4. 4
Saklaw na Pamantayang
Propesyonal
Domain 1. Content Knowledge and Pedagogy
Strand 1.2 Research-based knowledge and principles of teaching and
learning
1.2.2 Use research-based knowledge and principles of teaching and learning
to enhance professional practice.
Strand 1.6 Classroom communication strategies
1.6.2 Apply effective verbal and non-verbal classroom communication
strategies to support learner understanding.
5. 5
Saklaw na Pamantayang
Propesyonal
Domain 1. Content Knowledge and Pedagogy
• Strand 1.1 Content knowledge and its application within and across
curriculum areas
• Strand 1.2.2 Apply knowledge of content within and across curriculum teaching areas
• Strand 1.4 Strategies for promoting literacy and numeracy
• Strand 1.4.2 Use range of teaching strategies that enhance learner achievement in the
literacy and numeracy skills.
6. 6
Mga Layunin ng Sesyon
🎯 Layunin ng Seminar para sa mga Guro ng
Makabansa 2
Pagkatapos ng seminar, inaasahan na ang mga kalahok ay:
• Naipaliliwanag ang mga batayang teoretikal, pilosopikal, at konseptuwal
ng Makabansa Curriculum (Brain-Based Learning, Ecological Systems
Theory, Social Constructivism, at Culture as Meaning-Making) bilang gabay
sa integrasyon ng Araling Panlipunan at MAPEH.
• Nabibigyang-halimbawa ang mga estratehiya sa pagtuturo ng Araling
Panlipunan na naka-integrate sa MAPEH gamit ang sining, musika, sayaw,
at pisikal na gawain bilang midyum ng pagkatuto.
7. 7
Mga Layunin ng Sesyon
🎯 Layunin ng Seminar para sa mga Guro ng Makabansa 2
Pagkatapos ng seminar, inaasahan na ang mga kalahok ay:
• Naiuugnay ang mga konsepto ng kultura, komunidad,
at pagkatao sa mga gawaing pampagtuturo na nakasentro sa karanasan at
kapaligiran ng mga batang nasa Baitang 2.
• Nakabubuo ng integratibong activity
matrix na naglalaman ng mga temang lokal at pambansa bilang kasangkapan s
a pagpapalalim ng pagkatuto sa Makabansa.
11. 11
oportunidad na makita ng mga mag-aaral ang
kahulugan at layunin ng mga paksa at
kagamitang pampagkatuto
MAKABANSA
Integrated na kurikulum
Watkins at Kritsonis (2011)
12. katuwang ito sa pagtataguyod ng
pundasyong panliterasi at numerasi sa
unang yugto ng pagkatuto habang
binibigyang-diin ang pagkakakilanlang
kultural na isa sa mga haligi ng
patriyotismo at nasyonalismo
Makabansa
13. LOEPP (1999)
matalinong pag-uusisa (intellectual curiosity),
higit na interes sa pag-aaral,
mas mahusay na pagtugon sa mga suliranin
(problem solving), at mataas na pang-
akademikong tagumpay.
Makabansa
15. LAYUNIN NG MAKABANSA
16
▪ Mapalakas ang pundasyon ng mga mag-aaral sa pagbuo
ng kanilang pagkakakilanlan bilang isang tao at Pilipino;
▪ Mapalakas ang pundasyon ng mga mag aaral sa
kakayahan sa paggalaw, pangkalusugan at malikhaing
pagpapahayag ng kanilang damdamin; at
▪ Mapaigting ang pundasyong panliterasi ng mag-aaral.
17. Mga panuntunan sa gawain:
1. Hatiin ang klase sa limang pangkat ayon sa sumusunod
na paksa :
Pangkat 1 – Mga Batayan ng Makabansa
Pangkat 2 – Pangunahing Kaisipan
Pangkat 3 – Mga Pamantayan
Pangkat 4 – Expanding Environment
Pangkat 5 – Ika-21 Siglong mga Kasanayan
18
18. 2. Tukuyin at talakayin sa pangkat
ang naatasang paksa gamit
ang Shaping Paper.
3. Itala ang mga sagot
(keyword/phrase) sa ibibigay na
worksheet sa loob ng 5 minuto.
19
19. 4. Pumili ng lider, kalihim at taga-ulat na
siyang mag-uulat ng mga tinalakay sa
pangkat.
5. Bibigyan ng dalawang (2) minuto ang
bawat pangkat sa pag-uulat.
20
23. Mga Batayan sa Pagbuo at Pagsasaayos ng
Kurikulum para sa Makabansa
25
• Brain-based Learning Theory
• Ecological Systems Theory
• Social Constructivism
• Culture as Meaning-Making
25. Pamantayan
1. Pamantayan sa Pagkatuto sa Erya
a. pag-unawa sa sarili at kultural na kamalayan
(consciousness);
b. kasanayan (skill) upang maging malusog,
malikhain;
c. may kakayanang (ability) makipag-ugnayan sa
kapwa at pamayanan.
27
26. 2. Pamantayan sa Bawat Baitang
28
Pamantayan
Naipamamalas ang pag-
unawa sa mga batayang
konseptong pansarili at
kultural na kamalayan at
kasanayan sa pagkakaroon
ng malusog na
pangangatawan upang
magampanan ang mga
responsibilidad bilang
kasapi ng
kinabibilangang
pamayanan
GRADE 1
Naipamamalas ang pag-
unawa sa mga kaugnay na
konseptong pansarili at
kultural na kamalayan at
kasanayan sa pagkakaroon
ng malusog na
pangangatawan upang
mapahalagahan ang mga
responsibilidad bilang
aktibong kasapi ng
kinabibilangang
komunidad
GRADE 2
Naipamamalas ang pag-
unawa sa kahalagahan ng
pansarili at kultural na
kamalayan at kasanayan sa
pagkakaroon ng malusog
na pangangatawan upang
mailapat ang mga
responsibilidad ng isang
aktibo at malikhaing
kasapi ng mas malawak
na komunidad
GRADE 3
27. Ang Makabansa ay isinaayos batay sa prinsipyo ng
lumalawak na kapaligiran (expanding horizon/ environment
model) na madalas ginagamit sa panlipunang pag- aaral sa
elementarya (Krahenbuhl, 2019; Ramli, 2009; Leming,
Ellington, & Porter, 2003).
29
Pamamaraang Expanding Environment
28. • Angkop sa Student-centered approach
• Tungo sa mga konseptong nauukol sa
mas malawak na Lipunan
30
Pamamaraang Expanding Environment
29. 31
Paglinang ng 21st
Century Skills
Information, Media and
Technology Skills
Learning and
Innovation Skills
Communication Skills Life and Career Skills
❑ pagtukoy ng mga
maling palagay, haka-
haka o opinyon sa mga
babasahin tulad ng mga
aklat, pahayagan,
magazine o maging sa
internet at social media
❑ paggamit ng mga
interaktibong mapa
tulad ng Google Earth,
MapMe, Zeeaps at iba
pa
❑ mapanuring pag-
iisip at
metacognition sa
mga nilalaman at
paksa sa
pagkakakilanlan,
heograpiya,
sining at kultura,
at kakayahang
pansibiko
❑ pagbabahagi ng
impormasyon,
pagsasagawa ng gawain,
pakikipagkasundo sa
pangkat ukol sa mga ideya,
panukala at pagbibigay
solusyon sa mga suliranin
❑ pangangasiwa ng
damdamin, sariling layunin
at tamang asal at
pakikitungo
❑ nagpapahayag ng sariling
saloobin at kurokuro sa
iba’t ibang isyung
panlipunan
❑ pagbubuo at
pagsasakatuparan ng
mga mahusay na
desisyon sa buhay
upang maging
produktibong
mamamayang
nakibabahagi sa
nagbabagong lipunan
31. 33
Naipamamalas ang pag-unawa sa mga kaugnay na
konseptong pansarili at kultural na kamalayan at
kasanayan sa pagkakaroon ng malusog na
pangangatawan upang mapahalagahan ang mga
responsibilidad bilang aktibong kasapi ng
kinabibilangang komunidad.
Pamantayan ng Makabansa sa
Ikalawang Baitang
32. Mga Bahagi ng Curriculum Guide
34
Let’s Walk Through!
