SlideShare a Scribd company logo
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
• Ang wika ang pangunahing instrumentong ginagamit
para maipahayag at mangyari ang mga mithiin o
pangangailangan ng tao. Gayundin, sa tulong ng wika,
tayo'y nakapapahayag ng ating mga damdamin.
2
Ano ang Wika?
Ayon kay Webster(1974), ang wika ay isang sistema ng komunikasyon
sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang
simbolo.
Ayon naman kay Hill( sa Tumangan, et al., 2000) sa kanyang papel na
What is Language?, wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo
ng simbolikong gawaing pantao. Ang mga simbong ito ay binubuo ng
mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa
mga klase at patern na lumilikha sa isang komplikado at simetrikal na
estraktura.Ang mga simbong ito ay mayroong ding kahulugang
arbitraryo at kontrolado ng lipunan.
2
Ayon kay Gleson ( sa Tumangan, et al., 2000), ang wika ay isang
masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos
sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang
kultura.
2
• Ang wika ay masistemang balangkas. Lahat ng wika sa daigdig ay
sistematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas. Walang wika
ang hindi nakaayon sa balangkas na ito. Lahat ng wika ay nakabatay
sa tunog.
Ponema- ang tawag sa makahulugang tunog ng isang wika
Ponolohiya- ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga ito.
Morpema-maliit na yunit ng salita
Morpolohiya- ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga morpema.
Pangungusap- mga salitang ipinagsama
Sintaksis-ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga pangungusap.
2
Pangunahin at Unibersal na katangian ng wika
Diskurso- ang pagkakaroon ng makahulugang palitan ng mga
pangungusap ang dalawa at higit pang tao.
2
2.Ang wika ay sinasalitang tunog. Hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat
hindi lahat ng tunog ay may kahulugan.Sa tao, ang
pinakamakahulugang tunog na nililikha natin at kung gayo'y
kasangkapan ng komunikasyon sa halos lahat kung hindi man lahat ng
pagkakataon ay ang tunog na sinasalita.
3.Ang wika ay pinili at isinasaayos. Sa lahat ng pagkakataon, pinili natin
ang wikang ating gagamitin.Madalas, ang pagpili ay nagaganap sa
ating subconscious at magkaminsan ay sa ating conscious na pag-iisip.
2
4. Ang wika ay arbitraryo.Nangangahulugang ito na ang mga tunog na
binibigkas sa wika ay pinili para sa layunin ng mga gumagamit nito.
Isinaayos ang mga tunog sa paraang pinagkasunduan ng mga pangkat
ng taong gumagamit nito.
5.Ang wika ay ginagamit.Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon
at katulad ng iba pang kasangkapan, kailangan patuloy itong
ginagamit.
2
6.Ang wika ay nakabatay sa kultura.Paanong nagkakaiba ang mga
wika sa daigdig?Ang sagot, dahil sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng
mga bansa at mga pangkat.Ito ang paliwanag kung bakit may mga
kaisipan sa isang wika ang walang katumbas sa ibang wika sapagkat
wala kultura ng ibang wika ang kaisipang iyon ng isang wika.
7.Ang wika ay nagbabago. Dinamiko ang wika.Hindi ito maaaring
tumangging magbago.Ang wikang stagnan ay maaaring ring mamatay
tulad ng hindi paggamit niyon.
2
Ang pagkakaroon ng barayti ng wika ay ipinapaliwanag ng teoryang
sosyolingugwistik na pinagbatayan ng ideya ng pagiging heterogenous ng wika.
Ayon kay Constantino(2006) nag-iiba ang barayti ng wika bunga ng
pagkakaroon ng indibidwal at grupo, tirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba
pa.Samakatuwid may dimensyon ang baryabilidad ng wika ang dimensyong
heograpiko at dimensyong sosyal.
2
Barayti at Rehistro ng Wika
Dayalekto o Diyalekto- ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong
heograpiko. Tinatawag na wikain sa iba pang aklat. Ito ang wikaing
ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook malaki man o
maliit.
Manila- Aba, ang ganda!
Batangas-Aba, ang ganda eh!
Bataan- Ka ganda ah!
Rizal- Ka ganda, hane!
2
Sosyolek- ang tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong
sosyal.Tinatawag din itong sosyal na barayti ng wika dahil nakabatay ito
sa mga pangkat panlipunan.
Halimbawa:
a. Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day!
b.Wow pare, ang tindi ng tamo ko! Heaven
c. Pare, punta tayo mamaya sa Mega. Me jamming dun,e.
2
Ang Jargon ang mga katangiang bokabulyaryo ng isang partikular na
pangkat ng gawain.
Jargon sa disiplinang Accountancy
• account
• debit
• credit
• balance
Jargon sa disiplinang Medisina at Nursing
• diagnosis
• symtom
• check up 2
Idyolek- ang tawag sa dayalek na personal sa isang ispiker.
a. Mike Enriquez
b.Noli de Castro
c. Kris Aquino
d.Ruffa Mae
e. Anabelle Rama
Pidgin-ito ay tinatawag sa Ingles na nobady's native language.Sinasabing
ang pidgin ay isang bagong wika na nabubuo kung mayroong dalawang
tao na magkaiba ang wika at naipagsasama ang paraan ng pagsasalita at
paggamit ng wika.
2
Creole- Ay isang wikang unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas
na wika (native). Nagkakaroon nito sapagkat may komunidad ng mga
tagapagsalita ang nag-angkin dito bilang kanilang unang wika.
2
Ang pagkakaroon ng antas ng wika ay isa pang mahalagang
katangian nito. Tulad ng tao, ang wika ay nahahati rin sa ibat'ibang
kategorya ayon sa kaantasan nito.
