0% found this document useful (0 votes)
74 views11 pages

Filipino10 Q4 W7-1

doc
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
74 views11 pages

Filipino10 Q4 W7-1

doc
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 11

RO_MIMAROPA_WS_FIL10_Q4

FILIPINO 10
Ikaapat na Markahan
Ikapitong Linggo

Aralin: (El Filibusterismo) Kabanata 30 - 35

MELCs:
1. Nagagamit ang angkop na mga salitang naghahambing. (F10WG-IVg-h-81)

2. Nasusuri ang tauhan na may kaugnayan sa: mga hilig/interes

kawilihan/kagalakan/ kasiglahan /pagkainip/ pagkayamot; pagkatakot;

Pagkapoot; pagkaaliw/ pagkalibang at iba pa (F10PU-IVg-h-88)

3. Nasusuri ang nobela batay sa pananaw/ teoryang: • romantisismo •

humanismo • naturalistiko • at iba pa (F10WG-IVg-h-81)

4. Nabibigyang-pansin ang ilang katangiang klasiko sa akda. (F10PB-IVi-j-94)

Susing Konsepto
Susing Konsepto

Kabanata 30: Si Juli

Buod: Malaking usapan sa San Diego ang pagpanaw ni Kapitan Tiago at

pagkakahuli kay Basilio. Labis namang nalulungkot si Juli sa nangyari sa

kasintahan.

Sa pagnanais na makalaya si Basilio ay naisip niyang lumapit kay Padre

Camorra. Ngunit nag-aalangan ito sa maaaring gawin sa kaniya. Gayunman, ilang

gabi nang binabagabag si Juli sa kaniyang panaginip. Nabalitaan pa nitong

nakalaya na ang mga kasama ni Basilio dahil sa tulong ng mga kaanak. Naisip

niyang wala ng tutulong kay Basilio sapagkat wala na rin si Kapitan Tiago. Ayaw

man niya ay nagtungo si Juli kay Padre Camorra bilang nag-iisa niyang pag-asa

para sa nobyo. Nagtungo si Juli sa kumbento. Tulad nang naisip ni Juli, hinalay

1
RO_MIMAROPA_WS_FIL10_Q4

siya ng pari dahil hindi kinaya ang kahihiyang ginawa, tumalon si Juli sa bintana

ng kumbento.

Hindi kinaya ni Tandang Selo ang nangyari sa kaniyang apo. Wala siyang

makuhang hustisya kaya sumama na lamang siya sa mga tulisan ng bayan.

Kabanata 31: Ang Mataas na Kawani

Buod: Sa tulong ng mamamahayag na si Ben Zayb, hindi lumalabas sa mga

sirkulasyon ng pahayagan ang kabutihan ng Heneral na gawa-gawa lamang nila.

Nakalaya na sa piitan sina Isagani at Makaraig. Si Basilio na lamang ang nasa

bilangguan. May dumating na mataas na kawani at nais nitong palabasin si Basilio

sa kulungan. Sinabi niyang mabuti si Basilio at sa katunayan ay malapit ng

matapos sa kurso sa Medisina.

Gayunman, lalo lamang napahamak si Basilio sa sinabi ng kawani. Panay

kasi ang pagtuligsa ng Heneral sa mga sinasabi nito. Sinabihan ng kawani ang

Heneral na dapat itong matakot at mahiya sa bayan. Sabi naman ng Heneral sa

Espanya siya may utang na loob dahil sila ang nagbigay ng kapangyarihan at hindi

ang mga Pilipino. Bigong lumisan ang kawani na kinabukasan ay nagbitiw umano

sa puwesto at babalik na lamang sa Espanya.

Kabanata 32: Ang Bunga ng mga Paskil

Buod: Nagbago ang mukha ng edukasyon sa San Diego dahil sa nangyaring

pagpapaskil. Wala na halos mga magulang ang nagpapaaral ng mga anak. Habang

bihira naman ang nakakapasa sa mga pagsusulit. Kabilang sa mga hindi nakapasa

sina Makaraig, Juanito, Pelaez, Pecson, at Tadeo. Natuwa pa si Tadeo na ‘di

nakapasa at sinunog pa ang mga libro nito.