34. 36
Inaasahan na sa unang yugto ng pag-unlad ay
makahubog ng mag-aaral na may pag-unawa sa
sarili at kultural na kamalayan (consciousness) at
kasanayan (skill) upang maging malusog,
malikhain, at may kakayahang (ability) makipag-
ugnayan sa kapuwa at pamayanan
Pamantayan sa Unang Yugto ng
Pagkatuto: Makabansa 2
35. 37
Mga Bahagi
Panimulang Pahayag
Inaasahan na sa unang yugto ng pag-unlad
ay makahubog ng mag-aaral na
Kasanayan
may pag-unawa
Nilalaman
sa sarili at kultural na kamalayan
(consciousness) at kasanayan (skill)
Layunin
upang maging malusog, malikhain, at may
kakayahang (ability) makipag-ugnayan sa
kapuwa at pamayanan
36. Pamantayan sa Ikalawang Baitang
(Grade Level Standard)
38
• Naipamamalas ang pag-unawa sa mga kaugnay na
konseptong pansarili at kultural na kamalayan at kasanayan
sa pagkakaroon ng malusog na pangangatawan upang
mapahalagahan ang mga responsibilidad bilang aktibong
kasapi ng kinabibilangang komunidad.
38. 41
Mga Bahagi
Panimulang Pahayag
Naipamamalas ang
Kasanayan
pag-unawa
Nilalaman
sa mga kaugnay na konseptong pansarili at
kultural na kamalayan at kasanayan
Mahalagang Kaisipan
pagkakaroon ng malusog na pangangatawan
Layunin
upang mapahalagahan ang mga responsibilidad
bilang aktibong kasapi ng kinabibilangang
39. 42
Magampanan ang mga responsibilidad
bilang kasapi ng kinabibilangang
pamayanan.
Mapahalagahan ang mga responsibilidad
bilang aktibong kasapi ng kinabibilangang
komunidad.
Maisakatuparan ang mga responsibilidad
ng isang aktibo at malikhaing kasapi ng
mas malawak na komunidad.
Makabansa 1
Makabansa 2
Makabansa 3
40. 43
∙mga kaalaman, kasanayan, at
pag-unawa na inaasahang
makamit ng mga mag-aaral sa
pagtatapos ng yunit.
Pamantayang
Pangnilalaman
44. 47
Mga Bahagi
Panimulang Pahayag Nauunawaan
Knowledge/Skills/
Attitudes
Ang katangiang
heograpikal ng
kinabibilangang
komunidad.
Pamantayang Pangnilalaman
45. 48
∙tumutukoy ito sa kung paano
ilalapat ng mga mag-aaral ang
kanilang kaalaman, kasanayan,
at pag-unawa sa mga
situwasiyon sa tunay na buhay.
Pamantayan
sa Pagganap
46. 49
Mga Bahagi
Pandiwa sa Antas ng
Paglikha (Anderson
and Krathwohl)
Produkto
Paksa / Nilalaman
Pamantayan sa Pagganap
49. 52
Mga Bahagi
Pandiwa sa Antas ng
Paglikha (Anderson
and Krathwohl)
Nakagagawa
Produkto likhang-sining (mapa)
Paksa / Nilalaman na nagpapakita ng katangiang
heograpikal ng kinabibilangang
komunidad
Pamantayan sa Pagganap
50. 53
Tumutukoy sa isang tiyak o partikular na kasanayan na nararapat isagawa
ng mag-aaral nang may pagkukusa. Mayroon itong iba’t ibang antas ng
kahirapan at antas ng pagganap.
Tumutukoy rin ito sa kakayahang maisagawa ang mga gawain ayon sa
inaasahang pamantayan sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang
kaalaman, kasanayan at pag-uugali.
Kasanayang Pampagkatuto
55. 59
Proseso sa Pagbuo ng Makabansa bilang Integrated
Learning Area
4 na Paraan ng Integrasyon (Harrell 2010 & Costley, 2015)
Fusion – pagsasanib ng dalawang magkaibang disiplina
Incorporation – pagdagdag ng isang bagong element
Correlation – pag-uugnay ng magkakaibang paksa
Harmonization – pagsasaayos ng mga elemento upang magtulungan.
56. 60
Batayang Teoretikal, Pilosopikal, at Konseptuwal sa Pagtuturo ng
Araling Panlipunan na may Integrasyon ng MAPEH (Baitang 2)
Brain-Based Learning Theory
Ang Brain-Based Learning ay isang teoryang nagsasabing ang pagkatuto ay mas
magiging epektibo kung ito ay nakaayon sa natural na paraan ng paggana ng utak.
Ayon kina Caine at Caine (1990), ang utak ay tumutugon nang mas mahusay sa
mga karanasang:
o Makabuluhan (personally meaningful);
o May emosyonal na koneksyon; at
o Ginagamitan ng multisensory stimuli (musika, sining, kilos).
57. 61
Batayang Teoretikal, Pilosopikal, at Konseptuwal sa Pagtuturo ng
Araling Panlipunan na may Integrasyon ng MAPEH (Baitang 2)
Ecological Systems Theory (Bronfenbrenner, 1979)
Ang Ecological Systems Theory ay nagpapakita na ang pag-unlad
ng isang bata ay apektado ng iba’t ibang antas ng kapaligiran:
⮚ Microsystem – pamilya, paaralan, kaibigan;
⮚ Mesosystem – ugnayan ng microsystems;
58. 62
Social Constructivism (Fosnot, 1996; Vygotsky, 1978)
Ayon sa Social Constructivism, ang kaalaman ay hindi
ipinapasa lamang mula guro patungo sa mag-aaral, kundi
ito ay nililikha ng mag-aaral sa pamamagitan ng aktibong
paglahok, collaboration, at reflection. Mahalaga ang
papel ng wika, interaksyon, at kultura sa paghubog ng
pagkatuto.
59. 63
Culture as Meaning-Making (Geertz, 1973)
Ang kultura ay hindi lamang koleksyon ng gawi o paniniwala—ito ay
mekanismo ng pagbibigay-kahulugan sa mundo. Ayon kay Clifford
Geertz, ang kultura ay isang web of meanings na nakaugat sa
simbolismo. Sa pagtuturo, nangangahulugan ito na kailangang
bigyang-halaga ang lokal na karanasan, sining, wika, at tradisyon
upang mag-ugat ang pagkatuto sa realidad ng bata.
60. 64
Ang pangunahing kaisipan ng Makabansa 2 sa MATATAG
Kurikulum ay:
Pagtibayin ang pagkakakilanlan ng mag-aaral bilang isang
Pilipino sa pamamagitan ng paglinang ng makataong asal,
pagmamahal sa bayan, at aktibong pakikilahok sa pamilya,
paaralan, at komunidad.
61. 65
Activity Matrix:
Araling
Panlipunan ×
MAPEH
Integration
(Grade 2)
Paksa sa AP Layunin ng Pagkatuto Inaasahang Produkto /
Gawain
Integrated MAPEH Area Batayang Teoretikal Pagtataya
Ang Aking
Pamayanan
Natutukoy ang mga
pangunahing bahagi ng
pamayanan at tungkulin
ng bawat kasapi
Role-play: Isang dula-
dulaan kung saan
ginagampanan ng mga
bata ang mga tungkulin ng
barangay officials
Arts / PE: Gumamit ng
costume, gumawa ng
simpleng props at senaryo;
kilos-based performance
Social Constructivism,
Ecological Systems
Theory
Rubric para sa
performance;
reflective drawing ng
natutunan
Kultura ng Aking
Komunidad
Naipapakita ang
pagpapahalaga sa
kultura at tradisyon ng
pamayanan
Paglikha ng Maskara o
Katutubong Disenyo na
ginagamit sa lokal na pista
Arts / Music: Paggamit ng
katutubong himig habang
ginagawa ang proyekto
Culture as Meaning-
Making, Brain-Based
Learning
Portfolio ng sining +
maikling
pagpapaliwanag ng
kahulugan
Mga Pagdiriwang
sa Pilipinas
Naipaliliwanag ang
kahalagahan ng mga
lokal at pambansang
pagdiriwang
Sayaw-Pista Presentation:
Pangkatang presentasyon
ng katutubong sayaw na
konektado sa isang lokal na
pista (hal. Ati-atihan)
PE / Music: Ritmo, galaw,
at awitin mula sa kultura
Brain-Based
Learning, Culture as
Meaning-Making
Peer feedback + self-
assessment tool
(emoticon scale or
smiley chart)
Pagkakaisa sa
Pamayanan
Naiisa-isa ang paraan ng
pagtutulungan at
pagkakaisa sa
komunidad
Likhang Awit: Pangkatang
paggawa ng awit tungkol sa
“bayanihan” gamit ang
simpleng melodya
Music: Paggamit ng tugma
at ritmo; pagtuturo ng
musical expression
Social Constructivism,
Brain-Based Learning
Audio recording ng
awit + group reflection
(orally or drawing-
based)
Kalusugan at
Kaligtasan sa
Pamayanan
Naiuugnay ang malusog
na pamumuhay sa
pagiging ligtas at masigla
sa pamayanan
Health & Movement Game:
Larong may galaw na
nagpapakita ng tamang
pangangalaga sa sarili (hal.
