagan pa upang magtulong tulong para sa ika aayos ng
ating barangay.At sinang ayunan ng lahat.

Mga Nagsidalo:

1.Igg.Santiago R. Malubay Jr. Punong Barangay ( BNC Chairman)


2.Gng.Hezelyn J. Santos Barangay Kalihim
3.Gng.Guillerma S. Cruz Committee on Health
4 G.Jocelyn Jarabe LLN
5.G.Christilina B. Torres MNAO
6.Imelda Correa BHW
7.Angelita Flores BHW
8. Maricar Quirante BHW
9.Joelita Magleo ML
10.Rowena Valenzuela ML
11.Victoria De Luna ML
12.Maida Fernandez ML

Mga Paksang Tinalakay:


1.Orientation on Nutrition Programs
2.Pag-uulat ng mga tungkulin at programa ng Nutrisyon
3.Pagbasa ng Mission at Vission

I.Orientation on Nutrition Programs

Amin pong naimbitahan para sa aming 4th quarter BNC meeting ang atin pong
Municipal Nutrition Action Officer(MNAO)Gng.Christilina B. Torres upang siyang
magpaliwanag patungkol sa mga Nutrition Programs at ito po ay ang mga sumusunod;

a.Infant and Young Child Feeding


b.Philippine Integrated Management on Acute Malnutrition
c.Dietary Supplementation Program
d.Nutrition Promotion Program for Behavioral Change
e.Micronutrient Supplementation
f.Mandatory Food Fortification
g.Nutrition in Emergencies Program
h.Overweight and Obesity Management
Binigyang diin niya na ang mga programang nabanggit ay kailangan na mapaglaanan
ng pondo ng barangay para sa ikakatagumpay ng programa sa nutrisyon.

II.Pag-uulat ng mga tungkulin at programa ng Nutrisyon


Iniulat ni LLN Jocelyn Jarabe ang mga naging programa ng Nutrisyon nitong mga
nakaraang buwan.Una na ang isinagawa nilang Pabasa sa Nutrisyon kung saan

nagturo sila sa mga nanay at tagapangalaga ng mga batang edad 0-59 mos. Lalo na sa mga
nanay ng malnourished.tinalakay namin dito ang tamang paraan at paghahanda ng
masustansiyang pagkain na dapat na ibinibigay sa mga anak at sa buong pamilya.
Sunod na iniulat niya ang isinagawang IYCF or Infant and young child feeding para sa
mga pregnant at lactating mothers.isang paraan na rin ito upang maisulong at maipalaganap
ang First 1000 days o Kalusugan at Nutrisyon ng mag nanay act.

Iniulat din niya ang ginagawang monthly OPT sa mga batang edad 0-24 mos at at risk
preschoolers.at paghahatid ng feeding para sa batang malnourished ng barangay.

III.Pagbasa ng Mission at Vision


Magalang na binanggit ni LLN Jocelyn Jarabe ang Misyon at Bisyon ng Nutrisyon

MISYON-Panatilihing laging pantay at patas sa pagseserbisyo sa barangay katulad ng


mga sumusunod:
1. Dapat kilalanin ang bawat naninirahan na may sakit upang mabigyan ng tamang
nutrisyon
2. Pagtatanim ng mga mabitaminang gulay upang makatulong sa kalusugan
3. Kailangang maiwasan na magkaroon ng mga batang underweight at overweight.
BISYON-kalusugan ang pangunahing adhikain ng barangay tungo sa isang
Malinis,Mapayapa,at Malusog na Pamayanan.

Nang wala ng ibang katanungan ay natapos at itinindig ang pulong sa ganap na


ika-3:00 ng hapon.

Inihanda ni;

Jocelyn S. Jarabe Hezelyn Santos


LLN/BNS Kalihim

Pinagtibay:

Igg. SANTIAGO MALUBAY JR.


Punong Barangay

You might also like