Sosyo-Kultural at
Pampolitikang Pamumuhay
ng mga Sinaunang Pilipino
AP 5 WEEK 5
Ang sosyo-kultural ay tumutukoy sa
pamumuhay ng isang pangkat ng tao. Ang
kagalingan sa larangan ng sining,
paniniwala, pakikipagkapuwa-tao at pag-
aaral ng paguugali ng tao. Makikita ang
pamamaraan ng pamumuhay sa kasaysayan,
modernisasyon at teknolohiya ng bansa
Ang politikal naman ay ang paraan ng
pamumuno ng isang makapangyarihang pinuno
sa isang grupo ng mga tao o pamilya.
Paniniwala sa mga Espiritu at Diyos ng Kalikasan
*Katalonan o Babaylan
Ang ating mga ninuno ay sumasamba sa kalikasan, katulad ng
kahoy, ilog, araw, bato at iba pa dahil naniniwala sila na ang mga
ito ay may kaluluwa. Tinatawag itong paniniwalang animismo.
Anito ang tawag ng mga Tagalog sa mga espiritung nananahan sa
kanilang kapaligiran at diwata naman sa mga Bisaya. Bago
simulan ang anumang gawain gaya ng pagpapatayo ng bahay,
pagtatanim o paglalakbay ay humihingi muna sila ng gabay at
pahintulot mula sa mga espiritu. Ang rituwal na ito ay
pinangungunahan ng mga katalonan (sa mga Tagalog) at
babaylan (sa mga Bisaya na silang tagapamagitan sa mundo ng
diyos at yumao.
(Sosyo-Kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino)
Paniniwala sa mga Espiritu at Diyos ng Kalikasan
*Rituwal ng Mumbaki
Marami sa mga pangkat-etniko ng Pilipinas ang
napanatili ang kanilang paniniwalang animistiko.
Halimbawa ay ang mga Igorot at ang kanilang 12yugtong
rituwal sa pagtatanim at pag-aani ng palay. Ito ay
isinasagawa sa gabay ng isang mumbaki (tawag sa
pinunong panrelihiyon ng mga Igorot na nagsisilbing
tagapamagitan ng tao sa mga espiritu at itinuturing din
siyang manggagamot ng kaluluwa sa loob ng panahon ng
pagtatanim ng palay sang-ayon sa sinusunod nilang
kalendaryong agraryo.
Pagbabatok/Pagbabatik
Ang pagbabatok o pagbabatik ay paraan ng paglalagay ng
mga tato o mga permanenteng disenyo at marka sa balat ng mga
sinaunang Pilipino. Pintados ang tawag sa mga katutubong puno ng tato
ang katawan. Pinaniniwalaan nila na may taglay na mahika at
kapangyarihan ang mga tato sa kanilang katawan na ang sino mang
mayroon nito ay magtataglay ng ibayong lakas at husay sa pakikidigma.
Naging tanda rin ang ito ng tapang at mga tagumpay ng mga mandirigma.
Talamak ang ganitong tradisyon sa mga Bontok, Igorot, Kalinga at
Ifugao. Sa kasalukuyan, sa bundok ng Cordillera sa Luzon, partikular sa
Tinglayan, Kalinga, matatagpuan ang grupong etniko ng Butbut. Isa sa
mga pinakamatandang mambabatok ay si Apo Whang-od. Ang kanyang
mga disenyo ay tiyak na nakamamangha at tunay na maipagmamalaki
bilang isang Pilipino.
Paglilibing
May dalawang bahagi ang paglilibing ng mga
sinaunang Pilipino. Una, inililibing nila ang mga yumao sa
lupa kasama ang ilang kasangkapan. Matapos matuyo ang mga
labi ay hinahango ito mula sa libingan at isinisilid sa loob ng
banga o tapayan. Isang halimbawa ng tapayan na ginamit sa
paglilibing ang bangang Manunggul. Natagpuan ito ng
pangkat ni Dr. Robert Fox noong 1962 malapit sa labi ng
Taong Tabon. Ang dalawang pigura ng tao sa ibabaw ng takip
nito ay sumisimbolo sa paghahatid ng yumao sa kabilang
buhay.
Paggawa ng Bangka
Ang mga ninuno natin ay kilala sa paggawa ng mga
sopistikadong mga bangka. Matitibay, matutulin at
hinahangaan ang mga bangkang nagmula sa Pilipinas,
katulad ng natagpuan sa Butuan. Ito ay pinagbuklod lang ng
tinatawag na wooden peg hindi ng pako. Maraming mga
lumang bangka ang nahukay ng mga eksperto sa Pilipinas.
Ang mga bangkang ito ay tinawag ni Antonio Pigafetta,
(isang iskolar at eksplorador na Italyano) na balangay. Ito
ay gawa sa tabla at pinakamatandang sasakyang pantubig sa
Pilipinas ayon kay Antonio Pigafetta.
Pananamit at Palamuti
Ang sinaunang kalalakihang Pilipino ay nagsuot ng pantaas na damit
na tinawag na kanggan. Ang kulay ng kanggan ay batay sa katayuan
ng may suot nito-pula para sa datu at asul o itim para sa may mas
mababang katayuan sa datu. Bahag naman ang pang-ibabang kasuotan
nila. Putong ang tawag sa ibinabalot sa kanilang ulo. Tulad ng
kanggan, sinasalamin din ng putong katangian ng may suot nito.
