0% found this document useful (0 votes)
11 views

FILM script English 6

Uploaded by

michellsolomon7
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
11 views

FILM script English 6

Uploaded by

michellsolomon7
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 17

FILM English 6

Casts:

Jhanel

Risa - Claire

Erna - Ruffa

Sister 1 - Nelli

Sister 2 - Angelie

Sister 3 - Lea

Teacher - Dens

3 classmates

1. Jessah

2. Sarah

3. Jensen

Boyfriend- ????

Settings:

Theme: Poverty, Gender Equality, Quality Education

Synopsis:

Life can be really unfair to anyone. Jhanel, being born in a low class family faced a lot difficulties and
hardships in life. Living in a tight and small house in the center of chaotic community is one of the proofs
on how life deprived them of comfort. She is a daughter to his mother, a big sister to his sisters, and a
student who strives hard to reach success in life. Being poor caused her to be prone to bullies, people
around her made her feel that being poor is a sin. It's already hell for her living as a poor who's always
trying to survive, but it's much worse to be a student fighting for that dream that has no assurance of
success. They said that the path to success is a long-difficult trail, then, will she be able to reach her
heart's desires despite of the challenges she'll face through out her journey?
First scene

Setting: House

(Sa labas ng bahay)

Kapitbahay 1: (nanduduro, pagalit) Aba naman Risa! Noong isang linggo pa yung utang nyo, hanggang
ngayon hindi nyo parin nababayaran! Pareho lang tayong hirap sa buhay, kaya magbayad na kayo, kung
hindi ipapabaranggay ko kayo!

Risa (nanay): (nagmamakaawa) Pasensya na talaga Erna, kapos talaga kami ngayon, wala ako masyadong
kita sa paglalabada ko at kinailangan ng mga anak ko ng pera sa eskwela kaya wala akong maibigay sayo,
pero baka sa makalawa, makakabayad na kami

Erna: Iyan kasi! Ang lakas ng loob mong magpaaral ng anak, eh Wala ka namang mapagkukunan ng pera!
Ah basta! Bayaran mo ngayon din ang utang mo! Mahiya ka naman!

(Some neighbors are watching the scene)

Risa: Erna, pangako... Sa makalawa.. magbabayad na ako, sana makahintay ka...

(One of her daughter went out of the door)

Jhanel: (nag-abot ng pera kay Erna) Iyan na PO, nagbabayad naman kami, hindi mo na kailangan ipahiya
ang nanay ko (seryuso)

Erna: (shocked) Ayan! Ganyan dapat! May pera naman pala, Ang dami nyo pang Arte! (Nagmadaling
umalis)

Risa: (Tinatanaw ang babaeng papaalis bago nilingon ang anak) Anak... pambayad mo yun sa eskwela
diba? Bakit mo naman ibinayad
Jhanel: Okay lang Nay, hindi pa naman deadline kaya kakausapin ko nalang muna si ma'am kung bakit
hindi pa ako makakabayad.

Risa: (held her daughter's hand) Pasensya ka na anak, wala kasi masyadong nagpapalaba ngayon kaya
walang kita si nanay (ngumiti ng malungkot)

Jhanel: (nag iwas ng tingin) Okay lang Nay, kaya natin 'to! Tayo pa ba?! (enthusiastic)

(Sabay na pumasok sa maliit nilang bahay)

Scene 2

Setting: inside of the house

Jhanel: (dumiretso sa mesa kung saan naroon ang mga kapatid) Bakit hindi pa kayo kumakain?

Nelli: Ate anong ulam?

Jhanel: (pointed at the plate) Ayan! Huwag na maarte, mabuti nga meron pa tayong makakain!

Lea: Nay ngayon na ang deadline ng bayaran namin sa school.

Risa: Magkano ba iyon, anak?

Lea: 200 po, para sa field trip.


Risa: Pwede bang bukas nalang nak? Hahanap pa muna si nanay ng mapag-uutangan.

(While eating, the other sister hurriedly went to the sink to vomit)

Risa: (hurriedly went to her daughter) Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?

Angelie: (trembling) Wala nay, baka may sira lang ang nakain ko kahapon.

Risa: Osige, maupo ka na at ipagpatuloy ang pagkain.

