SlideShare a Scribd company logo
2
Most read
3
Most read
4
Most read
Ang Kwento ni Mabuti
Genoveva E. Matute
Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa siya sa
dating pinagtuturuan, sa walang pintang paaralang una kong kinakitaan ng sa
kanya. Sa isa sa mga umang silid sa ikalawang palapag sa itaas ng lumang
hagdang umiingit sa bawat hakbang, doon sa kung manunungaw ay
matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero. Naroon pa siya’t nagtuturo ng
ga kaalamang pang-aklat at bumubuhay ng isang uri ng karunungang sa
kanya ko lamang natutunan.
Lagi ko siyang iniuugnay sa kariktan ng buhay. Saan man sa kagandahan;
sa tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita ko siya at ako’y
lumiligaya. Ngunit walang anumang maganda sa kanyang anyo… at sa
kanyang buhay…
Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro noon. Walang sinumang nag-ukol
sa kanya ng pansin. Mula sa pananamit hanggang sa paraan ng pagdadala
niya ng mga pananagutan sa paaralan, walang masasabing anumang
pangkaraniwan sa kanya.
Siya’y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya’y nakatalikod. Ang
salitang iyon ang simula ng halos lahat ng kanyang pagsasalita. Iyon ang
pumapalit sa mga salitang hindi niya maalala kung minsan, at nagiging
pamuno sa mga sandaling pag-aalanganin. Sa isang paraangalirip, iyon ay
naging salaminan ng uri ng paniniwala sa buhay.
“Mabuti,” ang sasabihin niya. “…ngayo’y magsisimula tayo sa araling ito.
Mabuti nama’t umabot tayo sa bahaging to… Mabuti…Mabuti!” Hindi ako
kailanman magtatapat sa kanya ng anuman kung di lamang nahuli niya akong
minsang lumuluha nang hapong iyon ay iniluha ng bata kong puso ang
pambata ring suliranin.
Noo’y magtatakipsilim na at maliban sa pabugsu-bugsong hiyawan ng mga
nagsisipanood sa pagsasanay ng mga manlalaro sa paaralan, ang buong
paligid ay tahimik na. Sa isang tagong sulok ng silid-aklatan, pinipilit kong
lutasin ang aking suliranin sa pagluha. Doon niya ako natagpuan. “Mabuti’t
may tao pala rito,” wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa narinig.
“Tila may suliranin mabuti sana kung makakatulong ako.”
Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik pa kailanman. Sa bata
kong isipan, ay ibinilang kong kahihiyan at kababaan ang pagkikita pa naming
sa hinaharap, pagkikitang magbabalik sa gunita ng hapong iyon. Ngunit, hindi
ako makakilos sa sinabi niya pagkatapos. Napatda ako na napaupong bigla sa
katapat na luklukan.
“Hindi ko alam na may tao rito…naparito ako upang umiyak din.”
Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang tinig.
Nakababa ang kanyang paningin sa aking kandungan. Maya-maya pa’y nakita
ko ang bahagyang ngiti sa kanyang labi.
Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko lamang sa tinig sa
pagtatapat sa suliraning sa palagay ko noo’y siyang pinakamabigat. Nakinig
siya sa akin, at ngayon, sa paglingon ko sa pangyayaring iyo’y nagtataka ako
kung paanong napigil niya ang paghalakhak sa gayong kamusmos na bagay.
Ngunit siya’y nakinig nang buong pagkaunawa, at alam ko na ang
pagmamalasakit niya’y tunay na matapat.
Lumabas kaming magkasabay sa paaralan. Ang panukalang naghihiwalay
sa amin ay natatanaw na nang bigla kong makaalala.
“Siyanga pala, ma’am kayo? Kayo nga pala? Ano ho iyong ipinunta niyo sa
sulok na iyon na…iniiyikan ko?”
Tumawa siya ng marahan at inulit ang mga salitang iyon: “Ang sulok na
iyon na…iniiyakan natin…nating dalawa.” Nawala ang marahang halakhak sa
kanyang tinig. “Sana’y masabi ko sa iyo, ngunit…ang suliranin, kailanman.
Ang ibig kong sabihin ay… maging higit na abuti sana sa iyo ang… buhay.”
Si Mabuti’y naging isang bagong nilikha sa akin mula nang araw na iyon.
