SlideShare a Scribd company logo
ARALIN 1
“MGA BATAYANG
KAALAMAN SA WIKA”
ABOT-TANAW
Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng
mga mag-aaral ang mga sumusunod:
 Natutukoy ang kahulugan, kahalagahan, at kalikasan
ng wika;
 Nakikilala ang dalawang opisyal na wika ng Pilipinas;
 Nakapagbibigay ng sariling kahulugan sa wika; at
 Nakapagtatala ng mga sitwasyong nagpapakita ng
magkahiwalay na gamit ng dalawang opisyal na wika
ng Pilipinas.
BALIK-TANAW
WIKA
Midyum
ng
komunik
asyon
LUSONG-KAALAMAN
Kwentuhan tayo.
 Mayroon tayong iba’t ibang karanasan sa paggamit ng
wika, Ingles man ito o Filipino. May mga gumagamit ng
Filipino para masabing makabayan sila. Ang iba naman,
gumagamit ng Ingles para magpasikat sa kausap nila.
Ano ang karanasang hindi mo malilimutan sa paggamit
ng wika? Ikuwento sa harap ng klase ang nagging
karanasan mo. Pagkatapos. Pakinggan naman ang
kanilang kwento. Tiyaking hindi lalampas sa dalawang
minute ang iyong kwento para makapagkwento rin ang
iba mong kaklase.
GAOD-KAISIPAN
 Mayaman ang wika at isa itong malawak na
larangan. Hindi nauubos ang mga kaalamang
natutuhan at natutuklasan tungkol sa wika.
Sa tanong na “ano nga ba ang wika?”
napakaraming makukuhang sagot mula sa
iba’t ibang dalubhasa sa wika.
GAOD-KAISIPAN
 Pinakagamitin at popular ang kahulugan ng
wika na ibinigay ng lingguwistikong si Henry
Gleason (mula sa Austero et al. 1999). Ayon
sa kanya, ang wika ay masistemang balangkas
ng sinasalitang tunog at pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong kabilang sa isang
kultura.
GAOD-KAISIPAN
 Sa aklat nina Bernales et al. (2002),
mababasa ang kahulugan ng wika bilang
proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng
mensahe sa pamamagitan ng simbolikong
cues na maaaring berbal o di-berbal.
GAOD-KAISIPAN
 Samantala, sa aklat naman nina Mangahis et
al. (2005), binanggit na may mahalagang
papel na ginagampanan ang wika sa
pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na
ginagamit sa maayos na paghahatid at
pagtanggap ng mensahe na susi sa
pagkakaunawaan.
GAOD-KAISIPAN
 Marami pang Pilipinong dalubwika at
manunulat ang nagbigay ng kanilang
pakahulugan sa wika. Ayon sa mga edukador
na sina Pamela C. Constantino at Galileo S.
Zafra (2000), “ang wika ay isang kalipunan
ng mga salita, ang pamamaraan ng
pagsasama-sama ng mag ito para
magkaunawaan o makapag-usap ang isang
grupo ng mga tao.”
GAOD-KAISIPAN
 Binanggit ng Pambansang Alagad ng Sining sa
Literatura na si Bienvenido Lumbera (2007)
na parang hininga ang wika. Gumagamit tayo
ng wika upang kamtin ang bawat
pangangailangan natin.
GAOD-KAISIPAN
 Para naman sa lingguwistang si Alfonso O.
Santiago (2003), “wika ang sumasalamin sa
mithiin, pangarap, damdamin, kaisipan o
saloobin, pilosopiya, kaalaman at
karunungan, moralidad, paniniwala, at mga
kaugalian ng tao sa lipunan.”
GAOD-KAISIPAN
 Kung sasangguni naman sa mga diksyunaryo
tungkol sa kahulugan ng wika, ang wika ay
sistema ng komunikasyon ng mga tao sa
pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang
simbolo.
GAOD-KAISIPAN
 Samantala, ayon sa UP Diksyonaryong
Pilipino (2001) ang wika ay “lawas ng mga
salita at Sistema ng paggamit sa mga ito na
laganap sa isang sambayanan na may iisang
tradisyong pangkultura at pook na
tinatahanan.
GAOD-KAISIPAN
 Sa pangkalahatan, batay sa mga kahulugan ng wika na
tinalakay sa itaas, masasabi na ang wika ay kabuuan ng mga
sagisag na binubuong mga tunog na binibigkas o sinasalita at
mga simbolong isinusulat. Sa pamamagitan ng wika,
nagkakaunawaan, nagkakaugnay, at nagkakaisa ang mga tao.
Kasangkapan ang wika upang maipahayag ng tao ang
kaniyang naiisip, maibahagi ang kanyang mga karanasan, at
maipadama ang kanyang nararamdaman. Gayundin, bawat
bansa ay may sariling wikang nagbibigkis sa damdamin at
kaisipan ng mga mamamayan nito. Sa wika nasasalamin ang
kultura at pinagdaanang kasaysayan ng isang bansa.
KALIKASAN NG WIKA
 Lahat ng nilikha sa mundo ay may katangian o kalikasang
taglay. Tulad ng mga tao at ng iba pang mga bagay sa mundo,
nagtataglay rin ng mga katangian o kalikasan ang wika. Kung
babalikan ang kahulugan ng wika ayon kay Henry Gleason,
nakapaloob sa kahulugang kaniyang ibinigay ang tatlong
katangian ng wika.
KALIKASAN NG WIKA
1. Ang wika ay may masistemang balangkas
 Binubuo ng mga makabuluhang tunog o ponema ang wika na
nakalilikha ng mga yunit ng salit na kapag pinagsama-sama,
sa isang maayos at makabuluhang pagkakasunod-sunod ay
nakabubuo ng mga parirala, pangungusap, at talata.
KALIKASAN NG WIKA
2. Ang wika ay arbitraryo
 Pinagkakasunduan ang anomang wikang gagamitin ng mga
grupo ng tao para sa kanilang pang-araw-araw ng
pamumuhay.
KALIKASAN NG WIKA
3. Ginagamit ang wika ng pangkat ng mga taong kabilang sa
isang kultura.
Magkaugnay ang wika at kultura at hindi maaarig paghiwalayin.
Katulad ng nabanggit, ang kultura ang nagpapayaman sa wika
samantalang ang wika naman ang nagbibigay ng ngalan o salita
sa lahat ng mga gawaing nakapaloob sa kultura.
KALIKASAN NG WIKA
 Kasama rin sa mga katangian ng wika ang pagiging buhay o
dinamiko.
 Ibig sabihin, sumasabay sa pagbabago ng panahon ang wika at
Malaya itong tumatanggap ng mga pagbabago upang patuloy na
yumaman at yumabong.
 Namamatay ang wika kapag hindi makasabay sa pagbabago ng
panahon o kapag hindi tumanggap ng mga pagbabago.
 Nagbabago ang anyo, gamit, at kahulugan ng mga salita ayon sa
takbo ng panahon at sa mga taong gumagamit nito. Dahil nagbabago
ang wika, may mga salitang namamatay o hindi na ginagamit sa
paglipas ng panahon, at may nadaragdag o naisisilang naming mga
bagong salita sa bokabularyo.
KALIKASAN NG WIKA
 Katulad sa salitang “hataw” na nangangahulugang
“pagpalo.” ngayon, may dagdag na itong kahulugan sa
pangungusap na “Humataw sa takilya ang pelikula ng bagong
tambalan.”
 Sa pangungusap na ito, ang “humataw” ay may dagdag na
kahulugan ng pagiging mabili o nagustuhan ng marami kaya
kumita ng Malaki.
 Hindi na naririnig sa ngayon ang mga salitang “kasapuwego”
(posporo), “sayal” (na nagging palda at ngayon ay mas
tinatawag na skirt), “kolong-kolong” (playpen), at iba pa.
KALIKASAN NG WIKA
 Bawat wika ay unique o natatangi. Walang wikang may
magkatulad na magkatulad ng katangian. May kani-kaniyang lakas
o kahinaan din ang wika.
 May mga salitang mahirap hanapan ng eksaktong salin o katumbas
sa ibang wika dahil sa magkaibang kulturang pinagmulan.
 Gayundin, hindi dahil mas mayaman, ,malakas, at mas maunlad
ang isang bansa ay may superior o mas makapangyarihan na ang
wika ng bansang ito kaysa sa ibang mas mahirap na bansa.
 Walang wikang superior sa isa pang wika. Lahat ng wika ay
pantay-pantay sapagkat mayroon itong kaniya-kaniyang
katangiang taglay na natatangi sa isa’t isa.
KALIKASAN NG WIKA
 Kabuhol ng wika ang kultura dahil sinasalamin nito ang paraan ng pamumuhay ng
mga tao. Nahihinuha ang kulturang kinabibilangan ng mga tao sa kanilang wikang
ginagamit.
 Para sa lingguwistang si Ricardo Ma. Nolasco, dating Tagapangulo ng Komisyon sa
Wikang Filipino (KWF), may bentahahe ang pagkakaroon ng maraming wika at
maraming kultura sa isang bansa.
 Sa kaniyang “Pamaksang Pananalita” sa Pambansang Seminar sa Filipino ng KWF
sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) noong Mayo 10 hanggang 12, 2006,
sinabi niya na “bukod sa nabibiyayaan tayo ng maraming katutubong wika ay
mayroon din tayong wikang pambansa—ang Filipino—at may wikang internasyonal
pa—ang Ingles. Ang pagtutulungan ng mga wikang ito—lokal at dayuhan—ay siyang
nagpatotoo kung gaano ka-linguistically diverse at culturally diverse ang ating
bansa, isang bagay na dapat nating ipagbunyi at ipagmalaki.”
ILAN PANG KAALAMAN HINGGIL SA WIKA
 Ayon sa mga lingguwistika, may mahigit 5,000 wika na sinasalita sa buong mundo.
Ang pilipinas ay isa sa mga bansang biniyayaan ng maraming wika, di kukulangin
sa 180 ang wikang sinasalita sa Pilipinas.
 Heterogenous ang sitwasyong pangwika sa Pilipinas dahil maraming wikang umiral
dito at may mga diyalekto o varayti ang mga wikang ito.
 Homogenous ang sitwasyong pangwika sa isang bansa kung iisa ang wikang
sinasalita ng mga mamamayan dito.
 Gayunman, hindi naiiwasan ang pagkakaroon ng mga diyalekto kahit isang wika
lamang ang ginagamit sa isang bansa dahil likas lamang sa mga tagapagsalita ng
isang wika na magkaroon ng ilang pagbabago sa bigkas ng mga salita, at sa
pagbubuo ng mga salita at mga pangungusap. Nagkakaintindihan pa rin ang mga
taong gumagamit ng iba’t ibang diyalekto ng isang wika.
WIKA, DIYALEKTO, BERNAKULAR
 Ang Tagalog, Sinugbuang Binisaya, Ilokano, Hiligaynon, Samar-Leyte, Pangasinan,
Bikol, at iba ay mga wika, hindi diyalekto at hindi rin wikain (salitang naimbento
upang tukuyin ang isang wika na mas mababa kaysa sa iba).
 Ang diyalekyo, ay nangangahulugang varayti ng isang wika, hindi hiwalay na wika.
Kapag hindi nagkakaintindihan ang dalawang nag-uusap na gumagamit ng
magkaibang wika, ibig sabihin, bawat wikang ginagamit nila ay hiwalay na wika.
 Ang halimbawa ng diyalekto ay ito: Ang mga nagsasalita ng isang wika, batay sa
lugar na pinanggalingan, maaaring magkaroon ng bahagyang pagkakaiba sa bigkas,
paggamit ng panlapi, o ayos ng pangungusap. Dahil dito, may tinatawag ng
Tagalog-Bulacan, Tagalog-Cavite, Tagalog-Metro Manila, at iba pa.
 Ngayon, dahil maraming gumagamit ng pambansang wika na galling sa iba’t ibang
rehiyon, nagkakaroon na rin ng iba’t ibang diyalekto ng Filipino, tulad ng Filipino-
Ilokano, Filipino-Hiligaynon, at iba pa, na bawat isa ay nagpapakita ng natatanging
pagkakakilanlan ng unang wika ng tagapagsalita ng Filipino.
WIKA, DIYALEKTO, BERNAKULAR
 Bernakular ang tawag sa wikang katutubo sa isang pook. Hindi ito varayti ng isang
wika tulad ng diyalekto, kundi isang hiwalay na wika na ginagamit sa isang lugar
na hindi sentro ng gobyerno o ng kalakal. Tinatawag rin itong wikang panrehiyon.
BILINGGUWALISMO AT MULTILINGGUWALISMO
 Ang bilingguwalismo ay tumutukoy sa dalawang wika. Isang pananaw sa pagiging
bilingguwal ng isang tao kung nagkapagsasalita siya ng dalawang wika nang may
pantay na kahusayan. Bilang patakarang pang-edukasyon sa Pilipinas,
nangangahulugan ito ng paggamit ng Ingles at Filipino bilang panturo sa iba’t
ibang magkakahiwalay na subject: Ingles sa matematika at siyensiya, Filipino sa
agham panlipunan at iba pang kaugnay na larangan.
