Ang modyul na ito ay tumatalakay sa sinaunang sibilisasyon sa Aprika at ang mga salik ng heograpiya na nakaapekto sa kanilang pamumuhay. Itinatampok ang mga pangunahing kaharian at imperyo, tulad ng Ehipto at Kush, at ang impluwensya ng kalakalan at migrasyon, lalo na ng mga Bantu. Inaasahang matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay maipapaliwanag kung paano nakaapekto ang heograpiya sa mga sinaunang sibilisasyon at matutukoy ang mga dahilan ng pag-unlad at pagbagsak ng mga kaharian.