SlideShare a Scribd company logo
BALIK - ARAL
GROUP 1 - WHITE HAT:
Ano ang ating aralin last week?
BALIK - ARAL
Ano ang kahulugan ng
Pagkamamamayan?
GAWAIN 1: LARAWAN - SURI
GAWAIN 1: LARAWAN - SURI
GROUP 2 - YELLOW HAT: Sa palagay ninyo, ano ang ating
tatalakayin ngayon base sa mga pagsusuri niyo sa larawan?
Pamantayang Nilalaman
(Content Standard)
• Ang mag-aaral ay may pag-
unawa sa kahalagahan ng
pagkamamamayan at
pakikilahok sa mg agawaing
pansibiko tungo sa
pagkakaroon ng pamayanan
at bansang maunlad,
mapayapa at may pagkakaisa.
Pamantayan sa Pagganap
(Performance Standard)
• Ang mag-aaral ay
nakagagawa ng
pananaliksik tungkol sa
kalagayan ng pakikilahok sa
mga gawaing pansibiko at
politikal ng mga
mamamayan sa kanilang
pamayanan.
Pamantayan sa Pagkatuto
(Learning Competencies)
• Nasusuri ang kahalagahan ng
pagsusulong at pangangalaga sa
karapatang pantao sa pagtugon sa mga
isyu at hamong panlipunan
(AP10MKP- IVe-5)
Layunin (Lesson Objectives)
• Naipaliliwanag ang kahulugan ng Karapatang
Pantao;
• Nakabubuo ng HISTORY BOARD hinggil sa
Kasaysayan ng Karapatang Pantao; at
• Napapahalagahan ang kaalaman sa pinagmulan
at pinagdaanan ng Karapatang Pantao
Paksa 1:
KASAYSAYAN NG
KARAPATANG
PANTAO
Ano ang kahulugan
KARAPATANG
PANTAO?
KARAPATANG PANTAO
Ang karapatang pantao ay ang likas at hindi
maipagkakait na mga karapatan ng bawat tao
anuman ang kanyang lahi, kasarian, relihiyon,
wika, kultura, o antas sa lipunan. Ang mga ito ay
kinikilala bilang batayang pangangailangan upang
mapanatili ang dignidad, kalayaan, at pantay na
pagtrato sa lahat ng tao.
Ano ang halimbawa
ng KARAPATANG
PANTAO?
MGA HALIMBAWA NG KARAPATANG
PANTAO
Kalayaan sa
pagsasalita
Pagkakapantay-
pantay sa harap
ng batas
Karapatang
makapaghanap
buhay
Karapatan
sa pagkain
Karapatang
makilahok
sa kalinangan
Karapatan
sa
edukasyon
Layunin (Lesson Objectives)

Naipaliliwanag ang kahulugan ng Karapatang
Pantao;
• Nakabubuo ng HISTORY BOARD hinggil sa
Kasaysayan ng Karapatang Pantao; at
• Napapahalagahan ang kaalaman sa pinagmulan
at pinagdaanan ng Karapatang Pantao
Paksa 1:
Historikal ng Pag-unlad
ng konsepto ng
KARAPATANG PANTAO
“Cyrus Cylinder” (539 B.C.E.)
Sinakop ni Haring
Cyrus ng Persia at
kaniyang mga
tauhan ang
lungsod ng
Babylon.
“Cyrus Cylinder” (539 B.C.E.)
Pinalaya niya ang mga alipin
at ipinahayag na maaari
silang pumili ng sariling
relihiyon.
Idineklara rin ang
pagkakapantay pantay ng
lahat ng lahi.
Nakatala ito sa isang baked-clay
cylinder na tanyag sa tawag na
“Cyrus Cylinder.” Tinagurian ito
bilang “world’s first charter of
human rights.”
Kinakitaan din ng kaisipan
tungkol sa karapatang
pantao ang iba pang
sinaunang kabihasnan tulad
ng India, Greece, at
Rome.
Ang mga itinatag na relihiyon at
pananampalataya sa Asya tulad ng
Judaism, Hinduism,
Kristiyanismo, Buddhism,
Taoism, Islam at iba pa ay
nakapaglahad ng mga kodigo tungkol
sa moralidad, kaisipan tungkol sa
dignidad ng tao at tungkulin nito sa
kaniyang kapwa.
TALAKAYAN: GAWAIN 2 – Group Activity
Panoorin ang maikling VIDEO na tumatalakay Historikal
ng Pag-unlad ng konsepto ng KARAPATANG PANTAO
Pagtuonan ng Pansin ang mga Pangyayari sa:
Unang Pangkat – 1628
Ikalawang Pangkat – 1787
Ikatlong Pangkat – 1789
Ikaapat na Pangkat – 1864
Ikalimang Pangkat - 1948
4 minutes
TALAKAYAN: GAWAIN 2 – Group Activity
Sasagutin ng bawat pangkat ang mga sumusunod na katanungan:
8 minutes
PANGKAT TAON TANONG
Unang
Pangkat
1628
• Bakit ipinagbawal sa Petition of Right ang pagpapataw ng buwis nang walang pahintulot ng Parliament?
• Paano nagbigay-daan ang dokumentong ito sa pagkakaroon ng mas makatarungang pamamahala sa
England?
Ikalawang
Pangkat
1787
• Ano ang pangunahing layunin ng Declaration of the Rights of Man and of the Citizen sa panahon ng
French Revolution?
• Paano isinulong ng dokumentong ito ang mga prinsipyong Liberty, Equality, at Fraternity?
Ikatlong
Pangkat
1789
• Anong mga pangunahing karapatan ang itinakda sa Bill of Rights ng Estados Unidos?
• Bakit mahalaga ang pagdaragdag ng Bill of Rights sa Konstitusyon ng U.S.?
Ikaapat na
Pangkat
1864
• Ano ang pangunahing layunin ng The First Geneva Convention?
• Paano nakatulong ang kasunduang ito sa pagpapabuti ng pagtrato sa mga sugatang sundalo at medikal
na kawani sa panahon ng digmaan?
Ikalimang
Pangkat
1948
• Ano ang layunin ng United Nations sa pagpapatupad ng Universal Declaration of Human Rights?
• Paano nakatulong ang UDHR sa pagtaguyod ng pandaigdigang proteksyon sa karapatang pantao?
TALAKAYAN: GAWAIN 3 –
Group Activity
Pag-uulat ng Bawat Pangkat ang
mga Mahahalagang Pangyayari
ayon sa taong naka atas sa mga ito.
3 minute bawat Pangkat
AP10 - Q4 - M2 - MGA KARAPATANG PANTAO.pptx
1215- Magna Carta
Noong 1215, sapilitang
lumagda si John I, Hari ng
England, sa Magna Carta,
isang dokumentong
naglalahad ng ilang
karapatan ng mga taga-
England.
1215- Magna Carta
Ilan sa mga ito ay hindi maaaring
dakpin, ipakulong, at bawiin
ang anumang ari-arian ng
sinuman nang walang
pagpapasiya ng hukuman. Sa
dokumentong ito, nilimitahan
ang kapangyarihan ng hari ng
bansa.
Petition of Right (1628)
Petition of Right (1628)
Sa England, ipinasa ang Petition of
Right na naglalaman ng mga karapatan
tulad nang hindi pagpataw ng buwis
nang walang pahintulot ng Parliament,
pagbawal sa pagkulong nang walang
sapat na dahilan, at hindi pagdeklara ng
batas militar sa panahon ng kapayapaan
Bill of Rights(1787)
Noong 1787, inaprubahan ng
United States Congress ang
Saligang-batas ng kanilang bansa.
Sa dokumentong ito, nakapaloob
ang Bill of Rights na ipinatupad
noong Disyembre 15, 1791.
Bill of Rights(1787)
Ito ang nagbigay-proteksiyon
sa mga karapatang pantao
ng lahat ng mamamayan at
maging ang iba pang taong
nanirahan sa bansa.
Declaration of the Rights of
Man and of the Citizen(1789)
Noong 1789,
nagtagumpay ang
French Revolution na
wakasan ang ganap
na kapangyarihan ni
Haring Louis XVI.
Sumunod ang paglagda ng
Declaration of the Rights of
Man and of the Citizen na
naglalaman ng mga karapatan
ng mamamayan.
Declaration of the Rights of
Man and of the Citizen(1789)
The First Geneva
Convention(1864)
Noong 1864, isinagawa
ang pagpupulong ng labing-
anim na Europeong bansa at
ilang estado ng United States
sa Geneva, Switzerland.
Kinilala ito bilang The First
Geneva Convention na may
layuning isaalang-alang ang pag-
alaga sa mga nasugatan at may
sakit na sundalo nang walang
anumang diskriminasyon.
The First Geneva
Convention(1864)
Universal Declaration of
Human Rights (1948)
Noong 1948, itinatag ng United
Nations ang Human Rights
Commission sa pangunguna ni
Eleanor Roosevelt, asawa ng
yumaong Pangulong Franklin
Roosevelt ng United States.
PAGLINANG SA KABIHASAAN:
GAWAIN 3 –
Gamit ang READING MATERIALS,
basahin at buuin ang HISTORY BOARD
ng Pag-Unlad ng Karapatang Pantao
2 minutes
Layunin (Lesson Objectives)

