Restored Harmony
Restored Harmony
(SEQ DRAFT)
Jorge Balinan
Lance Gabriel Gonio
Ronabhel Alapide
Nathalie Camba
Gean Pauline Gervacio
CASTING
MARIELLA CENIDO as the Class teacher
NATHALIE CAMBA as Cali Dela Cruz
CHLOE AVELINO as Lilia, Cali’s mother
ERVIN JUSTIN DAILEG as Calixto, Cali’s father
RENALYN BELANDRIA as Mae, mistress of Calixto
GEAN PAULINE GERVACIO as Jane Santos
KARREN TUAZON as Jonah, Jane’s sister
MARIA GRACE MHAVEL CUERDO as Vivian, Jane’s mother
JOHN JOSHUA LOPEZ as Jonnel, Jane’s father
JANNA CASSANDRA ARAN as Jane’s CG Leader
JORGE BALINAN as Joshua Morada
JOSH RAINTER TEODORO as Juan, Joshua’s father
MYRE DENISE DIVINAGRACIA as Malou, Joshua’s mother
REIGN NHICOLE ARAN as Bea, Joshua’s elder sister
Technical Details
Shooting Days: -- Post Production Days: --
-----------
FADE IN:
FADE IN:
SHOTS:
Nakaupong Troy - Medium Shot, Perspective Shot (kuha ng mukha
ni Troy mula sa mata ng laptop at ng cellphone niya)
TEACHER
Only few of you are absent
today. Good job.
STUDENT 1
Maam, di mo po ako natawag
sa roll call.
TEACHER
I didn’t? Surname?
STUDENT 1
Cruzado po.
TEACHER
Okay.
STUDENT 1
Salamat po.
TEACHER
Like what I mentioned during our last meeting,
our activity for today would be sharing of your
life testimony. I already filled you in with
the details, didn’t I? Are you prepared? (formal)
FEW STUDENTS
YES
3
TEACHER
Do you have any question?
STUDENT 2
Maam?
TEACHER
Yes?
STUDENT 2
May format po bang kailangang
sundin pag magkekwento na?
TEACHER
There’s no need to be so formal
about it. You can tell us your
story anyhow you want.
STUDENT 2
Okay, thank you po.
TEACHER
No more questions?
FEW STUDENTS
WALA NA PO
TEACHER
How about the others? (pause) Cali
seems to be having fun on her own.
CUT TO:
OL 2 / Windows in Google Meet
(shot: Perspective) Napansin ng guro na distracted ang ilan sa
mga estudyante. Tinawag niya ang isa sa kanila.
TEACHER
Miss dela Cruz? (no
response) Miss dela Cruz.
(shot: Close Up, nasa screen
ang face)
CALI
Maam?
TEACHER
Are you busy doing
something else? (strict)
4
CALI
No, Maam (shot: perspective)
TEACHER
Then, can you tell us our
activity for today?
(naghahamon)
CALI
Sharing po.
TEACHER
Sharing of? I need a
complete answer.
CALI
Sharing of Life Testimony po.
(shot: Close Up, nasa screen
ang face)
TEACHER (O.C.)
(impressed) Okay, shall we start
with you, Cali?
CALI
(panics a little) Ako po?
TEACHER
Unless we have another Cali dela Cruz
among the class? (jokingly)
Of course it’s you.
(shot: from G-Meet Windows)
CALI
Kahit ano pong ikwento ko?
(shot: Close Up, nasa
screen ang face)
TEACHER (O.C.)
Yes, the floor is yours.
CALI
(thinks for a moment)
Laking Church po ako…
(shot: Close Up, nasa
screen ang face)
FADE TO:
DC 1 / ROOM
LILIA (O.C.)
(outside the room) Cali! Bilisan mo dyan.
Unang linggo ng buwan na ‘to kaya hindi
tayo pwedeng ma-late! (impatient)
Young CALI
(looking at her reflection in the
mirror, straightens her clothes)
Opo, Ma! (shot: perspective,
from the mirror)
CALIXTO
(fixing his polo)
Nasan na kapatid mo?
(shot: medium)
Young CALI
(points her finger somewhere)
Nauna na pong lumabas
(shot: medium)
CALIXTO
(glances at the door, then
looks back at Cali)
Ikaw? Tapos ka na?
(shot: medium)
Young CALI
Opo. Jajalibi tayo pagkatapos
ng service? (smiles cutely)
(shot: medium)
CALIXTO
Kapag nakinig kayo nang
maigi kay Pastor (shot: medium)
Young CALI
(claps while jumping)
Yeeey! (shot: Hip Level)
LILIA
(shakes her head) Tsktsk.
Hilig mangako (jokingly)
(shot:close up)
CALIXTO
(chuckles) Tara na’t di tayo
pwedeng mahuli ng dating do’n.
(shot: medium)
CUT TO:
DC 2 / SALA
CALIXTO
(trying to read the small letters in the Bible)
’Nak, pakikuha ng salamin ko sa kwarto… (profile shot)
Young CALI
(stands up and walks
toward her father’s room)
(shot: hip level - moving knee level)
CALI
Pa, pinapa-kumusta po
kayo ni Pastor…
(shot: Eye Level)
CALIXTO
(glances at Cali) Mabuti ang
lagay ko. Bakit daw? (nonchalant)
(shot: profile view)
CALI
Wala po, kinukumusta ka
lang ni Pastor. Gus-
(shot: Eye-Level)
CALIXTO
Matagal na mula no’ng huli
kaming nagka-usap (reminiscing)
(shot: medium shot)
CALI
Gusto mo pong sumama samin ni
Mama sa Sunday? Hindi ka na po
nakaka-attend, eh.
(shot: Eye Level Shot)
7
CALIXTO
Nakikita mo namang busy ako sa
trabaho. Tumatanda na kayo ng
kapatid mo kaya nadadagdagan ang
gastusin sa bahay. Hindi na pwede
ang pahinga (defensive)
(shot: medium shot)
CALI
Sunday naman po yon, Pa.
(shot: Eye-Level)
CALIXTO
(puts down his pen, looks at Cali)
Wala akong oras para sa anumang
abala. Naiintindihan mo naman
ako, diba? (condescending)
(shot: medium shot)
CALI
(wants to protest but
looked down instead) Opo…
(shot: high-angle)
CALIXTO
(smiles, continues answering the puzzle)
Pakihango ng tubig na pinapakuluan ko.
(shot: medium shot)
CALI
(stares at her father)
(shot: Eye Level)
CALIXTO
(looks back at Cali, smiles)
Patimpla na rin ng kape. Salamat.
(shot: Eye Level)
CALI
(turns her back against Papa,
starts walking away)
Abala? *whisper*
(shot: low-angle)
FADE INTO:
DC 3 / DINING AREA
CALI
Ma, linggo po ngayon.
(shot: hip level)
LILIA
May kalendaryo tayo,
Cali (jokingly)
(shot: Close Up)
CALI
Bakit hindi ka pa po naka-ayos?
Maaga po ang start ng
service ngayon…
(shot: shoulder level)
LILIA
Marami akong ginagawa kaya
hindi muna ako sasama
ngayong araw (nonchalant)
(shot: medium)
CALI
Kailangan mo po ba ng tulong?
Baka po mapabilis yung gagawin mo
pag tumulong ako. Makakaabot tayo sa
service ‘pag nagkataon.
(shot: hip level)
LILIA
Hindi mo alam kung pa’no ‘yon.
Mauna ka na bago ka ma-late
(shot: over the shoulder)
(points finger at the wall clock)
CALI
(bumuntong-hininga)
Okay po. (shot: shoulder level)
LILIA
Mag-ingat ka. Sa susunod
sasama na ako (halfheartedly)
(shot: medium)
FADE TO:
DC 4 / Room
She putted down her pen (at the pen, shot: medium, chest to
hip), closed her eyes, and pray (shot: eye level).
CUT TO:
DC 5 / LIVING ROOM
(shot: Hip level) Cali went out of her room. (shot: profile)
Calixto is chilling at the living room, with a phone on his
hand. When he saw Cali, he asked for a favor.
CALIXTO
Halika dito saglit, Cali
(shot: Cali’s POV)
CALI
(comes closer to
Papa) Ano po yon?
(shot: Calixto’s POV)
10
CALIXTO
Pa’no gumawa ng facebook?
Gawan mo nga ako… (hands
out his phone to Nath)
(shot: medium)
CALI
(gets the phone)
Kailangan mo po?
(shot: medium)
CALIXTO
(hesitates) Oo, may kaibigan
akong nangungulit sakin eh.
(shot: shoulder level)
CALI
(froze) Ako na rin po ba
maglagay ng password mo?
(shot: medum)
CALIXTO (O.C.)
Ikaw na ang bahala, hindi ko
maintindihan ang sinasabi
dyan eh (slighly irritated)
CALIXTO
Pa’no ako magte-text dito?
(shot: low-angle)
CALI
Add mo po muna yung gusto
mong i-message. Search mo po
pangalan nila, lalabas na po yon.
(shot: medium)
CALIXTO
(nods) Gano’n lang pala. Kumuha ka ng
100 sa wallet ko, paloadan mo cellphone
mo o bumili ka ng kahit na anong gusto
mo (walks away while tapping the CP
screen)(shot: point of view, Cali’s)
FADES TO:
DC 6 / LIVING ROOM
DC 7 / LIVING ROOM
DC 8 / DINING AREA
DC 9 / Kitchen
CUT TO:
CALI
Hindi ko po alam ang gagawin ko no’n.
Nagdadalawang isip pa po ako kung dapat ko
po bang ipaalam yon sa iba o hindi
(shot: Close Up, nasa screen ang face)
FADE TO:
12
DC 10 / DINING AREA
LILIA (O.C.)
(puts a cup of coffee on the
table) Oh, ipinagtimpla
na rin kita (on the coffee,
shot: aerial)
CALI
(shocked by Mama’s presence)
Salamat po (without looking at Mama)
(shot: low-angle)
LILIA
(noticed something unusual)
Oh, anong nangyari sayo? Nakita mo
na ba ang sarili mo sa salamin?
Sabi ko sayo wag ka nang magpuyat
kakaselpon. Papanget ka n’yan,
sige ka (trying to joke
(shot: medium)
CALI
(started crying) Maaaaaa
(shot: worm’s eye view)
LILIA
Ito naman, di ka na mabiro.
Itulog mo lang yan
(shot: point of view
directed to Cali)
CALI
Hindi po. Iba po
LILIA
(senses the seriousness in
Cali’s tone) Anong iba?
(shot: extreme close up)
CALI (O.C.)
Si Papa po…
LILIA
Bakit? Anong meron sa
Papa mo? (nervous)
(shot: extreme close up)
CALI
Kagabi po… (shot: extreme close
up sa pagkuyom ng kamao na
nakapatong sa mesa)
13
/ MONTAGE
Mama was stunned by the news. She cried hard until she started
having difficulties with breathing.
Cali gave Mama her inhaler which only worked at first. Mama’s
asthma attack got more complicated, she collapsed. Mama was
brought to hospital.
FADE TO:
CALI
Nablangko po ang isipan ko no’n. Umabot
pa po sa puntong nag-50/50 siya. May
nakaaway pa po akong doktor dahil walang
umaasikaso kay Mama kahit emergency na yon.
(shot: perspective)
TEACHER
What’s the condition of your
Mother? (shot: Cali’s POV)
CALI
May asthma po kasi siya, na-trigger lang po
talaga gawa ng nalaman niya tungkol sa
ginawa ni Papa. Pero God is good, bumuti
naman po ang lagay ni Mama matapos.
(shot: Close Up, nasa screen ang face)
TEACHER
What happened next?
