YUNIT II: ANG DAIGDIG SA KLASIKO AT
TRANSISIYONAL NA PANAHON
 Ang Klasikal na Europe
 Ang Kabihasnang Klasikal ng America
at Africa
 Ang daigdig sa Panahon ng Transisyon
SURI-RAWAN
G __ E__ C E
G R E E C E
KABIHASNANG MINOAN,
KABIHASNANG MYCENAEAN
AT
KABIHASNANG KLASIKAL
NG GREECE
MGA LAYUNIN
 Nasusuri ang mahahalagang
pangyayari sa Kabihasnang Greece
 Nakikita ang pagkakaiba ng Kabihasnang
Minoan, Mycenaean at Klasikal ng Gresya
 Nakikita ang pagkakaiba ng Sparta at
Athens
Ang Greece ay isang peninsula.
Bulubunduking lupain ito at
napapaligiran ng mga dagat na
nagsisilbing hangganan.
Sa kanluran ng bansa ay ang
Ionian Sea, at sa silangan naman
ay ang Aegean Sea. Ang Corinth
Gulf ang nagdurugtong sa halos
magkahiwalay na rehiyon ng
Peloponnesus at Attica.
Ang lupain ng Gresya ay mabato at bulubundukin. Ito ang
pangunahing naging sagabal sa mabilis na daloy ng
komunikasyon sa mga pamayanan. Naging mabagal ang
paglago ng mga kaisipan at teknolohiya. Subalit ito rin ang
naging dahilan upang ang bawat lungsod-estado ay
magkaroon ng kani-kanilang natatanging katangian na
nagpayaman sa kanilang kultura. Ang mainam na daungan
na bakapaligid sa Gresya ay nagbigay-daan sa maunlad na
kalakalang pandagat sa nanging dahilan ng kanilang
maunlad na kabuhayan.
Kabihasnang
Minoan
Kabihasnang Minoan
Ang sinaunang kabihasnang nabuo sa
Crete ay tinatawag na Minoan, hango sa
pangalan ng tanyag na hari ng pulo, si
Haring Minos. Ayon sa mga arkeologo, ito
ay nagsimula sa Crete mga 300 B. C.E. Ang
kabisera ng kabihasnang Minoan ay ang
Knossos, matatagpuan sa hilagang bahagi
ng pulo. Kilala ang mga Minoan bilang
mahuhusay gumamit ng metal at iba pang
teknolohiya. Nakatira sila sa mga bahay na
yari sa laryo (bricks) at may sistema sila ng
pagsulat. Magagaling din silang
mandaragat.
Kabihasnang Minoan
Noong 1899 nagsagawa si Sir Arthur
Evans, isang English na arkeologo, ng
paghuhukay sa Knossos. Ito ay isang matandang
lugar na binanggit ni Homer, ang bantog na
manunulat, sa kanyang mga akdang Iliad at
Odyssey. Natagpuan niya ang mga gumuhong
labi ng isang malaking palasyong yari sa makinis
na bato. Maraming palapag ang palasyo at ang
mga pasilyo nito ay tinutukuran ng mga haliging
kahoy. Ang mga hagdanan nito ay yari sa pino at
puting gypsum. Ang mga dingding ay
napaplamutian ng makukulay na fresco.
KABIHASNANG MINOAN
 Ang fresco ay larawang mabilisan subalit bihasang ipininta sa
mga dingding na basa ng plaster upang kumapit nang husto sa
pader ang mga pigment ng metal at mineral na oxide. Madalas
na inilalarawan nito ang ritwal na bull dancing.
 Ang sining sa paggawa ng palayok ay may karaniwang disenyo
ng mga bagay na nakikita sa kapaligiran tulad ng bulaklak at
disensyong pandagat.
 Unang nakagawa ng arena sa buong daigdig kung saan
nagsasagawa ng mga labanan sa boksing.
 May katibayan din na sila ay may sistema ng pagsulat,
kaalaman s apaghahabi at paggawa ng alahas at kagamitang
bronse o tanso
 May kaalaman sa paggawa ng daanan ng tubig, kasanayan sa
paggawa ng plotera, tela, pabango at pag-ukit ng pigurin.
Ambag sa Kabihasnan
Sanhi sa Pag-unlad at Pagbagsak
PAG-UNLAD PAGBAGSAK
Paglipas ng ilan pang taon na
tinatayang mula 1600 hanggang
1100 B. C.E., narating ng Crete ang
kanyang tugatog. Umunlad nang
husto ang kabuhayan dito dulot na
rin ng pakikipagkalakalan ng mga
Minoan sa Gitnang Silangan at sa
paligid ng Aegean. Dumurami ang
mga bayan at lungsod at ang
Knossos ang naging pinakamalaki.
 Ang sibilisasyong Minoans ay
tumagal hanggang mga 1400 B.
C.E. Nagwakas ito nang salakayin
ang Knossos ng mga
mananlakay(Mycenaean) na sumira
at nagwasak ng buong pamayanan.
Tulad ng inasahan ang iba pang
mga lungsod ng mga Minoan ay
bumagsak at isa-isang nawala.
 Malamit na pagputok ng bulkan
at paglindol ang bumura sa
sibilisasyon ng Minoans.
Kabihasnang
Mycenaean
Ang mga Mycenaean ay mga katutubo ng lugar sa paligid ng
Caspean Sea. Sila ay nakatira sa Peloponnesus.
Noong 1400 B. C.E., sinalakay nila ang Knossos at tinapos ang
paghahari ng Kabihasnang Minoan. Ang Mycenaea na
matatagpuan 16 kilometro ang layo sa aplaya ng Karagatang
Aegean ang naging sentro ng Sibilisasyong Mycenaean. Ang mga
lungsod dito ay pinag-ugnay ng maayos na daanan at tulay.
Napaliligiran ng makapal na pader ang lungsod upang magsilbing
pananggalang sa mga maaring lumusob dito. Sa loob ng pader na
ito ay ang palasyo ng hari. Bagamat walang naiwang mga
nakasulat na kasaysayan, ang pagsasalin-salin ng mga kwento ng
mga hari at bayaning Mycenaean ay lumaganap. Ang mga
kwentong ito ay nag-ugnay sa mga tao at sa mga diyos-diyosan.
Ito ang sinasabing naging batayan ng mitolohiyang Griyego.
