SlideShare a Scribd company logo
2
Most read
NAME:__________________________ GRADE/SECTION__________________ SCORE:__________ Date:_________
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
1st Quarter- WEEK 2
GUNYAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Panimulang Ideya
Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo at marami kang makukuhang kaalaman sa bawat aralin. Kaya pagsikapan
mong mabuti na masagot ang mga gawaing inihahanda para sa iyo.
Alam mo bang mahalaga ang ginagampanang papel ng wika sa buhay ng tao? Ngunit dahil lagi na natin itong ginagamit,
hindi natin gaanong naoobserbahan ang tungkulin nito.Natural na lamang sa atin ito tulad ng ating paghinga at paglakad.
Sa araling ito, ang iyong kaalaman sa pagkamalikhain ay hihimukin. Ang dating kaalaman ay maiuugnay mo rin dito. Pati
na rin ang karanasang pansarili ay maari mong pagkunan ng iyong mga kasagutan.
Mga Layunin
Sa modyul na ito, inaasahang sa katapusan ng araling ito ay matatamo mo ang sumusunod na kasanayang pampagkatuto:
a. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika nakapag-uugnay-ugnay ng mga ideya gamit
ang makatwirang lohika .F11PT – Ia – 85.
PANGKALAHATANG PANUTO:
Basahing ang bawat detalye ng modyul at intindihin itong mabuti. Malaki ang maitutulong sa iyo ng modyul na ito. Higit na
maayos at kapaki-pakinabang ang pag-aaral kung susundin mo ang mga panuto o tuntunin sa paggamit sa aralin.
1. Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga kaugnay na gawain. Mababasa mo kung paano ito
gagawin.
2. Sagutin mo ang pangwakas na pagtataya sa kabuuan kung “Gaano ka kahusay at kung paano mo inunawa ang bawat
aralin?” kunin mong muli sa iyong guro ang susi ng pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto.
3. Kaibigan mo ang modyul na ito. Ingatang huwag masira.
PAMAMARAAN:
Sa araling ito, makabubuting pahalagahan natin ang pagsisikap ng KWF na bumuo ng Ortograpiyang Filipino. Sa
pamamagitan nito, mahuhutok maging may alam at maingat kayo bilang mag-aaral hinggil sa mga katangian ng mga salitang taal,
hiram, balbal, jargon, siyentipiko, bagong-likha, at iba pa. Basahin ang Dekalogo ng Wikang Filipino. Isinusulat ang nasabing
dekalogo ni Jose Ladera Santos. Ang kanyang inspirasyon ay ang mga bayani at tanyag ng mga pinuno na nakatuon sa pagmamahal
sa lahi, sa bansa, at sa Diyos.
Dekalogo ng Wikang Filipino
(ni Jose Ladera Santos)
I.
Ang wika ay dakilang biyaya ng Maykapal sa
sangkatauhan. Bawat bansa ay binigyan ng Diyos ng
kani-kaniyang wika sa pagkakakilanlan.
II.
Ang Pilipinas ay mayroong 176 na katutubong wika
bukod pa sa panghihiram sa mga banyagang wika.
III.
Ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino.
Si Pangulong Manuel Luis Quezon ang
Ama ng Wikang Pambansa. Ang wikang Filipino ay
katuparan ng pangarap na wikang panlahat.
IV
Ang wikang pambansa ay pinayayabong,pinagyayaman
at pinatatag ng lahat ng wikang ginagamit sa Pilipinas.
V.
Ang wika ay puso at kaluluwa ng bansa para sa ganap
sa pagkakakilanlan. Nakapaloob ito sa Pambansang Awit, Panunumpa
sa Watawat at sa lahat ng sagisag ng kalayaan at kasarinlan.
VI.
Tungkulin ng bawat Pilipino na pag-aralan,gamitin,
Pangalagaan , palaganapin,mahalin at igalang ang
Wikang Pambansa kasabay ang gayon ding pagmamalasakit
sa lahat ng katutubong wika at mga wikang ginagamit sa Pilipinas.
VII.
Ang pagmamahal at paggalang sa wika ay katapat ng
pagmamahal at paggalang sa sarili.Tumitiyak ito
upang igalang din ang kapwa.Taglay ng lahat ng
katutubong wika at mga wikang ginagamit sa Pilipinas
VIII.
