SlideShare a Scribd company logo
2
Most read
3
Most read
4
Most read
KUNG TUYO NA ANG LUHA MO, AKING
BAYAN
Amado V. Hernandez
Lumuha ka, aking Bayan; buong
lungkot mong iluha
Ang kawawang kapalaran ng
lupain mong kawawa:
Ang bandilang sagisag mo’y
lukob ng dayong bandila,
Pati wikang minana mo’y busabos
ng ibang wika,
Ganito ring araw nang agawan ka
ng laya,
Labintatlo ng Agosto nang
saklutin ang Maynila,
Lumuha ka, habang sila ay
palalong nagdiriwang,
Sa libingan ng maliit, ang
malaki’y may libingan;
Katulad mo ay si Huli, naaliping
bayad-utang,
Katulad mo ay si Sisa, binaliw ng
kahirapan;
Walang lakas na magtanggol,
walang tapang na lumaban,
Tumataghoy, kung paslangin;
tumatangis, kung nakawan!
Iluha mo ang sambuntong
kasawiang nagtalakop
Na sa iyo’y pampahirap, sa
banyaga’y pampalusog:
Ang lahat mong kayamana’y
kamal-kamal na naubos,
Ang lahat mong kalayaa’y sabay-
sabay na natapos;
Masdan mo ang iyong lupa,
dayong hukbo’y nakatanod,
Masdan mo ang iyong dagat,
dayong bapor, nasa laot!
Lumuha ka kung sa puso ay
nagmaliw na ang layon,
Kung ang araw sa langit mo ay
lagi nang dapithapon,
Kung ang alon sa dagat mo ay
ayaw nang magdaluyong,
Kung ang bulkan sa dibdib mo ay
hindi man umuungol,
Kung wala nang maglalamay sa
gabi ng pagbabangon,
Lumuha ka nang lumuha’t ang
laya mo’y nakaburol.
May araw ding ang luha mo’y
masasaid, matutuyo,
May araw ding di na luha sa mata
mong namumugto
Ang dadaloy, kundi apoy, at apoy
na kulay dugo,
Samantalang ang dugo mo ay
aserong kumukulo;
Sisigaw kang buong giting sa
liyab ng libong sulo
At ang lumang tanikala’y
lalagutin mo ng punglo!
Pamana ng Lahi
Patrocinio V. Villafuerte
Di mo man sabihin, aking nababatid,
Ikaw'y naglalakbay sa Bagong Daigdig;
Paraisong dati'y hinanap, inibig,
Alaala na lang na di magbabalik
Sabay sa pagsikat ng Bagong Umaga,
Naglaho nang ganap ang pangungulila;
Hungkag na buhay mo'y mabigyan ng pag-asa,
Ang Bagong Lipunan, may handog na ligaya.
Ngunit ang lipuna'y hindi nagwawakas,
Sa mga pangako at mga pangarap;
Damdaming dakila at diwang matalas,
Siyang magbubukas sa malayang pugad.
Pag-unlad ng bansa'y may hatid-pangako,
Na ang kalinanga'y dapat na mabuo;
Kulturang pambansa'y di dapat isuko,
Hayaang magbunga't mabusog sa puso.
Ngunit tila yata nalilimutan mo,
Mga kaugaliang buhay-Pilipino,
Ang lahat ng ito ay pagyamanin mo,
Ay nasyonalismo'y mapapasaiyo.
Ang pagkakaisa'y pagbabayanihan,
Nag-usbong sa diwa't lahing makabayan,
Kung sasariwain at pagbabalikan,
Ang pagkakabuklod ay masisilayan.
Sa pistang-bayan masasaksihan mo,
May perya't pabitin saka palo-sebo,
At ang santakrusan ay pinagdarayo.
Sa mga tahana't pook na dakila,
Ang tanging biyaya'y moral na adhika;
Payo ng magulang ay banal na wika,
Sa mabuting anak ay buhay na nasa.