Pulang putong para sa taong nakapaslang ng isa at burdadong putong
naman kapag nakapaslang ng pitong tao. Sa kababaihan, ang pang-itaas
na kasuotan ay ang baro at ang pang-ibaba naman ay ang maluwag na
palda na tinatawag na saya ng mga Tagalog at patadyong ng mga
Bisaya. Karaniwan din silang nagsusuot ng pula o puting tapis sa
baywang.
Pananamit at Palamuti
Mahilig magsuot ng mga palamuti sa katawan ang
sinaunang kababaihan at kalalakihang Pilipino.
Kadalasang gawa sa ginto ang mga ito. Halimbawa ng
mga palamuting kanilang isinusuot ay ang pomaras –
isang alahas na hugis rosas at ganbanes- isang uri ng
gintong pulseras na isinusuot nila sa braso at binti.
Nagsuot naman ang kababaihan at kalalakihang Bisaya
ng hanggang apat na pares ng gintong hikaw sa kanilang
tainga. Gumamit din sila ng ginto upang palamutian ang
kanilang ngipin.
Pananamit at Palamuti
Ang mga sinaunang Pilipino ay mahusay sa
metalurhiya o pagpapanday ng mga metal tulad ng
ginto. Ito ang obserbasyon ng mga dayuhang
mangangalakal na ipinagpapalit ang kanilang paninda ng
ginto, pilak at tanso. Ang mga pook na kinatagpuan ng
mga labi ng sinaunang ginto ay sa Mindoro, Samar,
Cuyo, Bohol, Surigao at Butuan.
*Musika at Sayaw *
Sinaunang Instrumento
Mayaman sa musika ang mga sinaunang Pilipino.
May kaalaman din sila sa paggamit ng mga instrumento
at sa paglikha ng musika. Halimbawa ng kanilang
instrumento ay ang gangsa, ito ay ginagamit ng mga
taga Cordillera, kaleleng ng mga Bontok at tambuli ng
mga Tagalog.
*Musika at Sayaw *
Sinaunang Instrumento
May kaalaman ang sinaunang Pilipino sa paggamit ng
mga instrumento at sa paglikha ng musika. Isinaliw nila
ang musika sa kanilang pagsasayaw at iba pang gawain
tulad ng pagsasaka at pag-aani, gayundin sa
mahahalagang pagdiriwang at rituwal sa kanilang
pamayanan.
*Musika at Sayaw *
Sinaunang Instrumento
Mayroon din silang awit at sayaw para sa iba’t ibang
pagdiriwang at gawain. Sa pamamagitan ng dallot- isang
mahabang berso na binibigkas ng paawit na pangharana
ng mga sinaunang Ilocano sa kanilang iniirog. Katumbas
naman nito ang ayeg-klu ng mga Igorot. May awitin din
sila para sa tagumpay sa digmaan, pagkakasal,
pagluluksa, pagsamba sa mga diyos at mga larong
pambata.
Tinikling
Mayaman din sa katutubong sayaw ang mga sinaunang
Pilipino. Naging inspirasyon nila ang kalikasan, tulad ng
mga kilos ng hayop, sa paggawa ng sayaw. Halimbawa
nito ay ang Tinikling na hango sa galaw ng ibong tikling
at itinuring din itong katutubong sayaw ng ating mga
ninuno. May sayaw din sila na bahagi ng rituwal tulad
ng Pagdiwata, isang sayaw ng pasasalamat para
samagandang ani ng mga Tagbanwa sa Palawan.
Tinikling
Sayaw para sa mga gawaing pangkabuhayan naman ang
Pagtatanim at Paggapas ng mga magsasaka sa
Katagalugan at Pamulad Isda o sayaw ng pagpapatuyo
ng isda ng mga taga-Negros. Salidsid o sayaw sa
panliligaw ng mga Kalinga at Bangibang naman ang
sayaw para sa paglilibing ng yumaong nakaranas ng
marahas na kamatayan ng mga Ifugao.
Tinikling
Ang mga sinaunang musika at sayaw na ito ay patuloy
na nagiging bahagi ng mga pagdiriwang at pista sa iba’t
ibang lalawigan ng bansa. Isinasagawa ito bilang
paggunita sa mga katutubong dating naninirahan sa
kanilang pamayanan, o bilang bahagi ng Kristiyanong
pagdiriwang dulot ng bagong relihiyong dinala ng mga
mananakop na Espanyol sa Pilipinas.
(Politikal na Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino )
Uri ng Pamamahala
May mataas na antas ng pamumuhay sa lipunan ang mga
sinaunang Pilipino bago dumating ang mga Espanyol. Makikita
ang bagay na ito sa mga paniniwala, kaugalian at tradisyon sa
iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Bahagi ng naturang
pamumuhay ang pagkakaroon ng sistema ng pamamahala
upang higit na maging maayos ang pamumuhay sa lipunan.
Batay sa pag-aaral ng mga dalubhasa sa kasaysayan, dalawa
ang uri ng pamahalaan na naitatag noon- ang barangay at ang
sultanato.
Barangay
Halaw sa salitang balanghai o balangay ang salitang barangay,
na ang kahulugan sa salitang Malay ay isang malaking bangka.
Ayon sa isang aklat pangkasaysayan na sinulat ni Teodoro A.
Agoncillo, ang barangay ang uri ng pamahalaan na sinusunod noon
ngunit hindi nito sakop ang buong bansa. Bawat barangay ay
sumasakop sa isang tiyak na lugar lamang. Karaniwan din itong
binubuo ng humigit-kumulang sa 30 hanggang 100 pamilya.