Naipaliliwanag ang kahulugan ng Karapatang
Pantao;

Nakabubuo ng HISTORY BOARD hinggil sa
Kasaysayan ng Karapatang Pantao; at
• Napapahalagahan ang kaalaman sa pinagmulan
at pinagdaanan ng Karapatang Pantao
GROUP 3 – BLUE HAT:
Ano ang inyong
pinakamahalagang natutunan
sa ating aralin ngayon?
GROUP 4 – GREEN HAT:
Meron ba kayong nais
linawin tungkol sa ating
aralin ngayon?
PAGLALAHAT
Paano nagsimula at lumago ang
Karapatang Pantao ayon sa ating
aralin ngayong umaga?
PAGLALAPAT NG ARALIN SA
PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY
GROUP 5 – RED HAT:
Bilang isang mag-aaral, paano mo
maipapaita ang pagpapahalaga sa
pinagmulan ng Karapatang pantao?
Layunin (Lesson Objectives)

Naipaliliwanag ang kahulugan ng Karapatang
Pantao;

Nakabubuo ng HISTORY BOARD hinggil sa
Kasaysayan ng Karapatang Pantao; at

Napapahalagahan ang kaalaman sa pinagmulan
at pinagdaanan ng Karapatang Pantao
MAIKLING PAGSUSULIT:
Human Rights Declared
Kompletuhin ang tsart sa
pamamagitan ng pagtala sa ikalawang
kolum ng mga karapatang pantaong
nakapaloob sa bawat dokumento.
Dokumento
Mga Nakapaloob na
Karapatang Pantao
1. Cyrus’ Cylinder
2. Magna Carta
3. Petition of Right
4. Bill of Rights
5. Declaration of the Rights
of Man and of the Citizen
6. The First Geneva Convention
Gawain 2: Connecting Human Rights Then and Now
1. Pumili ng isang karapatang pantao na
nakapaloob sa alinman sa tinalakay na
dokumento.
2. Magbigay ng halimbawa, sitwasyon o
pangyayari sa iyong komunidad na
nagpapatunay na nagaganap o ipinatutupad
ito sa kasalukuyan.
3. Ipakita ang gawaing ito sa malikhaing
paraan.
1. Piniling dokumento sa pagkabuo ng
karapatang pantao: ________________
2. Karapatang pantaong nakapaloob sa
dokumento na nagaganap/ipinatutupad
sa kasalukuyan:
_______________________
3. Malikhaing Gawain:
_________________
(Maaaring role playing, pagsulat ng tula
o sanaysay, pag-awit at iba pa)
Gawain 3: Three Cards Diagram
Kompletuhin ang datos na hinihingi sa bawat card.
Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na tanong.
AP10 - Q4 - M2 - MGA KARAPATANG PANTAO.pptx
QUIZ
_______1. Ito ay isang lungsod na sinakop ni Haring
Cyrus ng Persia at ng kaniyang mga tauhan.
_______2. Hari ng England na sapilitang lumagda sa
Magna Carta.
_______3. Kailan ipinatupad ang Bill of Rights?
_______4. Ito ay may layuning isaalang-alang ang
pag-alaga sa mga nasugatan at may sakit na sundalo
nang walang anumang diskriminasyon.
______5. Noong 1864, isinagawa ang pagpupulong
ng ___ na Europeong bansa at ilang estado ng United
States sa Geneva, Switzerland.
______6. Ito ay isa pang tawag sa baked-clay cylinder
at tinaguriang “WORLD’S FIRST CHARTER OF HUMAN
RIGHTS”.
______7. Ito ay isang dokumentong naglalahad ng
ilang karapatan ng mga taga-England.
8-9. Magbigay ng 2 halimbawa ng karapatang pantao.
______10. Ano ang karapatang pantao?
UNIVERSAL
DECLARATION OF
HUMAN RIGHTS
Ang Universal
Declaration of Human
Rights (UDHR) ay isa sa
mahalagang
dokumentong
naglalahad ng mga
karapatang pantao ng
bawat indibiduwalna
may kaugnayan sa
bawat aspekto ng
buhay ng tao.
Karapatang sibil
Karapatang politikal
Karapatang
ekonomiko
Karapatang sosyal
Karapatang
kultural
Nang itatag ang United Nations noong
Oktubre 24, 1945, binigyang-diin ng mga
bansang kasapi nito na magkaroon ng
kongkretong balangkas upang matiyak na
maibabahagi ang kaalaman at
maisakatuparan ang mga karapatang pantao
sa lahat ng bansa. Ito ay naging bahagi sa
adyenda ng UN General Assembly noong
1946.
Universal Declaration of Human Rights
(UDHR)
Nabuo ang UDHR nang maluklok bilang
tagapangulo ng Human Rights Commission ng
United Nations si
Binalangkas ng naturang komisyon ang talaan ng
mga pangunahing karapatang pantao at tinawag
ang talaang ito bilang
ELEANOR
ROOSEVELT
UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RIGHTS
December 10, 1948
“International Magna Carta for
all Mankind.”
Sa kauna-unahang
pagkakataon,
pinagsama-sama
at binalangkas ang
lahat ng
karapatang pantao
ng indibiduwal sa
isang dokumento.
Ito ang naging
pangunahing
batayan ng mga
demokratikong
bansa sa pagbuo
ng kani-kanilang
Saligang-batas.
AP10 - Q4 - M2 - MGA KARAPATANG PANTAO.pptx
AP10 - Q4 - M2 - MGA KARAPATANG PANTAO.pptx
AP10 - Q4 - M2 - MGA KARAPATANG PANTAO.pptx
AP10 - Q4 - M2 - MGA KARAPATANG PANTAO.pptx
AP10 - Q4 - M2 - MGA KARAPATANG PANTAO.pptx
AP10 - Q4 - M2 - MGA KARAPATANG PANTAO.pptx
• Malaki ang pagkakaugnay ng mga
karapatang nakapaloob sa UDHR sa
bawat aspekto ng buhay ng tao.
• Naging sandigan ng maraming bansa ang
nilalaman ng UDHR upang panatilihin
ang kapayapaan at itaguyod ang
dignidad at karapatan ng bawat tao.
• Kaisa ang pamahalaan ng Pilipinas
sa maraming bansang nagbigay ng
maigting na pagpapahalaga sa
dignidad at mga karapatan ng tao
sa iba’t ibang panig ng daigdig
• Ang Katipunan ng mga Karapatan o Bill
of Rights ng Konstitusyon ng ating
bansa ay listahan ng mga
pinagsamasamang karapatan ng bawat
tao mula sa dating konstitusyon at
karagdagang karapatan ng mga
indibiduwal na nakapaloob sa Seksyon
8, 11, 12, 13, 18 (1), at 19.
• Ayon sa aklat ni De Leon, et.al (2014),
may tatlong uri ng mga karapatan ng
bawat mamamayan sa isang
demokratikong bansa. Mayroon
namang apat na klasipikasyon ang
constitutional rights. Unawain ang
diyagram sa ibaba.
Natural
Rights
• Mga karapatang
taglay ng bawat tao
kahit hindi
ipagkaloob ng Estado
Hal: Karapatang
mabuhay, maging
malaya, at magkaroon
ng ariarian
Apat na Klasipikasyon
ang Constitutional
Rights.
Constitutional
Rights
• Mga karapatang
ipinagkaloob at
pinangangalagaan ng
Estado.
HAL: Karapatang Politikal –
Kapangyarihan ng mamamayan
na makilahok, tuwiran man o
hindi, sa pagtatag at
pangangasiwa ng pamahalaan
Constitutional
Rights
• Karapatang Sibil –
mga karapatan na
titiyak sa mga
pribadong indibidwal
na maging kasiya-siya
ang kanilang
pamumuhay sa
paraang nais nang
hindi lumalabag sa
batas.
Constitutional
Rights
• Karapatang Sosyo-
ekonomik – mga
karapatan na
sisiguro sa
katiwasayan ng
buhay at
pangekonomikong
kalagayan ng mga
indibiduwal.
Constitutional
Rights
• Karapatan ng
akusado –
mga karapatan na
magbibigay-proteksyon
sa indibidwal na
inakusahan sa anomang
krimen
Statutory
• Mga karapatang kaloob
ng binuong batas at
maaaring alisin sa
pamamagitan ng
panibagong batas.
Karapatang
makatanggap ng
minimum wage