hygiene relay, tamang
pagkain charades)
Health / PE: Paggalaw,
kalinisan, pagkain, at
pisikal na aktibidad
Ecological Systems
Theory, Brain-Based
Learning
Observation checklist
+ picture diary ng
ginagawa sa bahay
64. 68
Pangkalahatang Dulog:
Ang pagsasanib ng Araling Panlipunan at MAPEH ay hindi
lamang paglalagay ng art o music activity sa aralin—ito ay
estratehikong pagtuturo na sumusunod sa natural na
pag-unlad ng bata, pinapanday ang pakikipag-ugnayan
niya sa kapwa, at lumilikha ng makabuluhang
kahulugan mula sa kanyang karanasan.
65. “Bilang mga gurong Makabansa, ating padaluyin
ang mga kasanayang dapat na mapaunlad sa mga
mag-aaral.
Tandaan natin na ang pagyakap sa bagong
kurikulum, ay pagyakap din sa ating mga mag-
aaral. Manatiling matatag, ang anomang kahinaan
ay gawin nating kalakasan.”
70
66. Program Management Team
Curriculum and Teaching Strand
Bureau of Curriculum Development
Bureau of Learning Delivery
Bureau of Education Assessment
Bureau of Alternative Education
Bureau of Learning Resources
Human Resources and Organizational Development
Strand
National Educators Academy of the Philippines
(NEAP)
Professional Development Division
Quality Assurance Division
Session Guide and Presentation
Deck Developer/s
Dr. Rosalie Masilang
Rowel Padernal, CESE
Michael Cabrera
Cherry Gil Mendoza
Norebel A. Balagulan, PhD, CESE
MATATAG CURRICULUM TRAINING RESOURCE PACKAGE
71
Editor's Notes
#1:Purpose of the Slide:
Say: Good morning! Welcome to our Phase 2 SBTT for Grades 2358.
Do: Greet the participants
Note:. Reflect the Venue and the Date of the Training
#6:Empahizes Naipapaliwanag… so, anu-ano ang mga teoryang ito? Ipabasa Brain-based……
Nabibigyang-halimbawa – from the theories given icategorize na natin ang ating mga estratehiya sa pagtuturo.
#7:Ibig sabihin nito, sa pamamagitan ng paggamit ng mga karanasan, wika, tradisyon, at kapaligirang pamilyar sa mga bata, sa ganitong paraan, mas nagiging makabuluhan at madaling maunawaan ng mga mag-aaral ang mga aralin, habang sabay na nahuhubog ang kanilang pagkakakilanlan, pakikipagkapwa, at pagpapahalaga sa sariling kultura at komunidad.
Integratibong Activity matrix---ay isang balangkas o talaan na nagpapakita kung paano maaaring pagsamahin o pag-ugnayin ang mga aralin o gawain mula sa iba't ibang asignatura gamit ang isang tema, konsepto, o karanasan ng mga mag-aaral., na kailangan nating matutunan bago tayo makagawa ng isang LP sa Makabansa.
#8: ITANONG:
Ano ang masasabi mo tungkol sa larawan na ito? Paano mo mailalarawan ang mga lugar dito? Ano ang maaari nating itawag sa isang lugar na may ugnayan ang mga tao sa magkakalapit ng lugar?
Mula sa larawang ito, maiuugnay natin ang isa sa mga pokus ng asignatura ng MAKABANSA na nakatuon sa komunidad.
Mga Inaasahang Sagot:
*Nag-uusap-usap o nag-uugnayan ang mga tao
*May magkakalapit na simbahan, paaralan, ospital at iba pang establisyemento.
Inaasahang Sagot:
*Komunidad
SABIHIN:
Mula sa larawang ito, maiuugnay natin ang isa sa mga pokus ng asignatura ng MAKABANSA na nakatuon sa komunidad.
#9:ITANONG:
Paano nabuo ang asignaturang Makabansa?
GAWIN:
Tumawag ng kalahok na maaaring sumagot sa katanungan.
#10:Sabihin:
Sa pagbuo ng Makabansa bilang isang erya ng pagkatuto, isinaalang-alang ang mga sumusunod na proseso. Magsisimula sa diskurso sa pagitan ng mga espesyalista; Pagsangguni sa iba’t ibang pag-aaral at literatura ukol sa integrasyon sa kurikulum; diskurso sa mga dalubhasa at eksperto; at pagbubuo ng layunin, balangkas, at pamantayan. Nauunawaan ng Kagawaran ng Edukasyon ang kahalagahan ng integrasyon ng kurikulum upang mas mapabuti ang pagkatuto ng mga mag-aaral.
#11:Ayon kina Watkins at Kritsonis (2011) Malaki ang impluwensya nila sa pagbuo ng makabansang asignatura dahil sa knaila ang integrated na kurikulum ay nagbibigay…. a na kung saan ang mga mag-aaral ay nagkakaroon din ng mas malalim na pang-unawa sa mga kagamitang nabanggit o learning materials.. Dahil mas nabibigyan kahulugan, o meaning ang konsepto kasi na appreciate na nila tayo teacher sa pagiging resourceful, innovative sa paggamit ng iba’t ibang estratehiya. Kasama na dun ang mga teories at stratehiya na ginagamit natin, nagging makabuluhan na, dahil hindi lang itunuturo o dinidevelop natin konsepto alone, kundi naging makabuluhan na, nagkakaroon na ng meaning, hal. Ang konsepto ng komunidad. Mahalaga rin sa buhay ng bata kasi ipanapakita talaga natin ang kahalagahan ang isang komunidad.Hindi lang naging tradisyunal tayo, kopya-kopya lang.
#12:Sabihin:
Lumalabas sa mga pag-aaral at literatura na ang mabisang integrasyon ng nilalaman, tema, konsepto, kasanayan mula sa iba’t ibang mga asignatura ay nagdudulot ng makahulugan at makabuluhang pagkatuto sa mga mag-aaral (Costley, 2015; Mustafa, 2011; Harell, 2010).
Ang Makabansa ay tumutulong sa pagpapaunlad ng kaalaman sa pagbasa, pagsulat, at bilang ng mga batang mag-aaral. Kasabay nito, pinapalalim nito ang pag-unawa at pagmamalaki sa sariling kultura, na mahalaga sa pagmamahal sa bayan at pagiging makabansa.
Sa katunayan, binigyang-diin ni Leopp (1999) na ang integrasyon ay maaaring magbunga ng higit na matalinong pag-uusisa (intellectual curiosity), higit na interes sa pag-aaral, mas mahusay na pagtugon sa mga suliranin (problem solving), at mataas na pang-akademikong tagumpay.
Gawin: Magtanong sa mga kalahok upang sagutin ang katanungan.
Sabihin: Paano nga ba natin hinihimok ang mga mag-aaral sa Makabansa na magkaroon ng malalim na pagmamahal sa ating bayang sinilangan?
Gawin: Tumawag ng kalahok na maaaring sumagot sa katanungan.
#13: Ayon kay Loepp (1999), Ibig sabihin, ang mga mag-aaral ay mas nagiging masigasig magtanong, mas interesado sa pag-aaral, mas mahusay lumutas ng problema, at mas nagtatagumpay sa paaralan kapag naaangkop ang paraan ng pagtuturo.