Sa pagsasalita mula sa hapag, pagtatanong, sumagot, sa pagngiti niyang
mabagal at mahihiyain niyang mga ngiti sa amin, sa pagkalalim ng kunot ng
noo niya sa kanyang pagkayamot, naririnig kong muli ang mga yabag na
palapit sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Ang sulok na iyon… “Iniiyakan
natin,” sabi niya nang hapong iyon. At habang tumataginting sa silid namin
ang kanyang tinig sa pagtuturo’y hinuhulaan ko ang dahilan o mga dahilan ng
pagtungo niya sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Hinuhulaan ko kung
nagtutungo pa siya roon, sa aming sulok na iyong… aming dalawa…
At sapagkat natuklasan ko ang katotohanang iyon tungkol sa kanya,
nagsimula akong magmasid, maghintay ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang
mga sinabi. Ngunit, sa tuwina, kasyahan, pananalig, pag-asa ang taglay niya
sa aming silid-aralan. Pinuno niya ng maririkit na guni-guni ang aming isipan
at ng mga tunog ang aming mga pandinig at natutuhan naming unti-unti ang
kagandahan ng buhay. Bawat aralin namin sa panitikan ay naging isang
pagtighaw sa kauhawan namin sa kagandahan at ako’y humanga.
Wala iyon doon kanina, ang masasabi ko sa aking sarili pagkatapos na
maipadama niya sa amin ang kagandahan ng buhay sa aming aralin. At hindi
naging akin ang pagtuklas na ito sa kariktan kundi pagkatapos lamang ng
pangyayaring iyon sa silid-aklatan.
Ang pananalig niya sa kalooban ng Maykapal, sa sangkatauhan, sa lahat
na isa sa mga pinakamatibay na aking nakilala. Nakasasaling ng damdamin.
Marahil, ang pananalig niyang iyon ang nagpakita sa kanya ng kagandahan sa
mga bagay na karaniwan na lamang sa amin ay walang kabuluhan.
Hindi siya bumabanggit ng anuman tungkol sa kanyang sarili sa buong
panahon ng pag-aaral namin sa kanya. Ngunit bumabanggit siya tungkol sa
kanyang anak na babae, sa tangi niyang anak, nang paulit-ulit. Hindi rin siya
bumabanggit sa amin tungkol sa ama ng batang iyon. Ngunit, dalawa sa mga
kamag-aral namin ang nakababatid na siya’y hindi balo.
Walang pag-aalinlangan ang lahat ng bagay at pangarap niyang marikit ay
nakapaligid sa batang iyon. Isinalaysay niya sa amin ang katabilan niyon. Ang
paglaki ng mga pangarap iyon, ang nabubuong layunin niyon niyang baka siya
ay hindi umabot sa matatayog ng pangarap ng kanyang anak. Maliban sa iilan
sa aming pangkat, paulit-ulit niyang pagbanggit sa kanyang anak ay iisa
lamang sa mga bagay na “pinagtitiisang” pakinggan sapagkat walang parang
maiwasan iyon. Sa akin, ang bawat pagbanggit niyon ay nagkakaroon ng
kahulugan sapagkat moon pa man ay nabubuo na sa aking isipan ang isang
hinala.
Sa kanyang magandang salaysay ay nalalaman ang tungkol sa kaarawan
ng kanyang anak, ang bagong kasuotan niyong may malaking lasong pula sa
baywang, ang mga kaibigan niyong mga bata rin, ang kanilang mga handog.
Ang anak niya’y anim na taong gulang na. Sa susunod na taon niya’y
magsisimula na iyong mag-aral. At ibig ng guro naming maging manggagamot
ang kanyang anak at isang mabuting manggagamot.
Nasa bahaging iyon ang ang pagsasalita ng aming guro nang isang bata sa
aking likuran ang bumulong, “Gaya ng kanyang ama!”
Narinig ng aming guro ang sinabing iyon ng batang lalaki. At siya’y
nagsalita.
“Oo, gaya ng kanyang ama,” ang wika niya. Ngunit tumakas ang dugo sa
kanyang mukha habang sumisilay ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi.
Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase ang tungkol sa ama ng
batang may kaarawan.
