0% found this document useful (0 votes)
508 views

2nd Aralin 2 7

for grade 7 2nd quarter

Uploaded by

Elma Robin
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
508 views

2nd Aralin 2 7

for grade 7 2nd quarter

Uploaded by

Elma Robin
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 10

Banal na Butil ng mga Bathala

Alamat

Kohesiyong Gramatikal: Anapora at Katapora

Basahin ang Kuwentong nagsasalaysay kung paano nagkaroon ng kanina sa


hapag ng pamilyang Pilipino ayon sa sinaunang alamat.

Banal na Butil ng mga Bathala

Noong dakong una, nang bata pa ang daigdig, pagala-gala lamang ang mga
tao upang maghanap ng makakain at ikabubuhay. Palibhasa, sagana sa lahat
ng bagay sa paligid kaya naging madali para sa kanila ang lahat. Pinipitas
lamang nila ang mga bungang-kahoy at inaani ang anumang
mapakikinabangang pagkain mula sa mga halamang tumutubo sa paligid.
Gayundin, hinuhuli nila ang mga hayop na maaaring kainin.

Nagpangkat-pangkat ang mga tao na kalaunan ay tinawag na tribu.


Pinamumunuan at ginagabayan sila ng Apo ng tribu. Kadalasan, ang Apo ay
siyang pinakamalakas at pinakamatalino sa pangkat. Siya ang gumagawa ng
batas kasama ang kaniyang konseho, isang piling grupo na kaniyang
pinagkakatiwalaan at sinasangguni.

Isang araw, ang konseho ng isang tribung naninirahan sa Kabundukan ng


Cordillera ang nagpulong kasama ang kanilang Apo. Pinag-usapan nila ang
kalagayan ng kanilang pangkat. Nagsasawa at napapagod na raw sila sa
ginagawa nilang paggala-gala at pagpapalipat-lipat ng tirahan. Lbig na
nilang tumigil sa isang pook at doon na manatili.

“Mahal na Apo, kung maaari po sana, tumigil na tayo sa paglalakbay,” wika


ng isa sa mga konseho.
“Oo nga po,” sang-ayon ng isa pa. “Ang kababaihan, mga bata, at kami man
ay lubhang nahihirapan na sa ginagawa nating paglalakbay.”

Nakikinig namang mabuti ang Apo ng tribu. Matapos ang ilang sandali, saka
siya nagsalita, “Nauunawaan ko ang inyong sinasabi maging ang kalagayan
ng tribu. Pag iisipan ko ang lahat. Gagabayan tayo ni Bathala.”

Tinapos na ni Apo ang pagpupulong. Nag-isip siya nang gabing iyon. Alam
niyang hindi ganoon kadali ang manirahan sa iisang lugar. Saan sila kukuha
ng pagkain? Tiyak na mauubos ang mga bunga ng mga halaman at purno sa
katagalan ng pamamalagi nila sa iisang pook. Taimtim siyang nagdasal at
humingi ng tulong kay Bathala bago matulog.

Kinabukasan ng umaga, sumama si Apo sa pangangaso sa gubat. Gusto


niyang makita ang mga lugar na malapit sa pansamantala nilang tinitigilan.
Marahan at maingat silang naglalakbay sa maganda ngunit masa kagubatan.
Wala silang masilayan ni isang hayop pagkain kinabukasan.

Patuloy silang naglakbay hanggang sa makarating sa pusod ng kagubatan.


Pagod na pagod at gutom na gutom ang lahat, masukal para sa kanlan,
Ipinasiya ng pangkat na magpahinga muna. Naupo sila sa lilim ng malalaking
puno. Malamig at tahimik ang paligid. Naglalaro kanilang pandinig ang mga
huni ng ibon na tila umaawit. Nakatulog ang lahat, maliban kay Apo.

Isang ibon ang waring humihikayat sa kaniya na tumayo. Tumindig si Apo at


sinundan ang ibon na palayo sa kaniyang mga kasama. Sa tuwing hihinto
siya upang bumalik na sana, humihinto rin ang ibon at waring itinuturo sa
kaniya ang isang direksiyon. Sa wakas, nagpasiya ang pinuno na sumunod sa
ibon. Sinundan niva ito hanggang sa umabot sila sa pinakalihim na bahagi ng
gubat.

Manghang-mangha siya nang makarating sa pook na iyon. Parang panaginip


ang lahat ng kaniyang nakita. Isang paraiso! Napakaganda ng paligid. Isang
saganang piging ang nakalatag sa mahabang hapag-kainan. Hindi siya
makakilos at hindi rin makapagsalita. Naroon ang mga diyos, diyosa, diwata,
at nimpa. Sila ang ikinuwento ng kaniyang mga ninuno na nagbabantay sa
kapaligiran.