Ang lahat ng ito'y pamana ng lahi,
Gabay nitong bansa't dangal nitong lipi;
Kaya't magsikap ka, tuwa'y magbibinhi,
Ikaw'y Pilipinong dapat na maghari.
Ako’y Wika
Tula ni Kiko Manalo
Wikang Filipino ang aking pangalan,
Ipinanganak ko itong kalayaan,
Ako ang ina at siyang dahilan,
Ng pagkakaisa at ng kasarinlan!
Sapagkat ako nga ang siyang tumanglaw
Sa bansang tahanang iyong tinatanaw,
Katulad ng inang sa iyo ay ilaw,
Nagbibigay-sigla’t buting sumasaklaw!
Ako rin ang ama at naging haligi,
Ng mga sundalo at mga bayani,
Sa digmaan noon sa araw at gabi,
Ako ang sandatang nagtaas ng puri!
Pagkat akong wika ang lakas mo’t tuwa
Ako’y lakas nitong bisig mo at diwa
Sa pamamagitan ng aking salita,
Ligtas ka sa uring luksong masasama!
Sinalita ako at gamit ng lahat,
Upang mga taksil ay maisiwalat,
Sa Luzon, Visayas, sa lahat ng s’yudad,
Pati sa Mindanao, ako ay nangusap!
At nakamit mo na ang hangad na laya,
Mula sa dayuhang sakim at masama,
Dilim na sumakop sa bayan at bansa,
Dagling lumiwanag, pintig ay huminga!
Wikang Filipino, ginto mo at hiyas,
Panlahat na wika saan man bumagtas,
Ilaw na maalab, sa dilim ay lunas
At lakas patungo sa tuwid na landas!
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Tula ni Andres Bonifacio
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagkadalisay at pagkadakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
Ulit-ulitin mang basahin ng isip
at isa-isahing talastasing pilit
ang salita’t buhay na limbag at titik
ng isang katauhan ito’y namamasid.
Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal
sa tapat na puso ng sino’t alinman,
imbit taong gubat, maralita’t mangmang
nagiging dakila at iginagalang.
Pagpupuring lubos ang nagiging hangad
sa bayan ng taong may dangal na ingat,
umawit, tumula, kumatha’t sumulat,
kalakhan din nila’y isinisiwalat.
Walang mahalagang hindi inihandog
ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,
buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.
Bakit? Ano itong sakdal nang laki
na hinahandugan ng buong pag kasi
na sa lalong mahal kapangyayari
at ginugugulan ng buhay na iwi.
Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,
siya’y ina’t tangi na kinamulatan
ng kawili-wiling liwanag ng araw
na nagbibigay init sa lunong katawan.
Sa kanya’y utang ang unang pagtanggap
ng simoy ng hanging nagbigay lunas,
sa inis na puso na sisinghap-singhap,
sa balong malalim ng siphayo’t hirap.
Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan
ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal
mula sa masaya’t gasong kasanggulan.
hanggang sa katawan ay mapasa-libingan.
Ang nangakaraang panahon ng aliw,
ang inaasahang araw na darating
ng pagka-timawa ng mga alipin,
liban pa ba sa bayan tatanghalin?
At ang balang kahoy at ang balang sanga
na parang niya’t gubat na kaaya-aya
sukat ang makita’t sa ala-ala
ang ina’t ang giliw lampas sa saya.
Tubig niyang malinaw sa anaki’y bulog
bukal sa batisang nagkalat sa bundok
malambot na huni ng matuling agos
na nakaka aliw sa pusong may lungkot.
Sa aba ng abang mawalay sa Bayan!
gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
walang ala-ala’t inaasam-asam
kundi ang makita’ng lupang tinubuan.
Pati na’ng magdusa’t sampung kamatayan
wari ay masarap kung dahil sa Bayan
at lalong maghirap. O! himalang bagay,
lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.
