Ang nobelang 'El Filibusterismo' ay isinulat ni José Rizal bilang isang tugon sa mga karanasang dinanas niya at ng kanyang pamilya, kabilang ang mga banta, pagkakaroon ng suliranin sa lupa, at pagkamatay ng mga kaibigan. Naglalarawan ito ng mga isyu sa lipunan at pamahalaan sa Pilipinas, habang isinasalaysay ang kwento ni Simoun, isang mag-aalahas na nagpaplano ng paghihimagsik. Ang akda ay ipinahayag ni Rizal bilang isang pampulitikang nobela bilag pag-alala sa tatlong paring martir na sina Gomez, Burgos, at Zamora.