SlideShare a Scribd company logo
MAGANDANG-ARAW!
•Ang sanaysay ay isang uri ng akda
na nasa anyong tuluyan. Makikita sa
salitang “sanaysay” ang mga
salitang “sanay” at “salaysay.” Kung
pagdurugtungin ang dalawa,
puwedeng sabihin ang “sanaysay”
ay “salaysay” o masasabi ng isang
“sanay” o eksperto sa isang paksa.
•Karaniwang ang paksa ng mga
sanaysay ay tungkol sa mga
kaisipan at bagay-bagay na
maaaring kapulutan ng mga
impormasyon na makatutulong sa
pagbuo ng sariling pananaw.
Nagtataglay ang sanaysay ng tatlong
mahahalagang bahagi o balangkas:
1. PANIMULA – Sa bahaging ito madalas
inilalahad ang pangunahing kaisipan o
pananaw ng may-akda at kung bakit
mahalaga ang paksang tinatalakay.
2. GITNA o KATAWAN – Inilalahad sa bahaging
ito ang iba pang karagdagang kaisipan o
pananaw kaugnay ng tinalakay na paksa
upang patunayan, o suportahan ang inilahad
na pangunahing kaisipan.
3. WAKAS – Nakapaloob sa bahaging ito
ang kabuuan ng sanaysay, ang
pangkalahatang palagay o pasya
tungkol sa paksa batay sa mga
katibayan, at katuwirang inisa-isa sa
katawan ng akda.
•MGA ELEMENTO NG SANAYSAY
•Tema – Madalas na may iisang tema ang
sanaysay. Ang Tema ay ang sinasabi ng isang
akda tungkol sa isang paksa. Bawat bahagi
ng akda ay nagpapalinaw ng temang ito.
Halimbawa:
Dito sa Pilipinas ang asawang babae ang
siyang naghahawak ng susi. Ang lahat ng
kinikita ng asawa ay ibinibigay sa kanya upang
ingatan at gugulin sa wastong paraan.
• Anyo at Estruktura – Ang anyo at estruktura ng
sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat
nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga
mambabasa. Ang maayos na pagkakasunod-sunod
ng ideya o pangyayari ay makatutulong sa
mambabasa sa pag-unawa sa sanaysay.
• Halimbawa:
•Panimula
•Sadyang isang hamon ang buhay ngayon.
Kailangang harapin ito nang buong tatag.
•Katawan
Elemento ng Sanaysay at ang kahalagahan nito
Elemento ng Sanaysay at ang kahalagahan nito
Elemento ng Sanaysay at ang kahalagahan nito
Elemento ng Sanaysay at ang kahalagahan nito
• Alegorya Ng Yungib (buod)
• Ayon kay Plato, ang ating buhay ay tila nasa loob
ng isang kuweba na nakatanikala at nakaharap sa
dingding ng yungib. Tanging ang mga anino
lamang sa labas ng kuweba ang ating nakikita
dahil sa apoy na nagpapaliwanag sa ating likuran.
Ang larawang ito ang buod ng rasyunalismo ni
Plato at tinaguriang “Alegorya ng Yungib.”
• Ang Alegorya ng Yungib ay isang sanaysay na
ginawa ni Plato upang masaksihan nating mga tao
ang hirap o suliranin na ginawa ng tao sa mundo
patungo sa liwanag.
• Ano ang punto ni Plato?
• Ang punto ng may akda sa alegorya ng yungib ay nagpapahiwatig
ng pagpapakita ng isang anyo na dapat nating mabatid o hindi
mabatid tungol sa ating kalikasan. Pinapahiwatig niya rin na may mga
taong naninirahan sa yungib na may lagusan patungo sa liwanag na
sila’y gumagawa ng paraan upang makalabas. Ang punto niya ay
nagnanais na masaksihan ng tao ang kaganapang nangyayari dito sa
mundo dahil inaabuso nating mga tao ang mundo at ginagawa
nating isang magulo ang ating pag iisip na sa araw araw ay
nakakaranas tayo ng mga suliranin at problema sa buhay.
• Ayon kay Plato
• Ang tunay na pag-iral ay nasa ‘Mundo ng mga Ideya.’ Ang mga
konsepto ng bagay ay naroroon na sa isipan na natin mula
kapanganakan. Kakailanganin lamang nating gamitin ang ating
pangangatwiran upang sila’y matuklasan.Taliwas naman ang turo ni
Aristotle, na kanyang naging estudyante.
• Ayon kay Aristotle
• Ang katotohanan ay nagmumula sa mga bagay na nakikita
ng ating mga mata, naririnig ng ating tenga, nararamdaman,
naaamoy at nalalasahan. Ang mga ideya ay wala pa sa
ating isip noong tayo’y ipinanganak, taliwas sa turo ng guro
niyang si Plato. Para kay Aristotle, ang isip ng tao ay
maihahalintulad sa isang blankong tableta. Tinawag niya
itong ‘Tabula Rasa’ . Dito isinusulat ang bawat karanasan sa
pamamagitan ng ating senses. Ang kaisipang ito ay tinawag
na empirisismo.
• Sa paglipas ng panahon, mas pinanigan ng mga pilosopo at
mga siyentipiko ang empirisismo. Bagama’t mali si Plato, may
binuksan siyang pinto sa pagtahak sa mundo ng
rasyunalismo; ang pagtingin lampas sa realidad na ating
nakikita.
• Ayon kay Aristotle
• kundi may katotohanang mas makapag-papalaya na
hindi makikita sa hugis. Hindi ba’t ang batong ating
nakikita ay binubuo ng mga ‘atomos’ na iminungkahi ng
dakilang si Democritus? Misteryo pa rin ang
pinagmumulan ng grabiti at ang particle na mas maliit sa
quark ay di pa rin natutuklasan. Kung titigil tayo sa mga
bagay na ating nakikita lamang, wala nang pag-unlad
sa ating agham.
• Ang hugis ng mga bagay na ating nakikita ay hugis ng
kanilang gamit at ito’y buod ng relatibiti ng ebolusyon ng
pakikisalamuha sa iba pang materyal. Ang konsepto ni
Plato ay mga lohika na may kaugnayan sa pagtuklas sa
