0% found this document useful (0 votes)
1K views9 pages

Turo NG Mga Mag Aaral Na May Espesyal Na Pangangailangan

Mahalagang paalala
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOC, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
1K views9 pages

Turo NG Mga Mag Aaral Na May Espesyal Na Pangangailangan

Mahalagang paalala
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOC, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 9

Karanasan ng mga Guro sa Pagtuturo ng mga Mag-aaral na may

Espesyal na Pangangailangan
1
Jude Edward B. Agunod, 2Junnah Mae A. Pacunla, 3Princess H. German 4Jezel T. Montecino,
5
Leo Jay A. Cadavid
123
Negros Oriental State University Mabinay, Mabinay, Negros Oriental Philippines, (035) 531-1035
e-mail: [email protected]

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maunawaan ang mga karanasan ng mga guro
sa pagtuturo sa mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangan ng Mabinay National
High School. Sa pamamagitan ng kwalitatibong pananaliksik na ginagamitan din ng
naratibong pananaliksik na kung saan ito ay harap-harapang interbyu o panayam at
pagsusuri sa mga sampung (10) partisepanteng guro, natukoy ang mga salik na
nakaaapekto sa kanilang mga karanasan na kanilang kinakaharap, kahinaan at mga
estratehiya sa pagtugon sa iba't-ibang mga pangangailangan ng kanilang mga mag-aaral.
Lumalabas na ang mga guro ay humaharap sa iba't ibang hamon tulad ng kakulangan sa
kagamitang pang-edukasyon, kakulangan sa suporta, nahihirapan sila sa pagtuturo dahil
na rin sa kakulangan sa mga kasanayan at mga kahilingan sa pag-aaral ng mga mag-aaral
para mas mabigyan pa sila ng mas maganda at epektibong edukasyon katulad ng mga
mag-aaral na nasa regular na klase. Sa kabila ng mga hamon na ito ang mga guro ay
nagpakita nang dedikasyon at pagmamalasakit sa kanilang mga mag-aaral at ang mga
guro ay nagsisikap na bumuo ng mga pampatatag na karanasan upang matulungan ang
kanilang mga mag-aaral sa abot ng kanilang mga mga kakayahan upang maabot ng mga
mag-aaral ang kanilang mga potensyal at mas ganahan pa sila na magpursige sa kanilang
pag-aaral na hindi nila maisip na ang kanilang espesyal na pangangailangan ay maging
hadlang para abotin ang kanilang mga pangarap. Sa pagtuturo sa mga mag-aaral na may
espesyal na pangangailangan ang mga guro ay natuto rin. Sila ay nabigyan ng pagkakataon
na masuri, maging isang inspirasyon upang baguhin ang kanilang mga mag-aaral. Sa huli
naglalaman ang pag-aaral ng mga implikasyon para sa pagpapabubuti ng mga serbisyo ng
edukasyon upang mas mapalawak pa ang kaalaman hindi lamang ng mga guro kundi pati
na rin sa mga mag-aaral na nais matuto sa halip ng kanilang kakulangan hindi lang sa
pisikal na kakulangan kundi pati na rin sa iba pang aspeto ng kanilang pangangailangan at
suporta sa mga guro at mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangan.
Keywords: Mag-aaral na may Espesyal na Pangangailangan, Karanasan ng mga Guro sa
Pagtuturo, Mga Estratehiya sa Pagtuturo.