More Related Content

PPTX
ANG UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RIGHTS (UDHR.pptx
PPT
A. P 10 Q4 - Mga Karapatang Pantao.ppt
PPTX
ARALING PANLIPUNAN_P10-CEDAW Q3_PAKSA_2_
DOCX
KASAYSAYAN NG KARAPATANG PANTAO, UDHR, at BILL OF RIGHTS
PDF
AP10 Q3 MODYUL4.pdf
PPTX
Mga organisasyong nagtataguyod sa karapatang pantao
PPTX
8-Tugon-sa-mga-Isyu-sa-Kasarian-at-Lipunan.pptx
PPTX
2 MGA ISYU SA KASARIAN AT LIPUNAN.pptx
ANG UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RIGHTS (UDHR.pptx
A. P 10 Q4 - Mga Karapatang Pantao.ppt
ARALING PANLIPUNAN_P10-CEDAW Q3_PAKSA_2_
KASAYSAYAN NG KARAPATANG PANTAO, UDHR, at BILL OF RIGHTS
AP10 Q3 MODYUL4.pdf
Mga organisasyong nagtataguyod sa karapatang pantao
8-Tugon-sa-mga-Isyu-sa-Kasarian-at-Lipunan.pptx
2 MGA ISYU SA KASARIAN AT LIPUNAN.pptx

What's hot (20)

DOCX
lesson plan 4th quater 2023 ppg.docx
PPTX
Reproductive health law ppt
PPTX
Diskriminasyon sa mga Lalaki, Babae at LGBT.pptx
PPTX
Aktibong Pagkamamamayan.pptx
PPTX
DISKRIMINASYON sa Kalalakihan, Kababaihan, at LGBTQ
PPTX
10 Mangga GAWAING PANSIBIKO GROUP 5 & 6.pptx
PPTX
mga samhang pangkababaihan.pptx
PPTX
PAGKAMAMAMAYAN-Citizenship-Mga Paraan kung paano nawawala at natatamo muli an...
PPTX
AP10 Q4 Week 1.pptx
PDF
Aralin 2 Isyu sa Kasarian at Lipunan
DOCX
AP 7 Lesson no. 23-K: Kababaihan sa Saudi Arabia
DOCX
summative test.docx
PPTX
Karapatang Pantao.pptx
PDF
Modyul 19 pagtutulungang pangrehiyon
PDF
Banghay aralin sa araling panlipunan 10
PDF
LM.AP10-4.21.17.pdf
PPTX
Ang Amerikano at ang Digmaan
PPTX
Pagtanggap-at-Paggalang-sa-Kasarian-Tungo-sa-Pagkakapantay-pantay.pptx
PDF
Modyul 20 mga pangunahing isyu at suliranin ng asya
PPTX
Paghahandang Nararapat Gawin sa Harap ng Panganib na Dulot ng mga Suliraning ...
lesson plan 4th quater 2023 ppg.docx
Reproductive health law ppt
Diskriminasyon sa mga Lalaki, Babae at LGBT.pptx
Aktibong Pagkamamamayan.pptx
DISKRIMINASYON sa Kalalakihan, Kababaihan, at LGBTQ
10 Mangga GAWAING PANSIBIKO GROUP 5 & 6.pptx
mga samhang pangkababaihan.pptx
PAGKAMAMAMAYAN-Citizenship-Mga Paraan kung paano nawawala at natatamo muli an...
AP10 Q4 Week 1.pptx
Aralin 2 Isyu sa Kasarian at Lipunan
AP 7 Lesson no. 23-K: Kababaihan sa Saudi Arabia
summative test.docx
Karapatang Pantao.pptx
Modyul 19 pagtutulungang pangrehiyon
Banghay aralin sa araling panlipunan 10
LM.AP10-4.21.17.pdf
Ang Amerikano at ang Digmaan
Pagtanggap-at-Paggalang-sa-Kasarian-Tungo-sa-Pagkakapantay-pantay.pptx
Modyul 20 mga pangunahing isyu at suliranin ng asya
Paghahandang Nararapat Gawin sa Harap ng Panganib na Dulot ng mga Suliraning ...
Ad