mas malawak at makapagpapalayang realidad.
1. Alegorya- ito ay isang kwento kung saan ang mga tauhan,
tagpuan, at kilos ay nagpapakahulugan sa mas literal.
2. Yungib- ito ay isang butas na nabuo mula sa mga element ng
lupa , ito ay kilala bilang kweba . Ibat iba ang anyo ng yungib at
butas nito, may malalaki at maliliit. May bunganga, gitna at
lagusan ang kweba.
• Ang aral sa sanaysay na isinulat ni Plato na may pamagat na
ang Alegoryang yungib ay ang bawat tao ay daraan sa mga
pagsubok sa buhay katulad sa isang madilim na yungib, at
habang ika’y nabubuhay at patuloy sa paglalakad matatamo
moa ng liwanag o lagusan sa isang yungib na maiihalintulad sa
tagumpay ng isang tao.
• Ang mga pagsubok na ito ay nagiging susi upang lalong
tumibay ang iyong kalooban at magsumikap upang maabot
ang mga pangarap sa buhay.
• Ang salitang alegorya ay nangangahulugan ng isang
kwento, tula, o kaya naman ay larawan na posibleng
mabigyan ng iba pang kahuluhan base sa mas nauunang
nakikitang kahulugan. Ito ay maaaring bigyan ng iba’t-iba
pang kahulugan base sa kung paano ito ipinakita sa isang
kwento o kung sa paano ito naganap sa isang pangyayari.
• Ang mga sumusunod ay simbolo ng Alegorya ng Yungib:
• Pader: Ito ay sumisimbolo sa pagiging limitado o kawalan ng
kalayaan na gawin ang mga nais na gawin ng isang tao.
• Yungib: Ito ay sumisimbolo sa kahinaan ng loob at maging
ng pag-iisip. Ibig sabihin, ito ay kumakatawan sa posibleng
maging estado ng isang tao na nasa loob ng isang yungib.
• Bilanggo: Ito ay sumisimbolo mismo sa mga tao o sa
mga mamamayan na naroroon sa lugar na iyon.
• Araw at Apoy: Ito ay sumisimbolo sa pang-araw-
araw na pag-asang dala ng bawat umaga. Ito rin
ay kumakatawan sa panandaliang pagnanais na
maging Malaya.
• Bulaklak: Ito ay sumisimbolo sa mga panandaliang
saya na nararanasan ng mga mamamayan sa loob
ng yungib.
• Labas ng Yungib: Ito ay sumisimbolo sa kalayaan.
Maaaring pisikal, mental, o maski ano pa mang
estado ng pagiging malaya.
Elemento ng Sanaysay at ang kahalagahan nito
Larawan ng Buhay
• Panuto: Mula sa natutuhang kaalaman hinggil sa sanaysay, sumulat
ng maikling salaysay tungkol sa larawan ng yungib sa ibaba at
iugnay ito sa mga isyung panlipunan. Isulat sa sagutang papel ang
sagot.
•Pahayag sa Pagbibigay ng Pananaw ay
magagamit sa mabisang pagbibigay ng kuro-
kuro, opinyon, saloobin o perspektibo sa
pagsulat ng sanaysay? Maaari itong
ekspresiyong ginagamit sa pagpapahayag ng
pananaw at nagpapahiwatig ng pagbabago
o pag-iiba ng paksa at/o pananaw. Ito rin ang
tutukoy kung ang pahayag sa isang teksto ay
nagsasaad ng Opinyon o Katotohanan
Mga Ekspresiyong Nagpapahayag ng Pananaw –
Inihuhudyat ng mga ekspresiyong ito ang iniisip, sinasaad,
sinasabi o paniniwalaan ng isang tao.
1. Ayon, Batay, Alinsunod, Sang-ayon sa – ginagamit
natin ang mga ekspresiyong ito kung mayroong matibay
na batayan ng pahayag. Samakatuwid, katotohan ang
isinasaad nito na maaaring magsaad ng idea o
pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat ng tao.
a. Sang-ayon sa Memorandum Order No. 20: Series of 2013
ng Commision On Higher Education na pinagtitibay ang
pagkawala ng Filipino bilang isa sa mga asignatura sa ilalim
ng General Education Curriculum o GEC sa taong 2016.
b. Batay sa Konstitusyon 1987: Artikulo XIV, Seksyon 6,
ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
c. Alinsunod sa itinakda ng batas at sang-ayon sa
nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat
magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang
ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino
bilang midyum ng opisyal na komunikasyon bilang wika
ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.”
d. Ayon sa tauhang si Simoun sa El Filibusterismo,
“Habang may sariling wika ang isang bayan, taglay niya
ang kalayaan.”
• 2. Sa paniniwala, akala, pananaw, paningin, tingin, palagay,
inaakala, iniisip ni/ng – ginagamit ang mga ekspresyong ito
batay sa sariling paniniwala, idea, saloobin at perspektibo.
Samakatuwid, opinyon ang isinasaad nito na hindi maaaring
mapatunayan.
• Mga Halimbawa:
• a. Sa paniniwala ko ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay
na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang
lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya.
• b. Sa aking pananaw ang edukasyon ay kailangan ng ating
kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay
sa kanilang kinabukasan.
• c. Sa tingin ng maraming guro, ang pagkatuto ng mga
mag-aaral ay hindi lamang nakasalalay sa kanila kundi
maging sa mga magulang sa pagbibigay ng patnubay at
suporta sa kanilang mga anak.
• d. Pinaniniwalaan kong higit na dapat pagtuonan ng
pamahalaan ang isyu tungkol sa lumalalang kalagayan
ng ating kalikasan.