INTRODUKSYON
Ang pag-aaral na ito ay sumusuri kung paano nakakaapekto ang mga guro sa
pagganap sa akademiko ng mga mag-aaral at sa kanilang pangkalahatang kagalingan, na
may espesyal na pokus sa pagtulong sa mga nangangailangan ng karagdagang suporta.
Nagpapakita ito ng pangangailangan para sa komprehensibong mga programa sa espesyal
na edukasyon at ang mga hamon na kinakaharap ng mga guro sa iba't ibang mga pang-
edukasyon na kapaligiran. Ito ay kinakailangan ng bawat lungsod at munisipalidad na
magkaroon ng isang inklusibong sentro ng pag-aaral upang mapalawak ang access sa
edukasyon ng mga Pilipinong estudyante na may kapansanan (Batas Republika 11650,
2022).
2 

Ang mga hamon na kinakaharap ng mga guro sa Pilipinas kapag nagtatrabaho sila
kasama ang mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangan. Kasama rito ang
kakulangan sa mga mapagkukunan tulad ng mga teknolohiyang makatutulong at mga
materyales para sa espesyal na edukasyon, kulang na pagsasanay sa mga pamamaraan ng
espesyal na edukasyon, malalaking bilang ng estudyante sa loob ng silid-aralan, at mga
salik sa kultura at stigma na nakakaapekto sa pagtanggap at pagtugon sa mga mag-aaral
na may espesyal na pangangailangan.

Base sa pahayag ni Schuelka (2018) at Miller (2022), ito ay nagtataguyod ng isang


kultura at kakaibang paniniwala na kinikilala at pinahahalagahan ang natatangingmga
katangian at pagkakaiba-iba ng bawat mag-aaral. Samakatuwid, binibigyang-diin ng pag-
aaral na ito ang mga aktuwal na karanasan ng mga guro ng Mabinay National High School
sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral na may espesyal na
pangangailangan.

Ang pananaw na ito ay magbibigay ng mas malawak na pag-unawa sa papel na


ginagampanan ng mga guro sa pagtulong at paglikha ng mga nakatuong estratehiya na
makakatulong sa mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangan.

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK
Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng nartibong pananaliksik. Ang naratibong
pananaliksik ay kinapalalooban ng pangongolekta at pag- aanalisa ng numerical na datos
(hal. text, video, audio o face to face) upang maunawaan ang mga konsepto, opinyon o
karanasan. Maaari itong magamit upang makalikom ng malalim na pananaw sa isang
problema o makabuo ng mga ideya para sa pagsasaliksik (Bhandari, 2020). Ang
pananaliksik na ito ay ginamitan ng naratibong panayam ng mga partisipante sa
pamamagitan ng telepono, messenger o face to face na paraan ng pakikipanayam upang
maisagawa ang pagtatanong sa pag-aaral na ito. Ang panayam na isinagawa ay ginamitan
ng rekorder upang maidokumento ang mga pahayag ng mga partisipante. Ang mga
mananaliksik ay gumamit ng kwalitatibong dokumento upang maiberipika ang mga
nakalap na datos na kadalasang pinakapangunahing pinagkukunan ng pananaliksik. Ang
semi-structured na mga panayam ay nagbigay-daan sa mga mananaliksik na
makapanayam ang sampung (10) guro sa Mabinay National High School na may mga
karanasan sa pagtuturo sa mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangan. Ang mga
mananaliksik ay wastong nagtala ng mga datos at bilang resulta, lahat ng panayam ay
inirekord sa pamamagitan ng mga elektronikong aparato. Pagkatapos ng mga panayam,
ito ay isinalin, at inalisa kasama ng pangangalaga sa kumpidensyalidad ng mga datos.

RESULTA AT DISKUSYON
Unang Tema: Mga Hamon ng Guro
Ayon kay Partisipante Venus, “Ang hamon dito ay ang limitadong pag-aaral ng
bata, nakabase lang kasi siya sa kung ano ang laman ng modyul.
Ayon kay Partisipante Earth, “Kung paano itatalakay ang aralin sa kanila dahil
hindi lahat ng guro ay may sapat na kaalaman at kasanayan sa pakikipag-usap sa ganitong
uri ng mga mag-aaral.”
3

