SlideShare a Scribd company logo
2
Most read
3
Most read
7
Most read
Dennimar O. Domingo 
2nd year/BSBA-Marketing Management 
Panitikang Pilipino/TTh 12:30-2:00 
Prof. Violeta Dulatre 
Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya 
ni Hermenegildo Flores 
Inang mapag-ampon, Espanyang marilag, 
nasaan ang iyong pagtingin sa anak? 
akong iyong bunsong abang Pilipinas 
tingni't sa dalita’y di na makaiwas. 
Ang mga anak kong sa iyo’y gumigiliw, 
sa pagmamalasakit ng dahil sa akin; 
ngayo’y inuusig at di pagitawin 
ng mga prayleng kaaway mong lihim. 
Sa bawat nasa mong kagaling-galingan, 
ayaw ng prayleng ako’y makinabang, 
sa mga anak ko’y ang ibig lamang 
isip ay bulagin, ang bibig ay takpan. 
Nang di maisigaw ang santong matuwid 
na laban sa madla nilang ninanais 
palibhasa'y wala silang iniisip 
kundi ang yumaman at magdaya ng dibdib. 
Sa pagpapalago ng kanilang yaman 
bendita't bendisyon lamang ang puhunan, 
induluhensiya't iba't ibang bahay 
ng mga sagrado naman ang kalakal. 
Sapagkat anumang bilhin sa kanila, 
kaya namamahal, dahil sa bendita, 
kahit anong gawin pag may halong kanta 
ay higit sa pagod ang hininging upa. 
Ibig ng simbaha't kumbentong marikit 
organo't kampana aranyang nagsabit; 
damasko't iba pa, datapwa't pawis 
ng bayan kukunin, mahirap mang kahit. 
Ani sa asyenda't kita sa simbahan 
sa minsang mapasok sa mga sisidlan 
ng mga kumbento'y di na malilitaw 
kaya naghihirap, balang masakupan. 
Ang dulo’y marami sa mga anak ko 
ang di makabayad sa mga impuwesto 
sa gayong katataas ng mga rekargo 
pagka’t kailangan naman ng estado. 
Sa bagay na iyan, ang mga mahirap 
na walang pagkunan ng dapat ibayad, 
sa takot sa Sibil, aalis ngang agad, 
iiwan ang baya’t tutunguhi’y gubat. 
Dito pipigain naman ang maiiwan, 
na di makalayo sa loob ng bayan, 
siyang pipiliting magbayad ng utang 
kahima’t wala ng sukat na pagkunan. 
Maghanapbuhay ma’y anong makikita 
wala nang salapi, ibayad ang iba 
pagkat naubos nang hititin ng kura 
sa pamamagitan ng piyesta’t iba pa. 
Sa limit ng mga piyesta’t mga kasayahan 
ay walang ginhawang napala ang bayan 
kundi ang maubos ang pinagsikapang 
sa buhay ng tao’y lalong kailangan. 
Ang kapalaluang paggugol ng pilak 
nang dahil sa pyesta ay di nag-aakyat 
sa langit, kundi ang santong pagliyag 
ng puso ang siya lamang hinahanap. 
Niyong an gating Amang hindi madadaya 
sa inam ng pyesta at lagi ang ganda, 
sapagkat ang ating gawang masasama 
ay di mangyayaring bayaran ng tuwa. 
Ibigin ang Diyos nang higit sa lahat 
at ito ang siyang lalong nararapat 
ngunit ang prayle’y walang hinahangad 
kungdi magpalalo’t ang baya’y maghirap.
Ang pangako nila sa mga anak ko 
ay magbigay lamang sa mga kumbento 
ng kuwalta’y sa langit naman patutungo 
at ligtas sa madlang panganib sa mundo. 
Saka sasabihing ang kanilang aral 
ay utis ni Kristong dapat na igalang 
bago hindi’y gayo’t kauna-unahang 
lumalabag sila sa Poong Maykapal. 
Ang mga anak ko’y turuan nga lamang 
ng balak-balaking dapat matutuhan 
kahima’t maubos ang lahat ng yaman 
kikilanlin ko pang darakilang utang. 
Dapwa’y sa akin ang daya at pag-api 
ang siyang nakayang pawing iginanti, 
kaya hanggang ngayon sa ikabubuti 
ng kalagayan ko’y wala pang masabi. 
Gayunmay’y ako pa ang siyang masama 
kung aking idaing yaring pagkaaba, 
sarisaring dusa nama’y nagbabala 
sa balang dumamay sa aking pagluha. 
Yamang may hustisyang hindi humihibik 
kung dili sa balang ayon sa makatuwid 
sa di natutulog na awa ng langit 
ipauubaya yaring pagkaamis. 
Ngunit hindi kaya ngatngatin ng pula 
ng ibang potensya sa balat ng lupa 
ang kamahalan mo kung mapag-unawang 
sa anak ay inang tunay ang dumusta? 
Hanggang ditoina’t ang bahala’y ikaw 
dangal mo’y tanghalin ng sansinukuban 
ang pagkakasundo ng lahat mong kawal 
ay lumagi nawa sa kapayapaan. 
Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas 
ni Marcelo H. Del Pilar 
Puso ko’y nahambal ng aking marinig 
bunso, ang taghoy mo’t mapighating hibik, 
wala ka, anak kong, sariling hinagpis 
na hindi karamay ang in among ibig. 
Wala kang dalita, walang sa kahirapan 
na tinitiis kang di ko dinaramdam: 
ang buhay mo’y bunga niring pagmamahal, 
ang kadustaan mo’y aking kadustaan. 
Pagsilang mo, bunso, sa sangmaliwanag 
nang panahong ako’y di pa nagsasalat 
walang inadhika ang in among liyag 
kundi puspusin ka ng ginhawa’t galak. 
Sa awa ng langit ikaw ay sagana 
ng sukat iyamang malalagong lupa, 
lahat ng pananim wala mang alaga 
sa kaparangan mo’y tumutubong kusa. 
Ang tabako’t kape, palay, tina’t bulak 
abaka at tubo’y kailangang lahat, 
sa mga lupa mo’y tantong naggugubat 
itong sa sangmundo’y hirap mahagilap. 
Sarisaring kalap na sakdal ng tibay 
sakdal ng la-laki sa dikit ay sakdal; 
hindi makikita sa sangdaigdigan, 
ngunit sa budok mo’y nangagkalat lamang. 
Ang asupre’t tingga, ang tanso at bakal 
ang ginto at pilak ay nangahuhukay 
sa mga lupa mo’t sa dagatan nama’y 
sarisaring perlas ang matatagpuan. 
Tantong naliligid ang mga lupa mo 
ng dagat ng China’t dagat Pacifico 
balang mangangalakal sa buong sangmundo 
pawang naakit dumalaw sa iyo. 
Talaga nga manding ikaw ang hantungan 
ng sa ibang nasyong sinimpang puhunan; 
ikaw nga’t di iba dapat makinabang 
nang yaman sa iyo’y gawad ng Maykapal. 