Sabihin: Paano nga ba natin hinihimok ang mga mag-aaral sa Makabansa na magkaroon ng malalim na pagmamahal sa ating bayang sinilangan?
#14:GAWIN: Ipakita ang larawan ng BALANGKAS NG MAKABANSA. Ano ang nkasulat sa sentro? Bakit kaya Aktibong Bata?
Sapagkat kumakatawan ito sa kakayahang kilalanin at pangangalagaan ang sarili kasabay ang kanyang pakikipag-ugnayan sa kapwa at komunidad.
Sa labas ng sentro ng balangkas at talong layer na kinapalolooban ng iba’t ibang konsepto ukol sa asignaturang Makabansa. Pinkalabas ng layer ay ang katagang. “Holistikong Pilipinong Mag-aaral na may ika-21 siglong mga Kasanayan. -pangunahing layunin ng k to 12 Kurikulum sa Kabuuan.
Sa Pangalawang layer, ay ang mga ideya ng pagkamalikhain, pakikipag-ugnayan, pagkamalusog at pagkakakilanlan. Ang mga ito ang minimithi na maibahagi at mahubog sa mag-aaral sa pamamagitan ng Kurikulum ng Makabansa sa pamamagitan ng pag- aaral at pagtatalakay ng mga disiplina sa Sining at kultura, sibika, kasaysayan at Kagalingang Pangkatawan.
SABIHIN: Ang pangunahing layunin ng programang K to 12 ay makahubog ng holistikong Pilipinong mag-aaral na mayroong ika-21 siglong kasanayan. Kaakibat ng holistikong pagkahubog ng mga mag-aaral ay ang pagkakaroon ng isang matatag na pag-unawa at pagpapahalaga sa sarili at kultura.
#15:Gawin: Ipakita ang slide.
Sabihin: Ipinakikita ng dayagram na ang asignaturang Makabansa ay isang mahalagang asignaturang tumutugon sa mga konsepto at mga kasanayang huhubog sa mga mag-aaral na magkaroon ng pag-unawa sa sarili at kultural na kamalayan.
Kung ito ang mithiin ng Makabansa 2, nararapat lamang na malaman natin kung ano ang mga standard o pamantayan at mga paksang nakapaloob sa asignaturang ito. Kaya naman ating suriin ang curriculum guide sa pamamagitan ng walkthrough.
Sa unang bahagi ng panayam ay natalakay ang Konseptwal na Balangkas at mga bahagi ng Shaping Paper ng Makabansa. Ating himay-himayin naman ang mga pamantayan ng asignaturang Makabansa sa Ikalawang Baitang.
#16:GAWIN: Ipakita ang slide ng LAYUNIN NG MAKABANSA
SABIHIN:
Pangunahing layunin ng Makabansa na makahubog ng mag-aaral na mayroong pag-unawa sa sarili at kultural na kamalayan, kasanayan upang maging malusog at malikhain, at may kakayahang makipag-ugnayan sa kapwa at pamayanan. Partikular na layunin ng Makabansa na makamit ang mga sumusunod:
Mapalakas ang pundasyon ng mga mag-aaral sa pagbuo ng kanilang pagkakakilanlan bilang isang tao at Pilipino;
Mapalakas ang pundasyon ng mga mag aaral sa kakayahan sa paggalaw, pangkalusugan at malikhaing pagpapahayag ng kanilang damdamin;
Mapaigting ang pundasyong panliterasi ng mag-aaral.
Buod na paliwanag: Layunin ng Makabansa na palakasin ang pagkatao, katawan, at pagkatuto ng mga mag-aaral bilang mga Pilipino.
#17:GAWIN: Ipakita ang slide ng Makabansa Shaping Paper in a Nutshell.
SABIHIN:
Higit nating palalimin ang ating kaalaman sa Makabansa Kurikulum sa pag-unawa ng Shaping Paper partikular ang istruktura ng asignaturang ito. Gagawin natin ito sa pamamagitan ng pangkatang gawain.
#18:GAWIN:
Basahin ang nakasaad sa slides.
a. Hahatiin ang klase sa limang pangkat ayon sa sumusunod na paksa :
Pangkat 1 – Mga Batayan ng Makabansa
Pangkat 2 – Pangunahing Kaisipan
Pangkat 3 – Mga Pamantayan
Pangkat 4 – Expanding Environment
Pangkat 5 – Ika-21 Siglong mga Kasanayan
#19:(Basahin ang slide.)
b. Tukuyin at talakayin sa pangkat ang naatasang paksa gamit ang Shaping Paper.
c. Sagutan sa loob ng 5 minuto. Itala ang mga sagot (keyword/phrase) sa ibibigay na activity sheet.
#20:(Basahin ang slide.)
d. Pumili ng lider, kalihim at taga-ulat na siyang mag-uulat ng mga tinalakay sa pangkat.
e. Bibigyan ng dalawang (2) minuto ang bawat pangkat sa pag-uulat.
#21:GAWIN:
I-Click ang timer.
SABIHIN:
Time is up!
#22:GAWIN:
I-Click ang timer.
SABIHIN:
Time is up!
#23:GAWIN:
I-Click ang timer.
SABIHIN:
Time is up!
#24:GAWIN: Ipakita ang slide ng PRESENTASYON NG AWTPUT
Bigyan lamang ng 2-3 minuto sa pagbabahagi ng awtput.
Magkaroon ng interaktibong talakayan gamit ang pamprosesong mga tanong na makikita sa slides.
#25:SABIHIN:
Ang mga sumusunod ang nagsilbing batayan na sinundan sa pagbuo at pagsasaayos ng kurikulum para sa Makabansa.
Brain-based Learning Theory
Ito ay isang paradigm ng pag-aaral na tumutugon sa pagkatuto ng mga mag-aaral na resulta ng iba’t ibang proseso na nagaganap sa utak/isip ng isang indibidwal. Gumagamit ito ng mga tiyak na estratehiya para sa pag-aaral na nakadisenyo batay sa kung paano gumagana ang atensyon ng tao, memorya, pagganyak, at pagkuha ng kaalaman sa konsepto.
Ecological Systems Theory
Mahalaga sa pananaw na ito ang impluwensya ng kapaligirang panlipunan sa pag-unlad ng tao. Ipinaliliwanag ng teoryang ito kung paanong naaapektuhan ng kapaligirang panlipunan ang pag-unlad ng bata at at paghubog nito sa bawat aspeto ng buhay.
Social Constructivism
Pinaniniwalaan ng teoryang ito na ang isang indibidwal ay aktibong lumilikha ng kahulugan at maging kaalaman mula sa kanyang karanasan at pakikipag-ugnayang panlipunan (social interactions). Pinaniniwalaan nito na ang pagkatuto ay hindi lamang nakatuon sa pag-asimila (assimilation) at akomodasyon (accommodation) ng bagong kaalaman bagkus ito ay nakapaloob sa proseso ugnayang panlipunan (Vygotsky, 1978). Binibigyang-diin nito na ang indibidwal ay aktibo at progresibong lumilikha ng kahulugan at hindi lamang tumatanggap ng iba’t ibang uri ng stimulus mula sa kanyang pakikipag-ugnayan sa kapwa at kapaligiran.
Kultura bilang paglikha ng kahulugan (Culture as Meaning-Making)
Ang kultura, ayon kay Geertz ay sistemang minana na ipinahayag sa simbolikong mga anyo kung saan ang mga ito ay naibabahagi, naipananatili at napauunlad. Tungkulin ng kultura na magbigay ng kahulugan sa mundo na tutulong sa mga mag-aaral na maunawaan ang proseso ng pagkatuto. Sapagkat ang kultura ay bahagi ng kaniyang pagkakakilanlan, higit na magiging makabuluhan sa mga mag-aaral na makilala ang sarili, kapwa, at komunidad. Mapalalalim nito ang pag-unawa at pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa kanilang pagkakakilanlan.
#26:Sabihin:
Nagsisilbing pundasyon ng pamantayan sa kurikulum ang mga pangunahing kaisipan. Sumasaklaw ito sa mga pangunahing konsepto, prinsipyo, teorya, at proseso na nagsisilbing focal point sa kurikulum, pagtuturo, at pagtatasa. Sumasalamin sa dalubhasang pag-unawa at nakaangkla sa diskurso, mga tanong, pagtuklas, at mga argumento sa isang larangan ng pag-aaral ang mga pangunahing kaisipan.