Ayon kay Partisipante Mars, “wala kaming kasanayan sa paggamit ng Braile notes”
Ayon kay Partisipante Jupiter, “Siguro ang pangunahing hamon na lagi naming
kinakaharap ay kung paano makikipag komunikasyon sa kanila sa lingwaheng naayon at
nararapat kagaya ng “sign language”.
Ayon kay Partisipante Saturn, “Hindi kami sanay o kulang kami sa kasanayan at
hindi kami marunong mag sign language.”
Ayon kay Partisipante Uranus, “ hindi namin alam ang mga teknik at
estratehiya sa pagtuturo.”
Ayon pa kay Partisipante Neptune, “Ang hamon ay ang pakikipagkomunikasyon sa
mga maaaral na may espesyal na pangangailangan.”
Ayon kay Partisipante Sun, “Ang napakalaking hamon ay ang kanilang ugali.”
Ayon kay Partisipante Star, “Gumagamit ako ng berbal at di-berbal na salita lalong-
lalo na noong pandemic ay mas naging mahirap at naging hamon nito sa akin dahil hindi
kami nagkakaintindihan.”

Ang unang tema ay ang mga hamon na kinakaharap ng mga guro sa pagtuturo ng
mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangan ay ang limitadong pag-aaral ng mga
mag-aaral, kung paano itatalakay ang aralin, wala silang kasanayan sa paggamit ng braille
notes, nahihirapan din sila kung paano makipagkomunikasyon, hindi sila sanay o kulang
sila sa kasanayan, hindi sila marunong mag sign language, paano makakausap at paano
ituturo ang aralin ang mga mag-aaral, hindi nila alam ang mga teknik at estratehiya sa
pagtuturo, at naging balakid sa kanila ang pandemya dahil hindi sila magkakaintindihan.
Ang isang espesyal na pangangailangan ay maaaring mapabuti ang buhay ng isang tao
ngunit maaari rin itong magdulot ng mga hamon. Ang isang mag-aaral na may espesyal na
pangangailangan ay maaaring kailangan ng tulong sa mga mahahalagang gawain mula sa
paggalaw o komunikasyon hanggang sa paggawa ng mga mahahalagang desisyon at pag-
aalaga sa kanilang sarili, ngunit ang pagtuturo ng pagkakaiba-iba mula sa murang edad at
pagharap sa mga pagsubok sa tulong ng mga mahal mo sa buhay ay maaaring magbukas
ng mga oportunidad para sa lahat ng sangkot (Garcia, 2023). Ayon kay (Darling-
Hammond, 2017), (Hehir, 2015), at (Bryant, 2008), maaaring mahirap para sa mga guro
na tiyakin na ang kanilang mga pang-edukasyon na diskarte na iniaayon sa mga
indibidwal na pangangailangan ng bawat mag-aaral na may mga espesyal na
pangangailangan. Bukod pa rito, dapat na maging maingat ang mga instruktor kapag
hinahati-hati ang mga mag-aaral sa mga grupo upang hikayatin ang pakikipagtulungan
kapwa sa pagitan ng mga mag-aaral at sa mas may karanasan na mga indibidwal. Mahirap
makitungo sa mga bata na may partikular na kapansanan sa pag aaral sa ilalim ng batas sa
edukasyon ng mga indibidwal na may kapansanan, ngunit sa pagbuo ng mga programa
para sa espesyal na edukasyon na nagtataguyod ng panlipunan, emosyonal, at kognitibong
pag-unlad, maaari nilang paunlarin ang kanilang mga kakayahan sa akademiko, tulong sa
sarili, kasanayan, kakayahang panlipunan, positibong pananaw, at tiwala sa sarili
(Susanne, 2015).

Ikalawang Tema : Limitadong pagsasanay ng mga guro pagtuturo


Ayon kay Partisipante Mercury, “isang beses lang ako nakadalo nang mga
pagsasanay para sa mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangan.”
4 

Ayon kay Partisipante Earth,“nahihirapan dahil wala akong kaalaman sa sign


language.”