Sa gayo’y kailangan mata mo’y mamulat 
isip ay gisingi’t nang makatalastas 
ng sukat asaliing ipagkakapalad 
sa buhay na ito’t nang di ka maghirap.
Akong iyong ina’y taga-tupad bilang 
ng mga tadhana ng Poong Maykapal, 
ipinaiwi ka’t ang hangad ko lamang 
musmos na isip mo’y sakiting aralan. 
Ituro sa iyo ang utang na loob 
sa nagkakandiling maawaing Diyos; 
matuto ka namang sumamba’t umirog, 
puso mo sa kanya’y huwag makalimot. 
At para mo na ngang pasalamat bilang, 
makapagtanggol ka sa kapanahunan 
ng aring tinamo’t maapamahalaan 
tapat na paggamit ng santong katwiran. 
Ang tagapagturo’y pinakapili ko, 
hinirang sa lalong mabait na tao; 
ako’y nabighani’t umaasang totoo 
sa may sinumpaang mahigpit na boto. 
Ang lahat ng prayle ay may sinumpaan 
sa harap ng Diyos, na anaki’y tunay, 
na ito raw mundo’y kusang tatalikdan, 
kusang tumatangi sa lahat ng yaman. 
Saan di nga baga, bunsong ginigiliw; 
prayle ang siyang aking hihirangin 
na tagapag-iwi blang taga-tingin 
sa iyo’t nang di ka baga pagliluhin. 
Mahigit na ngayon tatlong daan taon 
na iniiwi kang prayle ang may kandong; 
katiwala akong sa gayong panahon 
ang isip mo’t yaman nama’y yumayabong. 
Katiwala akong nagpapanuto ka 
sa landas ng iyong sukat iginhawa; 
katiwala akong dangal mo’t ligaya 
ngayo’y tinatanghal na walang balisa. 
Tatlong sacerdote ang ipinabitay, 
bukod sa maraming pinahihirapan, 
at dili umano’y nakapipigil daw 
ng iyong ligaya, bunsong minamahal. 
Hindi ko inino’t ang buo kong asa 
ay pagmamasakit ang ginawa nila, 
sa pagkabuhay mo’t hindi ko napunang 
magdarayang udyok ng masamang pita. 
Sa abang-aba ko’t laking kamalian! 
laking pagkasawi! laking kadustahan! 
ng ipagpabaya sa kapahamakan, 
ang dapat mahaling usbong niring buhay. 
Ngayon ko nga lamang, bunso, natalastas 
na ang nangaaba at kinulang palad 
ay pawing mabait, pawing nagsisikap 
dangal ta’t katwira’y igalang ng lahat. 
Prayle’y napoot sa magandang nais 
ng sa ati’y tapat kung magmalasakit 
ngayon ko natanto, ngayon ko nabatid 
ang kandili niya’y bagkus panggagahis, 
Sa kayamanan mo’y sila ang sumamsam 
ngalan pa ng Diyos ang sinasangkalan 
at dinadaya kang di mo raw kakamtam 
ang langit kung hindi sila ang bayaran. 
Di ka raw titingnan ngMahal na Birhen 
kung di ka bumili ng sintas at kalmen; 
pag hindi mainam ang pagpapalibing 
ang harap ng Diyos, hindi sasapitin. 
Sa paniniwala ng mga anak mo, 
maraming naghirap, at nasa kombento 
ang kanilang yama’t sila’y ingkilino 
na namumuwisan sa paring natuto. 
Ang lupang nilawag at pinaghirapan 
ng magulang nila’t mga kanunuan 
ngayo’y asyenda na’t nahulog sa kamay 
ng hindi nagpagod at di namuhunan. 
Ang laki at higpit sa pana-panahon 
ng pagpapabuwis ay sulung ng sulong, 
makasingil lamang ay di nililingon 
hirap ng magsaka;t pawis na ginugol. 
Salapi at pagod ng nagsisibuwis 
ay walang katumbas kung di ang maghapis, 
tanghaling sagana ang hindi nagpawis, 
maibaon sa utang at tumangis-tangis. 
Ang lahat ng ito’y ninanais sana 
ng malagyang lunas ng sinta mong ina, 
ngunit paanhin ko, ngayo’y matanda na, 
hapo na sa hirap ako’t walang kaya.
Ang mga balitang Legazpi’t Salcedo 
at iba’t iba pang inaasahan ko 
sa pagkakalinga ng tapat sa iyo, 
ngayon ay wala na’t inulila tayo. 
Sa nangangatirang ngao’y nabubuhay 
oo’t may mabait, bayani at paham; 
ngunit sia-sila’y nangag-iiringan 
di magkasundo sa anumang pakay. 
Sa ibig ng isa’y hahadlang ang iba, 
sa balang kuruin ay di magkaisa 
walang mangyayari tungol may halaga 
sa gayo’y paanong aasahan sila! 
Kaya kailangan bunsong iniirog, 
matutong magtiis iayon ang loob, 
sa madlang dalita, kung ayaw kumilos 
ang mga anak mo sa pagkakatulog. 
Mga taga-rine, Pransuay, Alemanya 
at iba pang nasyon ditto sa Europa 
ay nangaghirap din sa prayle ng una 
pawang nangday, pawa ring ginaga. 
Kanilang nasayod lahat ng hinagpis 
sa paniniwala’t maling pananalig, 
sa prayleng nagpanggap ng taong malinis 
na nagpakadukaha’t nag-anyong mabait. 
Bayan, palibhsang marunong mahabag, 
ay nahambal ngani sa nakitang hirap, 
ang prayle’y kinandong, pinuspos ng lingap, 
ang mga kumbento’y sumaganang lahat. 
Prayle’y hindi naman nagpapahalata 
daddaga’t dagdagan pag-aanyong aba, 
hindi napapansin lihim nilang banta 
na ang namamaya’y kanilang mapiga. 
Sapagkat ang prayle’y hindi kaparis 
nitong mga Paring itim kung manumit, 
ang prayle ay anak sa bundok at yungib 
ng mga magulang na napakagipit. 
Anak sa dalagita’y buong pagsasalat 
walang nalalamang gawaing paghahanap 
kaya kailangang tuyuin ang lahat 
upang manariwa ang sariling balat. 
Pag may mamatay na tila mayaman 
prayle ang aagap magpapakumpisal, 
at inuukilkil na ang pamanahan 
ng aring inumpok ay kumbento lamang. 
Hinlog, kamag-anak ay dapat limutin 
sa oras na iyon, siyang sasabihin, 
kalulwa’t yaman dapat na ihain 
sa prayle’t ng huwag impyerno’y sapitin. 
Ang lahat ng ito’y nadaragdagan pa 
ng bala-balaking panilo ng kuarta 
kalmen, sintas, kordon, palibing, pamisa, 
ay pawing pandukot sa maraming bulsa. 
Sa gayon nang gayo’y lumaki nga naman 
ang ari ng prayle’t naghirap ang bayan; 
mahalinhang bigla ng kapalaluan 
ang binalatkayong kababaang asal. 
