Kahulugan at Kahalagahan
ng Ekonomiks
UNANG MARKHAN
ARALIN 1
UNANG MARKHAN
ARALIN 1
GAWAIN 1: OVER SLEPT
Suriin ang larawan
at bigyan ito ng
interpretasyon
1. Ano ang ipinakikita sa
larawan?
3. Paano ka gumagawa
ng desisyon kapag nasa
gitna ka ng maraming
sitwasyon at kailangan
mong pumili?. Ipaliwanag
2. Nalagay ka ba sa
sitwasyong katulad ng
nasa larawan? Sa naong
uri ng Sitwasyon?
Ipaliwanag.
EKONOMIKS
Isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-
aaral kung paano tutugunan ang tila
walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan ng tao gamit ang limitadong
pinagkukunang yaman.
EKONOMIKS
OIKONOMIA
NOMOS
OIKOS
(Bahay) (Pamamahala)
-PAMAMAHALA NG SAMBAHAYAN
EKONOMIYA AT SAMBAHAYAN
Magkatulad na gumagawa ng desisyon
Magkatulad na gumagawa ng desisyon
Nagpaplano kung paano mahahati-hati ang
limitadong resources sa maraming
pangangailangan at kagustuhan.
Ang pamayanan katulad ng
sambahayan, ay gumaganap din ng
iba’t ibang desisyon. Ang pamayanan
ay kailangang gumawa ng desisyon
kung ano-anong produkto at serbisyo
ang gagawin, paano gagawin, para
kanino, at gaano karami ang gagawin.
1. ano-anong produkto at serbisyo
ang gagawin?
2. Paano gagawin
3. Para kanino?
4. Gaano karami ang gagawin?
Lumalabas ang mga batayang katanungang
nabanggit dahilan sa suliranin sa kakapusan.
May kakapusan dahil may limitasyon ang
mga pinagkukunang-yaman at walang
katapusan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao. Dahil sa kakapusan,
kailangan ng mekanismo ng pamamahagi ng
limitadong pinagkukunang-yaman.
Ang kakapusan ay kaakibat na ng buhay dahil may limitasyon
ang kakayahan ng tao at may limitasyon din ang iba pang
pinagkukunang-yaman tulad ng yamang likas at kapital. Ang
yamang likas ay maaaring maubos at hindi na mapalitan sa
paglipas ng panahon.
Samantala, ang yamang kapital (capital goods) tulad ng
makinarya, gusali, at kagamitan sa paglikha ng produkto ay
may limitasyon din ang dami ng maaaring malikha. Sa gayon,
kailangang magdesisyon ang pamayanan batay sa apat na
pangunahing katanungang pang-ekonomiya na kapaki-
pakinabang sa lahat.
Ang kakapusan na pinagtutuunan ng pag-aaral ng
ekonomiks ay pang-araw-araw na suliraning kinakaharap
hindi lamang ng pamayanan at sambahayan, kundi ng
bawat indibidwal pati ang mga mag-aaral na katulad mo.
Mahahalagang Konsepto sa Ekonomiks
Bahagi na ng buhay ng tao ang pagkakaroon ng mga choice.
Sa pagproseso ng pagpili mula sa mga choice, hindi
maiiwasan ang trade-off.
Ang trade-off ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang
bagay kapalit ng ibang bagay. Mahalaga ang trade-off,
sapagkat sa pamamagitan nito ay maaaring masuri ang mga
pagpipilian sa pagbuo ng pinakamainam na pasya.
Halimbawa, mag-aaral ka ba o maglalaro?
. Ang opportunity cost ay tumutukoy sa
halaga ng bagay o nang best alternative
na handang ipagpalit sa bawat paggawa
ng desisyon (Case, Fair at Oster, 2012).
Sa ginagawang pagsasakriprisyo ay may
opportunity cost
Ang opportunity cost ng paglalaro sa
naunang halimbawa ay ang halaga ng
pag-aral na ipinagpalibang gawin.
Mahalagang makabuo ng matalinong desisyon sa
bawat produkto o serbisyong pagpipilian, subalit
minsan kahit nakabuo na ng desisyon ay hindi pa rin
maiiwasang magbago ng isip sa bandang huli. Ito ay
dahilan sa mga insentibo na iniaalok ng mga lumilikha
ng produkto at serbisyo. Tulad ng pag-aalok ng mas
mura at magandang serbisyo at pagbibigay ng mas
maraming pakinabang sa bawat pagkonsumo ng
produkto o serbisyo.
