Ang dokumento ay tinalakay ang iba't ibang konsepto ng wika kabilang ang wikang pambansa, panturo, at opisyal. Pinapahayag din nito ang mga opinyon ng iba't ibang dalubhasa sa wika at komunikasyon.
4. Ang wika ay isang napakahalagang
instrumento ng komunikasyon.
Ito ay mula sa pinagsama samang
makabuluhang simbolo,tunog at
tuntunin ay nabubuo ang mga
salitang nakapagpapahayag ng
kahulugan o kaisipan.
Kahulugan
ng Wika
5. Kahulugan ng Wika
Ito ay behikulong ginagamit sa pakikipag-usap at
pagpaparating ng mga mensahe sa isa’t-isa.
Ito ay salitang Latin na lingua na nangangahulugang
“dila” at “wika” o “lengguwahe”
6. Henry Allan Gleason, Jr.
Ang wika ay masistemang
balangkas ng mga tunog na pinili at
isinaayos sa pamaraang
arbitraryo upang magamit ng mga
taong nabibilang sa isang
kultura.
Ang wika ay ARBITRARYO sa dahilan na
ito ‘yong mga salitang pinagkasunduan
ng mga tao para gamitin nila sa pang
araw-araw na pamumuhay.
kapag sinabing MASISTEMA ang ibig
ipakahulugan nito ay may kaayusan o
order.
7. Charles Darwin
Ang wika ay isang sining tulad
ng paggawa ng serbesa o pabe-bake,
o ng pagsusulat.
Hindi rin daw ito tunay na likas sapagkat
ang bawat wika ay kailangan
munang pag-aralan bago matutuhan.
8. Minimithi ng wikang Pambansa ang
pagkaroon ng mabilis na pagkaka-
unawaan at sibulan ang damdamin ng
pagkakaisa ng mga mamamayan na
iba-iba ang wikang katutubo.
Ang sinasalita ng dominante o
pinakamaraming pangkat ang
hinihirang na wikang Pambansa.
ALAM MO BA?
BAKIT MAY
"WIKANG PAMBANSA"?
10. 1935
Pagsusog ni Manuel L. Quezon sa pag pili ng wikang
pambansa
Probisyong Pangwika na nakasaad sa
Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Saligang Batas ng 1935 na
nagsasabing:
“Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa
pagkakaroon ng isang wikang pambansang ibabatay
sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.
Hangga’t hindi itinatakda ng batas,
ang wikang Ingles at Kastila ang
siyang mananatiling opisyal na wika.”
11. Ito ay nagresulta sa pagkakaroon ng isang batas na
isinulat ni Norberto Romualdez ng Leyte, ang Batas
Komonwelt Blg.184 na nagtatag ng Surian ng Wikang
Pambansa. Base sa pag-aaral na isinagawa ng Surian,
napili ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa
dahil sa naturang wika ay tumugma sa mga
pamantayang kanilang binuo tulad ng sumusunod:
Ang Wikang pipiliin ay dapat:
Wika ng sentro ng pamahalaan,
Wika ng sentro ng edukasyon,
Wika ng sentro ng kalakalan;at
Wika ng pinakamarami at pinakadakilang nakasulat na
panitikan”.
12. 1937
Ipinroklama ang wikang Tagalog bilang batayan ng
wikang pambansa
Disyembre 30, 1937
base sa rekomendasyon ng
Surian sa bisa ng KautusangTagapagpaganap Blg.134.
Magkakabisa ang kautusang
ito pagkaraan ng dalawang taon.
Pangulong Manuel L.Quezon
13. 1940
Ginamit ang wikang tagalog sa mga paaralang
pampubliko at pribado
Paaralang Pampubliko Paaralang pampribado
14. Nang ipagkaloob ng mga
Amerikano ang ating
kalayaan, sa Araw ng
Pagsasarili ng Pilipinas noong
Hulyo 4, 1946 ay ipinahayag
din ang wikang
opisyal sa bansa ay Tagalog
at Ingles sa bisa ng Batas
Komonwelt Bilang 570.
1946
Naging opisyal sa bansa ang wikang Ingles at Tagalog
15. 1959
Ang wikang pambansa ay pinalitan mula Tagalog at naging
Pilipino
Noong Agosto 13, 1959, pinalitan
ang tawag sa wikang pambansa.
Mula Tagalog ito ay naging Pilipino
sa bisa ng Kautusang
Pangkagawaran Blg.7 na ipinalabas
ni Jose E. Romero, ang kalihim ng
Edukasyon noon. Sa panahong
ito’y higit na binigyang-halaga at
lumaganap ang paggamit ng
wikang Pilipino.