BILINGGUWALISMO AT MULTILINGGUWALISMO
 Ngayon, hindi na bilingguwalismo kundi multilingguwalismo ang pinaiiral na
patakarang pangwika sa edukasyon. Ang pagpapatupad ng mother tongue-based
multilingguwal education o MTB-MLE ay nangangahulugan ng paggamit ng unang
wika ng mga estudyante sa isang particular na lugar. Halimbawa, sa Ilokos, Ilokano
ang wikang panturo sa mga estudyante mula kindergarten hanggang ikatlong
baiting. Ituturo naman ang Filipino at Ingles pagtuntong nila sa ikaapat na baiting
pataas. Ipinapatupad ang ganitong pagbabago sa wikang panturo dahil
napatunayan ng maraming pag-aaral na mas madaling natututo ang mga bata
kapag ang unang wika nila ang ginagamit na panturo. Mas madali rin silang
natututong makabuo ng kritikal na pag-iisip kapag naturuan sila sa kanilang unang
wika.
BILINGGUWALISMO AT MULTILINGGUWALISMO
 Sa bansang tulad ng Pilipinas na may humigit-kumulang 180 na umiiral na wika,
hindi kataka-taking maging multilingguwal ang nakararaming populasyon.
Halimbawa, ang mga Ilokano, bukod sa wikang Ilokano, ay marunong din ng
Filipino at Ingles. Ang mga nagsasalita ng Kiniray-a ay maaaring marunong din ng
Hiligaynon bukod sa Filipino at Ingles.
 Ang unang wika ay tinatawag ding “wikang sinuso sa ina” o “inang wika” dahil
ang unang wikang natutuhan ng isang bata. Tinatawang na “taal” na tagapagsalita
ng particular na wika ang isang na ang unang wika ay ang wikang pinag-uusapan.
Halimbawa, “taal na Tagalog” ang mga tao na ang unang wika at Tagalog. May
nagsasabi rin sila ay “katutubong tagapagsalita” ng isang wika.
BILINGGUWALISMO AT MULTILINGGUWALISMO
 Pangalawang wika ang tawag sa iba pang mga wikang matutuhan ng isang tao
pagkaraang matutuhan ang kanyang unang wika. Halimbawa, Hiligaynon ang
unang wika ng mga taga-Iloilo. Ang Filipino ang pangalawang wika para sa kanila.
Ang Ingles, Nipongo, Pranses, at iba pang mga wikang maaari nilang matutuhan ay
tinatawag na pangalawang wika
WIKANG PAMBANSA
 Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas at may konstitusyon na batayan ang
pagiging pambansang wika ng Filipino. Sa unang bahagi ng Artikulo XIV, Seksyon 6
ng Konstitusyon ng 1987, nakasaad na, “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at payamanin pa salig sa
umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang wika.”
 bilang pambansang wika, Filipino ang sumisimbolo sa ating pambansang
pagkakakilanlan. Sinasalamin nito ang ating kalinangan at kultura, gayundin ang
ating damdamin bilang mga Pilipino. Ang wikang Filipino ang nagbabandila sa
mundo na hindi tayo alipin ng alinmang bansa at hindi tayo nakikigamit ng wikang
dayuhan.
 Ang wikang pambansa ang sumasagisag sa ating kalayaan. Mahalaga ang
pagkakaroon ng pambansang wika sapagakat ito ang nagdadala sa atin sa
pambansang pagkakaisa at pagbubuklod. Mahalagang pagyamanin at pahalagahan
ang ating pambansang wika, ang isa sa mga natatanging pamana ng ating mga
ninuno at nagsisilbing yaman na ating lahi.
WIKANG PAMBANSA
 Bukas ang wikang Filipino sa pagpapayamang natatamo mula sa iba pang mga wika
ng rehiyon. Lalo pang mapapayaman ang leksikon ng Filipino sa pamamagitan ng
paglalahok ng mga salitang mula sa iba pang katutubong wika sa Pilipinas.
Halimbawa, gumagamit ng “bana” na nangangahulugang “asawang lalaki”.
ARALIN 2
“KASAYSAYAN AT
PAGKABUO NG
WIKANG PAMBANSA”
KASAYSAYAN NG PAGKABUO NG
PAMBANSANG WIKA
 Sa loob ng mahabang panahon ng Espanya,
Espanyol ang opisyal na wika at ito rin ang wikang
panturo.
 Nang sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas, sa
simula ay dalawang wika ang ginamit ng mga
bagong mananakop sa mga kautusan at
proklamasyon, Ingles at Espanyol.
KASAYSAYAN NG PAGKABUO NG
PAMBANSANG WIKA
 Sa kalaunan, napalitan ng Ingles ang Espanyol bilang
wikang opisyal. Dumami na ang natutong magbasa
at magsulat sa wikang Ingles dahil ito ang naging
tanging wikang panturo batay sa rekomendasyon ng
Komisyon ng Schurman noong Marso 4, 1899. Marami
ang Pilipino ang nakinabang sa programang
iskolarship na ipinadala sa Amerika at umuwing
taglay ang kaalaman sa wikang Ingles. Noong 1935,
“halos lahat ng kautusan, proklamasyon at mga
batas ay nasa wikang Ingles na.” (Boras-Vega 2010)
KASAYSAYAN NG PAGKABUO NG
PAMBANSANG WIKA
 Ngunit sa simula pa lamang ng pakikibaka para sa
kalayaan, ginamit na ng mga katipunero ang wikang
Tagalog sa mga opisyal na kasulatan.
 Sa Konstitusyong Probinsyal ng Biak-na-Bato noong
1897, itindahanang Tagalog ang opisyal na wika.
 Sa Konstitusyon ng Malolos (Enero 21, 1899),
itinadhanang pansamantalang gamitin ang Espanyol
bilang opisyal na wika bagama’t noon pa ay nakita
na ng mga bumuo ng konstitusyong ito ang maaaring
maging papel mg Ingles sa bansa.
KASAYSAYAN NG PAGKABUO NG
PAMBANSANG WIKA
 Noong Marso 24, 1934, pinagtibay ni Franklin D.
Roosebelt ng Estados Unidos ang Batas Tydings-
Mcduffie na nagtatadhanang pagkakalooban ng
kalayan ang Pilinas matapos ang sampung taong pag-
iral ng Pamahalaang Komonwelt.
 Noong Pebrero 8, 1935, pinagtibay ng Pambansang
Asamblea ang Konstitusyon ng Pilipinas na niratipika
ng sambayanan noong Mayo 14, 1935.
KASAYSAYAN NG PAGKABUO NG
PAMBANSANG WIKA
 Ang probisyong pangwika ay nasa Seksiyon 3,
Artikulo XIII: “ Ang Pambansang Asamblea ay
gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang pangkalahatang pambansang
wika na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong
wika. Hangga’t walang ibang itinatadhana ang
batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy na gagamiting
mga wikang opisyal.”
KASAYSAYAN NG PAGKABUO NG
PAMBANSANG WIKA
 Ang nanguna sa paggawa ng resolusyon tungkol sa
wikang pambansa ay si Wenceslao Q. Vinzons,
kinatawan mula sa camarines Norte. Ayon sa orihinal
na resolusyon, “Ang Kongreso ay gagawa ng mga
hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng
isang Wikang Pambansa batay sa mga umiiral na
katutubong wika.”
KASAYSAYAN NG PAGKABUO NG
PAMBANSANG WIKA
 Ngunit ng dumaan ang dokumento sa Style
Committee, nagkaroon ng pagbabago sa resolusyon.
Ang Style Committee ang nagbibigay ng huling
pasiya sa borador ng Konstitusyon. Binago ng
nasabing komite ang resolusyon at naging probisyon
ito sa Seksiyon 3, Artikulo XIV ng Konstitusyon ng
1935.
KASAYSAYAN NG PAGKABUO NG
PAMBANSANG WIKA
Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang Wikang
Pambansa batay sa isa sa mga umiiral na katutubong
wika.
KASAYSAYAN NG PAGKABUO NG
PAMBANSANG WIKA
 Sa paglulunsad ng Komonwelt, isa sa mga unang
isinagawa ng administration ng noon ay pangulo na ng
bansa na si Manuel L. Quezon ang pagpapatupad ng
probisyon ukol sa pambansang wika.
 Noong Oktubre 27, 1936 ipinahiwatig ni Pangulong
Quezon ang kaniyang plano na magtatag ng surian ng
Wikang Pambansa. Ang magiging tungkulin ng Surian,
ayon sa Pangulo, ay gumawa ng pag-aaral ng mga
wikang katutubo sa Pilipinas, sa layuning
makapagpapaunlad at makapagpatibay ng isang wikang
panlahat batay sa isang wikang umiiral sa bansa.
KASAYSAYAN NG PAGKABUO NG
PAMBANSANG WIKA
 Noong Nobyembre 13, 1936, pinagtibay ng kongreso ang
batas Komonwelt Blg. 184, na nagtatag sa unang Surian
ng Wikang Pambansa. Alinsunod sa naturang batas, ang
mga kapangyarihan at tungkulin ng Surian ay ang mga
sumusunod.
1. Gumawa ng pag-aaral sa mga pangkalahatang wika sa
Pilipinas;
2. Magpaunlad at magpatibay ng isang wikang panlahat na
Wikang Pambansa batay sa isa sa mga umiiral na
katutubong wika; at
3. Bigyang-halaga ang wikang pinakamaunlad ayon sa
balangkas, mekanismo, at panitikang tinatanggap.
KASAYSAYAN NG PAGKABUO NG
PAMBANSANG WIKA
 Noong Enero 12, 1937, hinirang ng Pangulo ang mga kagawad
ng Surian, alinsunod sa Seksiyon 1, Batas Komonwelt 185.
ang mga kagawad ng unang Surian ng Wikang pambansa ay
sina:
 Jaime de Veyra (Bisaya, Samar-Leyte)-Pangulo
 Santiago A. Fonacier (Ilocano)-Kagawad
 Filemon Sotto (Cebuano)-Kagawad
 Casimiro Perfecto(Bicolano)-Kagawad
 Felix Rodriguez (Bisaya, Panay)-Kagawad
 Hadji Butu (Mindanao)-Kagawad
 Cecilio Lopez (Tagalog)-Kagawad
KASAYSAYAN NG PAGKABUO NG
PAMBANSANG WIKA
 Nagmula sa iba’t ibang panig ng bansa ang mga
itinalagang kagawad upang ipakitang walang partikular
na wikang pinapanigan. Hindi tinatanggap ni Sotto ang
kaniyang posisyon. Pinalitan siya ni Isidro Abad.
 Noong Nobyembre 7, 1937, pagkaraan ng halos sampung
buwan, inilabas ng Surian ang resolusyon na Tagalog ang
gawing batayan ng pambansang wika. Ipinahayag ng
Surian na ang wikang Tagalong ang halos tumutugon sa
hinihingi ng Batas Komonwelt. 184.
KASAYSAYAN NG PAGKABUO NG
PAMBANSANG WIKA
 Hindi na nag-aksaya ng panahon ang Pangulo upang
ipahiwatig ang kaniyang tagumpay sa pagpapaunlad ng
isang wikang matatawag na Pambansang Wika.
 Noong anibersaryo ng kamatayan ni Dr. Jose P. Rizal,
Disyembre 30, 1937, lumabas ang kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 na nagpapatibay sa Tagalog
bilang batayang wika ng Pambansang Wika ng Pilipinas.
Nagkaroon ito ng bias pagkaraan ng dalawang taon
matapos na maihanda at maipalimbag ang gramatika at
diksiyonaryo ng Wikang Pambansa sa pagitan ng 1938
hanggang 1940.
KASAYSAYAN NG PAGKABUO NG
PAMBANSANG WIKA
 May pagbabagong naganap noong Hunyo 18, 1938 sa
Batas Komonwelt Blg. 184. Sinusugan ito ng Batas
Komonwelt Blg. 333 at sa batas na ito, ang Surian ay
ipinailalim sa tuwirang pamamahala at pangangasiwa ng
Pangulo ng Pilipinas.
 Binago nang lubusan ang Seksiyon 10 ng Batas Blg. 184.
Sa lumang batas, ang Kalihim ng Edukasyon ang
magpapatibay ng pasiya sa mga sulirang pangwika. Sa
susog, ang Pangulo ang magpapatibay ng pasiya sa mga
suliraning pangwika at iyon ang magiging pamantayang
pampanitikan sa lahat ng lathalaing opisyal at aklat na
pamparaalan.
KASAYSAYAN NG PAGKABUO NG
PAMBANSANG WIKA
 Noong Abril 1, 1940, inilabas ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 263. Ipinag-uutos nito:
1. Pagpapalimbag ng A Tagalog-English Vocabulary at
ng isang aklat sa gramatika na pinamagatang Ang
Balarila ng Wikang Pambansa; at
2. Pagtuturo ng Wikang Pambansa simula Hunyo 19,
1940 sa mga Paaralang Publiko at Pribado sa buong
kapuluan.
PANAHON NG PANANAKOP NG MGA
HAPON
 Nang lumunsad sa dalampasigan ng Pilipinas ang mga
Hapon noong 1942, nabuo ang isang grupong tinatawag
na “purista.” Sila ang nagnanais na gawing Tagalog na
mismo ang wikang pambansa at hindi na batayan
lamang.
 Malaking tulong ang nagawa ng pananakop ng mga
Hapon sa kilusang nabanggit.
 Ayon kay Prof. Leopoldo Yabes, ang Pangasiwaang Hapon
ang nag-utos na baguhin ang probisyon sa Konstitusyon
at gawing Tagalog ang Pambansang Wika.
PANAHON NG PANANAKOP NG MGA
HAPON
 Sa layunin ng mga Hapon na burahin sa mga Pilipino
ang anomang kaisipang pang-Amerikano at mawala
ang impluwensiya ng mga ito, Tagalog ang kanilang
itinaguyod.
 Nang panhong iyon, Niponggo at Tagalog ang naging
opisyal na mga wika.