Maaari ding mailarawan ang incentives sa kung
magbibigay ng karagdagang allowance ang mga
magulang kapalit ng mas mataas na marka na
pagsisikapang makamit ng mag-aaral.
May kasabihan sa ekonomiks na “Rational
people think at the margin.”
Ang ibig sabihin nito ay sinusuri ng isang
indibidwal ang karagdagang halaga, maging ito
man ay gastos o pakinabang na makukuha mula
sa gagawing desisyon. Sa gagawing desisyon
sa pagitan ng pag-aaral at paglalaro,
karagdagang allowance at mataas na grade, ay
masasabing maaaring maging matalino sa
paggawa ng desisyon ang isang tao.
Ang kaalaman sa konsepto ng trade-off, opportunity cost,
incentives, at marginal thinking ay makatutulong sa
matalinong pagdedesisyon upang maging rasyonal ang
bawat isa sa pagbuo ng desisyon. Tingnan ang pigura sa
ibaba.
Ang ekonomiks ay isang sangay ng
_______________________________na nag-aaral
kung paano tutugunan ang tila walang
katapusang ____________________at ______________
ng tao gamit ang ___________ pinagkukunang-
yaman. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na
oikonomia na nagmula naman sa dalawang
salita: ang _________ay nangangahulugang bahay
at ________ na pamamahala.
Agham Panlipunan
Pangangailangan
Kagustuhan limitadong
oikos
nomos
2. Sa iyong palagay, kailan masasabing matalino
ang pagdedesisyong ginawa ng tao?
Pamprosesong Tanong:
1. Paano nakatutulong sa matalinong
pagdedesisyon ang mga konsepto ng trade-off,
opportunity cost, incentives, at marginal thinking?
Gawain 5. Mind Mapping
Isaayos ang ginulong pigura ng mind map. Isulat sa text box ng
mind map ang mga konseptong nakalahad sa talahanayan sa
ibaba. Gamiting batayan sa pagbuo ang arrows.at lines.
Magbigay ng repleksyon tungkol sa iyong mga
natutuhan at reyalisasyon sa kahulugan ng ekonomiks
sa iyong buhay bilang mag-aaral at bilang kasapi ng
pamilya at lipunan
Panghuling Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat
pangungusap at piliin ang tamang titik na tumutukoy
sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel
ang mga sagot.
1. Ang salitang ekonomiks ay galing sa oikonomeia,
isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay:
a. Pamamahala ng negosyo
b. Pakikipagkalakalan
c. Pamamahala ng tahanan
d. Pagtitipid
2. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan
sapagkat:
a. Pinag-aaralan dito kung paano
nagtutulungan ang mga tao upang
matugunan ang kanilang materyal na
pangangailangan
b. Nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang
maging mapayapa ang ating daigdig
c. Pinag-iisipan sa araling ito kung paano
magkakaroon ng salapi ang tao
d. Pinag-aaralan dito kung paano natin
3. May tatlong pangunahing katanungang
sinasagot ang ekonomiks. Alin ang hindi
kasama sa pangkat?
a. Ano ang mga produkto at serbisyong
kailangan ng lipunan?
b. Paano lilikhain ang mga kailangang
produkto at serbisyo?
c. Para kanino ang mga lilikhaing produkto at
serbisyo?
d. Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa
ng produkto?
4. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga
pinagkukunang yaman tulad ng yamang likas, yamang
tao, at yamang kapital. Nagkakaroon ng kakapusan sa
mga ito dahil:
a. Limitado ang mga pinagkukunang yaman at walang
katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao
b. Sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na
pumipinsala sa mga pinagkukunang-yaman
c. Sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago
ng mga produktong ibinebenta sa pamilihan
d. Likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa
pinagkukunang yaman ng bansa
5. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ang dapat
mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon ay:
a. Dinadalihang okasyon
b. Kagustuhang desisyon
c. Opportunity cost ng desisyon
d. Tradisyon ng pamilya
6. Bilang isang agham panlipunan, gumagamit ng
siyentipikong paraan sa pag-aaral ng ekonomiks. Ibig
sabihin nito ay:
a. Tinatanggap ang mga haka-haka lamang sa paggawa ng
mga desisyon.
b. Naglilikom at nagsusuri ng mga datos o impormasyon
upang makapagbigay ng lapat o angkop na kongklusyon.
c. Sapat na ang pansariling opinyon upang makabuo ng
kongklusyon.
d. Ang sasabihin lamang ng mga suplayer ang siyang tama
sapagkat sila ang may hawak ng puhunan.