Sa Baitang 2, ang layunin ng Makabansa ay palawakin ang pag-unawa ng mga bata sa kanilang sarili, pamilya, at pamayanan bilang bahagi ng mas malaking lipunan. Dito nila mas mauunawaan ang kahalagahan ng:
Pagtutulungan at paggalang sa kapwa
Pagtupad sa tungkulin bilang kasapi ng pamilya at komunidad
Pagpapakita ng pagmamalasakit at pagmamahal sa bayan sa simpleng paraan
Nakasentro ito sa pagpapanday ng mga batayang pag-uugali at pagpapahalaga na kailangan upang maging mabuting mamamayan.
Batay sa mga deskripsyong ito, ang mga sumusunod ay ang mga partikular na pangunahing kaisipan ng Makabansa:
Pansarili at Kultural na Pagkakakilanlan (Personal and Cultural Identities) Malaki ang ugnayan ng sarili at kultural na pagkakakilanlan, Ang sariling pagkakakilanlan ang pundasyon sa pagkilala sa pagkakakilanlang kultural. Ang pagkakakilanlan bilang Pilipino ay batayan ng makabansang pananaw na siyang tutulong sa pagbuo sa mas malawak na pananaw ukol sa daigdig.
Tungkuling Pansibiko (Civic Responsibilities) ay nagsasaad na nakabatay ang kahusayang pansibiko sa pag-unawa sa papel na ginagampanan ng bawat isa bilang mamamayan at kasapi ng lipunan. Bahagi ng tungkuling pansibiko ang pagkilala at pagtupad ng mga karapatan at tungkulin bilang mamamayan. Nagsisimula sa tahanan, paaralan, at komunidad ang kahusayang pansibiko. Pananagutan ng mamamayang isakatuparan ang kagalingang pansibiko sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga ito ng pagkakataong makalahok sa gawaing panlipunan.
Wastong Gawing Pangkalusugan (Good Health Habits) Mahalagang magsimula sa murang edad ang mabuting gawing pangkalusugan. Ang mas maagang pagpapakilala nito ay makatutulong sa pagpapanatili at pagpapaunlad sa susunod na yugto ng pagkatuto. Ang pagpapanatili ng pinakamataas na antas ng wellness ng isang tao ay kritikal sa pagtataguyod ng kalidad ng buhay at pagkakaroon ng positibong pakikipag- ugnayan.
Ang kakayahan sa paggalaw (Movement Competencies) ay tumutukoy sa kakayahan ng isang taong gumalaw batay sa kanyang pangangailangan. Ang pagkatuto at pag- unlad ng kakayahan sa paggalaw ay nagbibigay ng pangunahing pundasyon sa pisikal literasi. Ang kawalan ng kakayahang gumalaw sa murang edad ay maaaring magdulot ng suliraning pangkalusugan. Nakatutulong ang pisikal na aktibidad o gawain sa pagpapabuti ng kalusugan ng isip (cognitive development).
Malikhain at Masining na Kasanayan (Creative and Artistic Skills) Ang pag-alam at pagkilala sa karanasan at kultura ay mahalaga sa pagbubuo ng malikhain at masining na kasanayan. Maraming manipestasyon ang pagiging malikhain at masining na kasanayan gaya ng kakayahang magpahayag ng ideya, pananaw, at pagkaunawa gamit ang imahinasyon, karanasan, at galing.
#27:Sabihin:
Pamantayan sa Pagkatuto sa Erya
Ang mag-aaral ay nakapagpapamalas ng pag-unawa sa sarili at kultural na kamalayan (consciousness) at kasanayan (skill) upang maging malusog, malikhain, at may kakayanang (ability) makipag-ugnayan sa kapwa at pamayanan.
#28:Sabihin:
2. Grade Level Standards / Pamantayan sa Bawat Baitang
a. Naipamamalas ang pag-unawa sa mga batayang konseptong pansarili at kultural na kamalayan at kasanayan sa pagkakaroon ng malusog na pangangatawan upang magampanan ang mga responsibilidad bilang kasapi ng kinabibilangang pamayanan.
b. Naipamamalas ang pag-unawa sa mga kaugnay na konseptong pansarili at kultural na kamalayan at kasanayan sa pagkakaroon ng malusog na pangangatawan upang mapahalagahan ang mga responsibilidad bilang aktibong kasapi ng kinabibilangang komunidad
c. Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pansarili at kultural na kamalayan at kasanayan sa pagkakaroon ng malusog na pangangatawan upang mailapat ang mga responsibilidad ng isang aktibo at malikhaing kasapi ng mas malawak na komunidad
#29:Sabihin:
Kaiba sa mga asignatura ng K to 12 na gumagamit ng spiral progression bilang disenyong pangkurikulum:
Ang Makabansa ay isinaayos batay sa prinsipyo ng lumalawak na kapaligiran (expanding horizon/environment model) na madalas ginagamit sa panlipunang pag- aaral sa elementarya (Krahenbuhl, 2019; Ramli, 2009; Leming, Ellington, & Porter, 2003).
#30:Sabihin:
Sinasabing ang lumalawak na kapaligiran ay umaangkop sa student-centered approach (Krahenbuhl, 2019). Nakatuon ito sa pang-araw-araw na karanasan ng mga mag-aaral at unti-unting lumalawak tungo sa kanilang lokalidad, lalawigan, rehiyon, bansa at panghuli ay ang daigdig. Binibigyang-diin nito ang mga simpleng konsepto na pamilyar ang mga mag- aaral at pagkatapos ay sumulong tungo sa komplikadong konseptong nauukol sa mas malawak na lipunan habang ang mga mag-aaral ay lumago mula sa unang baitang hanggang ikaanim na baitang. (Krahenbuhl, 2019; Ramli, 2009; Leming, Ellington, & Porter, 2003).
Makikita ang pamamaraang lumalawak na kapaligiran sa kaayusan ng kurikulum mula sa unang markahan sa unang baitang hanggang sa ika-apat na markahan sa ikaapat na baitang. Kaakibat ng lumalawak na kapaligiran ang paghubog sa mga kasanayan sa sining, edukasyong pisikal at kalusugan.
Samantala, ang kasanayan sa iba’t ibang disiplina ng Makabansa tulad ng pagkamalikhain, mapanuring pag-iisip at matalinong pagpapasya, pagsasaliksik/ pagsisiyasat, kasanayang pangkasaysayan, pakikipagtalastasan at pagpapalawak ng pandaigdigang pananaw ay kasabay na nalilinang ayon sa kinakailangang pag-unawa at pagkatuto ng mag-aaral. Ang mga kasanayang ito ay nakabatay sa mga malalim na kaisipan na mula sa mga disiplina ng Makabansa na isinaayos sa pamamaraang lumalawak (expanding) ay umaakma rin sa mga kasanayang kinakailangan para sa ika- 21 siglo.
#31:Sabihin:

#32:Sabihin:
Ang Panatang Makabayan ay may malalim na ugnayan sa asignaturang Makabansa, partikular sa mga konsepto ng pagkilala, pagmamahal, at paglilingkod sa bayan.
Ito ay isang pahayag ng pagtatalaga at pag-aalay ng sarili sa paglilingkod sa bayan at sa pagtataguyod ng mga halaga ng pagiging Pilipino. Sa asignaturang Makabansa, layunin nitong linangin at paigtingin ang mga ito sa mga mag-aaral.
Ang asignaturang Makabansa ay tumutulong sa mga mag-aaral na maunawaan ang kasaysayan, kultura, at institusyon ng bansa, na naglalayong palakasin ang kanilang identidad bilang Pilipino. Sa unang baitang, inaasahang napapalalim ang kanilang kaalaman at pagkilala sa mga aspetong ito
Ito ay nagtuturo ng pagmamahal sa bayan, kultura, at mga mamamayan. Sa ikalawang baitang, tinututukan ang pagpapahalaga sa kasaysayan, tradisyon, at kaugalian ng Pilipinas.
Ang asignaturang Makabansa ay nagtuturo ng paglilingkod sa bayan at pagiging aktibong mamamayan. Sa ikatlong baitang, tinututukan ang pakikilahok ng mga mag-aaral sa mga isyu ng lipunan para makatulong sa pag-unlad ng bansa.