Malaya sa isa’t isa ang iba’t ibang barangay noon, pero may
mga barangay na higit na makapangyarihan kaysa iba. Sa ganitong
pagkakataon, ang mga pinuno ay nagbibigay din ng galang sa iba,
kahit na hindi sakop ang mga ito ng ibang pinuno.
Datu
Ang pinuno ng barangay ay tinatawag na datu.
Kabilang sa mga pamilya ng maginoo ang pinakamataas
sa lipunan, ang datu. Ang kaniyang katungkulan ay
namamana o isinasalin sa panganay na anak na lalaki sa
kinabibilangan niyang angkan. Siya ay may malawak na
kapangyarihan, tagagawa ng mga batas, tagapagpatupad
ng mga ito, tagahatol sa mga lumabag sa batas at pinuno
ng mga mandirigma sa barangay.
Mga Batas sa Barangay
May dalawang uri ng batas sa barangay- ang hindi nakasulat at ang
nakasulat. Ang mga batas na hindi nakasulat ay batay sa mga
kaugalian, tradisyon at paniniwala ng mga tao. Ang mga nakasulat na
batas ay ginagawa ng datu sa tulong ng matatandang tagapayo niya.
Ipinahahayag ang mga ito sa mga tao sa pamamagitan ng umalohokan
o tagapagbalita. Saklaw ng mga nakasulat na batas noon ang mga
paksang may kinalaman sa mga relasyong pampamilya, mga karapatan
sa mana at ari-arian, pautang, kalakalan at iba’t ibang pagkakasala.
Maraming nakasulat na batas sa barangay noong unang panahon.
Ngunit hindi na napangalagaan dahil sa nakasulat lamang ang mga ito
sa mga balat ng kahoy at biyas ng kawayan.
Hukuman sa Barangay
Walang pormal na hukuman sa pamahalaang barangay.
Ang lahat ng usapin ay dumaraan sa isang publikong
paglilitis. Kapuwa pinagsasalita ang panig ng nasasakdal at
ang nagsasakdal. Sila ay pinanunumpa na magsasabi ng
katotohanan lamang. Ilan lamang sa mga itinuturing na
krimen na dapat idulog sa datu ay ang pagnanakaw,
paninirang-puri, pagpatay, pangkukulam, hindi paggalang
sa kapangyarihan ng datu at pagsira ng ari-arian ng iba.
May mga pagsubok para sa taong pinaghihinalaang
nagkasala. Mga halimbawa nito ang pagsisid nang
matagal sa ilalim ng ilog, pagkuha ng bato sa loob ng
sisidlang may lamang kumukulong tubig. Sa unang
halimbawa, ang naunang umahon sa tubig ang
ipinahahayag na nagkasala. Sa pangalawa, ang taong
hindi gaanong napaso ang kamay ang pinapawalang-
sala.
Pakikipag-ugnayan sa ibang Barangay
Kabilang sa mga patakaran ng pamahalaang barangay ang
pakikipag-ugnayan sa ibang barangay. Layunin nito ang pag-
iwas sa mga digmaan at hindi pagkakaunawaan. Nagsisimula
ang pagkakasundo ng mga barangay sa isang pulong na
tinatampukan ng pagpapakilala ng mga datu at iba pang
pinuno. Kasunod nito ang paglalahad ng mga panukala ukol sa
kalakalan o kaayusan ng kani-kanilang nasasakupan.
Pagkatapos, ang mga nag-uusap ay nagsasagawa ng
seremonyang sanduguan na tinatawag na kasi-kasi. Ito ang
sagisag ng kanilang pagkaka-ugnay sa dugo at simula ng
kanilang pagkakaibigan.
Sultanato
Ang sultanato ay isang sistema ng pamamahala na batay sa
katuruan ng Islam. Pinamumunuan ito ng sultan na siyang
nagpapasiya at nagtatakda ng mga tuntuning susundin sa buong
sultanato. Si Sharif ul-Hashim ang nagtatag ng unang
sultanato sa Pilipinas at tumayo ring sultan nito. Nagtakda siya
ng mga lupaing saklaw ng kaniyang kapagyarihan. Hanggang
maabot ng tunog ng tambol mula sa kaniyang tirahan ang mga
lupain, itinuturing niyang bahagi pa ng kaniyang sultanato ang
mga iyon.
Sultanato
Bilang sultan, siya ang pinakamataas na pinuno ng
pamahalaan, kinatawan ng kaniyang mga nasasakupan sa
pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan at
tagapagtanggol ng kaniyang mga nasasakupan. Bukod dito,
tinuturuan niya ang mga ito ng mga aral ng Islam. Katulong niya
sa pagpapatupad ng batas ang ruma bichara na nagsisilbing
tagapayo na binubuo ng mga makapangyarihan at mayayamang
pinuno sa mga pamayanang nasasakupan ng sultanato. Ang mga
batas ay batay sa tatlong sistema; Qur’an, sharia (Islamic laws) at
adat (customary laws). Ang sultan din ang nagsisilbing hukom sa
paglilitis sa mga lumalabag sa batas ng sultanato.
Panuto: Basahin ang sumusunod na pangugusap. Isulat sa
sagutang papel ang tama kung ito ay wasto at mali kung hindi.