Malayang gumamit at pagyamanin ang iba pang wikang
gustong matutuhan. Sa pagkatuto ng iba ay lalo pang
dapat pakamahalin ang mga kinagisnang wika. Ano
mang wikang hindi katutubo sa Pilipinas ay
wikang hiram. Hindi matatanggap bilang
pagkakakilanlan at hindi maaangkin ang sariling atin.
IX.
Bawat Pilipino ay nag-iisip, nangangarap at nanaginip
Sa wikang Filipino o wikang kinagisnan.
X.
Ang bawat pagsasalita at pagsusulat gamit ng wika
ay pagdiriwang at pasasalamat sa Maykapal sa
pagkakaloob ng wika bilang biyaya sa sangkatauhan.
Wikang Panturo
Ang wikang pambansa na itinadhana ng batas ay gagamitin bilang Wikang Panturo.Gagamitin ito upang makatulong sa pagtatamo ng mataas na antas
ng edukasyon. Mahalaga ang mabilis na pag-unawa sa tulong ng wikang panturo upang makaagapay sa akademikong pag-unlad. Magiging makahulugan ang
pagkatuto gamit ang wikang panturo. Gaya ng isinasaad sa Probisyong Pangwika ng Artikulo XIV seksyon 6 ng Saligang-batas ng 1987, kaugnay ng wikang
panturo na:
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nilinang,ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa
Pilipinas at ibang pang mga wika. Dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ilunsad at puspusang itaguyod ang Filipino bilang midyum ng
opisyal na komunikasyon at bilang wika ng panturo sa sistemang pang-edukasyon.
Wikang Opisyal
Tinatawag na Wikang Opisyal ang prinsipal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa pamahalaan, sa politika,sa komersiyo at industriya. Ipinahayag
naman sa Artikulo XIV seksyon 7 ng Saligang-batas ng 1987 na: “Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang Wikang Opisyal sa Pilipinas ay
Filipino at hangga’t walang itinadhana ang batas, Ingles.” Tinatanggap din ang Ingles na isa sa wikang opisyal maliban sa Filipino. Maaari itong gamitin sa
pakikipagkomunikasyon at edukasyon. Hangga’t walang batas na nagbabawal gamitin ang Ingles sa nasabing sitwasyon, kaagapay ito ng Filipino bilang Wikang
Opisyal.
Saligang Batas 1973 Artikulo XV, sek 3, talata 2
“ Ang PAmbansang Assemblea ay dapat gumawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na adaptasyon ng panlahat na wikang pambansang tatawaging
Filipino.”
Mga Dapat Tandaan:
1. DE FACTO AT DE JURE
2. WIKANG FILIPINO- ginagamit at malawakang sinasalita saan mang panig ng Pilipinas. Kinikilala at binigigyang- halaga ng maraming batas.
3. WIKANG PAMBANSA- daan ng pagkakaisa at simbolo ng kaunlaran ng isang bansa.
4. OPISYAL NA WIKA- wika ng komunikasyon, transaksiyon o pakikipag- ugnayan ng pamahalaan sa sambayanan.
5. WIKANG PANTURO- nauukol sa wika ng pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral.
PAGTATAYA:
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot
1. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng wika?
a. ito ay arbitraryo c. may superior na wika
b. ito ay masistemang balangkas d. may pulitika ang wika
2. Anong konseptong pangwika ang tinuturing na daan ng pagkakaisa at simbolo ng kaunlaran ng isang bansa?
a. wikang katutubo c. wikang opisyal
b. wikang panturo d. wikang pambansa
3. Anong Artikulo ng saligang batas ang nagpatibay sa pangangalaga sa Wikang Pambansa ng Pilipinas?
a. Artikulo VI seksyon 14 ng SB 1987 c. Artikulo XIV seksyon 16 ng SB 1987
b. Artikulo VII seksyon 14 ng SB 1986 d. Artikulo XIV seksyon 6 ng SB 1987
4. Ano ang itinakda ng kasalukuyang konstitusyonbilang wikang opisyal ng Pilipinas?
a. Filipino at Ingles c. Filipino at Kastila
b. Filipino, Ingles at Kastila d. Ingles
5. Sino ang nagbaba ng kautusan na tawaging Pilipino ang pambansang wika?
a. Kalihim Jose Romero c. Pang. Manuel Quezon
b. Kalihim Manuel Robredo d. Pang. Diosdado Macapagal
6. Kailan pormal na itinuro sa mga paaralan sa boung bansa ang tagalog?
a. 1897 b. 1940 c. 1987 d. 2000
7. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng wikang Filipino.