Ayon kay Partisipante Mars, “Ang departamento ay dapat magkaroon ng mga guro
na handa at nakapagsanay para magturo ng pangunahing mga asignatura sa mga taong
may kapansanan o PWD's.”
Ayon kay Partisipante 10 Star, “kinakailangan ng paaralan na magkaroon ng
espesyal na programa para sa mga estudyante na may espesyal na pangangailangan dahil
hindi naman tayo tinuruan ng nasa kolehiyo tayo ng pangangasiwa sa mga estudyante na
may espesyal na pangangailangan.”

Ang ikalawang tema ay ang mga limitadong pagsasanay ng mga guro sa pagtuturo
ay isang beses lang sila nakadalo nang pagsasanay, nahihirapan sa pakikipag
komunikasyon dahil walang kaalaman sa sign language, dapat magkaroon ng mga guro na
handa at nakapagsanay na para magturo sa mga mag-aaral na may kapansanan, at
magkaroon ng espesyal na programa para sa mga mag-aaral na may espesyal na
pangangailangan dahil hindi naman daw ito naituro sa kolehiyo. May mga hamon na
kinakaharap ang mga guro sa sekondaryang paaralan kapag sinusuportahan ang mga
mag-aaral na may espesyal na pangangailangan. Kasama sa mga hamon na ito ang
pagbabago ng mga estratehiya sa pagtuturo, pagtanggap ng iba’t ibang istilo ng pag-aaral,
pagtugon sa mga isyu sa pag-uugali, at pagtiyak ng inklusibong edukasyon para sa lahat
ng mag-aaral. Dapat tanggapin na ng mga guro sa Pilipinas na kailangan ito, sinanay man
sila o hindi (Muega at Echavia 2011). Kahit na malawak na tinatanggap ang inklusibong
ideolohiya, ang mga guro sa Pangunahing paglilingkod at kasalukuyang naglilingkod ay
hindi handa na tugunan ang mga pangangailangan ng mga estudyanteng may mga
kapansanan, ayon sa ilang pag-aaral (Forlin & Chambers, 2011). Sa kasalukuyan, ang
karamihan sa mga mag-aaral na may mga espesyal na pangangailangan sa edukasyon ay
ipinapadala sa mga espesyal na paaralan, at ang mga guro sa mga paaralang ito ay
nahaharap sa matinding stress dahil sa kakulangan ng praktikal na pagsasanay, mataas na
ratio ng estudyante sa guro, kulang na mga pasilidad, at kakulangan ng propesyonal na
kasanayan (Lai et al., 2016; Zee et al., 2016).

Ikatlong Tema: Mga Estratehiya ng guro sa pagtuturo


Ayon kay Partisipante Mercury, “Ang estratehiya na ginagawa ko ay berbal na
komunikasyon o berbal na pagtuturo.”
Ayon kay Partisipante Venus, “Ang pamamaraan ng kanyang pag-aaral ay modular
at harap-harapan na pakikipagpanayam.”
Ayon kay Partisipante Earth, “Binigyan ko sila ng mga naka-imprinta na kagamitan
na makakatulong sa kanilang pangangailangan.”
Ayon kay Partisipante Mars, “ Kailangan mayroon silang kasamang kaibigan na
maaaring magbasa ng nakasulat na teksto para sa kanila.”
Ayon kay Partisipante Jupiter, “Dapat ang guro ay may malalim na nalalaman kung
paano maging epektibo ang paggawa ng ppt at video analysis.”
Ayon kay Partisipante Saturn, “Ang ginagawa ko ay isinusulat ko yung mga gusto
kung sabihin sa kanila tapos nagpapalitan kami ng ideya sa pamamagitan ng pagsulat.”
5

Ayon kay Partisipante Uranos, “Multisensory learning, paggamit ng teknolohiya,


peer tutoring, at kolaborasyon sa tulong ng kanilang mga magulang.”
Ayon kay Partisipante Neptune, “Aralin muna ng guro ang
pakikipagkomunikasyon sa mga bata na may espesyal na pangangailangan.”
Ayon kay Partisipante Star, “Ang aking ginawa ay ang pagbibigay ko ng
parangal.”