Diyan na naninghal, diyan na nang-api 
buong kataksilan ang pangyayari, 
ang bawa’t pinuno sa prayle ang kampi 
baya’y namighati sa pagkaduhagi. 
Ganda ng babae, ang dunong ang yaman 
ay nagiging sanhi ng kapahamakan, 
walang sumaklolong may kapangyarihan 
sa kualita’t nayuko baras ng katwiran. 
Ang balang magsabi, ang balang mag-isip 
ng magpaaninaw ng santong matuwid, 
walang nararating kungdi ang maamis 
luha’y patuluin hanggang sa mainis. 
Sapagka’t ang balang mapaghinalaan 
na sa hangad nila’y di maaasahan 
ay ipapahuli at pararatangan 
ng salang dakila’t madlang kataksilan. 
At sa bilanggua’y agad kukulungin 
sa gutom at uhaw ay papipitiin, 
ang lamig ng lupa’y siyang babanigin 
ng sa kanyang baya’y natutuong gumiliw. 
Hindi tutulutang magtamong liwanag 
sa araw at gabi ay kahabag-habag 
kung hapong-hapo na sa gayong paghirap 
ay paaamining siya nga’y nagsukab.
May ipinapangaw ang dalawang paa 
kamay at katawa’y gagapusin muna, 
saka tatapatan ang sakong ng baga 
hanggang di umamin sa paratang nila. 
At kung masunod na ang kanilang nasa 
umamin sa sala ang lipos-dalita 
tali nang kasunod, parusa’y ilalagda 
sa martir ng prayle’t mapapanganyaya. 
Ang parusa noo’y samsamin ang yaman 
Saka unti-unting alisan ng buhay; 
Idaraan muna sa isang simbahan 
Ang kinulang-palad . . . at saka sisigan. 
Sa gitna ng plasa ay may nakahanda 
na naglalalagablab na malaking siga, 
diyan igagatong sa harap ng madla 
ang sa kanyang baya’y ibig kumalinga. 
Taghoy ng sinigan at madlang kaharap 
luha ng magulang, hinlog, kamag-anak 
pagtangis ng madla ay walang katapat 
kundi ang sa prayleng tawa at halakhak. 
Yutang-yutang tao ang nanguuyam 
ng panahong yaon sa gayong paraan, 
ang payapa’t aliw noon ay pumanaw 
nalipos ng luksa libo-libong bayan. 
ang yaman nasamsam, buhay na nakitil 
ay di babahagya’t noo’y walng tigil, 
ang sipag ng pralye sa gawaing magtaksil. 
magsabog ng dusa, gutom at hilahil. 
Ano pa nga’t noon ay kulang na lamang 
Ang nangaulila’y magpapatiwakal; 
Niloob ng langit, nanangagsangguinian 
at nangagkaisang sila’y magdamayan. 
Diyata nga kaya, ang winika nila, 
at wala nang lunas sa ganitong dusa? 
diyata nga baga’t itong binabata 
sa inaanak nati’y ipapamana pa? 
Huwag magkagayo’t yayamang namalas, 
na sa daang ito’y nasubyang ang landas, 
ay hawanin nating, sakitin ng lahat, 
ilayo ang madla sa pagkapahamak. 
Lalaki’t, babae, matanda at bata, 
ngayo’y manalangin, sa langit paawa, 
ang santong matwid sa kusang dinusta 
ay ibangon nati’t Diyos ang bahala. 
Kanilang nilusob ang mga kombento, 
prayle’y inusig pinutlan ng ulo, 
ang balang makitang prayleng nakatakbo 
kung hindi barilin, kanilang binato. 
Higanti ng baya’y kakila-kilabot 
walang pagsiyahan ang kanilang poot, 
ang mga kombento’y kanilang sinunog 
inuring pugad ng masamang hayop. 
Prayle’y nanglalaban, ngunit lalin kaya 
sa galit ng bayan ang magiging kuta! 
ang payapang dagat, pasiyang nagbala 
ay walang bayaning makasasansala 
Yaong bayang supil, dating mahinahon, 
dating mapagtiis, at mapagpasahol, 
inunos ng dusa’t malalaking alon 
ng paghihiganti noo’y luminggatong. 
Walang nakapigil, walang nakasangga, 
palibhasa’y bayan ang magpaparusa 
ang mga pinuno’y nawalan ng kaya, 
umayon sa baya’t nang di mapag-isa. 
Kaya nga bunso ko’t magpahangga ngayon 
ang Prayleng lumakad sa kanilang nayon, 
kahit na bata ay nagsisipukol 
inu-using nilang parang asong ulol. 
Sa paraang ito, bunsong minamahal, 
ang dating dinusta’y makatighaw-tighaw; 
ang prayle’y lumayas, iniwan ang bayan 
at muling naghari ang kapayapaan. 
Ngunit hindi naman ako nagpapayo 
ang ganoong paraan baga’y asalin mo, 
ako’y walang sukat na maisaklolo, 
kaya katitii, magtiis, bunso ko. 
Walang natimawa sa pagka-duhagi, 
na di namumuhunan ng pamamayani; 
kung hindi mo kayang prayle’y iwaksi 
magtiis ka, irog, sa palad mong imbi.
Ang mga anak mo’y nangagugupiling, 
sa dusting lagay mo’y di nahihilahil, 
magdarayang hibo ng kaaway na lihim 
siiyang diniringig, luha mo’y di pansin. 
Diyata ay sino ang dapat mag-adya 
sa iyo, bunso ko, kung hindi nga sila? 
kung sa mga anak mo’y di makaaasa, 
walang daan, irog, kundi ang magbata. 
Ang araw na sila’y magka-isang loob 
at mangagkagising sa pagkakatulog; 
ang araw na iyan, ang araw ng Diyos 
baya’y maniningil . . . Sino ang sasagot? 
Kailangan bunsong, sila’y mahirati 
sa pagmamasakit sa bayang sarili: 
Kay Rizal na librong pamagat ay Noli . . . 
huwag lilimuting ganito ang sabi: 
“Panaho’y matamis sa tinubuan bayan 
“at pawang panglugod ang balang matanaw, 
“ang simoy sa bukid ay panghatid buhay, 
“tapat ang pag-irog, subalit ang namatay.” 
Alinsunod dito’y aling hirap kaya 
ang sukat indahin sa pagka-kalinga, 
sa sariling baya’t upang matimawa, 
sa madlang pahirap at sumapayapa? 
Ang lahat mong anak, ginhawa’t dukha man, 
maging taga bukid, maging taga bayan, 
lalaki’t babae, pantas man at mangmang, 
santong matwid mo’y dapat ipatanghal. 
Walang iba, bunso, na dapat hiliin 
sila ng sa iyo’y tapat na pagtingin: 
ang pagpapabaya’y pananagutan din, 
sa harap ng Diyos sila’y sisisihin. 
Mapanglaw na sumpa ng Poong May-kapal, 
sa tamad na puso ay kalumbay-lumbay 
“kayong nagpabaya sa sariling bayan, 
“anya’y dapat naming Aking pabayaan!” 
Ilayo ng langit sa ganitong sumpa 
ang mga anak mo, bunsong minumutya: 
sa iyo’y matuto ng pagkakalinga 
matutong umampat ng iyong pagluha. 