Nagmamadali namang pagpunta ng Europa si Makaraig habang si Juanito

naman ay kasama ng ama nito sa negosyo. Pinalad namang makapasa sina Isagani

2
RO_MIMAROPA_WS_FIL10_Q4

at Sandoval habang wala pang pagsusulit si Basilio dahil nasa piitan pa ito.

Nabalitaan na rin ni Basilio ang nangyari kay Juli at ang nawawalang si

Tandang Selo dahil sa kutserong si Sinong na tanging dumadalaw kay Basilio.

Napabalita ring ikakasal na sina Juanito at Paulita, dahil doon ay magkakaroon

umano ng isang piging na inaabangan na ng mga tao roon. Ito ang unang malaking

pagtitipon matapos lumaganap ang takot sa kanilang bayan.

Kabanata 33: Ang Huling Matuwid

Buod: Isang hapon ay nagkulong si Simoun sa kaniyang kuwarto at ayaw

magpaabala. Tanging si Basilio lamang daw ang papapasukin kapag dumating ito.

Ilang sandali pa ay dumating na rin ang binata. Laking gulat ni Simoun sa hitsura

ni Basilio. Payat na payat ito, magulo ang pananamit, at tila isang patay na

nabigyan lamang muli ng buhay. Agad na ipinarating ni Basilio ang kagustuhan

nitong umanib kay Simoun at sumama sa mga plano nito na dati ay tinanggihan

niya. Naisip kasi niya na hindi pa niya naigaganti ang kaniyang magulang at

kapatid na yumao.

Natuwa naman si Simoun at nagpunta sila sa laboratoryo at doon ay

ipinakita ang isang pampasabog. Ito ang kanyang gagamitin sa Kapistahan. Tila

isang ilawan o lampara ang anyo ng pampasabog ang kanilang gagamitin. Nagbilin

si Simoun na magkita sila ni Basilio sa tapat ng Parokya ng San Sebastian para sa

huling pagpaplano.

Kabanata 34: Ang Kasal ni Paulita

Buod: Nasa daan si Basilio. Ikawalo ng gabi. Makikituloy sana siya kina Isagani

ngunit hindi umuwi ang kaibigan sa buong araw na iyon. Dalawang oras na

lamang at sasabog na ang ilawan ni Simoun. Maraming dadanak na dugo. Marami

3
RO_MIMAROPA_WS_FIL10_Q4

ang mamamatay. Sinalat ni Basilio ang kaniyang rebolber at mga bala. Naalala

niya ang babala ni Simoun sa siya ay lumayo sa daang Anloague.

Naghinala si Basilio. Ang bahay ni Kapitan Tiyago ay nasa daang iyon. May

binanggit na kasayahan si Simoun. Sa bahay na iyon idinaraos ang piging sa kasal

nina Paulita at Juanito. Nakita niyang dumating ang sasakyan ng bagong kasal.

Nahabag si Basilio kay Isagani. Naisip niya na yakaging sumama sa kaniya si

Isagani. Siya rin ang tumugon. Hindi papayag si Isagani sa gayong madugong

pagpatay sa marami. Hindi pa nararanasan nito ang nangyari sa kaniya. Nagunita

niya ang pagkabilanggo, ang kabiguan sa pag-aaral, ang nangyari kay Juli. Muling

hinaplos ang puluhan ng rebolber at ninasang dumating na sana ang sandaling

hinihintay. Nakita niyang dumating si Simoun kasama si Sinong na isang kutsero.

Sumunod ang sasakyan ni Simoun sa mga bagong kasal. Nagtungo si Basilio sa

Anloague, doon ang tungo halos ng lahat—sa bahay ni Kapitan Tiyago. Ang

Kapitan Heneral ang ninong at dadalo sa hapunan, dala ang isang tanging ilawang

handog naman ni Simoun.