a. Lingua franca c. may verbalizing power
b. highly agglutinative d. ekslusibong wika ng Maynila
8. Alin sa mga sumusunod ang magsisilbing pantulong na wika sa pagtuturo maliban sa mga wikang opisyal?
a. wikang panrehiyon c. wikang polmal
b. wikang pambansa d. wikang pampanitikan
9. Alin sa mga sumusunod ang hindi dahilan sa pagpili ng tagalog bilang batayan ng wikang Pambansa?
a. Ang tagalog ay superyor na wikang gamitin sa mga pag-uusap ng mga Pilipino at marami ang nakauunawa rito.
b. Ang tagalog ay hindi nahahati sa mas maliliit at hiwa-hiwalay na wika, hindi tulad ng Bisaya.
c. higit na mas maraming aklat at panitikang nasusulat sa tagalog kaysa sa iba pang katutubong wikang awstronesyo.
d. Ang tagalog ang wika ng Maynila- ang kabiserang pampolitika at ekonomiya sa boung bansa.
10. Anong wika ang kadalasang ginagamit sa lahislatibong sangay ng bansa?
a. Wikang Pambansa b. Wikang Panturo c. Wikang Pormal d. Wikang Opisyal
Prepared by:
LOVELY U. DUMAJEL, MBA
ANSWER KEY:
1. C
2. D
3. D
4. A
5. A
6. B
7. D
8. A
9. A
10. D

More Related Content

PPTX
introduksyon sa kontekswalisadong pag-aaral.pptx
PPTX
Konsepto ng wika
PPTX
KOM PAN L1.pptx Komunikasyon at Pananaliksik sa wikang Filipino
PPTX
Modyul-1.pptx
PPTX
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
PDF
Introdusyon sa Pag-aaral ng Wika
PDF
KOMPAN-M1-lecture.pdf...........................................
PPTX
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO August 1, 2024.pptx
introduksyon sa kontekswalisadong pag-aaral.pptx
Konsepto ng wika
KOM PAN L1.pptx Komunikasyon at Pananaliksik sa wikang Filipino
Modyul-1.pptx
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Introdusyon sa Pag-aaral ng Wika
KOMPAN-M1-lecture.pdf...........................................
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO August 1, 2024.pptx

Similar to KOMUNIKASYON-wikang Pambansa, opisyal, panturo (20)

PPTX
KONSEPTONG PANGWIKA. Aralin sa KWKP II 1
PPTX
lesson 2.pptx
PPTX
KOMUNIKASYON.pptx
PPTX
Aralin 1.pptx
PPTX
PPT KOM ARALIN 2.pptx
PPTX
KONSEPTONG-PANGWIKA.pptx
PPTX
Aralin 2-Kasaysayan ng Wikang Pambansa.pptx
PPTX
ANG-WALANG-KAMATAYANG-ISYU-NG-WIKA-AT-EDUKASYON-SA-PILIPINAS-HULYO-17-2021.pptx
DOCX
Activity Sheet-Komunikasyon-wk 1. activity taladocx
PPTX
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
PPTX
ARALIN 2 Filipino bilang Wikang Pambansa.pptx
PPTX