1.Pormal- Ito ang mga salitang standard dahil kinikilala,tinatanggap at
ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng
wika.
a.Pambansa- Ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat
pangwika/pambalarila sa lahat ng mga paaralan.Ito rin ang wikang
kadalasang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan.
. 2
Antas ng Wika
b.Pampanitikan o Panretorika- Ito naman ang mga salitang ginagamit
ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan.Ito ang mga
salitang karaniwang matatayog, malalalim, makulay at masining.
Madalas itong gumagamit ng mga idyoma at/ o tayutay.
2.Impormal-Ito ang mga salitang karaniwang,palasak,pang-araw-araw
na madalas nating gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan
sa mga kakilala at kaibigan.
a.Lalawiganin-Ito ang mga bokabularyong dayalektal.Gamitin ang
mga ito sa mga partikilar na pook o lalawigan lamang, maliban kung
ang mga tao na gumagamit nito ay magkikita-kita sa ibang lugar dahil
natural na nila itong naibubulalas.
2
b.Kolokyal-Itoy maaaring may kagaspangan nang kaunti ang mga
salitang ito ngunit maaari rin itong maging repinado nang kaunti sa
kung sino ang nagsasalita nito. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit
pang salita lalo na sa mga pasalitang komunikasyon ay mauri rin ang
antas na ito.
Halimbawa: nasa’n (nasaan), pa’no(paano),sa’kin(sa akin), sa’yo(s
aiyo),kelan(kailan), meron(mayroon).
c.Balbal- Ito ang tinatawag sa Ingles na slang. Sa mga pangkat-
pangkat nagmumula ang mga ito upang ang mga pangkat ay
magkaroon ng sariling codes. Mababang antas ng wika ito, bagamat
may mga dalubwikang nagmumungkahi ng higit pang mababang
antas, ang antas ng bulgar. 2
Wikang Pambansa
-Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas at mahaba ang
kasaysayan ng pag-unlad nito.
Ayon kay Merriam-Webster Dictionary, ang wikang pambansa ay
tumutukoy sa isang wikaing ginagamit nang pasalita at pasulat ng
mga mamamayan ng isang bansa. Ito ang nag-iisang wikang
ginagamit batay sa kultura ng lipunan. Naging batayan din ito ng
identidad o pagkakakilanlan ng grupo ng taong gumagamit nito.
2
Iba pang Konseptong Pangwika
Sa Pilipinas , Filipino ang de jure at de facto na pambansang wika ng
bansa.De jure sapagkat legal at naaayon sa batas na Filipino ang
pambansang wika. Matatagpuan sa Artikulo XIV, Seksyon6-9 ng
Konstitusyon ng 1987 ang mga tiyak na probisyon kaugnay ng wika.
Ayon dito.
Seksyon 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantala nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig
sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang wika.
Alisnsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na
maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin
ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit 2
ng Filipino bilang daluyan ng opisyal na komunikasyon at bilang wika
ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
Filipino ang de factorang pambansang wika sapagkat aktual na itong
ginagamit at tinatanggap ng mayoryang ng mamamayang Pilipino.
Ayon sa Philippime Cencus noon 2000, 65 milyong Pilipino o 85.5% ng
kabuang populasyon ng Pilipinas ang nakakaunawa at nakapagsasalita
ng wikang Filipino.
2
Wikang Pantur0
Wikang panturo ang wikang ginagamit ng guro upang magturo sa mga
mag-aaral. Sa pamamagitan ng wikang panturo, nauunawaan ng mga
mag-aaral ang ibat'ibang konsepto, teorya, pangkalahatang nilalaman
at mga kasanayan sa isang tiyak na asignatura o larangan.
Sa Pilipinas ipinatupad ang Bilingual Education Policy (BEP) noong
1987 bilang pagpapatupad sa mandato ng Konstitusyong 1987, Ang
polisiyang ito ay naglalaman ng paggamit ng Filipino at Ingles bilang
wikang panturo. Ang Mother Tongue Based Multiligual Education
(MTB MLE) ay ipinatupad noon 2009 kung saan ginamit ang
katutubong wika pagtuturo sa sistema ng edukasyon.
2
Wikang Opisyal
Ang wikang opisyal ay ang wikang itinatadhana ng batas bilang wikang
ginagamit/gagamitin sa mga opisyal na komunikasyon ng gobyerno. Ito
ang wikang kadalasan sa korte, lehislatuera at pangkalahatang
pamahalaan ng gobyerno, maging sa sistema ng edukasyon.
Sa Pilipinas, itinakda sa Konstitusyong 1987 ang Filipino at Ingles
bilang mga opisyal na wika ng pambansa. Narito ang mga tiyak na
probisyong pangwika sa Artikulo XIV ng Konstitusyon.
2
Sek. 7- Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang
mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga't walang
itinatadhana ang batas, Ingles.
Sek. 8- Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at
Ingles; at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic
at Kastila.
2
Bilingguwalismo
Ang bilingguwalismo ay tumotukoy sa kakayahan ng isang taong
magsalita ng dalawang wika.
Ayon kay Lowry(2011), isang Speech-Language Pathologist,
maraming pakinabang ang bilinggualismo sa isang
indibidwal.Ipinapakita sa mga pananaliksik na ang mga bilingguwal na
bata ay kadalasang mas malikhain at nagpapakita ng kahusayan sa
pagplano at paglutas ng mga kompleks na suliranin kaysa sa mga
batang iisa ang wika lamang ang nauunawaan.