Bahagi ng Kabihasnang Aegean ang Asia
Minor. Ang Troy ay lungsod na
matatagpuan sa Asia Minor (Turkey) malapit
sa Hellespoint. Yumaman at naging
makapangyarihan ang Troy dahil sa
lokasyon nito. Ang Troy ang pangunahing
katunggali ng Mycenaea na sa kalaunan ay
bumagsak din sa kamay ng mga Mycenaea.
Ang pagkabihag ng Troy ay ikinuwento ni
Homer sa Iliad. Si Homer ay isang bulag na
makata sa nabuhay noong ikawalong siglo
sa Asia Minor. Ang Iliad ay isang epiko ng
naganap na labanan at umiiinog sa kwento
ni Achilles, isang mandirigmang Greek, at ni
Hector, isang prinsipeng Trojan.
KABIHASNANG MYCENAEAN
 Ang kulturang Mycenaean ay mayaman at
maunlad na pinatutunayan ng kanilang mga
maskara, palamuti at sandata na yari sag into.
 Batay sa natuklasan si Sir Arthur Evans, tulad
ng mga Minoan, ang mga Mycenaean ay may
sariling sistema ng pagsulat.
 May paniniwala sa isang makapangyarihang
diyos, si Zeus, na naghahari sa isang pamilya ng
mga diyos at diyosa.
AMBAG SA KABIHASNAN
Sanhi sa Pag-unlad at Pagbagsak
PAG-UNLAD PAGBAGSAK
 Pagdating ng 1400 B.C.E., isa ng
napakalakas na mandaragat ang mga
Mycenaean at ito ay nalubos ng
masakop at magupo nila ang Crete.
Ipinagpatuloy nila ang kalakalan ng
Crete sa Aegean Sea at dahil dito
yumaman at naging makapangyarihan
sila.
 Humina ang Mycenaean ng manirahan
sa Peloponnesus ang mga Dorian.
 Nagkaroon ng pakikipaglaban at
digaman isa’t-isa.
 Noong 1100 B.C.E., bumagsak ang
Sibilisasyong Mycenaean. Tinawag
itong Dark Age o madilim na panahon
na tumagal ng halos 300 taon. Natigil
ang kalakalan at pagsasaka at natigil
din ang mga gawaing sining. Isa sa
pangkat ng tao na gumupo sa
Mycenaean ay kinilalang mga Dorian.
KABIHASNANG KLASIKAL NG
GREECE
Ang tawag ng mga Greek sa kanilang sarili ay Hellenes. Ito ay
hango sa salitang Hellas, na tumutukoy sa kabuoang lupain ng
sinaunang Greece. Ang panahon ng kasikatan ng Kabihasnang Greek
hanggang sa pagtatapos nito noong 338 B.C.E., ay kadalasang tinatawag
na Panahong Hellenic. Narito ang ilan sa mahahalagang bahagi ng
lungsod-estado sa Kabihasnang Greek:
Ang polis o lungsod-
estado ay ang mga
unang pamayanan sa
Greece. Karaniwang
binubuo ng 5000 na
kalalakihan dahil noon
ay sila lamang ang
nailalagay sa opisyal na
talaan ng populasyon
ng lungsod-estado.
Ang acropolis ay tawag
sa pinakamataas na
lugar sa lungsod-
estado. Dito
matatagpuan ang mga
matatayog na palasyo
at temple kaya ito ang
naging sentro ng
pulitika at relihiyon ng
mga Griyego.
Ang agora o
pamilihang bayan
na nasa gitna ng
lungsod ay isang
bukas na lugar kung
saan maaring
magtinda o
magtipun-tipon
angmga tao.
 Dalawang malakas na lungsod-estado ang naging
tanyag- ang Athens at Sparta. Naging sentro ng
kalakalan at kultura sa Greece ang Athens.
 Sinakop naman ng Sparta ang mga karatig rehiyon
nito. Oligarkiya or oligarchy ang uri ng
pamahalaan dito kung saan binubuo ito ng isang
lupon ng mga dugong bughaw upang palitan ang hari.
Sa mga lungsod-estado ang mga lehitimong
mamamayan ay binigyang karapatang bumoto,
magkaroon ng ari-arian, humawak ng posisyon sa
pamahalaan, at ipagtanggol ang sarili sa mga korte.
Bilang kapalit, sila ay dapat na makilahok sa
pamahalaan at tumutlong sa pagtatanggol sa mga
polis sa panahon ng digmaan.
Ang Athens ay tinaguriang demokratikong polis. Dahil sa direktang kabahagi ang mga
taga-Athens sa pagpili ng kinatawan at maari rin silang manungkulan, direct democracy
ang ipinatupad ng Athens. Subalit hindi kabahagi sa demokrasya ng Athens ang mga
babae at banyaga. Ang mga sumusunod na pinuno ang nagpapalawig ng democracy o
pamahalaan ng nakararami sa Athens:
Solon Inalis niya ang mga pagkakautang ng mga mahihirap at
ginawang ilegal ang pagkaalipin nang dahil sa utang.
Pisistratus Ipinagtanggol ang katayuan ng mahihirap at
ipinamahagi ang mga lupain at ari-arian ng mayyaman
na mahihirap at walang lupa.
Cleisthenes Sinimulan ang ostracism o sistema kung saan
pinahihintulutan ang mga mamamayan na palayasin
ang sinumang opisyal na sa kanilang paniniwala ay
mapanganib para sa Athens.
Pericles Sa kanyang panahon naranasan ng Athens ang tugatog
ng demokrasya. Itinaguyod niya ang pag-upo sa opisina
ng pamahalaan ng mga karaniwang mamamayan.
ATHENS
Ang Sparta ay isang mandirigmang polis.
Nanatili itong isang oligarkiya at isang estadong
mandirigma. Sa lahat ng mga lungsod-estado, ang
Sparta lamang ang hindi umasa sa kalakalan. Ito ay
may magandang klima, sapat na patubig at
matabang lupa na angkop sa pagsasaka. Pinalawak
ng mga taga-Sparta ang kanilang lupain sa
pamamagitan ng pananakop ng mga karatig na
lupang sakahan at pangangamkam nito. Ang mga
magsasaka mula sa nasakop na mga lugar ay dinala
nila sa Sparta upang maging mga helot o tagasaka sa
malawak nilang lupang sakahan.
SPARTA
Ang pangunahing layunin ng Sparta ay
lumikha ng magagaling na sundalo sa pamamagitan
ng mga sumusunod:
 Ang mga bagong silang na sanggol ay sinusuri. Ang
mahinang bata at may kapansanan at hinahayaang mamatay.