• e. Inaakala ng iba na hindi mahigpit sa pagpapataw ng
kaparusahan ang DENR kaya patuloy silang lumalabag
sa batas pangkalikasan.
Mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng
paksa at/o pananaw – Kabilang dito ang sumusunod na halimbawa.
Gayonman, mapapansing ‘di tulad ng naunang mga halimbawa na
tumitiyak kung sino ang pinagmumulan ng pananaw,
nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang pananaw ang
sumusunod na halimbawa:
1. Sa isang banda, Sa kabilang dako – ginagamit natin mga
ekspresyong ito kung magbabago ang tema at paksa ng pinag-
uusapan sa isang pahayag.
Mga Halimbawa:
a. Sa isang banda, mabuti na ngang nalalaman ng mamamayan ang
mga anomalya sa kanilang pamahalaang lokal nang sa gayo’y
masuri nila kung sino ang karapat-dapat na ihalal para mamuno sa
kanilang lungsod.
• b. Sa kabilang dako, sa dami ng naglalabasang isyung pampolitika
hindi tuloy malaman ng sambayanan kung ano ang kahihinatnan ng
bansa sa kamay ng mga politikong pinagkatiwalaang mamuno dito.
• 2. Samantala, Habang – ginagamit ang samantala sa mga
kalagayang mayroong taning o "pansamantala." Ginagamit naman
ang habang kung ang isang kalagayan ay walang tiyak na
hangganan, o "mahaba."
• a. Samantala, mamamayan mismo ang makapagpapasya kung paano
nila nais makita ang kanilang bansa sa susunod na mga taon.
Matalinong pagpapasya ang kailangan kung sino ang karapat-dapat
pagkatiwalaan ng kanilang boto.
• b. Maraming mga tao ang lugmok sa kahirapan habang ang iba ay
nagpapakasasa sa kaban ng bayan.
•Sumulat ng sanaysay
ng inyong buhay.
PAGSUSULIT
A. Panuto: Basahin at unawain mong mabuti ang sumusunod na
pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang Tama kung ang pahayag
ay tama, Mali kung hindi.
_______1. Ang sanaysay ay nahahati sa iba’t ibang mga kabanata.
_______2. Ang tema ay ang sinasabi ng isang akda tungkol sa isang
paksa.
_______3. Ang larawan ng buhay ay tumutukoy sa pagpapahiwatig ng
kulay o kalikasan ng damdamin.
_______4. Ang anyo at estruktura ng sanaysay ay isang mahalagang
sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga
mambabasa.
_______5. Hindi kinakailangan ng kasanayan sa pagsusulat ng
sanaysay.
•_____ 6. “Nakakadena ang mga binti at
leeg kaya’t di sila makagalaw.” Paano
binigyan-kahulugan ang salitang
kadena sa loob ng pangungusap?
A. nagtataglay ng talinghaga
B. maraming taglay na kahulugan
C. taglay ang literal na kahulugan
D. wala sa nabanggit
_____ 7. Alin sa sumusunod ang TOTOO
hinggil sa Alegorya?
A. nagsasalaysay ng mga pangyayari sa
tauhan
B. may mga talinghaga o nakatagong
mensahe
C. nagpapahayag ng damdamin
D. nagpapahayag ng kabayanihan
_____ 8. “Mas mabuting maging mahirap
na alipin ng dukhang panginoon”. Ang
salitang may salungguhit ay
nangangahulugang ______.
A. amo
B. bathala
C. Diyos
D. siga
_____ 9. Sa Alegorya ng Yungib ni
Plato, ano ang tinutukoy niyang
liwanag?
A. elemento ng kalikasan
B. edukasyon at katotohanan
C. kabutihan ng puso
D.kamangmangan at kahangalan
_____ 10. Ang sanaysay na Alegorya ng
Yungib ay ukol sa dalawang taong nag-
uusap. Ang marunong na si __________ at si
____________.
A. Socrates at Plato
B. Plato at Glaucon
C. Socrates at Glaucon
D. Glaucon at Pluto
11. Naipahahayag ng isang magaling na
may-akda ang kaniyang damdamin nang
may kaangkupan at kawastuhan sa
paraang may kalawakan at kaganapan.
a. damdamin
b. himig
c. tema
12. Nagpapahiwatig ng kulay o
kalikasan ng damdamin. Maaaring
masaya, malungkot, mapanudyo at
iba pa.
a. damdamin
b. himig
c. tema
13. Ito ay isang mahalagang
sangkap sapagkat nakaaapekto
ito sa pagkaunawa ng mga
mambabasa.
a. damdamin
b. himig
c. anyo at estruktura
14. Ideyang nabanggit na kaugnay
o nagpapalinaw sa tema.
a. kaisipan
b. himig
c. anyo at estruktura
15. Nailalarawan ang buhay sa isang
makatotohanang salaysay, masining
na paglalahad na gumagamit ng
sariling himig ang may-akda.
a. kaisipan
b. Larawan ng buhay
c. anyo at estruktura
Sang-ayon sa , Ayon sa , Sa paniniwala ko
,Alinsunod sa , Inaakala ng, Sa tingin ko
16. ________tauhang si Psyche sa Mitolohiya,
“Kapag mahal mo ang isang nilalang,
ipaglalaban mo ito.”
17. ________Ordinansa, upang maiwasan ang
pakalat-kalat na mga alagang hayop,
nagpanukala ang bayan na “aso mo, itali
mo.”
Sang-ayon sa , Ayon sa , Sa paniniwala ko
,Alinsunod sa , Inaakala ng, Sa tingin ko
18. ________, kahit maraming
problema sa pamilya, hindi ito ang
hadlang upang makamit niya ang
tagumpay sa buhay.
•Sang-ayon sa , Ayon sa , Sa paniniwala
ko ,Alinsunod sa , Inaakala ng, Sa tingin ko
19. ________maraming mag-aaral, ang tanging
makapagpapaunlad sa kanilang pamumuhay ay
ang makapagtapos ng pag-aaral.
20. _________, kailangan ang pagkakaisa ng
mamamayan upang mapalago at mapaunlad
ang pamumuhay ng indibidwal sa isang lipunang
kinagagalawan o kinabibilangan.