2
Ipinatupad ang Bilingual Education Policy (BEP) sa Pilipinas sa
pamamagitan ng National Board of Education (NBE) Resolution No.
73-7, s. 1973. Noong 1994, ipinatupad ang polisiya sa pamamagitan ng
paglabas ng DECS ng Department Order No. 25, s. 1974 ng may titulong
Implementing Guidelines for the Policy on Bilingual Education.
Wikang Filipino- Araling Panlipunan/Agham Panlipunan, Musika,
Sining, Physical Education, Home Economics at Values Education.
Wikang Ingles- Syensya,Teknolohiya at Matematika.
2
Layunin ng BEP na makamit ang kahusayan ng mga mag-aaral sa
dalawang wika sa pambansang antas sa pamamagitan ng pagtuturo
ng dalawang wika at sa pamamagitan ng pagiging wikang panturo nito
sa lahat ng antas. Sa kabuuan, nais nitong:
• Mapataas ang pagkatuto sa pamamagitan ng dalawang wika,
• Maipalaganap ang wikang Filipino bilang wika ng literasi,
• Mapaunlad ang Filipino bilang simbolo ng pambansang identidad
at pagkakaisa,
• Malinang ang elaborasyon at intelektuwalisasyon ng Filipino bilang
wika ng akademikong diskurso,at
• Mapanatili ang Ingles bilang internasyonal na wika para sa
Pilipinas at bilang wika ng syensya at teknolohiya. 2
Multilingguwalismo
Ang multilingguwalismo ay tumotukoy sa kakayahan ng isang
indibidwal na makapagsalita at makaunawa ng ibat'ibang wika. Sa
antas ng lipunan, ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng
ibat'ibang wika na sinasalita ng ibat'ibang grupo ng mga tao sa mga
lalawigan at rehiyon.
Ayon kay Stavenhagen (1990), iilang bansa lamang sa buong mundo
ang monolingguwal. Ibig sabihin, mas laganap ang mga lipunang
multilingguwal kung hindi man bilingguwal.
2
Pakinabang na nakukuha ng isang indibidwal sa multiligguwalismo.
• kritikal ng pag-iisip
• kahusayan sa paglutas ng suliranin
• mahusay na kakayahan sa pakikinig
• mataas na memorya
• mas maunlad na kognitibo sa pagkatuto
2
Ang UNESCO ay bumuo ng tatlong bahagi ng rasyonal na susuporta
sa MTB_MLE sa lahat ng antas ng edukasyon.
• Tungo sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon nakabatay sa
kaalaman at karanasa ng mga mag-aaral at guro;
• Tungo sa promosyon ng pagkakapantay sa lipunang iba-iba ang
wika; at
• Tungo sa pagpapalakas ng edukasyon multikultural at sa
pagkakaunawaan at paggalang sa batayang karapatan sa pagitan
ng mga grupo sa lipunan.
2
Sa Pilipinas, ipinatupad amg multilingguwal sa edukasyon sa
pamamagutan ng Department of Education Order 16, s. 2012(
Guidlenes on the Implementation of the MTB_MLE) na may layuning:
• Pagpapaunlad ng wika tungo sa matatag na edukasyon at
habambuhay na pagkatuto
• Kognitibong pag-unlad na may pokus sa higher order thingking
skills (HOTS);
• Akademikong pag-unlad sa maghahanda sa mga mag-aaral na
paghusayin ang kakayahan sa ibat'ibang larang ng pagkatuto.
• Pag-unlad ng kamalayan sosyo-kultural na magpapayabong sa
pagpapahalaga at pagmamalaki sa mag-aaral sa kanyang
pinagmulang kultura at wika. 2
Homogeneous at Heterogeneous na Wika
Ang pagiging homogeneous at heterogeneous ng isang wika ay
tumutukoy sa pagkakaroon ng iisang porma o estandard na anyo nito
o kaya ay pagkakaroon ng ibat'ibang porma o barayti.
Ayon sa Merriam-Webster Dictionary, ang salitang homogeneous ay
nagmula sa salitang Griyego na homogenes mula sa hom-na
nangangahulugan ng uri o klase at genos na nangangahulugangang
kaangkan o lahi. Kung gayon ang salitang homogeneous ay
nangangahulugang isang klase mula sa iisang lahi o angkan.
2
Sa kabilang banda, maaaring magkaiba-iba ang paggamit ng isang
wika batay sa ibat’ibang salik at kontekstong pinagmulan ng
nagsasalita nito. Dito papasok ang pagiging heterogeneous o
pagkakaiba-iba ng uri at katangian ng isang wika.
2
Lingguwistikong Komunidad
Ang lingguwistikong komunidad ay isang termeino sa
sosyolingguwistiks na tumutukoy sa isang grupo ng mga taong
gumagamit ng iisang uri ng barayti ng wika at nagkakaunawaan sa
mga ispesipikong patakaran o mga alituntunin sa paggamit ng wika.
Ayon kay Yule (2014), ang wika ang pamamaraan ng paggamit nito ay
isang porma ng panlipunang identidad at ginagamit, malay man o
hindi upang ipahiwatig o maging palatandaan ng pagiging kasapi ng
isang tao sa isang tiyak na grupong panlipunan.
2
Unang Wika at Ikalawang Wika
Ang unang wika na kadalasang ay tinatawag ding katutubong wika o
sinusong wika ( mother tongue) ay ang wikang natutunan at ginagamit
ng isang tao simula pagkapanganak hanggang sa panahon kung
kailan lubos nang nauunawaan at nagagamit ng tao ang nasabing
wika.
Samantala, ayon kat Lee (2013) sa kanyang artikulong ng TheNative
Speaker: An Archievable Model? May mga gabay upang matukoy ang
isang tao ay katutubong tagapagsalita ng isang wika.