Tanging ang malalakas at malulusog na sanggol lamang ang
pinapayagang mabuhay.
 Pitong (7) taon – ang mga batang lalaki ay dinadala sa mga
kampo-militar upang sumailalim sa mahigpit na disiplina at
sanayin sa pakikipaglaban.
 Dalawampung (20) taon – ang mga Kabataang lalaki ay
magiging sundalong mamamayan at ipinapadala na sa mga
hangganan ng labanan.
 Tatlumpung (30) taon- maaari na silang mag-asawa ngunit
dapat na kumain at manirahan pa rin sa kampo, kung saan
hahati na sila sa gastos.
 Animnapung (60) taon – sila ay maari nang magretiro sa
hukbo.
SPARTA
1. Isang English na arkeologo na nagsagawa paghuhukay
sa Knossos.
2. Sinaunang kabihasnang nabuo sa Crete hango sa
pangalan ng tanyag na hari ng pulo, si Haring Minos.
3. Anong dalawang malakas na lungsod-estado ang naging
tanyag sa Greece.
Kilalanin Mo!
Tukuyin kung ano at sino ang binabanggit ng
pangungusap.
DIGMAANG KINASANGKUTAN
NG GREECE
Digmaang Persian:
Digmaang Marathon
Digmaan sa
Thermopylae
Digmaan sa Salamis
Digmaang
Peloponnesian
DIGMAANG PERSIAN
DIGMAAN SANHI BUNGA
DIGMAANG PERSIAN:
Digmaang Marathon
Digmaan sa
Thermopylae
-Pagsalakay ng Persia sa Greece
sa pamumuno ni Darius,
tagapagmana ni Cyprus the
Great, na naganap sa
Marathon, isang kapatagan sa
hilagang-silangan ng Athens.
-Isang madugong labanan sa
pagitan ni Xerxes (Persia) at ni
Leonidas (Sparta) na naganap
sa Thermopylae, isang makipot
na daanan sa gilid ng bundok
at ng silangang baybayin ng
Central Greece.
-Tinalo ng 10,000 puwersa ng
Athens ang humigit-kumulang na
25, 000 puwersa ng Persia
-Ipinagkanulo ng isang
Greek ang lihim sa daanan
patungo sa kampo ng mga
Greek kaya natalo ang
puwersa ni Leonidas.
DIGMAAN SANHI BUNGA
DIGMAANG
PERSIAN:
Digmaan sa
Salamis
Sinalakay at sinakop ni
Xerxes ang Athens. Ang
mga Greek ay
pinamumunuan ni
Themistocles sa labanan
sa dalampasigan ng
pulo ng Salamis kung
saan ang dagat ay
makipot kaya nahirapan
ang puwersa ng Persia
na iwasan ang mga pag-
atake ng maliliit na
barko ng Athens.
Natalo ang plota ni
Xerxes ng maliliit na
barko ng Athens na
pilit binabangga ang
mga ito hanggang sa
mabutas at isa-isang
lumubog.
-
Digmaang Peloponnesian
SANHI BUNGA
Ang Athens ang namuno sa naitatag
na Delian League at sa pamumuno ni
Pericles naging isang imperyo ito.
Ngunit hindi lahat ng lungsod-estado
ay sumang-ayon sa ginawa ng Athens
na pagkontrol sa Delian League kaya
ang ilan sa mga lungsod-estado na
kasapi tulad ng Sparta at Corinth ay
nagtatag ng alyansa sa pamumuno ng
Sparta at tiwawag itong Peloponnesian
League. Pagsapit ng 431 BCE, nilusob
ng Sparta ang karatig pook ng Athens
sa naging simula ng Digmaang
Peloponnesian.
Tumagal ng 9 taon ang digmaang ito
bago tuluyang sumuko ang Athens
noong 404 BCE. Nawala ang
kapangyarihan ng Athens.
Ang dalawampu’t pitong Digmaan ng
Peloponnesian ay isang malaking
trahedya para sa Gresya. Nagkaroon
ng malawakang pagkawasak ng ari-
arian at pagkamatay ng mga tao.
Lumala ang suliranin sa kawalan ng
hanapbuhay, pagtaas ng presyo ng
bilihin at kakulangan sa pagkain.
PAMANA NG KABIHASNANG
GREECE
MAHAHALAGANG
TAO
SA LARANGAN NG
ARKITEKTURA
SA LARANGAN NG
PANANAMPALATAYA
PAMANA NG KABIHASNANG
GREECE
Sa panahong Hellenic ang pag-unlad ng
kabihasnan ay nakapaloob lamang sa Greece. Sa
panahong Hellenistic, kumalat ang kabihasnang Greek
sa halos lahat ng kilalang bahagi ng daigdig.
Pinalaganap ni Alexander the Great, ang pinuno ng
Imperyong Macedonia, ang Kabihasnang Hellenistic, ito
ang pinagsamang Asyano at Greek.
MAHAHALAGANG
TAO
MAHALAGANAG
TAO
LARANGAN AMBAG O PANGUNAHING TUKLAS
Plato Pilosopiya May akda ng “The Republic” kung
saan inilarawan niya ang isang ideyal
na estado
Aristotle Pilosopiya May akda ng “ Politics”, kung saan
tinalakay ang iba-‘t-ibang uri ng
pamahalaan
Socrates Pilosopiya Ayon sa kanya”The unxemined life is
not worth living” at “know thyself”
Herodotus Kasaysayan Ama ng Kasaysayan
Hippocrates Medisina “Ama ng Medisina”
Euclid Agham “Ama ng Geometry”
Phidias Pilosopiya Obra maestra ng estatwa ni Athena sa
Parthenon at ni Zeus sa Olympia
Herophilus Medisina “Ama ng Anatomy”
SA LARANGAN NG ARKITEKTURA
 Parthenon- isang marmol na temple sa Acropolis
sa Athens. Ito ay inalay sa diyosanng si Athena sa
itinuturing ng mamamayan na kanilang patron.
Itinuturing itong simbolo ng Sinaunnag Gresya,
Demokrasyang Ateniano, Kabihasnang Kanluranin
at isa pinakadakilang monumentong pangkultura.
 Tatlong istilo ng haligi: Doric- ang pinakapayak,
Ionic- mas payat ang haligi at napapalamutian ng
mga scroll, at Corinthian- pinakamagarbong
dekorasyon sa lahat.