Natiyak ko noong may isang bagay ngang mali siya sa buhay niya. Mali siya
nang ganoon na lamang. At habang nakaupo ako sa aking luklukan, may
dalawang dipa lamang ang layo sa kanya, kumirot ang puso ko sa
pagnanasang lumapit sa kanya, tanganan ang kanyang mga kamay gaya ng
ginawa niya nang hapong iyon sa sulok ng silid-aklatan, at hilinging magbukas
ng dibdib sa akin. Marahil, makagagaan sa kanyang damdamin kung may
mapagtatapatan siyang isang tao man lamang. Ngunit, ito ang sumupil sa
pagnanasa kong yaon; ang mga kamag-aral kong nakikinig nang walang
anumang malasakit sa kanyang sinasabing, “Oo, gaya ng kanyang ama,”
habang tumatakas ang dugo sa kanyang mukha.
Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko makakalimutan kailanman.
Tinignan niya ako nang buong tapang na pinipigil ang panginginig ng mga kabi
at sinabi ang ganito, “Mabuti… mabuti gaya ng sasabihin nitong Fe – iyon
lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala
ng mga lihim na kaligayahan. Mabuti, at ngayon, magsimula sa ating aralin…”
Natiyak ko noon, gaya ng pagkakatiyak ko ngayon na hindi akin ang
pangungusap na iyon, nadama kong siya at ako ay iisa. At kami ay bahagi ng
mga nilalang na sapagkat nakaranas ng mga lihim na kalungkutan ay
nakakilala ng mga lihim na kaligayahan.
At minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting bumabalik ang
dating kulay ng mukha niya, muli niyang pinamalas sa amin ang mga
natatagong kagandahan sa aralin namin sa Panitikan. Ang kariktan ng
katapangan; ang kariktan ng pagpapatuloy anuman ang kulay ng buhay. At
ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang mabalitaan ko ang
tungkol sa pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang ama ng batang iyon na
marahil ay magiging isang manggagamot din baling araw, at namatay at
naburol ng dalawang gabi at dalawang araw sa isang bahay na hindi siyang
tirahan ni Mabuti at ng kanyang anak. At naunawaan ko ang lahat. Sa hubad
na katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyon ay naunawaan ko ang
lahat…
katapangan; ang kariktan ng pagpapatuloy anuman ang kulay ng buhay. At
ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang mabalitaan ko ang
tungkol sa pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang ama ng batang iyon na
marahil ay magiging isang manggagamot din baling araw, at namatay at
naburol ng dalawang gabi at dalawang araw sa isang bahay na hindi siyang
tirahan ni Mabuti at ng kanyang anak. At naunawaan ko ang lahat. Sa hubad
na katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyon ay naunawaan ko ang
lahat…

More Related Content

PPTX
Poverty
PPTX
Foundations of curriculum
PPTX
Ombudsman act of 1989
PPTX
Philippine literature during american period
PPT
Go, glow, and grow food
PPTX
Pag uulo at pagwawasto ng sipi
PPTX
NIYEBENG ITIM.pptx
DOCX
Niyebeng itim
Poverty
Foundations of curriculum
Ombudsman act of 1989
Philippine literature during american period
Go, glow, and grow food
Pag uulo at pagwawasto ng sipi
NIYEBENG ITIM.pptx
Niyebeng itim

What's hot (20)

PPTX
PPTX
Pagmamalabis, Pagpapalit-tawag, Pagpapalit-saklaw
PPTX
PPTX
PPT
Elemento ng tula
PPT
Epiko at Pangngalan
PPTX
Paghihimig, Pag-uulit, Pagdaramdam, Pagtawag
PPTX
Morpema
PPTX
Bahagi ng pahayagan
PPTX
mga gamit ng ng at nang at iba pa
PPTX
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
DOCX
Halimbawa ng pagsasaling wika
PPTX
PPTX
Pangatnig
PPTX
Paggamit ng mga matatalinghagang salita
DOCX
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMO
PPTX
Ang maikling kwento panitikan
PPT
Pagkilala sa mga opinyon o katotohanan
PPTX
Ang pang angkop at pang ugnay
PPTX
Pang abay vi
Pagmamalabis, Pagpapalit-tawag, Pagpapalit-saklaw
Elemento ng tula
Epiko at Pangngalan
Paghihimig, Pag-uulit, Pagdaramdam, Pagtawag
Morpema
Bahagi ng pahayagan
mga gamit ng ng at nang at iba pa
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Halimbawa ng pagsasaling wika
Pangatnig
Paggamit ng mga matatalinghagang salita
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMO
Ang maikling kwento panitikan
Pagkilala sa mga opinyon o katotohanan
Ang pang angkop at pang ugnay
Pang abay vi
Ad