Ang ikatlong tema ay ang mga estratehiya ng mga guro sa pagtuturo ng mga mag-
aaral na may espesyal na pangangailangan ay ang berbal na komunikasyon o berbal na
pagtuturo, modular at harap-harapan na pakikipanayam, naka imprenta na kagamitan
kasamang kaibigan na maaaring magbasa ng teksto na ibinigay ng guro, malalim na
kaalaman kung paano maging epektibo ang paggawa ng PPT at ppt analysis, isinusulat nila
yung mga gusto nilang sabihin sa kanila tapos nagpapalitan sila ng ideya sa pamamagitan
ng pagsulat, pagsasaayos ng mga pamamaraan ng pagtuturo at mga kagamitan na
makakatulong sa pangangailangan ng isang indibiwal, aralin muna ng guro ang
pakikipagkomunikasyon sa mga bata, at pagbibigay ko ng parangal. Upang maunawaan ng
mga mag-aaral ang kanilang pinag-aaralan, dapat gamitin ng mga guro ang mga
epektibong pamamaraan sa pagtuturo, mga estratehiya sa pag-aaral, at pamamahala sa
silid-aralan. Ang mga guro na may mas positibong saloobin sa pagiging inklusibo ay mas
malamang na magtagumpay, ayon sa pag-aaral ni Klehm noong (2014). Ang mga guro na
may kakayahang umangkop sa kanilang mga pamamaraan sa pagtuturo, halimbawa sa
pamamagitan ng paghahati-hati ng mga gawain sa pagkatuto sa mas maliliit na bahagi, ay
higit na nakakatugon sa magkakaibang pangangailangang pang-edukasyon ng kanilang
mga mag-aaral (Johnsen, 2001). Ang mga guro ay dapat palaging aktibong lumahok sa
mga talakayan sa silid-aralan at lumikha ng isang kapaligiran na naghihikayat sa mga
mag-aaral na magkatuwang na bumuo ng mga solusyon sa tila magkasalungat na mga
problema (Rogoff, 1990).

Ikaapat na Tema: Mga kagamitan para sa mga mag-aaral

Ayon kay Partisipante Mercury, “pagdating naman sa mga materyales sa


eskwelahan, meron kaming kagamitan para sa mga batang may espesyal na
pangangailangan, sa makatuwid mayroon kaming silid-aralan para sa mga estudyanteng
may espesyal na pangangailangan.”
Ayon kay Partisipante Venus, “patuloy na paggamit sa mga braille notes para
maggamit niya sa kanya pag-aaral”
Ayon kay Partisipante Mars, “dapat magbigay ang departamento ng mga
kagamitan sa pag-aaral kagaya ng Braile Notes.”
Ayon kay Partisipante Uranos, “Multisensory learning, paggamit ng
teknolohiya, peer tutoring, at kolaborasyon sa tulong ng mga magulang.”

Ika-apat na tema, Mga kagamitan para sa mga mag-aaral na may espesyal na


pangangailan, ang ginawa ng mga guro ay meron silang kagamitan para sa mga batang
may espesyal na pangangailangan sa makatuwid mayroon silang silid-aralan para sa mga
estudyanteng may espesyal na pangangailangan, patuloy na paggamit sa mga braille notes,
6 