1. Ang ating mga ninuno ay sumasamba sa kalikasan dahil
naniniwala sila na ang mga ito ay may kaluluwa.
2. Ang kasuotan nila ay batay sa kulay ng kanilang kapaligiran at
palamuti sa kanilang katawan.
3. Pinapahalagahan ng mga sinaunang Pilipino ang kanilang mga
patay.
4. Ang mga ninuno natin ay nagsasagawa ng iba’t ibang rituwal at
pagdiriwang na pinangungunahan ng mga katalonan at babaylan.
5. May sariling paraan ng pamumuno at mga batas ang mga
sinaunang Pilipino bago pa man dumating ang mga Espanyol.

More Related Content

PPTX
Arithmetic sequences and arithmetic means
PPTX
Pamumuhay ng mga sinaunang pilipino sa panahong pre kolonyal
PPT
21st-teaching-strategies (1).ppt
PDF
EGRA-Toolkit-Kinder.pdf
PPTX
Pagkakatatag ng kilusang propaganda at katipunan
PPTX
Pagtugon ng mga pilipino sa patuloy na mga suliranin, isyu at hamon ng kasari...
PPT
Paglaganap ng Relihiyong Islam
PPT
States Of Matter Power Point
Arithmetic sequences and arithmetic means
Pamumuhay ng mga sinaunang pilipino sa panahong pre kolonyal
21st-teaching-strategies (1).ppt
EGRA-Toolkit-Kinder.pdf
Pagkakatatag ng kilusang propaganda at katipunan
Pagtugon ng mga pilipino sa patuloy na mga suliranin, isyu at hamon ng kasari...
Paglaganap ng Relihiyong Islam
States Of Matter Power Point

What's hot (20)

PPTX
Araling Panlipunan SIM QIII
PPTX
Mga Teorya ng Pinagmulan ng Lahing Pilipino
PPTX
Edukasyon ng Sinaunang Pilipino
PPTX
AP 5- Ang Sultanato.pptx
PDF
MGA-ANTAS-PANLIPUNAN-NG-SINAUNANG-PILIPINO.pdf
PPT
Pagsamba ng mga sinaunang pilipino
PPT
Pamahalaang Barangay
PPTX
Pamahalaang sultanato
PPT
Tugon ng mga katutubo
PPTX
Q3 AP5 - Pagbabagong Kultural sa Panahon ng Espanyol.pptx
PPTX
Pagbabago sa Lipunan ng mga Katutubo
PPTX
Mga Dahilan at Layunin ng Kolonyalismong Espanyol
PPTX
YUNIT II ARALIN 17 PAMBANSANG AWIT AT WATAWAT NG PILIPINAS BILANG MGA SAGISAG...
PPTX
MUSIC: YUNIT III ARALIN 2: Ang antedecent phrases
PPTX
Pagbabago sa Panahanan ng mga Pilipino sa Panahon.pptx
PPTX
Pagbabagong Panlipunan.pptx
KEY
Pueblo
PPTX
Antas ng lipunan
PPTX
Sinaunang tradisyon
PPTX
sekularisasyon,cavite mutiny,kilusang propaganda.pptx
Araling Panlipunan SIM QIII
Mga Teorya ng Pinagmulan ng Lahing Pilipino
Edukasyon ng Sinaunang Pilipino
AP 5- Ang Sultanato.pptx
MGA-ANTAS-PANLIPUNAN-NG-SINAUNANG-PILIPINO.pdf
Pagsamba ng mga sinaunang pilipino
Pamahalaang Barangay
Pamahalaang sultanato
Tugon ng mga katutubo
Q3 AP5 - Pagbabagong Kultural sa Panahon ng Espanyol.pptx
Pagbabago sa Lipunan ng mga Katutubo
Mga Dahilan at Layunin ng Kolonyalismong Espanyol
YUNIT II ARALIN 17 PAMBANSANG AWIT AT WATAWAT NG PILIPINAS BILANG MGA SAGISAG...
MUSIC: YUNIT III ARALIN 2: Ang antedecent phrases
Pagbabago sa Panahanan ng mga Pilipino sa Panahon.pptx
Pagbabagong Panlipunan.pptx
Pueblo
Antas ng lipunan
Sinaunang tradisyon
sekularisasyon,cavite mutiny,kilusang propaganda.pptx
Ad

Similar to AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG PILIPINO.pptx (20)

DOCX
Sosyo - Kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang Tao
PPTX
Q1- AP - WEEK 8.pptx openesajdauodiaudio
DOCX
Sinaunang paniniwala at kaugalian
DOCX
Proyekto sa araling panlipunan.docx
PPTX
QUARTER 3 _ARALING PABLIPUNAN_PPT_WEEK 1.pptx
PPTX
Q3_AP_PPT_WEEK 1 sir denand.pp........................tx
PPSX
Aralin 5 Ugnayang Panlipunan at Kalagayang Pangkabuhayan ng mga Sinaunang F...
PDF
Pagkakakilanlang Kultural ng Pilipinas
DOCX
Sinaunangpaniniwalaatkaugalian 121224010021-phpapp01
DOCX
october 4.docx
PPTX
Wika at Kultura ng mga Ilokano (nina Agrakhan at Ampuan).pptx
PPTX
Mga paniniwala at kultura
DOCX
Araling Panlipunan- Q1 WEEK-8-Day-1-5.docx
PPTX
Q1-WEEK-2-Ugnayan-ng-Heograpiya-at-Kultura.pptx
PDF
PAMUMUHAY NG SINAUNANG FILIPINO- teknolohiya
PPTX
Aralin ugnayang panlipunan
PPTX
Panitikang Pilipino 2.pptx
PPTX
ARAL PAN 5 WEEK 6 DAY 1 (1).pptx
PPTX
Panitikang-Pilipino - Tulatalakay ito mga akdang pampanitikang nabuo ng ating...