16. 1959
Ang wikang pambansa ay pinalitan mula Tagalog at naging Pilipino
Ito ang wikang ginamit sa mga
tanggapan, gusali, at mga
dokumentong pampamahalaan tulad
ng pasaporte, at iba pa, gayundin sa
iba’t ibang antas ng paaralan at mass
media tulad ng dyaryo, telebisyon,
radyo, magasin, at komiks.
Sa kabila nito ay marami pa rin ang
sumasalungat sa pagkakapili sa
Tagalog bilang batayan ng wikang
pambansa.
17. 1972
Muling nagkaroon ng pagtatalo sa kumbensyong konstitusyunal
hinggil sa usaping pang-wika
Sa huli, ito ang mga naging probisyong
pangwika sa Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV,
Seksyon 3, blg.2.
ARTIKULO XV, SEKSYON 3, BLG. 2
Ang Saligang Batas ng 1973 ay dapat ipahayag sa wikang Ingles
at Filipino (Mga wikang opisyal) . Ang Pambansang Asamblea ay
dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pormal na adapsyon ng panlahat na Wikang Pambansa.
18. 1987
Wikang Filipino ang wikang opisyal ng Pilipinas hanggang sa
kasalukuyan
Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng
komisyong Konstitusyonal na binuo ni dating
Pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa
paggamit ng Wikang Filipino.
Nakasaad sa Artikulo XIV, Seksyon 6 ng
probisyong tungkol sa wika na nagsasabing:
“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
Filipino.
Samantalang nililinang, ito ay dapat
pagyabungin at pagyamanin pa, salig sa umiiral na mga
wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.”
20. WIKANG OPISYAL AT WIKANG PANTURO
Ang wikang opisyal ay itinadhana ng batas
na maging wika sa opisyal na talastasan ng
pamahalaan.
Ibig sabihin, ito ang wikang maaring
gamitin sa anumang uri ng komunikasyon,
lalo na sa anyong nakasulat, sa loob at
labas ng alinmang sangay o ahensiya ng
gobyerno.
WIKANG OPISYAL
Ang wikang panturo naman ang opisyal
sa wikang ginagamit sa pormal na
edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa
pagtuturo at pag-aaral sa mga
eskuwelahan at ang wika sa pagsulat ng
mga aklat at kagamitang panturo sa
mga silid-aralan.
WIKANG PANTURO
Virgilio Almario
Pambansang alagad
ng sining para sa Panitikan
21. Sa pangkalahatan nga ay Filipino at Ingles ang
mga opisyal na wika at wikang panturo sa
paaralan.
24. Siya naman ay hindi rin daw
ito tunay na likas sapagkat
ang bawat wika ay kailangan
munang pag-aralan bago
matutunan.
1
Siya ang lingguwista at propesor na
nagbigay pagpapakahulugan sa wika
bilang masistemang balangkas ng
mga tunog na pinili at isinaayos sa
pamaraang arbitraryo upang magamit
ng mga taong nabibilang sa isang
kultura.
Siya ang pangulo ng bansang
sumusog sa mungkahing
ibatay ang Wikang
Pambansa sa isa sa mga
umiiral na wika o wikain sa
ating bansa.
Makikilala mo ba ang bagay o taong tinutukoy sa bawat pahayag?
Isulat ang iyong sagot sa isang kapat na papel.
2 3
25. ProjectGoals
Ito ang wikang naging batayan
ng wikang pambansa dahil dito,
ito ay tumugma sa mga
pamantayang binuo ng sangay
na nagsuri sa iba’t ibang wika o
diyalekto sa bansa.
Siya ang dating kalihim ng
Edukasyon na nagpalabas ng
kautusang pangkagawarang
nagsasaad na mula Tagalog
ay Pilipino na ang itatawag
sa ating Wikang Pambansa.
Sa probisyong pangwika ng
Saligang Batas na ito unang
nagamit ang Filipino bilang
Wikang Pambansa.
4 6
5
26. ProjectGoals
Siya ang nag proklama na
ang Wikang Tagalog upang
maging batayan ng Wikang
Pambansa base sa
rekomendasyon ng Surian.
Ayon sa kanya na ang wikang
maaaring gamitin sa anumang uri
ng komunikasyon, lalo na sa
anyong nakasulat, sa loob at sa
labas ng alinmang sangay o
ahensya ng gobyerno.
7 8
27. ProjectGoals
Pinagtibay at binuo nya ang
komisyong Konstitusyunal
na implementasyon sa
paggamit ng Wikang Filipino.
Taon kung kailan pinalitan
ang tawag sa wikang
pambansa mula Tagalog ito
ay naging Pilipino sa bisa ng
Kautusang pangkagawaran
Blg 7.
9 10