More Related Content

PPT
The allegory of the cave 1
Jeane Cristine Villanueva
 
PPT
Aralin 1.3 ALEGORYA.ppt
MaChristineBurnasalT
 
PPTX
SANAYSAY-Alegorya ng yungib.(isang sanaysay)
maryloumacadangdang1
 
DOCX
Alegorya ng yungib pagsusuri
Alexia San Jose
 
PPTX
Ang Alegorya ng Yungib Aralin 1.2 Sanaysay
purplepopperoo
 
PPTX
ALEGORYA ng yungib ay isinulat ng tanyag na manunulat na si palto
sandramanese
 
PPTX
sanaysay-alegoryangyungib-grade10-230305081940-6d58cfc6.pptx
EvalindaCalluengCana
 
PPTX
Green and White Watercolor Style Art and Nature Presentation_20240910_084952_...
IreneZuluetaMeneses
 
The allegory of the cave 1
Jeane Cristine Villanueva
 
Aralin 1.3 ALEGORYA.ppt
MaChristineBurnasalT
 
SANAYSAY-Alegorya ng yungib.(isang sanaysay)
maryloumacadangdang1
 
Alegorya ng yungib pagsusuri
Alexia San Jose
 
Ang Alegorya ng Yungib Aralin 1.2 Sanaysay
purplepopperoo
 
ALEGORYA ng yungib ay isinulat ng tanyag na manunulat na si palto
sandramanese
 
sanaysay-alegoryangyungib-grade10-230305081940-6d58cfc6.pptx
EvalindaCalluengCana
 
Green and White Watercolor Style Art and Nature Presentation_20240910_084952_...
IreneZuluetaMeneses
 

Similar to Elemento ng Sanaysay at ang kahalagahan nito (20)

DOCX
Alegorya_ng_Yungib.docx
RosselTabinga
 
DOCX
Alegorya ng yungib
Alexia San Jose
 
PPTX
Sanaysay-Alegorya ng Yungib-Grade 10.pptx
RosemarieLustado
 
PPTX
Alegorya ng Yungib.pptx
RheaSaguid1
 
PPTX
sanaysay ppt.pptx alegorya ng yungib grade 10
DanteCaindoc1
 
PPTX
Aralin 1.2.pptx
KlarisReyes1
 
PPTX
Pagsusuri sa Alegorya ng Yungib ni John Paul Chico.pptx
JohnPaulChico1
 
PPTX
ALEGORYA-FIL-10.pptx
JohnCarloVillanueva12
 
PDF
Aralin sa Ikasampung Baitang ng Asignaturang Filipino
Glenda Pon-an
 
PPTX
Ang Alegorya ng yungib isinulat ni Plato mula sa Gresya
yuanjohn87
 
DOCX
DAILY LESSON PLAN WEEK 4 ALEGORYA NG YUNGIB SANAYSAY.docx
DoreenBelPiodos1
 
PPTX
Alegorya ng Yungib.pptx
JesselFernandez2
 
PPTX
FILIPINO BAITANG WALO QUARTER 1 WEEK1.pptx
ELLAMAYDECENA2
 
PPTX
Alegorya ng Yungib power point for grade 10 learners
dextersoller1
 
PPTX
Alegorya ng Yungib - Filipino 10.pptx
AnnieDuag
 
DOCX
Las q2 filipino 8_w6
EDNACONEJOS
 
PPTX
ALEGORYA NG YUNGIB ARALIN SA BAITANG SAMPU
renzelgernaldo2
 
DOCX
filipino-10q1-learning-material-20.docx
JenyRicaAganio2
 
PPTX
Ang Yungib ng alegorya
Maria Nicca batle
 
PDF
Yunit-II_Mga-Matatalinhagang-Pahayag.pdf
QuinnEkaii
 
Alegorya_ng_Yungib.docx
RosselTabinga
 
Alegorya ng yungib
Alexia San Jose
 
Sanaysay-Alegorya ng Yungib-Grade 10.pptx
RosemarieLustado
 
Alegorya ng Yungib.pptx
RheaSaguid1
 
sanaysay ppt.pptx alegorya ng yungib grade 10
DanteCaindoc1
 
Aralin 1.2.pptx
KlarisReyes1
 
Pagsusuri sa Alegorya ng Yungib ni John Paul Chico.pptx
JohnPaulChico1
 
ALEGORYA-FIL-10.pptx
JohnCarloVillanueva12
 
Aralin sa Ikasampung Baitang ng Asignaturang Filipino
Glenda Pon-an
 
Ang Alegorya ng yungib isinulat ni Plato mula sa Gresya
yuanjohn87
 
DAILY LESSON PLAN WEEK 4 ALEGORYA NG YUNGIB SANAYSAY.docx
DoreenBelPiodos1
 
Alegorya ng Yungib.pptx
JesselFernandez2
 
FILIPINO BAITANG WALO QUARTER 1 WEEK1.pptx
ELLAMAYDECENA2
 
Alegorya ng Yungib power point for grade 10 learners
dextersoller1
 
Alegorya ng Yungib - Filipino 10.pptx
AnnieDuag
 
Las q2 filipino 8_w6
EDNACONEJOS
 
ALEGORYA NG YUNGIB ARALIN SA BAITANG SAMPU
renzelgernaldo2
 
filipino-10q1-learning-material-20.docx
JenyRicaAganio2
 
Ang Yungib ng alegorya
Maria Nicca batle
 
Yunit-II_Mga-Matatalinhagang-Pahayag.pdf
QuinnEkaii
 
Ad

More from JannetteVictorio2 (17)

PPTX
Parabula mula sa Syria at ang kahalagahan nito sa lipunan
JannetteVictorio2
 
PPTX
Ang idyoma kahalagahan at mga halimbawa nito
JannetteVictorio2
 
PPTX
Pagpapasidhi ng Damdamin at mga halimbawa
JannetteVictorio2
 
PPTX
Ang Pinagmulang ng Tatlumpu't Dalawang Kuwento ng Trono.pptx
JannetteVictorio2
 
PPTX
awit at elehiya at iba pang tulang pandamdamin.pptx
JannetteVictorio2
 
PPTX
Dula (gaya ng katutubong sayaw at ritwal ng Babaylan).pptx
JannetteVictorio2
 
PPTX
Mga Tuluyan Sa Panahon ng Katutubo • Kuwentong Bayan (gaya ng pabula at kuwen...
JannetteVictorio2
 