. 7. Ano ang pinakamahalagang layunin ng ekonomiks
bilang isang agham panlipunan?
a. Maibigay ang hilig ng mga maririwasang tao kahit na
maraming mahihirap.
b. Maitaas ang antas ng pamumuhay ng lahat ng
mamamayan sa isang bansa.
c. Mapag-aralan ang pamamaraan ng pagtaas ng
pambansang kita.
d. Makalikha ng mga produkto at serbisyong pang-
internasyonal at makapaglingkod sa ibang bansa.
.
8. Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks
para sa mga kabataan. Ano sa palagay mo ang
pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng
kaalaman sa ekonomiks?
a. Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks upang
madaling makapasa sa kolehiyo.
b. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan.
c. Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong
pamamaraang makatutulong sa iyo sa pagdedesisyong
pangkabuhayan ngayon at sa hinaharap.
d. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng
ekonomiks.
9. Malaki ang bahaging ginagampanan ng ekonomiks sa lipunan. Alin
sa mga pangungusap ang nagsasaad ng diwang ito?
a. Sa tulong ng pagsusuri sa ekonomiks, napaghahagdan-hagdan
ang katayuan ng mga tao sa lipunan kaya’t nauuuri natin ang
mahihirap, nakaririwasa, at mayayaman.
b. Upang tumaas ang ekonomiya ng isang bansa, kailangang sundin
nito ang mga patakaran ng mayayamang bansa.
c. Ang paglikha ng mga produktong tutugon sa anumang hilig-pantao
ay mahalaga kayat dapat ipagpatuloy and produksyon ng mga ito
kahit na masira ang mga yamang likas sa daigdig.
d. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng ekonomiks, nakatutuklas ng
paraan upang patuloy na tumaas ang antas ng kita, empleyo,
seguridad, at kagalingang panlipunan ng mga mamamayan sa isang
bansa.
10. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan
ng ekonomiks?
a. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng
mga suliraning pangkabuhayan na kinakaharap.
b. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na
nakaimpluwensiya sa kaniyang pagdedesisyon.
c. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano
haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan.
d. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang
kaniyang walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan sa harap ng kakapusan.
Perfomance Task
Iguhit Mo!
Tingnan mo ang iyong paligid sa inyong
bahay, iguhit ang bagay na sa tingin mo ay
tila walang katapusan na pangangailangan
mo at ng iyong pamilya.
References
Balitao, B. et al, EKONOMIKS 10, Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral.
Unang Edisyon. 12-17. (2015)

More Related Content

DOCX
Aralin 1 june 22-25, 2015
DOCX
Modyul araling anlipunan 9 aralin 1
PPTX
ARALING PANLIPUNAN 9 - EKONOMIKSppt.pptx
PPTX
ap9q1w1-24080413242hsdhsf5-6216ef3c.pptx
PPTX
Araling Panlipunan 9 First quarter AP9_Q1_W1.pptx
PPTX
Kahulugan ng Ekonimics sa pang-araw-araw na pamumuhay
PPTX
AP 9 Q1 W2 Sistemang pang ekonomiya LOLOLOL
PPTX
Aralin 1 - Kahulugan ng Ekonomiks.pptx
Aralin 1 june 22-25, 2015
Modyul araling anlipunan 9 aralin 1
ARALING PANLIPUNAN 9 - EKONOMIKSppt.pptx
ap9q1w1-24080413242hsdhsf5-6216ef3c.pptx
Araling Panlipunan 9 First quarter AP9_Q1_W1.pptx
Kahulugan ng Ekonimics sa pang-araw-araw na pamumuhay
AP 9 Q1 W2 Sistemang pang ekonomiya LOLOLOL
Aralin 1 - Kahulugan ng Ekonomiks.pptx

Similar to 1. Q1 A1 Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks.pptx (20)

PPTX
Aralin 1 Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks.pptx
PPTX
Ang Kahulugan at Diwa ng Ekonomiks......
