The Frogs
The Frogs
“Magandang umaga, kaibigang Langgam”, bati ni Tipaklong. “Kaybigat ng iyong dala. Bakit ba
wala ka nang ginawa kundi maghanap at mag-ipon ng pagkain?”
“Oo nga. Nag-iipon ako ng pagkain habang maganda ang panahon”, sagot ni Langgam.
“Tumulad ka sa akin, kaibigang Langgam”, wika ni Tipaklong. “Habang maganda ang panahon
tayo ay magsaya. Halika! Tayo ay lumukso, tayo ay kumanta.”
“Ikaw na lang, kaibigang Tipaklong”, sagot ni Langgam. “Gaya nang sinabi ko sa iyo, habang
maganda ang panahon, ako ay maghahanap ng pagkain. Ito’y aking iipunin para ako ay may
makain pagsumama ang panahon.”
Lumipas pa ang maraming araw. Dumating ang tag-ulan. Ulan sa umaga, ulan sa hapon at sa
gabi ay umuulan pa rin. At dumating ang panahong kumidlat, kumukulog at lumalakas ang
hangin kasabay ang pagbuhos ng malakas na ulan.
Ginaw na ginaw at gutom na gutom ang kawawang Tipaklong. Naalaala nilang puntahan ang
kaibigang si Langgam.
Paglipas ng bagyo, pinilit ni Tipaklong na marating ang bahay ni Langgam. Bahagya na siyang
makalukso. Wala na ang dating sigla ng masayahing si Tipaklong.
“Aba! Ang aking kaibigan”, wika ni Langgam. “Tuloy ka. Halika at maupo.”
Binigyan ni Langgam ng tuyong damit si Tipaklong. Saka mabilis na naghanda siya ng pagkain.
“Salamat, kaibigang Langgam”, wika ni Tipaklong. “Ngayon ako naniwala sa iyo. Kailangan nga
pa lang mag-ipon habang maganda ang panahon at nang may makain pagdating ng taggutom.”
Mula noon, nagbago si Tipaklong. Pagdating ng tag-init at habang maganda ang panahon ay
kasama na siya ng kanyang kaibigang si Langgam. Natuto siyang gumawa at natuto siyang mag-
impok.
Ang Agila at ang Maya
Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang iniladlad at ibinuka
ang kanyang malalapad na pakpak. Habang patuloy siya sa kanyang paglipad ay nakasalubong
niya ang isang maliit na ibong Maya at hinamon niya ito.
“Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa ang mabilis lumipad?” buong
kayabangan ni Agila. Kaya naipasya niyang tanggapin ang hamon nito para maturuan niya ng
leksyon.
Natuwa ang Agila, hindi niya akalain na tatanggapin nito ang hamon niya.
“Aba, nasa sa iyon ‘yan. Kung kailan mo gusto,” buong kayabangang sagot ni Agila.
Napatingin ang Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim ang kalangitan, natitiyak niyang
ang kasunod niyon ay malakas sa pag-ulan.
“Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera ngayon na. Pero, para lalong maging
masaya ang paligsahan natin ay kailangang bawat isa sa atin ay magdadala ng kahit anong bagay.
Halimbawa ang dadalhin ko ay asukal ikaw nman ay bulak.”
Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ni Maya. Tuwang-tuwa talaga siya, bakit nga naman
hindi eh, mas hamak na magaan ang bulak na dadalhin niya kumpara sa mabigat na asukal na
dadalhin naman nito.
“Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na ‘yon at doon tayo hihinto sa tuktok ng mataas na
bundok na iyon,” wika pa ni Maya.
Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil tiyak na ang panalo niya subalit hindi siya
nagpahalata.
Habang nasa kalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya namang pagbuhos ng malakas na ulan.
Nabasa ang bulak na dala-dala ni Agila kaya bumigat ito ng husto. Nahirapan si Agila , kaya
bumagal ang lipad niya.
Samantalang ang mabigat sa asukal na dala-dala naman ni Maya ay nabasa din ulan kaya
natunaw ito. Napabilis ang lipad ni Maya.
Dahilan sa pangyayari, unang nakarating si Maya sa ituktok ng mataas na bundok at tinalo niya
ang mayabang na Agila.