“Totoo nga!” bulong niya a sarili

“Tunay at totoo!” wika ng ibon na sa isang iglap ay nagbagong anyo. Lsa


pala siyang magandang diwata. Higit na namangha si Apo sa kaniyang
nasaksihan!

“Siya ang marangal na si Kabunyian, ang pinuno namin dito. Mahal na


Kabunyian,” sambit ng diwata, sabay yukod so matandang lalaking may
mahaba at putting- putting balbas.

Yumukod din si Apo at nagbigay-galang kay Kabunyian. Nginitian at pinaupo


siya ng pinuno sa masaganang hapag.

Saluhan mo kami sa aming pagdiriwang. Ikaw ang tanging panauhin namin


sa araw na ito. Alam kong labis ang iyong pagod at gutom,” sabi ini
Kabunyían, “Narinig ng Dakilang Bathala ang taimtim mong dasal kaya
ipinasama ka ríto sa aming kaharian.” Dugtong pa niya.

Isa pong karangalan mahal na Kabunyian. Salamat, subalit ang aking mga
kasama…” Hindi na natapos ni Apo ang kaniyang sinasabí.

Kaagad na nagwika si Kabunyian. “Huwag kang mag-alala, ang mga diwata


ng kagubatan ang bahala sa kanila.

Sa gayon, napayapa na ang loob ni Apo at nagsimula nang kurmain.


Napakaraming handa at marami ring kakaibang pagkain na nakahain. Inalok
siya ni Kabunyian ng mapuputi at mababangong butil na nakalagay sa isang
tanging lalagyan.
“lpagpatawad po ninyo ngunit hindi po ako kumakain ng uod,” sabi niya.

Nagtawanan ang lahat. Nagpaliwanag ang isang diyosa, “ito ang banal na
pagkain sa kaharian namin. Ang pagkaing ito ang nagpapalakas sa amin.
Tikman mo” hikayat pa.

Tinikman ni Apo ang mga butil. Masarap sa kaniyang panlasa. Kumuha pa


siya ng marami at gayon na lamang ang kaniyang kasiyahan. Busog na
busog siya at nakaramdam ng panibagong lakas.

Muling nagsalita si Kabunyian. “lyan ang sagot sa iyong panalangin. Ang


mga banal na butil na ito ang magiging dahilan kung bakit hindi na
kailangang magpagala gala ng mga tao sa iyong tribu, paliwanag niya.
“Halika, may mga dapat ka pang makita.”

Isinama siya ni Kabunyian sa malawak na lupain ng kabundukan. Tila mga


hagdang paakyat sa kaulapan ang tanimang ito.

Ang mga halamang iyan ay tinatawag na palay. Tag-ani na kaya hinog na


hinog na ang bawat uhay ng tila damong-halamang iyan.

Tila maliliit na butil ng ginto ang bunga ng mga halaman kapag tinatamaan
ng Sinag ng araw. Sa kabilang panig, nakita ni Apo na may mga nagbabayo
ng butil nanggang sa ito ay pumuti.

Bigas ang tawag diyan,” nangingiting wika ni Kabunyian nang makita ang
paghanga ni Apo sa nasasaksihan.
Ipinaliwanag ni Kabunyian kung paano magtanim ng palay. Mula sa
paghahanda ng lupang taniman, pagsasabog ng mga butil, pag-aalaga, pag-
aani, at hanggang maging bigas. Si Kabunyian pala ang itinakdang Diyos ng
Palay kaya alam niya ang lahat tunakol dito.

“Kung gagawin ninyo ang lahat ng itinuro ko sa iyo, maaari na kayong


manirahan sa isang lugar. Hindi na kayo magpapagala-gala. Bubuti at
magiging payapa ang inyong pamumuhay. Kaya ba ninyo ang ganoon?”
dugtong na tanong niya.

“Opo, mahal na Kabunyian!” tuwang-tuwang tugon ni Apo. “Gagawin po


naming lahat ang ipinaliwanag ninyo.”

“Mangangahulugan ito ng pagsisikap, kasipagan, pagtutulungan,


pagkakaisa, at pagkakasundo. Hindi madaling gawin ito,” paalala ng diyos.

“Gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya. Tuturuan ko po silang lahat at


sasamahan sa lahat ng kanilang paggawa. Mag-uukol din po kami ng alay at
pasasalamat sa inyo at kay Bathala sa bawat panahon ng tag-ani,” matapat
na pangako ni Apo.