Similar to Ang Kwento ni Mabuti ni Genoveva Matute (20)

DOCX
PPT
Ang kuwento ni mabuti
PPTX
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
PDF
Ang kwento ni mabuti.pdf
DOCX
Project
PPTX
DOCX
PPTX
Panahon ng Isinauling kalayaan
DOCX
The untold story
DOCX
Summer class
PPTX
Mga Teoryang Pampanitikan
DOCX
Paalam sa pagkabata
PDF
Modyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismo
DOCX
Start of a dream (completed)
PPTX
Suring basa ng mga akdang pampanitikan, maikling kuwento
DOCX
Paalam sa pagkabata
PPTX
Si maestrong bino
DOCX
I am inlove with a wierdo
DOCX
Kalayaan sa rehas na bakal 2
Ang kuwento ni mabuti
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
Ang kwento ni mabuti.pdf
Project
Panahon ng Isinauling kalayaan
The untold story
Summer class
Mga Teoryang Pampanitikan
Paalam sa pagkabata
Modyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismo
Start of a dream (completed)
Suring basa ng mga akdang pampanitikan, maikling kuwento
Paalam sa pagkabata
Si maestrong bino
I am inlove with a wierdo
Kalayaan sa rehas na bakal 2
Ad

More from yaminohime (19)

PPT
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 3 - Storage
PPT
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 15 - Comput...
PPT
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 13 - Progra...
PPT
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 12 - Inform...
PPT
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 11 - E-Comm...
PPT
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 10 - Multim...
PPT
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 9 - Network...
PPTX
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 8 - The Int...
PPTX
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 7 - Compute...
PPT
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 6 - Applica...
PPT
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 5 - System ...
PPT
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 2 - The Sys...
PPT
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 1 - Introdu...
PPTX
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 4 - Input a...
DOC
The Road Not Taken by Robert Frost
DOC
Sa Aking mga Kabata ni Jose Rizal
DOC
Plop! Click! ni Dobu Kacchiri
DOC
Kay Estrella Zeehandelaar
DOC
Isangdaang Damit ni Fanny Garcia
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 3 - Storage
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 15 - Comput...
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 13 - Progra...
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 12 - Inform...
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 11 - E-Comm...
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 10 - Multim...
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 9 - Network...
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 8 - The Int...
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 7 - Compute...
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 6 - Applica...
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 5 - System ...
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 2 - The Sys...
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 1 - Introdu...
Understanding Computers: Today and Tomorrow, 13th Edition Chapter 4 - Input a...
The Road Not Taken by Robert Frost
Sa Aking mga Kabata ni Jose Rizal
Plop! Click! ni Dobu Kacchiri
Kay Estrella Zeehandelaar
Isangdaang Damit ni Fanny Garcia

Recently uploaded (20)

PPTX
Kabihasnang Aztec Credits to Maam Eve PPT
PPTX
estrakturang panlipunan ng varna caste AP8
PPTX
PANTAY-PANTAY.EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9pptx
PPTX
BUWAN-NG-WIKA-QUIZ-BEE. for august 2025pptx
PDF
Filipino sa Piling Larang Akademik-Posisyong papel.pdf
PPTX
Edukasyon sa Pagpapahalaga baitang 7 ESP
PDF
kasaysayan ng lipunang pilipino: Araw ng kalayaan.pdf
DOCX
G6 Q1W8 DLL ESP (MELCs).documents 2-25-2026
PPTX
FILIPINO8 Q1 3 (d) Nasusuri ang mga elementong panlingguwistika .pptx
PPTX
Aral Pan 6 Kasunduan sa Biak na Bato.pptx
PPTX
Digmaang_Pilipino-Amerikano_Grade6_Timeline.pptx
PPTX
ARALIN 3 Pagpapahalaga at Virtue bilang batayan ng sariling Pagpapasiya, Pagk...