 Pinasigla ng pamahalaang Hapon ang panitikang
nakasulat sa Tagalog. Maraming manunulat sa
wikang Ingles, ang gumamit ng Tagalog sa kanilang
mga tula, maikling kwento, nobela, at iba pa.
PANAHON NG PANANAKOP NG MGA
HAPON
 Nabuo rin ang isang komisyon na naghanda ng
Saligang Batas na nagtadhana sa Tagalog bilang
wikang pambansa.
 Sa Artikulo IX, Seksiyon 2 ng Konstitusyon ng 1943,
nakasaad na, “ang Pamahalaan ay magsasagawa ng
mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapalaganap ng Tagalog bilang pambansang
wika.”
PANAHON NG PANANAKOP NG MGA
HAPON
 Noong Hunyo 4, 1946, nang matapos na ang
digmaan, ganap nang ipinatupad ang Batas
Komonwelt Blg. 570 na nagtatakdang wikang opisyal
na ang pambansang wika. Sinimulan na ring ituro
ang Wikang Pambansa sa mga paaralan.
 Ilang taon ding hindi napagtuunan ng panahon ang
pagpapalaganap sa Wikang Pambansa hanggang sa
mailuklok bilang Pangulo ng bansa si Ramon
Magsaysay.
PANAHON NG PANANAKOP NG MGA
HAPON
 Noong Marso 6, 1954, nilagdaan ni Pangulong Ramon
Magsaysay ang Proklamasiyon Blg. 12 para sa
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula
Marso 29 hanggang abril 4 taon-taon. Alinsunod ito
sa pagbibigay-puri sa kaarawan ni Francisco Balagtas
bilang makata ng lahi.
PANAHON NG PANANAKOP NG MGA
HAPON
 Noong Setyembre 1955 naman sinusugan ng
Proklamasyon Blg. 186 ang paglilipat sa pagdiriwang ng
Linggo ng Wika sa Agost 13 hanggang 19 taon-taon bilang
paggunita sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon
na kinikilala bilang “Ama ng Wikang Pambansa.
 Noong 1959, inilabas ni Kalihim Jose F. Romero ng
kagawaran ng Pagtuturo ang Kautusang Pangkagawaran
Blg. 7 na nagtatakdang “kailanma’t tutukuyin ang
Wikang Pambansa, itoy tatawaging Pilipino.”
PANAHON NG PANANAKOP NG MGA
HAPON
 Noong Oktubre 24, 1967, nilagdaan ni Pangulong
Ferdinand Marcos ang Kautusang Tagapagpagganap Blg.
96 na nag-uutos na ang lahat ng gusali, edipisyo, at
tanggapan ng pamahalaan ay dapat na nakasulat sa
Pilipino.
 Noong Marso 27, 1968 inilabas ng Kalihim
Tagapagpagganap na si Rafael Salas ang Memorandum
Sirkular Blg. 96 na nag-aatas na lahat ng letterhead ng
mga tanggapan, kagawaran, at sangay ng pamahalaan ay
dapat na nakasulat sa Pilipino at may katumbas na
ingles sa ilalim nito. Inuutos din ng sirkular na gawin sa
Pilipino ang pormularyo ng panunumpa sa tungkilin ng
mga pinuno at kawani ng pamahalaan.
PANAHON NG PANANAKOP NG MGA
HAPON
 Noong 1970, naging wikang panturo ang Pilipino sa antas
ng elementarya sa bisa ng Resolusyon Blg. 70.
 Sa bisa ng Resolusyon Blg. 73-7 ng Pambansang Lupon ng
Edukasyon, isinama ang Ingles at Pilipino (Pilipino pa
ang tawag noon) sa kurikulom mula elementarya
hanggang kolehiyo, publiko man o pribado. Ang
resolusyong ito ang nagbunsod sa Patakarang
Edukasyong Bilingguwal sa bansa na nagpapagamit ng
Pilipino at Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa mga
tiyak na aralin at ibang hiwalay na asignatura sa
kurikulum mula elementarya hanggang kolehiyo. Noong
1974, sinimulang ipatupad ang patakarang edukasyong
bilingguwal sa bansa.
PANAHON NG PANANAKOP NG MGA
HAPON
 Noon naming 1978, iniatas ng Kautusan Pangministri ng
Kagawaran ng Edukasyon ang pagkakaroon ng anim na
yunit ng Filipino sa lahat ng kurso sa kolehiyo, maliban
sa kursong pang-edukasyon na dapat kumuha naman ng
12 yunit.
 Samantala noong Marso 12, 1987, sa isang Order
Pangkagawaran Blg. 22 s. 1987, sinasabing gagamitin
ang Filipino sa pagtukoy sa Wikang Pambansa ng
Pilipinas. Kasunod ito ng pagpapatibay sa Konstitusyon
ng 1987 na nagsasaad na ang pambansang wika ng
Pilipinas ay Filipino.
TAGALOG BILANG BATAYAN NG
PAMBANSANG WIKA
 BAKIT TAGALOG ANG NAPILING BATAYAN NG
PAMBANSANG WIKA?
TAGALOG BILANG BATAYAN NG
PAMBANSANG WIKA
 Unang-una, gaya ng nakasaad sa resolusyon ng Surian ng
Wikang Pambansa (SWP), Tagalog ang tumutugon sa
lahat ng pangunahing kailangan ng Batas 184.
 Lumitaw sa pag-aaral ng SWP na Tagalog ang wikang
pinakamaunlad sa estruktura, mekanismo, at panitikan,
at ito rin ang wikang ginagamit ng nakararaming
mamamayan.
 Isa sa mga nakapagpayaman ng panulaang Tagalog ay
ang makatang si Francisco “Balagtas” Baltazar, ang
itinuring na “Ama ng Panulaang Tagalog,” na kinilala sa
kaniyang Florante at Laura bukod sa iba pa niyang mga
sinulat.
TAGALOG BILANG BATAYAN NG
PAMBANSANG WIKA
 Bago pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 184
noong Nobyembre 13, 1936, si Pangulong Quezon ay
pinadalhan ni Norberto Romualdez, Tagapangulo ng
Komite sa Pambansang Wika ng Unang Pambansang
Asamblea, ng Memorandum Sobre la Lengua
Nacional, na nagsasaad na lahat ng katutubong
wika, ang Tagalog ang may pinakamaunlad na
katangiang panloob: estruktura, mekanismo, at
panitikan, at bukas sa pagpapayaman at
pagdaragdag ng bokabularyo.
TAGALOG BILANG BATAYAN NG
PAMBANSANG WIKA
 Ito rin ang pinakakatanggap-tanggap sa nakakaraming
mamamayan; ginagamit na ito ng marami kaya’t di na
magiging suliranin ang adapsiyon nito bilang
pambansang wika ng Pilipinas.
 Gayunman, hindi idineklara ang Tagalog na pambansang
wika, kundi “base sa Tagalog” ang pambansang wika. Sa
kanyang pananalita noong Disyembre 30, 1937,
iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon ang
pagpapatibay sa adapsiyon ng Tagalog bilang basehan ng
pambansang wika ng Pilipinas at idinagdag, “and hereby
declare and proclaim the national language so based on
the Tagalog dialect, as the national language of the
Philippines.”
TAGALOG BILANG BATAYAN NG
PAMBANSANG WIKA
 Sinabi rin ni Pangulong Quezon na sa loob ng mahigit
tatlong taon daang taon ng pananakop ng Espanya,
Espanyol ang opisyal na wika ngunit hindi ito
kailanman nagging wika ng mamamayan.
 Mahigit nang isang henerasyon mula nang manakop
ang mga Amerikano at nagging Ingles ang opisyal na
wikang panturo. Ngunit Ingles ay hindi nagging
pangkalahatang wika ng mamamayan.
TAGALOG BILANG BATAYAN NG
PAMBANSANG WIKA
 Ayon kay Pamela Constantino (sinipi ni Vega (2010),
dalawang konsiderasyon ang nagging batayan sa
pagpili sa Tagalog: sentimentalism o paghahanap ng
pambansang identidad; at instrumental o funsiyonal
o batay sa gamit ng wika sa lipunan.
 Ang isang katutubong wika, hindi wikang dayuhan,
ang makapagpapahayag na kaakuhan ng mga
Pilipino.
TAGALOG BILANG BATAYAN NG
PAMBANSANG WIKA
 Tungkol naman sa instrumental na dahilan,
idinagdag ni Constantino ang dalawang pangunahing
isyu: (a) pagbubuo at pagpapadali ng komunikasyon
(internal at external) na tutulong para sa mas
epektibo at pantay na matamo ang pangangailangan
at interes ng populasyon; at (b) paniniguro na ang
iba’t ibang wika ay magkakaroon ng pantay na
oportunidad na makilahok sa sistema.
TAGALOG BILANG BATAYAN NG
PAMBANSANG WIKA
 Nagpunyagi si Pangulong Manuel L. Quezon na
magkaroon ng isang wikang pambansa batay sa isang
katutubong wika.
 Binanggit niya sa isang talumpati na mahirap sa
isang pangulo ang maging banyaga sa sariling bayang
pinagmulan kaya kailangang magkaroon ng wikang
pambansang magbubuklod sa mga mamamayan.
ANG TAGALOG, PILIPINO, AT FILIPINO
 TAGALOG – katutubong wikang pinagbatayan ng
pambansang wika ng Pilipinas (1935)
 PILIPINO – unang tawag sa pambansang wika ng
Pilipinas (1959)
 FILIPINO – kasalukuyang tawag sa pambansang wika
ng Pilipinas, lingua franca ng mga Pilipino, at isa sa
mga opisyal na wika sa Pilipinas kasama ng Ingles
(1987)
ANG TAGALOG, PILIPINO, AT FILIPINO
 Tandaan na iba ang wikang opisyal sa pambansang wika.
Noong 1987 lamang ginawang Pambansang Wika ang
Filipino. Bago ito, ang pambansang wika ay walang
pangalan, sinabi lamang sa Konstitusyon ng 1935 na ang
pambansang wika ay batay sa Tagalog.
 Sa Konstitusyon ng 1973, sinabi naman na ang Kongreso
ay magsasagawa ng mga hakbang upang makabuo ng
pambansang wika na tatawaging Filipino. Ngunit hindi
opisyal na ginamit ang salitang Filipino bilang
pambansang wika.
ANG TAGALOG, PILIPINO, AT FILIPINO
 Ayon sa Seksyon 6, Artikulo XIV ng Konstitusyon ng 1987,
ang wikang Filipino ay:
1. Ang wikang pambansa ng Pilipinas;
2. Dapat payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na
mga wika ng Pilipinas at sa iba pang wika at;
3. Dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan
upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng
Filipino bilang:
a. Midyum ng opisyal na komunikasyon; at
b. Wika ang pagtuturo sa sistema ng edukasyon
Kahulugan at uri ng varayti ng wika
 Ang varayti ay ang pagkakaiba-iba sa uri ng wika na ginagamit ng mga tao sa
bansa. Maaaring ang pagkakaiba ay nasa bigkas, tono, uri at anyo ng salita.
 Nagbigay si Cafford (1965) ng dalawang uri ng varayti ng wika. Una ay permanente
para sa mga tagapagsalita/tagabasa at ang ikalawa ay pansamantala dahil
nagbabago kung may pagbabago sa sitwasyon ng pahayag.
 Kabilang sa mga varayting permanente ay diyalekto at idyolek.
 Ang dayalekto ay batay sa lugar, panahon at katayuan sa buhay. Nakikita ito
kaugnay ng pinanggagalingang lugar ng tagapagsalita o grupo ng tagapagsalita sa isa
sa tatlong dimension: espasyo, panahon at katayuang sosyal.
 Maihahalimbawa rito ang mga diyalektong Tagalog na ayon sa iba’t iblogang lugar
ng tagapagsalita tulad ng Tagalog-Bulacan, Tagalog-Batangas, Tagalog-Laguna,
Tagalog-Cavite, Tagalog-Mindoro, Tagalog-Rizal at Tagalog-Palawan.
Kahulugan at uri ng varayti ng wika
 Samantala ang idyolek, ay isang varayti na kaugnay ng personal na kakanyahan ng
tagapagsalita o wikang ginagamit ng partikular na indibidwal.
 Ang mga tanda ng idyolek ay maaaring idyosinkratiko tulad ng paggamit ng
partikular na bokabularyo nang madalas.
 Ayon parin kay Cafford, permanente nang matatawag ang idyolek ng isang taong
may sapat na gulang.
Pansamantalang varayti
 Ang pansamantalang varayti ng wika ay kaugnay sa sitwasyon na ginagamit
ang wika. Kasama rito ang register, mode at estilo.
 Ang register ay varayti kaugnay ng panlipunang papel na ginagampanan ng
tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag. Halimbawa nito ay: siyentipikong
register, panrelihiyong register, pang-akademikong register at iba pa.
 Ang estilo ay ang varayti na kaugnay ng relasyon ng nagsasalita sa kausap.
Ang estilo ay maaaring formal, kolokyal o personal.
 Ang mode ay ang varayting kaugnay sa midyum na ginagamit sa
pagpapahayag tulad ng pagsalita o pasulat.
Pansamantalang varayti
 Sa isang pangkat-wika o speech community makikita ang varyasyon ng wika
sa pamamagitan ng: a) mga taong bumubuo rito rito; b)
pakikipagkomunikasyon ng tao; c) interaksyon ng mga tao; d) sa mga
katangian ng pananalita ng mga tao e.) sa soyal na katangian ng mga tao.