Kung ang bayang ito’y nasa panganib
at siya ay dapat na ipagtangkilik
ang anak, asawa, magulang, kapatid
isang tawag niya’y tatalikdang pilit.
Datapwa kung bayan ano ang bayan ng ka-
Tagalogan
ay nilalapastangan at niyuyurakan
katwiran, puri niya’t kamahalan
ng sama ng lilong ibang bayan.
Di gaano kaya ang paghinagpis
ng pusong Tagalog sa puring nalait
at aling kaluoban na lalong tahimik
ang di pupukawin sa paghihimagsik?
Saan magbubuhat ang paghihinay
sa paghihiganti’t gumugol ng buhay
kung wala ring ibang kasasadlakan
kundi ang lugami sa kaalipinan?
Kung ang pagka-baon niya’t pagka-busabos
sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop
supil ng pang-hampas tanikalang gapos
at luha na lamang ang pinaa-agos
Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay
na di-aakayin sa gawang magdamdam
pusong naglilipak sa pagka-sukaban
na hindi gumugol ng dugo at buhay.
Mangyari kayang ito’y masulyap
ng mga Tagalog at hindi lumingap
sa naghihingalong Inang nasa yapak
ng kasuklam-suklam na Castilang hamak.
Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,
nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?
at natitilihang ito’y mapanuod.
Hayo na nga kayo, kayong nanga buhay
sa pag-asang lubos na kaginhawahan
at walang tinamo kundi kapaitan,
kaya nga’t ibigin ang naaabang bayan.
Kayong antayan na sa kapapasakit
ng dakilang hangad sa batis ng dibdib
muling pabalungit tunay na pag-ibig
kusang ibulalas sa bayang piniit.
Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
kahoy niyari ng buhay na nilanta't sukat
ng bala-balakit makapal na hirap
muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.
Kayong mga pusong kusang inuusal
ng daya at bagsik ng ganid na asal,
ngayon magbangon’t baya’y itanghal
agawin sa kuko ng mga sukaban.
Kayong mga dukhang walang tanging sikap
kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,
ampunin ang bayan kung nasa ay lunas
sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.
Ipahandog-handog ang buong pag-ibig
hanggang sa mga dugo’y ubusang itangis
kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid
ito’y kapalaran at tunay na langit.

More Related Content

DOCX
Pag ibig sa Tinubuang Lupa
PDF
sertipiko sa Buwan ng Wika FINAL ppddddfffff.pdf
DOCX
SINO ANG DAPAT MAGTURO NG VALUES SA MGA BATA: PAMILYA O PAARALAN
DOCX
Balagtasan
DOCX
Balagtasan
DOCX
Balagtasan
DOCX
Ang Lumang Aparador ni Lola
PPTX
BUWAN-NG-WIKA-QUIZ-BEE. for august 2025pptx
Pag ibig sa Tinubuang Lupa
sertipiko sa Buwan ng Wika FINAL ppddddfffff.pdf
SINO ANG DAPAT MAGTURO NG VALUES SA MGA BATA: PAMILYA O PAARALAN
Balagtasan
Balagtasan
Balagtasan
Ang Lumang Aparador ni Lola
BUWAN-NG-WIKA-QUIZ-BEE. for august 2025pptx

What's hot (20)

DOCX
4th peridical exam in fil. 8
DOCX
Tos filipino unang markahan grade 8
DOCX
Halimbawa ng mga Lathalain
PPTX
Paghihinuha
DOC
Uri ng pang abay
PPTX
Pagtukoy sa opinyon at katotohanan sa isang teksto
PPTX
MATATAG -WEEK 5 Quarter 1 Tekstong Biswal
PPTX
tulang panudyo , awiting panudyo tugmang de gulong.pptx
PPTX
Elemento ng maikling kwento
PPTX
PANG-URI (all about pang-uri)
PPTX
Anapora at katapora
PPTX
Ang Panghalip at ang mga Uri Nito.pptx
DOCX
Halimbawa ng mga Lathalain 2
PPTX
W3-DAY 1-4 Q2_Aralin 2.Alamat.pptx
PPTX
Iba’t ibang uri ng liham pangkaibigan
PDF
Free DepEd Certificate: Buwan ng Wika
PPTX
PPTX
Pang-abay-na-Pamaraan.pptx