CALI (L Cut)
No’ng umokey na si Mama, /L Cut/ kinausap
po kami ni Papa tungkol po sa nangyari
FADE TO:
DC 11 / LIVING ROOM
CALIXTO
Sana mapatawad ninyo ako sa nagawa ko.
Pinagsisisihan ko ang mga yon, maniwala
kayo, pinapangako kong magbabago ako para
sa ikaaayos ng pamilya natin (apologetic)
(shot: low-angle)
FADE TO:
DC 12 / LIVING ROOM
LILIA
Buti naparito ka,
Mae (genuinely happy)
(shot: shoulder level)
MAE
Nabalitaan ko kay Calixto
ang nangyari sayo kaya
Napagdesisyunan kong
sumadya rito
(shot: shoulder level)
LILIA
Nagdala ka pa ng prutas.
Salamat! Kumusta kayo ni David?
(shot: over the shoulder, from Lilia’s)
MAE
Nagkaayos na kami ng asawa ko
(shot: medium)
[VO: Kaibigan ni Mama ang siya ring babae ni Papa, kaya bilib
din ako sa tibay ng puso ni Mama. Walang bakas ng galit o
tampo sa paraan ng pakikitungo niya sa kaibigang kung tutuusin
ay nan’loko sa kaniya. Siguro dahil alam ni Mama na may asawa
rin ang kaibigan niya? Pero hindi ba’t mas malala nga iyon?
May asawa siya, at may asawa na rin si Papa. Pareho ring may
pamilya, pero nagawa pa rin nilang maghanap ng iba.]
FADE OUT:
FADE IN:
DC 13 / TERRACE
CALI
(drunk) Ano pang silbi ng paghingi niya ng tawad
kung hindi rin pala siya titigil sa pambababae?
Hindi ba siya nahihiya kay Mama? Lalo yang si tita
Mae! Walang hiya ang loka-loka, may asawa na nga
siya, maghahanap pa ng ibang may asawa rin! Ano
yon, couple goals?? (shot: medium)
CALI
Asang asa pa ‘ko na mapabisita ko na siya
sa church kahit paunti-unti muna. Pero ayon,
sa ibang bahay na pala bumibisita! (takes
16
JANE
Tama na nga. Pang-ilang gabi mo na
ngayong nag-iinom? Alam ba ni
Tita na puro absent ka na?
(shot: medium)
CALI
Kailangan ko ‘to! May problema ako!
(shot: medium-close up)
JANE
Kapag naglasing ka, saglit mo lang
makakalimutan yung lungkot. Mararamdaman
mo ulit yan kinabukasan (shot: medium)
CALI
(ignores what Jane said) Alam mo ba, nakita
kong umalis si Papa nakaraan kaya sinundan ko
siya. Namasahe pa ako! Hindi ko na alam kung
anong pangalan ng lupang tinatapakan ko tapos
makikita ko lang na papasok siya sa motel
kasama yung babae niya? Grabe siya
(covers her face, started crying)
(shot: medium)
FADE TO:
LILIA
’Nak, bangon na. Anong oras
na, di ka pa kumikilos
(shot: perspective, from door’s)
No response.
LILIA
(knocks again) Papasok ka ba?
(shot: over the shoulder)
LILIA
Masama ba ang pakiramdam mo? Magsabi
ka sa teacher mo. Wag mong pabayaan
ang pag-aaral, ‘nak (worried)
(shot: perspective, from
door’s - over the shoulder)
17
LILIA
Lumabas ka na lang pag nagutom ka,
nakapagluto na ‘ko (walks away)
(shot: over the shoulder)
CUT TO:
LILIA
Gabi ka na naman umuwi, wag
Kang masanay sa ganyan, Cali.
Delikadolalo para sayong babae
(shot: medium close-up)
LILIA
Nakita mo ba ang Papa mo sa labas?
Hindi pa siya umuuwi, hindi pa siya
nakakapaghapunan (worried)
CALI
Baka sa ibang bahay na
naghapunan (irritated)
LILIA
Sa’n ang punta mo?
CALI
Dyan lang
LILIA
Kumain ka muna
CALI
Wala ‘kong gana
CUT TO:
18
DC 14 / OUTSIDE
CALI
Para sa’n pang sumasama ka tuwing
nag-iinom ako kung hindi ka
makikitagay? (lasing na)
JANE
Sinong tutulong sayo kung
pareho tayong malalasing?
CALI
’tino mo eh, ‘no
JANE
Di ah, plastik lang
ako (jokingly)
CALI
(isusubsob ang mukha sa lamesa)
Anong nangyari dyan?
(tinuro ang pasa ni Jane sa braso)
JANE
(hesitant) bumangga nakaraan sa
hambana ng pintuan, eh napalakas.
CALI
Pinalipat mo dapat pintuan
niyo (indistinct)
JANE
Lasing ka na nga. Tara na,
ihahatid na kita sa inyo
CUT TO:
DC 15 / ROOM
Sunday, Cali is sleeping, alarm went off but she ignored it.
FADE TO:
CALI
Bukod po sa napabayaan ko ang pag-aaral,
hindi na rin po ako nakaka-attend sa
Sunday service pati rin po sa iba
pang church activities
Buti po, may nagpaalala sa akin na
problema lang po ang mayro’n ako, na
19
FADE TO:
DC 16 / ROOM
CALI ( seen )
LEADER
Manindigan ka. God bless you.
CALI
Yes. God bless din po…
Salamat sa oras, ate.
LEADER
Colossians 3:13, Cali.
20
[VO: Bear with each other and forgive one another if any of
you has a grievance against someone. Forgive as the Lord
forgave you.]
END CALL.
FADE TO:
FADE TO:
DC 17 / Bedroom
JANE
Happy New year!!! *torotot*
CALI
Wala pa! Mamaya pa!
JANE
Wala ka bang torotot? Di ka binilhan?
Kawawa ka naman, Cali *torotot*
CALI
Magkabeke ka sana HAHAHAHA
JANE
(frowns) Ano handa niyo? ‘tingen
CALI
Wala pa nga eh… Si Papa bumili ng
mga rekado kaso di pa siya nakakabalik
kaya di pa makapagluto
JANE
Oh? Gabi na ah.
Bakit daw wala pa siya?
CALI
Hindi ko alam, baka
siksikan sa palengke
JANE
Siguro nga… (looks sideways)
Oo, wait lang! (iba kausap) Uy,
21
CALI
Okay. Happy New Year!
JANE
Happy New Year!
END CALL
LILIA
Ano kayang nangyari sa Papa mo?
Wala pa rin siya, baka napa’no na yon…
CALI
Sa’n na naman po siya pumunta?
Gusto niya pa po ata ng
part 2 ng kagabi.
LILIA
Cali, wag kang ganyan sa Papa mo.
CALI
Bakit po ba siya umalis?
LILIA
Nagsabi siya na magbabayad
lang daw siya sa Meralco
CALI
Kanina pa pong umaga umalis?
LILIA
Oo. Hindi rin naman siya nag-text na
matatagalan siya (checks her phone)
CALI
Kahapon din naman po hindi
siya nagsabi pero-
LLIA
Cali!
CALI
(says no more)
LILIA
22
CALI
Ma?
LILIA
Nag-aalala na ako, baka may nangyari
sa Papa mo. Wag naman sana…
CALI
(noticed how worried Mama is, stands up)
Magte-text na lang po ako sa inyo
kapag nagkita na kami
LILIA
Salamat, ‘nak.
Mag-ingat ka, ha?
CALI
(walks out of the house)
CALI
Hindi pa po siya nakakauwi? Pumunta
na po ako sa mga pwede niyang
puntahan, wala po siya.
LILIA
Kumain ka na do’n at matulog.
Ako na lang ang mag-aantay sa Papa mo.
Salamat, Cali… (smiles faintly)
Cali saw her mother sleeping on a chair, she wakes her up and
told her to sleep on her room instead, tells her mother that
she’ll wait for her father. Mama agreed.
/ JUMPCUTS
- nagselpon
- kumain ng tanghalian
- tumulala
- kumain ng gabihan
FADE TO:
DC 19 / ROOM
CALI
Hello? Sino ‘to?
CALIXTO
Cali?
CALI
PA?! Nasa’n ka po? Bumalik ka na,
sobra mo po kaming pinag-alala.
Ano po bang inatupag mo, bakit
hindi ka na po umuuwi?
CALIXTO
’Nak, sumama na ako kay Mae
CALI
(speechless)
CALIXTO
Magsasama na kami kaya ikaw na ang
bahala sa Mama at sa kapatid mo, ha?
Alagaan mo sila nang maigi. Ang kapatid
mo, pagalitan mo kapag pinasasakit
niya na naman ang ulo ng Mama mo.
CALI
Bakit… Bakit hindi ka na
po babalik samin? (starts crying)
CALIXTO
(ignored Cali’s question)
Ikaw, bawasan mo na rin ang kauuwi nang
late. Wag mong iwananang mag-isa ang kapatid
mo lalo tuwing wala ang Mama sa bahay.
[VO: Ang hiling namin noon nina Mama ay ang makita at makausap
ulit si Papa pero ngayong natupad iyon… Hindi ko alam kung
tamang humiling pa ‘ko. Napuno ng mga paalala at pamamaalam
ang usapang namin ni Papa. Pinilit kong magpakatatag hindi
24
FADE TO:
CALI
Tinatanong ko po talaga ang Lord no’n
kung bakit kailangang magkagano’n…
May namuo po ulit na tampo sa loob ko
po no’n para kay Papa.
TEACHER
What happened next?
CALI
After po ng ilang mga buwan, bumalik
siya. Nagulat po kami dahil kasama niya
po yung bago niya, pero may isa pa
pong mas nakakagulat do’n…
FADE TO:
DC 20 /DOOR ENTRANCE
CALI
(happy) Papa! (froze)
Ano pong meron?
CALIXTO
Nath, si (name ng bata), kapatid mo.
Dito muna sila sa ngayon at si Mae
Sana magkasundo kayo… (smiles faintly)
CALI
(speechless)
CUT TO:
CUT TO:
Lilia knocks on Cali’s door. Cali is on her bed, sitting with
her hands on the phone.
LILIA
Cali! Ikaw muna ang magbantay
sa bata, aalis ako saglit.
CALI
(shocked) Sa’n ka po pupunta?
LILIA
Magbabayad lang ako ng bills.
Lumabas ka na dyan (walks away)
CALI
(maiinis, padabog na hihiga, iikot
para dumapa at hahampasin nang
paulit-ulit ang unan)
CUT TO:
[VO: Hindi naman ako masamang tao nang dahil lang hindi ko pa
matanggap ang sitwasyon namin ngayon, diba? Normal lang na
makaramdam nang ganito, tama? Hindi ko alam kung saan ako
lulugar. Sa pagpapakatotoo sa aking nararamdaman o sa
pagpapanggap na ayos lang ang lahat.]
FADE TO:
DC 21 / ROOM
CALL:
CALI
Kahit late ka pa po makauwi, okay lang.
Ako na po mag-aalaga sa bata.
LILIA
(surprised) Ikaw pa ba yan,
Cali? (jokingly)
CALI
Sige na po, Ma. Baka magbago
pa isip ko HAHAHAHA
LILIA
Masaya ako para sayo,
‘Nak (emotional) Napakatatag mo
CALI
Eh ano ka pa po kaya n’yan Ma?
Sa’ting lahat ikaw ang
naging malakas
LILIA
Hindi lakas ang kailangan natin,
Cali. Tapang. Tapang para
harapin ang lahat.
CALI
(smiles) Opo, Ma. At Faith kay Lord!
LILIA
(natawa) Sige na. Nasa daanan ako,
baka ma-snatch pa phone ko.
CALI
Ba’t ka nag-change topic? (jokingly)
Sasama ka po sakin sa church
ngayong Sunday!
LILIA
Oo na, oo na.
CALI
Totoo na po ‘to this time, ha?