Ang Lobo at ang Kambing
Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niyang tumalon upang maka-ahong
palabas ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan.
Noo’y dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon at narining ang tinig
ng lobo.
“Marami bang tubig sa loob ng balon?” tanong nito sa lobo. “Oo, napakarami!” ang
pagsisinungaling na sagot naman ng lobo.
Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa balon. At nalaman ngang
siya’y niloko lamang ng lobo.
“Ngayo’y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito,” ang sabi ng lobo. “Mamamatay tayo sa
uhaw at gutom dito,” ang sabi ng kambing.
“Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisip na paraan kung
papaano nating gagawin iyon.”
“Papaano?”
Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. “Ako muna ang lalabas. At kapag
nakalabas na ako, saka kita hahatakin palabas,” pangako nito. “Sige,” ang sabi naman ng
kambing.
Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong pagkakataon na ng
kambing para tulungan nito’y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa’y sinabing, “Walang
lobong manloloko kung walang kambing na magpapaloko.”
Nang tumatawid sila sa isang ilog na dinaanan ay hindi sinasadyang nadulas at natumba ang
kabayo. Napunit ang mga sako at ang ilang bahagi ng asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman
ay nalusaw dahil sa pagkababad sa tubig. Hindi naman nasaktan ang kabayo at napansin niya na
lubhang gumaan ang pasan niyang dalawang sako ng asin at siya ay natuwa.
“Kung magpapadulas ako sa ilog ay tiyak na gagaan uli ang pasan ko,” ang sabi ng kabayo sa
kanyang sarili.
Ganun na nga ang ginawa ng kabayo. Muling nabutas ang mga sako at ibang asin ay nabuhos sa
ilog at ang iba naman ay nalusaw. Nguni’t sa pagkakataong eto ay nakahalata ang
mangangalakal na sadyang nagpadulas ang kabayo sa ilog.
“Aba, ok to, mas magaan ang pasan ko ngayon. Ganun pa man aymagpapadulas pa rin ako sa
ilog para mas gumaan pa ang pasan ko,” ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili.
Pagdating sa ilog ay kusa na namang nagpadulas ang kabayo ngunit laking gulat niya nang
biglang bumigat ang kanyang pasan nang siya ay malublob sa tubig. Ang apat na balde na may
alpombra ay napuno ng tubig at di hamak nanaging mas mabigat pa keysa sa dalawang sakong
asin.
Ang Kabayo at ang Kalabaw
Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon niya ang kanyang
mga gamit at inilulan sa kanyang alagang kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang
mahabang paglalakbay. Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang-
hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.
“Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit keysa sa iyo. Maaari bang
tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?” pakiusap ng kalabaw.
“Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo,” anang kabayo na lalo
pang binilisan ang paglalakad.
“Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko. Nanghihina ako.
Alam mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw
dahil madaling mag-init ang katawan ko,” pakiusap pa rin ng kalabaw.
Makaraan pa ang isang oras at lalong tumindi ang init ng araw. Hindi nagtagal at ang kalabaw ay
iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya’y pumanaw. Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay
kinuha niya ang lahat ng gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang
makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin.
“Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito kabigat ang pasan ko
ngayon,” may pagsisising bulong ng kabayo sakanyang sarili.
Si Alitaptap at si Paruparo
May isang Paruparo na pinaglaruan ng isang batang lalaki. Iniwan niya itong nakabaligtad at
kakawag-kawag sa lupa.
Paruparo : Saklolo! Tulungan ninyo ako! (Dumaan si Langgam at narinig ang sigaw ni Paruparo)
Langgam : Gusto kitang tulungan, ngunit nagmamadali ako. Maganda ang sikat ng araw at
maghahanap pa ako ng pagkain. (Umalis si Langgam at iniwan ang kaawaawang Paruparo)
Paruparo : Saklolo! Maawa kayo sa akin. Tulungan ninyo ako. (Dumating si Gagamba. Lumapit
siya kay Paru-paro)
Gagamba : Gusto kitang tulungan ngunit pagagandahin ko pa ang aking bahay. Mangunguha pa
ako ng sapot. (At umalis si Gagamba)
Paruparo : O Bathala! Tulungan po ninyo ako. Didilim na at magsisitulog na ang kasama kong
kulisap. Wala nang sa akin ay makakakita. (Pagod at gutom na si Paruparo. Napaiyak siya. Nang
pahiran niya ang kanyang luha ay may napansin siyang papalapit na pakislap-kislap na liwanag)
Paru-paro : Sa aking paghahanap ng nektar sa mga bulaklak ay hinuli ako ng isang batang lalaki.