Similar to AP10 - Q4 - M2 - MGA KARAPATANG PANTAO.pptx (20)

PPTX
KARAPATANG PANTAO
PPTX
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
PPTX
PAGKABUO-NG-KARAPATANG-PANTAO AT PANSARILI
PPTX
HUMAN RIGHTS.pptx
PPTX
KASAYSAYAN NG PAGKABUO NG HUMAN RIGHTS.pptx
PPTX
KARAPATANG PANTAO.pptx
PPTX
KARAPATANG PANTAO.pptx
PDF
karapatangpantao-230416143446-63b2d041.pdf
PPTX
COT 2 2021 KARAPATANG PANTAO.pptx Paksa: Politikal na Pakikilahok
PPTX
KARAPATANG PANTAO Aralin Panlipunan Kontemporaryong Isyu 10
PPTX
Aralin 2- Q4- Karapatang Pantao.pptx
PDF
Beige-Dark-Grey-Vintage-Victorian-Project-History-Presentation_20250223_18252...
PDF
Beige-Dark-Grey-Vintage-Victorian-Project-History-Presentation_20250223_18252...
PPT
KARAPATANG PANTAO PPT #2.ppt QUATER 4 MODULE 2
PPTX
Mgakarapatangoantaograde10powerpointpresentation.ppt
PPTX
KARAPATANG PANTAO DAY 2 KARAPATANG PANTAO.pptx
PPTX
Araling Panlipunan 10 Ikatlong Linggo ......
PPTX
Araling Panlipunan 10 Ikatlong Linggo ......
PPTX
Universal Declaration of Human Rights(UDHR)_ PPT.pptx
PPTX
AP_PRESENTATION (Karapatang Pantao).pptx
KARAPATANG PANTAO
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
PAGKABUO-NG-KARAPATANG-PANTAO AT PANSARILI
HUMAN RIGHTS.pptx
KASAYSAYAN NG PAGKABUO NG HUMAN RIGHTS.pptx
KARAPATANG PANTAO.pptx
KARAPATANG PANTAO.pptx
karapatangpantao-230416143446-63b2d041.pdf
COT 2 2021 KARAPATANG PANTAO.pptx Paksa: Politikal na Pakikilahok
KARAPATANG PANTAO Aralin Panlipunan Kontemporaryong Isyu 10
Aralin 2- Q4- Karapatang Pantao.pptx
Beige-Dark-Grey-Vintage-Victorian-Project-History-Presentation_20250223_18252...
Beige-Dark-Grey-Vintage-Victorian-Project-History-Presentation_20250223_18252...
KARAPATANG PANTAO PPT #2.ppt QUATER 4 MODULE 2
Mgakarapatangoantaograde10powerpointpresentation.ppt
KARAPATANG PANTAO DAY 2 KARAPATANG PANTAO.pptx
Araling Panlipunan 10 Ikatlong Linggo ......
Araling Panlipunan 10 Ikatlong Linggo ......
Universal Declaration of Human Rights(UDHR)_ PPT.pptx
AP_PRESENTATION (Karapatang Pantao).pptx
Ad

More from CaryllJeaneMarfil1 (20)

PPTX
AP7 Q1 Week 1-1 - LOKASYON AT PISIKAL NA KATANGIAN NG TIMOG-SILANGAN ASYA
PPTX
angpamamahalasakalamidaddisastermanagement-230501101623-3ab26bb8.pptx
PPTX
AP10 - Paghahanda sa Kalamidadddddddd.pptx
PPTX
COVER-PAGE-FOR-FORMS.pptxZXXXXXXXXXXXXXX
PPT
PCOSDISCUSSION0011PQFFLQNVDSBNKBDFNB.ppt
PPTX
4_2020_12_31!12_26_56_AMXVDFGFGFHGF.pptx
PPTX
AP10 - Q4 - M1 - MGA ISYU SA KASARIAN AT LIPUNAN.PPT
PPTX
AP9 - Q1 - M1 - Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks.pptx
PPTX
BE BROCHURE BE BROCHUREBE BROCHURE BE BROCHURE
PPTX
BE PHOTO FRAME BE PHOTO FRAMEBE PHOTO FRAME BE PHOTO FRAMEBE PHOTO FRAME BE P...
PPTX
NLC & RISE-C CERTIFICATES End of SY 2024.pptx
PPTX
NATIONAL LEARNING CAMP CERTIFICATES.pptx
PPTX
GRADE 8-CONSOLIDATION CAMP-LESSON 5-NERA.pptx
PPTX
Grade 8 Consolidation - Lesson 8 (Reading Non Linear Text).pptx
PPTX
GRADE 8-CONSOLIDATION CAMP-LESSON 4-CANDIDIER (1).pptx
PPTX
GRADE 8- CONSOLIDATION CAMP-LESSON 1-DALA.pptx
PPTX
GRADE 8-CONSOLIDATION CAMP-LESSON 6-VISCAYNO.pptx
PPTX
GRADE 8-CONSOLIDATION-LESSON 7-LINO.pptx
PPTX
BEIS SLAC - SEP. 6, 2024.pptxBEIS SLAC - SEP. 6, 2024.pptxBEIS SLAC - SEP. 6,...
PPTX
2543677525436775.pptx25436775.pptx25436775.pptx25436775.pptx.pptx
AP7 Q1 Week 1-1 - LOKASYON AT PISIKAL NA KATANGIAN NG TIMOG-SILANGAN ASYA
angpamamahalasakalamidaddisastermanagement-230501101623-3ab26bb8.pptx
AP10 - Paghahanda sa Kalamidadddddddd.pptx
COVER-PAGE-FOR-FORMS.pptxZXXXXXXXXXXXXXX
PCOSDISCUSSION0011PQFFLQNVDSBNKBDFNB.ppt
4_2020_12_31!12_26_56_AMXVDFGFGFHGF.pptx
AP10 - Q4 - M1 - MGA ISYU SA KASARIAN AT LIPUNAN.PPT
AP9 - Q1 - M1 - Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks.pptx
BE BROCHURE BE BROCHUREBE BROCHURE BE BROCHURE
BE PHOTO FRAME BE PHOTO FRAMEBE PHOTO FRAME BE PHOTO FRAMEBE PHOTO FRAME BE P...
NLC & RISE-C CERTIFICATES End of SY 2024.pptx
NATIONAL LEARNING CAMP CERTIFICATES.pptx
GRADE 8-CONSOLIDATION CAMP-LESSON 5-NERA.pptx
Grade 8 Consolidation - Lesson 8 (Reading Non Linear Text).pptx
GRADE 8-CONSOLIDATION CAMP-LESSON 4-CANDIDIER (1).pptx
GRADE 8- CONSOLIDATION CAMP-LESSON 1-DALA.pptx
GRADE 8-CONSOLIDATION CAMP-LESSON 6-VISCAYNO.pptx
GRADE 8-CONSOLIDATION-LESSON 7-LINO.pptx
BEIS SLAC - SEP. 6, 2024.pptxBEIS SLAC - SEP. 6, 2024.pptxBEIS SLAC - SEP. 6,...
2543677525436775.pptx25436775.pptx25436775.pptx25436775.pptx.pptx