27
LILIA
Makulit ka talaga.
Ibababa ko na, ha? Bye
CALI
Bye po! Ingat!
END CALL
Cali smiles, puts her phone inside pockets. Went out of her
room.
[VO: Napagtantuan kong hindi titigil ang mundo para sayo, para
antayin kang matanggap ang katotohanang ayaw mong paniwalaan.
Kung patuloy nating tatanggihan ang reyalidad na nasa harapan
natin, tayo mismo ang humahadlang sa sarili natin na maglakad.
Dahil sa buhay, ang bawat hakbang paharap, maliit man o
malaki, ay patunay na lumalaban ka at patuloy na lalaban kahit
gaano pa kabako ang daanan. At bago makayanang maglakad, ay
kailangan muna ang pagtanggap.]
FADE TO:
OL 3 / G-MEET WINDOWS
CALI
Pagtanggap na anumang pagsubok sa
buhay ang kaharapin natin ay nandyan
ang Panginoon para umagapay hanggang dulo.
The end po, Maam.
TEACHER
Thank you for an inspiring
story of Acceptance.
JANE
(pumapalag) Bakit po ako?
(shot: Close Up, nasa screen ang face)
TEACHER (O.C.)
Just because.
We’re ready whenever
you’re ready.
CALI (O.C.)
Go, Jaaaane!
JANE
(takes a deep breathe)
(shot: Close Up, nasa screen ang face)
28
FADE TO:
SH 1 / OUTSIDE
MARITES 1
Mabuti pa sila mukhang walang
problema. Naku, sana ganyan din
kami ng asawa’t mga anak ko
(mouth moving, shot: extreme close up)
MARITES 2
Ganyan talaga kapag malaki ang kita ng
padre de pamilya, madali lang ang buhay
(mouth moving, shot: extreme close up)
MARITES 1 (O.C.)
Sila raw ang may pinakamalaki
laging bigay sa simbahan,
kaya siguro paborito ng Diyos.
MARITES 2 (O.C.)
Magaling lang sila magtago ng baho.
Nasa loob ang kulo n’yan (laughs)
MARITES 1 (O.C.)
(laughs)
CUT TO:
SH 2 / TIMESKIP
FADE TO:
SH 3 /
VIVIAN
Babalik din ako pagkatapos ng
kontrata. Magpapakabait kayo, ha?
Wag pabayaan ang pag-aaral
(trying not to get emotional)
CUT TO:
SH 4 /
JONNEL (O.C.)
Jonah! Halika dito, may
ipapagawa ako sayo.
No one responded.
JONNEL (O.C.)
JONAH!
Jane heard his father but she didn’t respond (shot: close up)
She simply looked at her room door, unbothered (shot: profile)
JONNEL (O.C.)
Jonah! Jonah! Bwisit. JONAH!
HALIKA KA NGA DITO SABE, Jonah!
JONAH (O.C.)
(screams) Masakit po, Pa!
JONNEL (O.C.)
Eh kanina pa kita tinatawag!
30
Nagbibingi-bingihan ka pa!
JONAH
(iilag)May earphones po akong
suot kaya di kita marinig
(sobbing as she explains)
(shot: over the shoulder, from Jane’s)
JANE
Pa! Tigilan mo na si ate!
(shot: medium close up)
JONNEL
(ignored Jane) Edi wag
kang mag-earphone!
(shot: low angle)
JONAH (O.C.)
(sobbing)
JONNEL
Tigilan mo ko, Jonah, ha! Wag kang umiyak
sa harapan ko, tatamaan ka lalo
sakin! (mang-aamba)
(shot: low angle)
JANE
(ptotected her sister)
Pa! Ano ba! (shot: medium)
JONNEL
Isa ka pa! (hinawakan nang mahigpit
ang braso ni Jane) Wag kang makikisali
dito! (hinatak palayo si Jane)
(shot: arms, extreme close up - high angle)
JONNEL
Mga walang kwenta! (walks away)
31
JANE
Bumalik ka na lang sa kwarto mo, ate.
Yari ka kapag naabutan ka n’yon
dito pagbalik niya (passive)
(shot: long shot)
JONAH
Sorry, Jane… (sobbing)
JANE
Punta na ‘ko sa kwarto ko,
ha. May ginagawa ako eh.
(shot: bird’s eye view - profile)
Jane left her sister. When she reached her room (moving med
shot), she went straight to bed (moving med shot), and lied
down here. She cried on her pillow (shot: bird’s eye view)
Jane rolled over, and covered her eyes with her arm.
FADE TO:
SH 5 /
FADE TO:
SH 6 /
Jane is making her coffee in the kitchen when she heard a loud
sound coming from the living room (shot: sideview med close up
habang nagtitimpla ng coffee - high angle nang narinig na niya
ang malakas na tunog). She came there hurriedly, and saw her
mother fell on the floor (moving med shot)
JANE
(she went beside Mama to check
her state) Okay ka lang, Ma?
(two shot)
VIVIAN
(nods while sobbing)
(shot: eye level)
JANE
(stands up to face her father) Bakit
mo yon ginawa kay Mama?!! (shouting)
(shot: shoulder level)
JONNEL
Wag kang mangialam dito, Jane.
Usapang pang-matanda ‘to.
(shot: low angle)
JANE
USAP?! Kung nag-uusap lang kayo,
bakit mo kailangang manakit?!
Anong klaseng pag-uusap yon?!
(shot: shoulder level)
JONNEL
Ikaw na bata ka, wag ka nang
makidagdag. Pinagpapasensyahan
ko lang kayo (angry)
(reverse med close up)
JANE
Naririnig mo ba sarili mo?! Kami
ang nagpapasensya sayo, hindi
gaya ng sinasabi mo!
(reverse med close up)
JONNEL
BASTOS KA!
(pulled Jane’s hair)
(extreme close up at Jane’s
hair being pulled)
VIVIAN (O.C.)
33
JONNEL!
Jonah and Vivian came to stop Jonnel from what he’s doing
(medium shot of each of the characters trying to stop the
fight)
Jane managed to escape. She hid in her bedroom. She sat (tuck
sitting) at her bed, cried there (medium shot)
FADE TO:
SH 7 / Outside
CALI
(isusubsob ang mukha sa lamesa)
Anong nangyari dyan? (tinuro ang
pasa ni Jane sa braso)
(shot: close up)
JANE
(hesitant) bumangga nakaraan sa
hambana ng pintuan, eh napalakas.
(shot: low angle, from Cali’s
line of sight)
CALI
Pinalipat mo dapat pintuan
niyo (indistinct)
(shot: at Jane, low angle, from
Cali’s line of sight)
JANE
Lasing ka na nga. Tara na,
ihahatid na kita sa inyo. (stands up
and waited for Cali to do the same)
(medium shot)
CALI
…
JANE
(sits down again) Tulog
ka na agad? (laughing)
(medium close up - point of view)
JANE
Anong nangyari dito, tanong
mo? Gawa ‘to ni Papa.
Masterpiece (laughs)
(bruise, extreme close up)
*silence*
JONAH (O.C.)
Jane! Si Papa! (panicking)
JANE
(nonchalant) Ano?
(titingin kay Cali at
mahinang matatawa)
(shot: close up)
JONAH (O.C.)
(panicking) Inatake
ng mild stroke si Papa!
JANE
(nawala ang anumang bahid ng
emosyon sa mukha ni Jane)
(shot: close up)
JONAH (O.C.)
Nasa malapit kaming ospital
ngayon. Kung gusto mo, pumunta
35
JANE
…
JONAH (O.C.)
Kailangan ko na ‘tong ibaba, Jane.
Sumunod ka na lang dito, ha? Bye
CALL ENDED
CUT TO:
SH 8 / Home
Jane went back to her house after walking Cali home. When she
opened the door, it was dark since the lights are turned off.
Unbothered, she went straight to her room. She lied down at
her bed, stares at the ceiling, unaffected by the news about
her father.
FADE TO:
EXT. SANTOS HOUSE -- DAY
SH 9 /
JANE
Ba’t ka nakapang-alis? Sa’n punta mo?
JONAH
Kay Papa (smiles)
JANE
(eats again) Ah..
JONAH
Gusto mong sumama?
JANE
(shakes her head,
stands up and walks away,
went to her room)
From her room, she hears the conversation between Jonah and
Mama Vivian.
JONAH
Ma, nakausap ko sina Pastor kahapon.
36
VIVIAN
Totoo ba yan? Salamat sa Diyos!
JONAH
Isasama rin daw po nila sa prayers si Papa
VIVIAN
Salamat sa pagsisikap mong makahingi
ng tulong… Napakabuti mo…
JONAH
Tayong magkakapamilya rin naman po
ang magtutulungan, Ma. Para ‘to kay Papa
FADE TO:
SH 10 /
JONAH
Jane, sabi ng doktor, okay na si
Papa. Gusto mo bang sumama sakin
sa ospital ngayon?
JANE
…
JONAH
Jane? (knocks again)
JANE
…
JONAH
Tulog siguro… (walks away)
JANE
Anong pake ko sa
kaniya? (whisper)
time to time with her clothes changing to show that days pass)
[VO: Nagdaan ang mga araw na hindi ako dumalaw sa ospital. Mas
gumaan ang pakiramdam ko magmula no’ng nawala si Papa sa
bahay]
CUT TO:
FADE TO:
SH 11 /
Jonah and Jane are doing their own thing while on living room.
When Jane looked at her sister, she saw new bruises on Jonah’s
face. Jane took off her earphones.
JANE
Kelan yan? (tinuro ang
pasa sa mukha ni Jonah)
JONAH
(covers her face with hair)
Yung ano? (feigning innocence)
JANE
Hindi ka pa rin niya tinitigilan?
JONAH
…
JANE
Ang kapal talaga (whisper)
JONNEL
(drunk) Wag mo kong hinahamon
(itututok ang basag na bote
ng beer kay Jonah)
JANE
(knelt beside Jonah) Anong
nangyari, ate? (panicking)
JONAH
(cannot explain clearly) Sinabihan ko lang
siyang wag uminom nang marami dahil
may pasok pa siya bukas nang maaga tapos…
pinalo niya ‘ko
JONNEL
(tonong naghahamon) Hoy, mangingialam
ka na naman ba? (subtly kicks Jane)
JANE
(stands up, angry) Sumosobra ka
na, ah! (pushes her father)
JONNEL
Aba, lalaban ka? Lalaban ka?!
(itututok ang bote kay Jane)
JANE
Ano, gagamitin mo rin sakin yan?!
(points out the bottle) Yan lang kasi
alam mo eh, ‘no?! Manakit! Magpakabayolente!
VIVIAN
Naku po, anong nangyari sayo, Jonah?!
JANE
(Glanced at Mama then looks back at Papa) Ano,
Baka si Mama yung gusto mong isunod?!
JONNEL
Itikom mo yang bibig mo, Jane!
JANE
Bakit, dahil totoo yung sinasabi ko?!
JONNEL
(throws the bottle somewhere then,
charged in toward Jane)Sabi nang itikom mo
yang bibig mo! (pulled Jane’s hair)
Matagal na akong punong-puno sayo!
39
JANE
PATAYIN MO NA LANG AKO
KAYSA GANYAN KA!! (loudly)
JONNEL
(violently lets go of Jane’s
hair, walks out)
FADE TO:
SH 12 /
Nakaupo si Jane sa kama, nakatulala, magang-maga ang mata.
Paulit-ulit nang nagri-ring ang phone nia pero di niya
pinapansin. Matapos ang ilan pang ring, sinagot niya ito.
CALI
Hello, Jaaaane! Sa’n ka ngayon?
JANE
Bahay (cold)
CALI
May gagawin ka ba ngayon?
Sama ka sakin!
JANE
Sa’n?