PPTX
AaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaPanlipunan.pptx
PPTX
Q1 Edukasyong pantahanan at pangkabuhayan ICT 5 WEEK 4 DAY 3.pptx
PPTX
WEEK6-Q1-Lipunang Sumerian At Egyptian.pptx
PPTX
521486018-ESP-9-Kabutihang-Panlahat.pptx
PPTX
kalayaan EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO .pptx
PDF
Edukasyon Sa Pagpapakatao 10 LESSON 3 KALAYAAN.pdf
PPTX
FILIPINO8 Q1 2( d) Nasusuri ang mahahalagang pangyayari sa teksto.pptx
PPTX
Lesson plan_ Grade 10 ESP Nakapagpapaliwanag ng kahulugan ng dignidad ng tao...
Kabihasnang Aztec Credits to Maam Eve PPT
estrakturang panlipunan ng varna caste AP8
PANTAY-PANTAY.EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9pptx
BUWAN-NG-WIKA-QUIZ-BEE. for august 2025pptx
Filipino sa Piling Larang Akademik-Posisyong papel.pdf
Edukasyon sa Pagpapahalaga baitang 7 ESP
kasaysayan ng lipunang pilipino: Araw ng kalayaan.pdf
G6 Q1W8 DLL ESP (MELCs).documents 2-25-2026
FILIPINO8 Q1 3 (d) Nasusuri ang mga elementong panlingguwistika .pptx
Aral Pan 6 Kasunduan sa Biak na Bato.pptx
Digmaang_Pilipino-Amerikano_Grade6_Timeline.pptx
ARALIN 3 Pagpapahalaga at Virtue bilang batayan ng sariling Pagpapasiya, Pagk...
AaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaPanlipunan.pptx
Q1 Edukasyong pantahanan at pangkabuhayan ICT 5 WEEK 4 DAY 3.pptx
WEEK6-Q1-Lipunang Sumerian At Egyptian.pptx
521486018-ESP-9-Kabutihang-Panlahat.pptx
kalayaan EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO .pptx
Edukasyon Sa Pagpapakatao 10 LESSON 3 KALAYAAN.pdf
FILIPINO8 Q1 2( d) Nasusuri ang mahahalagang pangyayari sa teksto.pptx
Lesson plan_ Grade 10 ESP Nakapagpapaliwanag ng kahulugan ng dignidad ng tao...

Ang Kwento ni Mabuti ni Genoveva Matute

  • 1. Ang Kwento ni Mabuti Genoveva E. Matute Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa siya sa dating pinagtuturuan, sa walang pintang paaralang una kong kinakitaan ng sa kanya. Sa isa sa mga umang silid sa ikalawang palapag sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawat hakbang, doon sa kung manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero. Naroon pa siya’t nagtuturo ng ga kaalamang pang-aklat at bumubuhay ng isang uri ng karunungang sa kanya ko lamang natutunan. Lagi ko siyang iniuugnay sa kariktan ng buhay. Saan man sa kagandahan; sa tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita ko siya at ako’y lumiligaya. Ngunit walang anumang maganda sa kanyang anyo… at sa kanyang buhay… Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro noon. Walang sinumang nag-ukol sa kanya ng pansin. Mula sa pananamit hanggang sa paraan ng pagdadala niya ng mga pananagutan sa paaralan, walang masasabing anumang pangkaraniwan sa kanya. Siya’y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya’y nakatalikod. Ang salitang iyon ang simula ng halos lahat ng kanyang pagsasalita. Iyon ang pumapalit sa mga salitang hindi niya maalala kung minsan, at nagiging pamuno sa mga sandaling pag-aalanganin. Sa isang paraangalirip, iyon ay naging salaminan ng uri ng paniniwala sa buhay. “Mabuti,” ang sasabihin niya. “…ngayo’y magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti nama’t umabot tayo sa bahaging to… Mabuti…Mabuti!” Hindi ako kailanman magtatapat sa kanya ng anuman kung di lamang nahuli niya akong minsang lumuluha nang hapong iyon ay iniluha ng bata kong puso ang pambata ring suliranin. Noo’y magtatakipsilim na at maliban sa pabugsu-bugsong hiyawan ng mga nagsisipanood sa pagsasanay ng mga manlalaro sa paaralan, ang buong paligid ay tahimik na. Sa isang tagong sulok ng silid-aklatan, pinipilit kong lutasin ang aking suliranin sa pagluha. Doon niya ako natagpuan. “Mabuti’t may tao pala rito,” wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa narinig. “Tila may suliranin mabuti sana kung makakatulong ako.”