SA LARANGAN NG PANANAMPALATAYA
 Tradisyonal na pagsamba sa iba’t-ibang
Diyos ng langit
 Paniniwala n mga Greek na sa Mount
Olympus naninirahan ang mga diyos at
diyosa at maaaring pasayahin ang Diyos
sa pag-aalay ng hayop at pagkain bilang
sakripisyo at paglalagay ng palamuti sa
templo.
 Pinarurusahan ng mga diyos ang tao sa
pamamgitan ng taggutom, lindol, sakit at
pagkatalo sa digmaan.
NA GAWAIN 2.1.A
Personalidad Mahalagang Ambag Kabuluhan
Halimbawa:
Hippocrates
Nagbigay kaalaman sa
makabagong medisina
sa sinaunang Greece
at tinaguriang “Ama ng
Medisina”
Nakatulong nang malaki sa
larangan ng medisina sa
kasalukuyan ang kanyang pag-
aaral at ambag
1. Aristotle
2. Socrates
3. Herodotus
4. Euclid
5. Plato
Kompletuhin ang data retrieval chart. Ibigay ang mahahalagang ambag
ng mga personalidad at ang kabuluhan o kahalagahan nito.
NA GAWAIN 2.1 B
SPARTA ATHENS
Isulat sa loob ng Venn diagram ang pagkakaiba at pagkakatulad ng
Sparta at Athens.
Kabihasnang minoan-at-kabihasnang-mycenaean-copy

More Related Content

PPT
Kabihasnang minoan at mycnean 2013
PPTX
Ang Sibilisasyong Minoan at Mycenaean
PPTX
PPTX
Sparta
PPTX
Kabihasnang Greek
PPTX
Ang kabihasnang Greece
PPT
Athens And Sparta
PPTX
KABIHASNANG MINOAN AT MYCENAEAN EDITED.pptx
Kabihasnang minoan at mycnean 2013
Ang Sibilisasyong Minoan at Mycenaean
Sparta
Kabihasnang Greek
Ang kabihasnang Greece
Athens And Sparta
KABIHASNANG MINOAN AT MYCENAEAN EDITED.pptx

What's hot (20)

PPTX
Pag- usbong ng Klasikal na Kabihasnan (Greece)
PPTX
Kabihasnang minoan
PPTX
Mga emperador ng roma
PPTX
Kabihasnang Greek (Panahong Hellenic)
PPTX
Ang Kabihasnang Greek
PPTX
Athens at Sparta
PPTX
Kabihasnang Roman
PPTX
Athens at ang Pag-unlad Nito
PPTX
Kabihasnang Minoan
PPTX
PPT
Ang Roma
PPTX
Kabihasnang Roman (Sinauna, Republika, Imperyo)
PPTX
Sinaunang Kabihasnan ng Gresya o Greece
PPTX
Klasikal na kabihasnan ng greece at rome
PPTX
Kabihasnang minoan at mycenean
PPTX
Kabihasnang Minoan at Mycenaean
PPTX
Mga sinaunang at klasikong kabihasnan ng amerika
PPTX
KABIHASNANG MYCENAEAN AT DORIAN
PPTX
AP III - Ang mga Kabihasnan sa Amerika
PPTX
Kabihasnang Mycenaean
Pag- usbong ng Klasikal na Kabihasnan (Greece)
Kabihasnang minoan
Mga emperador ng roma
Kabihasnang Greek (Panahong Hellenic)
Ang Kabihasnang Greek
Athens at Sparta
Kabihasnang Roman
Athens at ang Pag-unlad Nito
Kabihasnang Minoan
Ang Roma
Kabihasnang Roman (Sinauna, Republika, Imperyo)
Sinaunang Kabihasnan ng Gresya o Greece
Klasikal na kabihasnan ng greece at rome
Kabihasnang minoan at mycenean
Kabihasnang Minoan at Mycenaean
Mga sinaunang at klasikong kabihasnan ng amerika
KABIHASNANG MYCENAEAN AT DORIAN
AP III - Ang mga Kabihasnan sa Amerika
Kabihasnang Mycenaean
Ad

Similar to Kabihasnang minoan-at-kabihasnang-mycenaean-copy (20)

PPTX
europa sa panahong klasikal.pptx
PPTX
G8_M1_Q2_PPT(minoan_mycenaean_greece).pptx
PPTX
mga isyung panggawa, isyu ng pag gawa, kontemporariyung isyu
PPTX
Module 1 Quarter 2-With quiz.pptx
PPTX
Modyul2 angdaigdigsaklasikalattransisyunalnapanahon-140807210600-phpapp01
PPTX
Presentationfkffkmffmfmfmfmmfmfnxnxnxnmxxmxmx
PPTX
ap8Quarter 2 – Leksyon 1.pptx kabihasnang minoan at mycenean at klasikal ng k...
PPTX
Q2_AP8-LESSON 3.pptx
PPTX
ang HEOGRAPIYA NG GREECE at ang mga kabihasnan.pptx
PPTX
NASUSURI ANG KABIHASNANG MINOAN, MYCENEAN AT KABIHASNANG.pptx
PPTX
Modyul 2 ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon
PPTX
Ang kabihasnang Griyego.pptx
PPTX
YUNIT 2 Aralin 1 pag-usbong-at-pag-unlad-ng-mga-klasikal-na-lipunan-.pptx
PPTX
Araling Panlipunan 8- Quarter 2 modules.
PPTX
512424433-ARALIN-4-PAG-USBONG-AT-PAG-UNALAD-NG-KLASIKAL-NA-LIPUNAN-SA-GREECE....
PPTX
Kabihasnan sa Gresya- Araling Panlipunan
PPTX
Ang_Kabihasnang_Griyego_ARALING PANLIPUNAN 8.pptx
PPTX
AP8 Q2 Week 1 Kabihasnang Minoan, Mycenaean at Klasikal ng Greece.pptx
PPTX
AP8 Q2 Week 1 Kabihasnang Minoan, Mycenaean at Klasikal ng Greece.pptx
PPTX
Ang Sinaunang Gresya (Araling Panlipunan III)
europa sa panahong klasikal.pptx
G8_M1_Q2_PPT(minoan_mycenaean_greece).pptx
mga isyung panggawa, isyu ng pag gawa, kontemporariyung isyu
Module 1 Quarter 2-With quiz.pptx
Modyul2 angdaigdigsaklasikalattransisyunalnapanahon-140807210600-phpapp01
Presentationfkffkmffmfmfmfmmfmfnxnxnxnmxxmxmx
ap8Quarter 2 – Leksyon 1.pptx kabihasnang minoan at mycenean at klasikal ng k...