PPTX
apq1week1.pptx
PPTX
kahulugan ng ekonomiks sa pang araw araw na pamumumuhay
DOCX
ap g9.docx
PPTX
Sa usaping kaunlaran, alin sa pitong palatandaan ng Pambansang Kaunlaran ang ...
PPTX
Araling Panlipunan Aralin 1 Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks
PPTX
kahalagahan at kahulugan ng ekonomiks.pptx
PPTX
KAHULUGAN NG EKONOMIKS KAHULUGAN NG EKONOMIKS KAHULUGAN NG EKONOMIKS
PPTX
PPT1 GRADE9..pptx
PDF
Ap 9 module 1 q1
PDF
Ekonomiks Learning Module Yunit 1
PDF
Ekonomiks lm yunit 1 (2)
PPTX
Ekonomiks______1st Quarter - Week 1.pptx
PPTX
Kahulugan ng Ekonomiks at mga mahahalagang konsepto
PPTX
Aralin 1 - Kahulugan ng Ekonomiks.pptx
PPTX
G9 AP Q1 Week 1 Kahulugan ng Ekonomiks.pptx
PPTX
QUIZ KAHULUGAN NG EKONOMIKS sa pang araw araw pptx
PDF
Ekonomiks 9 yunit 1 aralin 1
PPTX
Ekonomiks 1
Aralin 1 Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks.pptx
Ang Kahulugan at Diwa ng Ekonomiks......
apq1week1.pptx
kahulugan ng ekonomiks sa pang araw araw na pamumumuhay
ap g9.docx
Sa usaping kaunlaran, alin sa pitong palatandaan ng Pambansang Kaunlaran ang ...
Araling Panlipunan Aralin 1 Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks
kahalagahan at kahulugan ng ekonomiks.pptx
KAHULUGAN NG EKONOMIKS KAHULUGAN NG EKONOMIKS KAHULUGAN NG EKONOMIKS
PPT1 GRADE9..pptx
Ap 9 module 1 q1
Ekonomiks Learning Module Yunit 1
Ekonomiks lm yunit 1 (2)
Ekonomiks______1st Quarter - Week 1.pptx
Kahulugan ng Ekonomiks at mga mahahalagang konsepto
Aralin 1 - Kahulugan ng Ekonomiks.pptx
G9 AP Q1 Week 1 Kahulugan ng Ekonomiks.pptx
QUIZ KAHULUGAN NG EKONOMIKS sa pang araw araw pptx
Ekonomiks 9 yunit 1 aralin 1
Ekonomiks 1
Ad

More from LUCKY JOY GEASIN (6)

PPTX
3. KAKAPUSAN Quarter 1 Ekonomiks 9..pptx
PPTX
2. Kahalagahan ng ekonomiks Quarter1.pptx
PDF
sistemang pang ekonomiya
PPTX
PPTX
Chaldean HISTORY
PPTX
Phoenician
3. KAKAPUSAN Quarter 1 Ekonomiks 9..pptx
2. Kahalagahan ng ekonomiks Quarter1.pptx
sistemang pang ekonomiya
Chaldean HISTORY
Phoenician
Ad

Recently uploaded (20)

PPTX
module-3sinaunang-kasaysayan-ng-timog-silangang-asyagr-7-ksdqho-240925211020-...
PPTX
Parent's and Teacher's Conference 2.pptx
PPTX
GMRC 2 Quarter 2 Week 1 Matatag Curriculum
DOCX
DLL MATATAG _VALUES EDUCATION 7 Q1 W7.docx
PPT
FILIPINO.Q1.Grade3.Week 3_Day1-Day4).ppt
PPTX
424651512-Sa-Panahon-Ng-Amerikano.pptxss
PPTX
pamilya-241005054033-5d9b6c1ugyfdryesf.pptx
PPTX
AP 9 Aralin 1 Ekonomiks Araling Panlipunan.pptx
PPTX
18._Reformasyon_at_Kontra_Reformasyon_.pptx
PPTX
17._Mahahalagang_pangyayari_sa_daigdig_noong_ikalabing_lima_at_ikalabing_anim...