Nasiyahan si Kabunyian sa naging sagot ni Apo. Alam niyang mabuti ang


kalooban at pamumuno ng matanda. Binasbasan niya ang pinuno ng tribu at
pinabaunan ng mahahalagang binhi ng palay. Pagkatapos, inihatid na siya ng
ibon sa bahagi ng bundok na kaniyang pinanggalingan.

Sa kaniyang pagbalik, hindi magkamayaw sa pagkukuwento kay Apo ang


mga kasamang mangangaso. Sa kanilang pagkahimbing daw ay nanaginip
sila na may masaganang piging na nakahain sa kanila. May malilit at
mapuputing butil daw silang natikman na labis nilang nagustuhan. Paggising
daw nila, napawi na ang kanilang gutom at pagod.
Ikinuwento naman ni Apo ang kaniyang naging karanasan. Halos
magkapareho ang kanilang pagsasalaysay at paglalarawan sa paraisong
napuntahan. Nagkasundo sila na susundin ang lahat ng itinuro at ibinitin ni
Kabunyian, Kabilang na rito ang pagtutulungan at pagkakaisa ng tribu upang
magtagumpay sa pagtatanim at pag-aani ng palay.

Sa huli, binanggit ni Apo ang pangako niyang mag-aalay ng isang


pagdiriwang sa panahon ng tag-ani. Ito ang sisimbolo ng kanilang
pasasalamat kay Bathala at sa mapagpalang mga diyos at diyosa. Walang
pagsidlan ng kasiyahan na sumang-ayon ang lahat.

Nang bumalik sila sa pook na pansamantalang tinitirahan, ipinaalam nila sa


lahat ang kanilang napakagandang karanasan sa loob ng kagubatan. Ang
lahat ay iasisiyahang sumang-ayon sa pananatili na lamang sa isang lugar.
Mula noon, hindi na sila nagpagala-gala. Pumili sila ng pinakamainam na
pook na pamamalagian sa paligid ng bundok. Nagtayo sila ng kani-kaniyang
bahay. Sa pagdaan ng panahon, namuhay sila nang payapa at masagana.

Diyan nagmula ang bigas na kinakain ng mga Pilipino hanggang sa


kasalukuyan. Iyan ang mga banal na butil na ibinahagi sa atin ng mga diyos
at diyosa sa tulong ng Dakilang Bathala. Lyan din ang dahilan kung bakit
nagkaroon ng Hagdan-hagdang alayan na tila inaabot ang kaulapan. Doon
ito matatagpuan, sa malayo ngunit napakagandang pook, doon sa
kabundukan ng Cordillera.

Kahulugan ng Alamat

D. Tekstong Impormasyonal

Isang paraan ng paghahatid ng impormasyon ang pagsulat ng sanaysay na


nagpapaliwanag. Basahin mo ito.
Sanaysay na Nagpapaliwanag

Halamang-Gamot o Herbal Medicine

Ang halamang-gamot ay bahagi na ng karaniwang buhay at kasaysayan ng


maa Pilipino. Hindi na ito bago sa atin. Bago pa dumating ang mga Espanyol
sa bansa, gumagamit na nito ang ating mga ninuno. Dahil wala namang
makabagong medisina noon, ang mga damo, puno, at maging mga bulaklak
ay pinaniniwalaan nilang nakapagpapagaling ng maysakit. Maaaring sa
simula ay nabigo sila sa kanilang pagtatangka, subalit sa pagdaan ng
panahon ng”pag-eeksperimento nakatuklas din ang mga sinaunang tao ng
angkop na solusyon.

Sa panahon ngayon, maraming modernong gamot ang inaanunsiyo at


napatunayan namang nakagagaling sa mga karamdaman. Salamat sa
makabagong pananaliksik sa larangan ng medisina, naging mas maginhawa
at magaan na ang kalutasan ng sakit ng tao. Lyon nga lamang, napakataas
ng presyo ng karamihan nito. Bukod pa rito, may side effects na kapalit ang
lunas sa sakit. Nangangahulugan ito na maaaring ang ibang bahagi naman
ng katawan ang pinahihina kung umiinom ng mga gamot.

Patuloy ang pagtuklas ng mga siyentista sa maaaring maging solusyon sa


iba’t ibang sakit upang hanggang maaari ay mabawasan ang tsansa ng side
effects. Binalikan nila ang mga natural na panlunas mula sa kalikasan. Sinuri
din ang mga balat ng kahoy, dahon, bunga, at maging ang mga damong
ginamit noon sa ng sinaunang tao. Nagsagawa sila nang malalim na pag-
aaral. Napatunayan nilang may mga katangian nga itong magagamit sa
medisina. May taglay itong chemical compounds na kailangan upang
makabuo ng gamot.