Permanenteng varayti
1. Dayalekto
 Maraming linggwista ang nagpapalagay na homojinyus ang wika, na ang ibig sabihin
ay pare-parehong magsalita o bumigkas ng mga salita ang lahat ng taong
gumagamit ng wika.
 Kapansin-pansin ding may mga taga-lalawigan na iba-iba ang punto. May tinatawag
na puntong Bulacan, puntong Bisaya, puntong Bicol o puntong Maranao.
 May mga ilan namang gumagamit ng ibang salita para sa isang kahulugan lamang.
Samakatuwid, hindi maipagkakailang iba-iba ang varayti ng wika. Ito’y matatawag
na dayalek.
 Ang mga taga-Albay ay nagkakaintindihan ng usapan dahil iisang dayalek ng
kanilang ginagamit. Ngunit nahihirapang maunawaan ng mga taga-Naga ang
kanilang salita kapag sila’y napadako sa lugar na ito.
Permanenteng varayti
2. Idyolek
 Kahit na isang dayalek, mayroon paring mga katangian sa pagsasalita ang bawat
indibidwal, at ang kabuuan ng mga katangian sa pagsasalita ng isang indibidwal ay
tinatawag na idyolek. Hindi magkakapareho ang pagsasalita ng bawat tao dala
marahil sa edad, kasarian o kalagayan sa lipunan o hilig. Ito’y maaaring ibatay sa
kung sino at kung nasaan ang kausap.
 Samakatuwid, bawat wika ay may mga dayalek at ang kabuuang dayalek ay binubuo
ng mga idyolek. Sa ibang salita, idyolek ang total na katangian at kagawian sa
pagsasalita.
 Halimbawa ng idyolek ay ang kinagawiang paggamit ng salitang “siya” sa halip na
“ito” na tumutukoy sa bagay. Ang paggamit ng salitang “bale” sa pagsisimula ng
pahayag o pangungusap ay masasabi ring idyolek.
 Nagkakaintindihan ang nagsasalita ng mga dayalek ng isang wika pero kinikilala nila ang
pagkakaiba ng mga salita nila. Maaaring hindi pareho ang pagbigkas nila ng isa o ilang tunog,
o iba ang ginagamit na salita para sa isang bagay o may ilang pagkakaiba sa pagbuo ng ilang
pangungusap, pero nagkakaintindihan parin sila. Nagsasalita lang sila ng magkaibang dayalek
ng isang wika.
 Ang dayalek ng Tagalog ay sinasalita sa mga sumusunod na lalawigan: Bulacan, Nueva Ecija,
Batangas, Laguna, Cavite, Quezon, Rizal atbp. Para makatiyak kung may pagkakatulad ang
diyalekto sa mga nabanggit na lugar, mahalagang pag-aralan ang tunog ng mga salitang
ginagamit ng mga taong naninirahan sa mga lalawigang ito.
 Maaari ring paghambingin ang mga salitang laganap dito ang pag-aralan ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng kahulugan. Maaaring matukoy ang paggamit ng salitang yayao ng Batangas o
ng salitang nababanas ng Quezon na iba sa kahulugan ng mga di taga-Batangas o di-taga-
Quezon.
 Samantala sa pag-aaral na isinagawa ni Cui-Acas ukol sa palabuan ng pandiwa ng mga wikang
Waray at Tagalog, pinatunayan niyang ang Waray ay may pagkakatulad o pagkakahawig at
pagkakaiba sa Tagalog ayon sa bokabularyo, ponolohiya, morpolohiya, sintaks at iba pang
mga katangiang pangwika.
 Sa bokabularyo ng dalawang wikang nabanggit, ilan sa mga katunayan ng relasyon ay gaya ng
ako (Waray ak) ikaw (Waray ikao), siya (Waray siya) kayo (Waray kamu), tao, (Waray tawo).
 Maaaring hindi pareho ang pagbigkas ng isa o ilang tunog o may
pagkakaiba sa pagbuo ng ilang pangungusap, pero nagkakaintindihan
pa rin sila.
 Halimbawa, dayalek ng wikang Tagalog ang varayti nito na sinasalita sa
Batangas na bukod sa punto, maririnig din ang mga katangi-tanging ga
at baga na nagpapakilala sa kaibahan nito sa Tagalog na maririnig
halimbawa sa Rizal, sa Quezon, sa Bulacan at sa iba pang varayti ng
wikang Tagalog.
 Sa lalawigan ng Rizal, maririnig ang ay hao na pagsang-ayon sa halio na
oo.
 Sa Mindoro na bahagi ng rehiyong Tagalog, ang hoo ang katumbas ng
kanilang oo.”
 Pansinin ang ilang halimbawa ng mga salita at ekspresyon sa ilang
bayan sa Rizal na halos gamit lamang sa nasabing bayan.
Mga Bayan sa Rizal Salita Maynila
Malabon ulaw suya
Navotas maghawan mag-urong/magligpit ng kinanan
Montalban humahamog umaambon
Taytay mainam pangit
Pateros malakuku alahininga
Antipolo mangangasalan makikipagkasalan
Cardora kurapa sarat/pango
Tanay budo pipi
Pililia bangrikit napakaganda
Angono bibira ako bukas babalik ako bukas
Anyo ng varayti
Dimensyong Heograpikal
 Madaling maunawaan ang isang wikang ginagamit ng isang native
speaker sa punto ng pagsasalita.
 Halimbawa, ang mga taga-Batangas ay may partikular na punto sa
kaiba sa punto ng mga Taga-Bulacan na kapwa Tagalog.
 Maging ang mga taga Iloko ay may varayti ng wika.
 Sa Vigan ang “oo” ay may tinatawag at binibigkas ng wen.
 Sa gitnang Ilocos Sur ay wan ang bigkas. Samantala, win ang bigkas sa
ilang bayan sa Ilocos.
 subalit may mga hangganan ang mga variant para mailarawan ang
mga lugar o sakop ng mga dayalek ng isang wika.
Anyo ng varayti
Dimensyong Sosyal
 Maoobserbahan na kahit saan ay nagpapangkat-pangkat ang mga tao batay sa ilang
katangian o varyabol, halimbawa: yaman, paniniwala, oportunidad, kasarian, edad
at iba pa.
 Isang indikasyon ng paggugrupong ito’y ang varayti ng wikang gamit ng mga
miyembro ng isang grupo.
 Sinasabing nagiging makabuluhan lamang ang mga variant kung nagkakaroon ito ng
halagang sosyal o importansya sa interaksyong sosyal.
 Itinuring na tagaprobinsya o tagabundok ang gumagamit ng varyant na kaiba sa
ginagamit ng mga nakapag-aral o taga-syudad.
 Samantala, salitang kalye ang varayti ng wikang may variant na di tanggap ng mga
elit o sosyal.
 Kaya ang mga katangian ng bawat varayti ng wika’y dala ng relasyong sosyal ng
mga miyembro nito.
Ang sosyolek
 Sosyolek ang tawag sa varayting nabubuo batay sa dimensyong
sosyal. May pangkat na gusting mapanatili ang kanilang
pagkakakilanlan kaya sinisikap nilang gawin ito kahit sa paraan ng
wika.
 Ang pangkat na ito’y binubuo ng mga taong magkakatulad ang antas
ng edukasyon, o di nagkakalayo ng income bracket., o dili kaya’y
magkapareho ng trabaho.
 Sosyolek ang tawag sa varayti ng wika na ginagamit ayon sa relasyong
sosyal.
 At upang matanggap ang indibidwal na kinikilusang grupong sosyal,
kailangang magsalita ang sosyolek nito.
 Binabagayan ng nagsasalita ng tamang sosyolek ang uri ng kanyang
kausap.
Ang sosyolek
 halimbawa, ang mga elit ay may kaibahan ang pagsasalita sa
isang ordinaryong tagapagsalita. Ganoon din ang mga nakapag-
aral o propesyonal na iba rin ang sosyolek sa mga di-nakapagaral.
 Mas maraming salitang Ingles o terminong akademiko ang
ginagamit ng mga may mataas na pinag-aralan.
 Ang mga bakla ay may sariling sosyolek na nagpapakita ng
kanilang pagkakakilanlan at ekslusibong gamit ng wika na tanging
kanila lamang.
Ang sosyolek
 Halimbawa:
Tol, musta na ‘yung GF mo, oks na ba kayo?
Hoy gir, lamyerda tayo maya, ‘la naman pasok tom.
Wiz, ko feel ang mga hombre ditech, day!
 Ang sosyolek ay maaari ring may okupasyunal na rehistro.
Pansinin ang mga sumusunod na termino. Kung maririnig mo ang
mga ito sa isang taong hindi mo kilala, ano ang agad mong
iisiping trabaho niya?
Ang sosyolek
hearing court fiscal
justice appeal complainant
Ang mga salitang nakatala sa itaas ay mga legal jargon.
Ang jargon ang tanging bokabularyo ng isang partikular
na pangkat ng gawain.
Ang sosyolek
 Ang mga sumusunod naman ay mga jargon sa disiplinang
Accountancy at iba pang kaugnay na disiplina:
account debit credit
gross income cash flow net income
Ang sosyolek
 Kung minsan, ang mga jargon ng isang larangan ay may kakaibang kahulugan
sa karaniwan o sa ibang larangan.
 Pansinin ang mga sumusunod na termilohiya ay may magkakaibang kahulugan
o rehistro sa larangan nasa loob ng panaklong:
mouse (computer, zoology)
strike (sports, labor, law)
race (sports, sociology)
operation (medicine, military)
accent (language, interior design)
stress (language, psychology)
hardware (business, computer)
nursery (agriculture, education)
note (music, banking)
server (computer, restaurant management)
ARALIN 1.pptx
ARALIN 1.pptx

More Related Content

PPTX
Barayti ng Wika
DOCX
Banghay Aralain sa Filipino: Conative, informative, at labeling na gamit ng wika
PPTX
Barayti ng wika.pptx
PPTX
Tekstong-impormatibo.pptx
PPTX
Gamit ng mga kaalaman sa Modernong Teknolohiya sa pag-unawa sa mga Konseptong...
PPTX
KONSEPTONG-PANGWIKA.pptx
PPTX
ARALIN-5-6.pptx
PPTX
COT-1-TEKSTONG-PROSIDYURAL.pptx
Barayti ng Wika
Banghay Aralain sa Filipino: Conative, informative, at labeling na gamit ng wika
Barayti ng wika.pptx
Tekstong-impormatibo.pptx
Gamit ng mga kaalaman sa Modernong Teknolohiya sa pag-unawa sa mga Konseptong...
KONSEPTONG-PANGWIKA.pptx
ARALIN-5-6.pptx
COT-1-TEKSTONG-PROSIDYURAL.pptx

What's hot (20)

PPTX
ppt_jhia.pptx
PPTX
Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at week 2.pptx
PPTX
Barayti ng wika
PPTX
LESSON 1-WIKA.pptx
PPTX
Filipino 8 Modyul 2 quarter 4 aaaaaaaaaa
PDF
Proseso sa Pagsulat ng Pananaliksik
PDF
Banghay Aralin sa Filipino 11 Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Panana...
PPTX
Mga Teoryang Pangwika
PPT
sitwasyong-pangwika-sa-kalakalan-pamahalaan-edukasyon-at-register-ng-wikang.ppt
PPTX
Quiz Tanka Haiku.pptx
PPTX
Q1.modyul1. wika-at-kultura
ZIP
Attachments 2012 06_29
PPTX
KOMPAN WEEK1.pptx
PPTX
G6_Kakayahang-Diskorsal.pptx
PPTX
Pagtataya at pagtuturo sa pakikinig at pagsasalita
DOCX
MY DLL COT1 barayti ng wika.docx
DOCX
dagliang talumpati 2022.docx
PDF
DLL-Ikawalong Linggo-Kasaysayan ng Wikang Pambansa.docx.pdf
PPTX
pananaw ng mga awtor sa kasaysayan ng wikang ambansa(1).pptx
PPTX
week 1 komunikasyon 2.pptx
ppt_jhia.pptx
Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at week 2.pptx
Barayti ng wika
LESSON 1-WIKA.pptx
Filipino 8 Modyul 2 quarter 4 aaaaaaaaaa
Proseso sa Pagsulat ng Pananaliksik
Banghay Aralin sa Filipino 11 Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Panana...
Mga Teoryang Pangwika
sitwasyong-pangwika-sa-kalakalan-pamahalaan-edukasyon-at-register-ng-wikang.ppt
Quiz Tanka Haiku.pptx
Q1.modyul1. wika-at-kultura
Attachments 2012 06_29
KOMPAN WEEK1.pptx
G6_Kakayahang-Diskorsal.pptx
Pagtataya at pagtuturo sa pakikinig at pagsasalita
MY DLL COT1 barayti ng wika.docx
dagliang talumpati 2022.docx
DLL-Ikawalong Linggo-Kasaysayan ng Wikang Pambansa.docx.pdf
pananaw ng mga awtor sa kasaysayan ng wikang ambansa(1).pptx
week 1 komunikasyon 2.pptx
Ad

Similar to ARALIN 1.pptx (20)

PPTX
1Komunikasyon-at-Pananaliksik-Sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino.pptx
PDF
Introdusyon sa Pag-aaral ng Wika
PPTX
Komunikasyon-at-pananaliksik-sa-wika-at-kulturang-pILIPINO.pptx
PPTX
Konseptong pangwika(modyul1)
PPTX
KOMPAN-11-KONSEPTONG-PANG-WIKA-TEORYA.pptx
PPTX
Grade-11-Filipino-Group-1.pptx pagbasa at pagsulat
PPTX
Aralin 1 - Konseptong Pangwika (Kahulugan, Kahalagahan, Teorya, Barayti, at ...