Recently uploaded (20)

PPTX
Q1-FILIPINO-5-WEEK-6-DAY-4.pptxgsgyabagx
PPTX
AP7 Q1 Week 7-1 MGA KAHARIANG PANGKONTINENTENG TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
PPTX
Gamit ng Wika sa Lipunan_Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pi...
PPTX
COT-FILIPINO 3 Q 1 W8 -.pptxjncjbmasdbjsadbjkbd
PPT
MAKABANSA G1 Q1 W7 Matatag PPT.ppxxxxxxxtMAKABANSA G1 Q1 W7 Matatag PPT.ppxxx...
PPTX
GMRC 3 Sariling Hilig at Kakayahan Quarter 1 Week 1
PPTX
tsa-171010002222.pptxpowerpoint presentation
PPTX
ESP QUARTER 1LESSON AND ACTIVITY.pptx
PPTX
Positibong Pananaw Gabay ang Pamilya.pptx
DOCX
learning Activity Sheet for grade 2 q1 w7
PPTX
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN AYON KAY M.A.K HALLIDAYGRADE-11.pptx
PPTX
GRADE 10 SYMPOSIUM_CRITIQUE PAPER_GRAMATIKA
PPTX
AP8 Q1 Week 3-4 Kabihasnang Mycenaean.pptx
PPTX
KASAYASAYAN PPTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTT
PPTX
FSPL Aralin 3 - Talumpati at mga Uri nito
PPTX
WEEK 8-sanaysay at burador sa filipino 8.pptx
PPTX
buwan ng wikang pambansa tagisan ng talino.pptx
PDF
Ang Pantayong Pananaw _Bilang Diskursong _Pangkabihasnan_ by Zeus Salazar.pdf
PPTX
ARALING PANLIPUNAN 8 - ARALIN 2 MGA SINAUNANG KABIHASNAN
PPTX
Grade 11 KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA.pptx
Q1-FILIPINO-5-WEEK-6-DAY-4.pptxgsgyabagx
AP7 Q1 Week 7-1 MGA KAHARIANG PANGKONTINENTENG TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
Gamit ng Wika sa Lipunan_Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pi...
COT-FILIPINO 3 Q 1 W8 -.pptxjncjbmasdbjsadbjkbd
MAKABANSA G1 Q1 W7 Matatag PPT.ppxxxxxxxtMAKABANSA G1 Q1 W7 Matatag PPT.ppxxx...
GMRC 3 Sariling Hilig at Kakayahan Quarter 1 Week 1
tsa-171010002222.pptxpowerpoint presentation
ESP QUARTER 1LESSON AND ACTIVITY.pptx
Positibong Pananaw Gabay ang Pamilya.pptx
learning Activity Sheet for grade 2 q1 w7
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN AYON KAY M.A.K HALLIDAYGRADE-11.pptx
GRADE 10 SYMPOSIUM_CRITIQUE PAPER_GRAMATIKA
AP8 Q1 Week 3-4 Kabihasnang Mycenaean.pptx
KASAYASAYAN PPTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTT
FSPL Aralin 3 - Talumpati at mga Uri nito
WEEK 8-sanaysay at burador sa filipino 8.pptx
buwan ng wikang pambansa tagisan ng talino.pptx
Ang Pantayong Pananaw _Bilang Diskursong _Pangkabihasnan_ by Zeus Salazar.pdf
ARALING PANLIPUNAN 8 - ARALIN 2 MGA SINAUNANG KABIHASNAN
Grade 11 KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA.pptx

