Ang pamilya ay nabuo sa pamamagitan ng pag-aasawa ng isang lalaki at babae, at ito ang pinakamaliit na yunit ng lipunan na kinabibilangan ng ama, ina, at mga anak. Ang pamilya ay may mahalagang misyon na ipakita at ipadama ang pagmamahal, at ito rin ang pundasyon ng lipunan na nagbibigay ng suporta at gabay sa mga anak. Mahalaga ang ugnayan sa loob ng pamilya upang mapanatili ang maayos na pamumuhay at pagtutulungan.