Ito na nga lamang ang maisasagot 
ng salantang ina sa hibik mo, irog; 
sasakyan mo’y gipo, huwag matutulog 
ang mga anak mo’t masigwa sa laot.
Katapusang Hibik ng Pilipinas 
ni Andres Bonifacio 
Sumikat na Ina sa sinisilangan 
ang araw ng poot ng Katagalugan, 
tatlong daang taong aming iningatan 
sa dagat ng dusa ng karalitaan. 
Walang isinuhay kaming iyong anak 
sa bagyong masasal ng dalita't hirap; 
iisa ang puso nitong Pilipinas 
at ikaw ay di na Ina naming lahat. 
Sa kapuwa Ina'y wala kang kaparis... 
ang layaw ng anak: dalita't pasakit; 
pag nagpatirapang sa iyo'y humibik, 
lunas na gamot mo ay kasakit-sakit. 
Gapusing mahigpit ang mga Tagalog, 
hinain sa sikad, kulata at suntok, 
makinahi't biting parang isang hayop; 
ito baga, Ina, ang iyong pag-irog? 
Ipabilanggo mo't sa dagat itapon; 
barilin, lasunin, nang kami'y malipol. 
Sa aming Tagalog, ito baga'y hatol 
Inang mahabagin, sa lahat ng kampon? 
Aming tinitiis hanggang sa mamatay; 
bangkay nang mistula'y ayaw pang tigilan, 
kaya kung ihulog sa mga libingan, 
linsad na ang buto't lumuray ang laman. 
Wala nang namamana itong Pilipinas 
na layaw sa Ina kundi pawang hirap; 
tiis ay pasulong, patente'y nagkalat, 
rekargo't impuwesto'y nagsala-salabat. 
Sarisaring silo sa ami'y inisip, 
kasabay ng utos na tuparing pilit, 
may sa alumbrado---kaya kaming tikis, 
kahit isang ilaw ay walang masilip. 
Ang lupa at buhay na tinatahanan, 
bukid at tubigang kalawak-lawakan, 
at gayon din pati ng mga halaman, 
sa paring Kastila ay binubuwisan. 
Bukod pa sa rito'y ang mga iba pa, 
huwag nang saysayin, O Inang Espanya, 
sunod kaming lahat hanggang may hininga, 
Tagalog di'y siyang minamasama pa. 
Ikaw nga, O Inang pabaya't sukaban, 
kami'y di na iyo saan man humanggan, 
ihanda mo, Ina, ang paglilibingan 
sa mawawakawak na maraming bangkay. 
Sa sangmaliwanag ngayon ay sasabog 
ang barila't kanyong katulad ay kulog, 
ang sigwang masasal sa dugong aagos 
ng kanilang bala na magpapamook. 
Di na kailangan sa iyo ng awa 
ng mga Tagalog, O Inang kuhila, 
paraiso namin ang kami'y mapuksa, 
langit mo naman ang kami'y madusta. 
Paalam na Ina, itong Pilipinas, 
paalam na Ina, itong nasa hirap, 
paalam, paalam, Inang walang habag, 
paalam na ngayon, katapusang tawag.

More Related Content

DOCX
Obra.liwayway arceo
PPTX
May Bagyo ma't May Rilim
PPTX
Awit ppt.pptx
ODP
mga akdang pampanitikan sa filipino
PPTX
Fray botod
PPT
Ang panitikan sa panahon ng amerikano.ppt
PPTX
Maganda Pa Ang Daigdig
DOC
Pagsusuri sa Tula at Pelikula
Obra.liwayway arceo
May Bagyo ma't May Rilim
Awit ppt.pptx
mga akdang pampanitikan sa filipino
Fray botod
Ang panitikan sa panahon ng amerikano.ppt
Maganda Pa Ang Daigdig
Pagsusuri sa Tula at Pelikula

What's hot (20)

PPTX
Batayan sa Pilosopiyang Pinoy
PPT
Doctrina cristiana e-01
PPTX
Pagtuturo ng Maikling Kwento, Pabula at Kwentong Bayan
PPT
Panitikan lit1-report
DOCX
Maikling tula
PPTX
Awiting bayan at Bulong- Grade 7
PPTX
Filipino 8 Epiko ni Bidasari
PPTX
Mga dulang pantanghalan
PPTX
Maikling kasaysayan ng dula
PPT
Kasaysakayan ng pagsasaling wika sa daigdig at pilipinas
PPTX
Mga dulang panrelihiyon
PPT
Kaligirang pangkasaysayan ng pagsasaling wika
PPTX
Natalo rin si Pilandok
PPTX
Caiingat Cayo
PPT
Epiko at Pangngalan
PPTX
Mga estratehiya ginagamit sa pagtuturo ng wika
DOCX
katuturan ng tula at sangkap
PDF
Ang Panitikan
DOCX
PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA PANITIKANG FILIPINO
PPTX
REHIYON 12 (Panitikan at Manunulat)
Batayan sa Pilosopiyang Pinoy
Doctrina cristiana e-01
Pagtuturo ng Maikling Kwento, Pabula at Kwentong Bayan
Panitikan lit1-report
Maikling tula
Awiting bayan at Bulong- Grade 7
Filipino 8 Epiko ni Bidasari
Mga dulang pantanghalan
Maikling kasaysayan ng dula
Kasaysakayan ng pagsasaling wika sa daigdig at pilipinas
Mga dulang panrelihiyon
Kaligirang pangkasaysayan ng pagsasaling wika
Natalo rin si Pilandok
Caiingat Cayo
Epiko at Pangngalan
Mga estratehiya ginagamit sa pagtuturo ng wika
katuturan ng tula at sangkap
Ang Panitikan
PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA PANITIKANG FILIPINO
REHIYON 12 (Panitikan at Manunulat)
Ad

Viewers also liked (9)

PPT
Lampoon Writing - Mykel Andrada
PPTX
Andres bonifacio
PDF
DOCX
Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)
DOCX
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
PPTX
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
PPTX
Andres bonifacio presentation
DOCX
Pamanahon, panlunan, pamaraan (Modyul sa Filipino)
PPTX
Pang abay
Lampoon Writing - Mykel Andrada
Andres bonifacio
Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Andres bonifacio presentation
Pamanahon, panlunan, pamaraan (Modyul sa Filipino)
Pang abay
Ad

Similar to Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy) (20)

PPTX
486237345-Representation-and-the-Philippine-Canon-2.pptx
DOCX
PPTX
YUNIT-5-FINAL_MAM-MALAGSIC.pptx gwapa ea
PPTX
Marcelo h del pilar and his works
PPTX
latest powerpoint brother sunday service.pptx
DOCX
T2 ernie rivera
PPTX
6TH ENTRHONEMENT OF THE HOLY FACE OF JESUS.pptx
PPTX
Panitikan.pptx :Panitikang Pilipino sa Panahon ng Kilusang Propaganda At Hima...