Kabanata 35: Ang Piging

Buod: Ikapito ng gabi nang magsisimulang dumating ang mga may paanyaya. Una

ang maliliit. Sunod ang palaki sa katayuan sa tungkulin at sa kabuhayan. Lahat

ay pinagpupugayan ni Don Timoteo. Dumating ang bagong kasal, kasama sina

Donya Victorina, Padre Salvi, at Kapitan Heneral. Si Basilio ay nasa harapan ng

bahay at pinapanood ang mga kaganapan, naaawa siya sa maaaring madamay na

walang kamalay-malay na mamamatay kaya naisip niyang bigyan ng babala ang

mga iyon. Ngunit biglang dating ng sasakyan nina Padre Salvi at Padre Irene kaya

nagbago ang isip niya. Habang nagmumuni-muni si Basilio tungkol sa kaniyang

mga mahal sa buhay. Nakita niya si Simoun na may dalang ilawan. Waring kakila-

kilabot ang anyo ni Simoun. Nang mga oras na iyon, nag-iba ang pananaw ni

4
RO_MIMAROPA_WS_FIL10_Q4

Basilio at nais ng maligtas ang mga tao sa loob sa nakatakdang pasabog mula sa

lampara. Ngunit hindi siya pinapasok dahil sa madungis niyang anyo.

Sa di kalayuan ay nakita niya ang kaibigang si Isagani. Dali-daling umalis

ang binata mula sa usapan dahil naisip niya si Paulita. Habang nasa itaas naman,

nakita nila ang isang papel na may nakasulat na “Mane Thecel Pahres Juan

Crisostomo Ibarra.” Sabi ng ilan ay biro lamang iyon ngunit nangangamba na ang

ilan na gaganti si Ibarra. Sinabi ni Don Custodio na baka lasunin sila ni Ibarra

kaya binitiwan nila ang mga kasangkapan sa pagkain. Nawalan naman ng ilaw ang

lampara. Itataas sana ang mitsa ng ilawan nang pumasok naman si Isagani at

kinuha ang ilawan at itinapon sa ilog mula sa azotea.

Alam mo ba?

Sa malinaw at maayos na paghahambing ng mga akda nararapat na suriing mabuti

ang pagkakaiba at pagkakatulad nito. Maaaring nakalalamang o nakahihigit ang isa.

Gayundin dapat na maging obhektibo ang paghahambing at walang kinikilangan.

5
RO_MIMAROPA_WS_FIL10_Q4

Gawain 1

Panuto: Gamit ang graphic organizer, maayos na paghambingin ang isa sa napiling

binasang kabanata sa iba pang mga akdang nabasa/natalakay.

Pagkakaiba sa ibang Pagkakatulad sa


kabanata ibang kabanata
_____________________ Binasang kabanata _____________________
_____________________ _____________________
__________________
_____________________ _____________________
_ _____________________
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________ Iba pang akdang
__
_ nabasa
________________

Gawain 2

Panuto: Sa text map sa ibaba, ipaliwanag ang binasang mga buod batay sa

pananaw/ teoryang romantisismo • humanismo • naturalistiko • at iba pa. Ilagay

mo ang iyong “suring pahayag” na makikita sa kahon at iugnay mo sa ito sa iyong

sariling karanasan bilang patunay sa iyong sagot.

Teoryang Romantisismo - binibigyang tuon ang mga pangyayari sa likod ng


kasamaan, at kaguluhan na may mga bagay o pangyayaring nagpapatingkad sa
angking kabutihan ng tao, at laging nangingibabaw ang pag-ibig. Karaniwan ang
mga akda sa wika, kapaligiran, tauhan. Ito ay nagpapakita ng pagmamahal sa
kapuwa, bayan at lipunan.

Teoryang Humanismo – nagbibigay ng malaking pagpapahalaga sa tao sa


paniniwalang ang tao ay sentro ng daigdig, ang sukatan at panginoon ng kanyang
kapalaran.

Teoryang Naturalismo - binibigyang-tuon na natural ang lahat ng nilalang, at mga


pangyayari.

6
RO_MIMAROPA_WS_FIL10_Q4

Pananaw/Teorya
________________________
________________________
_________

Suring Pahayag Patunay


__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
___ ___

Gawain 3

Panuto: Mula sa binasang buod, bigyang pansin ang katangian ng Klasikong akda

(Pagkamalinaw, Pagkamarangal, Pagkapayak, Pagkamatimpi, Pagkaobhetibo,

Pagkasunod – sunod, at Pagkakaroon ng hangganan) sa pamamagitan ng sariling

suri. Pumili ng tatlo (3) sa mga katangian at bigyan ito ng malinaw na pagsusuri.