(They continue eating while Jhanel watched her sister suspiciously)

Scene 3

Setting: School

Teacher: Good morning class

All: Good morning ma'am

Teacher: I'll be returning your papers from our long test last meeting. And by the way, I commend Ms.
Cayanan for perfecting my exam.

Jhanel: Thank you ma'am

(No one clapped, instead her classmates looked at her in disgust)


(In the corner, Jhanel is reading and answering her assignments alone while her classmates are in group
talking about her)

Classmate 1: Nakita nyo ba yung suot nya? Faded pants and loose t-shirt? Really? (mockingly)

Classmate2: Sira din yung bag na gamit hahaha, can't she afford to buy a new one? She looks so mahirap
talaga

Classmate 3: Maybe that's why our teachers favors her so much? Because she's poor? I can't believe she
perfect our exam, that one was hard.

Classmate 1: Agree! Maybe she cheated?!

Classmate 2&3: OMG! That's possible!

Classmate 1: She's not that matalino, you know.

Setting: Library

(Jhanel is having a hard time getting the book in the shelf when a guy come behind her and gets the
book for her)

Jhanel: (dahan dahang lumingon) T-Thank you

Boy: No problem (smile 🤩)


(All through out her stay in the library, she kept glancing at the guy who helped her, he did the same but
Jhanel didn't notice 😭)

Scene 4

Setting: bahay/ hapon

(Pagpasok sa bahay galing eskwela)

Jhanel: (tired/stressed) ANO BA NAMAN YAN! Maski mag Ayos ng bahay hindi nyo magawa?! Kita nyo
namang makalat diba?

Lea: Ate kararating ko lang din kasi, pasensya na po

Jhanel: Ikaw Angelie! Puro ka nalang cellphone! Hindi mo ba nakikitang makalat ang bahay? Tapos wala
pang niluto? Tumulong naman kayo sa gawain dito sa bahay, hindi pwedeng si nanay nalang lahat!

Angelie: Ate pagod din ako, hindi lang Ikaw Ang nag aaral dito!

Jhanel: Kaya nga! Pagod tayong lahat pero sana marunong din naman kayong makiramdam at
umunawa!

Risa: Anong nangyayari dito? Bakit kayo nagsasagutan?

Jhanel: Wala nay, pinagsasabihan ko lang po sila.

Nelli: Ako na ang magluluto ate.


(Sa hapag)

Risa: (Surprised) Magkano anak? 3 thousand? Para saan ba yan at kailan ang deadline?

Angelie: Para sa project Nay tsaka bukas na Ang deadline

Jhanel: Eh bakit ngayon mo lang sinabi? Ang laking pera nyan, saan si nanay kukuha nyan?!

Angelie: Pwede ba ate, tumahimik ka muna?! (she snapped)

Jhanel: (pagalit) Ang bastos mo ah

Risa: (to Jhanel) Tama na yan, makinig ka muna sa kapatid mo. (to Sister 2) Anak, wala tayong ganyan
kalaking pera, hindi ba pwedeng paunti unti ang bayad?

Angelie: Hindi Nay! Kailangan agad makabayad, tsaka nakakahiya kung ako lang ang hindi makakabayad,
baka pagtawanan ako ng mga kaklase ko

Risa: Osige, maghahanap ako ng mapag- uutangan bukas din ng umaga.

(Sa labas ng bahay, sa maliit na papag)

Jhanel: Nay, ano pang ginagawa nyo dito? Pasok na Tayo sa loob, malamig dito.
Risa: Mamaya na anak, nagpapahangin lang ako dito, papasok din ako maya-maya

Jhanel: (starts massaging her mother's hands) Kamusta ang trabaho mo kanina Nay?

Risa: Ang dami kong nilabhan ngayong araw. (sigh) Ikaw? Kamusta ang eskwela?

Jhanel: Ayos lang naman po.

(Silence)

Jhanel: Nay....

(Her mother turned to look at her)

Jhanel: Tumigil na muna kaya ako sa pag aaral? Magtatrabaho muna ako para makatulong ako sayo

Risa: (shakes her head) Nak, hindi. Hindi ka titigil. Mag aaral ka, magtatapos ka muna

Jhanel: Pero, alam Kong hindi mo na kaya Nay, tutulong po ako...