AP10 - Q4 - M2 - MGA KARAPATANG PANTAO.pptx

  • 1. BALIK - ARAL GROUP 1 - WHITE HAT: Ano ang ating aralin last week?
  • 2. BALIK - ARAL Ano ang kahulugan ng Pagkamamamayan?
  • 4. GAWAIN 1: LARAWAN - SURI GROUP 2 - YELLOW HAT: Sa palagay ninyo, ano ang ating tatalakayin ngayon base sa mga pagsusuri niyo sa larawan?
  • 5. Pamantayang Nilalaman (Content Standard) • Ang mag-aaral ay may pag- unawa sa kahalagahan ng pagkamamamayan at pakikilahok sa mg agawaing pansibiko tungo sa pagkakaroon ng pamayanan at bansang maunlad, mapayapa at may pagkakaisa. Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard) • Ang mag-aaral ay nakagagawa ng pananaliksik tungkol sa kalagayan ng pakikilahok sa mga gawaing pansibiko at politikal ng mga mamamayan sa kanilang pamayanan.
  • 6. Pamantayan sa Pagkatuto (Learning Competencies) • Nasusuri ang kahalagahan ng pagsusulong at pangangalaga sa karapatang pantao sa pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan (AP10MKP- IVe-5)
  • 7. Layunin (Lesson Objectives) • Naipaliliwanag ang kahulugan ng Karapatang Pantao; • Nakabubuo ng HISTORY BOARD hinggil sa Kasaysayan ng Karapatang Pantao; at • Napapahalagahan ang kaalaman sa pinagmulan at pinagdaanan ng Karapatang Pantao
  • 10. KARAPATANG PANTAO Ang karapatang pantao ay ang likas at hindi maipagkakait na mga karapatan ng bawat tao anuman ang kanyang lahi, kasarian, relihiyon, wika, kultura, o antas sa lipunan. Ang mga ito ay kinikilala bilang batayang pangangailangan upang mapanatili ang dignidad, kalayaan, at pantay na pagtrato sa lahat ng tao.
  • 11. Ano ang halimbawa ng KARAPATANG PANTAO?
  • 12. MGA HALIMBAWA NG KARAPATANG PANTAO Kalayaan sa pagsasalita Pagkakapantay- pantay sa harap ng batas Karapatang makapaghanap buhay Karapatan sa pagkain Karapatang makilahok sa kalinangan Karapatan sa edukasyon
  • 13. Layunin (Lesson Objectives)  Naipaliliwanag ang kahulugan ng Karapatang Pantao; • Nakabubuo ng HISTORY BOARD hinggil sa Kasaysayan ng Karapatang Pantao; at • Napapahalagahan ang kaalaman sa pinagmulan at pinagdaanan ng Karapatang Pantao
  • 14. Paksa 1: Historikal ng Pag-unlad ng konsepto ng KARAPATANG PANTAO
  • 15. “Cyrus Cylinder” (539 B.C.E.) Sinakop ni Haring Cyrus ng Persia at kaniyang mga tauhan ang lungsod ng Babylon.
  • 16. “Cyrus Cylinder” (539 B.C.E.) Pinalaya niya ang mga alipin at ipinahayag na maaari silang pumili ng sariling relihiyon. Idineklara rin ang pagkakapantay pantay ng lahat ng lahi.
  • 17. Nakatala ito sa isang baked-clay cylinder na tanyag sa tawag na “Cyrus Cylinder.” Tinagurian ito bilang “world’s first charter of human rights.”
  • 18. Kinakitaan din ng kaisipan tungkol sa karapatang pantao ang iba pang sinaunang kabihasnan tulad ng India, Greece, at Rome.
  • 19. Ang mga itinatag na relihiyon at pananampalataya sa Asya tulad ng Judaism, Hinduism, Kristiyanismo, Buddhism, Taoism, Islam at iba pa ay nakapaglahad ng mga kodigo tungkol sa moralidad, kaisipan tungkol sa dignidad ng tao at tungkulin nito sa kaniyang kapwa.
  • 20. TALAKAYAN: GAWAIN 2 – Group Activity Panoorin ang maikling VIDEO na tumatalakay Historikal ng Pag-unlad ng konsepto ng KARAPATANG PANTAO Pagtuonan ng Pansin ang mga Pangyayari sa: Unang Pangkat – 1628 Ikalawang Pangkat – 1787 Ikatlong Pangkat – 1789 Ikaapat na Pangkat – 1864 Ikalimang Pangkat - 1948 4 minutes
  • 21. TALAKAYAN: GAWAIN 2 – Group Activity Sasagutin ng bawat pangkat ang mga sumusunod na katanungan: 8 minutes PANGKAT TAON TANONG Unang Pangkat 1628 • Bakit ipinagbawal sa Petition of Right ang pagpapataw ng buwis nang walang pahintulot ng Parliament? • Paano nagbigay-daan ang dokumentong ito sa pagkakaroon ng mas makatarungang pamamahala sa England? Ikalawang Pangkat 1787 • Ano ang pangunahing layunin ng Declaration of the Rights of Man and of the Citizen sa panahon ng French Revolution? • Paano isinulong ng dokumentong ito ang mga prinsipyong Liberty, Equality, at Fraternity? Ikatlong Pangkat 1789 • Anong mga pangunahing karapatan ang itinakda sa Bill of Rights ng Estados Unidos? • Bakit mahalaga ang pagdaragdag ng Bill of Rights sa Konstitusyon ng U.S.? Ikaapat na Pangkat 1864 • Ano ang pangunahing layunin ng The First Geneva Convention? • Paano nakatulong ang kasunduang ito sa pagpapabuti ng pagtrato sa mga sugatang sundalo at medikal na kawani sa panahon ng digmaan? Ikalimang Pangkat 1948 • Ano ang layunin ng United Nations sa pagpapatupad ng Universal Declaration of Human Rights? • Paano nakatulong ang UDHR sa pagtaguyod ng pandaigdigang proteksyon sa karapatang pantao?
  • 22. TALAKAYAN: GAWAIN 3 – Group Activity Pag-uulat ng Bawat Pangkat ang mga Mahahalagang Pangyayari ayon sa taong naka atas sa mga ito. 3 minute bawat Pangkat
  • 24. 1215- Magna Carta Noong 1215, sapilitang lumagda si John I, Hari ng England, sa Magna Carta, isang dokumentong naglalahad ng ilang karapatan ng mga taga- England.
  • 25. 1215- Magna Carta Ilan sa mga ito ay hindi maaaring dakpin, ipakulong, at bawiin ang anumang ari-arian ng sinuman nang walang pagpapasiya ng hukuman. Sa dokumentong ito, nilimitahan ang kapangyarihan ng hari ng bansa.
  • 27. Petition of Right (1628) Sa England, ipinasa ang Petition of Right na naglalaman ng mga karapatan tulad nang hindi pagpataw ng buwis nang walang pahintulot ng Parliament, pagbawal sa pagkulong nang walang sapat na dahilan, at hindi pagdeklara ng batas militar sa panahon ng kapayapaan
  • 28. Bill of Rights(1787) Noong 1787, inaprubahan ng United States Congress ang Saligang-batas ng kanilang bansa. Sa dokumentong ito, nakapaloob ang Bill of Rights na ipinatupad noong Disyembre 15, 1791.
  • 29. Bill of Rights(1787) Ito ang nagbigay-proteksiyon sa mga karapatang pantao ng lahat ng mamamayan at maging ang iba pang taong nanirahan sa bansa.
  • 30. Declaration of the Rights of Man and of the Citizen(1789) Noong 1789, nagtagumpay ang French Revolution na wakasan ang ganap na kapangyarihan ni Haring Louis XVI.
  • 31. Sumunod ang paglagda ng Declaration of the Rights of Man and of the Citizen na naglalaman ng mga karapatan ng mamamayan. Declaration of the Rights of Man and of the Citizen(1789)
  • 32. The First Geneva Convention(1864) Noong 1864, isinagawa ang pagpupulong ng labing- anim na Europeong bansa at ilang estado ng United States sa Geneva, Switzerland.
  • 33. Kinilala ito bilang The First Geneva Convention na may layuning isaalang-alang ang pag- alaga sa mga nasugatan at may sakit na sundalo nang walang anumang diskriminasyon. The First Geneva Convention(1864)