1.Natutuhan ng indibidwal ang wika sa murang edad,
2.Ang indibidwal ay may likas at instinktibong kaalaman at kamalayan 2
1.May kakayahan ang indibidwal na makabuo ng matatas at
ispontanyong diskurso gamit ang wika,
2.Mataas ang kakayahan sa komunikasyon ng indibidwal gamit ang
wika,
3.Kinikilala ang sarili bilang bahagi at nakikilala bilang bahagi ng isang
lingguwistikong komunidad, at
4.May puntong dayalektal ang indibidwal na taal sa katutubong wika.
2
Sa kabilang banda, ang ikalawang wika naman ay ang wikang
natutuhan at ginagamit ng isang tao labas pa sa kanyang unang wika.
Ang wikang ito ay hindi taal o katutubong wika para sa tagapagsalita
ngunit isang wikang ginagamit din sa lokalidad ng taong nagsasalita.
Isa sa mga kinilala si Krasher (1982) sa teorya ng Second Language
Acquisition(SLA) na nagpalawig sa pagkakaiba sa acquiring (likas o
natural na pagtatamo) at learning (pagkatuto) ng wika. Ayon sa kanya,
ang acquisition o pagtatamo ay isang natural na proseso habang ang
learning o pag-aaral ay kinasasangkutan ng malay o sadyang
desisyon napag-aaralan ang wika.
2

More Related Content

PPTX
Modyul-3.pptx
PPTX
Katangian ng Wika Powerpoint Presentation
PPTX
lesson 2.pptx
DOCX
SHS-DLL-Week-7.docx
PPTX
Konseptong pangwika(modyul1)
PPTX
PPT KOM ARALIN 3.pptx
PPTX
MODYUL 11 PRAGMATIKO.pptx
PPT
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.(mula sa simula).ppt
Modyul-3.pptx
Katangian ng Wika Powerpoint Presentation
lesson 2.pptx
SHS-DLL-Week-7.docx
Konseptong pangwika(modyul1)
PPT KOM ARALIN 3.pptx
MODYUL 11 PRAGMATIKO.pptx
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.(mula sa simula).ppt

What's hot (20)

PPTX
MGA KONSEPTONG PANGWIKA.pptx
PPTX
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK Lesson 1.pptx
PPTX
komunikasyon at pananaliksik sa kultura at wikang filipino
PPTX
6 naparaan ng pagbabahagi ng wika
PPTX
kasaysayan ng wika
DOCX
Banghay Aralain sa Filipino: Conative, informative, at labeling na gamit ng wika
PPTX
Komunikasyon-at-pananaliksik-sa-wika-at-kulturang-pILIPINO.pptx
PPTX
mga gamit ng wika sa lipunan.pptx
PPTX
Barayti ng Wika
PPTX
KOMPAN FIRST QUARTER week 1-4.pptx
PPTX
Kakayahang pangkomunikatibo
PPTX
Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at week 2.pptx
PPTX
Sitwasyong pangwika-sa-socmed (1)
PPT
Bilingguwalismo at Multilingguwalismo
PPTX
KOmunikasyon at Pananaliksik
PPTX
Konseptong Pangwika
PPTX
ARALIN 4.pptx
PPTX
KONSEPTONG-PANGWIKA.pptx
PPTX
KOMPAN WEEK1.pptx
PPTX
Lingguwistikong komunidad.pptx
MGA KONSEPTONG PANGWIKA.pptx
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK Lesson 1.pptx
komunikasyon at pananaliksik sa kultura at wikang filipino
6 naparaan ng pagbabahagi ng wika
kasaysayan ng wika
Banghay Aralain sa Filipino: Conative, informative, at labeling na gamit ng wika
Komunikasyon-at-pananaliksik-sa-wika-at-kulturang-pILIPINO.pptx
mga gamit ng wika sa lipunan.pptx
Barayti ng Wika
KOMPAN FIRST QUARTER week 1-4.pptx
Kakayahang pangkomunikatibo
Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at week 2.pptx
Sitwasyong pangwika-sa-socmed (1)
Bilingguwalismo at Multilingguwalismo
KOmunikasyon at Pananaliksik
Konseptong Pangwika
ARALIN 4.pptx
KONSEPTONG-PANGWIKA.pptx
KOMPAN WEEK1.pptx
Lingguwistikong komunidad.pptx
Ad

Similar to KomPan Aralin 1.pptx (20)

PPTX
KOMPAN-11-KONSEPTONG-PANG-WIKA-TEORYA.pptx
PPTX
UNIBERSAL NA KATANGIAN NG WIKA.pptx
PPTX
KOMPAN 11.pptxbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbb
PPTX
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO.pptx
PDF
komunikasyonatpananaliksiksawikaatkulturangpilipino-220918131939-e0d0b172 (1)...
PPTX
komunikasyon week 1 wika, katuturan at katangian
PPTX
Teorya-ng-Wika-1.pptx wika Ng pilipinas at history
PPTX
Teorya-ng-Wika-1.pptx mga antas Ng wika Ng pilipinas
PPTX
Aralin_1_Ang_Mga_Batayang_Kaalaman_sa_Wika.pptx
PDF
KOMPAN-M1-lecture.pdf...........................................