PPTX
SANHI AT BUNGA (mga halimbawa nito at katuturan
JannetteVictorio2
 
PPTX
Tekstong Ekspositori (Pagkakasunod-sunod).pptx
JannetteVictorio2
 
PPTX
TEKSTONG IMPORMASYONAL (Tekstong Ekspositori).pptx
JannetteVictorio2
 
PPTX
Mga Epikong Bayan ((gaya ni Alim, Bantugan, Biag ni Lam-ang, Ibalon, Kudaman,...
JannetteVictorio2
 
PPTX
Karunungang Bayan (Bugtong, Tanaga, Sawikain, Salawikain, at Kasabihan).pptx
JannetteVictorio2
 
PPTX
Panitikan sa Panahon ng Katutubo (Anyong Patula) - Kaligirang Pangkasaysayan....
JannetteVictorio2
 
PPTX
BUNGA AT SANHI GRADE 7 .Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga pangyayari (...
JannetteVictorio2
 
PPT
Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay
JannetteVictorio2
 
PPT
Ang kuwentong-Bayan ng mga Maranao "Munting Ibon"
JannetteVictorio2
 
PPTX
mga URI NG PANG-ABAY at mga halimbawa nito
JannetteVictorio2
 
Parabula mula sa Syria at ang kahalagahan nito sa lipunan
JannetteVictorio2
 
Ang idyoma kahalagahan at mga halimbawa nito
JannetteVictorio2
 
Pagpapasidhi ng Damdamin at mga halimbawa
JannetteVictorio2
 
Ang Pinagmulang ng Tatlumpu't Dalawang Kuwento ng Trono.pptx
JannetteVictorio2
 
awit at elehiya at iba pang tulang pandamdamin.pptx
JannetteVictorio2
 
Dula (gaya ng katutubong sayaw at ritwal ng Babaylan).pptx
JannetteVictorio2
 
Mga Tuluyan Sa Panahon ng Katutubo • Kuwentong Bayan (gaya ng pabula at kuwen...
JannetteVictorio2
 
SANHI AT BUNGA (mga halimbawa nito at katuturan
JannetteVictorio2
 
Tekstong Ekspositori (Pagkakasunod-sunod).pptx
JannetteVictorio2
 
TEKSTONG IMPORMASYONAL (Tekstong Ekspositori).pptx
JannetteVictorio2
 
Mga Epikong Bayan ((gaya ni Alim, Bantugan, Biag ni Lam-ang, Ibalon, Kudaman,...
JannetteVictorio2
 
Karunungang Bayan (Bugtong, Tanaga, Sawikain, Salawikain, at Kasabihan).pptx
JannetteVictorio2
 
Panitikan sa Panahon ng Katutubo (Anyong Patula) - Kaligirang Pangkasaysayan....
JannetteVictorio2
 
BUNGA AT SANHI GRADE 7 .Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga pangyayari (...
JannetteVictorio2
 
Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay
JannetteVictorio2
 
Ang kuwentong-Bayan ng mga Maranao "Munting Ibon"
JannetteVictorio2
 
mga URI NG PANG-ABAY at mga halimbawa nito
JannetteVictorio2
 
Ad

Recently uploaded (20)

PPTX
Mekaniks sa pagsulat.pptxnjjnnhbhbbnjnjn
marryrosegardose
 
PPTX
FILIPINO grade 7 lesson -WEEK 3 to 4.pptx
scopeupwardroman
 
PPTX
Pag-uugnay ng mahahalagang kaisipan sa tula batay sa sariling pananaw, moral,...
laramaedeguzman1
 
PPTX
FIL-7-Q1-A-Natutukoy-ang-paksa-layon-at-ideya-sa-teksto_v3.pptx
RheaCamongol2
 
PPTX
Grade Six Quarter 1 Week 6 PPT FILIPINO.pptx
CRYSTALANNEPEREZ
 
PDF
Edukasyon Sa Pagpapakatao 10 LESSON 3 KALAYAAN.pdf
KlarisReyes1
 
PPTX
Tekstong Biswal Filipino 8 powerpointcdnjncj
marryrosegardose
 
PPTX
Sestimang panlipunan ng sinaunang greece .pptx
dazianray
 
PPTX
Mga Tungkulin ng Bawat Bata. POWERPOINTp
JohnFabul
 
PPTX
FILIPINO PPT WEEK 7 Q1 ANG MGA YUGTO NG KASAYSAYAN
JoymeTonacao
 
DOCX
KAHULUGAN NG FLYERS LAYUNIN NG FLYERS HALIMBAWA NG FLYERS KATANGIAN NG FLYERS...
maeayhana
 
PPTX
ARALIN 3- SANAYSAY, URI, AT MGA ELEMENTO NITO.pptx
ndumdum
 
PPTX
Filipino Powerpoint presentation for Grade 6
katrinacalado
 
PPTX
ARALIN 3- PANITIKAN- ANG NINGNING AT ANG LIWANAG.pptx
ndumdum
 
PPTX
quarter 1 week 8, araling panlipunan mattg curriculum
miajeabautista2
 
PPTX
Last Topic Pangwakas na Awtput for Filipino 9.pptx
justinemcampana426
 
PPTX
4. GMRC- GAMAPANINforgrade 3 SA PAARALAN.pptx
JosephTaguinod1
 
PPTX
414586383-Dekretong-Edukasyon-Ng-1863.pptx
jaysonoliva1
 
PDF
EsP10-Q1-M6-Ang Tunay na Kahulugan ng Kalayaan-v4.pdf
DianaValiente5
 
PPTX
WEEK 4 matatag curriculum araling panlipunan
miajeabautista2
 
Mekaniks sa pagsulat.pptxnjjnnhbhbbnjnjn
marryrosegardose
 
FILIPINO grade 7 lesson -WEEK 3 to 4.pptx
scopeupwardroman
 
Pag-uugnay ng mahahalagang kaisipan sa tula batay sa sariling pananaw, moral,...
laramaedeguzman1
 