CALI
Sa church, Be! Sunday kaya ngayon,
di ka informed? (jokingly)
JANE
Ah…
CALI
Ano, tara?
JANE
Hindi ko kaya ngayon
CALI
Bakit, masama ba pakiramdam mo?
JANE
Oo eh. Next time na lang
CALI
Gusto mo daanan kita dyan after service?
40
JANE
Hindi na kailangan. Sige na,
baka ma-late ka pa.
CALI
Okay… Get well! Ipagpe-pray kita
JANE
Bye (ends the call)
FADE TO:
SH 13 /
LEADER
Hello, Jane… (warm)
JANE
Hi
LEADER
Kumusta ka na? An’dami mo nang namiss na
sundays, ah. Tinatanong ko si Cali
kung nagkakausap pa kayo pero wala ka
raw sinasabi sa kaniya. Ayos ka lang ba?
JANE
Ayos pa naman…
LEADER
Yung totoo?
Silence.
JANE
Hindi po.
LEADER
Kumusta ka na lately?
JANE
Hindi okay.
LEADER
Hhhhmmm… Anong nararamdaman
41
mo ngayon?
JANE
(tries to hold back tears) Pagod.
Pagod na pagod na.
LEADER
May gusto kang sabihin?
JANE
(starts to cry)
LEADER
Hindi pwede yon. Inirereklamo
dapat yan sa mga opisyal.
Nagawa niyo na ba yon?
JANE
Hindi pa…
LEADER
Matagal niya nang ginagawa yon sa
inyo, kaya malabong hindi pansinin
ang reklamo niyo
JANE
(thinks for a moment)
Pwede mo ba kaming
tulungan, ate?
LEADER
Kahit hindi mo na ako tanungin,
sasamahan talaga kita.
JANE
Salamat, ate. Pero pwede bang kausapin
ko muna si mama tungkol dito?
LEADER
Mabuti pa nga
FADE TO:
FADE TO:
SH 14 / MONTAGE
FADE TO:
SH 15 / Outside
After few years, Jane was able to talk to her father again.
JONNEL
No’ng na-ospital ako, ni-isang beses
di ka nagpakita. Ngayong nasa
rehas ako, tsaka ka lang dumalaw.
JANE
Di mo ko masisisi do’n…
Kumusta ka na?
JONNEL
Maayos ang lagay ko sa loob.
JANE
Mabuti naman…
JONNEL
Hindi mo ba naisip na sana
minamaltrato ako dito? (jokingly?)
JANE
Matagal nang humupa
ang galit ko sayo…
JONNEL
Hindi pa ako pormal na
nakakahingi ng tawad sa inyo…
43
JANE
Ayos lang yon. Masaya na kami.
Iyong nakakakilos na kami sa bahay
nang kumportable ay sapat na para
mapatawad ka namin.
JONNEL
Eh, ang mama mo?
JANE
Alam nating dalawa na sating lahat,
silang dalawa ni ate ang ang unang magpapatawad
sayo. Nagawa ka nga nilang alagaan kahit hindi mabuti
ang trato mo sa kanila, ngayon pa kayang unti-unti
mo nang pinagbabayaran ang mga kasalanan mo?
JONNEL
Sana mapatawad mo rin ako…
JANE
Matagal na kitang napatawad. Kuntento
na ako sa kapayapaang nararamdaman
namin ngayong malayo ka.
JONNEL
…
JANE
Aalis na ako. Patapos
na ang visiting time
JONNEL
Sana hindi ito ang huling pagkakataong
bibisitahin mo ako. Isama mo na rin
sina Mama mo sa susunod…
JANE
(smiles) Mauuna na ako.
Magpakabuti ka
CLIPS of
FADE TO:
OL 4 / G-MEET WINDOWS
TEACHER
Thank you, Jane, for sharing with
us your story of bravery.
We are beyond blessed.
JOSHUA
Nakaka-touch…
TEACHER
See? Even Joshua was touched
JOSHUA
Hala, naka-open mic ako?
(mindlessly)
STUDENTS laugh
JOSHUA
Sorry, Maam
TEACHER
Sure, but tell us your
life testimony first.
JOSHUA
Ay, ako agad?
TEACHER
Yes, we cannot wait to
hear your touching story
JOSHUA
Kasalanan po ‘to ng mic
TEACHER
Your turn, Joshua.
JOSHUA
Wag niyo po akong tawanan
TEACHER
You haven’t said anything yet.
JOSHUA
Sisimulan ko po ‘yong kwento
sa nangyari po kay Mama…
45
FADE TO:
MD 1 / BEDROOM
Joshua asks Malou to open her mouth but she refused (shot:
high angle, sideview ni Malou nang umiling siya - close up sa
reaksyon ni Joshua sa pagtanggi ni Malou)
JOSHUA
Kailangan mo pa rin pong kumain
kahit ayaw mo na. Kailangan mo
po ng sustansya (nangangaral)
(shot: close up sa mukha ni Joshua)
JOSHUA
Ito pa (Joshua filled again the
spoon with porridge)
(shot: medium close up)
JOSHUA
Pasok! (hindi lumingon,
patuloy na pinapakain si Malou)
(shot: shoulder level)
BEA
Kumakain na si Mama?
(naglalakad palapit kay Joshua)
(sideview, medium shot)
JOSHUA (O.C.)
Oo, ‘te
BEA
Mabuti. Ako na muna dyan, Josh.
May klase ka pa, diba?
(shot: medium shot)
JOSHUA
Sure ka? (stands up, nakatingin
kay Bea) (shot: medium shot)
BEA (O.C.)
Oo. Sige na, kumilos ka na.
FADE TO:
MD 2 / SCHOOL
TROY
Uy, may event tayo mamaya, ha?
Bawal late. Sayang talent fee
(lumingon sa kaliwa’t kanan)
(shot: shoulder level)
JOSHUA
(lumingon sa katabi) Mayaman
nag-hire satin? Kakilala mo
yon, diba? (hopeful)
(shot: shoulder level)
TROY
Yung nag-refer sa atin do’n sa event
organizer lang kakilala ko
(shot: shoulder level)
JOSHUA
Sana malaki kitain natin. Kailangan
47
SAM
Kumusta na pala Mama
mo? (lumingon)
(shot: shoulder level)
JOSHUA
Hindi pa rin maayos ang
lagay niya eh (nalungkot)
(shot: shoulder level)
SAM
Ano nga ule tawag sa
sakit niya? (nakalingon pa rin)
(shot: over the shoulder)
JOSHUA
Cervical Cancer
SEBASTIAN
Oh, alam mo yon? Diba hindi?
Tatanong-tanong pa kasi
(jokingly)(nakalingon sa katabi)
(shot: shoulder level)
THEY laugh.
SAM
Alam ko yon!
(nakalingon, defensive)
(shot: shoulder level)
SEBASTIAN
Sige nga, saan nga yon?
(nakalingon, naghahamon)
(shot: shoulder level)
SAM
Sa ano… Sa… (doesn’t know)
Bakit, di mo rin naman alam
yon ah! (nakalingon, nang-aasar)
(shot: shoulder level)
SEBASTIAN
Uy hindi ah!
(nakalingon, defensive)
(shot: shoulder level)
SAM
Alam mo?
(nakalingon, naghihinala)
48
SEBASTIAN
SYEMPRE! (tumingin sa harapan)
Syempre hindi. Hindi ko alam.
(shot: shoulder level)
CUT TO:
Joshua is happily walking home when his phone rang (long shot)
JOSHUA
Hello, ate? (smiling)
(shot: close up)
The smile wiped off from Joshua’s face when he heard the news
(note: Walang ipaparinig sa audience kung ano ang nabalitaan
ni Joshua. Ang kailangan lang sa scene na ito ay mapakita ang
reaksyon ni Joshua. Kahit 9 seconds lang ‘to, okay na)
CUT TO:
JOSHUA
Ano na ang lagay ni Mama?
(panicking)
(shot: medium close up)
BEA
(tuliro) Hindi pa rin
siya nagigising
(shot: shoulder level)
JOSHUA
Pa’no siya na-comatose? Anong
nangyari, okay naman siya kanina ah?
(out of breathe)(shot: medium close up)
BEA
(naiiyak na, tuliro pa rin) Hindi
ko alam, hindi ko alam (shaking her head)
(shot: eye level)
FADE TO:
MD 3 / HOSPITAL
JUMPCUTS
BEA
Josh, kakausapin ka muna
namin ni Papa (gloomy)
(medium shot)
JOSHUA
Ano yon? (lutang)
(shot: shoulder level)
BEA
Naiisip mo ba minsan na an’tagal
na mula no’ng huling nakita
nating nakangiti si Mama? (longing)
(shot: shoulder level)
JOSHUA
Comatose siya, ate (lutang)
(shot: shoulder level)
BEA
(nagpapasensya) Hindi yon ang ibig
kong sabihin… (shot: shoulder level)
JOSHUA
Eh anong pinaparating mo?
(shot: shoulder level)
50
BEA
Kailangan namin ang opinyon mo…
(shot: shoulder level)
JOSHUA
(kinukutuban na) Saan?
(shot: low dutch angle)
BEA
(hesitant) Pinag-iisipan namin ni
Papa… Pa’no kung ipabunot na natin
ang life support ni mama?
(shot: shoulder level)
JOSHUA
(parang nabingi) Ano? Alam mo
ba yang sinasabi mo?
(shot: shoulder level)
BEA
Josh, isipin mo ilang buwa-
(shot: shoulder level)
JOSHUA (O.C.)
Hindi, hindi, hindi
(full of conviction)
JUAN
Makinig ka muna sa sasabihin
ng ate mo, Joshua (persuading)
(shot: shoulder level)
JOSHUA
Narinig ko na nga po kaya nga ako
tumututol. Ayaw ko. Hindi ako
sang-ayon. Hindi pwede.
(full of conviction)
(shot: shoulder level)
BEA
Pagod na ‘kong makitang gan’yan ang
Si Mama. Sana intindihin
mo rin kami (emotional)
(shot: shoulder level)
JOSHUA
(hindi makapaniwala) Anong kailangang
intindihin sa inyo? Kayo ba ang
nakaratay do’n? Kayo ba? (naiinis na)
(shot: shoulder level)
51
BEA
Ilang buwan nang ganyan si Mama!
(nakasigaw, emosyonal)
(shot: shoulder level)
JOSHUA
Kaya susuko na kayo? Malay niyo bukas
gumising na si Mama? Bakit natin
siya susukuan? Yon ang hindi ko
maintindihan!(gusto nang magwala)
(shot:medium close up)
JUAN
Josh… (reached out for Joshua’s arm,
then shakes his head)(shot: close up
sa mukha ni papa - extreme close
up sa kamay na kumapit sa braso)
JOSHUA
Pati ba naman ikaw, Pa?
(about to cry)
(close up shot)
BEA
Pagpahingahin na natin
si Mama, Josh (sobbing)
(medium shot)
FADE IN
MD 4 / CEMETERY
CUT TO:
FADE TO:
MD 5 / HOUSE
CUT TO:
FADE TO:
MD 6 / LIVING ROOM
BEA
Joshua, may sasabihin ako.
JOSHUA
OH?
BEA
Bubukod na ako…
JOSHUA
Bakit?
BEA
Alam mo namang may asawa na ako,
Josh. Hindi pwedeng dumito ako
sa bahay habang-buhay
JOSHUA
Ano naman kung dito kayo ng asawa
Mo kung sakali? Tayo-tayo lang
naman ang magkakasama dito.
BEA
Hindi mo pa maiintindihan sa
ngayon ang dahilan ko…
JOSHUA
Malabo ka kasi… Pwede
naman kayo dito.
BEA
(smiles) Tutulungan mo si Papa ‘lagi,
ha? Kung alam mong gabi na siya
makakauwi galing sa trabaho, gawan
53
JOSHUA
Hindi na ba magbabago
ang isip mo?