PPTX
ANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptx
4th peridical exam in fil. 8
Tos filipino unang markahan grade 8
Halimbawa ng mga Lathalain
Paghihinuha
Uri ng pang abay
Pagtukoy sa opinyon at katotohanan sa isang teksto
MATATAG -WEEK 5 Quarter 1 Tekstong Biswal
tulang panudyo , awiting panudyo tugmang de gulong.pptx
Elemento ng maikling kwento
PANG-URI (all about pang-uri)
Anapora at katapora
Ang Panghalip at ang mga Uri Nito.pptx
Halimbawa ng mga Lathalain 2
W3-DAY 1-4 Q2_Aralin 2.Alamat.pptx
Iba’t ibang uri ng liham pangkaibigan
Free DepEd Certificate: Buwan ng Wika
Pang-abay-na-Pamaraan.pptx
ANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptx
Ad

Similar to Mga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docx (20)

DOCX
PPTX
Filipino ikawalong Baitang Module 1 Quarter 1.pptx
PPT
Love of country (2)
DOCX
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
PDF
Pag ibig sa-tinubuang_lupa
PPTX
Ang Huling Paalam ni Jose Rizal material for chorale reading
DOCX
Basahin ang tula at bigyang interpretasyon ang piling bahagi ng tula.docx
DOCX
Tinubuang lupa
DOCX
Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)
PPTX
Presentation about Pag-ibig sa Tinubuang Lupa.pptx
PPT
Kopya ng huling paalam
DOCX
Mi ultimo adios
PPTX
May Bagyo ma't May Rilim
DOCX
DOCX
The Philippine National Anthem
PPTX
Andres bonifacio presentation
PPTX
UPDATED - Lope K. Santos
DOCX
2nd monthly Fil III
DOCX
Huling Paalam (Ultimo Adios) ni Rizal
DOCX
Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)
Filipino ikawalong Baitang Module 1 Quarter 1.pptx
Love of country (2)
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pag ibig sa-tinubuang_lupa
Ang Huling Paalam ni Jose Rizal material for chorale reading
Basahin ang tula at bigyang interpretasyon ang piling bahagi ng tula.docx
Tinubuang lupa
Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)
Presentation about Pag-ibig sa Tinubuang Lupa.pptx
Kopya ng huling paalam
Mi ultimo adios
May Bagyo ma't May Rilim
The Philippine National Anthem
Andres bonifacio presentation
UPDATED - Lope K. Santos
2nd monthly Fil III
Huling Paalam (Ultimo Adios) ni Rizal
Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)
Ad

Recently uploaded (20)

DOCX
Pagsusulit Filipino 8 - Unang Markahan - Panahon ng Himagsikan at Propaganda
PPTX
-Panghalip-at-Mga-Uri-Nito-at-Simposyum-Pagsagawa-Ng-Critique.pptx
PDF
AP8_Q1_Week_3-4_Kabihasnang_Mycenaean.pdf
PPTX
matatagfilipino7tekstongekspositoriCO1.pptx
PPTX
t-1690738168-buwan-ng-wika-quiz-bee_ver_2.pptx
PDF
LE_Q3_Aaraling Panlipunan 7_Aralin 2_Linggo 2.pdf
PPTX
GRADE FIVE, WEEK SEVEN, QUARTER ONE GMRC.pptx
PDF
Edukasyon sa Pagpapakatao Most Essential Learning Competencies
PPTX
PAMUMUHAY NG PAYAK BILANG PANSARILING PAGIINGAT SA KALIKASAN
PPTX
EDITED-ARALIN-5-PPT-TEKSTONG-BISWAL-AT-TEKSTONG-PERSWEYSIB.pptx
PPTX
FILIPINO 7 Q1 W5-TEKSTONG IMPORMASYONAL.pptx
PPTX
tsa-171010002222.pptxpowerpoint presentation
PPTX
panitikang katutubo matatag filipino seveb
PPTX
AP8 Q1 Week 3-4 Kabihasnang Mycenaean.pptx
PPTX
WEEK 8-sanaysay at burador sa filipino 8.pptx
PPTX
AP7 Q1 Week 7-1 MGA KAHARIANG PANGKONTINENTENG TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
PPTX
QUIZZ BEEbuwanngwikangpambansaagosto2025.pptx
PPTX
Kailangang-maisulat-ang-titik-ng-tamang-sagot-sa-papel-sa-loob-ng-itinakdang-...