Q2_AP8-LESSON 3.pptx
ang HEOGRAPIYA NG GREECE at ang mga kabihasnan.pptx
NASUSURI ANG KABIHASNANG MINOAN, MYCENEAN AT KABIHASNANG.pptx
Modyul 2 ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon
Ang kabihasnang Griyego.pptx
YUNIT 2 Aralin 1 pag-usbong-at-pag-unlad-ng-mga-klasikal-na-lipunan-.pptx
Araling Panlipunan 8- Quarter 2 modules.
512424433-ARALIN-4-PAG-USBONG-AT-PAG-UNALAD-NG-KLASIKAL-NA-LIPUNAN-SA-GREECE....
Kabihasnan sa Gresya- Araling Panlipunan
Ang_Kabihasnang_Griyego_ARALING PANLIPUNAN 8.pptx
AP8 Q2 Week 1 Kabihasnang Minoan, Mycenaean at Klasikal ng Greece.pptx
AP8 Q2 Week 1 Kabihasnang Minoan, Mycenaean at Klasikal ng Greece.pptx
Ang Sinaunang Gresya (Araling Panlipunan III)
Ad

More from ReyesErica1 (20)

DOCX
Human resources-management-final
DOCX
World history-semis-trans
PPTX
The balkan-problem-and-the-ottoman-empire.-coronel-jayson-c.
DOCX
Ttl 2-transcript-prelims
PDF
Curriculum
DOCX
Hrm job-analysis
DOCX
Growth of-the-united-states
PPTX
Internal sources-of-social-change.
DOCX
Integrative methods-semi-topics
PPTX
Hrm chptr-7
DOCX
Social networking-semis-trans
DOCX
Integrative methods-semis-trans (1)
DOCX
Social networking-for-social-integration-prelim-transcript
DOCX
Worldhistory finals-trans1
DOCX
Social networking-finals-trans
PPTX
Sali ako-kaibigan-buuin-natin-ang-matatag-na-lipunan
PPTX
Alexander the-great
PDF
Unang takdang-pagsusulit-sa-edukasyon-sa-pagpapakatao-8-converted
DOCX
Exam ap
PPTX
Aralin ii-supply
Human resources-management-final
World history-semis-trans
The balkan-problem-and-the-ottoman-empire.-coronel-jayson-c.
Ttl 2-transcript-prelims
Curriculum
Hrm job-analysis
Growth of-the-united-states
Internal sources-of-social-change.
Integrative methods-semi-topics
Hrm chptr-7
Social networking-semis-trans
Integrative methods-semis-trans (1)
Social networking-for-social-integration-prelim-transcript
Worldhistory finals-trans1
Social networking-finals-trans
Sali ako-kaibigan-buuin-natin-ang-matatag-na-lipunan
Alexander the-great
Unang takdang-pagsusulit-sa-edukasyon-sa-pagpapakatao-8-converted
Exam ap
Aralin ii-supply

Recently uploaded (20)

PPTX
module-3sinaunang-kasaysayan-ng-timog-silangang-asyagr-7-ksdqho-240925211020-...
PDF
Araling Panlipunan First Quarter Lesson 1 - Lipunan
PPT
week1-wikang-pambansa-opisyal-at-panturo-220825055728-f8f29bba.ppt
PPTX
Sanaysaymulasagreece_086785677(51030.pptx
PPTX
Uri, Kailanan, at Kasarian ng Pangngalan (1).pptx
PPTX
Phatic, Emotive, at Expressive na Gamit ng Wika
PPTX
ORYENTASYON NG KURSO PANITIKAN....................pptx
PPTX
GR 6-AP-WK 1-QTR 2 Nasusuri ang uri ng pamahalaan patakarang ipinatupad sa pa...
PPTX
ARPAN PPT.pptx Social Studies Reading on Philippine History
PPTX
18._Reformasyon_at_Kontra_Reformasyon_.pptx
PPTX
424651512-Sa-Panahon-Ng-Amerikano.pptxss
PPTX
G6-EPP L1.pptx..........................
PPTX
Identification_Questions_Resilience_No_Answers.pptx
PPTX
KONSEPTO NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO.pptx
PPTX
EsP Quarter1 Module1 powerpoint presentation
PPTX
Kahalagahan_ng_Pagkonsumo_Ekonomiks9.pptx
PPTX
Values Education7Quarter2 kasunduan.pptx
PPTX
2. MAKABANSA- KASAYSAYAN NG PASIG-PASAY.pptx
PDF
Q1_LE_Values Education 8_Lesson 7_Week 7.pdf
PPTX
KITABUHAYAN a Financial Literacy Training
module-3sinaunang-kasaysayan-ng-timog-silangang-asyagr-7-ksdqho-240925211020-...
Araling Panlipunan First Quarter Lesson 1 - Lipunan
week1-wikang-pambansa-opisyal-at-panturo-220825055728-f8f29bba.ppt
Sanaysaymulasagreece_086785677(51030.pptx
Uri, Kailanan, at Kasarian ng Pangngalan (1).pptx
Phatic, Emotive, at Expressive na Gamit ng Wika
ORYENTASYON NG KURSO PANITIKAN....................pptx
GR 6-AP-WK 1-QTR 2 Nasusuri ang uri ng pamahalaan patakarang ipinatupad sa pa...
ARPAN PPT.pptx Social Studies Reading on Philippine History
18._Reformasyon_at_Kontra_Reformasyon_.pptx
424651512-Sa-Panahon-Ng-Amerikano.pptxss
G6-EPP L1.pptx..........................
Identification_Questions_Resilience_No_Answers.pptx
KONSEPTO NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO.pptx
EsP Quarter1 Module1 powerpoint presentation
Kahalagahan_ng_Pagkonsumo_Ekonomiks9.pptx
Values Education7Quarter2 kasunduan.pptx
2. MAKABANSA- KASAYSAYAN NG PASIG-PASAY.pptx
Q1_LE_Values Education 8_Lesson 7_Week 7.pdf
KITABUHAYAN a Financial Literacy Training

Kabihasnang minoan-at-kabihasnang-mycenaean-copy

  • 1. YUNIT II: ANG DAIGDIG SA KLASIKO AT TRANSISIYONAL NA PANAHON  Ang Klasikal na Europe  Ang Kabihasnang Klasikal ng America at Africa  Ang daigdig sa Panahon ng Transisyon
  • 2. SURI-RAWAN G __ E__ C E G R E E C E
  • 4. MGA LAYUNIN  Nasusuri ang mahahalagang pangyayari sa Kabihasnang Greece  Nakikita ang pagkakaiba ng Kabihasnang Minoan, Mycenaean at Klasikal ng Gresya  Nakikita ang pagkakaiba ng Sparta at Athens
  • 5. Ang Greece ay isang peninsula. Bulubunduking lupain ito at napapaligiran ng mga dagat na nagsisilbing hangganan. Sa kanluran ng bansa ay ang Ionian Sea, at sa silangan naman ay ang Aegean Sea. Ang Corinth Gulf ang nagdurugtong sa halos magkahiwalay na rehiyon ng Peloponnesus at Attica.