BEA
Mauuna na ako, may nag-aantay
sa aking taxi sa labas. Mag-ingat
kayo dito palagi, ha? (smiles)
FADE TO:
MD 7 / HOUSE
Joshua’s father, Juan, starts to change. Joshua is busy doing
school activities when his father got angry for something.
JUAN (O.C.)
JOSH! Diba sabi ko sayo labhan
mo ang damit ko?!
JOSHUA
(stands up)
Nilabhan ko po…
JUAN
Eh anong oras mo sinampay?!
JOSHUA
Kahapon pa po…
JUAN
Yan na nga ba ang sinasabi ko!
Basa pa, anong gagamitin ko neto?!
JOSHUA
Sinampay ko po agad yan…
JUAN
Sinampay?! Oh tingnan mo (harshly
throws the shirt on Joshua’s face)
Tuyo ba yan sa palagay mo?!
JOSHUA
Sinampay ko po ‘to agad
54
JUAN
Bakit basa pa yan kung gano’n?!
JOSHUA
Wala pong araw…
JUAN
Ay nakooo! Palusot na naman!
Wala ka talagang kwenta! (leaves)
JOSHUA
Bibilisan ko na lang kumilos…
(whispers to himself)
CUT TO:
JOSHUA
Kumpleto na tayo? (looks around,
noticed na wala pa si Lance)
Bakit wala pa si Lance?
SEBASTIAN
Ewan, baka on the way na.
TROY
Antayin na lang natin, di
tayo makakatugtog nang wala siya.
55
JOSHUA
Nagmadali pa naman ako…
SEBASTIAN
Oks lang yan. Early bird eats the worm
CEDRIC
Early bird catches
the worm yon!
SEBASTIAN
Sus, pareho lang yon! Syempre pagkahuli
ng ibon sa worm, kakainin niya yon!
Edi early bird eats the worm! Kayo talaga,
ang slow niyo! Mag-aral nga kayo nang mabuti!
CEDRIC
Nag-reply na si Sam!
TROY
Anong sabi?
CEDRIC
Sabi niya, “Sorry, pass muna ako.
Feeling ko hindi ko na kayang tumugtog.”
(looks at his bandmate’s reaction)
JOSHUA
Pinag-antay niya tayo nang ilang oras
para sa ganyang klaseng sagot?! Sana kung
wala siyang balak na pumunta, nagsabi
siya umpisa pa lang! (angry)
SEBASTIAN
Cool ka laaaang, cool ka lang (pakanta)
JOSHUA
Hindi ako nakikipagbiruan! (to Seb)
SEBASTIAN
Pero bakit parang galit ka? Pero bakit
kasalanan ko, parang kasalanan ko?
(seriously imitates Bobbie from FSAAW)
CEDRIC
Seb, ssshhh!
JOSHUA
Kahit marami akong ginagawa sa bahay, pumunta
56
CEDRIC
Woooaahhh, kumalma ka muna.
Nadadala ka lang ng emosyon
JOSHUA
Hindi eh. Mali naman kasi
talaga yan si Sam
TROY
Josh, magpalamig ka muna kaya? Hindi pa
natin alam kung bakit hindi nakapunta
si Sam kaya pagpasensyahan mo muna
JOSHUA
Oh anong gagawin natin ngayon?! Para ‘to
sa competition, baka nakakalimutan niyo?
SEBASTIAN
Alam namin, at hindi lang ikaw ang
gustong magpursigi para dito.
Lahat tayo (serious for d 1st time)
JOSHUA
E’di mag-practice pa rin tayo ngayon
para hindi na masayang ang oras
TROY
May point siya do’n.
Let’s start.
PRACTICE.
FADE TO:
MD 8 /
JOSHUA
Ubos na bigas?! Wala akong
pambili. Tsk (whisper)
JOSHUA
Wala ring ulam??
JUAN
Anong pagkain natin dyan?
JOSHUA
Wala tayong bigas, wala ring ulam.
Pahingi po ako ng pambili…
JUAN
Wala pa ‘kong pera ngayon dito…
JOSHUA
Wala rin ako. Pa’no na yan?
JUAN
Sa susunod na linggo pa ibibigay
sweldo ko para sa kontrata ko ngayon
JOSHUA
Sa susunod na linggo pa
po tayo makakakain?
JUAN
Baka naman may natabi ka dyan…
JOSHUA
Nagastos ko na yung kinita ko sa
gig pambili ng bigas natin last week…
JUAN
Eh ipon mo? Isasauli ko na lang
pag nakuha ko na ang sahod ko.
JOSHUA
Kung meron ako, edi sana may sinaing
na tayo. Kung walang pambili, wag na
lang tayo kumain (walks away)
FADE TO:
MD 9 /
58
BEA
Joooosh! (happily) Kumusta na
kayo dito? (smiles)
JOSHUA
(not delighted) Anong ginagawa mo
dito? Bakit ka pa bumalk? (cold)
BEA
(shocked by Joshua’s coldness)
Dito muna kami ng anak ko…
JOSHUA
(turned his back, went to kitchen to
get water, walks back to her room like
his sister is invisible)
MD 10 /
[VO: Tama nga ako. Umuwi lang siya para gawin akong katulong.
Simula no’ng dito na sila tumira, nadagdagan lalo ang mga
gawing bahay na inaatupag ko. Lahat iyon ay sinasabay ko pa sa
tambak ding school works na may mga magkakalapit na deadline.
Nakakaubos ng pasensya.]
FADE TO:
MD 11 / OUTSIDE
JOSHUA
MAY KATULONG KA BA DITO?!
BEA
(shocked) Ha? (scared)
JOSHUA
PALAGI NA LANG MAKALAT ANG BAHAY!
WALA KA NA NGANG GINAGAWA, NAGDADAGDAG
KA PA NG KALAT! HINAHAYAAN MO LANG DAHIL
INAASAHAN MONG AKO ANG MAGLILINIS!
ANO, KATULONG BA AKO DITO?!
BEA
Kumalma ka muna, Josh. Mag-usap
tayo nang mahinahon. Baka umiyak
ang bata (glances at the kid)
JOSHUA
Yan, ang bata! Iniisip mo ang bata,
eh ni-hindi makapaglinis dito ni-minsan!
Pinanindigan mo talagang display
60
BEA
Hindi naman sa ayaw kitang tulungan,
inaalagaan ko lag anak ko kaya doon
nakatuon ang atensyon ko.
JOSHUA
Porket ba may inaalagaan ka, dahilan
na yon para di ka tumulong sa gawaing bahay?!
Aanak-anak ka tapos ngayon ganyan ka?!
JUAN
Anong nangyayari dito?
JOSHUA
Anon bang sa tingin mong nangyayari dito?
Eh lagi ka namang wala sa bahay para magtrabaho,
pero wala pa rin tayong makain. Saan
napupunta mga sinasahod mo? Sugal? Alak?
BEA
Josh, wag mong pagsalitaan
nang ganyan si Papa
JOSHUA
Ikaw rin! Ano bang alam mo? Eh diba
umalis ka dito para takasan lahat ng
mga responsibilidad no’ng nawala si Mama??
JOSHUA
Binigyan niyo ba ako ng oras na makapagpahinga?
HINDE! Tinulungan niyo man lang ba ako? HINDE!
Siguro kaya niyo ginustong ipatanggal ang
life support ni Mama, para makatakas kayo
sa responsibilidad niyo sa kanya! (emotional)
JUAN
Joshua? Lumabas
ka muna (calm)
JUAN
Lumabas ka, Joshua. Makipag-usap
ka sa amin ng ate mo.
MD 12 /
The next day, Joshua woke up early in the morning, with eyes
sore from crying all night. Unlike what usually happens, he
was surprised by how organized and clean their house is. He
slowly walk out of his room, careful not to make a noise.
BEA
Nakapaghanda na ako ng almusal,
Pinagtimplahan na rin kita ng kape.
JOSHUA
(jerked, surprised but still
pretended he didn’t hear Bea)
BEA
Kumain ka na. May pupuntahan
tayo mamaya.
JOSHUA
(walking) Saan? (in a low voice,
didn’t look at Bea)
BEA
kay Mama…
Silence.
JOSHUA
(kinuha ang kape) si Papa?
BEA
May pinuntahan lang saglit ngayon
pero uuwi rin siya agad para
makasama sa atin.
JOSHUA
(tumango, naglakad
pabalik sa kwarto) Okay.
62
JOSHUA
(without looking at Bea) Salamat sa kape
(entered his room, shut the door)
Bea smiled.
JOSHUA
Akala ko lumamig na, mainit
pa rin pala (whispers)
Joshua smiled.
FADE TO:
MD 13 /
The three are sitting, watching the sunset (Bea, Juan, and
Joshua), wearing white.
BEA
Ano nga palang pinagdasal mo
kanina sa puntod ni Mama?
(at Joshua)
JOSHUA
May sinumbong lang ako sa
kanya (trying to joke)
BEA
(sobbing) Sorry, Joshua. Kung di
mo pa nasabi kahapon, hindi ko
mare-realize na nagpakaduwag ako…
BEA
(still sobbing) Ako ‘tong panganay
pero iniwanan kita para magsimula
63
JOSHUA
(started getting teary-eyed)
JUAN
Hindi lang naman ikaw ang naduwag, ‘nak. Bilang magulang,
marami akong naging pagkukulang sa inyong magkapatid.
No’ng nagpakain ako sa lungkot nang nawala ang Mama
ninyo, parang nawalan na rin kayo ng tatay dahil
pinabayaan ko kayo. Gusto ko sanang idahilang
nasaktan lang ako sa nangyari pero tuwing
nakikita ko si Joshua na nagpapatuloy pa
Rin sa kabila ng lahat, nahihiya ako.
BEA
Salamat, Joshua. Ikaw ang may ayaw
mag-give up kay Mama umpisa pa lang
at hanggang sa dulo, nanindigan
ka pa ring tumayo.
JOSHUA
Kailangan eh
(rubbing his eyes)
JUAN
Sana mapatawad mo kami sa
mga pagkukulang namin…
BEA
Hindi ko na uulitin ang pagkakamali
ko, hindi na ako tatakas…
JOSHUA
Namimiss ko na si Mama… sana
nandito pa siya
BEA
Makakasama rin natin siya…
JOSHUA
Pero wag muna, may
pangarap pa ako
FADE TO:
MD 13 /
64
(After the VO, and after the message was sent, Sam left the
GC)
FADE TO:
FADE IN:
EM 1 / GLIMPSE
FADE TO:
EM 2 /
MELANIE (O.C.)
Sam! Kanina ka pa dyan sa banyo!
Mapipingot talaga kita pag
na-late ka sa school!
MELANIE
(nakita ang mga tansan at bottle caps
65
Young SAM
Wag magsayang ng tubig (pabulong)
MELANIE
Alam mo naman pala eh!
MELANIE
Bilisan mong kumain dyan! Gigisingin ko lang
ang papa mo, dapat pagbalik ko, patapos ka na.
MELANIE (O.C.)
Wala na naman ba?
Pinangsusugal mo kase!
SANDRO (O.C.)
Nananalo naman ako, ah? Yang kinakain
niyo, katas yan ng mga diskarte ko
MELANIE (O.C.)
DISKARTE?! Eh nasa’n yung perang pambili
ng pagkain ngayon?! Napunta sa ‘diskarte’
mo, diba? Ano bang pinagmamalaki mo?!
MELANIE
Kanina pa may kumakatok sa pintuan,
bakit di mo tiningnan? (iritable)
66
MELANIE (O.C.)
Oh! Si Cedric pala ‘to! Sam!
Magbihis ka na, magsasabay raw
kayo papasok ni Cedric!
Young SAM
Opo!
SAM
Ma! Uuna na kami ni Cedric!