PPTX
values 8 w1 quarter 1.power point presentation
PPTX
Lesson 1 in GMRC 5 Quarter 2 Week 1.pptx
PPTX
781283570-TEORYANG-MAKATAO.pptxhhahahahhahahha
PPTX
EsP Quarter1 Module1 powerpoint presentation
PPTX
Pagsunod sa mga batas trapiko grade 5 .pptx
PPTX
FILIPINO 4 WEEK 8 MATATAG Q1 DAY 1-4.pptx
PPTX
Maikling Pagsusulit Filipino 10 (QA1A)..
PPTX
Ang Guryon.pptxmkcndjncjndjcnjdnjnjnj nm
PPTX
Uri_ng_-Pamahalaang_Amerikano_Day 1.pptx
PPTX
Sanaysaymulasagreece_086785677(51030.pptx
module-3sinaunang-kasaysayan-ng-timog-silangang-asyagr-7-ksdqho-240925211020-...
Parent's and Teacher's Conference 2.pptx
GMRC 2 Quarter 2 Week 1 Matatag Curriculum
DLL MATATAG _VALUES EDUCATION 7 Q1 W7.docx
FILIPINO.Q1.Grade3.Week 3_Day1-Day4).ppt
424651512-Sa-Panahon-Ng-Amerikano.pptxss
pamilya-241005054033-5d9b6c1ugyfdryesf.pptx
AP 9 Aralin 1 Ekonomiks Araling Panlipunan.pptx
18._Reformasyon_at_Kontra_Reformasyon_.pptx
17._Mahahalagang_pangyayari_sa_daigdig_noong_ikalabing_lima_at_ikalabing_anim...
values 8 w1 quarter 1.power point presentation
Lesson 1 in GMRC 5 Quarter 2 Week 1.pptx
781283570-TEORYANG-MAKATAO.pptxhhahahahhahahha
EsP Quarter1 Module1 powerpoint presentation
Pagsunod sa mga batas trapiko grade 5 .pptx
FILIPINO 4 WEEK 8 MATATAG Q1 DAY 1-4.pptx
Maikling Pagsusulit Filipino 10 (QA1A)..
Ang Guryon.pptxmkcndjncjndjcnjdnjnjnj nm
Uri_ng_-Pamahalaang_Amerikano_Day 1.pptx
Sanaysaymulasagreece_086785677(51030.pptx

1. Q1 A1 Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks.pptx

  • 1. Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks UNANG MARKHAN ARALIN 1
  • 2. UNANG MARKHAN ARALIN 1 GAWAIN 1: OVER SLEPT Suriin ang larawan at bigyan ito ng interpretasyon
  • 3. 1. Ano ang ipinakikita sa larawan? 3. Paano ka gumagawa ng desisyon kapag nasa gitna ka ng maraming sitwasyon at kailangan mong pumili?. Ipaliwanag 2. Nalagay ka ba sa sitwasyong katulad ng nasa larawan? Sa naong uri ng Sitwasyon? Ipaliwanag.
  • 4. EKONOMIKS Isang sangay ng Agham Panlipunan na nag- aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang yaman.
  • 6. EKONOMIYA AT SAMBAHAYAN Magkatulad na gumagawa ng desisyon Magkatulad na gumagawa ng desisyon Nagpaplano kung paano mahahati-hati ang limitadong resources sa maraming pangangailangan at kagustuhan.
  • 7. Ang pamayanan katulad ng sambahayan, ay gumaganap din ng iba’t ibang desisyon. Ang pamayanan ay kailangang gumawa ng desisyon kung ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin, paano gagawin, para kanino, at gaano karami ang gagawin.
  • 8. 1. ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin? 2. Paano gagawin 3. Para kanino? 4. Gaano karami ang gagawin?
  • 9. Lumalabas ang mga batayang katanungang nabanggit dahilan sa suliranin sa kakapusan. May kakapusan dahil may limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Dahil sa kakapusan, kailangan ng mekanismo ng pamamahagi ng limitadong pinagkukunang-yaman.