Katangian ng Klasikong
akda

Suri
____________________________
________________________________
__
Suri
____________________________
________________________________
__
Suri
____________________________
________________________________
__

7
RO_MIMAROPA_WS_FIL10_Q4

Mga Gabay na Tanong

1. Sino sa mga tauhan ang may wastong pangangatuwiran batay sa sitwasyong

kanilang kinakaharap? Ipaliwanag.

2. Alin sa mga pangyayari o kabanata ang nakaantig ng iyong damdamin? Bakit?

3. Naging makatuwiran ba ang mga desisyon ni Simoun sa ginawa niyang

paghihiganti? Ipaliwanag.

4. Paano magagawang mabuti ang ikikilos ng mga tauhan sa kabanatang iyong

nagustuhan?

5. Batay sa mga pangyayari sa kabanata, ano ang iyong gagawin upang mapabuti o

mailigtas sa kapahamakan ang pamilya/ kapuwa? Ipaliwanag ang iyong sagot.

8
RO_MIMAROPA_WS_FIL10_Q4

SUSI SA PAGWAWASTO

Halimbawang kasagutan

Gawain 1

Binasang kabanata
Pagkakaiba sa ibang Pagkakatulad sa ibang
kabanata Kabanata 30: Si kabanata
Juli
Magkaiba ang paraan Pareho ang sinapit ng
ng paghingi ng mga tauhan sa kamay ng
Kalayaan o katarungan Iba pang akdang kanilang mga kalaban.
para sa kanilang
nabasa
minamahal.
Ibong Mandaragit
ni Amado V.
Hernandez

Gawain 2

Pananaw/Teorya
_ROMANTISISMO

Suring Pahayag
Kabanata 35( Ang Piging) Patunay

Masakit man sa Sa kabila ng


damdamin ang Sa hirap ng Handang ibuwis
pagtitiis at pag- dinaranas ng ang buhay para
hangaring ilagay sa ibig, hahamakin
mga kamay ang bawat isa sa sa pamilya,
ang lahat para sa pandemyang ito, pagmamalasakit
batas subalit kagustuhan ng
kailangang gawin patuloy tayong at pagmamahal
minamahal nakikipagsapalara ay kayang
para sa mga mahal maging buhay
sa buhay at sa n at hinaharap ang ipadama sa
man ang kapalit. anomang hamon panahong ito ng
bayan.
ng buhay. pandemya.

9
RO_MIMAROPA_WS_FIL10_Q4

Gawain 3

Katangian ng Klasikong
akda

Pagkamarangal Batay sa suri ng mag -


aaral

Batay sa suri ng mag -


Pagkamatimpi aaral

Batay sa suri ng mag -


Pagkakasunod-sunod aaral

Mga Gabay na Tanong

1-5. Sagot: Nakabatay sa pananaw, opinyon ng mga mag - aaral

Sanggunian:

1.Aklat

De Vera, Estrella E., Amelia V. Bucu, at Felicidad Q. Cuaño, Obra Maestra (Bagong
Edisyon) El Filibusterismo. Manila: Rex book Store, Inc., 2006,326-372.

2.Website

Panitikan.” BUOD ng KABANATA 30-35”, Last Accessed April 5,2021,


www.Panitikan.com.ph.

Academia.edu.”PANITIKANG PANLIPUNAN-PANANALIG SA PAGSUSURING


PANITIKAN1”,Last Accessed April 7, 2021, https://www.Academia.edu.com.

Coursehero.com,”HUMANISMO”,Last Accessed April 7, 2021,


https://www.coursehero.com.

10
RO_MIMAROPA_WS_FIL10_Q4

Inihanda ni:

MELANIE M. ALDAY

Tiniyak ang kalidad at kawastuan ni:

GESABETH G. IMPERIAL

Sinuri nina:

LODEVICS E. TALADTAD

MARLON L. FRANCISCO

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City, Philippines 1600
Telephone No. (02) 863-14070
Email Address: [email protected]
11

You might also like