MELANIE (O.C.)
Iniwanan ko sa ibabaw ng mesa
ang baon mo. Ingat kayo!
SAM
Sige, salamat!
CUT TO:
/ SCHOOL
Bonding ng magkakabanda.
CEDRIC
Anong oras daw
dadating si Troy?
SAM
Di ko alam (checks his
phone) Ala-una pa lang eh.
SEBASTIAN
Naknang! Bago selpon,
ah! (to Sam)
67
JOSHUA
Ba’t ka binilhan? May
occasion ba?
SAM
Wala, binilhan lang ako
bigla ni Mama
THEM, indistict:
* Ayoko na, sabi ko nga dukha lang ako eh
* Ah! Ang yabang! Yabang talaga!
* Sorry kung eto lang kami
SEBASTIAN
Pre, da’t kapag bago tinetest
yan eh. Peram muna.
SAM
Anong gagawin mo?
(gives the phone)
SEBASTIAN
Ibabato ko lang naman, ta’s kapag buo
pa rin, ibig sabihin orig yan. Life
is too short not to take a risk, diba?
(ibabato na kunwari)
SAM
Loko! (kinuha agad ang phone)
They laugh.
SEBASTIAN
Wala, mahina ka pala eh.
TROY
Start na tayo ng
practice, guys.
SEBASTIAN
Oh, buhay ka pa pala,
Troy? (jokingly)
TROY
Ang iingay niyo kasi kaya di
niyo napansing dumating
na ‘ko. Tara na
They practiced.
68
CUT TO:
Sam just got home from school. He wasn’t surprised when no one
else was around the house.
SAM
Ako lang pala ulit mag-isa… (whisper)
SAM
Nagkaroon nga ng bahay, palagi
namang walang laman.
Nanlumo siya. Tiningnan niya kung anong oras na. Gabi na.
SAM
Di pa nakakauwi sina Mama…
(whispers as he looks at the time)
FADE TO:
EM 3 /
69
TROY
Para kung sakaling masiraan tayo
ng equipments, hindi tayo mamroblema
kung saan makakahanap ng spare.
JOSHUA
Kaso wala tayong room na mapaglalagyan.
Mabait lang si Sir Darwin kaya hinahayaan
niya tayong gamitin ‘tong room
TROY
Yon nga, hihingi lang tayo sa kaniya
ng permission para sa request natin.
CEDRIC
Agree ako kay Troy.
JOSHUA
Pag-isipin niyo kaya muna nang maigi.
SEBASTIAN
Wag ka kasi munang negative,
positive lang dapat.
SAM
May suggestion ako…
JOSHUA
(ignored Sam) Realistic dapat tayo,
hindi yung puro positive.
CEDRIC
Kaya nga susubukan lang muna
nating humingi ng permiso
SEBASTIAN
Tama, tama.
SAM
(tried speaking up again)
May naisip ak… ong solu… syon
(pahina nang pahina dahil sinapawan
siya ni Joshua)
JOSHUA
Sa pagkakakilala ko kay Sir, hindi yon
papayag. Magiging liable kasi siya kung
sakaling may mawala sa mga gamit natin.
FADE TO:
EM 4 /
MELANIE : Maya-maya.
FADE TO:
EM 5 /
71
CEDRIC : Snobber ka na ha
CEDRIC : …
(CALLING)
72
(REJECT CALL)
FADE TO:
EM 6 /
JOSHUA
Ang kapal ng mukha. Siya na nga
‘tong may atraso, siya pa ang may
ganang di mamansin (sinadyang
iparinig kay Sam)
[VO: Wala rin namang magbabago kung hindi ako sasama sa banda.
Matagal na akong walang bilang sa kanila. Matagal na.]
FADE TO:
EM 7 /
Nasa isang inuman si Sam. May aakbayan siyang isa sa mga babae
doon. Magkakayayaan. Pupunta silang dalawa sa kwarto. May
kukuha ng video sa kanila mula sa maliit na uwang sa pintuan.
73
EM 8 /
MELANIE
Oh, ang aga mo naman?
SAM
Ah, maaga lang pong nagising.
MELANIE
Aalis na kami ng Papa mo.
Yung bahay, ha?
SAM
Opo…
Mababato niya ang phone sa kung saan. Pero patuloy pa rin ang
sunod-sunod na pagtunog ng cellphone niya mula sa mga messages
na natatanggap. Kinuha niya iyon para i-shut down. Tinago ang
phone sa kung saanman. Umupo sa kama, problemadong problemado.
Sising-sisi ginawa niya.
FADE TO:
EM 9 /
SEBASTIAN
Totoo ba yung nasa
comments? Si Sam yan?
TROY
Duda nga ‘ko eh. Malayong
gawin to ni Sam
JOSHUA
Kung siya yan, at least alam
na natin kung bakit siya
nag-leave sa GC kagabi.
SEBASTIAN
Wala na nga tayong balita sa kanya
mula no’ng huling practice,
nag-leave pa siya sa GC (umiiling)
Dumating si Cedric.
CEDRIC
Wag niyo nang panoorin yan
(nanenermon na tono)
SEBASTIAN
La? Chine-check lang namin kung
si Sam ba yung nasa video.
Naninigurado lang.
JOSHUA
Kung wala kang magandang sasabihin,
tumahimik ka na lang
SEBASTIAN
KJ ka lang! (to Joshua)
Ced! Si Sam ba ‘to?
CEDRIC
Hinaan mo boses mo, baka
marinig tayo ng mga kaklase natin!
SEBASTIAN
Alam na rin nila yung video
panigurado, sila pa ba?
TROY
75
CEDRIC
(humingang malalim)Oo,
siya nga… (umiwas ng tingin)
CEDRIC
Pero hindi yan ang problema.
TROY
Ano?
CEDRIC
Expelled na siya.
CUT TO:
EM 10 /
MELANIE
Yes, I’m his mother.
What’s the matter?
MELANIE
(shocked) My son did what?
CUT TO:
SANDRO
Sam.
(knocks again)
SANDRO
Kailangan ka naming kausapin ng
Mama mo. Sumunod ka sa sala.
CUT TO:
/ SALA
SANDRO
Sa tingin ko may kailangan kang
sabihin sa amin, Sam.
Mababaw ang kada hinga ni Sam
dahil sa kaba. Nangapa siya kung
paano magsisimulang magpaliwanag
SAM
Hindi ko po… (umiling) Mali po yung
nagawa ko. Nagpadala po ako masyado sa
alak. Malabo po ang lahat sakin no’n…
MELANIE
(naluluha)
Bakit mo nagawa ‘to?
SAM
Sorry po…
SANDRO
Kailan ka pa nagsimulang
uminom? (strict)
SAM
Matagal na po…
SANDRO
Gaano kadalas?
77
SAM
Napadalas po nitong nakaraan.
SANDRO
Anong mapapala mo pag
nagpakalasing ka?
SAM
…
SANDRO
Sa pang-inom mo lang napupunta ang
binibigay namin sayong pang-allowance,
gano’n ba? (galit)
SAM
Hindi po…
SANDRO
(looks at his wife) Anong sabi ko tungkol
sa pagbibigay mo sa kanya ng baon?
Malaki ang perang binibigay mo kaya ayan,
may nagagamit tuloy pang-inom.
MELANIE
Kailangan niya yon dahil wala tayo
palagi sa bahay para mabigay sa kaniya
lahat ng kailangan niya.
SANDRO
Tingnan mo kung saan ka nadala ng
iniisip mong yan. Yung anak mo,
NAWILI SA MGA BAGAY NA HINDI NIYA
PA DAPAT ALAM!
MELANIE
DAHIL MAY PAGKUKULANG TAYO!
SANDRO
Sa’n tayo nagkulang?!
Hindi yon rason para magloko
tong anak mo!
MELANIE
Hindi matanggap ng Papa
mo ang nangyari…
78
SAM
(nakayuko pa rin)
Naiintindihan ko po
MELANIE
Bakit mo yon nagawa?
Umamin ka sakin.
MELANIE
Nakayanan nga namin ng Papa mong bigyan
ka ng makakain at maayos na tutulugan,
pero kung ganito lang din ang kapalit,
ano pang silbi ng pag-angat
natin mula sa hirap?
SAM
Nakakahiya man pong aminin, hindi ko
po kinaya na palagi akong mag-isa
kaya naghanap po ako ng mga
taong sasamahan ako kahit
na anong mangyari.
MELANIE
Tama nga ang iniisip ko. Sana magmula
ngayon, hayaan mo kami ng Papa mo na
ibigay sayo kung ano ang talagang
kailangan mo ngayon.
SAM
Sorry po, Ma… Hinding hinding
na po yon mauulit…
(nakayuko pa rin)
MELANIE
Wag kang mag-alala. Kakausapin ko
ang Papa mo. Kahit hindi magsabi
yon, alam kong nag-aalala rin yon.
SAM
Salamat po…
MELANIE
Tumawag sakin kanina ang teacher mo…
Ililipat ka namin ng Papa mo
sa ibang eskwelahan.
MELANIE
(smiles) Para yon
sa ikabubuti mo…
79
FADE TO:
EM 11 /
TROY
Ilang buwan na rin pala simula
no’ng nag-transfer si Sam…
SEBASTIAN
Bakit kasi expulsion kaagad?
Bigat masyado
CEDRIC
Madudumihan nga raw kasi
reputasyon ng school
SEBASTIAN
E’di linisin
JOSHUA
Pakorni ka na nang pakorni
SEBASTIAN
Ikaw nga bitter! Galit ka pa rin
kay Sam dahil do’n sa di natin
napuntahang competition.
JOSHUA
Bukod sa korni,
imbentor ka na rin
SEBASTIAN
SOWS!
TROY
Pero sa tingin niyo,
kumusta na kaya si Sam?
FADE TO:
EM 12 /
[VO: Nasa mas mabuting lagay na ako kumpara dati. Hindi man
madaling proseso ang pinagdaanan ko ay may tumutulong sa aking
makabangon ulit.]
RAVIA
Nakapagpasa ka na
ng project sa AP?
SAM
Oo. Ikaw?
RAVIA
HAHAHAHAHAHA! Malamang
hindi pa! (laugh)
FADE IN:
RL 1 / BEDROOM
RAVIA
Hello, Ferdiii! Solo natin palagi yung
bahay, ‘no? Kaya ikaw, wag ka nang tatambay don
sa kapitbahay! Nananangay ka ata don ng ulam eh!
81
[VO: May seminar nga pala kami bukas… Dadaan na lang muna ako
sa room bago pumunta sa headquarters… tama, gano’n na lang.]
RAVIA
Yong permission slip nga pala
RAVIA
Baka di ako payagan ni Papa…
Natulala saglit.
RAVIA
Eh’di gawan
ng paraan! Problema ba yon?
RL 2 / SCHOOL
Magkasama sina Sam at Ravi. Nag-aayos ng bag si Ravia
SAM
Pagagalitan ka na naman ni Maam Gonza
pag nalamang a-absent ka ngayon
nang dahil lang sa SSG.
RAVIA
Oks lang, leadership training
yung pupuntahan naming officers kaya
nakakapanghinayang kung di ako a-attend.
SAM
Kaso mapag-iiwanan ka
na naman sa lessons
RAVIA
Alam mo, nasa libro lahat ng mga
tinuturo nila kaya kahit wala ako sa
discussion, mapag-aalaran ko yon pag
nagbasa ako ng book.
82
SAM
Kahit na, may grades ang attendance…
RAVIA
Pumapasok ako sa school para matuto,
hindi para magka-grades.
SAM
Ni-hindi ka nga pumapasok sa
klase, anong matututunan mo?
RAVIA
(tumawa) Anong oras na pala?
SAM
(check ang oras)
7:39 am
RAVIA
Eh? Una na ‘ko!