  • 6. Ang lupain ng Gresya ay mabato at bulubundukin. Ito ang pangunahing naging sagabal sa mabilis na daloy ng komunikasyon sa mga pamayanan. Naging mabagal ang paglago ng mga kaisipan at teknolohiya. Subalit ito rin ang naging dahilan upang ang bawat lungsod-estado ay magkaroon ng kani-kanilang natatanging katangian na nagpayaman sa kanilang kultura. Ang mainam na daungan na bakapaligid sa Gresya ay nagbigay-daan sa maunlad na kalakalang pandagat sa nanging dahilan ng kanilang maunlad na kabuhayan.
  • 8. Kabihasnang Minoan Ang sinaunang kabihasnang nabuo sa Crete ay tinatawag na Minoan, hango sa pangalan ng tanyag na hari ng pulo, si Haring Minos. Ayon sa mga arkeologo, ito ay nagsimula sa Crete mga 300 B. C.E. Ang kabisera ng kabihasnang Minoan ay ang Knossos, matatagpuan sa hilagang bahagi ng pulo. Kilala ang mga Minoan bilang mahuhusay gumamit ng metal at iba pang teknolohiya. Nakatira sila sa mga bahay na yari sa laryo (bricks) at may sistema sila ng pagsulat. Magagaling din silang mandaragat.
  • 9. Kabihasnang Minoan Noong 1899 nagsagawa si Sir Arthur Evans, isang English na arkeologo, ng paghuhukay sa Knossos. Ito ay isang matandang lugar na binanggit ni Homer, ang bantog na manunulat, sa kanyang mga akdang Iliad at Odyssey. Natagpuan niya ang mga gumuhong labi ng isang malaking palasyong yari sa makinis na bato. Maraming palapag ang palasyo at ang mga pasilyo nito ay tinutukuran ng mga haliging kahoy. Ang mga hagdanan nito ay yari sa pino at puting gypsum. Ang mga dingding ay napaplamutian ng makukulay na fresco.
  • 10. KABIHASNANG MINOAN  Ang fresco ay larawang mabilisan subalit bihasang ipininta sa mga dingding na basa ng plaster upang kumapit nang husto sa pader ang mga pigment ng metal at mineral na oxide. Madalas na inilalarawan nito ang ritwal na bull dancing.  Ang sining sa paggawa ng palayok ay may karaniwang disenyo ng mga bagay na nakikita sa kapaligiran tulad ng bulaklak at disensyong pandagat.  Unang nakagawa ng arena sa buong daigdig kung saan nagsasagawa ng mga labanan sa boksing.  May katibayan din na sila ay may sistema ng pagsulat, kaalaman s apaghahabi at paggawa ng alahas at kagamitang bronse o tanso  May kaalaman sa paggawa ng daanan ng tubig, kasanayan sa paggawa ng plotera, tela, pabango at pag-ukit ng pigurin. Ambag sa Kabihasnan
  • 11. Sanhi sa Pag-unlad at Pagbagsak PAG-UNLAD PAGBAGSAK Paglipas ng ilan pang taon na tinatayang mula 1600 hanggang 1100 B. C.E., narating ng Crete ang kanyang tugatog. Umunlad nang husto ang kabuhayan dito dulot na rin ng pakikipagkalakalan ng mga Minoan sa Gitnang Silangan at sa paligid ng Aegean. Dumurami ang mga bayan at lungsod at ang Knossos ang naging pinakamalaki.  Ang sibilisasyong Minoans ay tumagal hanggang mga 1400 B. C.E. Nagwakas ito nang salakayin ang Knossos ng mga mananlakay(Mycenaean) na sumira at nagwasak ng buong pamayanan. Tulad ng inasahan ang iba pang mga lungsod ng mga Minoan ay bumagsak at isa-isang nawala.  Malamit na pagputok ng bulkan at paglindol ang bumura sa sibilisasyon ng Minoans.
  • 13. Ang mga Mycenaean ay mga katutubo ng lugar sa paligid ng Caspean Sea. Sila ay nakatira sa Peloponnesus. Noong 1400 B. C.E., sinalakay nila ang Knossos at tinapos ang paghahari ng Kabihasnang Minoan. Ang Mycenaea na matatagpuan 16 kilometro ang layo sa aplaya ng Karagatang Aegean ang naging sentro ng Sibilisasyong Mycenaean. Ang mga lungsod dito ay pinag-ugnay ng maayos na daanan at tulay. Napaliligiran ng makapal na pader ang lungsod upang magsilbing pananggalang sa mga maaring lumusob dito. Sa loob ng pader na ito ay ang palasyo ng hari. Bagamat walang naiwang mga nakasulat na kasaysayan, ang pagsasalin-salin ng mga kwento ng mga hari at bayaning Mycenaean ay lumaganap. Ang mga kwentong ito ay nag-ugnay sa mga tao at sa mga diyos-diyosan. Ito ang sinasabing naging batayan ng mitolohiyang Griyego.
  • 14. Bahagi ng Kabihasnang Aegean ang Asia Minor. Ang Troy ay lungsod na matatagpuan sa Asia Minor (Turkey) malapit sa Hellespoint. Yumaman at naging makapangyarihan ang Troy dahil sa lokasyon nito. Ang Troy ang pangunahing katunggali ng Mycenaea na sa kalaunan ay bumagsak din sa kamay ng mga Mycenaea. Ang pagkabihag ng Troy ay ikinuwento ni Homer sa Iliad. Si Homer ay isang bulag na makata sa nabuhay noong ikawalong siglo sa Asia Minor. Ang Iliad ay isang epiko ng naganap na labanan at umiiinog sa kwento ni Achilles, isang mandirigmang Greek, at ni Hector, isang prinsipeng Trojan.