FIL-7-Q1-A-Natutukoy-ang-paksa-layon-at-ideya-sa-teksto_v3.pptx
RheaCamongol2
 
Grade Six Quarter 1 Week 6 PPT FILIPINO.pptx
CRYSTALANNEPEREZ
 
Edukasyon Sa Pagpapakatao 10 LESSON 3 KALAYAAN.pdf
KlarisReyes1
 
Tekstong Biswal Filipino 8 powerpointcdnjncj
marryrosegardose
 
Sestimang panlipunan ng sinaunang greece .pptx
dazianray
 
Mga Tungkulin ng Bawat Bata. POWERPOINTp
JohnFabul
 
FILIPINO PPT WEEK 7 Q1 ANG MGA YUGTO NG KASAYSAYAN
JoymeTonacao
 
KAHULUGAN NG FLYERS LAYUNIN NG FLYERS HALIMBAWA NG FLYERS KATANGIAN NG FLYERS...
maeayhana
 
ARALIN 3- SANAYSAY, URI, AT MGA ELEMENTO NITO.pptx
ndumdum
 
Filipino Powerpoint presentation for Grade 6
katrinacalado
 
ARALIN 3- PANITIKAN- ANG NINGNING AT ANG LIWANAG.pptx
ndumdum
 
quarter 1 week 8, araling panlipunan mattg curriculum
miajeabautista2
 
Last Topic Pangwakas na Awtput for Filipino 9.pptx
justinemcampana426
 
4. GMRC- GAMAPANINforgrade 3 SA PAARALAN.pptx
JosephTaguinod1
 
414586383-Dekretong-Edukasyon-Ng-1863.pptx
jaysonoliva1
 
EsP10-Q1-M6-Ang Tunay na Kahulugan ng Kalayaan-v4.pdf
DianaValiente5
 
WEEK 4 matatag curriculum araling panlipunan
miajeabautista2
 

Elemento ng Sanaysay at ang kahalagahan nito

  • 2. •Ang sanaysay ay isang uri ng akda na nasa anyong tuluyan. Makikita sa salitang “sanaysay” ang mga salitang “sanay” at “salaysay.” Kung pagdurugtungin ang dalawa, puwedeng sabihin ang “sanaysay” ay “salaysay” o masasabi ng isang “sanay” o eksperto sa isang paksa.
  • 3. •Karaniwang ang paksa ng mga sanaysay ay tungkol sa mga kaisipan at bagay-bagay na maaaring kapulutan ng mga impormasyon na makatutulong sa pagbuo ng sariling pananaw.
  • 4. Nagtataglay ang sanaysay ng tatlong mahahalagang bahagi o balangkas: 1. PANIMULA – Sa bahaging ito madalas inilalahad ang pangunahing kaisipan o pananaw ng may-akda at kung bakit mahalaga ang paksang tinatalakay. 2. GITNA o KATAWAN – Inilalahad sa bahaging ito ang iba pang karagdagang kaisipan o pananaw kaugnay ng tinalakay na paksa upang patunayan, o suportahan ang inilahad na pangunahing kaisipan.
  • 5. 3. WAKAS – Nakapaloob sa bahaging ito ang kabuuan ng sanaysay, ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan, at katuwirang inisa-isa sa katawan ng akda.
  • 6. •MGA ELEMENTO NG SANAYSAY •Tema – Madalas na may iisang tema ang sanaysay. Ang Tema ay ang sinasabi ng isang akda tungkol sa isang paksa. Bawat bahagi ng akda ay nagpapalinaw ng temang ito. Halimbawa: Dito sa Pilipinas ang asawang babae ang siyang naghahawak ng susi. Ang lahat ng kinikita ng asawa ay ibinibigay sa kanya upang ingatan at gugulin sa wastong paraan.
  • 7. • Anyo at Estruktura – Ang anyo at estruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa. Ang maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulong sa mambabasa sa pag-unawa sa sanaysay. • Halimbawa: •Panimula •Sadyang isang hamon ang buhay ngayon. Kailangang harapin ito nang buong tatag. •Katawan
  • 12. • Alegorya Ng Yungib (buod) • Ayon kay Plato, ang ating buhay ay tila nasa loob ng isang kuweba na nakatanikala at nakaharap sa dingding ng yungib. Tanging ang mga anino lamang sa labas ng kuweba ang ating nakikita dahil sa apoy na nagpapaliwanag sa ating likuran. Ang larawang ito ang buod ng rasyunalismo ni Plato at tinaguriang “Alegorya ng Yungib.” • Ang Alegorya ng Yungib ay isang sanaysay na ginawa ni Plato upang masaksihan nating mga tao ang hirap o suliranin na ginawa ng tao sa mundo patungo sa liwanag.
  • 13. • Ano ang punto ni Plato? • Ang punto ng may akda sa alegorya ng yungib ay nagpapahiwatig ng pagpapakita ng isang anyo na dapat nating mabatid o hindi mabatid tungol sa ating kalikasan. Pinapahiwatig niya rin na may mga taong naninirahan sa yungib na may lagusan patungo sa liwanag na sila’y gumagawa ng paraan upang makalabas. Ang punto niya ay nagnanais na masaksihan ng tao ang kaganapang nangyayari dito sa mundo dahil inaabuso nating mga tao ang mundo at ginagawa nating isang magulo ang ating pag iisip na sa araw araw ay nakakaranas tayo ng mga suliranin at problema sa buhay. • Ayon kay Plato • Ang tunay na pag-iral ay nasa ‘Mundo ng mga Ideya.’ Ang mga konsepto ng bagay ay naroroon na sa isipan na natin mula kapanganakan. Kakailanganin lamang nating gamitin ang ating pangangatwiran upang sila’y matuklasan.Taliwas naman ang turo ni Aristotle, na kanyang naging estudyante.
  • 14. • Ayon kay Aristotle • Ang katotohanan ay nagmumula sa mga bagay na nakikita ng ating mga mata, naririnig ng ating tenga, nararamdaman, naaamoy at nalalasahan. Ang mga ideya ay wala pa sa ating isip noong tayo’y ipinanganak, taliwas sa turo ng guro niyang si Plato. Para kay Aristotle, ang isip ng tao ay maihahalintulad sa isang blankong tableta. Tinawag niya itong ‘Tabula Rasa’ . Dito isinusulat ang bawat karanasan sa pamamagitan ng ating senses. Ang kaisipang ito ay tinawag na empirisismo. • Sa paglipas ng panahon, mas pinanigan ng mga pilosopo at mga siyentipiko ang empirisismo. Bagama’t mali si Plato, may binuksan siyang pinto sa pagtahak sa mundo ng rasyunalismo; ang pagtingin lampas sa realidad na ating nakikita.