SAM
Anong oras uwi niyo?
RAVIA
Overnight yon kaya bukas pa (habang
nagsusukbit ng bag sa likuran)
SAM
Nag-enroll ka lang ‘ata para sa SSG
RAVIA
Gano’n na nga HAHAHAHAHA Bye!
SAM
Yari ka kay Maam Gonza!
RAVIA
Salamat! God bless
you rin (laughs)
FADE TO:
RL 2 / HOUSE
Papa June na may blangkong mukha. Binulsa niya muna ang medal
bago lumapit kay Papa June para magmano.
JUNE
Kung saan-saan ka nakakarating,
ha. Nagpaalam ka? (galit)
JUNE
Tumawag ako sa school mo dahil hindi
ko alam kung saan ka hahagilapin kagabi.
RAVIA
Sorry po. Nag-text naman po
ako kina ate’t kuya.
JUNE
Sa mga kapatid mo nagsabi
ka pero sa tatay mo, hindi?
JUNE
Kelan ka pa sumali sa SSG?
RAVIA
(huminga nang malalim)
Last year pa po.
JUNE
At wala kang sinasabi sakin? Kung
hindi ko nalaman sa teacher mo,
kanino ko pa malalaman yon?
JUNE
Itigil mo na yang SSG. Sundin mo ‘ko.
Nabigla si Ravia.
RAVIA
(nakakunot ang noo)
Po? Bakit po?”
84
JUNE
Nabanggit ng teacher mo na madalang
ka na lang sa loob ng klase
dahil sa SSG na yan.
RAVIA
Ano naman pong kaso do’n? Nakita
niyo naman po grades ko nakaraan,
walang buma-.
JUNE
(hindi pinansin ang pagdadahilan ni Ravia)
At bakit di mo sinasabi sa’king umalis ka na
MTAP, eh sabi ng teacher mo may plus points ka sa
Math dahil nilalaban ka? Dyan sa SSG, wala naman
daw palang grades na makukuha dyan.
RAVIA
Hindi naman po ako pumapasok sa
school para lang sa grades. Tsaka buong
elementary na po akong kasali sa MTAP,
pati ba naman po sa high school?
JUNE
Dahil sa Math ka marunong, at Accountancy
ang kukunin mo sa college. Bumalik ka sa MTAP,
kausapin mo ang mentor mo na tanggapin ka ulit.
JUNE
Uulitin ko, mag-quit ka sa SSG bago
mo mapabayaan ang grades mo. Sa MTAP ka
mag-focus. Tapos ang usapan (walks away)
RAVIA
Quit sa SSG? (habang nakatingin
sa certificate)
FADE TO:
RL 3 /
SAM
Bakit ka niya pagagalitan, eh
pinirmahan niya nga permission slip mo.
Kung ayaw niya, sana di na siya pumirma
RAVIA
Ah… Pumirma siya pero hindi niya
Alam HAHAHAHAHAHAHA
SAM
Ano? Di ko gets
RAVIA
Madaling araw ko kasi binigay kay Papa
yung permission slip. Syempre dahil inaantok pa
siya, di na yon nagtanong kung para saan yung
letter. Pumirma nga siya nang nakapikit
pa dahil sa antok HAHAHAHAHAHAHA
SAM
Di mo naisip na hahanapin
ka niya kinagabihan?
RAVIA
Ang akala ko kasi di siya makakauwi dahil
malayo yung nagpapa-service sa kaniya
SAM
Mali ka pa rin
RAVIA
Anyway, nagpasa na ako ng
resignation letter.
SAM
Seryoso?
RAVIA
Oo
SAM
Susundin mo Papa mo?
RAVIA
Ay hindi, di ako magre-resign
86
RAVIA
Kapag SSG Officer kasi, kakailanganin
munang mag-resign sa current position
bago mangandidato para sa next term.
SAM
Kahit pinagbawalan ka na ng papa
mo? Naghahanap ka ng gulo
RAVIA
Oks lang. Wala rin naman siyang
magagawa ‘pag nandyan na.
SAM
Ang sabihin mo, ayaw mo lang na sumusunod
ka sa sinasabi ng ibang mga tao
RAVIA
Di ah. Masunurin kaya ako kay Mama
SAM
Kelan pala uwi ng Mama mo?
Titingala si Ravia.
87
RAVIA
7 months from now…
FADE TO:
RL 4 / BEDROOM
RAVIA
Walang tulugaaan, walang tulugaaan (pakanta)
Pwede na ‘ko sa show ni Kuya Germs
RAVIA
Gusto ko ng kape, Ferdi
RAVIA
Edi wag! Damot neto
RAVIA
Ma, kagigising mo lang po?
RITA
(nakatulala pa rin, parang
walang narinig)
RAVIA
(hihinga nang malalim) Magtitimpla po ako
88
RITA
(murmur) Sino ka ba para pagsalitaan nang
ganyan ang anak ko? Yung isa yan, yung isa.
2011 ako umalis, pagbalik ko kinuha
yung isa ni Jonas.
RAVIA
Pinagtimplahan po kita ng
kape (masigla)
RITA
(titingnan ang kape, mangingiti)
Salamat (pinasadahan ng tingin si Ravia)
Hindi ka ba makatulog? Wag kang mag-isip
masyado. Wag mo silang pansinin, yung
mga bumubulong (genuinely worried)
RAVIA
(pilit na ngingiti) Natulog po ako.
Maaga lang po akong nagising
(mapapakamot ulo)
RITA
Gagawa kita ng almusal
RAVIA
Di na po, Ma. Bibili na lang po ako ng
almusal. Magpahinga ka lang po…
RITA
(ngingiti) Kumain ka
bago pumasok, ha?
RAVIA
Opo… Inumin mo na po yan bago
lumamig (tinuro ang kape)
89
RITA
(murmur) Hindi si Ravia yan, may kumuha
sa isa niya. Nasa kabila ang totoong
Ravia. 2002 ko siya pinanganak. No’ng
2013, gumawa kami ng graham cake…
Pumasok sa kwarto.
Door shut.
FADE TO:
RL 5 /
RAVIA
Ma, di raw po makakauwi sina
ate hanggang next month
90
RITA
Kumusta raw sila? Yung ate mo pa naman
hindi kumakain ng gulay. Pumapayat
sila ni kuya mo… Kawawa sila…
RAVIA
Wag mo po sila masyadong intindihin,
Ma. Ikaw lang po mamomroblema. Kaya
naman po nilang alagaan ang sarli nila
RITA
Kumustahin mo sila palagi, ha? Sabihin
mo sa kanilang magtabi ng pera para
sa sarili, hindi yung ipapadala
nila lahat sa atin.
RAVIA
Opo, Ma…
RITA
Hindi yan ang tunay mong ate, kinuha ng
kabila ang ate mo. Payat yon, si ate mo,
chubby at mahaba ang buhok. Wag kang
sa mga binubulong niya sayo.
FADE TO:
RL 6 / SCHOOL
RANDOM STUDENT
Pres, saan po ba pwedeng kumuha
ng permit para sa field tripi?
RAVIA
Hindi ba namigay ang adviser niyo?
RANDOM STUDENT
Nawala ko po ang akin eh… (kamot ulo)
91
Napanganga si Ravia.
RAVIA
(Nainis nang kaunti) Manghingi ka na
lang ulit sa kaniya (nagpapasensya)
RANDOM STUDENT
Magagalit si Maam pag
nalamang nawawala kopya ko
RAVIA
(ngumiti) Alam mo ba kung saan ang room
ng 10-Rizal? Pumunta ka do’n after class,
hanapin mo ‘ko para mabigyan kita ng kopya.
CUT TO:
RAVIA
Nakakapikon. Trabaho niyang gumawa ng
documentation sa bawat project namin,
pero ako pa rin ang gumagawa.
SAM
President ka eh
RAVIA
Trabaho yon ng secretary! Ang trabaho ko,
gumamit ng utak at mag-monitor, i-manage sila
at siguraduhing maayos ang distribution ng
tasks. Hindi yung AKO (tinuro ang sarili)
ang gagawa ng trabahong in-assign KO sa KANILA.
SAM
Easy. HAHAHAHAHAHA Kalmahan natin
RAVIA
Ta’s ito namang mga kasamahan ko sa dyaryo,
hindi pa nagpapasa ng articles! Eh kailangan
92
SAM
E’di kausapin mo mga writers na under mo
RAVIA
Magmumukha lang akong bossy…
SAM
Kesa ganyang ikaw sumasalo ng gawain
nila. Pati dyan sa SSG, tinotoo mo na
talaga yung pumapasok ka lang sa
school para do’n.
RAVIA
Kung focused ako sa studies ko to the point
na magiging negligent ako sa president duties ko,
buong school ang maaapektuhan. Unlike pag sa SSG
ako nakatuon, bababa nga ang grades ko pero at
least ako lang ang maaapektuhan, hindi yung
isusugal ko ang school para lang sa
sarili ko. Panget yung gano’n.
SAM
Oo, kaya nga nadagdagan lalo mga subject
teacher nating naiinis sayo. Tingnan mo,
papunta ngayon sa direksyon natin si Maam
Coballes (may tinuro) Nan’didilim mga mata,
ready nang manabon ng SSG President.
FADE TO:
RL 7 / BEDROOM
RAVIA
Pinagpapasa niya ako ng
notebook sa Science kaso
walang laman yon HAHAHAHAHA
SAM (O.C.)
Di ka ba nagsusulat ng lecture?
RAVIA
Eh wala nga ako sa room lagi, anong
isusulat ko? Mga pangalan ng estudyanteng
nahuhuli kong naninigarilyo sa CR
tuwing rumoronda ako?
SAM (O.C.)
Anong gagawin mo n’yan ngayon?
93
RAVIA
Alam mo, Sam, ikaw ang pinakamabait na taong
nakilala ko sa buong 16 years na buhay ko. Idol
kaya kita since day 1, no’ng nalaman kong
marunong kang mag-drums, parang gu-
SAM (O.C.)
Oo na, pahihiramin kita ng notebook,
tumigil ka lang
RAVIA
Oh, ‘ta mo?! Nuknukan talaga ng bait!
Mapapasayaw si Mabini dahil sayo!
RITA (O.C.)
Pinalitan niyo yan no’ng di ako nakatingin!
RAVIA
(nakakunot ang noo) Sam, nagugutom na
ako. Ibababa ko na to. Bye.
JUNE
Pa’nong mapapalitan yan? Sinong
magpapalit, sige nga? (mahinahon)
RITA
(galit) Sinungaling! Matagal niyo na
akong niloloko! Ilang taon niyo
akong pinatulog!
JUNE
Ano na naman bang sinasabi
mo, Rita?Kung ano-ano laging
iniisip mo.
RITA
Mga **** kayo!! Hindi ikaw ang tunay! Nasa
kabila ang isa mo! (nagduduro,
nakasigaw at galit na galit)
94
RAVIA
(sinubukang lumapit) Ma, tama na po. Hindi
po totoo yung mga iniisip mo…
RITA
Ikaw, RAVIA! ***** KA! ANONG HINDI TOTOO?!
IKAW ANG HINDI TOTOO! IKAW YUNG PANGALAWANG
RAVIA! NASA KABILA ANG TUNAY
(nagbato na naman ng baso)
Naiiyak si Ravia.
JUNE
Baka matamaan mo si Via, Rita!
Bitawan mo na ang mga baso
RITA
Mga ***! Sira ulo neto. Akala niyo yata
maloloko niyo ko ulit! Mga ****
RAVIA
(nagpipigil ng iyak)
Tama na po, Ma. Kumalma ka po…
RITA
****! (umalis)
FADE TO:
RL 8 / BEDROOM
RAVIA
Sabi ni Papa, nagalit si Mama dahil pinalitan
daw yung baso. Eh hindi naman, parehong baso pa rin
yon. Pero grabe pa rin yung galit niya. Nakaraan
pang linggo yon, ha? Kahapon naman, may binalibag
siyang upuan. Hindi raw yon yung binili niya…
Stop recording.