PPTX
Panitikan sa Panahon ng Katutubo-Tuluyan (Alamat).pptx
PPTX
ESP QUARTER 1LESSON AND ACTIVITY.pptx
Pagsusulit Filipino 8 - Unang Markahan - Panahon ng Himagsikan at Propaganda
-Panghalip-at-Mga-Uri-Nito-at-Simposyum-Pagsagawa-Ng-Critique.pptx
AP8_Q1_Week_3-4_Kabihasnang_Mycenaean.pdf
matatagfilipino7tekstongekspositoriCO1.pptx
t-1690738168-buwan-ng-wika-quiz-bee_ver_2.pptx
LE_Q3_Aaraling Panlipunan 7_Aralin 2_Linggo 2.pdf
GRADE FIVE, WEEK SEVEN, QUARTER ONE GMRC.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao Most Essential Learning Competencies
PAMUMUHAY NG PAYAK BILANG PANSARILING PAGIINGAT SA KALIKASAN
EDITED-ARALIN-5-PPT-TEKSTONG-BISWAL-AT-TEKSTONG-PERSWEYSIB.pptx
FILIPINO 7 Q1 W5-TEKSTONG IMPORMASYONAL.pptx
tsa-171010002222.pptxpowerpoint presentation
panitikang katutubo matatag filipino seveb
AP8 Q1 Week 3-4 Kabihasnang Mycenaean.pptx
WEEK 8-sanaysay at burador sa filipino 8.pptx
AP7 Q1 Week 7-1 MGA KAHARIANG PANGKONTINENTENG TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
QUIZZ BEEbuwanngwikangpambansaagosto2025.pptx
Kailangang-maisulat-ang-titik-ng-tamang-sagot-sa-papel-sa-loob-ng-itinakdang-...
Panitikan sa Panahon ng Katutubo-Tuluyan (Alamat).pptx
ESP QUARTER 1LESSON AND ACTIVITY.pptx

Mga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docx

  • 1. KUNG TUYO NA ANG LUHA MO, AKING BAYAN Amado V. Hernandez Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha Ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa: Ang bandilang sagisag mo’y lukob ng dayong bandila, Pati wikang minana mo’y busabos ng ibang wika, Ganito ring araw nang agawan ka ng laya, Labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila, Lumuha ka, habang sila ay palalong nagdiriwang, Sa libingan ng maliit, ang malaki’y may libingan; Katulad mo ay si Huli, naaliping bayad-utang, Katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan; Walang lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban, Tumataghoy, kung paslangin; tumatangis, kung nakawan! Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop Na sa iyo’y pampahirap, sa banyaga’y pampalusog: Ang lahat mong kayamana’y kamal-kamal na naubos, Ang lahat mong kalayaa’y sabay- sabay na natapos; Masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo’y nakatanod, Masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot! Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon, Kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon, Kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang magdaluyong, Kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungol, Kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon, Lumuha ka nang lumuha’t ang laya mo’y nakaburol. May araw ding ang luha mo’y masasaid, matutuyo, May araw ding di na luha sa mata mong namumugto Ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo, Samantalang ang dugo mo ay aserong kumukulo; Sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo At ang lumang tanikala’y lalagutin mo ng punglo! Pamana ng Lahi Patrocinio V. Villafuerte Di mo man sabihin, aking nababatid, Ikaw'y naglalakbay sa Bagong Daigdig; Paraisong dati'y hinanap, inibig, Alaala na lang na di magbabalik Sabay sa pagsikat ng Bagong Umaga, Naglaho nang ganap ang pangungulila; Hungkag na buhay mo'y mabigyan ng pag-asa, Ang Bagong Lipunan, may handog na ligaya. Ngunit ang lipuna'y hindi nagwawakas, Sa mga pangako at mga pangarap; Damdaming dakila at diwang matalas, Siyang magbubukas sa malayang pugad. Pag-unlad ng bansa'y may hatid-pangako, Na ang kalinanga'y dapat na mabuo;
