Ang kabihasnang Mycenaean ay nagmula sa mga grupong etnolinggwistikong Indo-European na nanggaling sa Asya at Europa, at nagtatag ng mga lungsod sa Greece noong 1900 B.C.E. Sinalakay nila ang Knossos at nagpatuloy sa kalakalan sa Aegean Sea, ngunit nalinang ang kanilang kultura mula sa kabihasnang Minoan. Sa kabila ng kanilang tagumpay, bumagsak ang kabihasnang Mycenaean sa gitna ng mga digmaan at hidwaan noong ika-13 siglong B.C.E.