Bunga nito, nagkaroon ng sari-saring halamang gamot sa merkado. Mas


mababa ang presyo kaya naging popular sa nakararami. Sa kabila ng mga
pag” aaral na ito, ipinapayo ng mga eksperto na komunsulta pa rin sa mga
doktor bago uminom ng inaakalang makagagaling sa sakit na nararanasan.
Gayundin, huwag basta-basta iinom ng halamang-gamot kung hindi
aprubado ng Food and Drugs Administration (FDA) kahit na ito ay food
supplement lamang. Pinaaalalahanan nila ang publiko na maging mapanuri.
Mabuti nang nakatitiyak. Wika nga ng isang sikat na ekspresyon, “Ligtas ang
may alam!”

Elementong Panlingguwistika

Sa pasulat na komunikasyon, mahalagang maging maingat sa pagbuo Pag-


aralan mo pa ito gamit ang babasahing teksto.

Kohesiyong Gramatikal: Anapora at Katapora

Ang paulit-ulit na paggamit ng salita ay hindi mabuting paraan ng paglalahad


Nakasasawa kung uulit-ulitin ang pare-parehong salita sa bawat
pangungusan Ito ang gamit ng kohesiyong gramatikal. Ano ba ito?

Ang kohesiyong gramatikal ay tumutukoy sa gamit ng panghalip bilang


pamalit sa pangngalan upang maiwasan ang paulit-ulit na pagbanggit nito sa
pangungusap o talata.

May dalawang uri ng kohesiyong gramatikal: 1. Anapora-Tinatawag din itong


sulyap na pabalik. Ito ang mga panghalip na ginagamit sa hulihan ng
pangungusap o talata.

Halimbawa: a. Ang halamang-gamot ay bahagi na ng karaniwang buhay at


kasaysayan ng mga Pilipino. Hindi na ito bago sa atin. Bago pa dumating ang
mga Kastila sa bansa, gumagamit na nito ang ating mga ninuno.

b. Patuloy ang pagtuklas ng mga siyentista sa maaaring maging solusyon sa


iba’t ibang sakit at hanggang maaari ay mabawasan ang tsansa ng side
effects. Binalikan nila ang mga natural na panlunas mula sa kalikasan.
2. Katapora – Tinatawag namang sulyap na pasulong. Ito ang mga panghalip
na ginagamit sa unahan ng pangungusap o talata.

Halimbawa:

a. Bunga nito, nagkaroon ng sari-saring halamang gamot sa merkado.

b. Maaaring sa simula ay nabigo sila sa kanilang pagtatangka, subalit sa


pagdaan ng panahon ng pag-eeksperimento,” nakatuklas din ang mga
sinaunang tao ng angkop na solusyon.

Uri ng BrochureD

Ahil alam na natin na ang gagawing Comic book brochure ay tungkol sa


tauhan ng isang akdang binasa, malinaw na ang direksiyon ng gawain. Kaya
ang papaksain sa bahaging ito ay nakaukol lamang sa pagtukoy ng tipo ng
brochure.

Tatalakayin natin sa bahaging ito ang uri ng brochure batay sa pormat at


disenyo na maaaring gamitin sa itinakdang gawain. Pag-aralan natin.

1. Gate-fold – Ang tipo ng brochure na ito ay may tatlong panel. Ang


dalawang magkatapat na tupi ay nagtatagpo sa gitna. Ang pagbukas
ng papel sa gitna ay nakapagbibigay ng mas malikhaing epekto sa
disenyo. Mas malaki ang espasyong magagamit para sa grapikong
disenyo at imahen sa gagawing comic book brochure.

2. Bi-fold –Ang bi-fold brochure ay nagagawa sa pamamagitan ng pagtupi


sa gitna ng papel upang magkaroon ng dalawang magkapantay na
bahagi. May apat na panel ang brochure: harap, likod, at dalawang
panloob na panel. Kung kailangang magdagdag ng mga pahina, madali
itong magagawa. Magmumukha itong booklet o malit na magasin.

3. Tri-fold- Ang brochure na tri-fold ay nakatupi sa tatlo kaya may anim na


panel. Maaari itong itupi nang patayo o pahalang ayon sa gamit. Kung
patayo o vertical, lilikha ito ng makitid ngunit mahabang panel. Kung
pahalang naman o horizontal, mas malapad ang anyo ngunit maikli
ang mga panel. Magagamit ang alinman batay sa pangangailangan ng
brochure na gagawin.

4. Z-fold- Tinatawag din itong tuping zigzag o accordion dahil sa hugis


nito. Ginagamit ang tipong ito kung maraming imahen o larawang
ilalagay sa brochure. Kadalasang may anim na panel kaya mas
maraming bahagi ngunit posibleng mas lumiit ang espasyo depende sa
sukat ng papel na gagamitin.

You might also like