PPTX
PKuhuiuiLhiygbghibbbvfghPQ1-ILAYA(4).pptx
Sosyo - Kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang Tao
Q1- AP - WEEK 8.pptx openesajdauodiaudio
Sinaunang paniniwala at kaugalian
Proyekto sa araling panlipunan.docx
QUARTER 3 _ARALING PABLIPUNAN_PPT_WEEK 1.pptx
Q3_AP_PPT_WEEK 1 sir denand.pp........................tx
Aralin 5 Ugnayang Panlipunan at Kalagayang Pangkabuhayan ng mga Sinaunang F...
Pagkakakilanlang Kultural ng Pilipinas
Sinaunangpaniniwalaatkaugalian 121224010021-phpapp01
october 4.docx
Wika at Kultura ng mga Ilokano (nina Agrakhan at Ampuan).pptx
Mga paniniwala at kultura
Araling Panlipunan- Q1 WEEK-8-Day-1-5.docx
Q1-WEEK-2-Ugnayan-ng-Heograpiya-at-Kultura.pptx
PAMUMUHAY NG SINAUNANG FILIPINO- teknolohiya
Aralin ugnayang panlipunan
Panitikang Pilipino 2.pptx
ARAL PAN 5 WEEK 6 DAY 1 (1).pptx
Panitikang-Pilipino - Tulatalakay ito mga akdang pampanitikang nabuo ng ating...
PKuhuiuiLhiygbghibbbvfghPQ1-ILAYA(4).pptx
Ad

Recently uploaded (20)

PPTX
ARALIN-2-INTRODUKSIYON-SA-PAG-AARAL-NG-WIKA-2.pptx
PPTX
ALOKASYON - powerpoint presentation Copy.pptx
PPTX
Ang Guryon.pptxmkcndjncjndjcnjdnjnjnj nm
PPTX
EDITORYAL WEEK 6, aralin para sa ikawalong baitang
PPTX
araling panlipunan kwarter 2 baitang walo
PPTX
Ang mga Pang-ugnay at mga Pahayag.pptx n
PPTX
Identification_Questions_Resilience_No_Answers.pptx
PPTX
Mga Salik sa Pagpili ng Kurso.powerpoint
PPTX
Uri, Kailanan, at Kasarian ng Pangngalan (1).pptx
DOCX
Eslava_COT_4.docxmatatag curriculum cot 4 in filipino
PPTX
Maikling Pagsusulit Filipino 10 (QA1A)..
PPTX
Araling Panlipunan 6 - Aralin 1, Quarter 1
PPTX
,,,,,,,,,,,,Mitolohiyang_Romano_Quiz.pptx
DOCX
BAGANGAN_LE-COT4.docx matatag curriculum lesson plan pe 4
PDF
KILUSANG PROPAGANDA_20250810_123818_0000.pdf
DOCX
ENRIQUEZ_DLP_WEEK_4ddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddd
PPTX
Edukasyon sa Pagpakatao 5 Week 10 - Les1
PPTX
AP 9 Aralin 1 Ekonomiks Araling Panlipunan.pptx
PPTX
EsP Quarter1 Module1 powerpoint presentation
PPTX
Sanaysaymulasagreece_086785677(51030.pptx
ARALIN-2-INTRODUKSIYON-SA-PAG-AARAL-NG-WIKA-2.pptx
ALOKASYON - powerpoint presentation Copy.pptx
Ang Guryon.pptxmkcndjncjndjcnjdnjnjnj nm
EDITORYAL WEEK 6, aralin para sa ikawalong baitang
araling panlipunan kwarter 2 baitang walo
Ang mga Pang-ugnay at mga Pahayag.pptx n
Identification_Questions_Resilience_No_Answers.pptx
Mga Salik sa Pagpili ng Kurso.powerpoint
Uri, Kailanan, at Kasarian ng Pangngalan (1).pptx
Eslava_COT_4.docxmatatag curriculum cot 4 in filipino
Maikling Pagsusulit Filipino 10 (QA1A)..
Araling Panlipunan 6 - Aralin 1, Quarter 1
,,,,,,,,,,,,Mitolohiyang_Romano_Quiz.pptx
BAGANGAN_LE-COT4.docx matatag curriculum lesson plan pe 4
KILUSANG PROPAGANDA_20250810_123818_0000.pdf
ENRIQUEZ_DLP_WEEK_4ddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddd
Edukasyon sa Pagpakatao 5 Week 10 - Les1
AP 9 Aralin 1 Ekonomiks Araling Panlipunan.pptx
EsP Quarter1 Module1 powerpoint presentation
Sanaysaymulasagreece_086785677(51030.pptx

AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG PILIPINO.pptx

  • 1. Sosyo-Kultural at Pampolitikang Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino AP 5 WEEK 5
  • 2. Ang sosyo-kultural ay tumutukoy sa pamumuhay ng isang pangkat ng tao. Ang kagalingan sa larangan ng sining, paniniwala, pakikipagkapuwa-tao at pag- aaral ng paguugali ng tao. Makikita ang pamamaraan ng pamumuhay sa kasaysayan, modernisasyon at teknolohiya ng bansa
  • 3. Ang politikal naman ay ang paraan ng pamumuno ng isang makapangyarihang pinuno sa isang grupo ng mga tao o pamilya.