  • 2. Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik pa kailanman. Sa bata kong isipan, ay ibinilang kong kahihiyan at kababaan ang pagkikita pa naming sa hinaharap, pagkikitang magbabalik sa gunita ng hapong iyon. Ngunit, hindi ako makakilos sa sinabi niya pagkatapos. Napatda ako na napaupong bigla sa katapat na luklukan. “Hindi ko alam na may tao rito…naparito ako upang umiyak din.” Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang tinig. Nakababa ang kanyang paningin sa aking kandungan. Maya-maya pa’y nakita ko ang bahagyang ngiti sa kanyang labi. Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko lamang sa tinig sa pagtatapat sa suliraning sa palagay ko noo’y siyang pinakamabigat. Nakinig siya sa akin, at ngayon, sa paglingon ko sa pangyayaring iyo’y nagtataka ako kung paanong napigil niya ang paghalakhak sa gayong kamusmos na bagay. Ngunit siya’y nakinig nang buong pagkaunawa, at alam ko na ang pagmamalasakit niya’y tunay na matapat. Lumabas kaming magkasabay sa paaralan. Ang panukalang naghihiwalay sa amin ay natatanaw na nang bigla kong makaalala. “Siyanga pala, ma’am kayo? Kayo nga pala? Ano ho iyong ipinunta niyo sa sulok na iyon na…iniiyikan ko?” Tumawa siya ng marahan at inulit ang mga salitang iyon: “Ang sulok na iyon na…iniiyakan natin…nating dalawa.” Nawala ang marahang halakhak sa kanyang tinig. “Sana’y masabi ko sa iyo, ngunit…ang suliranin, kailanman. Ang ibig kong sabihin ay… maging higit na abuti sana sa iyo ang… buhay.” Si Mabuti’y naging isang bagong nilikha sa akin mula nang araw na iyon. Sa pagsasalita mula sa hapag, pagtatanong, sumagot, sa pagngiti niyang mabagal at mahihiyain niyang mga ngiti sa amin, sa pagkalalim ng kunot ng noo niya sa kanyang pagkayamot, naririnig kong muli ang mga yabag na palapit sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Ang sulok na iyon… “Iniiyakan natin,” sabi niya nang hapong iyon. At habang tumataginting sa silid namin ang kanyang tinig sa pagtuturo’y hinuhulaan ko ang dahilan o mga dahilan ng pagtungo niya sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Hinuhulaan ko kung nagtutungo pa siya roon, sa aming sulok na iyong… aming dalawa…
  • 3. At sapagkat natuklasan ko ang katotohanang iyon tungkol sa kanya, nagsimula akong magmasid, maghintay ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang mga sinabi. Ngunit, sa tuwina, kasyahan, pananalig, pag-asa ang taglay niya sa aming silid-aralan. Pinuno niya ng maririkit na guni-guni ang aming isipan at ng mga tunog ang aming mga pandinig at natutuhan naming unti-unti ang kagandahan ng buhay. Bawat aralin namin sa panitikan ay naging isang pagtighaw sa kauhawan namin sa kagandahan at ako’y humanga. Wala iyon doon kanina, ang masasabi ko sa aking sarili pagkatapos na maipadama niya sa amin ang kagandahan ng buhay sa aming aralin. At hindi naging akin ang pagtuklas na ito sa kariktan kundi pagkatapos lamang ng pangyayaring iyon sa silid-aklatan. Ang pananalig niya sa kalooban ng Maykapal, sa sangkatauhan, sa lahat na isa sa mga pinakamatibay na aking nakilala. Nakasasaling ng damdamin. Marahil, ang pananalig niyang iyon ang nagpakita sa kanya ng kagandahan sa mga bagay na karaniwan na lamang sa amin ay walang kabuluhan. Hindi siya bumabanggit ng anuman tungkol sa kanyang sarili sa buong panahon ng pag-aaral namin sa kanya. Ngunit bumabanggit siya tungkol sa kanyang anak na babae, sa tangi niyang anak, nang paulit-ulit. Hindi rin siya bumabanggit sa amin tungkol sa ama ng batang iyon. Ngunit, dalawa sa mga kamag-aral namin ang nakababatid na siya’y hindi balo. Walang pag-aalinlangan ang lahat ng bagay at pangarap niyang marikit ay nakapaligid sa batang iyon. Isinalaysay niya sa amin ang katabilan niyon. Ang paglaki ng mga pangarap iyon, ang nabubuong layunin niyon niyang baka siya