PPTX
katangian at kahalagahan ng ayewika.pptx
PPTX
Aralin_1_Ang_Mga_Batayang_Kaalaman_sa_Wika.pptx
PPTX
komunikasyon week 1 wika, katuturan at katangian
PPTX
BARAYTI-Paket-01.pptx BARAYTI-Paket-01.pptx
PPTX
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK MODYUL 1.pptx
PPTX
Komunikkasyon At Pananaliksik Week 4 final(1).pptx
PPTX
Komunikasyon at Pananaliksik_Week 1.pptx
PPTX
Komunikasyon at Pananaliksik -Q1-W2.pptx
PDF
komunikasyonatpananaliksiksawikaatkulturangpilipino-220918131939-e0d0b172 (1)...
PPTX
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO.pptx
PPTX
Komunikasyon sa pagbabasa at pagsusulat.pptx
PPT
Katuturan ng wika
1Komunikasyon-at-Pananaliksik-Sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino.pptx
Introdusyon sa Pag-aaral ng Wika
Komunikasyon-at-pananaliksik-sa-wika-at-kulturang-pILIPINO.pptx
Konseptong pangwika(modyul1)
KOMPAN-11-KONSEPTONG-PANG-WIKA-TEORYA.pptx
Grade-11-Filipino-Group-1.pptx pagbasa at pagsulat
Aralin 1 - Konseptong Pangwika (Kahulugan, Kahalagahan, Teorya, Barayti, at ...
katangian at kahalagahan ng ayewika.pptx
Aralin_1_Ang_Mga_Batayang_Kaalaman_sa_Wika.pptx
komunikasyon week 1 wika, katuturan at katangian
BARAYTI-Paket-01.pptx BARAYTI-Paket-01.pptx
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK MODYUL 1.pptx
Komunikkasyon At Pananaliksik Week 4 final(1).pptx
Komunikasyon at Pananaliksik_Week 1.pptx
Komunikasyon at Pananaliksik -Q1-W2.pptx
komunikasyonatpananaliksiksawikaatkulturangpilipino-220918131939-e0d0b172 (1)...
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO.pptx
Komunikasyon sa pagbabasa at pagsusulat.pptx
Katuturan ng wika
Ad

More from cyrusgindap (9)

PPTX
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO-ppt_103523.pptx
PPTX
Aralin-3-naratibo.pptx pagbasa at pagsusuri
PPTX
Lesson 1.pptx
PPTX
PERSONAL DEVELOPMENT ppt 2024.pptx
PPTX
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO test.pptx
PPTX
426646066-Feasibility-Study-Piling-Larang.pptx
PPTX
ULAT TUNGKOL SA BADYET NG PAMILYA.pptx
PDF
SHS-Core_Komunikasyon-at-Pananaliksik-sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino-CG (2).pdf
PPTX
Kabanata 1.pptx
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO-ppt_103523.pptx
Aralin-3-naratibo.pptx pagbasa at pagsusuri
Lesson 1.pptx
PERSONAL DEVELOPMENT ppt 2024.pptx
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO test.pptx
426646066-Feasibility-Study-Piling-Larang.pptx
ULAT TUNGKOL SA BADYET NG PAMILYA.pptx
SHS-Core_Komunikasyon-at-Pananaliksik-sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino-CG (2).pdf
Kabanata 1.pptx

Recently uploaded (20)

PPTX
tsa-171010002222.pptxpowerpoint presentation
PPTX
PAMUMUHAY NG PAYAK BILANG PANSARILING PAGIINGAT SA KALIKASAN
PPTX
Panitikan-ng-Pilipinas - Introduction of Topic.pptx
PPTX
428931649-Pagsulat-Ng-Editoryal.pptxfilipino
PPTX
valueseducation7uringintelektwalnabirtud.pptx
PPTX
FILIPINO 10 ANG PARABULA NG TUSONG KATIWALA.pptx
PPTX
WEEK7-Q1-relihiyon sa sinaunang kabihasnan.pptx
PPTX
Kailangang-maisulat-ang-titik-ng-tamang-sagot-sa-papel-sa-loob-ng-itinakdang-...
PPTX
GAWAD KALINGA Modyul sa ESP-9 2025-2026 High School
PPTX
AP8 Q1 Week 3-4 Kabihasnang Mycenaean.pptx
PPTX
panitikang katutubo matatag filipino seveb
PDF
AP8_Q1_Week_3-4_Kabihasnang_Mycenaean.pdf
PPTX
Panitikan sa Panahon ng Katutubo-Tuluyan (Alamat).pptx
DOCX
BUWAN NG WIKANG PAMBANSA fLow of the Program 2025
PPTX
IDE Lesson plan notes. kasaysayan ng wikang kastila
PPTX
Leksikon_at_Sintaksis_Presentasyon.pptxhhh
PPTX
GMRC 4 MATATAG POWERPOINT. PPT Q1 WEEK 1
PDF
LE_Q3_Aaraling Panlipunan 7_Aralin 2_Linggo 2.pdf
PPTX
Araling Panlipunan Grade VI-Week 1 ,Quarter I
PPTX
PPT_FILIPINO_G4_Q2_W4.pptxhjshjhejhjhehhe
tsa-171010002222.pptxpowerpoint presentation
PAMUMUHAY NG PAYAK BILANG PANSARILING PAGIINGAT SA KALIKASAN
Panitikan-ng-Pilipinas - Introduction of Topic.pptx
428931649-Pagsulat-Ng-Editoryal.pptxfilipino
valueseducation7uringintelektwalnabirtud.pptx
FILIPINO 10 ANG PARABULA NG TUSONG KATIWALA.pptx
WEEK7-Q1-relihiyon sa sinaunang kabihasnan.pptx
Kailangang-maisulat-ang-titik-ng-tamang-sagot-sa-papel-sa-loob-ng-itinakdang-...
GAWAD KALINGA Modyul sa ESP-9 2025-2026 High School
AP8 Q1 Week 3-4 Kabihasnang Mycenaean.pptx
panitikang katutubo matatag filipino seveb
AP8_Q1_Week_3-4_Kabihasnang_Mycenaean.pdf
Panitikan sa Panahon ng Katutubo-Tuluyan (Alamat).pptx
BUWAN NG WIKANG PAMBANSA fLow of the Program 2025
IDE Lesson plan notes. kasaysayan ng wikang kastila
Leksikon_at_Sintaksis_Presentasyon.pptxhhh
GMRC 4 MATATAG POWERPOINT. PPT Q1 WEEK 1
LE_Q3_Aaraling Panlipunan 7_Aralin 2_Linggo 2.pdf
Araling Panlipunan Grade VI-Week 1 ,Quarter I
PPT_FILIPINO_G4_Q2_W4.pptxhjshjhejhjhehhe

ARALIN 1.pptx

  • 2. ABOT-TANAW Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:  Natutukoy ang kahulugan, kahalagahan, at kalikasan ng wika;  Nakikilala ang dalawang opisyal na wika ng Pilipinas;  Nakapagbibigay ng sariling kahulugan sa wika; at  Nakapagtatala ng mga sitwasyong nagpapakita ng magkahiwalay na gamit ng dalawang opisyal na wika ng Pilipinas.
  • 4. LUSONG-KAALAMAN Kwentuhan tayo.  Mayroon tayong iba’t ibang karanasan sa paggamit ng wika, Ingles man ito o Filipino. May mga gumagamit ng Filipino para masabing makabayan sila. Ang iba naman, gumagamit ng Ingles para magpasikat sa kausap nila. Ano ang karanasang hindi mo malilimutan sa paggamit ng wika? Ikuwento sa harap ng klase ang nagging karanasan mo. Pagkatapos. Pakinggan naman ang kanilang kwento. Tiyaking hindi lalampas sa dalawang minute ang iyong kwento para makapagkwento rin ang iba mong kaklase.
  • 5. GAOD-KAISIPAN  Mayaman ang wika at isa itong malawak na larangan. Hindi nauubos ang mga kaalamang natutuhan at natutuklasan tungkol sa wika. Sa tanong na “ano nga ba ang wika?” napakaraming makukuhang sagot mula sa iba’t ibang dalubhasa sa wika.
  • 6. GAOD-KAISIPAN  Pinakagamitin at popular ang kahulugan ng wika na ibinigay ng lingguwistikong si Henry Gleason (mula sa Austero et al. 1999). Ayon sa kanya, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog at pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
  • 7. GAOD-KAISIPAN  Sa aklat nina Bernales et al. (2002), mababasa ang kahulugan ng wika bilang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal.
  • 8. GAOD-KAISIPAN  Samantala, sa aklat naman nina Mangahis et al. (2005), binanggit na may mahalagang papel na ginagampanan ang wika sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghahatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.
  • 9. GAOD-KAISIPAN  Marami pang Pilipinong dalubwika at manunulat ang nagbigay ng kanilang pakahulugan sa wika. Ayon sa mga edukador na sina Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra (2000), “ang wika ay isang kalipunan ng mga salita, ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mag ito para magkaunawaan o makapag-usap ang isang grupo ng mga tao.”
  • 10. GAOD-KAISIPAN  Binanggit ng Pambansang Alagad ng Sining sa Literatura na si Bienvenido Lumbera (2007) na parang hininga ang wika. Gumagamit tayo ng wika upang kamtin ang bawat pangangailangan natin.
  • 11. GAOD-KAISIPAN  Para naman sa lingguwistang si Alfonso O. Santiago (2003), “wika ang sumasalamin sa mithiin, pangarap, damdamin, kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman at karunungan, moralidad, paniniwala, at mga kaugalian ng tao sa lipunan.”
  • 12. GAOD-KAISIPAN  Kung sasangguni naman sa mga diksyunaryo tungkol sa kahulugan ng wika, ang wika ay sistema ng komunikasyon ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbolo.
  • 13. GAOD-KAISIPAN  Samantala, ayon sa UP Diksyonaryong Pilipino (2001) ang wika ay “lawas ng mga salita at Sistema ng paggamit sa mga ito na laganap sa isang sambayanan na may iisang tradisyong pangkultura at pook na tinatahanan.
  • 14. GAOD-KAISIPAN  Sa pangkalahatan, batay sa mga kahulugan ng wika na tinalakay sa itaas, masasabi na ang wika ay kabuuan ng mga sagisag na binubuong mga tunog na binibigkas o sinasalita at mga simbolong isinusulat. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan, nagkakaugnay, at nagkakaisa ang mga tao. Kasangkapan ang wika upang maipahayag ng tao ang kaniyang naiisip, maibahagi ang kanyang mga karanasan, at maipadama ang kanyang nararamdaman. Gayundin, bawat bansa ay may sariling wikang nagbibigkis sa damdamin at kaisipan ng mga mamamayan nito. Sa wika nasasalamin ang kultura at pinagdaanang kasaysayan ng isang bansa.
  • 15. KALIKASAN NG WIKA  Lahat ng nilikha sa mundo ay may katangian o kalikasang taglay. Tulad ng mga tao at ng iba pang mga bagay sa mundo, nagtataglay rin ng mga katangian o kalikasan ang wika. Kung babalikan ang kahulugan ng wika ayon kay Henry Gleason, nakapaloob sa kahulugang kaniyang ibinigay ang tatlong katangian ng wika.
  • 16. KALIKASAN NG WIKA 1. Ang wika ay may masistemang balangkas  Binubuo ng mga makabuluhang tunog o ponema ang wika na nakalilikha ng mga yunit ng salit na kapag pinagsama-sama, sa isang maayos at makabuluhang pagkakasunod-sunod ay nakabubuo ng mga parirala, pangungusap, at talata.
  • 17. KALIKASAN NG WIKA 2. Ang wika ay arbitraryo  Pinagkakasunduan ang anomang wikang gagamitin ng mga grupo ng tao para sa kanilang pang-araw-araw ng pamumuhay.
  • 18. KALIKASAN NG WIKA 3. Ginagamit ang wika ng pangkat ng mga taong kabilang sa isang kultura. Magkaugnay ang wika at kultura at hindi maaarig paghiwalayin. Katulad ng nabanggit, ang kultura ang nagpapayaman sa wika samantalang ang wika naman ang nagbibigay ng ngalan o salita sa lahat ng mga gawaing nakapaloob sa kultura.
  • 19. KALIKASAN NG WIKA  Kasama rin sa mga katangian ng wika ang pagiging buhay o dinamiko.  Ibig sabihin, sumasabay sa pagbabago ng panahon ang wika at Malaya itong tumatanggap ng mga pagbabago upang patuloy na yumaman at yumabong.  Namamatay ang wika kapag hindi makasabay sa pagbabago ng panahon o kapag hindi tumanggap ng mga pagbabago.  Nagbabago ang anyo, gamit, at kahulugan ng mga salita ayon sa takbo ng panahon at sa mga taong gumagamit nito. Dahil nagbabago ang wika, may mga salitang namamatay o hindi na ginagamit sa paglipas ng panahon, at may nadaragdag o naisisilang naming mga bagong salita sa bokabularyo.
  • 20. KALIKASAN NG WIKA  Katulad sa salitang “hataw” na nangangahulugang “pagpalo.” ngayon, may dagdag na itong kahulugan sa pangungusap na “Humataw sa takilya ang pelikula ng bagong tambalan.”  Sa pangungusap na ito, ang “humataw” ay may dagdag na kahulugan ng pagiging mabili o nagustuhan ng marami kaya kumita ng Malaki.  Hindi na naririnig sa ngayon ang mga salitang “kasapuwego” (posporo), “sayal” (na nagging palda at ngayon ay mas tinatawag na skirt), “kolong-kolong” (playpen), at iba pa.