WEEK 4-wikang Pambansa.pptx
PDF
Lesson-1-Kahulugan-ng-Wika (2).pdf123456
PPTX
KOMPAN WEEK1.pptx
PPTX
FILDIS3.pptx criminology in uniform skll
PPTX
Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino
PPTX
KOMPAN-11-KONSEPTONG-PANG-WIKA-TEORYA.pptx
PDF
Lesson-1.1-Pambansang-Wika.pdf1234567890
PPTX
KONTEKS-PPT.pptx xzxxzzxxzxxxxxzzzxzcxzxxzzxxxxxxz
PPTX
KomPan Aralin 1.pptx
KONSEPTONG PANGWIKA. Aralin sa KWKP II 1
lesson 2.pptx
KOMUNIKASYON.pptx
Aralin 1.pptx
PPT KOM ARALIN 2.pptx
KONSEPTONG-PANGWIKA.pptx
Aralin 2-Kasaysayan ng Wikang Pambansa.pptx
ANG-WALANG-KAMATAYANG-ISYU-NG-WIKA-AT-EDUKASYON-SA-PILIPINAS-HULYO-17-2021.pptx
Activity Sheet-Komunikasyon-wk 1. activity taladocx
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
ARALIN 2 Filipino bilang Wikang Pambansa.pptx
WEEK 4-wikang Pambansa.pptx
Lesson-1-Kahulugan-ng-Wika (2).pdf123456
KOMPAN WEEK1.pptx
FILDIS3.pptx criminology in uniform skll
Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino
KOMPAN-11-KONSEPTONG-PANG-WIKA-TEORYA.pptx
Lesson-1.1-Pambansang-Wika.pdf1234567890
KONTEKS-PPT.pptx xzxxzzxxzxxxxxzzzxzcxzxxzzxxxxxxz
KomPan Aralin 1.pptx
Ad

Recently uploaded (20)

PPTX
Lesson plan_ Grade 10 ESP Nakapagpapaliwanag ng kahulugan ng dignidad ng tao...
PPTX
FILIPINO8 Q1 3(b) Naiuugnay ang mahahalagang kaisipan ng sanaysay.pptx
DOCX
G6 Q1W8 DLL ESP (MELCs).documents 2-25-2026
PPTX
GMRC-4-W5-MATATAG-PPT.pptx grade 4 week 5
PPTX
Q1-WEEK-2-Ugnayan-ng-Heograpiya-at-Kultura.pptx
PPTX
Tekstong Biswal Filipino 8 powerpointcdnjncj
PDF
Buwan ng Wika 2025 HeadDress Part 1 - 4.pdf
PPTX
521486018-ESP-9-Kabutihang-Panlahat.pptx
PPTX
MODYUL 7 kalayaan EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO.pptx
PPTX
FILIPINO8 Q1 3 (d) Nasusuri ang mga elementong panlingguwistika .pptx
PPTX
payak na pamumuhay power point presentation in values 8
PPTX
Sestimang panlipunan ng sinaunang greece .pptx
PDF
EsP10-Q1-M6-Ang Tunay na Kahulugan ng Kalayaan-v4.pdf
PPTX
G5Q1W7 Powerpoint ARALING PANLIPUNAN.pptx
PPTX
APTek 10-Yunit 1-Aralin 5 cbdrrm ppt.pptx
PPTX
week-5Paniniwala-at-Pananampalataya-buhay-at-sa-kabilang-buhay.pptx
PPTX
AP8 Q1 Week 3-4 Kabihasnang Mycenaean.pptx
PPTX
Edukasyon sa Pagpapahalaga baitang 7 ESP
PPTX
panahon-ng-amerikano-220203235805 (1).pptx
PPTX
MAKABANSA POWERPOINT WEEK 7Q1 day 1.pptx
Lesson plan_ Grade 10 ESP Nakapagpapaliwanag ng kahulugan ng dignidad ng tao...