  • 15. KABIHASNANG MYCENAEAN  Ang kulturang Mycenaean ay mayaman at maunlad na pinatutunayan ng kanilang mga maskara, palamuti at sandata na yari sag into.  Batay sa natuklasan si Sir Arthur Evans, tulad ng mga Minoan, ang mga Mycenaean ay may sariling sistema ng pagsulat.  May paniniwala sa isang makapangyarihang diyos, si Zeus, na naghahari sa isang pamilya ng mga diyos at diyosa. AMBAG SA KABIHASNAN
  • 16. Sanhi sa Pag-unlad at Pagbagsak PAG-UNLAD PAGBAGSAK  Pagdating ng 1400 B.C.E., isa ng napakalakas na mandaragat ang mga Mycenaean at ito ay nalubos ng masakop at magupo nila ang Crete. Ipinagpatuloy nila ang kalakalan ng Crete sa Aegean Sea at dahil dito yumaman at naging makapangyarihan sila.  Humina ang Mycenaean ng manirahan sa Peloponnesus ang mga Dorian.  Nagkaroon ng pakikipaglaban at digaman isa’t-isa.  Noong 1100 B.C.E., bumagsak ang Sibilisasyong Mycenaean. Tinawag itong Dark Age o madilim na panahon na tumagal ng halos 300 taon. Natigil ang kalakalan at pagsasaka at natigil din ang mga gawaing sining. Isa sa pangkat ng tao na gumupo sa Mycenaean ay kinilalang mga Dorian.
  • 18. Ang tawag ng mga Greek sa kanilang sarili ay Hellenes. Ito ay hango sa salitang Hellas, na tumutukoy sa kabuoang lupain ng sinaunang Greece. Ang panahon ng kasikatan ng Kabihasnang Greek hanggang sa pagtatapos nito noong 338 B.C.E., ay kadalasang tinatawag na Panahong Hellenic. Narito ang ilan sa mahahalagang bahagi ng lungsod-estado sa Kabihasnang Greek: Ang polis o lungsod- estado ay ang mga unang pamayanan sa Greece. Karaniwang binubuo ng 5000 na kalalakihan dahil noon ay sila lamang ang nailalagay sa opisyal na talaan ng populasyon ng lungsod-estado. Ang acropolis ay tawag sa pinakamataas na lugar sa lungsod- estado. Dito matatagpuan ang mga matatayog na palasyo at temple kaya ito ang naging sentro ng pulitika at relihiyon ng mga Griyego. Ang agora o pamilihang bayan na nasa gitna ng lungsod ay isang bukas na lugar kung saan maaring magtinda o magtipun-tipon angmga tao.
  • 19.  Dalawang malakas na lungsod-estado ang naging tanyag- ang Athens at Sparta. Naging sentro ng kalakalan at kultura sa Greece ang Athens.  Sinakop naman ng Sparta ang mga karatig rehiyon nito. Oligarkiya or oligarchy ang uri ng pamahalaan dito kung saan binubuo ito ng isang lupon ng mga dugong bughaw upang palitan ang hari. Sa mga lungsod-estado ang mga lehitimong mamamayan ay binigyang karapatang bumoto, magkaroon ng ari-arian, humawak ng posisyon sa pamahalaan, at ipagtanggol ang sarili sa mga korte. Bilang kapalit, sila ay dapat na makilahok sa pamahalaan at tumutlong sa pagtatanggol sa mga polis sa panahon ng digmaan.
  • 20. Ang Athens ay tinaguriang demokratikong polis. Dahil sa direktang kabahagi ang mga taga-Athens sa pagpili ng kinatawan at maari rin silang manungkulan, direct democracy ang ipinatupad ng Athens. Subalit hindi kabahagi sa demokrasya ng Athens ang mga babae at banyaga. Ang mga sumusunod na pinuno ang nagpapalawig ng democracy o pamahalaan ng nakararami sa Athens: Solon Inalis niya ang mga pagkakautang ng mga mahihirap at ginawang ilegal ang pagkaalipin nang dahil sa utang. Pisistratus Ipinagtanggol ang katayuan ng mahihirap at ipinamahagi ang mga lupain at ari-arian ng mayyaman na mahihirap at walang lupa. Cleisthenes Sinimulan ang ostracism o sistema kung saan pinahihintulutan ang mga mamamayan na palayasin ang sinumang opisyal na sa kanilang paniniwala ay mapanganib para sa Athens. Pericles Sa kanyang panahon naranasan ng Athens ang tugatog ng demokrasya. Itinaguyod niya ang pag-upo sa opisina ng pamahalaan ng mga karaniwang mamamayan. ATHENS
  • 21. Ang Sparta ay isang mandirigmang polis. Nanatili itong isang oligarkiya at isang estadong mandirigma. Sa lahat ng mga lungsod-estado, ang Sparta lamang ang hindi umasa sa kalakalan. Ito ay may magandang klima, sapat na patubig at matabang lupa na angkop sa pagsasaka. Pinalawak ng mga taga-Sparta ang kanilang lupain sa pamamagitan ng pananakop ng mga karatig na lupang sakahan at pangangamkam nito. Ang mga magsasaka mula sa nasakop na mga lugar ay dinala nila sa Sparta upang maging mga helot o tagasaka sa malawak nilang lupang sakahan. SPARTA
  • 22. Ang pangunahing layunin ng Sparta ay lumikha ng magagaling na sundalo sa pamamagitan ng mga sumusunod:  Ang mga bagong silang na sanggol ay sinusuri. Ang mahinang bata at may kapansanan at hinahayaang mamatay. Tanging ang malalakas at malulusog na sanggol lamang ang pinapayagang mabuhay.  Pitong (7) taon – ang mga batang lalaki ay dinadala sa mga kampo-militar upang sumailalim sa mahigpit na disiplina at sanayin sa pakikipaglaban.  Dalawampung (20) taon – ang mga Kabataang lalaki ay magiging sundalong mamamayan at ipinapadala na sa mga hangganan ng labanan.  Tatlumpung (30) taon- maaari na silang mag-asawa ngunit dapat na kumain at manirahan pa rin sa kampo, kung saan hahati na sila sa gastos.  Animnapung (60) taon – sila ay maari nang magretiro sa hukbo. SPARTA
  • 23. 1. Isang English na arkeologo na nagsagawa paghuhukay sa Knossos. 2. Sinaunang kabihasnang nabuo sa Crete hango sa pangalan ng tanyag na hari ng pulo, si Haring Minos. 3. Anong dalawang malakas na lungsod-estado ang naging tanyag sa Greece. Kilalanin Mo! Tukuyin kung ano at sino ang binabanggit ng pangungusap.