DOCX
Mga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docx
PDF
Pag ibig sa-tinubuang_lupa
PPTX
Ang Huling Paalam ni Jose Rizal material for chorale reading
PDF
PPT
Love of country (2)
DOCX
Pag ibig sa Tinubuang Lupa
DOCX
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docx
PPTX
panitikan sa bansang pilipinas sa panahon ng pananakop ng mga espanyol
PDF
665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf
PPTX
Lit103.pagpapalaganap ng kristiyanismo
PPTX
Filipino ikawalong Baitang Module 1 Quarter 1.pptx
PPTX
Mga anyong tula ng panitikang tagalog
486237345-Representation-and-the-Philippine-Canon-2.pptx
YUNIT-5-FINAL_MAM-MALAGSIC.pptx gwapa ea
Marcelo h del pilar and his works
latest powerpoint brother sunday service.pptx
T2 ernie rivera
6TH ENTRHONEMENT OF THE HOLY FACE OF JESUS.pptx
Panitikan.pptx :Panitikang Pilipino sa Panahon ng Kilusang Propaganda At Hima...
Mga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docx
Pag ibig sa-tinubuang_lupa
Ang Huling Paalam ni Jose Rizal material for chorale reading
Love of country (2)
Pag ibig sa Tinubuang Lupa
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docx
panitikan sa bansang pilipinas sa panahon ng pananakop ng mga espanyol
665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf
Lit103.pagpapalaganap ng kristiyanismo
Filipino ikawalong Baitang Module 1 Quarter 1.pptx
Mga anyong tula ng panitikang tagalog

More from Denni Domingo (20)

PPTX
The overall concept of financial management
PPT
Psychological attributes of personality
PPT
Motivating Employees
PPT
Foundation of personality
PPTX
Bonds and their characteristcs
PPTX
Aspects of individual's personality
DOCX
Sa aking mga kabata
DOCX
What is the point of having a good life if everything will end to death? How ...
DOCX
Book Review: For One More Day
DOCX
Financial management I
DOCX
Factors affecting the rate of a chemical reaction
DOCX
Database management (activity 4)
DOCX
Angular speed Examples
DOCX
Parental consent for student permit
DOCX
Visita Iglesia
DOCX
Resume template_03
DOCX
Resume Template_02
DOCX
Resume Template_01
DOCX
Resume Template
DOCX
Resume of John Patrick Suarez
The overall concept of financial management
Psychological attributes of personality
Motivating Employees
Foundation of personality
Bonds and their characteristcs
Aspects of individual's personality
Sa aking mga kabata
What is the point of having a good life if everything will end to death? How ...
Book Review: For One More Day
Financial management I
Factors affecting the rate of a chemical reaction
Database management (activity 4)
Angular speed Examples
Parental consent for student permit
Visita Iglesia
Resume template_03
Resume Template_02
Resume Template_01
Resume Template
Resume of John Patrick Suarez

Recently uploaded (20)

PPTX
Q1-FILIPINO-5-WEEK-6-DAY-2.pptxhahhahbbbhs
PPTX
Ang kahalagahan ng sariling pananampalataya sa paghubog ng.pptx
PPTX
PANITIKAN SA PANAHON NG KASARINLAN GRADE 9.pptx
PPTX
Ang mga Yugto ng Kasaysayan ng Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino
PPTX
ARALING PANLIPUNAN 8 - ARALIN 3 ESTRUKTURANG PANLIPUNAN SA IBA'T IBANG BAHAG...
PPTX
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN AYON KAY M.A.K HALLIDAYGRADE-11.pptx
DOCX
Pagsusulit Filipino 8 - Unang Markahan - Panahon ng Himagsikan at Propaganda
PPTX
panitikang katutubo matatag filipino seveb
PPTX
Grade 11 KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA.pptx
PPTX
GMRC 4 MATATAG POWERPOINT. PPT Q1 WEEK 1
PPTX
ESP QUARTER 1LESSON AND ACTIVITY.pptx
PPTX
Gamit ng Wika sa Lipunan_Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pi...
PPTX
QUIZZ BEEbuwanngwikangpambansaagosto2025.pptx
PPTX
FSPL Aralin 3 - Talumpati at mga Uri nito
PPTX
GRADE 10 SYMPOSIUM_CRITIQUE PAPER_GRAMATIKA
PPTX
Week 1 Kahulugan ng Ekonomiks.pptxxxxxxx
PPTX
GMRC 3 Sariling Hilig at Kakayahan Quarter 1 Week 1
PPTX
FSPL Aralin 2 - Pagsulat ng Iba't ibang Uri ng Paglalagom.pptx
PPTX
Ang mga Pangatnig at Transitional Devices
PPTX
Module-1-Q1-Filipino.KPWKP..Grade11.pptx
Q1-FILIPINO-5-WEEK-6-DAY-2.pptxhahhahbbbhs
Ang kahalagahan ng sariling pananampalataya sa paghubog ng.pptx
PANITIKAN SA PANAHON NG KASARINLAN GRADE 9.pptx
Ang mga Yugto ng Kasaysayan ng Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino
ARALING PANLIPUNAN 8 - ARALIN 3 ESTRUKTURANG PANLIPUNAN SA IBA'T IBANG BAHAG...
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN AYON KAY M.A.K HALLIDAYGRADE-11.pptx
Pagsusulit Filipino 8 - Unang Markahan - Panahon ng Himagsikan at Propaganda
panitikang katutubo matatag filipino seveb
Grade 11 KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA.pptx
GMRC 4 MATATAG POWERPOINT. PPT Q1 WEEK 1
ESP QUARTER 1LESSON AND ACTIVITY.pptx
Gamit ng Wika sa Lipunan_Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pi...