dapat magbigay ang departamento ng mga kagamitan sa pag-aaral kagaya ng Braile Notes.
At multisensory learning, paggamit ng teknolohiya, peer tutoring, at kolaborasyon sa
tulong ng mga magulang. Sinabi ni (Lewis, 1998) na ang paggamit ng iba’t-ibang
teknolohiya sa mga pampagkatutubong aktibidad sa pag-aaral ay nakatutulong sa iba’t-
ibang uri ng mga mag-aaral, lalo na sa mga may espesyal na pangangailangan. Ang mga
proyektong teknolohiya na nagtutulak ng mga prinsipyo ng nakatuong pag-aaral
(gayundin ang mga prinsipyo tulad ng tunay na konteksto, at sosyal na pakikisalamuha at
kolaborasyon) ay ipinakita na nagbibigay ng epektibong balangkas para sa pag-aaral
(Basden, 2001). Ang teknolohiya, sa pinakamalawak na kahulugan nito, ay nagsisimula sa
mga suliranin na mahalaga sa mga bata at likas na kumakalakal sa kanila sa pamamagitan
ng paggamit ng kanilang mga umiiral na kasanayan sa pag-iisip upang hikayatin ang
pagpapalawak ng mga diskarte sa paglutas ng suliranin habang nagbibigay ng mas
malawak na konteksto para sa komunikasyon at organisasyon (Benenson, 2001).

Ikalimang Tema: Suporta mula sa paaralan

Ayon kay Partisipante Mercury, "Patuloy na komunikasyon sa mga magulang, sa


aming punong guro, at sa iba pang mga guro.”
Ayon kay Partisipante 2 Venus, “pupunta ako sa opisina ng punong-guro at
magbibigay ako sa kanila ng mga katanungan na kailangan ng kalinawan bilang isang guro
at kung ano ang dapat naming gawin.”
Ayon kay Partisipante Earth, “Kaya patuloy akong nagtatanong sa punong
tagapangasiwa ng SPED dahil siya ang may kasanayan dito.”
Ayon kay Partisipante Jupiter, “lac session, mentoring at engaging in professional
growth kagaya ng seminar at workshops.”
Ayon kay Partisipante Saturn, “ang ating paaralan ay tinutugunan naman yung
mga pangangailangan nila.”
Ayon kay Partisipante Uranos, “Pinapaalam namin sa kanila kung ilan ang mga
mag-aaral na may espesyal na pangangailangan. Binibigyan namin sila ng mga
alternatibong paraan ng pagtatasa sa mga mag-aaral na may espesyal na
pangangailangan.”
Ayon kay Partisipante Neptune “maaaring gumawa ang guro ng disenyo ng
pagsasanay at pa aprubahan ito sa itaas para paglaanan ito ng pundo.”
Ayon kay Partisipante Star, “Pumunta ako sa opisyal ng gabay o tagapayo at
ginawan siya ng anekdotal rekord at pagkatapos yung estudyante ko na may awtismo ang
nirekomenda ko siya sa DSWD.”

Ang ikalimang tema ay ang Suporta mula sa paaralan sa pagtugon sa


pangangailang ng mga mag-aaral ay ang patuloy na komunikasyon sa mga magulang, sa
kanilang punong guro, at sa iba pang mga guro, pupunta sa opisina ng punong-guro at
magbibigay sila ng mga katanungan na kailangan ng kalinawan, patuloy na pagtatanong sa
punong tagapangasiwa ng SPED, lac session, mentoring at engaging in professional growth
kagaya ng seminar at workshops, ang kanilang paaralan ay tumutugon sa mga
pangangailangan ng mga batang may espesyal na pangangailangan, pinapaalam nila sa
Punong-guro kung ilan ang mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangan,
7