Pinaglaruan niya ako at iniwan niya akong nakabaligtad dito. Hindi ko kayang tumindig na mag-
isa upang lumipad. Maaari bang tulungan mo ako?
Alitaptap : Aba, oo. Sandali lang, tatawag ako ng makakatulong ko. (Ilan pang sandali ay
dumating ang maraming alitaptap).
Paruparo : Maraming salamat sa inyo. Kayo ang sagot ni Bathala sa aking dalangin. Kaybuti ng
inyong kalooban…
Paruparo : Aalis na rin ako. Pupunta na ako sa aking tahanang bulaklak. Salamat na muli.
Ang Uwak at ang Gansa
Isang Uwak ang nakaramdam ng pagkasawa sa pang-araw-araw na gawain. Sawa na siya sa
paglipad sa kalawakan. Sawa na rin siya sa pamamasyal sa matarik na kabundukan at malawak
na kagubatan.
Ano kaya ang dapat niyang gawin upang malibang? Bigo siya sapagkat di niya makita kung
anong bagay ang makapagpapaligaya sa kaniya.
Isang araw, dumapo siya sa sanga ng punong mangga. Tiningnan niya sa ibaba ang malinaw na
batis. Kitang-kita niya ang kekembot-kembot na paglalakad ng isang pulutong na mga Gansa.
Noon lamang napansin ng Uwak ang mapuputing balahibo ng pinanonood. Humanga siya sa
mahahaba nilang leeg. Masasaya ang mga Gansa sa paglangoy nila sa batis. Maririnig mo ang
malalamyos nilang tinig.
“Masasaya na sila, magaganda pa! Pagkapuputi ng mga balahibo nila. Maitim na maitim ako.
Pagkapangit-pangit ko. Siguro nakapagpapaputi, nakapagpapaganda at nakapagpapaligaya ang
batis na pinaglalanguyan nila.”
“Aba, oo. Halika. Ang batis ay kalikasang handog ng Panginoon. Halika sumabay ka sa akin!”
Kumislap ang mga mata ng Uwak. Sa wakas ay makalalangoy na rin siya. Subalit di tulad ng
mga Gansa, ang Uwak ay hindi marunong lumangoy. Sapagkat gustung-gustong madaling
pumuti, gumanda at lumigaya, pinilit niyang lumangoy na malayo sa Gansang kinaibigan niya.
Sa kasamaang palad ay nabasa ang mga pakpak ng Uwak at natangay siya ng rumaragasang mga
alon.
Ang Masamang Kalahi
Buhat nang mapatakbo ni Toniong Tandang si Tenoriong Talisain ay humanap na ng ibang
libutan at madaling nakapamayagpag na muli ang Talisain. Ang mga Katyaw na leghorn doon ay
madaling nasilaw sa balitang bilis at lakas ni Tenoriong Talisain. At madali niyang naging
kaibigan ang pinakamagandang sa mga banyagang manok na si Lolitang Leghorn.
“Naku!” ang bulalas ng dumalaga. “Ako pala ay sinisiraan ni Tenoriong Talisain. Ako raw ay
naging kasintahan niya…”
“At katakot-takot na paninira raw laban sa mga kalahi ang ginagawa ng Talisaing iyan. Tayo raw
ay ikinahihiya niya. Masamang lahi raw tayo…”
“Napakasamang manok iyang si Tenoriong Talisain”, ang wika ng tandang. “Kangina’y nakita
ko. Kung lumakad at magslita’y ginagaya ang mga leghorn.”
“Ang balita ko pa’y nagpasuklay ng balahibo upang maging mistulang leghorn na. Nakapang-
nginig ng laman.”
“Bayaan ninyo siya”, ang wika ni Aling Martang Manok. “Pagsisisihan din niya ang kanyang
ginawang iyan.”