PPTX
digestive system
PPTX
FilipinoL1Q1.pptxccccccccccccccccccccccc
PPTX
Ang wika at ang pakikipagtalastasan
PPTX
1_Q1-Komunikasyon.pptx
PPT
FIL 101 _ LECTURE 1 WIKA SA MAPAYANG LIPUNAN.ppt
DOCX
Wikang Filipino
PPTX
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
PPTX
Wika, lipunan, at kultura
PPTX
WIKA FILIPINO Pantikan Una Una Kaya Kaya
PPTX
inbound8610494808350567888dstðhufre.pptx
KOMPAN-11-KONSEPTONG-PANG-WIKA-TEORYA.pptx
UNIBERSAL NA KATANGIAN NG WIKA.pptx
KOMPAN 11.pptxbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbb
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO.pptx
komunikasyonatpananaliksiksawikaatkulturangpilipino-220918131939-e0d0b172 (1)...
komunikasyon week 1 wika, katuturan at katangian
Teorya-ng-Wika-1.pptx wika Ng pilipinas at history
Teorya-ng-Wika-1.pptx mga antas Ng wika Ng pilipinas
Aralin_1_Ang_Mga_Batayang_Kaalaman_sa_Wika.pptx
KOMPAN-M1-lecture.pdf...........................................
digestive system
FilipinoL1Q1.pptxccccccccccccccccccccccc
Ang wika at ang pakikipagtalastasan
1_Q1-Komunikasyon.pptx
FIL 101 _ LECTURE 1 WIKA SA MAPAYANG LIPUNAN.ppt
Wikang Filipino
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Wika, lipunan, at kultura
WIKA FILIPINO Pantikan Una Una Kaya Kaya
inbound8610494808350567888dstðhufre.pptx
Ad

Recently uploaded (20)

PPTX
AP8 Q1 Week 3-4 Kabihasnang Mycenaean.pptx
PPTX
G5Q1W7 Powerpoint ARALING PANLIPUNAN.pptx
PPTX
Tekstong Biswal Filipino 8 powerpointcdnjncj
PPTX
FILipino7_Q1_Week7 unang markahangd.pptx
PPTX
WEEK6-Q1-Sanaysay sa panahin ng Propaganda at Himagsikan.pptx
PPTX
KOMUNIKASYON PPT. KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA SA PANAHON NG ESPANYOL, AMERI...
PPTX
PANTAY-PANTAY.EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9pptx
PPTX
APTek 10-Yunit 1-Aralin 5 cbdrrm ppt.pptx
PPTX
payak na pamumuhay power point presentation in values 8
PPTX
BUWAN-NG-WIKA-QUIZ-BEE. for august 2025pptx
PPTX
521486018-ESP-9-Kabutihang-Panlahat.pptx
PPTX
panahon-ng-amerikano-220203235805 (1).pptx
PPTX
DEMO-PPT.pptx presentation for discussion
DOCX
G6 Q1W8 DLL ESP (MELCs).documents 2-25-2026
PPTX
3. Aralin-1.3-Ang-TUSONG-KATIWALA-PARABULA.pptx
PPTX
AP7 Q1 Week 3-2 Ang Heograpiyang Pantao ng Timog-Silangang Asya - RELIHIYON.pptx
PPTX
kalayaan EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO .pptx
PPTX
Q1 Edukasyong pantahanan at pangkabuhayan ICT 5 WEEK 4 DAY 3.pptx
PPTX
FILIPINO8 Q1 3 (d) Nasusuri ang mga elementong panlingguwistika .pptx
PPTX
FILIPINO8 Q1 3(b) Naiuugnay ang mahahalagang kaisipan ng sanaysay.pptx
AP8 Q1 Week 3-4 Kabihasnang Mycenaean.pptx
G5Q1W7 Powerpoint ARALING PANLIPUNAN.pptx
Tekstong Biswal Filipino 8 powerpointcdnjncj
FILipino7_Q1_Week7 unang markahangd.pptx
WEEK6-Q1-Sanaysay sa panahin ng Propaganda at Himagsikan.pptx
KOMUNIKASYON PPT. KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA SA PANAHON NG ESPANYOL, AMERI...
PANTAY-PANTAY.EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9pptx
APTek 10-Yunit 1-Aralin 5 cbdrrm ppt.pptx
payak na pamumuhay power point presentation in values 8
BUWAN-NG-WIKA-QUIZ-BEE. for august 2025pptx
521486018-ESP-9-Kabutihang-Panlahat.pptx
panahon-ng-amerikano-220203235805 (1).pptx
DEMO-PPT.pptx presentation for discussion
G6 Q1W8 DLL ESP (MELCs).documents 2-25-2026
3. Aralin-1.3-Ang-TUSONG-KATIWALA-PARABULA.pptx
AP7 Q1 Week 3-2 Ang Heograpiyang Pantao ng Timog-Silangang Asya - RELIHIYON.pptx
kalayaan EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO .pptx
Q1 Edukasyong pantahanan at pangkabuhayan ICT 5 WEEK 4 DAY 3.pptx
FILIPINO8 Q1 3 (d) Nasusuri ang mga elementong panlingguwistika .pptx
FILIPINO8 Q1 3(b) Naiuugnay ang mahahalagang kaisipan ng sanaysay.pptx

KomPan Aralin 1.pptx

  • 1. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
  • 2. • Ang wika ang pangunahing instrumentong ginagamit para maipahayag at mangyari ang mga mithiin o pangangailangan ng tao. Gayundin, sa tulong ng wika, tayo'y nakapapahayag ng ating mga damdamin. 2 Ano ang Wika?
