2ND QUARTER TEST GRADE - 6 - FILIPINO-final
2ND QUARTER TEST GRADE - 6 - FILIPINO-final
Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
I. PANUTO: Basahin ang talaarawan. Sagutin ang mga tanong tungkol dito.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
Mayo 1, 2020
Biyernes
“Para sa Bata”
Maaga akong gumising ngayong araw. Tinapos ko ang mga gawaing bahay
upang maituon ko ang aking sarili sa gawaing pampaaralan. Sinasabi nila na madali
lang ang aming trabaho ngayon bilang isang guro ngunit hindi nila alam kung paano
namin pinagsasabay ang pansarili at pampaaralan. Kaninang tanghali habang
kumakain ako ay nakikinig ng aming webinar o pangkalahatang diskusyon . Sa hindi
inaasahan, sumabay pa ang pinapapasang report sa amin. Gusto kong magpahinga
ngunit iniisip ko na para ito sa ikauunlad ng aking mag-aaral. Hating gabi na ako
nakatulog dahil tinapos ko pa ang modyul na gagamitan ng aking mag-aaral sa
pasukan. Laging nakatatak sa aking isipan na lahat ng ito’y Para sa Bata.
Nagmamahal,
Guro
III. PANUTO: Basahin ang sumusunod na talata at bilugan ang titik ng angkop na
wakas nito.
11. Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan
upang mabago
ang takbo ng buhay ng isang tao bilang bahagi ng lipunan tungo sa pagkakaroon ng
isang
masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga
aklat o
mga bagay na natutunan sa paaralan.
A. Ang edukasyon ang susi sa masaganang buhay.
B. Ang edukasyon ay para lamang sa mga taong matalino.
C. Ang pagkakaroon ng edukasyon ay isang mahirap na paraan sa panahon ngayon.
D. Ang edukasyon ay mahalaga upang magkaroon ng kaalaman tungkol sa mga
bagay sa ating
paligid.
12. Sa kabila ng kagandahan ng Pilipinas, nakatago ang sandamakmak na problema.
Isa na rito
ang kahirapan na dulot ng kawalan ng hanapbuhay at malaking populasyon.
A. Bilang isang Pilipino ako ay magsasawalang kibo na lamang.
B. Bilang isang Pilipino ay magkakaroon ako ng pagplaplano at pangarap sa buhay
upang
HINDI makaranas ng kahirapan.
C. Bilang isang Pilipino ay masama ang maging isang mahirap.
D. Bilang isang Pilipino mahirap makahanap ng hanapbuhay ngayon lalo na kapah
HINDI
nakatapos ng pag-aaral.
13. Binigyan ng pera si Ana ng kanyang ina para ipambayad sa kanyang proyekto.
Ngunit hindi
inaasahang nagastos ni Bea ang pera, dahil dito hindi alam ni Ana kung saan siya
kukuha ng
pera para mabayaran ang kanyang proyekto. Ano ang maaring wakas?
A. Lumayas si Ana at HINDI nagpakita sa ina.
B. Naisip ni Bea na kumuha sa pitaka ng kanyang ina.
C. Sinabi ni Ana ang totoo sa kanyang ina at humingi ng tawad.
D. Pumasok siya sa kwarto ng ina at dahan-dahan kumuha ng pera
14. Sumali si Berna sa isang paligsahan ng pagbigkas ng tula. Matagal pa ay
kinabisado na niya
ang tulang itatanghal niya. Sinabayan rin niya ng mga kumpas ng kamay at
ekspresyon ng
mukha ang kanyang sinasabi. Minsan, tinatawag niya ang kanyang ate upang
panoorin
ang kanyang pagtula at masabihan siya kung paano pa niya mapapabuti ang
pagtula niya. Sa
wakas, dumating na ang araw ng paligsahan.
A. Masaya si Berna dahil tinulungan siya ng kanyang ate.
B. Si Berna ay kinabahan ay HINDI na tumuloy pa sa paligsahan.
C. Ginawa ni Berna kung ano ang kanyang pinaghandaan at natuwa ang lahat ng
mga
manunuod sa kanya.
D. Malungkot si Berna dahil nakalimutan niya ang mga sasabihin nang nagsimula
na ang
paligsahan.
15. May mga dalang lumang damit at laruan si Armand nang pumasok siya sa
paaralan. Ang
mga damit ay mga napaglakihan na niya ngunit maaayos pa. Ang mga laruan
naman ay hindi
na niya masyadong nagagamit. Sa oras ng recess, siya ay pumunta sa Christmas
tree sa
kanilang paaralan. Doon ay may mga malalaking kahon.
A. Inilagay niya ang mga gamit na dala niya sa loob ng isang kahon dahil ito’y
itatapon na
niya.
B. Inilagay niya ang mga gamit na dala niya sa loob ng isang kahon upang itago sa
kanyang
mga kamag-aral.
C. Inilagay niya ang mga gamit na dala niya sa loob ng isang kahon upang dalhin
ito sa
kanilang bahay.
D. Inilagay niya ang mga gamit na dala niya sa loob ng isang kahon bilang
donasyon sa mga
batang nangangailangan.