  • 21. KALIKASAN NG WIKA  Bawat wika ay unique o natatangi. Walang wikang may magkatulad na magkatulad ng katangian. May kani-kaniyang lakas o kahinaan din ang wika.  May mga salitang mahirap hanapan ng eksaktong salin o katumbas sa ibang wika dahil sa magkaibang kulturang pinagmulan.  Gayundin, hindi dahil mas mayaman, ,malakas, at mas maunlad ang isang bansa ay may superior o mas makapangyarihan na ang wika ng bansang ito kaysa sa ibang mas mahirap na bansa.  Walang wikang superior sa isa pang wika. Lahat ng wika ay pantay-pantay sapagkat mayroon itong kaniya-kaniyang katangiang taglay na natatangi sa isa’t isa.
  • 22. KALIKASAN NG WIKA  Kabuhol ng wika ang kultura dahil sinasalamin nito ang paraan ng pamumuhay ng mga tao. Nahihinuha ang kulturang kinabibilangan ng mga tao sa kanilang wikang ginagamit.  Para sa lingguwistang si Ricardo Ma. Nolasco, dating Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), may bentahahe ang pagkakaroon ng maraming wika at maraming kultura sa isang bansa.  Sa kaniyang “Pamaksang Pananalita” sa Pambansang Seminar sa Filipino ng KWF sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) noong Mayo 10 hanggang 12, 2006, sinabi niya na “bukod sa nabibiyayaan tayo ng maraming katutubong wika ay mayroon din tayong wikang pambansa—ang Filipino—at may wikang internasyonal pa—ang Ingles. Ang pagtutulungan ng mga wikang ito—lokal at dayuhan—ay siyang nagpatotoo kung gaano ka-linguistically diverse at culturally diverse ang ating bansa, isang bagay na dapat nating ipagbunyi at ipagmalaki.”
  • 23. ILAN PANG KAALAMAN HINGGIL SA WIKA  Ayon sa mga lingguwistika, may mahigit 5,000 wika na sinasalita sa buong mundo. Ang pilipinas ay isa sa mga bansang biniyayaan ng maraming wika, di kukulangin sa 180 ang wikang sinasalita sa Pilipinas.  Heterogenous ang sitwasyong pangwika sa Pilipinas dahil maraming wikang umiral dito at may mga diyalekto o varayti ang mga wikang ito.  Homogenous ang sitwasyong pangwika sa isang bansa kung iisa ang wikang sinasalita ng mga mamamayan dito.  Gayunman, hindi naiiwasan ang pagkakaroon ng mga diyalekto kahit isang wika lamang ang ginagamit sa isang bansa dahil likas lamang sa mga tagapagsalita ng isang wika na magkaroon ng ilang pagbabago sa bigkas ng mga salita, at sa pagbubuo ng mga salita at mga pangungusap. Nagkakaintindihan pa rin ang mga taong gumagamit ng iba’t ibang diyalekto ng isang wika.
  • 24. WIKA, DIYALEKTO, BERNAKULAR  Ang Tagalog, Sinugbuang Binisaya, Ilokano, Hiligaynon, Samar-Leyte, Pangasinan, Bikol, at iba ay mga wika, hindi diyalekto at hindi rin wikain (salitang naimbento upang tukuyin ang isang wika na mas mababa kaysa sa iba).  Ang diyalekyo, ay nangangahulugang varayti ng isang wika, hindi hiwalay na wika. Kapag hindi nagkakaintindihan ang dalawang nag-uusap na gumagamit ng magkaibang wika, ibig sabihin, bawat wikang ginagamit nila ay hiwalay na wika.  Ang halimbawa ng diyalekto ay ito: Ang mga nagsasalita ng isang wika, batay sa lugar na pinanggalingan, maaaring magkaroon ng bahagyang pagkakaiba sa bigkas, paggamit ng panlapi, o ayos ng pangungusap. Dahil dito, may tinatawag ng Tagalog-Bulacan, Tagalog-Cavite, Tagalog-Metro Manila, at iba pa.  Ngayon, dahil maraming gumagamit ng pambansang wika na galling sa iba’t ibang rehiyon, nagkakaroon na rin ng iba’t ibang diyalekto ng Filipino, tulad ng Filipino- Ilokano, Filipino-Hiligaynon, at iba pa, na bawat isa ay nagpapakita ng natatanging pagkakakilanlan ng unang wika ng tagapagsalita ng Filipino.
  • 25. WIKA, DIYALEKTO, BERNAKULAR  Bernakular ang tawag sa wikang katutubo sa isang pook. Hindi ito varayti ng isang wika tulad ng diyalekto, kundi isang hiwalay na wika na ginagamit sa isang lugar na hindi sentro ng gobyerno o ng kalakal. Tinatawag rin itong wikang panrehiyon.
  • 26. BILINGGUWALISMO AT MULTILINGGUWALISMO  Ang bilingguwalismo ay tumutukoy sa dalawang wika. Isang pananaw sa pagiging bilingguwal ng isang tao kung nagkapagsasalita siya ng dalawang wika nang may pantay na kahusayan. Bilang patakarang pang-edukasyon sa Pilipinas, nangangahulugan ito ng paggamit ng Ingles at Filipino bilang panturo sa iba’t ibang magkakahiwalay na subject: Ingles sa matematika at siyensiya, Filipino sa agham panlipunan at iba pang kaugnay na larangan.
  • 27. BILINGGUWALISMO AT MULTILINGGUWALISMO  Ngayon, hindi na bilingguwalismo kundi multilingguwalismo ang pinaiiral na patakarang pangwika sa edukasyon. Ang pagpapatupad ng mother tongue-based multilingguwal education o MTB-MLE ay nangangahulugan ng paggamit ng unang wika ng mga estudyante sa isang particular na lugar. Halimbawa, sa Ilokos, Ilokano ang wikang panturo sa mga estudyante mula kindergarten hanggang ikatlong baiting. Ituturo naman ang Filipino at Ingles pagtuntong nila sa ikaapat na baiting pataas. Ipinapatupad ang ganitong pagbabago sa wikang panturo dahil napatunayan ng maraming pag-aaral na mas madaling natututo ang mga bata kapag ang unang wika nila ang ginagamit na panturo. Mas madali rin silang natututong makabuo ng kritikal na pag-iisip kapag naturuan sila sa kanilang unang wika.
  • 28. BILINGGUWALISMO AT MULTILINGGUWALISMO  Sa bansang tulad ng Pilipinas na may humigit-kumulang 180 na umiiral na wika, hindi kataka-taking maging multilingguwal ang nakararaming populasyon. Halimbawa, ang mga Ilokano, bukod sa wikang Ilokano, ay marunong din ng Filipino at Ingles. Ang mga nagsasalita ng Kiniray-a ay maaaring marunong din ng Hiligaynon bukod sa Filipino at Ingles.  Ang unang wika ay tinatawag ding “wikang sinuso sa ina” o “inang wika” dahil ang unang wikang natutuhan ng isang bata. Tinatawang na “taal” na tagapagsalita ng particular na wika ang isang na ang unang wika ay ang wikang pinag-uusapan. Halimbawa, “taal na Tagalog” ang mga tao na ang unang wika at Tagalog. May nagsasabi rin sila ay “katutubong tagapagsalita” ng isang wika.
  • 29. BILINGGUWALISMO AT MULTILINGGUWALISMO  Pangalawang wika ang tawag sa iba pang mga wikang matutuhan ng isang tao pagkaraang matutuhan ang kanyang unang wika. Halimbawa, Hiligaynon ang unang wika ng mga taga-Iloilo. Ang Filipino ang pangalawang wika para sa kanila. Ang Ingles, Nipongo, Pranses, at iba pang mga wikang maaari nilang matutuhan ay tinatawag na pangalawang wika
  • 30. WIKANG PAMBANSA  Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas at may konstitusyon na batayan ang pagiging pambansang wika ng Filipino. Sa unang bahagi ng Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Konstitusyon ng 1987, nakasaad na, “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang wika.”  bilang pambansang wika, Filipino ang sumisimbolo sa ating pambansang pagkakakilanlan. Sinasalamin nito ang ating kalinangan at kultura, gayundin ang ating damdamin bilang mga Pilipino. Ang wikang Filipino ang nagbabandila sa mundo na hindi tayo alipin ng alinmang bansa at hindi tayo nakikigamit ng wikang dayuhan.  Ang wikang pambansa ang sumasagisag sa ating kalayaan. Mahalaga ang pagkakaroon ng pambansang wika sapagakat ito ang nagdadala sa atin sa pambansang pagkakaisa at pagbubuklod. Mahalagang pagyamanin at pahalagahan ang ating pambansang wika, ang isa sa mga natatanging pamana ng ating mga ninuno at nagsisilbing yaman na ating lahi.
  • 31. WIKANG PAMBANSA  Bukas ang wikang Filipino sa pagpapayamang natatamo mula sa iba pang mga wika ng rehiyon. Lalo pang mapapayaman ang leksikon ng Filipino sa pamamagitan ng paglalahok ng mga salitang mula sa iba pang katutubong wika sa Pilipinas. Halimbawa, gumagamit ng “bana” na nangangahulugang “asawang lalaki”.
  • 32. ARALIN 2 “KASAYSAYAN AT PAGKABUO NG WIKANG PAMBANSA”
  • 33. KASAYSAYAN NG PAGKABUO NG PAMBANSANG WIKA  Sa loob ng mahabang panahon ng Espanya, Espanyol ang opisyal na wika at ito rin ang wikang panturo.  Nang sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas, sa simula ay dalawang wika ang ginamit ng mga bagong mananakop sa mga kautusan at proklamasyon, Ingles at Espanyol.
  • 34. KASAYSAYAN NG PAGKABUO NG PAMBANSANG WIKA  Sa kalaunan, napalitan ng Ingles ang Espanyol bilang wikang opisyal. Dumami na ang natutong magbasa at magsulat sa wikang Ingles dahil ito ang naging tanging wikang panturo batay sa rekomendasyon ng Komisyon ng Schurman noong Marso 4, 1899. Marami ang Pilipino ang nakinabang sa programang iskolarship na ipinadala sa Amerika at umuwing taglay ang kaalaman sa wikang Ingles. Noong 1935, “halos lahat ng kautusan, proklamasyon at mga batas ay nasa wikang Ingles na.” (Boras-Vega 2010)
  • 35. KASAYSAYAN NG PAGKABUO NG PAMBANSANG WIKA  Ngunit sa simula pa lamang ng pakikibaka para sa kalayaan, ginamit na ng mga katipunero ang wikang Tagalog sa mga opisyal na kasulatan.  Sa Konstitusyong Probinsyal ng Biak-na-Bato noong 1897, itindahanang Tagalog ang opisyal na wika.  Sa Konstitusyon ng Malolos (Enero 21, 1899), itinadhanang pansamantalang gamitin ang Espanyol bilang opisyal na wika bagama’t noon pa ay nakita na ng mga bumuo ng konstitusyong ito ang maaaring maging papel mg Ingles sa bansa.
  • 36. KASAYSAYAN NG PAGKABUO NG PAMBANSANG WIKA  Noong Marso 24, 1934, pinagtibay ni Franklin D. Roosebelt ng Estados Unidos ang Batas Tydings- Mcduffie na nagtatadhanang pagkakalooban ng kalayan ang Pilinas matapos ang sampung taong pag- iral ng Pamahalaang Komonwelt.  Noong Pebrero 8, 1935, pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang Konstitusyon ng Pilipinas na niratipika ng sambayanan noong Mayo 14, 1935.
  • 37. KASAYSAYAN NG PAGKABUO NG PAMBANSANG WIKA  Ang probisyong pangwika ay nasa Seksiyon 3, Artikulo XIII: “ Ang Pambansang Asamblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang pangkalahatang pambansang wika na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy na gagamiting mga wikang opisyal.”
  • 38. KASAYSAYAN NG PAGKABUO NG PAMBANSANG WIKA  Ang nanguna sa paggawa ng resolusyon tungkol sa wikang pambansa ay si Wenceslao Q. Vinzons, kinatawan mula sa camarines Norte. Ayon sa orihinal na resolusyon, “Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang Wikang Pambansa batay sa mga umiiral na katutubong wika.”
  • 39. KASAYSAYAN NG PAGKABUO NG PAMBANSANG WIKA  Ngunit ng dumaan ang dokumento sa Style Committee, nagkaroon ng pagbabago sa resolusyon. Ang Style Committee ang nagbibigay ng huling pasiya sa borador ng Konstitusyon. Binago ng nasabing komite ang resolusyon at naging probisyon ito sa Seksiyon 3, Artikulo XIV ng Konstitusyon ng 1935.
  • 40. KASAYSAYAN NG PAGKABUO NG PAMBANSANG WIKA Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang Wikang Pambansa batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.
  • 41. KASAYSAYAN NG PAGKABUO NG PAMBANSANG WIKA  Sa paglulunsad ng Komonwelt, isa sa mga unang isinagawa ng administration ng noon ay pangulo na ng bansa na si Manuel L. Quezon ang pagpapatupad ng probisyon ukol sa pambansang wika.  Noong Oktubre 27, 1936 ipinahiwatig ni Pangulong Quezon ang kaniyang plano na magtatag ng surian ng Wikang Pambansa. Ang magiging tungkulin ng Surian, ayon sa Pangulo, ay gumawa ng pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas, sa layuning makapagpapaunlad at makapagpatibay ng isang wikang panlahat batay sa isang wikang umiiral sa bansa.
