Ang Repormasyon ay isang kilusang nagdulot ng malaking pagbabago sa pananampalatayang relihiyon, na naglalayong baguhin ang pamamalakad ng simbahan at humina ang kapangyarihan ng papa. Isa sa mga pangunahing tauhan dito si Martin Luther na naglabas ng 95 Puntos laban sa mga katiwalian ng simbahan noong 1517 na nagresulta sa pag-usbong ng mga bagong denominasyon tulad ng Lutheranismo at Calvinismo. Ang mga kaganapang ito ay nagiwan ng makabuluhang bakas sa kasaysayan ng Kanluran, kasama na ang mahigit tatlong dekadang digmaan ukol sa relihiyon.