IV. PANUTO: Basahin at unawain ang maikling kuwento.. Sagutin ang mga tanong.
Isulat ang titik ng tamang sagot.
V. PANUTO: Basahin ang bawat teksto at piliin ang maaring mangyari batay sa iyong
kaalaman.
Ikiniskis ni Juan sa palad ang bato gaya ng bilin ng duwende atsaka humiling si
Juan ng
masasarap na pagkain. Nanlaki ang mga mata ni Juan.
_______22. Siya ay___.
A. Natakot C. Nagulat sa nakita
B. Natuwa D. Nagkaroon ng panlalabo ng paningin
VI. PANUTO: Basahin ang pangungusap. Isulat sa patlang kung ang pang-uring may
salungguhit ay Isahan, Dalawahan o Maramihan.
______________24. Sina Jose at Jerry ay masisipag na trabahador.
______________25. Suot ng inay ang magarang blusa na bigay ng kaibigan ko.
______________26. Malulusog ang mga alagang hayop ng aming kapitbahay.
VII. PANUTO: Basahin ang mga pangungusap. Piliin ang titik nang tamang sagot na
naglalarawan ng tauhan batay sa damdamin at tagpuan.
____27. Malaki ang naitulong ni Ate Loida upang gumaan ang pakiramdam ng sanggol
ni Tiya
Gloria kung kayat labis ang kanyang pasasalamat dito.
A. nahihiya B. natutuwa C. nalulungkot D. nagmamalaki
____28. Ang tatay at nanay ni Ruth ay maraming nalalaman tungkol sa herbal na
medisina.
Marami silang tanim _______.
A. sa bahay B. sa paso C. sa kusina D. sa bakuran
____29. Dahil sa pagkakaroon ng botika sa bakuran ni Ate Loida, nakakapag-impok sila
sapagkat nakakatipid na sa pagbili ng gamot sa botika.
A. masaya at nakakatulong C. masaya at nakakaipon
B. masaya at masikap D. masaya at may kasundo
VIII. PANUTO: Basahing mabuti ang bawat talatang hango sa sanaysay at ibigay ang
paksa nito. Piliin ang titik ng tamang sagot.
IX. PANUTO: Tukuyin ang angkop na pokus ng pandiwa sa pangungusap. Bilugan ang
titik ng tamang sagot.
33. Ang bukirin ay pinataniman namin ng maraming gulay.
a. ganapan b. aktor c. tagatanggap d. layon
34. Ang tinapay ay ibinibigay sa kawawang pulubi.
a. ganapan b. layon c. sanhi d. tagatanggap
35. Ang pagkapanalo sa Pilipinas Got Talent ay ikinatuwa ni Lito.
a. layon b. sanhi c. direksyon d. gamit
XI. PANUTO: Pag-ugnayin ang sanhi at bunga. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang.
XII. PANUTO : Isulat kung ang salitang pahilis sa pangungusap ay ginagamit bilang
pang-uri o pang-abay.
42. Masigla ang mga tao sa pakikilahok sa programang pangkalikasan._________
43. Masiglang nagtatanim ng mga puno ang mga kabataan._________
XIII. PANUTO: Unawain ang talata sa ibaba. Pagkatapos, bilugan ang titik ng tamang
sagot.
Dahil sa COVID-19 pandemic, maraming kabataan ang mas naka pokus na ngayon
sa kanilang mga gadgets at nawiwili na sa mga ibat-ibang social medias. Naisipan ni
Sehun, isang highschool student, na magsagawa ng survey kung ano ang pinaka
paboritong ginagamit na social media ng mga Pilipino. Mula sa 418 na Pilipino, 95 ang
bumoto sa Twitter, 72 sa Instagram at 150 naman ang bumoto sa Facebook. 58 na
katao ang bumoto sa Messenger at 43 sa Whatsapp na siyang nakakuha ng pinaka
mababang boto.
44. Batay sa talata, anong social media ang pinaka paboritong ginagamit ng mga
Pilipino?
A. Instagram B. Facebook C. Twitter D. Whatsapp
45. Ilang Pilipino ang bumoto sa Messenger?
A. 43 B. 58 C. 53 D. 72
(46-50)
XIV. PANUTO: Punan ng tamang impormasyon na hinihingi tungkol sa iyong sarili.
Inihanda nina:
LOURDES Z. CAYABYAB
Teacher III
Binigyan-pansin nina:
Susi sa Pagwawasto:
1. A 21. A 41. A
2. B 22. C 42. Pang-uri
3. C 23. C 43. Pang-abay
4. D 24. dalawahan 44. B
5. D 25. isaha 45. B
6. C 26. maramihan 46.
7. A 27. B 47.
8. B 28. D 48. Teacher’s Discretion
9. C 29. C 49.
10. D 30. D 50.
11. D 31. A
12. B 32. B
13. C 33. A
14. C 34. D
15. D 35. B
16. D 36. maaga
17. A 37.mahigpit
18. C 38. Buong lakas
19. A 39. C
20. B 40. B
(46-50)