  • 34. Universal Declaration of Human Rights (1948) Noong 1948, itinatag ng United Nations ang Human Rights Commission sa pangunguna ni Eleanor Roosevelt, asawa ng yumaong Pangulong Franklin Roosevelt ng United States.
  • 35. PAGLINANG SA KABIHASAAN: GAWAIN 3 – Gamit ang READING MATERIALS, basahin at buuin ang HISTORY BOARD ng Pag-Unlad ng Karapatang Pantao 2 minutes
  • 36. Layunin (Lesson Objectives)  Naipaliliwanag ang kahulugan ng Karapatang Pantao;  Nakabubuo ng HISTORY BOARD hinggil sa Kasaysayan ng Karapatang Pantao; at • Napapahalagahan ang kaalaman sa pinagmulan at pinagdaanan ng Karapatang Pantao
  • 37. GROUP 3 – BLUE HAT: Ano ang inyong pinakamahalagang natutunan sa ating aralin ngayon?
  • 38. GROUP 4 – GREEN HAT: Meron ba kayong nais linawin tungkol sa ating aralin ngayon?
  • 39. PAGLALAHAT Paano nagsimula at lumago ang Karapatang Pantao ayon sa ating aralin ngayong umaga?
  • 40. PAGLALAPAT NG ARALIN SA PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY GROUP 5 – RED HAT: Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapaita ang pagpapahalaga sa pinagmulan ng Karapatang pantao?
  • 41. Layunin (Lesson Objectives)  Naipaliliwanag ang kahulugan ng Karapatang Pantao;  Nakabubuo ng HISTORY BOARD hinggil sa Kasaysayan ng Karapatang Pantao; at  Napapahalagahan ang kaalaman sa pinagmulan at pinagdaanan ng Karapatang Pantao
  • 42. MAIKLING PAGSUSULIT: Human Rights Declared Kompletuhin ang tsart sa pamamagitan ng pagtala sa ikalawang kolum ng mga karapatang pantaong nakapaloob sa bawat dokumento.
  • 43. Dokumento Mga Nakapaloob na Karapatang Pantao 1. Cyrus’ Cylinder 2. Magna Carta 3. Petition of Right 4. Bill of Rights 5. Declaration of the Rights of Man and of the Citizen 6. The First Geneva Convention
  • 44. Gawain 2: Connecting Human Rights Then and Now 1. Pumili ng isang karapatang pantao na nakapaloob sa alinman sa tinalakay na dokumento. 2. Magbigay ng halimbawa, sitwasyon o pangyayari sa iyong komunidad na nagpapatunay na nagaganap o ipinatutupad ito sa kasalukuyan. 3. Ipakita ang gawaing ito sa malikhaing paraan.
  • 45. 1. Piniling dokumento sa pagkabuo ng karapatang pantao: ________________ 2. Karapatang pantaong nakapaloob sa dokumento na nagaganap/ipinatutupad sa kasalukuyan: _______________________ 3. Malikhaing Gawain: _________________ (Maaaring role playing, pagsulat ng tula o sanaysay, pag-awit at iba pa)
  • 46. Gawain 3: Three Cards Diagram Kompletuhin ang datos na hinihingi sa bawat card. Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na tanong.
  • 48. QUIZ
  • 49. _______1. Ito ay isang lungsod na sinakop ni Haring Cyrus ng Persia at ng kaniyang mga tauhan. _______2. Hari ng England na sapilitang lumagda sa Magna Carta. _______3. Kailan ipinatupad ang Bill of Rights? _______4. Ito ay may layuning isaalang-alang ang pag-alaga sa mga nasugatan at may sakit na sundalo nang walang anumang diskriminasyon.
  • 50. ______5. Noong 1864, isinagawa ang pagpupulong ng ___ na Europeong bansa at ilang estado ng United States sa Geneva, Switzerland. ______6. Ito ay isa pang tawag sa baked-clay cylinder at tinaguriang “WORLD’S FIRST CHARTER OF HUMAN RIGHTS”. ______7. Ito ay isang dokumentong naglalahad ng ilang karapatan ng mga taga-England. 8-9. Magbigay ng 2 halimbawa ng karapatang pantao. ______10. Ano ang karapatang pantao?
  • 52. Ang Universal Declaration of Human Rights (UDHR) ay isa sa mahalagang dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibiduwalna may kaugnayan sa bawat aspekto ng buhay ng tao. Karapatang sibil Karapatang politikal Karapatang ekonomiko Karapatang sosyal Karapatang kultural
  • 53. Nang itatag ang United Nations noong Oktubre 24, 1945, binigyang-diin ng mga bansang kasapi nito na magkaroon ng kongkretong balangkas upang matiyak na maibabahagi ang kaalaman at maisakatuparan ang mga karapatang pantao sa lahat ng bansa. Ito ay naging bahagi sa adyenda ng UN General Assembly noong 1946. Universal Declaration of Human Rights (UDHR)
  • 54. Nabuo ang UDHR nang maluklok bilang tagapangulo ng Human Rights Commission ng United Nations si Binalangkas ng naturang komisyon ang talaan ng mga pangunahing karapatang pantao at tinawag ang talaang ito bilang ELEANOR ROOSEVELT UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RIGHTS December 10, 1948 “International Magna Carta for all Mankind.”
  • 55. Sa kauna-unahang pagkakataon, pinagsama-sama at binalangkas ang lahat ng karapatang pantao ng indibiduwal sa isang dokumento. Ito ang naging pangunahing batayan ng mga demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-kanilang Saligang-batas.
  • 62. • Malaki ang pagkakaugnay ng mga karapatang nakapaloob sa UDHR sa bawat aspekto ng buhay ng tao. • Naging sandigan ng maraming bansa ang nilalaman ng UDHR upang panatilihin ang kapayapaan at itaguyod ang dignidad at karapatan ng bawat tao.
  • 63. • Kaisa ang pamahalaan ng Pilipinas sa maraming bansang nagbigay ng maigting na pagpapahalaga sa dignidad at mga karapatan ng tao sa iba’t ibang panig ng daigdig
  • 64. • Ang Katipunan ng mga Karapatan o Bill of Rights ng Konstitusyon ng ating bansa ay listahan ng mga pinagsamasamang karapatan ng bawat tao mula sa dating konstitusyon at karagdagang karapatan ng mga indibiduwal na nakapaloob sa Seksyon 8, 11, 12, 13, 18 (1), at 19.
  • 65. • Ayon sa aklat ni De Leon, et.al (2014), may tatlong uri ng mga karapatan ng bawat mamamayan sa isang demokratikong bansa. Mayroon namang apat na klasipikasyon ang constitutional rights. Unawain ang diyagram sa ibaba.
  • 66. Natural Rights • Mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng Estado Hal: Karapatang mabuhay, maging malaya, at magkaroon ng ariarian
  • 67. Apat na Klasipikasyon ang Constitutional Rights.
  • 68. Constitutional Rights • Mga karapatang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng Estado. HAL: Karapatang Politikal – Kapangyarihan ng mamamayan na makilahok, tuwiran man o hindi, sa pagtatag at pangangasiwa ng pamahalaan
  • 69. Constitutional Rights • Karapatang Sibil – mga karapatan na titiyak sa mga pribadong indibidwal na maging kasiya-siya ang kanilang pamumuhay sa paraang nais nang hindi lumalabag sa batas.
  • 70. Constitutional Rights • Karapatang Sosyo- ekonomik – mga karapatan na sisiguro sa katiwasayan ng buhay at pangekonomikong kalagayan ng mga indibiduwal.
  • 71. Constitutional Rights • Karapatan ng akusado – mga karapatan na magbibigay-proteksyon sa indibidwal na inakusahan sa anomang krimen
  • 72. Statutory • Mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring alisin sa pamamagitan ng panibagong batas. Karapatang makatanggap ng minimum wage