  • 4. Paniniwala sa mga Espiritu at Diyos ng Kalikasan *Katalonan o Babaylan Ang ating mga ninuno ay sumasamba sa kalikasan, katulad ng kahoy, ilog, araw, bato at iba pa dahil naniniwala sila na ang mga ito ay may kaluluwa. Tinatawag itong paniniwalang animismo. Anito ang tawag ng mga Tagalog sa mga espiritung nananahan sa kanilang kapaligiran at diwata naman sa mga Bisaya. Bago simulan ang anumang gawain gaya ng pagpapatayo ng bahay, pagtatanim o paglalakbay ay humihingi muna sila ng gabay at pahintulot mula sa mga espiritu. Ang rituwal na ito ay pinangungunahan ng mga katalonan (sa mga Tagalog) at babaylan (sa mga Bisaya na silang tagapamagitan sa mundo ng diyos at yumao.
  • 5. (Sosyo-Kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino) Paniniwala sa mga Espiritu at Diyos ng Kalikasan *Rituwal ng Mumbaki Marami sa mga pangkat-etniko ng Pilipinas ang napanatili ang kanilang paniniwalang animistiko. Halimbawa ay ang mga Igorot at ang kanilang 12yugtong rituwal sa pagtatanim at pag-aani ng palay. Ito ay isinasagawa sa gabay ng isang mumbaki (tawag sa pinunong panrelihiyon ng mga Igorot na nagsisilbing tagapamagitan ng tao sa mga espiritu at itinuturing din siyang manggagamot ng kaluluwa sa loob ng panahon ng pagtatanim ng palay sang-ayon sa sinusunod nilang kalendaryong agraryo.
  • 6. Pagbabatok/Pagbabatik Ang pagbabatok o pagbabatik ay paraan ng paglalagay ng mga tato o mga permanenteng disenyo at marka sa balat ng mga sinaunang Pilipino. Pintados ang tawag sa mga katutubong puno ng tato ang katawan. Pinaniniwalaan nila na may taglay na mahika at kapangyarihan ang mga tato sa kanilang katawan na ang sino mang mayroon nito ay magtataglay ng ibayong lakas at husay sa pakikidigma. Naging tanda rin ang ito ng tapang at mga tagumpay ng mga mandirigma. Talamak ang ganitong tradisyon sa mga Bontok, Igorot, Kalinga at Ifugao. Sa kasalukuyan, sa bundok ng Cordillera sa Luzon, partikular sa Tinglayan, Kalinga, matatagpuan ang grupong etniko ng Butbut. Isa sa mga pinakamatandang mambabatok ay si Apo Whang-od. Ang kanyang mga disenyo ay tiyak na nakamamangha at tunay na maipagmamalaki bilang isang Pilipino.
  • 7. Paglilibing May dalawang bahagi ang paglilibing ng mga sinaunang Pilipino. Una, inililibing nila ang mga yumao sa lupa kasama ang ilang kasangkapan. Matapos matuyo ang mga labi ay hinahango ito mula sa libingan at isinisilid sa loob ng banga o tapayan. Isang halimbawa ng tapayan na ginamit sa paglilibing ang bangang Manunggul. Natagpuan ito ng pangkat ni Dr. Robert Fox noong 1962 malapit sa labi ng Taong Tabon. Ang dalawang pigura ng tao sa ibabaw ng takip nito ay sumisimbolo sa paghahatid ng yumao sa kabilang buhay.
  • 8. Paggawa ng Bangka Ang mga ninuno natin ay kilala sa paggawa ng mga sopistikadong mga bangka. Matitibay, matutulin at hinahangaan ang mga bangkang nagmula sa Pilipinas, katulad ng natagpuan sa Butuan. Ito ay pinagbuklod lang ng tinatawag na wooden peg hindi ng pako. Maraming mga lumang bangka ang nahukay ng mga eksperto sa Pilipinas. Ang mga bangkang ito ay tinawag ni Antonio Pigafetta, (isang iskolar at eksplorador na Italyano) na balangay. Ito ay gawa sa tabla at pinakamatandang sasakyang pantubig sa Pilipinas ayon kay Antonio Pigafetta.
  • 9. Pananamit at Palamuti Ang sinaunang kalalakihang Pilipino ay nagsuot ng pantaas na damit na tinawag na kanggan. Ang kulay ng kanggan ay batay sa katayuan ng may suot nito-pula para sa datu at asul o itim para sa may mas mababang katayuan sa datu. Bahag naman ang pang-ibabang kasuotan nila. Putong ang tawag sa ibinabalot sa kanilang ulo. Tulad ng kanggan, sinasalamin din ng putong katangian ng may suot nito. Pulang putong para sa taong nakapaslang ng isa at burdadong putong naman kapag nakapaslang ng pitong tao. Sa kababaihan, ang pang-itaas na kasuotan ay ang baro at ang pang-ibaba naman ay ang maluwag na palda na tinatawag na saya ng mga Tagalog at patadyong ng mga Bisaya. Karaniwan din silang nagsusuot ng pula o puting tapis sa baywang.