“Iyan pala ay maluwat nang kinaiinisan ng mga katyaw na Leghorn”, ang wika ni Toniong
Tandang.
“Bakit hindi mo pa pinabayaang mapatay?” ang wika ng mga kalahing manok. “Tayo rin lamang
ay ikinahihiya niya at itinatakwil pa…”
“Talaga nga sanang ibig ko nang pabayaan”, ang wika ni Toniong Tandang. “Ngunit hindi rin
ako nakatiis. At talagang namang kung hindi ako sumaklolo’y nasirang Tenoriong Talisain na
siya ngayon.”
“Nakita mo na, Tenoriong Talisain!” ang wika ni Aling Martang Manok. “Iyang kalahi, kahit
masamain mo’y talagang hindi makatitiis.”
Si Dagang Bayan at si Dagang Bukid
May dalawang dagang magkaibigan, sina Dagang Bayan at Dagang Bukid. Magkalayo ang
kanilang mga tirahan subalit patuloy pa rin ang kanilang pagkakaibigan.
Isang araw, dinalaw ni Dagang Bayan si Dagang Bukid.
“Napakalayo ng lugar mo. Nagutom ako sa pagod. Kumain na tayo,” ani Dagang Bayan.
“Wala akong pagkain dito. Halika, maghanap tayo,” sagot ni Dagang Bukid.
“Oo, ganyan talaga rito sa bukid. Hahanapin mo muna ang iyong kakainin,” malumanay na sagot
ni Dagang Bukid.
Naglakad silang dalawa. Sa may daan, nakakita sila ng supot. Dali-dali nila itong binuksan.
“Teka, akin ‘yan. Ako ang unang nakakita r’yan,” sabi naman ni Dagang Bukid.
“Para walang away, hati na lang tayo,” mungkahi ni Dagang Bayan. Tango lamang ang tugon ng
kanyang kaibigan.
Hinati ni Dagang Bayan ang tinapay. Iniabot niya ang maliit na bahagi kay Dagang Bukid.
“Oo, nga ‘no? Bawasan natin,” sagot ni Dagang Bayan, at pagkatapos ay kinagatan niya ang mas
malaking bahagi.
“Para walang problema, akin na lang lahat ito. Ang susunod nating makikita ay sa iyo naman,”
sabi ni Dagang Bayan sabay subo sa lahat ng tinapay.
“Niloko mo ako! Paano kung wala tayong makitang pagkain?” pagalit niyang wika kay Dagang
Bayan.
Dahil dito, nag-away ang magkaibigang daga at ang kanilang pagkakaibigan ay tuluyang
naglaho.
Sino ang Magtatali ng Kuliling?
May isang malaking Pusa na lagi nang aali-aligid upang makahuli ng Daga. Marami-rami na rin
itong nabibiktima. Aabangan niyang lumabas ang Daga at saka ito sasakmalin at gugutay-
gutayin.
Sa sobrang takot ng mga Daga ay nagpulung-pulong sila. Pinag-usapan nila kung paano nila
maiiwasan ang mapanganib na Pusa.
Naging sobra sa ingay ang mga Daga habang nagpupulong. Ang ingay ay nauwi sa katahimikan
nang wala isa mang makaisip ng paraan kung paano maiiwasan ang Pusa. Sa pagkakataong iyon,
nagpakitang gilas ang mayabang na Daga. Tumindig ito at mayabang na nagsalita.
“Tumahimik kayo!” utos ng mayabang na Daga. “Maiiwasan lang natin ang ating kaaway kung
tatalian natin ito ng kuliling sa leeg. Kung may kukuliling, alam nating ang Pusa ay papalapit sa
atin.”
“Oo nga. Kung maririnig natin ang kalansing ay makalalayo tayo sa kinatatakutan natin,”
natutuwang sabat ng Dagang Lalawigan.
“Hindi ako!” gumagaralgal ang boses na sabi ng Dagang Lungsod. “Tiyak na sasakmalin ako ng
Pusa.”
“Lalo namang hindi ako,” nanginginig ang tuhod na sabi ng Dagang Bukid. “Palapit pa lamang
ako ay nangangalmot na ang nasabing Pusa. Tiyak na papatayin ako noon kapag nilapitan ko!”