Risa: Kaya ko pa... Kaya pa natin. Kaya mag aral ka ng mabuti, para makapagtapos ka at makahanap ng
magandang trabaho.

(held her daughter's hand) Huwag kang gumaya sakin... Kayo... Huwag kayong gumaya sakin.

(Embraced each other)


Scene 6

Scenes of her mother working hard. Jhanel studying late after helping do chores on their home. Jhanel's
sisters studying and other business (😹).

(no conversations)

Scene 7

Setting: house

(Jhanel went home one afternoon, and found her sister crying and packing her clothes)

Jhanel: ANGELIE! ANONG GINAGAWA MO?

Angelie: (scared) Ate....

Jhanel: (confused) Ano bang nangyayari?

Angelie: (crying) Ate... Sorry....

Jhanel: Bakit? Bakit ka aalis? Saan ka pupunta?

Angelie: Sorry, Ate...

Jhanel: (seryuso while grabbing her sister's arm) Sagutin mo ko, saan ka pupunta at ano ang nangyayari
sayo?
Angelie: (nakayuko) Buntis ako ate...

Jhanel: (slapped her sister) Bakit? Paano... mo nagawa yan? Paano si nanay? Hindi mo manlang ba sya
inisip?!

Angelie: Hindi ko naman ito ginusto...

Jhanel: (sarcastic laugh) Hindi mo ginusto? Pero.... Bakit mo hinayaang mangyari sayo yan? Nasaan ba
ang utak mo? Napakabobo mo!

Angelie: Oo na! Mali ko na, Ate! Pero... Wag mo naman isisi sakin lahat!

Jhanel: At sinong sisisihin ko? Si nanay? (crying) Si nanay... na nagkakandakuba sa pagtatrabaho para
mapag aral ka? Si nanay... na ginagawa lahat maibigay lang ang gusto mo?

Angelie: Hindi sa ganun...

Jhanel: SUMAGOT KA ANGELIE!

Angelie: (crying) sorry.... Sorry... Please ate.. wag mo muna sabihin Kay Nanay, ako ang magsasabi sa
kanya...

Jhanel: Ang kapal ng mukha mo!

(Their mother came with their two sisters)


Risa: (worried) Oh, anong nangyayari sa inyo? Nag away ba kayo?

Jhanel: (sarcastic) Congrats Nay! Magiging Lola ka na!

Angelie: (her cries become louder) Ate! Please...

Risa: Anong ibig sabihin ng ate mo Angelie?

Angelie: Nay... Sorry po...

Risa: ANO ANG SINASABI NG ATE MO?! TOTOO BA IYON?!

Angelie: (lumuhod) Buntis po ako, Nay... (hikbi) Sorry po...

Risa: (sumugod Kay Angelie) WALANG HIYA KA!

(The two other sisters assisted their mother and stopped her from hurting their sister)

Angelie: Sorry...

Risa: Wala Kang utang na loob! Akala ko nag aaral ka, pero, ito palang ang pinanggagawa mo!

Jhanel: ( approached her mother) Kumalma ka Nay, baka kung anong mangyari sa inyo.

Risa: IYANG KAPATID MO! YANG KAPATID MO JHANEL! Saan ba ako nagkulang ng pangaral sa inyo ha?!
PANO nyo nagawa sakin 'to? (crying loudly)
Angelie: (crawling while approaching her mother) Sorry po...(Pero iniwaksi sya ng kanilang Ina)

(Minutes of crying, her mother stand and walked straight to where Angelie's clothes are, pagalit nya
itong binitbit at nilapitan so Angelie para kaladkadin hanggang pinto)

(She pushed Angelie outside the house together with her clothes)

Risa: Lumayas ka! Kalimutan mo na rin na may Ina ka pa.

(Mabagal na pinulit ni angelie ang mga damit na nagsikalat sa lupa)

Lea: Nay, baka ano pong mangyari sa kanya.

Nelli: Delikado po kung aalis sya mag isa, wala po syang pupuntahan.

Risa: Hayaan nyo sya! Ginusto nya yan, dyan naman magaling yang KAPATID nyo.

Jhanel: Nay...