SSG GC
RAVIA
ELEVEN?! YARI!!
MEMBER 2 : Sana…
CUT TO:
RAVIA
Ma?
RITA
Sumasakit yung dibdib
ko, Via… (umiiyak)
RAVIA
(tumayo) po? Bakit po?
97
RITA
Lumalaki na yung
bukol ko
Natigilan si Ravia
sa narinig niya.
RAVIA
(di makapaniwala) po?
RITA
Dati maliit lang to… (sinusubukang
ipakita ang bukol na tinutukoy niya)
RAVIA
(nakanganga pa rin at nakakunot ang noo)
Dati pa? (nakita ang tinuturo ni Mama
Rita) Ba’t po may pasa ka d’yan?
RITA
Yung bukol lumalaki
(umiyak lalo)
RAVIA
Kelan pa po yan?
RITA
Bago pa ako pumunta sa Bahrain,
nakita ko sa medical results ko.
RAVIA
Dalawang taon na po yon, ah.
Ma, bakit di mo po sinabi samin?
RITA
Hindi matuuloy yung kontrata
ko kung pina-declare ko to
sa mga papeles ko…
RAVIA
Ma naman…
(nagpipigil umiyak)
RITA
Lumaki na siya,
sobrang sakit… (umiiyak)
RAVIA
Ano na pong… reading?
RITA
Cyst…
RAVIA
Two years ago po yon, pero ngayon…
(don’t know what to say. Huminga nang
98
RITA
Anong mangyayari
sakin? (nag-panic)
RAVIA
Ma, hindi po kita
tinatakot pero… (umiling)
Magpapa-check up po tayo agad.
RITA
Natatakot ako, Via
(umiiyak pa rin)
RL 9 /
RAVIA
Kung tutuusin, pwedeng hindi na siya tumuloy
sa ibang bansa no’ng nalaman niya yon. Dapat
nagpatingin siya sa doktor. Dapat inagapan
niya yon. Hindi yung… hindi yung pinabayaan
niya. Kasi ngayon… Stage 3 Breast
Cancer na eh (humagulgol)
Stop recording.
FADE TO:
RL 10 / SCHOOL
Tumatawa si Ravia.
RAVIA
HAHAHAHAHAHA! Halatang nainis siya no’ng
nagpasa ako ng project on time eh! Naghahanap
siguro siya ng dahilan para ibagsak ako
kaso wala! HAHAHAHAHAHA
SAM
Yung magpasa ka pa lang, himala na.
May problema ka siguro (jokingly)
RAVIA
HAHAHAHHA! Di naman!
Anyway, uuwi na ‘ko.
SAM
(nagulat) Di ka mag-o-overtime
para sa SSG?
Napangiwi si Ravia
RAVIA
Di na muna. Tuturuan ko muna
yung ibang officers na kumilos
nang hindi dumedepende sakin
SAM
(pinanliitan ng mata si Ravia)
May kakaiba sayo ngayon.
RAVIA
Ilusyon mo lang yon HAHAHAHA
Ge, una na ‘ko
CUT TO:
RAVIA
Ano pong iluluto ko para
po sa hapunan?
RITA
(parang walang narinig)
RAVIA
Ma?
RAVIA
M-
RITA
Bitawan mo ‘ko! Umalis ka sa
paningin ko, naiinis ako sayo!!
RAVIA
Tinatanong ko lang po kung
anong gusto mong iluto ko mamaya
RITA
**** KA BA?! LUMABAS KA
SA PAMAMAHAY KO! (nangbato
ng remote)
Natamaan si Ravia.
RAVIA
BAKIT MO PO-!
(pinigilan ang sarili)
RAVIA
Ako na lang pong bahalang
mag-isip ng kakainin
natin mamaya.
RAVIA
Wag mong patulan, Ravia. Kulang ka pa sa
pag-intindi kaya ka nasasaktan. Kasi kung
nauunawaan mo siya, balewala sayo yon eh. Tama,
yon nga. Intindhin mo. Pag-intindi ang kailangan
niya ngayon at suporta. Pag-intindi at suporta.
RAVIA
Pero an’sakit pa rin.
CUT TO:
[VO: Lumipas ang ilan pang mga buwan nang palaging gano’n ang
nangyayari. Kapag nawawala sa mood si Mama ay ako ang nagiging
sangkalan ng matatalim niyang salita. Nasanay na ako hanggang
umabot sa puntong namanhid na ang lahat sa akin.]
101
FADE TO:
RL 11 /
SAM
Hinahanap ka ng
SSG Secretary
RAVIA
Bakit daw?
(nagsusulat pa rin)
SAM
Ewan, di sinabi
RAVIA
Busy ako
SAM
Sagutin mo na lang
messages nila
RAVIA
Ha?
SAM
Nagme-message daw sila sayo
eh. Di ka raw sumasagot
RAVIA
Sure. Mamaya
SAM
Ang cold mo na ngayon ah
RAVIA
Busy ako.
SAM
Sabi ng secretary mo, kailangan ka raw
dahil pinapatawag ka ng SSG Adviser
SAM
May nagawa ka ba?
Ravia
(tumayo) Wala
CUT TO:
CUT TO:
“Bakit?”
FADE TO:
RL 12
FADE TO:
RL 13 / BEDROOM
RITA
Wala kang pasok ngayong araw?
RAVIA
Free day po.
CUT TO:
RITA
Hindi ka papasok ngayon?
RAVIA
May seminar po yung mga teacher sa
school kaya walang pasok.
104
CUT TO:
RITA
(titingin kay Ravia)
RAVIA
An’sakit po ng ulo ko, di
ko kayang makapasok
CUT TO:
RITA
Bakit hindi ka na pumapasok?
RAVIA
May festival po kasi. Sa school
namin yung venue kaya walang pasok
sa lahat po ng grade
[VO: Hindi lang mga araw kun’di linggo akong hindi nagpakita
sa kahit na sinoman. Ang tanging nakakaalam na buhay pa ako ay
ang pamilya ko. Pero alam kong darating ang araw na kailangan
kong balikan ang reyaidad na pilit kong tinatakasan.]
FADE TO:
RL 14 /
Binasa niya ang kada pahina do’n hanggang makita niya ang
bucket list na sinulat niya no’ng nasa ikaanim siyang baitang.
[VO: Ginawa ko ang bucket list noon nang buo ang kompyansang
kaya ko ‘yong magawa lahat. Mahilig pala talaga ang mga tao
gumawa ng mga plano. Mga planong alam nating hindi masusunod.]
FADE TO:
RL 15 / HOUSE
RAVIA
Ma, pangatlong session mo po mamaya,
ha? Pag-uwi ko dederetso na
tayo sa ospital.
RITA
(ngingiti) Mag-ingat
ka papasok.
FADE TO:
RL 16 / SCHOOL
FADE TO:
RL 17 / SCHOOL
106
Moving Up Ceremony
FADE IN:
CV 1 / ONLINE SET UP
TEACHER (O.C.)
Thank you for sharing your wonderful stories,
class. Marami tayong pinagdadaanan at pagdadaanan
pa lang, yes. But remember na walang ibibigay sa
ating hamon na di natin kayang lagpasan. I hope
you learned a lot today. You may leave the
call now, see you on our next meeting.
GC ng BANDA
JOSHUA : SEB!
Cedric typing…
CALI : Papansin!
TROY : Same
Cedric typing…
JANE : HAHAHAHAHAHA
FADE TO:
108
TEACHER
Please open your camera
TROY : Boi, may mata rin kami HAHAHAHA Nakita rin namin sya
CUT TO:
TROY
(tumikhim) May
suggestions ba kayo?
Walang sumagot.
SEBASTIAN
Kroo krooo
TROY
Ikaw, Ced?
CEDRIC
Bakit ako?
TROY
Nag-lag laptop ko, ano
ulit sabi mo?
SEBASTIAN
Pangit daw siya
JOSHUA
Seryoso tayo dito, Seb
SEBASTIAN
Ay sorry. Nag-lag din
109
JOSHUA
Wala kang laptop
SEBASTIAN
Oo nga pala, ‘no?
JOSHUA
Magseryoso ka nga muna
SEBASTIAN
La? Pinapagaan ko lang yung mood!
Di kayo makapagsalita kasi
tensyonado kayo.
CEDRIC
Hindi sa ganon, wala pa kasing maisip
na suggestion para sa reporting kaya
di pa nasisimulan ang pag-uusap
SEBASTIAN
Oy, Ced, kausapin mo si Sam! Ikaw
tong may gustong gawin nating kagrupo
si Sam kahit galit sa kaniya ni Joshua
FADE TO:
Balik sa present.
(to type…) : alam ko pero wala kasi tayong drummer! Pa’no tayo
makakatugtog nang di kumpleto, sige nga? Ikaw kaya tambulin
ko, gusto mo?
JOSHUA : Tigilan mo ko
SAM : …?
JOSHUA : Yak
JOSHUA : psssst!
SEBASTIAN : k.
SAM : okay lang sakin kaso baka hindi okay sa iba sa inyo na
sumama ako. Baka masira ko pa performance niyo (may pawis sa
noong emoji)
TROY
Anong masasabi mo, Joshua?
JOSHUA
Bakit ba ako ang tinatanong niyo?
112
TROY
Final answer?
JOSHUA
Hindi ako galit sayo, Sam. Pagkatapos kong
marinig yung side mo kanina sa testimony, na-guilty
pa nga ako dahil ngayon ko lang na-realize na may
pagkukulang kami bilang mga kaibigan mo
CEDRIC
Bakit di mo sinabi samin?
SAM
Ayoko lang na makaabala sa-
CEDRIC
Magkakaibigan tayo, Sam. Kahit kailan
hindi naging abala ang sinoman sa
atin. Ta’s umiwas ka pa sa amin
SAM
Nahiya ako sa inyo dahil do’n sa… alam
niyo na. Baka pati kayo masama sa bulungan
ng mga tao pag nalaman nilang kaibigan niyo ko
CEDRIC
Ang iniisip namin no’n, baka ayaw
mo na kaming maging kaibigan kaya
bigla kang di nagparamdam.
TROY
Ta’s lumipat ka ng school nang
di mo kami kinakausap
CEDRIC
China-chat kita pero di
mo man lang i-seen
TROY
Tinatawagan kita ta’s yon pala
nagpalit ka na ng sim card
JOSHUA
SSSHHHHHH Tama na. Tapos
na eh. Sorry, Sam
TROY
Sorry sa mga oras na wala
kami para sumuporta sayo
CEDRIC
Sorry, brad. Sana hindi masama
113
SAM
Di naman. Akala ko lang
kasi galit kayo sakin
TROY
Ano, tutugtog ka ba ulit
kasama namin?
SAM
Naman! Tagal ko nang gustong marinig yan!
HAHAHAHAHA Namiss kong maaya sa gig
TROY
Welcome back!
JOSHUA
Welcome back!
CEDRIC
Welcome back, Sam
SEBASTIAN
HELLOOOOOO!
JOSHUA
Ba’t nandito yan?
TROY
Inadd ko na siya
JOSHUA
Oh?
SEBASTIAN
An’sasama niyo sakin!
CUT TO:
CUT TO:
RH 1 / ONLINE SET UP
Ravia, kausap ang pusa niya. Tumigil lang nang may narinig
mula sa laptop niya. Pumunta siya sa tapat ng laptop niya
EMCEE
Good morning, we’re
about to start.
FADE IN:
Ravia performing.
Sam’s VO: Huwag na nating intayin pang ibang tao ang maunang
makakita sa sarili nating halaga.