Editor's Notes

  • #1: Ang pagkamamamayan ay tumutukoy sa pagiging kasapi ng isang estado o bansa, na may kaakibat na mga karapatan, tungkulin, at pananagutan. Ang isang mamamayan ay kinikilala ng batas bilang bahagi ng isang bansa at may legal na ugnayan dito.
  • #2: Ang pagkamamamayan ay tumutukoy sa pagiging kasapi ng isang estado o bansa, na may kaakibat na mga karapatan, tungkulin, at pananagutan. Ang isang mamamayan ay kinikilala ng batas bilang bahagi ng isang bansa at may legal na ugnayan dito.
  • #3: GROUP 2 - YELLOW HAT: Sa palagay ninyo, ano ang ating tatalakayin ngayon base sa mga pagsusuri niyo sa larawan?
  • #4: GROUP 2 - YELLOW HAT: Sa palagay ninyo, ano ang ating tatalakayin ngayon base sa mga pagsusuri niyo sa larawan?
  • #15: Mahalagang Dokumento sa Kasaysayan ng Karapatang Pantao Cyrus Cylinder (539 B.C.E.) – Kauna-unahang Charter ng Karapatang Pantao Nang sakupin ni Haring Cyrus ng Persia ang Babylon, kanyang pinalaya ang mga alipin, pinayagan silang pumili ng sariling relihiyon, at isinulong ang pagkakapantay-pantay ng lahi. Ang mga batas na ito ay nakasulat sa isang baked-clay cylinder na tinawag na Cyrus Cylinder, na kinikilalang unang dokumento tungkol sa karapatang pantao sa kasaysayan.
  • #16: Mahalagang Dokumento sa Kasaysayan ng Karapatang Pantao Cyrus Cylinder (539 B.C.E.) – Kauna-unahang Charter ng Karapatang Pantao Nang sakupin ni Haring Cyrus ng Persia ang Babylon, kanyang pinalaya ang mga alipin, pinayagan silang pumili ng sariling relihiyon, at isinulong ang pagkakapantay-pantay ng lahi.
  • #17: Ang mga batas na ito ay nakasulat sa isang baked-clay cylinder na tinawag na Cyrus Cylinder, na kinikilalang unang dokumento tungkol sa karapatang pantao sa kasaysayan.
  • #19: Ang Papel ng mga Relihiyon sa Konsepto ng Karapatang Pantao Ang mga relihiyon tulad ng Judaism, Hinduism, Kristiyanismo, Buddhism, Taoism, at Islam ay may mga katuruan tungkol sa moralidad, dignidad ng tao, at tungkulin sa kapwa. Ang mga kaisipang ito ay nagsilbing pundasyon ng pagkilala sa karapatang pantao sa iba’t ibang kultura at panahon. Halimbawa: Hinduism – May paniniwala sa karma at dharma na nagtuturo ng tamang gawi sa pakikitungo sa iba. Kristiyanismo – Binibigyang-diin ang pagmamahal at paggalang sa kapwa. Islam – Mahalaga ang hustisya at pagkakapantay-pantay ng tao sa harap ng Diyos.
  • #24: Magna Carta (1215) – Pagpapalakas ng Karapatan ng Mamamayan laban sa Hari Sapilitang pinapirma si Haring John I ng England sa Magna Carta, isang dokumentong naglalaman ng ilang pangunahing karapatan ng mga tao. Nakasaad dito na hindi maaaring dakpin, ipakulong, o bawiin ang ari-arian ng sinuman nang walang tamang proseso ng batas. Unang hakbang sa paglilimita ng kapangyarihan ng hari at pagbibigay-proteksyon sa karapatan ng mamamayan.
  • #25: Magna Carta (1215) – Pagpapalakas ng Karapatan ng Mamamayan laban sa Hari Sapilitang pinapirma si Haring John I ng England sa Magna Carta, isang dokumentong naglalaman ng ilang pangunahing karapatan ng mga tao. Nakasaad dito na hindi maaaring dakpin, ipakulong, o bawiin ang ari-arian ng sinuman nang walang tamang proseso ng batas. Unang hakbang sa paglilimita ng kapangyarihan ng hari at pagbibigay-proteksyon sa karapatan ng mamamayan.
  • #26: Petition of Right (1628) – Pagpapatibay ng Karapatang Pantao sa England Ipinagbawal ang: Pagpapataw ng buwis nang walang pahintulot ng Parliament. Pagkakakulong nang walang sapat na dahilan. Pagdeklara ng batas militar sa panahon ng kapayapaan. Hakbang patungo sa mas makatarungang pamamahala sa England.
  • #27: Petition of Right (1628) – Pagpapatibay ng Karapatang Pantao sa England Ipinagbawal ang: Pagpapataw ng buwis nang walang pahintulot ng Parliament. Pagkakakulong nang walang sapat na dahilan. Pagdeklara ng batas militar sa panahon ng kapayapaan. Hakbang patungo sa mas makatarungang pamamahala sa England.
  • #28: Declaration of the Rights of Man and of the Citizen (1789) – Epekto ng French Revolution Nagwakas sa ganap na kapangyarihan ni Haring Louis XVI at nagtaguyod ng mga prinsipyong demokratiko. Naglalaman ng pangunahing karapatan tulad ng kalayaan, pagkakapantay-pantay, at kapatiran (Liberty, Equality, Fraternity).
  • #29: Declaration of the Rights of Man and of the Citizen (1789) – Epekto ng French Revolution Nagwakas sa ganap na kapangyarihan ni Haring Louis XVI at nagtaguyod ng mga prinsipyong demokratiko. Naglalaman ng pangunahing karapatan tulad ng kalayaan, pagkakapantay-pantay, at kapatiran (Liberty, Equality, Fraternity).
  • #30: Saligang Batas ng United States at Bill of Rights (1787-1791) Inaprubahan ng United States Congress ang Konstitusyon ng bansa noong 1787 at isinama rito ang Bill of Rights noong 1791. Nagsasaad ng mga pangunahing karapatan ng mamamayan tulad ng: Kalayaan sa pagpapahayag, relihiyon, pamamahayag. Karapatan sa patas na paglilitis.
  • #31: Saligang Batas ng United States at Bill of Rights (1787-1791) Inaprubahan ng United States Congress ang Konstitusyon ng bansa noong 1787 at isinama rito ang Bill of Rights noong 1791. Nagsasaad ng mga pangunahing karapatan ng mamamayan tulad ng: Kalayaan sa pagpapahayag, relihiyon, pamamahayag. Karapatan sa patas na paglilitis.
  • #32: The First Geneva Convention (1864) – Proteksyon sa mga Sundalo sa Digmaan Isinagawa sa Geneva, Switzerland na dinaluhan ng 16 bansang Europeo at ilang estado ng United States. Layunin nitong protektahan ang mga sugatang sundalo at mga medikal na kawani sa panahon ng digmaan. Simula ng internasyonal na batas tungkol sa makataong pagtrato sa mga sundalo at sibilyan sa panahon ng labanan.
  • #33: The First Geneva Convention (1864) – Proteksyon sa mga Sundalo sa Digmaan Isinagawa sa Geneva, Switzerland na dinaluhan ng 16 bansang Europeo at ilang estado ng United States. Layunin nitong protektahan ang mga sugatang sundalo at mga medikal na kawani sa panahon ng digmaan. Simula ng internasyonal na batas tungkol sa makataong pagtrato sa mga sundalo at sibilyan sa panahon ng labanan.
  • #34: Universal Declaration of Human Rights (1948) – Pandaigdigang Proteksyon sa Karapatang Pantao Itinatag ng United Nations ang Human Rights Commission sa pangunguna ni Eleanor Roosevelt. Nilagdaan at ipinatupad ang Universal Declaration of Human Rights (UDHR) na naglalaman ng 30 artikulo na nagsasaad ng mga pangunahing karapatan pantao: Karapatan sa buhay, kalayaan, at seguridad ng tao. Karapatang hindi ituring bilang alipin. Karapatan sa edukasyon, hanapbuhay, at pantay na pagtrato sa batas. Kalayaan sa pagpapahayag at relihiyon.
  • #39: Konklusyon Ang konsepto ng karapatang pantao ay nag-ugat sa mga relihiyon at sinaunang kabihasnan at unti-unting lumawak sa pamamagitan ng mahahalagang kasunduan at batas. Mula sa Cyrus Cylinder hanggang sa Universal Declaration of Human Rights, ipinakita ng kasaysayan ang patuloy na pagsisikap ng mga tao upang maprotektahan ang kanilang dignidad, kalayaan, at karapatan.