  • 2. Kulturang pambansa'y di dapat isuko, Hayaang magbunga't mabusog sa puso. Ngunit tila yata nalilimutan mo, Mga kaugaliang buhay-Pilipino, Ang lahat ng ito ay pagyamanin mo, Ay nasyonalismo'y mapapasaiyo. Ang pagkakaisa'y pagbabayanihan, Nag-usbong sa diwa't lahing makabayan, Kung sasariwain at pagbabalikan, Ang pagkakabuklod ay masisilayan. Sa pistang-bayan masasaksihan mo, May perya't pabitin saka palo-sebo, At ang santakrusan ay pinagdarayo. Sa mga tahana't pook na dakila, Ang tanging biyaya'y moral na adhika; Payo ng magulang ay banal na wika, Sa mabuting anak ay buhay na nasa. Ang lahat ng ito'y pamana ng lahi, Gabay nitong bansa't dangal nitong lipi; Kaya't magsikap ka, tuwa'y magbibinhi, Ikaw'y Pilipinong dapat na maghari. Ako’y Wika Tula ni Kiko Manalo Wikang Filipino ang aking pangalan, Ipinanganak ko itong kalayaan, Ako ang ina at siyang dahilan, Ng pagkakaisa at ng kasarinlan! Sapagkat ako nga ang siyang tumanglaw Sa bansang tahanang iyong tinatanaw, Katulad ng inang sa iyo ay ilaw, Nagbibigay-sigla’t buting sumasaklaw! Ako rin ang ama at naging haligi, Ng mga sundalo at mga bayani, Sa digmaan noon sa araw at gabi, Ako ang sandatang nagtaas ng puri! Pagkat akong wika ang lakas mo’t tuwa Ako’y lakas nitong bisig mo at diwa Sa pamamagitan ng aking salita, Ligtas ka sa uring luksong masasama! Sinalita ako at gamit ng lahat, Upang mga taksil ay maisiwalat, Sa Luzon, Visayas, sa lahat ng s’yudad, Pati sa Mindanao, ako ay nangusap! At nakamit mo na ang hangad na laya, Mula sa dayuhang sakim at masama, Dilim na sumakop sa bayan at bansa, Dagling lumiwanag, pintig ay huminga! Wikang Filipino, ginto mo at hiyas, Panlahat na wika saan man bumagtas, Ilaw na maalab, sa dilim ay lunas At lakas patungo sa tuwid na landas! Pag-ibig sa Tinubuang Lupa Tula ni Andres Bonifacio Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa? Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala. Ulit-ulitin mang basahin ng isip at isa-isahing talastasing pilit ang salita’t buhay na limbag at titik ng isang katauhan ito’y namamasid. Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal sa tapat na puso ng sino’t alinman, imbit taong gubat, maralita’t mangmang nagiging dakila at iginagalang. Pagpupuring lubos ang nagiging hangad sa bayan ng taong may dangal na ingat, umawit, tumula, kumatha’t sumulat, kalakhan din nila’y isinisiwalat. Walang mahalagang hindi inihandog ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop, dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod, buhay ma’y abuting magkalagot-lagot. Bakit? Ano itong sakdal nang laki na hinahandugan ng buong pag kasi