maaaring gumawa ang guro ng disenyo ng pagsasanay at pa aprubahan ito sa itaas para
paglaanan ito ng pundo, at Pumunta sa opisyal ng gabay o tagapayo. Ayon kina (Dr. Susan
Stainback at Dr. William Stainback, 2014). Binibigyang-diin ng mga Stainback ang
kahalagahan ng pagtutulungan sa pagitan ng mga guro bilang batayan ng matagumpay na
inklusyon. Nagbibigay ng kumprehensibong balangkas para sa matagumpay na
pakikipagtulungan sa pagitan ng mga guro sa pangkalahatan at espesyal na edukasyon
upang suportahan ang mga estudyanteng may kapansanan sa mga silid-aralan kasama
ang mga regular na mag-aaral. Nilalarawan nila ang iba`t ibang mga co-teaching model
kung saan nagtutulungan ang mga guro sa pangkalahatan at espesyal na edukasyon upang
magplano, magturo, at suriin ang mga estudyante. Kanilang sinusuportahan ang isang
modelo ng hati-hati na responsibilidad, kung saan pareho ang mga guro sa pangkalahatan
at espesyal na edukasyon ay responsable sa tagumpay ng lahat ng estudyante sa silid-
aralan. Pinapakita ng kanilang pananaliksik ang mga benepisyo ng pakikipagtulungan,
tulad ng pinabuting mga resulta ng estudyante, mas epektibong pagtuturo, at isang mas
positibong karanasan sa paaralan para sa mga estudyanteng may espesyal na
pangangailangan. Maaaring gabayan ng mga lider sa paaralan ang kanilang mga guro sa
paggamit ng isang strengths-based approach sa pagbuo ng mga layunin ng IEP, na
magbibigay ng mas inklusibong mga pagkakataon para sa mga taong may kapansanan sa
pag-aaral (SWD) (Elder et al., 2018). Ang mga pamamaraang pang-edukasyon na
inklusibo ay sinusuportahan ng ilang mahahalagang prinsipyo. Binibigyang-diin nito na,
alinsunod sa mga internasyonal na kasunduan at deklarasyon, ang bawat isa ay may likas
na karapatan sa edukasyon, anuman ang kakayahan o limitasyon (UNESCO, 1994).

KONKLUSYON
Ang mga natuklasan ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagtanggap at pag-
unawa sa kanilang mga karanasan upang mapaunlad ang sistema ng edukasyon. Ayon sa
Batas Republika no. 11650 na kinakailangan ng pagtatag ng mga inclusive learning
resource center para sa mga mag-aaral na makakatulong din hindi lang sa mga mag-aaral
na may espesyal na pangangailangan kundi pati na rin sa mga guro upang mahasa ang
kanilang mga kasanayan sa pagtugon sa mga espesyal na pangangailan ng mga mag-aaral
na ito. Bilang resulta, mahalaga ang pagbibigay diin sa suporta at pagsasanay sa mga guro
upang matugunan nila ng mas mahusay ang mga pangangailangan ng kanilang mga mag-
aaral. Sa hinaharap, maaaring isagawa pa ang mga pag-aaral na may kinalaman sa
pagsasakatuparan ng mga suhestiyon ng mga guro at ang pagpapalakas sa mga programa
ng pag-unlad ng guro. Sa ganitong paraan, maaaring makamtan ang mas maayos at
makabuluhan na edukasyon para sa lahat ng mga mag-aaral, pati narin ang pagtataguyod
ng kagalingan ng mga guro sa kanilang propesyon.
8 