  • 10. Ang kakapusan ay kaakibat na ng buhay dahil may limitasyon ang kakayahan ng tao at may limitasyon din ang iba pang pinagkukunang-yaman tulad ng yamang likas at kapital. Ang yamang likas ay maaaring maubos at hindi na mapalitan sa paglipas ng panahon. Samantala, ang yamang kapital (capital goods) tulad ng makinarya, gusali, at kagamitan sa paglikha ng produkto ay may limitasyon din ang dami ng maaaring malikha. Sa gayon, kailangang magdesisyon ang pamayanan batay sa apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiya na kapaki- pakinabang sa lahat.
  • 11. Ang kakapusan na pinagtutuunan ng pag-aaral ng ekonomiks ay pang-araw-araw na suliraning kinakaharap hindi lamang ng pamayanan at sambahayan, kundi ng bawat indibidwal pati ang mga mag-aaral na katulad mo.
  • 12. Mahahalagang Konsepto sa Ekonomiks Bahagi na ng buhay ng tao ang pagkakaroon ng mga choice. Sa pagproseso ng pagpili mula sa mga choice, hindi maiiwasan ang trade-off. Ang trade-off ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay. Mahalaga ang trade-off, sapagkat sa pamamagitan nito ay maaaring masuri ang mga pagpipilian sa pagbuo ng pinakamainam na pasya. Halimbawa, mag-aaral ka ba o maglalaro?
  • 13. . Ang opportunity cost ay tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon (Case, Fair at Oster, 2012). Sa ginagawang pagsasakriprisyo ay may opportunity cost Ang opportunity cost ng paglalaro sa naunang halimbawa ay ang halaga ng pag-aral na ipinagpalibang gawin.
  • 14. Mahalagang makabuo ng matalinong desisyon sa bawat produkto o serbisyong pagpipilian, subalit minsan kahit nakabuo na ng desisyon ay hindi pa rin maiiwasang magbago ng isip sa bandang huli. Ito ay dahilan sa mga insentibo na iniaalok ng mga lumilikha ng produkto at serbisyo. Tulad ng pag-aalok ng mas mura at magandang serbisyo at pagbibigay ng mas maraming pakinabang sa bawat pagkonsumo ng produkto o serbisyo. Maaari ding mailarawan ang incentives sa kung magbibigay ng karagdagang allowance ang mga magulang kapalit ng mas mataas na marka na pagsisikapang makamit ng mag-aaral.
  • 15. May kasabihan sa ekonomiks na “Rational people think at the margin.” Ang ibig sabihin nito ay sinusuri ng isang indibidwal ang karagdagang halaga, maging ito man ay gastos o pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon. Sa gagawing desisyon sa pagitan ng pag-aaral at paglalaro, karagdagang allowance at mataas na grade, ay masasabing maaaring maging matalino sa paggawa ng desisyon ang isang tao.
  • 16. Ang kaalaman sa konsepto ng trade-off, opportunity cost, incentives, at marginal thinking ay makatutulong sa matalinong pagdedesisyon upang maging rasyonal ang bawat isa sa pagbuo ng desisyon. Tingnan ang pigura sa ibaba.
  • 17. Ang ekonomiks ay isang sangay ng _______________________________na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang ____________________at ______________ ng tao gamit ang ___________ pinagkukunang- yaman. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia na nagmula naman sa dalawang salita: ang _________ay nangangahulugang bahay at ________ na pamamahala. Agham Panlipunan Pangangailangan Kagustuhan limitadong oikos nomos
  • 18. 2. Sa iyong palagay, kailan masasabing matalino ang pagdedesisyong ginawa ng tao? Pamprosesong Tanong: 1. Paano nakatutulong sa matalinong pagdedesisyon ang mga konsepto ng trade-off, opportunity cost, incentives, at marginal thinking?
  • 19. Gawain 5. Mind Mapping Isaayos ang ginulong pigura ng mind map. Isulat sa text box ng mind map ang mga konseptong nakalahad sa talahanayan sa ibaba. Gamiting batayan sa pagbuo ang arrows.at lines.
