Fact Sheets Activities English and Filipino
Fact Sheets Activities English and Filipino
Signal No. 1 may also be hoisted over Cagayan Valley and the
northeastern portion of the Bicol Region by Sunday night.
Leon was last monitored 1,075 kilometers east of Central Luzon.
__________________________________________________________________
______________________
“Pinuntahan ko lang [po kayo] para makita ko na maayos naman ang pag-alaga sa
inyo,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Bukod sa pinansyal na ayuda, nagpadala rin ang Pangulo ng dagdag na food packs.
“Ngunit para sa ngayon ay asahan ninyo basta’t nandito ang pamahalaan tuloy-tuloy
ang aming pagtulong sa inyo. Sabihan niyo lang. Nandito si Mayor, nandito si
(DSWD) Secretary Rex (Gatchalian), nandito ‘yung mga ibang Cabinet secretary
para marinig mula sa inyo kung ano ‘yung mga pangangailangan ninyo,” sabi pa ni
Marcos.
Siniguro naman ng Pangulo na patuloy na aayudahan ng pamahalaan ang mga
nasalanta ng bagyo hanggang makarekober ang mga ito.
___________________________________________________________________
Kasabay nito, kinumpirma rin ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang nasabing
pagharap ni Duterte sa pagdinig ng Senado sa Lunes.
Una nang sinabi ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III noong
Huwebes na hindi sigurado ang presensya ni Duterte sa Lunes dahil
nagdadalawang-isip umano ito.
Bukod kay Duterte, imbitado rin sa imbestigasyon ng Senado sina retired Police
Colonel Royina Garma, dating National Police Commission commissioner Edilberto
Leonardo, dating Senador Leila de Lima, Kerwin Espinosa, at ang mga pamilya ng
mga biktima ng drug war.
__________________________________________________________________
_____________________
__________________________________________________________________
____________________
Mababa na umano ang suplay ng langis sa Bicol Region dahil sa epekto ng Bagyong
Kristine matapos hindi madaanan ang ilang mga kalsada kaya walang makapaghatid
ng langis.
Ito ang ini-report kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa situation
briefing sa Naga City noong Sabado kasunod nang pagbisita ng Pangulo sa ilang lugar
sa Bicol na sinalanta ng bagyo.
“I just talked to the OCD that the fuel supplies are going low on the depots. So, Usec.
Wimpy Fuentebella is talking to the oil companies now and the PNP to prioritize the
trucking of the fuel here,” ani Teodoro.
Dahil dito, magbibigay ng fuel assistance ang gobyerno sa Camarines Sur at sa Naga
ng kabuuang 10,000 liters para maipamigay sa mga pinakanangangailangan nito.
Binilinan ng Pangulo si Teodoro na unahing bigyan ang mga ospital, ang mga first
responder at mga opisina at ahensiyang tumutugon sa pangangailangan ng mga
biktima ng Bagyong Kristine.
“We will talk to the Vice Governor and the Mayor how best to distribute. We have to
ration it and we have to priotize it,” dagdag ni Teodoro. (Aileen Taliping)
___________________________________________________
“We have to find a long-term solution. Pinag-aralan ko ito and I found that in
1973, there was the Bicol River Bason Development Project. Despite some
challenges mukha namang malaki ang naitulong. Iyon lang hindi natapos in
1986 when the governmeny changed, nawala na iyong project, so bastat
natigil,” anang Pangulo.
Dahil dito sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na muling titingnan ang project at
may ginagawa na aniyang pag-aaral ang Department of Public Works and
Highways (DPWH) at na-update na ito noong Hulyo.