  • 10. Pananamit at Palamuti Mahilig magsuot ng mga palamuti sa katawan ang sinaunang kababaihan at kalalakihang Pilipino. Kadalasang gawa sa ginto ang mga ito. Halimbawa ng mga palamuting kanilang isinusuot ay ang pomaras – isang alahas na hugis rosas at ganbanes- isang uri ng gintong pulseras na isinusuot nila sa braso at binti. Nagsuot naman ang kababaihan at kalalakihang Bisaya ng hanggang apat na pares ng gintong hikaw sa kanilang tainga. Gumamit din sila ng ginto upang palamutian ang kanilang ngipin.
  • 11. Pananamit at Palamuti Ang mga sinaunang Pilipino ay mahusay sa metalurhiya o pagpapanday ng mga metal tulad ng ginto. Ito ang obserbasyon ng mga dayuhang mangangalakal na ipinagpapalit ang kanilang paninda ng ginto, pilak at tanso. Ang mga pook na kinatagpuan ng mga labi ng sinaunang ginto ay sa Mindoro, Samar, Cuyo, Bohol, Surigao at Butuan.
  • 12. *Musika at Sayaw * Sinaunang Instrumento Mayaman sa musika ang mga sinaunang Pilipino. May kaalaman din sila sa paggamit ng mga instrumento at sa paglikha ng musika. Halimbawa ng kanilang instrumento ay ang gangsa, ito ay ginagamit ng mga taga Cordillera, kaleleng ng mga Bontok at tambuli ng mga Tagalog.
  • 13. *Musika at Sayaw * Sinaunang Instrumento May kaalaman ang sinaunang Pilipino sa paggamit ng mga instrumento at sa paglikha ng musika. Isinaliw nila ang musika sa kanilang pagsasayaw at iba pang gawain tulad ng pagsasaka at pag-aani, gayundin sa mahahalagang pagdiriwang at rituwal sa kanilang pamayanan.
  • 14. *Musika at Sayaw * Sinaunang Instrumento Mayroon din silang awit at sayaw para sa iba’t ibang pagdiriwang at gawain. Sa pamamagitan ng dallot- isang mahabang berso na binibigkas ng paawit na pangharana ng mga sinaunang Ilocano sa kanilang iniirog. Katumbas naman nito ang ayeg-klu ng mga Igorot. May awitin din sila para sa tagumpay sa digmaan, pagkakasal, pagluluksa, pagsamba sa mga diyos at mga larong pambata.
  • 15. Tinikling Mayaman din sa katutubong sayaw ang mga sinaunang Pilipino. Naging inspirasyon nila ang kalikasan, tulad ng mga kilos ng hayop, sa paggawa ng sayaw. Halimbawa nito ay ang Tinikling na hango sa galaw ng ibong tikling at itinuring din itong katutubong sayaw ng ating mga ninuno. May sayaw din sila na bahagi ng rituwal tulad ng Pagdiwata, isang sayaw ng pasasalamat para samagandang ani ng mga Tagbanwa sa Palawan.
  • 16. Tinikling Sayaw para sa mga gawaing pangkabuhayan naman ang Pagtatanim at Paggapas ng mga magsasaka sa Katagalugan at Pamulad Isda o sayaw ng pagpapatuyo ng isda ng mga taga-Negros. Salidsid o sayaw sa panliligaw ng mga Kalinga at Bangibang naman ang sayaw para sa paglilibing ng yumaong nakaranas ng marahas na kamatayan ng mga Ifugao.
  • 17. Tinikling Ang mga sinaunang musika at sayaw na ito ay patuloy na nagiging bahagi ng mga pagdiriwang at pista sa iba’t ibang lalawigan ng bansa. Isinasagawa ito bilang paggunita sa mga katutubong dating naninirahan sa kanilang pamayanan, o bilang bahagi ng Kristiyanong pagdiriwang dulot ng bagong relihiyong dinala ng mga mananakop na Espanyol sa Pilipinas.
  • 18. (Politikal na Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino ) Uri ng Pamamahala May mataas na antas ng pamumuhay sa lipunan ang mga sinaunang Pilipino bago dumating ang mga Espanyol. Makikita ang bagay na ito sa mga paniniwala, kaugalian at tradisyon sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Bahagi ng naturang pamumuhay ang pagkakaroon ng sistema ng pamamahala upang higit na maging maayos ang pamumuhay sa lipunan. Batay sa pag-aaral ng mga dalubhasa sa kasaysayan, dalawa ang uri ng pamahalaan na naitatag noon- ang barangay at ang sultanato.
  • 19. Barangay Halaw sa salitang balanghai o balangay ang salitang barangay, na ang kahulugan sa salitang Malay ay isang malaking bangka. Ayon sa isang aklat pangkasaysayan na sinulat ni Teodoro A. Agoncillo, ang barangay ang uri ng pamahalaan na sinusunod noon ngunit hindi nito sakop ang buong bansa. Bawat barangay ay sumasakop sa isang tiyak na lugar lamang. Karaniwan din itong binubuo ng humigit-kumulang sa 30 hanggang 100 pamilya. Malaya sa isa’t isa ang iba’t ibang barangay noon, pero may mga barangay na higit na makapangyarihan kaysa iba. Sa ganitong pagkakataon, ang mga pinuno ay nagbibigay din ng galang sa iba, kahit na hindi sakop ang mga ito ng ibang pinuno.