Risa: Wag mo nang kampihan o kaawaan manlang ang kapatid mo Jhanel, pumasok na kayo sa loob

Jhanel: Pero---

(Her mother dragged them inside the house and locked the door leaving Angelie weeping outside)
Scene 8

Scenes of her mother working hard. Jhanel studying late after helping do chores on their home.

Nelli: Gusto mo bang masahehin kita Nay?

Risa: Sige nga Nak, para gumaan naman ang pakiramdam ko.

(Lea is sitting beside them, doing her homework)

Risa: Mag-aral kayong mabuti. Sinasabi ko yan lagi kasi para yan sa kapakanan nyo, para sa kinabukasan
nyo. Mahirap ang buhay, Lalo na kapag walang natapos.

Lea: Hindi po namin kayo bibiguin

Nelli: Magiging abogado pa ako 'no!

(Sumilip si Jhanel mula sa kusina)

Jhanel: Kakain na po Tayo, Nay, halina kayo.

Scene 9
(A scene of the mother's pain of losing and missing one of her daughter)

(Scenes of Jhanel and the boy's interaction inside the university)

Scene 10

Setting: house

Jhanel: Balak ko pong tumigil muna ngayong sem Nay.

Risa: Anak, huwag. Kaya ko pa naman, kaya ko kayong pag aralin

Jhanel: Nay pansamantala lang naman, kapag nakaipon na ako, babalik ako sa pag aaral, pero sa ngayon,
tutulong muna ako sa inyo.

Risa: Anak, hindi mo obligasyong tumulong, responsibilidad ko yun bilang Ina nyo.

Jhanel: Alam ko Nay, pero hindi ko kaya na nakikita ko kayong nahihirapan. Hayaan nyo pong tumulong
ako sa inyo...

Risa: Pero Jhanel....

Jhanel: Magpapatuloy ako sa pag aaral Nay, kapag kaya na... Pangako...

Risa: (embraced her daughter) Pasensya na anak, hindi ko manlang kayo nabigyan ng magandang buhay

Jhanel: Naiintindihan ko Nay, sobra sobra na ang sakrepisyo mo kaya huwag mong sabihin yan.
(Her sister's came and joined their embrace)

Setting: School

(Hallway)

Boy: Ms. Jhanel!

Jhanel: Huh?

Boy: Hi, I'm _____, pwede ba kitang makausap? Mabilis lang, promise.

Jhanel: Ano ba yon?

Boy: Pwede ba kitang ilibre ng lunch?

Jhanel: Bakit mo ako ililibre ng lunch? Hindi naman tayo magkakilala.

Boy: Kaya nga. Gusto ko kasing makilala ka pa, pero depende kung okay sayo.

Jhanel: Sorry, pero wala akong panahon sa mga ganyan, iba nalang ang ayain mo.

Boy: (mahina) pero Ikaw Ang gusto ko..


Jhanel: Huh?

Boy: wala, wala. Sa susunod ba, pwede na?

Jhanel: (sighs) pasensya na, pero nagmamadali talaga ako eh

Boy: oh! Sorry...

(Jhanel only waved goodbye)

(Ps. Unang subok palang, basted na kaagad HAHAHAHA pity)

(Inside the room)

Teacher: Okay that's all for today, thank you class.

Students: Bye (sir/ma'am)

Jhanel: (approached her teacher) Excuse me Sir, pwede po ba kayong makausap sandali?

Teacher: Ano yon, Jhanel?

Jhanel: Uh may plano po akong himinto muna sa pag aaral ngayong sem.

Teacher: (shocked) Ha? Bakit? Sayang naman, dean's list ka pa naman. May problema ba?
Jhanel: Opo Sir, may problema po kasi sa bahay, hindi na kakayanin kung mag aaral pa ako.

Teacher: (napa isip) If you want, I know a store na naghahanap ng part time dyan sa labas ng university.
Kilala ko yung may ari, pwede ko syang kausapin kung gusto mo.

Jhanel: (her face light ups) Talaga po Sir? Thank you po, salamat po.

Teacher: Wala Iyan, basta magpatuloy ka sa pag aaral. Matalino Kang bata, malayo ang mararating mo.

Jhanel: Salamat po ng marami.

You might also like