  • 20. Magbigay ng repleksyon tungkol sa iyong mga natutuhan at reyalisasyon sa kahulugan ng ekonomiks sa iyong buhay bilang mag-aaral at bilang kasapi ng pamilya at lipunan
  • 21. Panghuling Pagtataya Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot. 1. Ang salitang ekonomiks ay galing sa oikonomeia, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay: a. Pamamahala ng negosyo b. Pakikipagkalakalan c. Pamamahala ng tahanan d. Pagtitipid
  • 22. 2. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat: a. Pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang materyal na pangangailangan b. Nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig c. Pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakaroon ng salapi ang tao d. Pinag-aaralan dito kung paano natin
  • 23. 3. May tatlong pangunahing katanungang sinasagot ang ekonomiks. Alin ang hindi kasama sa pangkat? a. Ano ang mga produkto at serbisyong kailangan ng lipunan? b. Paano lilikhain ang mga kailangang produkto at serbisyo? c. Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo? d. Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng produkto?
  • 24. 4. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang yaman tulad ng yamang likas, yamang tao, at yamang kapital. Nagkakaroon ng kakapusan sa mga ito dahil: a. Limitado ang mga pinagkukunang yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao b. Sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga pinagkukunang-yaman c. Sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong ibinebenta sa pamilihan d. Likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa pinagkukunang yaman ng bansa
  • 25. 5. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon ay: a. Dinadalihang okasyon b. Kagustuhang desisyon c. Opportunity cost ng desisyon d. Tradisyon ng pamilya
  • 26. 6. Bilang isang agham panlipunan, gumagamit ng siyentipikong paraan sa pag-aaral ng ekonomiks. Ibig sabihin nito ay: a. Tinatanggap ang mga haka-haka lamang sa paggawa ng mga desisyon. b. Naglilikom at nagsusuri ng mga datos o impormasyon upang makapagbigay ng lapat o angkop na kongklusyon. c. Sapat na ang pansariling opinyon upang makabuo ng kongklusyon. d. Ang sasabihin lamang ng mga suplayer ang siyang tama sapagkat sila ang may hawak ng puhunan.
  • 27. . 7. Ano ang pinakamahalagang layunin ng ekonomiks bilang isang agham panlipunan? a. Maibigay ang hilig ng mga maririwasang tao kahit na maraming mahihirap. b. Maitaas ang antas ng pamumuhay ng lahat ng mamamayan sa isang bansa. c. Mapag-aralan ang pamamaraan ng pagtaas ng pambansang kita. d. Makalikha ng mga produkto at serbisyong pang- internasyonal at makapaglingkod sa ibang bansa.
  • 28. . 8. Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga kabataan. Ano sa palagay mo ang pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks? a. Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks upang madaling makapasa sa kolehiyo. b. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan. c. Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang makatutulong sa iyo sa pagdedesisyong pangkabuhayan ngayon at sa hinaharap. d. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng ekonomiks.
  • 29. 9. Malaki ang bahaging ginagampanan ng ekonomiks sa lipunan. Alin sa mga pangungusap ang nagsasaad ng diwang ito? a. Sa tulong ng pagsusuri sa ekonomiks, napaghahagdan-hagdan ang katayuan ng mga tao sa lipunan kaya’t nauuuri natin ang mahihirap, nakaririwasa, at mayayaman. b. Upang tumaas ang ekonomiya ng isang bansa, kailangang sundin nito ang mga patakaran ng mayayamang bansa. c. Ang paglikha ng mga produktong tutugon sa anumang hilig-pantao ay mahalaga kayat dapat ipagpatuloy and produksyon ng mga ito kahit na masira ang mga yamang likas sa daigdig. d. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng ekonomiks, nakatutuklas ng paraan upang patuloy na tumaas ang antas ng kita, empleyo, seguridad, at kagalingang panlipunan ng mga mamamayan sa isang bansa.
  • 30. 10. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng ekonomiks? a. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan na kinakaharap. b. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakaimpluwensiya sa kaniyang pagdedesisyon. c. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan. d. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.
  • 31. Perfomance Task Iguhit Mo! Tingnan mo ang iyong paligid sa inyong bahay, iguhit ang bagay na sa tingin mo ay tila walang katapusan na pangangailangan mo at ng iyong pamilya.
  • 32. References Balitao, B. et al, EKONOMIKS 10, Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral. Unang Edisyon. 12-17. (2015)