  • 3. na sa lalong mahal kapangyayari at ginugugulan ng buhay na iwi. Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan, siya’y ina’t tangi na kinamulatan ng kawili-wiling liwanag ng araw na nagbibigay init sa lunong katawan. Sa kanya’y utang ang unang pagtanggap ng simoy ng hanging nagbigay lunas, sa inis na puso na sisinghap-singhap, sa balong malalim ng siphayo’t hirap. Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal mula sa masaya’t gasong kasanggulan. hanggang sa katawan ay mapasa-libingan. Ang nangakaraang panahon ng aliw, ang inaasahang araw na darating ng pagka-timawa ng mga alipin, liban pa ba sa bayan tatanghalin? At ang balang kahoy at ang balang sanga na parang niya’t gubat na kaaya-aya sukat ang makita’t sa ala-ala ang ina’t ang giliw lampas sa saya. Tubig niyang malinaw sa anaki’y bulog bukal sa batisang nagkalat sa bundok malambot na huni ng matuling agos na nakaka aliw sa pusong may lungkot. Sa aba ng abang mawalay sa Bayan! gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay walang ala-ala’t inaasam-asam kundi ang makita’ng lupang tinubuan. Pati na’ng magdusa’t sampung kamatayan wari ay masarap kung dahil sa Bayan at lalong maghirap. O! himalang bagay, lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay. Kung ang bayang ito’y nasa panganib at siya ay dapat na ipagtangkilik ang anak, asawa, magulang, kapatid isang tawag niya’y tatalikdang pilit. Datapwa kung bayan ano ang bayan ng ka- Tagalogan ay nilalapastangan at niyuyurakan katwiran, puri niya’t kamahalan ng sama ng lilong ibang bayan. Di gaano kaya ang paghinagpis ng pusong Tagalog sa puring nalait at aling kaluoban na lalong tahimik ang di pupukawin sa paghihimagsik? Saan magbubuhat ang paghihinay sa paghihiganti’t gumugol ng buhay kung wala ring ibang kasasadlakan kundi ang lugami sa kaalipinan? Kung ang pagka-baon niya’t pagka-busabos sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop supil ng pang-hampas tanikalang gapos at luha na lamang ang pinaa-agos Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay na di-aakayin sa gawang magdamdam pusong naglilipak sa pagka-sukaban na hindi gumugol ng dugo at buhay. Mangyari kayang ito’y masulyap ng mga Tagalog at hindi lumingap sa naghihingalong Inang nasa yapak ng kasuklam-suklam na Castilang hamak. Nasaan ang dangal ng mga Tagalog, nasaan ang dugong dapat na ibuhos? bayan ay inaapi, bakit di kumikilos? at natitilihang ito’y mapanuod. Hayo na nga kayo, kayong nanga buhay sa pag-asang lubos na kaginhawahan at walang tinamo kundi kapaitan, kaya nga’t ibigin ang naaabang bayan. Kayong antayan na sa kapapasakit ng dakilang hangad sa batis ng dibdib muling pabalungit tunay na pag-ibig kusang ibulalas sa bayang piniit.
  • 4. Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak kahoy niyari ng buhay na nilanta't sukat ng bala-balakit makapal na hirap muling manariwa’t sa baya’y lumiyag. Kayong mga pusong kusang inuusal ng daya at bagsik ng ganid na asal, ngayon magbangon’t baya’y itanghal agawin sa kuko ng mga sukaban. Kayong mga dukhang walang tanging sikap kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap, ampunin ang bayan kung nasa ay lunas sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat. Ipahandog-handog ang buong pag-ibig hanggang sa mga dugo’y ubusang itangis kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid ito’y kapalaran at tunay na langit.