Sabihin: Ano ang pokus ng asignaturang Makabansa sa Ikalawang Baitang? KOMUNIDAD
#33:SABIHIN: Grade level Standard
Basahin natin ang Learning Area Standard ng Makabansa para sa Ikalawang Baitang.
GAWIN:
Ipakita ang slide ng Learning Area Standard ng Makabansa 2.
Hikayatin ang mga kalahok na basahin ito ng sabay-sabay.
Bigyang-diin sa maikling pagpapaliwanag ang pokus bilang aktibong kasapi ng isang komunidad.
MAKABANSA:
Naipamamalas ang pag-unawa sa mga kaugnay na konseptong pansarili at kultural na kamalayan at kasanayan sa pagkakaroon ng malusog na pangangatawan upang mapahalagahan ang mga responsibilidad bilang aktibong kasapi ng kinabibilangang komunidad.
#34:Sabihin: Ngayon, pag-aralan natin ang mga gampanin ng elemento o mahahalagang bahagi ng curriculum guide.
#35:GAWIN: Ipakita ang Anatomiya
SABIHIN:
Sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga bahaging ito ay mas mauunawaan natin ang nais iparating ng key stage standard at makikita natin ang kaugnayan nito sa inyong pagtuturo.
Ang mga bahagi ng Key stage standard ay ang mga sumusunod: Panimulang Bahagi, Kasanayan, Nilalaman at Layunin.
Balikan natin ang Key Stage Standard na ipinakita sa atin sa umpisa ng ating mga sesyon. Pinaparating nito ang kasanayan, nilalaman, at layunin na inaasahan pagkatapos ng unang yugto.
Inilalahad nito na mga konseptong makatutulong sa pagkamit ng kahusayan na inaasahn sa isang mag-aaral sa Baitang 2 hanggang makatapos sa susunod na baitang na napapaloob sa Unang Yugto .
Sa pagbibigay-diin sa asignatura ng Makabansa, binibigyang-linaw nito ang kaugnayang ng napag-usapan nating inaasahan sa Makabansa 2: Mapahalagahan ang mga responsibilidad bilang aktibong kasapi ng kinabibilangang komunidad.
#36:GAWIN: Ipakita ang Anatomiya

#37:Gawin: Basahin ang nakalapat na Key Stage Standard sa template.
Sa Panimulang Pahayag inilalagay dito ang pahayag na” Inaasahan ng sa yugto ng pag-unlad ng mag-aaral na…”
Sa Kasanayan: may pag-unawa
Nilalaman: sa sarili at kultural na kamalayan (consciousness) at kamalayan (skill)
At sa Layunin: upang maging malusog, malikhain at may kakayahang (ability) makipag-ugnayan sa kapuwa at pamayanan.
#38:Sabihin:
Ang kasunod na bahagi ng curriculum guide ay ang Grade Level Standard o ang Pamantayan sa Baitang. Inilalarawan dito ang antas ng kahusayan na dapat makamit ng mag-aaral sa isang partikular na asignatura sa isang partikular na baitang, sa kasong ito ay sa Baitang 2. Ang pagkamit nito ay makatutulong sa pagkamit ng mga mag-aaral ng partikular na key stage standard. Ito rin ay dapat nakabatay sa mga paksa ng Araling Panlipunan para sa baitang na ito.
Ang mga pamantayan sa baitang ay dapat na kaugnay sa mga pangunahing pamantayan sa yugto at tumugma sa paksa. Hindi lamang sila dapat magpakita ng pag-unawa sa mas malawak na pangunahing mga pamantayan sa yugto ngunit malinaw ding kumonekta sa partikular na paksa. Bukod pa rito, kapag nagpapaliwanag ng mga pamantayan sa antas ng grado, dapat na malinaw kung paano nakakatulong ang pagtugon sa mga pamantayang ito sa isang partikular na grado na makamit ang pangkalahatang mga pamantayan sa pangunahing yugto.
#39:Sabihin:
Ang isang Grade Level Standard ay may mga sumusunod na bahagi o anatomiya.
SABIHIN:
Panimulang Pahayag
Kasanayan
Nilalaman
Mahalagang Kaisipan
Layunin
#40:Sabihin:
Ang isang Grade Level Standard ay may mga sumusunod na bahagi o anatomiya.
SABIHIN:
Panimulang Pahayag
Kasanayan
Nilalaman
Mahalagang Kaisipan
Layunin
#41:GAWIN:
Ipakita at basahin ang slide na napunan ng anatomiya.
SABIHIN:
•Panimulang Pahayag: Naipamamalas
•Kasanayan: pag-unawa
•Nilalaman: sa mga kaugnay na konspetong pansarili at kultural na kamlayan at kasanayan
•Mahalagang Kaisipan: pagkakaroon ng malusog na pangangatawan
•Layunin: upang mapahalagahan ang mga responsibilidad bilang aktibong kasapi ng kinabibilangang komunidad.
#42:Sabihin:
Kaugnay ng napag-usapan nating inaasahan sa Makabansa 2: Mapahalagahan ang mga responsibilidad bilang aktibong kasapi ng kinabibilangang komunidad.
Itanong:
Ano naman kaya ang inaasahang kakayahang nahubog na sa Makabansa 1 sa mga mag-aaral ng Unang Baitang bago tumungo sa Ikalawang Baitang? Ano naman ang aasahang malilinang na kakayahan sa Makabansa 3 ng mga mag-aaral?
Sabihin:
Pagkatapos ng Unang Baitang, inaasahan na nakamit na nila ito: magampanan ang mga responsibilidad bilang kasapi ng kinabibilangang pamayanan.
Ito naman ang inaasahang makamit ng mga mag-aaral sa Ikatlong Baitang: maisakatuparan ang mga responsibilidad ng isang aktibo at malikhaing kasapi ng mas malawak na komunidad.
#43:
Gawin: Ipakita ang slide ng Pamantayang Pangnilalaman.
Sabihin:
Ang Pamantayang Pangnilalaman ay mga kaalaman, kasanayan, at pag-unawa na inaasahang makamit ng mga mag-aaral sa pagtatapos ng yunit.
#44:Gawin: Ipakita ang slide ng mga Bahagi ng Pamantayang Pangnilalaman.
Sabihin:
Sa paghimay ng pamantayang pangnilalaman, mayroon itong dalawang bahagi:
Panimulang Pahayag at Knowledge/Skills/Attitudes.
#45:GAWIN: Ipakita ang slide ng Pamantayang Pangnilalaman sa Ikalawang Baitang. (Content Standard)
Sabihin:
Ang Pamantayang Pangnilalaman sa Ikalawang Baitang ay Nauunawaan ang katangiang heograpikal ng kinabibilangang komunidad.
Ilapat natin ngayon ang pamantayang pangnilalaman sa anatomiya nito.
#46:GAWIN: Ipakita ang slide ng Pamantayang Pangnilalaman sa Ikalawang Baitang.
Sabihin:
Ang Pamantayang Pangnilalaman sa Ikalawang Baitang ay Nauunawaan ang katangiang heograpikal ng kinabibilangang komunidad.
Ilapat natin ngayon ang pamantayang pangnilalaman sa anatomiya nito.
#47:Gawin: Ipakita ang slide.
Sabihin:
•Sa Pamantayang Pangnilalaman, ang panimulang pahayag ay Nauunawan
•Sa bahagi ng Knowledge/Skills/Attitudes ay ang sumunod sa mga salita na “Ang katangiang heograpikal ng kinabibilangang komunidad.”
#48:GAWIN: Ipakita ang slide ng Pamantayang sa Pagganap (Performance Standard)
Sabihin:
Para naman sa pamantayan sa pagganap, tumutukoy ito sa kung paano ilalapat ng mga mag-aaral ang kanilang kaalaman, kasanayan, at pag-unawa sa mga situwasiyon sa tunay na buhay.
