0% found this document useful (0 votes)
588 views

Script KKK

RPH Task Peformance
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
588 views

Script KKK

RPH Task Peformance
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 5

STI Global City

STI Academic Center, University Pkwy, Taguig, Metro Manila

Reading in Philippine History


THE CRY OF KATIPUNAN

Group #4
Gabitanan, Jamildonna
Garcia, Marc Cedric
Manuel, John Matthew
Motilla, Jhon Leosala
Nieva, Michael Vernice B.
Sta. Ana, Jericho
Title: Sigaw ng Katipunan

---

Eksena 1: Ang Plano

Andres Bonifacio:

Mga kasama, bukas ay darating ang araw na magbabago ang kasaysayan. Maghahakbang
tayo patungo sa kalayaan na matagal na nating inaasam. Ang ating layunin ang wakasan
ang mapanupil na pamahalaang Kastila. Ngunit alam niyo ba kung bakit napakahalaga ng
mga sedula para sa kanila?

Katipunero:

Oo, Supremo. Ang mga sedula ay simbolo ng kanilang kapangyarihan, tanda ng pagsikil sa
ating kalayaan. Ano ang susunod na hakbang?

Katipunero:

_Paano Tayo magsisimula, Supremo?_

Andres Bonifacio:

Pagkatapos ng pulong na ito, simulan na natin ang ating pagkilos. Pupunitin natin ang mga
sedula isang malinaw na pahayag ng ating pagtutol! Mag-ikot kayo, kausapin ang ating mga
kababayan. Hanapin niyo ang may tapang na sumama sa atin, handang ipaglaban ang
kalayaan!

---

Eksena 2: Inspirasyon ng Bayan


Katipunero:

Supremo, walang hanggan ang aming pasasalamat. Sa iyong tapang at pamumuno, ikaw
ang naging ilaw namin, ang inspirasyon ng bawat ordinaryong mamamayan. Dahil sa'yo,
natutunan naming magkaisa at lumaban para sa kalayaan ng ating bayan

Supremo (Andres Bonifacio):

Huwag niyong isipin na ito na ang wakas. Ang tunay na laban ay nagsisimula pa lang.
Hangga't hindi natin natitikman ang ganap na kalayaan, walang hinto ang ating pakikibaka.
Sama-sama tayong magpapatuloy, hanggang sa huling hininga ng ating bayan.

---

Eksena 3: Sigaw para sa Kalayaan

Supremo (Andres Bonifacio):

Mga kasama, ang hakbang na ito ang magtatakda ng ating kapalaran. Ang pagpunit ng
sedula ay hindi lamang simpleng kilos—ito ang ating pag-aalsa laban sa pang-aapi ng mga
Kastila. Ang sedula ay sumasalamin sa mga sugat ng ating bayan, sa mga taon ng
pagkakakulong. Panahon na upang ito'y punitin!

Katipunero:

Oo, Supremo! Panahon na para sa tunay na pagbabago!

Katipunero:

Masyado nang matagal ang ating pagkaalipin Hindi na namin kayang tiisin ang mapait na
pamamahala ng mga Kastila.

Katipunero:

Supremo, ito ang aking sedula. Sa iyong mga salita at pamumuno, ako’y susunod!

Supremo (Andres Bonifacio):


Huwag nating isiping ito’y isang simpleng papel lamang. Ito’y tanda ng ating paglaya mula
sa kuko ng mga mananakop. Ngayong araw, sinisimulan natin ang ating pagsulong patungo
sa kalayaan. Tandaan ninyo ang araw na ito ang araw ng ating pagbangon!

Katipunero:

Magsama-sama tayo at itapon ang mga sedula!

Supremo (Andres Bonifacio):

Mga kababayan, hindi tayo titigil hanggang sa huling patak ng ating dugo! Hindi tayo
magpapasakop! Tayo ang magtatagumpay, sapagkat tayo ang mga anak ng bayan. Ang
lupaing ito ay atin! Tayo ang Kataas-taasan, Kagalang-galangan, mga anak ng Katipunan!
Punitin ang mga sedula!

Lahat Katipunero:

Punitin!

Katipunero:

Mabuhay ang pagtitipon!

Lahat Katipunero:

Mabuhay!

Katipunero:

Mabuhay ang rebolusyon!

Lahat Katipunero:

Mabuhay!

Katipunero:

Mabuhay ang Supremo!

Lahat Katipunero:
Mabuhay!

---

You might also like