TALASANGGUNIAN

Batas Republika No. 11650, 2022, "Inclusion Policy for Learners with Disabilities"
Retrrieve at
https://jur.ph/laws/summary/instituting-a-policy-of-inclusion-and-services-for-
learners-with-disabilities-in-support-of-inclusive-education-act
Basden, J. 2001, "Authentic Tasks as the Basis for Multimedia Design Curriculum,"
T.H.E. Journal, 29(4), 16
Retrieved at
https://www.academia.edu/download/48077844/astronomy_and_special_educat
ion_olsen-slater_nov2008-aer.pdf
Benenson, G. 2001, "The Unrealized Potential of Everyday Technology as a Context for
Learning," Journal of Research in Science Teaching, 38(7), 730. Retrieved at
https://www.academia.edu/download/48077844/astronomy_and_special_educat
ion_olsen-slater_nov2008-aer.pdf
Bhandari, P. 2020, “What is Qualitative Research Methods & Examples”. Retrived at
https://www.scribbr.com/methodology/qualitative-research
Darling-Hammond, L. (2017). "Teacher education around the world: What can we learn
from international practice?" European Journal of Teacher Education, 40(3), 291-
309. . Retrieved at http://www. aera.net/publications/?id=439.
Elder, B. C., Rood, C. E., and Damiani, M. L. (2018). Writing strength-based IEPs for
students with disabilities in inclusive classrooms. Int. J. Whole School. 14, 116–153.
Retrieved at https://eric.ed.gov/?id=EJ1182587
Forlin, C., & Chambers, D. (2011). Teacher Preparation for Inclusive Education:
Increasing Knowledge but Raising Concerns. Asia-Pacific Journal of Teacher
Education, 39, 17-32.
Retrieved at https://doi.org/10.1080/1359866X.2010.540850
Garcia, L. 2023, “Special Needs: Defining and understanding the 4 types of Special
Needs” . Retrieved at https://www.care.com/c/types-of-special-needs/
Hehir, T. (2005). "New directions in special education: Eliminating ableism in policy and
practice." Harvard Educational Review, 75(4), 489-505.
Retrieved at
https://www.drwilliamproffitt.com/uploads/1/3/3/2/133278085/leading_throu
gh_a
_critical_lens__the_application_of_discrit_in_framing_implementing_and_improving
_equity_driven_educational_systems_for_all_students.pdf
Johnsen, B. (2001). Curricular for the Plurality of Individual Learning Needs. In B.
Johnsen & M. Skjørten (Eds.), Education – Special Needs Education. An
Introduction (pp. 255-30 4). Unipub forlag.
Retrieved at https://core.ac.uk/download/pdf/30886068.pdf
Klehm, M. (2014). The Effects of Teacher Beliefs on Teaching Practices and
Achievement of Students with Disabilities. Teacher Education and Special
Education, 37, 216-240. Retrieved at
https://doi.org/10.1177/0888406414525050
Lai, F. T. T., Li, E. P. Y., Ji, M., Wong, W. W. K., and Lo, S. K. (2016). What are the inclusive
teaching tasks that require the highest self-efficacy? Teach. Teach. Educ. 59, 338–
346. doi: 10.1016/j.tate.2016.07.006
Retrieved at
https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S0742051X16301342
Lewis, R. (1998), “Assistive Technologies and Learning Disabilities: Today’s Realities
and Tomorrow’s Promises,” Journal of Learning Disabilities, 31, 16. Retrieved at
9

https://www.academia.edu/download/48077844/
astronomy_and_special_education_ olsen-slater_nov2008-aer.pdf
Muega, M.A. & Echavia D. (2011). Inclusion of Exceptional Students in Regular
Classrooms: School Readiness and Teachers’ Knowledge and Willingness.
Rogoff, B. (1990). Apprenticeship in thinking: Cognitive development in social context.
New York: Oxford University press.
Retrieved at
https://www.scirp.org/(S(vtj3fa45qm1ean45vvffcz55))/reference/ReferencesPa
pers.aspx?ReferenceID=1742035
Schuelka, M. J. (2018) and Miller, A. L.(2022). Implementing inclusive education. Teacher
agency for inclusive education: an international scoping review. International Journal of
Inclusive Education, 26(12), 1159- 1177.Retrieved at
https://doi.org/10.1080/13603116.2020.1789766
Stainback, W., & Stainback, S. (2014). Inclusion: A guide for educators (6th ed.). Pearson.
Retrieved at
https://stainback.com/management/(https://stainback.com/management/)
United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization. (1994). The Salamanca
statement and framework for action on special needs education.
UNESCO/Ministry of Education and Science. Retrieved at
https://unesdoc.unesco.org/ark:/48223/pf0000098427

You might also like