#49:Sabihin:
Sa paghimay, ang isang pamantayan sa pagganap ay naglalaman ng mga bahaging ito:
Pandiwa sa Antas ng Paglikha (Anderson and Krathwohl)
Produkto
Paksa/Nilalaman
#50:GAWIN: Ipakita ang slide ng Pamantayan sa Pagganap sa Ikalawang Baitang
Sabihin:
Ang Pamantayan sa Pagganap sa Ikalawang Baitang sa Unang Markahan ay Nakagagawa ng likhang-sining (mapa) na nagpapakita ng katangiang heograpikal ng kinabibilangang komunidad.
#51:
Sabihin:
Ang Pamantayan sa Pagganap sa Ikalawang Baitang sa Unang Markahan ay Nakagagawa ng likhang-sining (mapa) na nagpapakita ng katangiang heograpikal ng kinabibilangang komunidad.
#52:Sabihin:
Atin ngayong ilapat ang pamantayan sa pagganap at ang anatomiya nito.
GAWIN: Ipakita at basahin ang slide ng anatomiya ng Pamantayan sa Pagganap sa Ikalawang Baitang.
Sabihin:
Sa bahagi ng pandiwa sa Antas ng Paglikha (Anderson and Krathwohl): Nakagagawa
Sa bahagi ng Produkto: Likahing-sining (mapa)
At sa bahagi ng Paksa/Nilalaman: “na nagpapakita ng katangiang heograpikal ng kinabibilangang komunidad”.
#53:Gawin:
Ipakita ang slide ng Kasanayang Pampagkatuto
Sabihin:
Bahagi rin ng pamantayan ang kasanayang pampagkatuto. Ang mga kasanayang pampagkatuto ay batay mula sa mga pamantayang pangnilalaman at pagganap. Ito ay tumutukoy sa ano ang dapat malaman , maunawaan sa paksa at kung ano ang dapat na dapat mapaipakita ng mga mag-aaral bilang patunay ng pag unawa gamit ang produkto o pagpapamalas ng kasanayan (demostration of skills).
Ito ay tumutukoy sa isang tiyak o partikular na kasanayan na nararapat isagawa ng mag-aaral nang may pagkukusa. Mayroon itong iba’t ibang antas ng kahirapan at antas ng pagganap.
Tumutukoy rin ito sa kakayahang maisagawa ang mga gawain ayon sa inaasahang pamantayan sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang kaalaman, kasanayan at pagpapahalaga.
Ang isang kasanayang pampagkatuto ay mayroong dalawang bahagi – paksa/nilalaman at kasanayan.
#54:Gawain: Ipakita at basahin ang nasa slide:
Sabihin:
Batay sa ipinakitang kasanayang pagkatuto sa unang markahan, ang Kasanayan ay Naipapaliwanag at ang Paksa ay konsepto ng komunidad.
#55:Sabihin: Tingnan natin ang isang halimbawa kasanayang pampagkatuto sa Unang Markahan: Naipapaliwanag ang konspeto ng komunidad.
Itanong: Alin sa kasanayang pampagkatuto ang nagpapakita sa paksa? kasanayan?
#56:Gawain: Ipakita at basahin ang nasa slide:
Sabihin:
Batay sa ipinakitang kasanayang pagkatuto sa unang markahan, ang Kasanayan ay Naipapaliwanag at ang Paksa ay konsepto ng komunidad.
#57:GAWIN: Ipakita ang slide ng Walkthrough sa Ikaapat na Markahan at ang slide ng mga Mungkahing Gawain nito
ITANONG:
Ano ang paksa sa Ikaapat na Markahan? Angkop ba sila sa mga kasanayan sa Music and Arts at Physical Education and Health? Alin sa mga mungkahing gawain ang nakakuha ng inyong atensyon?
Gawin:
Tumawag ng sasagot.
#58:Gawin: Ipakita ang larawan ng Pamayanan ng San Roque
SABIHIN:
Balikan natin ang pamayanan ng San Roque.
ITANONG:
Ano ang masasabi mo tungkol sa larawan na ito?
Paano mo mailalarawan ang mga lugar dito?
Mga Inaasahang Sagot:
*Nag-uusap-usap o nag-uugnayan ang mga tao
*May magkakalapit na simbahan, paaralan, ospital at iba pang establisyemento.
ITANONG:
Ano ang maaari nating itawag sa isang lugar na may ugnayan ang mga tao sa magkakalapit ng lugar?
Inaasahang Sagot:
*Komunidad
SABIHIN:
Mula sa larawang ito, maiuugnay natin ang isa sa mga pokus ng asignatura ng MAKABANSA na nakatuon sa komunidad.
#59:Proseso sa Pagbuo ng Makabansa bilang Integrated Learning Area
Ang pagbuo ng Makabansa ay nakabatay sa prinsipyo ng integrasyon sa kurikulum upang mapaunlad ang mas malalim na pagkatuto ng mga mag-aaral. Ayon kina Watkins at Kritsonis (2011), ang integrated curriculum ay nagbibigay ng makabuluhang koneksyon sa mga paksa at kagamitan sa pagkatuto, na tumutulong sa mga mag-aaral na maunawaan ang layunin ng kanilang pag-aaral.
Inilahad naman ni Harrell (2010, sa Costley, 2015) ang apat na paraan ng integrasyon:
Fusion – pagsasanib ng dalawang magkaibang disiplina,
Incorporation – pagdagdag ng isang bagong elemento,
Correlation – pag-uugnay ng magkakaibang paksa,
Harmonization – pagsasaayos ng mga elemento upang magtulungan.
May tatlo ring modelo ng integrasyon: interdisciplinary, problem-based, at theme-based (Mustafa, 2011). Sa konteksto ng maagang edukasyon, inilarawan ni Soni (2015) ang bisa ng theme-based learning sa pagpapalawak ng karanasan ng mga bata sa kanilang kapaligiran, na nakatutulong sa kanilang kabuuang pag-unlad. Ang ganitong uri ng pagkatuto ay nakaugat sa mga temang nakaaapekto sa personal at panlipunang konteksto ng bata, at lumilikha ng koneksyon sa tahanan at komunidad.
Samantala, binigyang-diin ni Sulaiman (2022) ang correlated curriculum bilang organisasyong nagbibigay-halaga sa sariling katangian ng mga asignatura habang pinapalawak ang pag-unawa sa pamamagitan ng koneksyon. Kabilang sa mga benepisyo nito ang: mas malawak na kaalaman, mas mataas na interes, at mas malalim na pag-unawa sa mga konsepto.
Dahil dito, ginamit ang theme-based at correlation na modelo sa pagdisenyo ng Makabansa. Isinagawa ang content analysis sa mga dokumento ng Araling Panlipunan at MAPEH upang matukoy ang mga kaugnayang nilalaman, at mula rito, naipaloob ang Makabansa bilang isang integratibong komponent ng kurikulum.
#60:SABIHIN:
Ang mga sumusunod ang nagsilbing batayan na sinundan sa pagbuo at pagsasaayos ng kurikulum para sa Makabansa.
Brain-based Learning Theory
Ito ay isang paradigm ng pag-aaral na tumutugon sa pagkatuto ng mga mag-aaral na resulta ng iba’t ibang proseso na nagaganap sa utak/isip ng isang indibidwal. Gumagamit ito ng mga tiyak na estratehiya para sa pag-aaral na nakadisenyo batay sa kung paano gumagana ang atensyon ng tao, memorya, pagganyak, at pagkuha ng kaalaman sa konsepto.
Ecological Systems Theory
Mahalaga sa pananaw na ito ang impluwensya ng kapaligirang panlipunan sa pag-unlad ng tao. Ipinaliliwanag ng teoryang ito kung paanong naaapektuhan ng kapaligirang panlipunan ang pag-unlad ng bata at at paghubog nito sa bawat aspeto ng buhay.
Social Constructivism
Pinaniniwalaan ng teoryang ito na ang isang indibidwal ay aktibong lumilikha ng kahulugan at maging kaalaman mula sa kanyang karanasan at pakikipag-ugnayang panlipunan (social interactions). Pinaniniwalaan nito na ang pagkatuto ay hindi lamang nakatuon sa pag-asimila (assimilation) at akomodasyon (accommodation) ng bagong kaalaman bagkus ito ay nakapaloob sa proseso ugnayang panlipunan (Vygotsky, 1978). Binibigyang-diin nito na ang indibidwal ay aktibo at progresibong lumilikha ng kahulugan at hindi lamang tumatanggap ng iba’t ibang uri ng stimulus mula sa kanyang pakikipag-ugnayan sa kapwa at kapaligiran.