  • 15. • Ayon kay Aristotle • kundi may katotohanang mas makapag-papalaya na hindi makikita sa hugis. Hindi ba’t ang batong ating nakikita ay binubuo ng mga ‘atomos’ na iminungkahi ng dakilang si Democritus? Misteryo pa rin ang pinagmumulan ng grabiti at ang particle na mas maliit sa quark ay di pa rin natutuklasan. Kung titigil tayo sa mga bagay na ating nakikita lamang, wala nang pag-unlad sa ating agham. • Ang hugis ng mga bagay na ating nakikita ay hugis ng kanilang gamit at ito’y buod ng relatibiti ng ebolusyon ng pakikisalamuha sa iba pang materyal. Ang konsepto ni Plato ay mga lohika na may kaugnayan sa pagtuklas sa mas malawak at makapagpapalayang realidad.
  • 16. 1. Alegorya- ito ay isang kwento kung saan ang mga tauhan, tagpuan, at kilos ay nagpapakahulugan sa mas literal. 2. Yungib- ito ay isang butas na nabuo mula sa mga element ng lupa , ito ay kilala bilang kweba . Ibat iba ang anyo ng yungib at butas nito, may malalaki at maliliit. May bunganga, gitna at lagusan ang kweba. • Ang aral sa sanaysay na isinulat ni Plato na may pamagat na ang Alegoryang yungib ay ang bawat tao ay daraan sa mga pagsubok sa buhay katulad sa isang madilim na yungib, at habang ika’y nabubuhay at patuloy sa paglalakad matatamo moa ng liwanag o lagusan sa isang yungib na maiihalintulad sa tagumpay ng isang tao. • Ang mga pagsubok na ito ay nagiging susi upang lalong tumibay ang iyong kalooban at magsumikap upang maabot ang mga pangarap sa buhay.
  • 17. • Ang salitang alegorya ay nangangahulugan ng isang kwento, tula, o kaya naman ay larawan na posibleng mabigyan ng iba pang kahuluhan base sa mas nauunang nakikitang kahulugan. Ito ay maaaring bigyan ng iba’t-iba pang kahulugan base sa kung paano ito ipinakita sa isang kwento o kung sa paano ito naganap sa isang pangyayari. • Ang mga sumusunod ay simbolo ng Alegorya ng Yungib: • Pader: Ito ay sumisimbolo sa pagiging limitado o kawalan ng kalayaan na gawin ang mga nais na gawin ng isang tao. • Yungib: Ito ay sumisimbolo sa kahinaan ng loob at maging ng pag-iisip. Ibig sabihin, ito ay kumakatawan sa posibleng maging estado ng isang tao na nasa loob ng isang yungib.
  • 18. • Bilanggo: Ito ay sumisimbolo mismo sa mga tao o sa mga mamamayan na naroroon sa lugar na iyon. • Araw at Apoy: Ito ay sumisimbolo sa pang-araw- araw na pag-asang dala ng bawat umaga. Ito rin ay kumakatawan sa panandaliang pagnanais na maging Malaya. • Bulaklak: Ito ay sumisimbolo sa mga panandaliang saya na nararanasan ng mga mamamayan sa loob ng yungib. • Labas ng Yungib: Ito ay sumisimbolo sa kalayaan. Maaaring pisikal, mental, o maski ano pa mang estado ng pagiging malaya.
  • 20. Larawan ng Buhay • Panuto: Mula sa natutuhang kaalaman hinggil sa sanaysay, sumulat ng maikling salaysay tungkol sa larawan ng yungib sa ibaba at iugnay ito sa mga isyung panlipunan. Isulat sa sagutang papel ang sagot.
  • 21. •Pahayag sa Pagbibigay ng Pananaw ay magagamit sa mabisang pagbibigay ng kuro- kuro, opinyon, saloobin o perspektibo sa pagsulat ng sanaysay? Maaari itong ekspresiyong ginagamit sa pagpapahayag ng pananaw at nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o pananaw. Ito rin ang tutukoy kung ang pahayag sa isang teksto ay nagsasaad ng Opinyon o Katotohanan
  • 22. Mga Ekspresiyong Nagpapahayag ng Pananaw – Inihuhudyat ng mga ekspresiyong ito ang iniisip, sinasaad, sinasabi o paniniwalaan ng isang tao. 1. Ayon, Batay, Alinsunod, Sang-ayon sa – ginagamit natin ang mga ekspresiyong ito kung mayroong matibay na batayan ng pahayag. Samakatuwid, katotohan ang isinasaad nito na maaaring magsaad ng idea o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat ng tao. a. Sang-ayon sa Memorandum Order No. 20: Series of 2013 ng Commision On Higher Education na pinagtitibay ang pagkawala ng Filipino bilang isa sa mga asignatura sa ilalim ng General Education Curriculum o GEC sa taong 2016.
  • 23. b. Batay sa Konstitusyon 1987: Artikulo XIV, Seksyon 6, ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. c. Alinsunod sa itinakda ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.” d. Ayon sa tauhang si Simoun sa El Filibusterismo, “Habang may sariling wika ang isang bayan, taglay niya ang kalayaan.”
  • 24. • 2. Sa paniniwala, akala, pananaw, paningin, tingin, palagay, inaakala, iniisip ni/ng – ginagamit ang mga ekspresyong ito batay sa sariling paniniwala, idea, saloobin at perspektibo. Samakatuwid, opinyon ang isinasaad nito na hindi maaaring mapatunayan. • Mga Halimbawa: • a. Sa paniniwala ko ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. • b. Sa aking pananaw ang edukasyon ay kailangan ng ating kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan.