QUIZZ BEEbuwanngwikangpambansaagosto2025.pptx
FSPL Aralin 3 - Talumpati at mga Uri nito
GRADE 10 SYMPOSIUM_CRITIQUE PAPER_GRAMATIKA
Week 1 Kahulugan ng Ekonomiks.pptxxxxxxx
GMRC 3 Sariling Hilig at Kakayahan Quarter 1 Week 1
FSPL Aralin 2 - Pagsulat ng Iba't ibang Uri ng Paglalagom.pptx
Ang mga Pangatnig at Transitional Devices
Module-1-Q1-Filipino.KPWKP..Grade11.pptx

Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)

  • 1. Dennimar O. Domingo 2nd year/BSBA-Marketing Management Panitikang Pilipino/TTh 12:30-2:00 Prof. Violeta Dulatre Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya ni Hermenegildo Flores Inang mapag-ampon, Espanyang marilag, nasaan ang iyong pagtingin sa anak? akong iyong bunsong abang Pilipinas tingni't sa dalita’y di na makaiwas. Ang mga anak kong sa iyo’y gumigiliw, sa pagmamalasakit ng dahil sa akin; ngayo’y inuusig at di pagitawin ng mga prayleng kaaway mong lihim. Sa bawat nasa mong kagaling-galingan, ayaw ng prayleng ako’y makinabang, sa mga anak ko’y ang ibig lamang isip ay bulagin, ang bibig ay takpan. Nang di maisigaw ang santong matuwid na laban sa madla nilang ninanais palibhasa'y wala silang iniisip kundi ang yumaman at magdaya ng dibdib. Sa pagpapalago ng kanilang yaman bendita't bendisyon lamang ang puhunan, induluhensiya't iba't ibang bahay ng mga sagrado naman ang kalakal. Sapagkat anumang bilhin sa kanila, kaya namamahal, dahil sa bendita, kahit anong gawin pag may halong kanta ay higit sa pagod ang hininging upa. Ibig ng simbaha't kumbentong marikit organo't kampana aranyang nagsabit; damasko't iba pa, datapwa't pawis ng bayan kukunin, mahirap mang kahit. Ani sa asyenda't kita sa simbahan sa minsang mapasok sa mga sisidlan ng mga kumbento'y di na malilitaw kaya naghihirap, balang masakupan. Ang dulo’y marami sa mga anak ko ang di makabayad sa mga impuwesto sa gayong katataas ng mga rekargo pagka’t kailangan naman ng estado. Sa bagay na iyan, ang mga mahirap na walang pagkunan ng dapat ibayad, sa takot sa Sibil, aalis ngang agad, iiwan ang baya’t tutunguhi’y gubat. Dito pipigain naman ang maiiwan, na di makalayo sa loob ng bayan, siyang pipiliting magbayad ng utang kahima’t wala ng sukat na pagkunan. Maghanapbuhay ma’y anong makikita wala nang salapi, ibayad ang iba pagkat naubos nang hititin ng kura sa pamamagitan ng piyesta’t iba pa. Sa limit ng mga piyesta’t mga kasayahan ay walang ginhawang napala ang bayan kundi ang maubos ang pinagsikapang sa buhay ng tao’y lalong kailangan. Ang kapalaluang paggugol ng pilak nang dahil sa pyesta ay di nag-aakyat sa langit, kundi ang santong pagliyag ng puso ang siya lamang hinahanap. Niyong an gating Amang hindi madadaya sa inam ng pyesta at lagi ang ganda, sapagkat ang ating gawang masasama ay di mangyayaring bayaran ng tuwa. Ibigin ang Diyos nang higit sa lahat at ito ang siyang lalong nararapat ngunit ang prayle’y walang hinahangad kungdi magpalalo’t ang baya’y maghirap.
  • 2. Ang pangako nila sa mga anak ko ay magbigay lamang sa mga kumbento ng kuwalta’y sa langit naman patutungo at ligtas sa madlang panganib sa mundo. Saka sasabihing ang kanilang aral ay utis ni Kristong dapat na igalang bago hindi’y gayo’t kauna-unahang lumalabag sila sa Poong Maykapal. Ang mga anak ko’y turuan nga lamang ng balak-balaking dapat matutuhan kahima’t maubos ang lahat ng yaman kikilanlin ko pang darakilang utang. Dapwa’y sa akin ang daya at pag-api ang siyang nakayang pawing iginanti, kaya hanggang ngayon sa ikabubuti ng kalagayan ko’y wala pang masabi. Gayunmay’y ako pa ang siyang masama kung aking idaing yaring pagkaaba, sarisaring dusa nama’y nagbabala sa balang dumamay sa aking pagluha. Yamang may hustisyang hindi humihibik kung dili sa balang ayon sa makatuwid sa di natutulog na awa ng langit ipauubaya yaring pagkaamis. Ngunit hindi kaya ngatngatin ng pula ng ibang potensya sa balat ng lupa ang kamahalan mo kung mapag-unawang sa anak ay inang tunay ang dumusta? Hanggang ditoina’t ang bahala’y ikaw dangal mo’y tanghalin ng sansinukuban ang pagkakasundo ng lahat mong kawal ay lumagi nawa sa kapayapaan. Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas ni Marcelo H. Del Pilar Puso ko’y nahambal ng aking marinig bunso, ang taghoy mo’t mapighating hibik, wala ka, anak kong, sariling hinagpis na hindi karamay ang in among ibig. Wala kang dalita, walang sa kahirapan na tinitiis kang di ko dinaramdam: ang buhay mo’y bunga niring pagmamahal, ang kadustaan mo’y aking kadustaan. Pagsilang mo, bunso, sa sangmaliwanag nang panahong ako’y di pa nagsasalat walang inadhika ang in among liyag kundi puspusin ka ng ginhawa’t galak. Sa awa ng langit ikaw ay sagana ng sukat iyamang malalagong lupa, lahat ng pananim wala mang alaga sa kaparangan mo’y tumutubong kusa. Ang tabako’t kape, palay, tina’t bulak abaka at tubo’y kailangang lahat, sa mga lupa mo’y tantong naggugubat itong sa sangmundo’y hirap mahagilap. Sarisaring kalap na sakdal ng tibay sakdal ng la-laki sa dikit ay sakdal; hindi makikita sa sangdaigdigan, ngunit sa budok mo’y nangagkalat lamang. Ang asupre’t tingga, ang tanso at bakal ang ginto at pilak ay nangahuhukay sa mga lupa mo’t sa dagatan nama’y sarisaring perlas ang matatagpuan. Tantong naliligid ang mga lupa mo ng dagat ng China’t dagat Pacifico balang mangangalakal sa buong sangmundo pawang naakit dumalaw sa iyo. Talaga nga manding ikaw ang hantungan ng sa ibang nasyong sinimpang puhunan; ikaw nga’t di iba dapat makinabang nang yaman sa iyo’y gawad ng Maykapal. Sa gayo’y kailangan mata mo’y mamulat isip ay gisingi’t nang makatalastas ng sukat asaliing ipagkakapalad sa buhay na ito’t nang di ka maghirap.