  • 42. KASAYSAYAN NG PAGKABUO NG PAMBANSANG WIKA  Noong Nobyembre 13, 1936, pinagtibay ng kongreso ang batas Komonwelt Blg. 184, na nagtatag sa unang Surian ng Wikang Pambansa. Alinsunod sa naturang batas, ang mga kapangyarihan at tungkulin ng Surian ay ang mga sumusunod. 1. Gumawa ng pag-aaral sa mga pangkalahatang wika sa Pilipinas; 2. Magpaunlad at magpatibay ng isang wikang panlahat na Wikang Pambansa batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika; at 3. Bigyang-halaga ang wikang pinakamaunlad ayon sa balangkas, mekanismo, at panitikang tinatanggap.
  • 43. KASAYSAYAN NG PAGKABUO NG PAMBANSANG WIKA  Noong Enero 12, 1937, hinirang ng Pangulo ang mga kagawad ng Surian, alinsunod sa Seksiyon 1, Batas Komonwelt 185. ang mga kagawad ng unang Surian ng Wikang pambansa ay sina:  Jaime de Veyra (Bisaya, Samar-Leyte)-Pangulo  Santiago A. Fonacier (Ilocano)-Kagawad  Filemon Sotto (Cebuano)-Kagawad  Casimiro Perfecto(Bicolano)-Kagawad  Felix Rodriguez (Bisaya, Panay)-Kagawad  Hadji Butu (Mindanao)-Kagawad  Cecilio Lopez (Tagalog)-Kagawad
  • 44. KASAYSAYAN NG PAGKABUO NG PAMBANSANG WIKA  Nagmula sa iba’t ibang panig ng bansa ang mga itinalagang kagawad upang ipakitang walang partikular na wikang pinapanigan. Hindi tinatanggap ni Sotto ang kaniyang posisyon. Pinalitan siya ni Isidro Abad.  Noong Nobyembre 7, 1937, pagkaraan ng halos sampung buwan, inilabas ng Surian ang resolusyon na Tagalog ang gawing batayan ng pambansang wika. Ipinahayag ng Surian na ang wikang Tagalong ang halos tumutugon sa hinihingi ng Batas Komonwelt. 184.
  • 45. KASAYSAYAN NG PAGKABUO NG PAMBANSANG WIKA  Hindi na nag-aksaya ng panahon ang Pangulo upang ipahiwatig ang kaniyang tagumpay sa pagpapaunlad ng isang wikang matatawag na Pambansang Wika.  Noong anibersaryo ng kamatayan ni Dr. Jose P. Rizal, Disyembre 30, 1937, lumabas ang kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagpapatibay sa Tagalog bilang batayang wika ng Pambansang Wika ng Pilipinas. Nagkaroon ito ng bias pagkaraan ng dalawang taon matapos na maihanda at maipalimbag ang gramatika at diksiyonaryo ng Wikang Pambansa sa pagitan ng 1938 hanggang 1940.
  • 46. KASAYSAYAN NG PAGKABUO NG PAMBANSANG WIKA  May pagbabagong naganap noong Hunyo 18, 1938 sa Batas Komonwelt Blg. 184. Sinusugan ito ng Batas Komonwelt Blg. 333 at sa batas na ito, ang Surian ay ipinailalim sa tuwirang pamamahala at pangangasiwa ng Pangulo ng Pilipinas.  Binago nang lubusan ang Seksiyon 10 ng Batas Blg. 184. Sa lumang batas, ang Kalihim ng Edukasyon ang magpapatibay ng pasiya sa mga sulirang pangwika. Sa susog, ang Pangulo ang magpapatibay ng pasiya sa mga suliraning pangwika at iyon ang magiging pamantayang pampanitikan sa lahat ng lathalaing opisyal at aklat na pamparaalan.
  • 47. KASAYSAYAN NG PAGKABUO NG PAMBANSANG WIKA  Noong Abril 1, 1940, inilabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263. Ipinag-uutos nito: 1. Pagpapalimbag ng A Tagalog-English Vocabulary at ng isang aklat sa gramatika na pinamagatang Ang Balarila ng Wikang Pambansa; at 2. Pagtuturo ng Wikang Pambansa simula Hunyo 19, 1940 sa mga Paaralang Publiko at Pribado sa buong kapuluan.
  • 48. PANAHON NG PANANAKOP NG MGA HAPON  Nang lumunsad sa dalampasigan ng Pilipinas ang mga Hapon noong 1942, nabuo ang isang grupong tinatawag na “purista.” Sila ang nagnanais na gawing Tagalog na mismo ang wikang pambansa at hindi na batayan lamang.  Malaking tulong ang nagawa ng pananakop ng mga Hapon sa kilusang nabanggit.  Ayon kay Prof. Leopoldo Yabes, ang Pangasiwaang Hapon ang nag-utos na baguhin ang probisyon sa Konstitusyon at gawing Tagalog ang Pambansang Wika.
  • 49. PANAHON NG PANANAKOP NG MGA HAPON  Sa layunin ng mga Hapon na burahin sa mga Pilipino ang anomang kaisipang pang-Amerikano at mawala ang impluwensiya ng mga ito, Tagalog ang kanilang itinaguyod.  Nang panhong iyon, Niponggo at Tagalog ang naging opisyal na mga wika.  Pinasigla ng pamahalaang Hapon ang panitikang nakasulat sa Tagalog. Maraming manunulat sa wikang Ingles, ang gumamit ng Tagalog sa kanilang mga tula, maikling kwento, nobela, at iba pa.
  • 50. PANAHON NG PANANAKOP NG MGA HAPON  Nabuo rin ang isang komisyon na naghanda ng Saligang Batas na nagtadhana sa Tagalog bilang wikang pambansa.  Sa Artikulo IX, Seksiyon 2 ng Konstitusyon ng 1943, nakasaad na, “ang Pamahalaan ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapalaganap ng Tagalog bilang pambansang wika.”
  • 51. PANAHON NG PANANAKOP NG MGA HAPON  Noong Hunyo 4, 1946, nang matapos na ang digmaan, ganap nang ipinatupad ang Batas Komonwelt Blg. 570 na nagtatakdang wikang opisyal na ang pambansang wika. Sinimulan na ring ituro ang Wikang Pambansa sa mga paaralan.  Ilang taon ding hindi napagtuunan ng panahon ang pagpapalaganap sa Wikang Pambansa hanggang sa mailuklok bilang Pangulo ng bansa si Ramon Magsaysay.
  • 52. PANAHON NG PANANAKOP NG MGA HAPON  Noong Marso 6, 1954, nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasiyon Blg. 12 para sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula Marso 29 hanggang abril 4 taon-taon. Alinsunod ito sa pagbibigay-puri sa kaarawan ni Francisco Balagtas bilang makata ng lahi.
  • 53. PANAHON NG PANANAKOP NG MGA HAPON  Noong Setyembre 1955 naman sinusugan ng Proklamasyon Blg. 186 ang paglilipat sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agost 13 hanggang 19 taon-taon bilang paggunita sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon na kinikilala bilang “Ama ng Wikang Pambansa.  Noong 1959, inilabas ni Kalihim Jose F. Romero ng kagawaran ng Pagtuturo ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagtatakdang “kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, itoy tatawaging Pilipino.”
  • 54. PANAHON NG PANANAKOP NG MGA HAPON  Noong Oktubre 24, 1967, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Kautusang Tagapagpagganap Blg. 96 na nag-uutos na ang lahat ng gusali, edipisyo, at tanggapan ng pamahalaan ay dapat na nakasulat sa Pilipino.  Noong Marso 27, 1968 inilabas ng Kalihim Tagapagpagganap na si Rafael Salas ang Memorandum Sirkular Blg. 96 na nag-aatas na lahat ng letterhead ng mga tanggapan, kagawaran, at sangay ng pamahalaan ay dapat na nakasulat sa Pilipino at may katumbas na ingles sa ilalim nito. Inuutos din ng sirkular na gawin sa Pilipino ang pormularyo ng panunumpa sa tungkilin ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan.
  • 55. PANAHON NG PANANAKOP NG MGA HAPON  Noong 1970, naging wikang panturo ang Pilipino sa antas ng elementarya sa bisa ng Resolusyon Blg. 70.  Sa bisa ng Resolusyon Blg. 73-7 ng Pambansang Lupon ng Edukasyon, isinama ang Ingles at Pilipino (Pilipino pa ang tawag noon) sa kurikulom mula elementarya hanggang kolehiyo, publiko man o pribado. Ang resolusyong ito ang nagbunsod sa Patakarang Edukasyong Bilingguwal sa bansa na nagpapagamit ng Pilipino at Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa mga tiyak na aralin at ibang hiwalay na asignatura sa kurikulum mula elementarya hanggang kolehiyo. Noong 1974, sinimulang ipatupad ang patakarang edukasyong bilingguwal sa bansa.
  • 56. PANAHON NG PANANAKOP NG MGA HAPON  Noon naming 1978, iniatas ng Kautusan Pangministri ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagkakaroon ng anim na yunit ng Filipino sa lahat ng kurso sa kolehiyo, maliban sa kursong pang-edukasyon na dapat kumuha naman ng 12 yunit.  Samantala noong Marso 12, 1987, sa isang Order Pangkagawaran Blg. 22 s. 1987, sinasabing gagamitin ang Filipino sa pagtukoy sa Wikang Pambansa ng Pilipinas. Kasunod ito ng pagpapatibay sa Konstitusyon ng 1987 na nagsasaad na ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino.
  • 57. TAGALOG BILANG BATAYAN NG PAMBANSANG WIKA  BAKIT TAGALOG ANG NAPILING BATAYAN NG PAMBANSANG WIKA?
  • 58. TAGALOG BILANG BATAYAN NG PAMBANSANG WIKA  Unang-una, gaya ng nakasaad sa resolusyon ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP), Tagalog ang tumutugon sa lahat ng pangunahing kailangan ng Batas 184.  Lumitaw sa pag-aaral ng SWP na Tagalog ang wikang pinakamaunlad sa estruktura, mekanismo, at panitikan, at ito rin ang wikang ginagamit ng nakararaming mamamayan.  Isa sa mga nakapagpayaman ng panulaang Tagalog ay ang makatang si Francisco “Balagtas” Baltazar, ang itinuring na “Ama ng Panulaang Tagalog,” na kinilala sa kaniyang Florante at Laura bukod sa iba pa niyang mga sinulat.
  • 59. TAGALOG BILANG BATAYAN NG PAMBANSANG WIKA  Bago pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 184 noong Nobyembre 13, 1936, si Pangulong Quezon ay pinadalhan ni Norberto Romualdez, Tagapangulo ng Komite sa Pambansang Wika ng Unang Pambansang Asamblea, ng Memorandum Sobre la Lengua Nacional, na nagsasaad na lahat ng katutubong wika, ang Tagalog ang may pinakamaunlad na katangiang panloob: estruktura, mekanismo, at panitikan, at bukas sa pagpapayaman at pagdaragdag ng bokabularyo.
  • 60. TAGALOG BILANG BATAYAN NG PAMBANSANG WIKA  Ito rin ang pinakakatanggap-tanggap sa nakakaraming mamamayan; ginagamit na ito ng marami kaya’t di na magiging suliranin ang adapsiyon nito bilang pambansang wika ng Pilipinas.  Gayunman, hindi idineklara ang Tagalog na pambansang wika, kundi “base sa Tagalog” ang pambansang wika. Sa kanyang pananalita noong Disyembre 30, 1937, iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon ang pagpapatibay sa adapsiyon ng Tagalog bilang basehan ng pambansang wika ng Pilipinas at idinagdag, “and hereby declare and proclaim the national language so based on the Tagalog dialect, as the national language of the Philippines.”
  • 61. TAGALOG BILANG BATAYAN NG PAMBANSANG WIKA  Sinabi rin ni Pangulong Quezon na sa loob ng mahigit tatlong taon daang taon ng pananakop ng Espanya, Espanyol ang opisyal na wika ngunit hindi ito kailanman nagging wika ng mamamayan.  Mahigit nang isang henerasyon mula nang manakop ang mga Amerikano at nagging Ingles ang opisyal na wikang panturo. Ngunit Ingles ay hindi nagging pangkalahatang wika ng mamamayan.
  • 62. TAGALOG BILANG BATAYAN NG PAMBANSANG WIKA  Ayon kay Pamela Constantino (sinipi ni Vega (2010), dalawang konsiderasyon ang nagging batayan sa pagpili sa Tagalog: sentimentalism o paghahanap ng pambansang identidad; at instrumental o funsiyonal o batay sa gamit ng wika sa lipunan.  Ang isang katutubong wika, hindi wikang dayuhan, ang makapagpapahayag na kaakuhan ng mga Pilipino.
  • 63. TAGALOG BILANG BATAYAN NG PAMBANSANG WIKA  Tungkol naman sa instrumental na dahilan, idinagdag ni Constantino ang dalawang pangunahing isyu: (a) pagbubuo at pagpapadali ng komunikasyon (internal at external) na tutulong para sa mas epektibo at pantay na matamo ang pangangailangan at interes ng populasyon; at (b) paniniguro na ang iba’t ibang wika ay magkakaroon ng pantay na oportunidad na makilahok sa sistema.
  • 64. TAGALOG BILANG BATAYAN NG PAMBANSANG WIKA  Nagpunyagi si Pangulong Manuel L. Quezon na magkaroon ng isang wikang pambansa batay sa isang katutubong wika.  Binanggit niya sa isang talumpati na mahirap sa isang pangulo ang maging banyaga sa sariling bayang pinagmulan kaya kailangang magkaroon ng wikang pambansang magbubuklod sa mga mamamayan.