  • 25. • c. Sa tingin ng maraming guro, ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay hindi lamang nakasalalay sa kanila kundi maging sa mga magulang sa pagbibigay ng patnubay at suporta sa kanilang mga anak. • d. Pinaniniwalaan kong higit na dapat pagtuonan ng pamahalaan ang isyu tungkol sa lumalalang kalagayan ng ating kalikasan. • e. Inaakala ng iba na hindi mahigpit sa pagpapataw ng kaparusahan ang DENR kaya patuloy silang lumalabag sa batas pangkalikasan.
  • 26. Mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o pananaw – Kabilang dito ang sumusunod na halimbawa. Gayonman, mapapansing ‘di tulad ng naunang mga halimbawa na tumitiyak kung sino ang pinagmumulan ng pananaw, nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang pananaw ang sumusunod na halimbawa: 1. Sa isang banda, Sa kabilang dako – ginagamit natin mga ekspresyong ito kung magbabago ang tema at paksa ng pinag- uusapan sa isang pahayag. Mga Halimbawa: a. Sa isang banda, mabuti na ngang nalalaman ng mamamayan ang mga anomalya sa kanilang pamahalaang lokal nang sa gayo’y masuri nila kung sino ang karapat-dapat na ihalal para mamuno sa kanilang lungsod.
  • 27. • b. Sa kabilang dako, sa dami ng naglalabasang isyung pampolitika hindi tuloy malaman ng sambayanan kung ano ang kahihinatnan ng bansa sa kamay ng mga politikong pinagkatiwalaang mamuno dito. • 2. Samantala, Habang – ginagamit ang samantala sa mga kalagayang mayroong taning o "pansamantala." Ginagamit naman ang habang kung ang isang kalagayan ay walang tiyak na hangganan, o "mahaba." • a. Samantala, mamamayan mismo ang makapagpapasya kung paano nila nais makita ang kanilang bansa sa susunod na mga taon. Matalinong pagpapasya ang kailangan kung sino ang karapat-dapat pagkatiwalaan ng kanilang boto. • b. Maraming mga tao ang lugmok sa kahirapan habang ang iba ay nagpapakasasa sa kaban ng bayan.
  • 28. •Sumulat ng sanaysay ng inyong buhay.
  • 29. PAGSUSULIT A. Panuto: Basahin at unawain mong mabuti ang sumusunod na pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang Tama kung ang pahayag ay tama, Mali kung hindi. _______1. Ang sanaysay ay nahahati sa iba’t ibang mga kabanata. _______2. Ang tema ay ang sinasabi ng isang akda tungkol sa isang paksa. _______3. Ang larawan ng buhay ay tumutukoy sa pagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin. _______4. Ang anyo at estruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa. _______5. Hindi kinakailangan ng kasanayan sa pagsusulat ng sanaysay.
  • 30. •_____ 6. “Nakakadena ang mga binti at leeg kaya’t di sila makagalaw.” Paano binigyan-kahulugan ang salitang kadena sa loob ng pangungusap? A. nagtataglay ng talinghaga B. maraming taglay na kahulugan C. taglay ang literal na kahulugan D. wala sa nabanggit
  • 31. _____ 7. Alin sa sumusunod ang TOTOO hinggil sa Alegorya? A. nagsasalaysay ng mga pangyayari sa tauhan B. may mga talinghaga o nakatagong mensahe C. nagpapahayag ng damdamin D. nagpapahayag ng kabayanihan
  • 32. _____ 8. “Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon”. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang ______. A. amo B. bathala C. Diyos D. siga
  • 33. _____ 9. Sa Alegorya ng Yungib ni Plato, ano ang tinutukoy niyang liwanag? A. elemento ng kalikasan B. edukasyon at katotohanan C. kabutihan ng puso D.kamangmangan at kahangalan
  • 34. _____ 10. Ang sanaysay na Alegorya ng Yungib ay ukol sa dalawang taong nag- uusap. Ang marunong na si __________ at si ____________. A. Socrates at Plato B. Plato at Glaucon C. Socrates at Glaucon D. Glaucon at Pluto
  • 35. 11. Naipahahayag ng isang magaling na may-akda ang kaniyang damdamin nang may kaangkupan at kawastuhan sa paraang may kalawakan at kaganapan. a. damdamin b. himig c. tema
  • 36. 12. Nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin. Maaaring masaya, malungkot, mapanudyo at iba pa. a. damdamin b. himig c. tema
  • 37. 13. Ito ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa. a. damdamin b. himig c. anyo at estruktura
  • 38. 14. Ideyang nabanggit na kaugnay o nagpapalinaw sa tema. a. kaisipan b. himig c. anyo at estruktura
  • 39. 15. Nailalarawan ang buhay sa isang makatotohanang salaysay, masining na paglalahad na gumagamit ng sariling himig ang may-akda. a. kaisipan b. Larawan ng buhay c. anyo at estruktura
  • 40. Sang-ayon sa , Ayon sa , Sa paniniwala ko ,Alinsunod sa , Inaakala ng, Sa tingin ko 16. ________tauhang si Psyche sa Mitolohiya, “Kapag mahal mo ang isang nilalang, ipaglalaban mo ito.” 17. ________Ordinansa, upang maiwasan ang pakalat-kalat na mga alagang hayop, nagpanukala ang bayan na “aso mo, itali mo.”
  • 41. Sang-ayon sa , Ayon sa , Sa paniniwala ko ,Alinsunod sa , Inaakala ng, Sa tingin ko 18. ________, kahit maraming problema sa pamilya, hindi ito ang hadlang upang makamit niya ang tagumpay sa buhay.
  • 42. •Sang-ayon sa , Ayon sa , Sa paniniwala ko ,Alinsunod sa , Inaakala ng, Sa tingin ko 19. ________maraming mag-aaral, ang tanging makapagpapaunlad sa kanilang pamumuhay ay ang makapagtapos ng pag-aaral. 20. _________, kailangan ang pagkakaisa ng mamamayan upang mapalago at mapaunlad ang pamumuhay ng indibidwal sa isang lipunang kinagagalawan o kinabibilangan.