  • 3. Akong iyong ina’y taga-tupad bilang ng mga tadhana ng Poong Maykapal, ipinaiwi ka’t ang hangad ko lamang musmos na isip mo’y sakiting aralan. Ituro sa iyo ang utang na loob sa nagkakandiling maawaing Diyos; matuto ka namang sumamba’t umirog, puso mo sa kanya’y huwag makalimot. At para mo na ngang pasalamat bilang, makapagtanggol ka sa kapanahunan ng aring tinamo’t maapamahalaan tapat na paggamit ng santong katwiran. Ang tagapagturo’y pinakapili ko, hinirang sa lalong mabait na tao; ako’y nabighani’t umaasang totoo sa may sinumpaang mahigpit na boto. Ang lahat ng prayle ay may sinumpaan sa harap ng Diyos, na anaki’y tunay, na ito raw mundo’y kusang tatalikdan, kusang tumatangi sa lahat ng yaman. Saan di nga baga, bunsong ginigiliw; prayle ang siyang aking hihirangin na tagapag-iwi blang taga-tingin sa iyo’t nang di ka baga pagliluhin. Mahigit na ngayon tatlong daan taon na iniiwi kang prayle ang may kandong; katiwala akong sa gayong panahon ang isip mo’t yaman nama’y yumayabong. Katiwala akong nagpapanuto ka sa landas ng iyong sukat iginhawa; katiwala akong dangal mo’t ligaya ngayo’y tinatanghal na walang balisa. Tatlong sacerdote ang ipinabitay, bukod sa maraming pinahihirapan, at dili umano’y nakapipigil daw ng iyong ligaya, bunsong minamahal. Hindi ko inino’t ang buo kong asa ay pagmamasakit ang ginawa nila, sa pagkabuhay mo’t hindi ko napunang magdarayang udyok ng masamang pita. Sa abang-aba ko’t laking kamalian! laking pagkasawi! laking kadustahan! ng ipagpabaya sa kapahamakan, ang dapat mahaling usbong niring buhay. Ngayon ko nga lamang, bunso, natalastas na ang nangaaba at kinulang palad ay pawing mabait, pawing nagsisikap dangal ta’t katwira’y igalang ng lahat. Prayle’y napoot sa magandang nais ng sa ati’y tapat kung magmalasakit ngayon ko natanto, ngayon ko nabatid ang kandili niya’y bagkus panggagahis, Sa kayamanan mo’y sila ang sumamsam ngalan pa ng Diyos ang sinasangkalan at dinadaya kang di mo raw kakamtam ang langit kung hindi sila ang bayaran. Di ka raw titingnan ngMahal na Birhen kung di ka bumili ng sintas at kalmen; pag hindi mainam ang pagpapalibing ang harap ng Diyos, hindi sasapitin. Sa paniniwala ng mga anak mo, maraming naghirap, at nasa kombento ang kanilang yama’t sila’y ingkilino na namumuwisan sa paring natuto. Ang lupang nilawag at pinaghirapan ng magulang nila’t mga kanunuan ngayo’y asyenda na’t nahulog sa kamay ng hindi nagpagod at di namuhunan. Ang laki at higpit sa pana-panahon ng pagpapabuwis ay sulung ng sulong, makasingil lamang ay di nililingon hirap ng magsaka;t pawis na ginugol. Salapi at pagod ng nagsisibuwis ay walang katumbas kung di ang maghapis, tanghaling sagana ang hindi nagpawis, maibaon sa utang at tumangis-tangis. Ang lahat ng ito’y ninanais sana ng malagyang lunas ng sinta mong ina, ngunit paanhin ko, ngayo’y matanda na, hapo na sa hirap ako’t walang kaya.
  • 4. Ang mga balitang Legazpi’t Salcedo at iba’t iba pang inaasahan ko sa pagkakalinga ng tapat sa iyo, ngayon ay wala na’t inulila tayo. Sa nangangatirang ngao’y nabubuhay oo’t may mabait, bayani at paham; ngunit sia-sila’y nangag-iiringan di magkasundo sa anumang pakay. Sa ibig ng isa’y hahadlang ang iba, sa balang kuruin ay di magkaisa walang mangyayari tungol may halaga sa gayo’y paanong aasahan sila! Kaya kailangan bunsong iniirog, matutong magtiis iayon ang loob, sa madlang dalita, kung ayaw kumilos ang mga anak mo sa pagkakatulog. Mga taga-rine, Pransuay, Alemanya at iba pang nasyon ditto sa Europa ay nangaghirap din sa prayle ng una pawang nangday, pawa ring ginaga. Kanilang nasayod lahat ng hinagpis sa paniniwala’t maling pananalig, sa prayleng nagpanggap ng taong malinis na nagpakadukaha’t nag-anyong mabait. Bayan, palibhsang marunong mahabag, ay nahambal ngani sa nakitang hirap, ang prayle’y kinandong, pinuspos ng lingap, ang mga kumbento’y sumaganang lahat. Prayle’y hindi naman nagpapahalata daddaga’t dagdagan pag-aanyong aba, hindi napapansin lihim nilang banta na ang namamaya’y kanilang mapiga. Sapagkat ang prayle’y hindi kaparis nitong mga Paring itim kung manumit, ang prayle ay anak sa bundok at yungib ng mga magulang na napakagipit. Anak sa dalagita’y buong pagsasalat walang nalalamang gawaing paghahanap kaya kailangang tuyuin ang lahat upang manariwa ang sariling balat. Pag may mamatay na tila mayaman prayle ang aagap magpapakumpisal, at inuukilkil na ang pamanahan ng aring inumpok ay kumbento lamang. Hinlog, kamag-anak ay dapat limutin sa oras na iyon, siyang sasabihin, kalulwa’t yaman dapat na ihain sa prayle’t ng huwag impyerno’y sapitin. Ang lahat ng ito’y nadaragdagan pa ng bala-balaking panilo ng kuarta kalmen, sintas, kordon, palibing, pamisa, ay pawing pandukot sa maraming bulsa. Sa gayon nang gayo’y lumaki nga naman ang ari ng prayle’t naghirap ang bayan; mahalinhang bigla ng kapalaluan ang binalatkayong kababaang asal. Diyan na naninghal, diyan na nang-api buong kataksilan ang pangyayari, ang bawa’t pinuno sa prayle ang kampi baya’y namighati sa pagkaduhagi. Ganda ng babae, ang dunong ang yaman ay nagiging sanhi ng kapahamakan, walang sumaklolong may kapangyarihan sa kualita’t nayuko baras ng katwiran. Ang balang magsabi, ang balang mag-isip ng magpaaninaw ng santong matuwid, walang nararating kungdi ang maamis luha’y patuluin hanggang sa mainis. Sapagka’t ang balang mapaghinalaan na sa hangad nila’y di maaasahan ay ipapahuli at pararatangan ng salang dakila’t madlang kataksilan. At sa bilanggua’y agad kukulungin sa gutom at uhaw ay papipitiin, ang lamig ng lupa’y siyang babanigin ng sa kanyang baya’y natutuong gumiliw. Hindi tutulutang magtamong liwanag sa araw at gabi ay kahabag-habag kung hapong-hapo na sa gayong paghirap ay paaamining siya nga’y nagsukab.