  • 20. Datu Ang pinuno ng barangay ay tinatawag na datu. Kabilang sa mga pamilya ng maginoo ang pinakamataas sa lipunan, ang datu. Ang kaniyang katungkulan ay namamana o isinasalin sa panganay na anak na lalaki sa kinabibilangan niyang angkan. Siya ay may malawak na kapangyarihan, tagagawa ng mga batas, tagapagpatupad ng mga ito, tagahatol sa mga lumabag sa batas at pinuno ng mga mandirigma sa barangay.
  • 21. Mga Batas sa Barangay May dalawang uri ng batas sa barangay- ang hindi nakasulat at ang nakasulat. Ang mga batas na hindi nakasulat ay batay sa mga kaugalian, tradisyon at paniniwala ng mga tao. Ang mga nakasulat na batas ay ginagawa ng datu sa tulong ng matatandang tagapayo niya. Ipinahahayag ang mga ito sa mga tao sa pamamagitan ng umalohokan o tagapagbalita. Saklaw ng mga nakasulat na batas noon ang mga paksang may kinalaman sa mga relasyong pampamilya, mga karapatan sa mana at ari-arian, pautang, kalakalan at iba’t ibang pagkakasala. Maraming nakasulat na batas sa barangay noong unang panahon. Ngunit hindi na napangalagaan dahil sa nakasulat lamang ang mga ito sa mga balat ng kahoy at biyas ng kawayan.
  • 22. Hukuman sa Barangay Walang pormal na hukuman sa pamahalaang barangay. Ang lahat ng usapin ay dumaraan sa isang publikong paglilitis. Kapuwa pinagsasalita ang panig ng nasasakdal at ang nagsasakdal. Sila ay pinanunumpa na magsasabi ng katotohanan lamang. Ilan lamang sa mga itinuturing na krimen na dapat idulog sa datu ay ang pagnanakaw, paninirang-puri, pagpatay, pangkukulam, hindi paggalang sa kapangyarihan ng datu at pagsira ng ari-arian ng iba.
  • 23. May mga pagsubok para sa taong pinaghihinalaang nagkasala. Mga halimbawa nito ang pagsisid nang matagal sa ilalim ng ilog, pagkuha ng bato sa loob ng sisidlang may lamang kumukulong tubig. Sa unang halimbawa, ang naunang umahon sa tubig ang ipinahahayag na nagkasala. Sa pangalawa, ang taong hindi gaanong napaso ang kamay ang pinapawalang- sala.
  • 24. Pakikipag-ugnayan sa ibang Barangay Kabilang sa mga patakaran ng pamahalaang barangay ang pakikipag-ugnayan sa ibang barangay. Layunin nito ang pag- iwas sa mga digmaan at hindi pagkakaunawaan. Nagsisimula ang pagkakasundo ng mga barangay sa isang pulong na tinatampukan ng pagpapakilala ng mga datu at iba pang pinuno. Kasunod nito ang paglalahad ng mga panukala ukol sa kalakalan o kaayusan ng kani-kanilang nasasakupan. Pagkatapos, ang mga nag-uusap ay nagsasagawa ng seremonyang sanduguan na tinatawag na kasi-kasi. Ito ang sagisag ng kanilang pagkaka-ugnay sa dugo at simula ng kanilang pagkakaibigan.
  • 25. Sultanato Ang sultanato ay isang sistema ng pamamahala na batay sa katuruan ng Islam. Pinamumunuan ito ng sultan na siyang nagpapasiya at nagtatakda ng mga tuntuning susundin sa buong sultanato. Si Sharif ul-Hashim ang nagtatag ng unang sultanato sa Pilipinas at tumayo ring sultan nito. Nagtakda siya ng mga lupaing saklaw ng kaniyang kapagyarihan. Hanggang maabot ng tunog ng tambol mula sa kaniyang tirahan ang mga lupain, itinuturing niyang bahagi pa ng kaniyang sultanato ang mga iyon.
  • 26. Sultanato Bilang sultan, siya ang pinakamataas na pinuno ng pamahalaan, kinatawan ng kaniyang mga nasasakupan sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan at tagapagtanggol ng kaniyang mga nasasakupan. Bukod dito, tinuturuan niya ang mga ito ng mga aral ng Islam. Katulong niya sa pagpapatupad ng batas ang ruma bichara na nagsisilbing tagapayo na binubuo ng mga makapangyarihan at mayayamang pinuno sa mga pamayanang nasasakupan ng sultanato. Ang mga batas ay batay sa tatlong sistema; Qur’an, sharia (Islamic laws) at adat (customary laws). Ang sultan din ang nagsisilbing hukom sa paglilitis sa mga lumalabag sa batas ng sultanato.
  • 27. Panuto: Basahin ang sumusunod na pangugusap. Isulat sa sagutang papel ang tama kung ito ay wasto at mali kung hindi. 1. Ang ating mga ninuno ay sumasamba sa kalikasan dahil naniniwala sila na ang mga ito ay may kaluluwa. 2. Ang kasuotan nila ay batay sa kulay ng kanilang kapaligiran at palamuti sa kanilang katawan. 3. Pinapahalagahan ng mga sinaunang Pilipino ang kanilang mga patay. 4. Ang mga ninuno natin ay nagsasagawa ng iba’t ibang rituwal at pagdiriwang na pinangungunahan ng mga katalonan at babaylan. 5. May sariling paraan ng pamumuno at mga batas ang mga sinaunang Pilipino bago pa man dumating ang mga Espanyol.