  • 3. Ayon kay Webster(1974), ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbolo. Ayon naman kay Hill( sa Tumangan, et al., 2000) sa kanyang papel na What is Language?, wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ang mga simbong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at patern na lumilikha sa isang komplikado at simetrikal na estraktura.Ang mga simbong ito ay mayroong ding kahulugang arbitraryo at kontrolado ng lipunan. 2
  • 4. Ayon kay Gleson ( sa Tumangan, et al., 2000), ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. 2
  • 5. • Ang wika ay masistemang balangkas. Lahat ng wika sa daigdig ay sistematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas. Walang wika ang hindi nakaayon sa balangkas na ito. Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog. Ponema- ang tawag sa makahulugang tunog ng isang wika Ponolohiya- ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga ito. Morpema-maliit na yunit ng salita Morpolohiya- ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga morpema. Pangungusap- mga salitang ipinagsama Sintaksis-ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga pangungusap. 2 Pangunahin at Unibersal na katangian ng wika
  • 6. Diskurso- ang pagkakaroon ng makahulugang palitan ng mga pangungusap ang dalawa at higit pang tao. 2
  • 7. 2.Ang wika ay sinasalitang tunog. Hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan.Sa tao, ang pinakamakahulugang tunog na nililikha natin at kung gayo'y kasangkapan ng komunikasyon sa halos lahat kung hindi man lahat ng pagkakataon ay ang tunog na sinasalita. 3.Ang wika ay pinili at isinasaayos. Sa lahat ng pagkakataon, pinili natin ang wikang ating gagamitin.Madalas, ang pagpili ay nagaganap sa ating subconscious at magkaminsan ay sa ating conscious na pag-iisip. 2
  • 8. 4. Ang wika ay arbitraryo.Nangangahulugang ito na ang mga tunog na binibigkas sa wika ay pinili para sa layunin ng mga gumagamit nito. Isinaayos ang mga tunog sa paraang pinagkasunduan ng mga pangkat ng taong gumagamit nito. 5.Ang wika ay ginagamit.Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng iba pang kasangkapan, kailangan patuloy itong ginagamit. 2
  • 9. 6.Ang wika ay nakabatay sa kultura.Paanong nagkakaiba ang mga wika sa daigdig?Ang sagot, dahil sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at mga pangkat.Ito ang paliwanag kung bakit may mga kaisipan sa isang wika ang walang katumbas sa ibang wika sapagkat wala kultura ng ibang wika ang kaisipang iyon ng isang wika. 7.Ang wika ay nagbabago. Dinamiko ang wika.Hindi ito maaaring tumangging magbago.Ang wikang stagnan ay maaaring ring mamatay tulad ng hindi paggamit niyon. 2
  • 10. Ang pagkakaroon ng barayti ng wika ay ipinapaliwanag ng teoryang sosyolingugwistik na pinagbatayan ng ideya ng pagiging heterogenous ng wika. Ayon kay Constantino(2006) nag-iiba ang barayti ng wika bunga ng pagkakaroon ng indibidwal at grupo, tirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa.Samakatuwid may dimensyon ang baryabilidad ng wika ang dimensyong heograpiko at dimensyong sosyal. 2 Barayti at Rehistro ng Wika
  • 11. Dayalekto o Diyalekto- ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Tinatawag na wikain sa iba pang aklat. Ito ang wikaing ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook malaki man o maliit. Manila- Aba, ang ganda! Batangas-Aba, ang ganda eh! Bataan- Ka ganda ah! Rizal- Ka ganda, hane! 2
  • 12. Sosyolek- ang tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal.Tinatawag din itong sosyal na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan. Halimbawa: a. Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day! b.Wow pare, ang tindi ng tamo ko! Heaven c. Pare, punta tayo mamaya sa Mega. Me jamming dun,e. 2
  • 13. Ang Jargon ang mga katangiang bokabulyaryo ng isang partikular na pangkat ng gawain. Jargon sa disiplinang Accountancy • account • debit • credit • balance Jargon sa disiplinang Medisina at Nursing • diagnosis • symtom • check up 2
  • 14. Idyolek- ang tawag sa dayalek na personal sa isang ispiker. a. Mike Enriquez b.Noli de Castro c. Kris Aquino d.Ruffa Mae e. Anabelle Rama Pidgin-ito ay tinatawag sa Ingles na nobady's native language.Sinasabing ang pidgin ay isang bagong wika na nabubuo kung mayroong dalawang tao na magkaiba ang wika at naipagsasama ang paraan ng pagsasalita at paggamit ng wika. 2
  • 15. Creole- Ay isang wikang unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika (native). Nagkakaroon nito sapagkat may komunidad ng mga tagapagsalita ang nag-angkin dito bilang kanilang unang wika. 2
  • 16. Ang pagkakaroon ng antas ng wika ay isa pang mahalagang katangian nito. Tulad ng tao, ang wika ay nahahati rin sa ibat'ibang kategorya ayon sa kaantasan nito. 1.Pormal- Ito ang mga salitang standard dahil kinikilala,tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika. a.Pambansa- Ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/pambalarila sa lahat ng mga paaralan.Ito rin ang wikang kadalasang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan. . 2 Antas ng Wika