  • 24. DIGMAANG KINASANGKUTAN NG GREECE Digmaang Persian: Digmaang Marathon Digmaan sa Thermopylae Digmaan sa Salamis Digmaang Peloponnesian
  • 26. DIGMAAN SANHI BUNGA DIGMAANG PERSIAN: Digmaang Marathon Digmaan sa Thermopylae -Pagsalakay ng Persia sa Greece sa pamumuno ni Darius, tagapagmana ni Cyprus the Great, na naganap sa Marathon, isang kapatagan sa hilagang-silangan ng Athens. -Isang madugong labanan sa pagitan ni Xerxes (Persia) at ni Leonidas (Sparta) na naganap sa Thermopylae, isang makipot na daanan sa gilid ng bundok at ng silangang baybayin ng Central Greece. -Tinalo ng 10,000 puwersa ng Athens ang humigit-kumulang na 25, 000 puwersa ng Persia -Ipinagkanulo ng isang Greek ang lihim sa daanan patungo sa kampo ng mga Greek kaya natalo ang puwersa ni Leonidas.
  • 27. DIGMAAN SANHI BUNGA DIGMAANG PERSIAN: Digmaan sa Salamis Sinalakay at sinakop ni Xerxes ang Athens. Ang mga Greek ay pinamumunuan ni Themistocles sa labanan sa dalampasigan ng pulo ng Salamis kung saan ang dagat ay makipot kaya nahirapan ang puwersa ng Persia na iwasan ang mga pag- atake ng maliliit na barko ng Athens. Natalo ang plota ni Xerxes ng maliliit na barko ng Athens na pilit binabangga ang mga ito hanggang sa mabutas at isa-isang lumubog. -
  • 28. Digmaang Peloponnesian SANHI BUNGA Ang Athens ang namuno sa naitatag na Delian League at sa pamumuno ni Pericles naging isang imperyo ito. Ngunit hindi lahat ng lungsod-estado ay sumang-ayon sa ginawa ng Athens na pagkontrol sa Delian League kaya ang ilan sa mga lungsod-estado na kasapi tulad ng Sparta at Corinth ay nagtatag ng alyansa sa pamumuno ng Sparta at tiwawag itong Peloponnesian League. Pagsapit ng 431 BCE, nilusob ng Sparta ang karatig pook ng Athens sa naging simula ng Digmaang Peloponnesian. Tumagal ng 9 taon ang digmaang ito bago tuluyang sumuko ang Athens noong 404 BCE. Nawala ang kapangyarihan ng Athens. Ang dalawampu’t pitong Digmaan ng Peloponnesian ay isang malaking trahedya para sa Gresya. Nagkaroon ng malawakang pagkawasak ng ari- arian at pagkamatay ng mga tao. Lumala ang suliranin sa kawalan ng hanapbuhay, pagtaas ng presyo ng bilihin at kakulangan sa pagkain.
  • 29. PAMANA NG KABIHASNANG GREECE MAHAHALAGANG TAO SA LARANGAN NG ARKITEKTURA SA LARANGAN NG PANANAMPALATAYA
  • 30. PAMANA NG KABIHASNANG GREECE Sa panahong Hellenic ang pag-unlad ng kabihasnan ay nakapaloob lamang sa Greece. Sa panahong Hellenistic, kumalat ang kabihasnang Greek sa halos lahat ng kilalang bahagi ng daigdig. Pinalaganap ni Alexander the Great, ang pinuno ng Imperyong Macedonia, ang Kabihasnang Hellenistic, ito ang pinagsamang Asyano at Greek.
  • 32. MAHALAGANAG TAO LARANGAN AMBAG O PANGUNAHING TUKLAS Plato Pilosopiya May akda ng “The Republic” kung saan inilarawan niya ang isang ideyal na estado Aristotle Pilosopiya May akda ng “ Politics”, kung saan tinalakay ang iba-‘t-ibang uri ng pamahalaan Socrates Pilosopiya Ayon sa kanya”The unxemined life is not worth living” at “know thyself” Herodotus Kasaysayan Ama ng Kasaysayan Hippocrates Medisina “Ama ng Medisina” Euclid Agham “Ama ng Geometry” Phidias Pilosopiya Obra maestra ng estatwa ni Athena sa Parthenon at ni Zeus sa Olympia Herophilus Medisina “Ama ng Anatomy”
  • 33. SA LARANGAN NG ARKITEKTURA  Parthenon- isang marmol na temple sa Acropolis sa Athens. Ito ay inalay sa diyosanng si Athena sa itinuturing ng mamamayan na kanilang patron. Itinuturing itong simbolo ng Sinaunnag Gresya, Demokrasyang Ateniano, Kabihasnang Kanluranin at isa pinakadakilang monumentong pangkultura.  Tatlong istilo ng haligi: Doric- ang pinakapayak, Ionic- mas payat ang haligi at napapalamutian ng mga scroll, at Corinthian- pinakamagarbong dekorasyon sa lahat.
  • 34. SA LARANGAN NG PANANAMPALATAYA  Tradisyonal na pagsamba sa iba’t-ibang Diyos ng langit  Paniniwala n mga Greek na sa Mount Olympus naninirahan ang mga diyos at diyosa at maaaring pasayahin ang Diyos sa pag-aalay ng hayop at pagkain bilang sakripisyo at paglalagay ng palamuti sa templo.  Pinarurusahan ng mga diyos ang tao sa pamamgitan ng taggutom, lindol, sakit at pagkatalo sa digmaan.
  • 35. NA GAWAIN 2.1.A Personalidad Mahalagang Ambag Kabuluhan Halimbawa: Hippocrates Nagbigay kaalaman sa makabagong medisina sa sinaunang Greece at tinaguriang “Ama ng Medisina” Nakatulong nang malaki sa larangan ng medisina sa kasalukuyan ang kanyang pag- aaral at ambag 1. Aristotle 2. Socrates 3. Herodotus 4. Euclid 5. Plato Kompletuhin ang data retrieval chart. Ibigay ang mahahalagang ambag ng mga personalidad at ang kabuluhan o kahalagahan nito.
  • 36. NA GAWAIN 2.1 B SPARTA ATHENS Isulat sa loob ng Venn diagram ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Sparta at Athens.