Kultura bilang paglikha ng kahulugan (Culture as Meaning-Making)
Ang kultura, ayon kay Geertz ay sistemang minana na ipinahayag sa simbolikong mga anyo kung saan ang mga ito ay naibabahagi, naipananatili at napauunlad. Tungkulin ng kultura na magbigay ng kahulugan sa mundo na tutulong sa mga mag-aaral na maunawaan ang proseso ng pagkatuto. Sapagkat ang kultura ay bahagi ng kaniyang pagkakakilanlan, higit na magiging makabuluhan sa mga mag-aaral na makilala ang sarili, kapwa, at komunidad. Mapalalalim nito ang pag-unawa at pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa kanilang pagkakakilanlan.
#61:SABIHIN:

#62:SABIHIN:

#63:SABIHIN:

#64:SABIHIN: Sa Baitang 2, ang layunin ng Makabansa ay palawakin ang pag-unawa ng mga bata sa kanilang sarili, pamilya, at pamayanan bilang bahagi ng mas malaking lipunan. Dito nila mas mauunawaan ang kahalagahan ng:
Pagtutulungan at paggalang sa kapwa
Pagtupad sa tungkulin bilang kasapi ng pamilya at komunidad
Pagpapakita ng pagmamalasakit at pagmamahal sa bayan sa simpleng paraan
Nakasentro ito sa pagpapanday ng mga batayang pag-uugali at pagpapahalaga na kailangan upang maging mabuting mamamayan.
#65:SABIHIN:
Ang mga sumusunod ang nagsilbing batayan na sinundan sa pagbuo at pagsasaayos ng kurikulum para sa Makabansa.
Brain-based Learning Theory
Ito ay isang paradigm ng pag-aaral na tumutugon sa pagkatuto ng mga mag-aaral na resulta ng iba’t ibang proseso na nagaganap sa utak/isip ng isang indibidwal. Gumagamit ito ng mga tiyak na estratehiya para sa pag-aaral na nakadisenyo batay sa kung paano gumagana ang atensyon ng tao, memorya, pagganyak, at pagkuha ng kaalaman sa konsepto.
Ecological Systems Theory
Mahalaga sa pananaw na ito ang impluwensya ng kapaligirang panlipunan sa pag-unlad ng tao. Ipinaliliwanag ng teoryang ito kung paanong naaapektuhan ng kapaligirang panlipunan ang pag-unlad ng bata at at paghubog nito sa bawat aspeto ng buhay.
Social Constructivism
Pinaniniwalaan ng teoryang ito na ang isang indibidwal ay aktibong lumilikha ng kahulugan at maging kaalaman mula sa kanyang karanasan at pakikipag-ugnayang panlipunan (social interactions). Pinaniniwalaan nito na ang pagkatuto ay hindi lamang nakatuon sa pag-asimila (assimilation) at akomodasyon (accommodation) ng bagong kaalaman bagkus ito ay nakapaloob sa proseso ugnayang panlipunan (Vygotsky, 1978). Binibigyang-diin nito na ang indibidwal ay aktibo at progresibong lumilikha ng kahulugan at hindi lamang tumatanggap ng iba’t ibang uri ng stimulus mula sa kanyang pakikipag-ugnayan sa kapwa at kapaligiran.
Kultura bilang paglikha ng kahulugan (Culture as Meaning-Making)
Ang kultura, ayon kay Geertz ay sistemang minana na ipinahayag sa simbolikong mga anyo kung saan ang mga ito ay naibabahagi, naipananatili at napauunlad. Tungkulin ng kultura na magbigay ng kahulugan sa mundo na tutulong sa mga mag-aaral na maunawaan ang proseso ng pagkatuto. Sapagkat ang kultura ay bahagi ng kaniyang pagkakakilanlan, higit na magiging makabuluhan sa mga mag-aaral na makilala ang sarili, kapwa, at komunidad. Mapalalalim nito ang pag-unawa at pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa kanilang pagkakakilanlan.
#68:Sabihin:
Nagsisilbing pundasyon ng pamantayan sa kurikulum ang mga pangunahing kaisipan. Sumasaklaw ito sa mga pangunahing konsepto, prinsipyo, teorya, at proseso na nagsisilbing focal point sa kurikulum, pagtuturo, at pagtatasa. Sumasalamin sa dalubhasang pag-unawa at nakaangkla sa diskurso, mga tanong, pagtuklas, at mga argumento sa isang larangan ng pag-aaral ang mga pangunahing kaisipan.
Batay sa mga deskripsyong ito, ang mga sumusunod ay ang mga partikular na pangunahing kaisipan ng Makabansa:
Pansarili at Kultural na Pagkakakilanlan (Personal and Cultural Identities) Malaki ang ugnayan ng sarili at kultural na pagkakakilanlan, Ang sariling pagkakakilanlan ang pundasyon sa pagkilala sa pagkakakilanlang kultural. Ang pagkakakilanlan bilang Pilipino ay batayan ng makabansang pananaw na siyang tutulong sa pagbuo sa mas malawak na pananaw ukol sa daigdig.
Tungkuling Pansibiko (Civic Responsibilities) ay nagsasaad na nakabatay ang kahusayang pansibiko sa pag-unawa sa papel na ginagampanan ng bawat isa bilang mamamayan at kasapi ng lipunan. Bahagi ng tungkuling pansibiko ang pagkilala at pagtupad ng mga karapatan at tungkulin bilang mamamayan. Nagsisimula sa tahanan, paaralan, at komunidad ang kahusayang pansibiko. Pananagutan ng mamamayang isakatuparan ang kagalingang pansibiko sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga ito ng pagkakataong makalahok sa gawaing panlipunan.
Wastong Gawing Pangkalusugan (Good Health Habits) Mahalagang magsimula sa murang edad ang mabuting gawing pangkalusugan. Ang mas maagang pagpapakilala nito ay makatutulong sa pagpapanatili at pagpapaunlad sa susunod na yugto ng pagkatuto. Ang pagpapanatili ng pinakamataas na antas ng wellness ng isang tao ay kritikal sa pagtataguyod ng kalidad ng buhay at pagkakaroon ng positibong pakikipag- ugnayan.
Ang kakayahan sa paggalaw (Movement Competencies) ay tumutukoy sa kakayahan ng isang taong gumalaw batay sa kanyang pangangailangan. Ang pagkatuto at pag- unlad ng kakayahan sa paggalaw ay nagbibigay ng pangunahing pundasyon sa pisikal literasi. Ang kawalan ng kakayahang gumalaw sa murang edad ay maaaring magdulot ng suliraning pangkalusugan. Nakatutulong ang pisikal na aktibidad o gawain sa pagpapabuti ng kalusugan ng isip (cognitive development).
Malikhain at Masining na Kasanayan (Creative and Artistic Skills) Ang pag-alam at pagkilala sa karanasan at kultura ay mahalaga sa pagbubuo ng malikhain at masining na kasanayan. Maraming manipestasyon ang pagiging malikhain at masining na kasanayan gaya ng kakayahang magpahayag ng ideya, pananaw, at pagkaunawa gamit ang imahinasyon, karanasan, at galing.
#69:SABIHIN:
Ngayong naunawaan na natin ang shaping paper, istrukturang ng kurikulum at mga kasanayang pangpagkatuto ng Makabansa 2, nais naman naming malaman ang inyong saloobin sa pamamagitan ng reflection. Gagawin ninyo ito gamit ang template na ibibigay sa inyo.
GAWIN:
Ipamimigay ang Reflection Paper sa mga kalahok. Ipakita ang slide ng sinabing reflection paper at bigyan ng tatlong minuto upang masulat ang kanilang saloobin. Ikolekta ito pagkatapos.
#70:Sabihin:
Maraming salamat sa inyong pakikilahok sa sesyong ito.
“Bilang mga gurong Makabansa, ating padaluyin ang mga kasanayang dapat na mapaunlad sa mga mag-aaral. Tandaan natin na ang pagyakap sa bagong kurikulum, ay pagyakap din sa ating mga mag-aaral. Manatiling matatag, ang anumang kahinaan ay gawin nating kalakasan.”