ay hindi umabot sa matatayog ng pangarap ng kanyang anak. Maliban sa iilan sa aming pangkat, paulit-ulit niyang pagbanggit sa kanyang anak ay iisa lamang sa mga bagay na “pinagtitiisang” pakinggan sapagkat walang parang maiwasan iyon. Sa akin, ang bawat pagbanggit niyon ay nagkakaroon ng kahulugan sapagkat moon pa man ay nabubuo na sa aking isipan ang isang hinala. Sa kanyang magandang salaysay ay nalalaman ang tungkol sa kaarawan ng kanyang anak, ang bagong kasuotan niyong may malaking lasong pula sa baywang, ang mga kaibigan niyong mga bata rin, ang kanilang mga handog. Ang anak niya’y anim na taong gulang na. Sa susunod na taon niya’y
  • 4. magsisimula na iyong mag-aral. At ibig ng guro naming maging manggagamot ang kanyang anak at isang mabuting manggagamot. Nasa bahaging iyon ang ang pagsasalita ng aming guro nang isang bata sa aking likuran ang bumulong, “Gaya ng kanyang ama!” Narinig ng aming guro ang sinabing iyon ng batang lalaki. At siya’y nagsalita. “Oo, gaya ng kanyang ama,” ang wika niya. Ngunit tumakas ang dugo sa kanyang mukha habang sumisilay ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi. Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase ang tungkol sa ama ng batang may kaarawan. Natiyak ko noong may isang bagay ngang mali siya sa buhay niya. Mali siya nang ganoon na lamang. At habang nakaupo ako sa aking luklukan, may dalawang dipa lamang ang layo sa kanya, kumirot ang puso ko sa pagnanasang lumapit sa kanya, tanganan ang kanyang mga kamay gaya ng ginawa niya nang hapong iyon sa sulok ng silid-aklatan, at hilinging magbukas ng dibdib sa akin. Marahil, makagagaan sa kanyang damdamin kung may mapagtatapatan siyang isang tao man lamang. Ngunit, ito ang sumupil sa pagnanasa kong yaon; ang mga kamag-aral kong nakikinig nang walang anumang malasakit sa kanyang sinasabing, “Oo, gaya ng kanyang ama,” habang tumatakas ang dugo sa kanyang mukha. Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko makakalimutan kailanman. Tinignan niya ako nang buong tapang na pinipigil ang panginginig ng mga kabi at sinabi ang ganito, “Mabuti… mabuti gaya ng sasabihin nitong Fe – iyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan. Mabuti, at ngayon, magsimula sa ating aralin…” Natiyak ko noon, gaya ng pagkakatiyak ko ngayon na hindi akin ang pangungusap na iyon, nadama kong siya at ako ay iisa. At kami ay bahagi ng mga nilalang na sapagkat nakaranas ng mga lihim na kalungkutan ay nakakilala ng mga lihim na kaligayahan. At minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting bumabalik ang dating kulay ng mukha niya, muli niyang pinamalas sa amin ang mga natatagong kagandahan sa aralin namin sa Panitikan. Ang kariktan ng
  • 5. katapangan; ang kariktan ng pagpapatuloy anuman ang kulay ng buhay. At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang mabalitaan ko ang tungkol sa pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang ama ng batang iyon na marahil ay magiging isang manggagamot din baling araw, at namatay at naburol ng dalawang gabi at dalawang araw sa isang bahay na hindi siyang tirahan ni Mabuti at ng kanyang anak. At naunawaan ko ang lahat. Sa hubad na katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyon ay naunawaan ko ang lahat…
  • 6. katapangan; ang kariktan ng pagpapatuloy anuman ang kulay ng buhay. At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang mabalitaan ko ang tungkol sa pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang ama ng batang iyon na marahil ay magiging isang manggagamot din baling araw, at namatay at naburol ng dalawang gabi at dalawang araw sa isang bahay na hindi siyang tirahan ni Mabuti at ng kanyang anak. At naunawaan ko ang lahat. Sa hubad na katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyon ay naunawaan ko ang lahat…