  • 17. b.Pampanitikan o Panretorika- Ito naman ang mga salitang ginagamit ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan.Ito ang mga salitang karaniwang matatayog, malalalim, makulay at masining. Madalas itong gumagamit ng mga idyoma at/ o tayutay. 2.Impormal-Ito ang mga salitang karaniwang,palasak,pang-araw-araw na madalas nating gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan. a.Lalawiganin-Ito ang mga bokabularyong dayalektal.Gamitin ang mga ito sa mga partikilar na pook o lalawigan lamang, maliban kung ang mga tao na gumagamit nito ay magkikita-kita sa ibang lugar dahil natural na nila itong naibubulalas. 2
  • 18. b.Kolokyal-Itoy maaaring may kagaspangan nang kaunti ang mga salitang ito ngunit maaari rin itong maging repinado nang kaunti sa kung sino ang nagsasalita nito. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang salita lalo na sa mga pasalitang komunikasyon ay mauri rin ang antas na ito. Halimbawa: nasa’n (nasaan), pa’no(paano),sa’kin(sa akin), sa’yo(s aiyo),kelan(kailan), meron(mayroon). c.Balbal- Ito ang tinatawag sa Ingles na slang. Sa mga pangkat- pangkat nagmumula ang mga ito upang ang mga pangkat ay magkaroon ng sariling codes. Mababang antas ng wika ito, bagamat may mga dalubwikang nagmumungkahi ng higit pang mababang antas, ang antas ng bulgar. 2
  • 19. Wikang Pambansa -Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas at mahaba ang kasaysayan ng pag-unlad nito. Ayon kay Merriam-Webster Dictionary, ang wikang pambansa ay tumutukoy sa isang wikaing ginagamit nang pasalita at pasulat ng mga mamamayan ng isang bansa. Ito ang nag-iisang wikang ginagamit batay sa kultura ng lipunan. Naging batayan din ito ng identidad o pagkakakilanlan ng grupo ng taong gumagamit nito. 2 Iba pang Konseptong Pangwika
  • 20. Sa Pilipinas , Filipino ang de jure at de facto na pambansang wika ng bansa.De jure sapagkat legal at naaayon sa batas na Filipino ang pambansang wika. Matatagpuan sa Artikulo XIV, Seksyon6-9 ng Konstitusyon ng 1987 ang mga tiyak na probisyon kaugnay ng wika. Ayon dito. Seksyon 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantala nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang wika. Alisnsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit 2
  • 21. ng Filipino bilang daluyan ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon. Filipino ang de factorang pambansang wika sapagkat aktual na itong ginagamit at tinatanggap ng mayoryang ng mamamayang Pilipino. Ayon sa Philippime Cencus noon 2000, 65 milyong Pilipino o 85.5% ng kabuang populasyon ng Pilipinas ang nakakaunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino. 2
  • 22. Wikang Pantur0 Wikang panturo ang wikang ginagamit ng guro upang magturo sa mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng wikang panturo, nauunawaan ng mga mag-aaral ang ibat'ibang konsepto, teorya, pangkalahatang nilalaman at mga kasanayan sa isang tiyak na asignatura o larangan. Sa Pilipinas ipinatupad ang Bilingual Education Policy (BEP) noong 1987 bilang pagpapatupad sa mandato ng Konstitusyong 1987, Ang polisiyang ito ay naglalaman ng paggamit ng Filipino at Ingles bilang wikang panturo. Ang Mother Tongue Based Multiligual Education (MTB MLE) ay ipinatupad noon 2009 kung saan ginamit ang katutubong wika pagtuturo sa sistema ng edukasyon. 2
  • 23. Wikang Opisyal Ang wikang opisyal ay ang wikang itinatadhana ng batas bilang wikang ginagamit/gagamitin sa mga opisyal na komunikasyon ng gobyerno. Ito ang wikang kadalasan sa korte, lehislatuera at pangkalahatang pamahalaan ng gobyerno, maging sa sistema ng edukasyon. Sa Pilipinas, itinakda sa Konstitusyong 1987 ang Filipino at Ingles bilang mga opisyal na wika ng pambansa. Narito ang mga tiyak na probisyong pangwika sa Artikulo XIV ng Konstitusyon. 2
  • 24. Sek. 7- Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga't walang itinatadhana ang batas, Ingles. Sek. 8- Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles; at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila. 2
  • 25. Bilingguwalismo Ang bilingguwalismo ay tumotukoy sa kakayahan ng isang taong magsalita ng dalawang wika. Ayon kay Lowry(2011), isang Speech-Language Pathologist, maraming pakinabang ang bilinggualismo sa isang indibidwal.Ipinapakita sa mga pananaliksik na ang mga bilingguwal na bata ay kadalasang mas malikhain at nagpapakita ng kahusayan sa pagplano at paglutas ng mga kompleks na suliranin kaysa sa mga batang iisa ang wika lamang ang nauunawaan. 2
  • 26. Ipinatupad ang Bilingual Education Policy (BEP) sa Pilipinas sa pamamagitan ng National Board of Education (NBE) Resolution No. 73-7, s. 1973. Noong 1994, ipinatupad ang polisiya sa pamamagitan ng paglabas ng DECS ng Department Order No. 25, s. 1974 ng may titulong Implementing Guidelines for the Policy on Bilingual Education. Wikang Filipino- Araling Panlipunan/Agham Panlipunan, Musika, Sining, Physical Education, Home Economics at Values Education. Wikang Ingles- Syensya,Teknolohiya at Matematika. 2