  • 65. ANG TAGALOG, PILIPINO, AT FILIPINO  TAGALOG – katutubong wikang pinagbatayan ng pambansang wika ng Pilipinas (1935)  PILIPINO – unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas (1959)  FILIPINO – kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas, lingua franca ng mga Pilipino, at isa sa mga opisyal na wika sa Pilipinas kasama ng Ingles (1987)
  • 66. ANG TAGALOG, PILIPINO, AT FILIPINO  Tandaan na iba ang wikang opisyal sa pambansang wika. Noong 1987 lamang ginawang Pambansang Wika ang Filipino. Bago ito, ang pambansang wika ay walang pangalan, sinabi lamang sa Konstitusyon ng 1935 na ang pambansang wika ay batay sa Tagalog.  Sa Konstitusyon ng 1973, sinabi naman na ang Kongreso ay magsasagawa ng mga hakbang upang makabuo ng pambansang wika na tatawaging Filipino. Ngunit hindi opisyal na ginamit ang salitang Filipino bilang pambansang wika.
  • 67. ANG TAGALOG, PILIPINO, AT FILIPINO  Ayon sa Seksyon 6, Artikulo XIV ng Konstitusyon ng 1987, ang wikang Filipino ay: 1. Ang wikang pambansa ng Pilipinas; 2. Dapat payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang wika at; 3. Dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang: a. Midyum ng opisyal na komunikasyon; at b. Wika ang pagtuturo sa sistema ng edukasyon
  • 68. Kahulugan at uri ng varayti ng wika  Ang varayti ay ang pagkakaiba-iba sa uri ng wika na ginagamit ng mga tao sa bansa. Maaaring ang pagkakaiba ay nasa bigkas, tono, uri at anyo ng salita.  Nagbigay si Cafford (1965) ng dalawang uri ng varayti ng wika. Una ay permanente para sa mga tagapagsalita/tagabasa at ang ikalawa ay pansamantala dahil nagbabago kung may pagbabago sa sitwasyon ng pahayag.  Kabilang sa mga varayting permanente ay diyalekto at idyolek.  Ang dayalekto ay batay sa lugar, panahon at katayuan sa buhay. Nakikita ito kaugnay ng pinanggagalingang lugar ng tagapagsalita o grupo ng tagapagsalita sa isa sa tatlong dimension: espasyo, panahon at katayuang sosyal.  Maihahalimbawa rito ang mga diyalektong Tagalog na ayon sa iba’t iblogang lugar ng tagapagsalita tulad ng Tagalog-Bulacan, Tagalog-Batangas, Tagalog-Laguna, Tagalog-Cavite, Tagalog-Mindoro, Tagalog-Rizal at Tagalog-Palawan.
  • 69. Kahulugan at uri ng varayti ng wika  Samantala ang idyolek, ay isang varayti na kaugnay ng personal na kakanyahan ng tagapagsalita o wikang ginagamit ng partikular na indibidwal.  Ang mga tanda ng idyolek ay maaaring idyosinkratiko tulad ng paggamit ng partikular na bokabularyo nang madalas.  Ayon parin kay Cafford, permanente nang matatawag ang idyolek ng isang taong may sapat na gulang.
  • 70. Pansamantalang varayti  Ang pansamantalang varayti ng wika ay kaugnay sa sitwasyon na ginagamit ang wika. Kasama rito ang register, mode at estilo.  Ang register ay varayti kaugnay ng panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag. Halimbawa nito ay: siyentipikong register, panrelihiyong register, pang-akademikong register at iba pa.  Ang estilo ay ang varayti na kaugnay ng relasyon ng nagsasalita sa kausap. Ang estilo ay maaaring formal, kolokyal o personal.  Ang mode ay ang varayting kaugnay sa midyum na ginagamit sa pagpapahayag tulad ng pagsalita o pasulat.
  • 71. Pansamantalang varayti  Sa isang pangkat-wika o speech community makikita ang varyasyon ng wika sa pamamagitan ng: a) mga taong bumubuo rito rito; b) pakikipagkomunikasyon ng tao; c) interaksyon ng mga tao; d) sa mga katangian ng pananalita ng mga tao e.) sa soyal na katangian ng mga tao.
  • 72. Permanenteng varayti 1. Dayalekto  Maraming linggwista ang nagpapalagay na homojinyus ang wika, na ang ibig sabihin ay pare-parehong magsalita o bumigkas ng mga salita ang lahat ng taong gumagamit ng wika.  Kapansin-pansin ding may mga taga-lalawigan na iba-iba ang punto. May tinatawag na puntong Bulacan, puntong Bisaya, puntong Bicol o puntong Maranao.  May mga ilan namang gumagamit ng ibang salita para sa isang kahulugan lamang. Samakatuwid, hindi maipagkakailang iba-iba ang varayti ng wika. Ito’y matatawag na dayalek.  Ang mga taga-Albay ay nagkakaintindihan ng usapan dahil iisang dayalek ng kanilang ginagamit. Ngunit nahihirapang maunawaan ng mga taga-Naga ang kanilang salita kapag sila’y napadako sa lugar na ito.
  • 73. Permanenteng varayti 2. Idyolek  Kahit na isang dayalek, mayroon paring mga katangian sa pagsasalita ang bawat indibidwal, at ang kabuuan ng mga katangian sa pagsasalita ng isang indibidwal ay tinatawag na idyolek. Hindi magkakapareho ang pagsasalita ng bawat tao dala marahil sa edad, kasarian o kalagayan sa lipunan o hilig. Ito’y maaaring ibatay sa kung sino at kung nasaan ang kausap.  Samakatuwid, bawat wika ay may mga dayalek at ang kabuuang dayalek ay binubuo ng mga idyolek. Sa ibang salita, idyolek ang total na katangian at kagawian sa pagsasalita.  Halimbawa ng idyolek ay ang kinagawiang paggamit ng salitang “siya” sa halip na “ito” na tumutukoy sa bagay. Ang paggamit ng salitang “bale” sa pagsisimula ng pahayag o pangungusap ay masasabi ring idyolek.
  • 74.  Nagkakaintindihan ang nagsasalita ng mga dayalek ng isang wika pero kinikilala nila ang pagkakaiba ng mga salita nila. Maaaring hindi pareho ang pagbigkas nila ng isa o ilang tunog, o iba ang ginagamit na salita para sa isang bagay o may ilang pagkakaiba sa pagbuo ng ilang pangungusap, pero nagkakaintindihan parin sila. Nagsasalita lang sila ng magkaibang dayalek ng isang wika.  Ang dayalek ng Tagalog ay sinasalita sa mga sumusunod na lalawigan: Bulacan, Nueva Ecija, Batangas, Laguna, Cavite, Quezon, Rizal atbp. Para makatiyak kung may pagkakatulad ang diyalekto sa mga nabanggit na lugar, mahalagang pag-aralan ang tunog ng mga salitang ginagamit ng mga taong naninirahan sa mga lalawigang ito.  Maaari ring paghambingin ang mga salitang laganap dito ang pag-aralan ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kahulugan. Maaaring matukoy ang paggamit ng salitang yayao ng Batangas o ng salitang nababanas ng Quezon na iba sa kahulugan ng mga di taga-Batangas o di-taga- Quezon.  Samantala sa pag-aaral na isinagawa ni Cui-Acas ukol sa palabuan ng pandiwa ng mga wikang Waray at Tagalog, pinatunayan niyang ang Waray ay may pagkakatulad o pagkakahawig at pagkakaiba sa Tagalog ayon sa bokabularyo, ponolohiya, morpolohiya, sintaks at iba pang mga katangiang pangwika.  Sa bokabularyo ng dalawang wikang nabanggit, ilan sa mga katunayan ng relasyon ay gaya ng ako (Waray ak) ikaw (Waray ikao), siya (Waray siya) kayo (Waray kamu), tao, (Waray tawo).
  • 75.  Maaaring hindi pareho ang pagbigkas ng isa o ilang tunog o may pagkakaiba sa pagbuo ng ilang pangungusap, pero nagkakaintindihan pa rin sila.  Halimbawa, dayalek ng wikang Tagalog ang varayti nito na sinasalita sa Batangas na bukod sa punto, maririnig din ang mga katangi-tanging ga at baga na nagpapakilala sa kaibahan nito sa Tagalog na maririnig halimbawa sa Rizal, sa Quezon, sa Bulacan at sa iba pang varayti ng wikang Tagalog.  Sa lalawigan ng Rizal, maririnig ang ay hao na pagsang-ayon sa halio na oo.  Sa Mindoro na bahagi ng rehiyong Tagalog, ang hoo ang katumbas ng kanilang oo.”  Pansinin ang ilang halimbawa ng mga salita at ekspresyon sa ilang bayan sa Rizal na halos gamit lamang sa nasabing bayan.
  • 76. Mga Bayan sa Rizal Salita Maynila Malabon ulaw suya Navotas maghawan mag-urong/magligpit ng kinanan Montalban humahamog umaambon Taytay mainam pangit Pateros malakuku alahininga Antipolo mangangasalan makikipagkasalan Cardora kurapa sarat/pango Tanay budo pipi Pililia bangrikit napakaganda Angono bibira ako bukas babalik ako bukas
  • 77. Anyo ng varayti Dimensyong Heograpikal  Madaling maunawaan ang isang wikang ginagamit ng isang native speaker sa punto ng pagsasalita.  Halimbawa, ang mga taga-Batangas ay may partikular na punto sa kaiba sa punto ng mga Taga-Bulacan na kapwa Tagalog.  Maging ang mga taga Iloko ay may varayti ng wika.  Sa Vigan ang “oo” ay may tinatawag at binibigkas ng wen.  Sa gitnang Ilocos Sur ay wan ang bigkas. Samantala, win ang bigkas sa ilang bayan sa Ilocos.  subalit may mga hangganan ang mga variant para mailarawan ang mga lugar o sakop ng mga dayalek ng isang wika.
  • 78. Anyo ng varayti Dimensyong Sosyal  Maoobserbahan na kahit saan ay nagpapangkat-pangkat ang mga tao batay sa ilang katangian o varyabol, halimbawa: yaman, paniniwala, oportunidad, kasarian, edad at iba pa.  Isang indikasyon ng paggugrupong ito’y ang varayti ng wikang gamit ng mga miyembro ng isang grupo.  Sinasabing nagiging makabuluhan lamang ang mga variant kung nagkakaroon ito ng halagang sosyal o importansya sa interaksyong sosyal.  Itinuring na tagaprobinsya o tagabundok ang gumagamit ng varyant na kaiba sa ginagamit ng mga nakapag-aral o taga-syudad.  Samantala, salitang kalye ang varayti ng wikang may variant na di tanggap ng mga elit o sosyal.  Kaya ang mga katangian ng bawat varayti ng wika’y dala ng relasyong sosyal ng mga miyembro nito.
  • 79. Ang sosyolek  Sosyolek ang tawag sa varayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal. May pangkat na gusting mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan kaya sinisikap nilang gawin ito kahit sa paraan ng wika.  Ang pangkat na ito’y binubuo ng mga taong magkakatulad ang antas ng edukasyon, o di nagkakalayo ng income bracket., o dili kaya’y magkapareho ng trabaho.  Sosyolek ang tawag sa varayti ng wika na ginagamit ayon sa relasyong sosyal.  At upang matanggap ang indibidwal na kinikilusang grupong sosyal, kailangang magsalita ang sosyolek nito.  Binabagayan ng nagsasalita ng tamang sosyolek ang uri ng kanyang kausap.
  • 80. Ang sosyolek  halimbawa, ang mga elit ay may kaibahan ang pagsasalita sa isang ordinaryong tagapagsalita. Ganoon din ang mga nakapag- aral o propesyonal na iba rin ang sosyolek sa mga di-nakapagaral.  Mas maraming salitang Ingles o terminong akademiko ang ginagamit ng mga may mataas na pinag-aralan.  Ang mga bakla ay may sariling sosyolek na nagpapakita ng kanilang pagkakakilanlan at ekslusibong gamit ng wika na tanging kanila lamang.
  • 81. Ang sosyolek  Halimbawa: Tol, musta na ‘yung GF mo, oks na ba kayo? Hoy gir, lamyerda tayo maya, ‘la naman pasok tom. Wiz, ko feel ang mga hombre ditech, day!  Ang sosyolek ay maaari ring may okupasyunal na rehistro. Pansinin ang mga sumusunod na termino. Kung maririnig mo ang mga ito sa isang taong hindi mo kilala, ano ang agad mong iisiping trabaho niya?
  • 82. Ang sosyolek hearing court fiscal justice appeal complainant Ang mga salitang nakatala sa itaas ay mga legal jargon. Ang jargon ang tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng gawain.
  • 83. Ang sosyolek  Ang mga sumusunod naman ay mga jargon sa disiplinang Accountancy at iba pang kaugnay na disiplina: account debit credit gross income cash flow net income
  • 84. Ang sosyolek  Kung minsan, ang mga jargon ng isang larangan ay may kakaibang kahulugan sa karaniwan o sa ibang larangan.  Pansinin ang mga sumusunod na termilohiya ay may magkakaibang kahulugan o rehistro sa larangan nasa loob ng panaklong: mouse (computer, zoology) strike (sports, labor, law) race (sports, sociology) operation (medicine, military) accent (language, interior design) stress (language, psychology) hardware (business, computer) nursery (agriculture, education) note (music, banking) server (computer, restaurant management)