  • 5. May ipinapangaw ang dalawang paa kamay at katawa’y gagapusin muna, saka tatapatan ang sakong ng baga hanggang di umamin sa paratang nila. At kung masunod na ang kanilang nasa umamin sa sala ang lipos-dalita tali nang kasunod, parusa’y ilalagda sa martir ng prayle’t mapapanganyaya. Ang parusa noo’y samsamin ang yaman Saka unti-unting alisan ng buhay; Idaraan muna sa isang simbahan Ang kinulang-palad . . . at saka sisigan. Sa gitna ng plasa ay may nakahanda na naglalalagablab na malaking siga, diyan igagatong sa harap ng madla ang sa kanyang baya’y ibig kumalinga. Taghoy ng sinigan at madlang kaharap luha ng magulang, hinlog, kamag-anak pagtangis ng madla ay walang katapat kundi ang sa prayleng tawa at halakhak. Yutang-yutang tao ang nanguuyam ng panahong yaon sa gayong paraan, ang payapa’t aliw noon ay pumanaw nalipos ng luksa libo-libong bayan. ang yaman nasamsam, buhay na nakitil ay di babahagya’t noo’y walng tigil, ang sipag ng pralye sa gawaing magtaksil. magsabog ng dusa, gutom at hilahil. Ano pa nga’t noon ay kulang na lamang Ang nangaulila’y magpapatiwakal; Niloob ng langit, nanangagsangguinian at nangagkaisang sila’y magdamayan. Diyata nga kaya, ang winika nila, at wala nang lunas sa ganitong dusa? diyata nga baga’t itong binabata sa inaanak nati’y ipapamana pa? Huwag magkagayo’t yayamang namalas, na sa daang ito’y nasubyang ang landas, ay hawanin nating, sakitin ng lahat, ilayo ang madla sa pagkapahamak. Lalaki’t, babae, matanda at bata, ngayo’y manalangin, sa langit paawa, ang santong matwid sa kusang dinusta ay ibangon nati’t Diyos ang bahala. Kanilang nilusob ang mga kombento, prayle’y inusig pinutlan ng ulo, ang balang makitang prayleng nakatakbo kung hindi barilin, kanilang binato. Higanti ng baya’y kakila-kilabot walang pagsiyahan ang kanilang poot, ang mga kombento’y kanilang sinunog inuring pugad ng masamang hayop. Prayle’y nanglalaban, ngunit lalin kaya sa galit ng bayan ang magiging kuta! ang payapang dagat, pasiyang nagbala ay walang bayaning makasasansala Yaong bayang supil, dating mahinahon, dating mapagtiis, at mapagpasahol, inunos ng dusa’t malalaking alon ng paghihiganti noo’y luminggatong. Walang nakapigil, walang nakasangga, palibhasa’y bayan ang magpaparusa ang mga pinuno’y nawalan ng kaya, umayon sa baya’t nang di mapag-isa. Kaya nga bunso ko’t magpahangga ngayon ang Prayleng lumakad sa kanilang nayon, kahit na bata ay nagsisipukol inu-using nilang parang asong ulol. Sa paraang ito, bunsong minamahal, ang dating dinusta’y makatighaw-tighaw; ang prayle’y lumayas, iniwan ang bayan at muling naghari ang kapayapaan. Ngunit hindi naman ako nagpapayo ang ganoong paraan baga’y asalin mo, ako’y walang sukat na maisaklolo, kaya katitii, magtiis, bunso ko. Walang natimawa sa pagka-duhagi, na di namumuhunan ng pamamayani; kung hindi mo kayang prayle’y iwaksi magtiis ka, irog, sa palad mong imbi.
  • 6. Ang mga anak mo’y nangagugupiling, sa dusting lagay mo’y di nahihilahil, magdarayang hibo ng kaaway na lihim siiyang diniringig, luha mo’y di pansin. Diyata ay sino ang dapat mag-adya sa iyo, bunso ko, kung hindi nga sila? kung sa mga anak mo’y di makaaasa, walang daan, irog, kundi ang magbata. Ang araw na sila’y magka-isang loob at mangagkagising sa pagkakatulog; ang araw na iyan, ang araw ng Diyos baya’y maniningil . . . Sino ang sasagot? Kailangan bunsong, sila’y mahirati sa pagmamasakit sa bayang sarili: Kay Rizal na librong pamagat ay Noli . . . huwag lilimuting ganito ang sabi: “Panaho’y matamis sa tinubuan bayan “at pawang panglugod ang balang matanaw, “ang simoy sa bukid ay panghatid buhay, “tapat ang pag-irog, subalit ang namatay.” Alinsunod dito’y aling hirap kaya ang sukat indahin sa pagka-kalinga, sa sariling baya’t upang matimawa, sa madlang pahirap at sumapayapa? Ang lahat mong anak, ginhawa’t dukha man, maging taga bukid, maging taga bayan, lalaki’t babae, pantas man at mangmang, santong matwid mo’y dapat ipatanghal. Walang iba, bunso, na dapat hiliin sila ng sa iyo’y tapat na pagtingin: ang pagpapabaya’y pananagutan din, sa harap ng Diyos sila’y sisisihin. Mapanglaw na sumpa ng Poong May-kapal, sa tamad na puso ay kalumbay-lumbay “kayong nagpabaya sa sariling bayan, “anya’y dapat naming Aking pabayaan!” Ilayo ng langit sa ganitong sumpa ang mga anak mo, bunsong minumutya: sa iyo’y matuto ng pagkakalinga matutong umampat ng iyong pagluha. Ito na nga lamang ang maisasagot ng salantang ina sa hibik mo, irog; sasakyan mo’y gipo, huwag matutulog ang mga anak mo’t masigwa sa laot.
  • 7. Katapusang Hibik ng Pilipinas ni Andres Bonifacio Sumikat na Ina sa sinisilangan ang araw ng poot ng Katagalugan, tatlong daang taong aming iningatan sa dagat ng dusa ng karalitaan. Walang isinuhay kaming iyong anak sa bagyong masasal ng dalita't hirap; iisa ang puso nitong Pilipinas at ikaw ay di na Ina naming lahat. Sa kapuwa Ina'y wala kang kaparis... ang layaw ng anak: dalita't pasakit; pag nagpatirapang sa iyo'y humibik, lunas na gamot mo ay kasakit-sakit. Gapusing mahigpit ang mga Tagalog, hinain sa sikad, kulata at suntok, makinahi't biting parang isang hayop; ito baga, Ina, ang iyong pag-irog? Ipabilanggo mo't sa dagat itapon; barilin, lasunin, nang kami'y malipol. Sa aming Tagalog, ito baga'y hatol Inang mahabagin, sa lahat ng kampon? Aming tinitiis hanggang sa mamatay; bangkay nang mistula'y ayaw pang tigilan, kaya kung ihulog sa mga libingan, linsad na ang buto't lumuray ang laman. Wala nang namamana itong Pilipinas na layaw sa Ina kundi pawang hirap; tiis ay pasulong, patente'y nagkalat, rekargo't impuwesto'y nagsala-salabat. Sarisaring silo sa ami'y inisip, kasabay ng utos na tuparing pilit, may sa alumbrado---kaya kaming tikis, kahit isang ilaw ay walang masilip. Ang lupa at buhay na tinatahanan, bukid at tubigang kalawak-lawakan, at gayon din pati ng mga halaman, sa paring Kastila ay binubuwisan. Bukod pa sa rito'y ang mga iba pa, huwag nang saysayin, O Inang Espanya, sunod kaming lahat hanggang may hininga, Tagalog di'y siyang minamasama pa. Ikaw nga, O Inang pabaya't sukaban, kami'y di na iyo saan man humanggan, ihanda mo, Ina, ang paglilibingan sa mawawakawak na maraming bangkay. Sa sangmaliwanag ngayon ay sasabog ang barila't kanyong katulad ay kulog, ang sigwang masasal sa dugong aagos ng kanilang bala na magpapamook. Di na kailangan sa iyo ng awa ng mga Tagalog, O Inang kuhila, paraiso namin ang kami'y mapuksa, langit mo naman ang kami'y madusta. Paalam na Ina, itong Pilipinas, paalam na Ina, itong nasa hirap, paalam, paalam, Inang walang habag, paalam na ngayon, katapusang tawag.