Ang sektor ng agrikultura ay isang mahalagang bahagi ng ekonomiya ng Pilipinas, na nagpoprodyus ng pagkain at hilaw na mga produkto. Kabilang dito ang mga pangunahing industriya tulad ng paghahalaman, paghahayupan, pangingisda, at paggugubat, na nagbibigay ng trabaho at mga materyales sa iba pang sektor. Gayunpaman, nahaharap ito sa iba't ibang suliranin tulad ng mataas na gastos, kakulangan sa makabagong teknolohiya, at pagdagsa ng mga dayuhang kalakal.