  • 27. Layunin ng BEP na makamit ang kahusayan ng mga mag-aaral sa dalawang wika sa pambansang antas sa pamamagitan ng pagtuturo ng dalawang wika at sa pamamagitan ng pagiging wikang panturo nito sa lahat ng antas. Sa kabuuan, nais nitong: • Mapataas ang pagkatuto sa pamamagitan ng dalawang wika, • Maipalaganap ang wikang Filipino bilang wika ng literasi, • Mapaunlad ang Filipino bilang simbolo ng pambansang identidad at pagkakaisa, • Malinang ang elaborasyon at intelektuwalisasyon ng Filipino bilang wika ng akademikong diskurso,at • Mapanatili ang Ingles bilang internasyonal na wika para sa Pilipinas at bilang wika ng syensya at teknolohiya. 2
  • 28. Multilingguwalismo Ang multilingguwalismo ay tumotukoy sa kakayahan ng isang indibidwal na makapagsalita at makaunawa ng ibat'ibang wika. Sa antas ng lipunan, ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng ibat'ibang wika na sinasalita ng ibat'ibang grupo ng mga tao sa mga lalawigan at rehiyon. Ayon kay Stavenhagen (1990), iilang bansa lamang sa buong mundo ang monolingguwal. Ibig sabihin, mas laganap ang mga lipunang multilingguwal kung hindi man bilingguwal. 2
  • 29. Pakinabang na nakukuha ng isang indibidwal sa multiligguwalismo. • kritikal ng pag-iisip • kahusayan sa paglutas ng suliranin • mahusay na kakayahan sa pakikinig • mataas na memorya • mas maunlad na kognitibo sa pagkatuto 2
  • 30. Ang UNESCO ay bumuo ng tatlong bahagi ng rasyonal na susuporta sa MTB_MLE sa lahat ng antas ng edukasyon. • Tungo sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon nakabatay sa kaalaman at karanasa ng mga mag-aaral at guro; • Tungo sa promosyon ng pagkakapantay sa lipunang iba-iba ang wika; at • Tungo sa pagpapalakas ng edukasyon multikultural at sa pagkakaunawaan at paggalang sa batayang karapatan sa pagitan ng mga grupo sa lipunan. 2
  • 31. Sa Pilipinas, ipinatupad amg multilingguwal sa edukasyon sa pamamagutan ng Department of Education Order 16, s. 2012( Guidlenes on the Implementation of the MTB_MLE) na may layuning: • Pagpapaunlad ng wika tungo sa matatag na edukasyon at habambuhay na pagkatuto • Kognitibong pag-unlad na may pokus sa higher order thingking skills (HOTS); • Akademikong pag-unlad sa maghahanda sa mga mag-aaral na paghusayin ang kakayahan sa ibat'ibang larang ng pagkatuto. • Pag-unlad ng kamalayan sosyo-kultural na magpapayabong sa pagpapahalaga at pagmamalaki sa mag-aaral sa kanyang pinagmulang kultura at wika. 2
  • 32. Homogeneous at Heterogeneous na Wika Ang pagiging homogeneous at heterogeneous ng isang wika ay tumutukoy sa pagkakaroon ng iisang porma o estandard na anyo nito o kaya ay pagkakaroon ng ibat'ibang porma o barayti. Ayon sa Merriam-Webster Dictionary, ang salitang homogeneous ay nagmula sa salitang Griyego na homogenes mula sa hom-na nangangahulugan ng uri o klase at genos na nangangahulugangang kaangkan o lahi. Kung gayon ang salitang homogeneous ay nangangahulugang isang klase mula sa iisang lahi o angkan. 2
  • 33. Sa kabilang banda, maaaring magkaiba-iba ang paggamit ng isang wika batay sa ibat’ibang salik at kontekstong pinagmulan ng nagsasalita nito. Dito papasok ang pagiging heterogeneous o pagkakaiba-iba ng uri at katangian ng isang wika. 2
  • 34. Lingguwistikong Komunidad Ang lingguwistikong komunidad ay isang termeino sa sosyolingguwistiks na tumutukoy sa isang grupo ng mga taong gumagamit ng iisang uri ng barayti ng wika at nagkakaunawaan sa mga ispesipikong patakaran o mga alituntunin sa paggamit ng wika. Ayon kay Yule (2014), ang wika ang pamamaraan ng paggamit nito ay isang porma ng panlipunang identidad at ginagamit, malay man o hindi upang ipahiwatig o maging palatandaan ng pagiging kasapi ng isang tao sa isang tiyak na grupong panlipunan. 2
  • 35. Unang Wika at Ikalawang Wika Ang unang wika na kadalasang ay tinatawag ding katutubong wika o sinusong wika ( mother tongue) ay ang wikang natutunan at ginagamit ng isang tao simula pagkapanganak hanggang sa panahon kung kailan lubos nang nauunawaan at nagagamit ng tao ang nasabing wika. Samantala, ayon kat Lee (2013) sa kanyang artikulong ng TheNative Speaker: An Archievable Model? May mga gabay upang matukoy ang isang tao ay katutubong tagapagsalita ng isang wika. 1.Natutuhan ng indibidwal ang wika sa murang edad, 2.Ang indibidwal ay may likas at instinktibong kaalaman at kamalayan 2
  • 36. 1.May kakayahan ang indibidwal na makabuo ng matatas at ispontanyong diskurso gamit ang wika, 2.Mataas ang kakayahan sa komunikasyon ng indibidwal gamit ang wika, 3.Kinikilala ang sarili bilang bahagi at nakikilala bilang bahagi ng isang lingguwistikong komunidad, at 4.May puntong dayalektal ang indibidwal na taal sa katutubong wika. 2
  • 37. Sa kabilang banda, ang ikalawang wika naman ay ang wikang natutuhan at ginagamit ng isang tao labas pa sa kanyang unang wika. Ang wikang ito ay hindi taal o katutubong wika para sa tagapagsalita ngunit isang wikang ginagamit din sa lokalidad ng taong nagsasalita. Isa sa mga kinilala si Krasher (1982) sa teorya ng Second Language Acquisition(SLA) na nagpalawig sa pagkakaiba sa acquiring (likas o natural na pagtatamo) at learning (pagkatuto) ng wika. Ayon sa kanya, ang acquisition o pagtatamo ay isang natural na proseso habang ang learning o pag-aaral ay kinasasangkutan ng malay o sadyang desisyon napag-aaralan ang wika. 2