FILIPINO8 Q1 3(b) Naiuugnay ang mahahalagang kaisipan ng sanaysay.pptx
G6 Q1W8 DLL ESP (MELCs).documents 2-25-2026
GMRC-4-W5-MATATAG-PPT.pptx grade 4 week 5
Q1-WEEK-2-Ugnayan-ng-Heograpiya-at-Kultura.pptx
Tekstong Biswal Filipino 8 powerpointcdnjncj
Buwan ng Wika 2025 HeadDress Part 1 - 4.pdf
521486018-ESP-9-Kabutihang-Panlahat.pptx
MODYUL 7 kalayaan EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO.pptx
FILIPINO8 Q1 3 (d) Nasusuri ang mga elementong panlingguwistika .pptx
payak na pamumuhay power point presentation in values 8
Sestimang panlipunan ng sinaunang greece .pptx
EsP10-Q1-M6-Ang Tunay na Kahulugan ng Kalayaan-v4.pdf
G5Q1W7 Powerpoint ARALING PANLIPUNAN.pptx
APTek 10-Yunit 1-Aralin 5 cbdrrm ppt.pptx
week-5Paniniwala-at-Pananampalataya-buhay-at-sa-kabilang-buhay.pptx
AP8 Q1 Week 3-4 Kabihasnang Mycenaean.pptx
Edukasyon sa Pagpapahalaga baitang 7 ESP
panahon-ng-amerikano-220203235805 (1).pptx
MAKABANSA POWERPOINT WEEK 7Q1 day 1.pptx
Ad

KOMUNIKASYON-wikang Pambansa, opisyal, panturo

  • 1. NAME:__________________________ GRADE/SECTION__________________ SCORE:__________ Date:_________ KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 1st Quarter- WEEK 2 GUNYAN NATIONAL HIGH SCHOOL Panimulang Ideya Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo at marami kang makukuhang kaalaman sa bawat aralin. Kaya pagsikapan mong mabuti na masagot ang mga gawaing inihahanda para sa iyo. Alam mo bang mahalaga ang ginagampanang papel ng wika sa buhay ng tao? Ngunit dahil lagi na natin itong ginagamit, hindi natin gaanong naoobserbahan ang tungkulin nito.Natural na lamang sa atin ito tulad ng ating paghinga at paglakad. Sa araling ito, ang iyong kaalaman sa pagkamalikhain ay hihimukin. Ang dating kaalaman ay maiuugnay mo rin dito. Pati na rin ang karanasang pansarili ay maari mong pagkunan ng iyong mga kasagutan. Mga Layunin Sa modyul na ito, inaasahang sa katapusan ng araling ito ay matatamo mo ang sumusunod na kasanayang pampagkatuto: a. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika nakapag-uugnay-ugnay ng mga ideya gamit ang makatwirang lohika .F11PT – Ia – 85. PANGKALAHATANG PANUTO: Basahing ang bawat detalye ng modyul at intindihin itong mabuti. Malaki ang maitutulong sa iyo ng modyul na ito. Higit na maayos at kapaki-pakinabang ang pag-aaral kung susundin mo ang mga panuto o tuntunin sa paggamit sa aralin. 1. Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga kaugnay na gawain. Mababasa mo kung paano ito gagawin. 2. Sagutin mo ang pangwakas na pagtataya sa kabuuan kung “Gaano ka kahusay at kung paano mo inunawa ang bawat aralin?” kunin mong muli sa iyong guro ang susi ng pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto. 3. Kaibigan mo ang modyul na ito. Ingatang huwag masira. PAMAMARAAN: Sa araling ito, makabubuting pahalagahan natin ang pagsisikap ng KWF na bumuo ng Ortograpiyang Filipino. Sa pamamagitan nito, mahuhutok maging may alam at maingat kayo bilang mag-aaral hinggil sa mga katangian ng mga salitang taal, hiram, balbal, jargon, siyentipiko, bagong-likha, at iba pa. Basahin ang Dekalogo ng Wikang Filipino. Isinusulat ang nasabing dekalogo ni Jose Ladera Santos. Ang kanyang inspirasyon ay ang mga bayani at tanyag ng mga pinuno na nakatuon sa pagmamahal sa lahi, sa bansa, at sa Diyos. Dekalogo ng Wikang Filipino (ni Jose Ladera Santos) I. Ang wika ay dakilang biyaya ng Maykapal sa sangkatauhan. Bawat bansa ay binigyan ng Diyos ng kani-kaniyang wika sa pagkakakilanlan. II. Ang Pilipinas ay mayroong 176 na katutubong wika bukod pa sa panghihiram sa mga banyagang wika. III. Ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino. Si Pangulong Manuel Luis Quezon ang Ama ng Wikang Pambansa. Ang wikang Filipino ay katuparan ng pangarap na wikang panlahat. IV Ang wikang pambansa ay pinayayabong,pinagyayaman at pinatatag ng lahat ng wikang ginagamit sa Pilipinas. V. Ang wika ay puso at kaluluwa ng bansa para sa ganap sa pagkakakilanlan. Nakapaloob ito sa Pambansang Awit, Panunumpa sa Watawat at sa lahat ng sagisag ng kalayaan at kasarinlan. VI. Tungkulin ng bawat Pilipino na pag-aralan,gamitin, Pangalagaan , palaganapin,mahalin at igalang ang Wikang Pambansa kasabay ang gayon ding pagmamalasakit sa lahat ng katutubong wika at mga wikang ginagamit sa Pilipinas. VII. Ang pagmamahal at paggalang sa wika ay katapat ng pagmamahal at paggalang sa sarili.Tumitiyak ito upang igalang din ang kapwa.Taglay ng lahat ng katutubong wika at mga wikang ginagamit sa Pilipinas VIII. Malayang gumamit at pagyamanin ang iba pang wikang gustong matutuhan. Sa pagkatuto ng iba ay lalo pang dapat pakamahalin ang mga kinagisnang wika. Ano mang wikang hindi katutubo sa Pilipinas ay wikang hiram. Hindi matatanggap bilang pagkakakilanlan at hindi maaangkin ang sariling atin. IX. Bawat Pilipino ay nag-iisip, nangangarap at nanaginip Sa wikang Filipino o wikang kinagisnan.
  • 2. X. Ang bawat pagsasalita at pagsusulat gamit ng wika ay pagdiriwang at pasasalamat sa Maykapal sa pagkakaloob ng wika bilang biyaya sa sangkatauhan. Wikang Panturo Ang wikang pambansa na itinadhana ng batas ay gagamitin bilang Wikang Panturo.Gagamitin ito upang makatulong sa pagtatamo ng mataas na antas ng edukasyon. Mahalaga ang mabilis na pag-unawa sa tulong ng wikang panturo upang makaagapay sa akademikong pag-unlad. Magiging makahulugan ang pagkatuto gamit ang wikang panturo. Gaya ng isinasaad sa Probisyong Pangwika ng Artikulo XIV seksyon 6 ng Saligang-batas ng 1987, kaugnay ng wikang panturo na: Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nilinang,ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at ibang pang mga wika. Dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ilunsad at puspusang itaguyod ang Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng panturo sa sistemang pang-edukasyon. Wikang Opisyal Tinatawag na Wikang Opisyal ang prinsipal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa pamahalaan, sa politika,sa komersiyo at industriya. Ipinahayag naman sa Artikulo XIV seksyon 7 ng Saligang-batas ng 1987 na: “Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang Wikang Opisyal sa Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinadhana ang batas, Ingles.” Tinatanggap din ang Ingles na isa sa wikang opisyal maliban sa Filipino. Maaari itong gamitin sa pakikipagkomunikasyon at edukasyon. Hangga’t walang batas na nagbabawal gamitin ang Ingles sa nasabing sitwasyon, kaagapay ito ng Filipino bilang Wikang Opisyal. Saligang Batas 1973 Artikulo XV, sek 3, talata 2 “ Ang PAmbansang Assemblea ay dapat gumawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na adaptasyon ng panlahat na wikang pambansang tatawaging Filipino.” Mga Dapat Tandaan: 1. DE FACTO AT DE JURE 2. WIKANG FILIPINO- ginagamit at malawakang sinasalita saan mang panig ng Pilipinas. Kinikilala at binigigyang- halaga ng maraming batas. 3. WIKANG PAMBANSA- daan ng pagkakaisa at simbolo ng kaunlaran ng isang bansa. 4. OPISYAL NA WIKA- wika ng komunikasyon, transaksiyon o pakikipag- ugnayan ng pamahalaan sa sambayanan. 5. WIKANG PANTURO- nauukol sa wika ng pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral. PAGTATAYA: Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot 1. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng wika? a. ito ay arbitraryo c. may superior na wika b. ito ay masistemang balangkas d. may pulitika ang wika 2. Anong konseptong pangwika ang tinuturing na daan ng pagkakaisa at simbolo ng kaunlaran ng isang bansa? a. wikang katutubo c. wikang opisyal b. wikang panturo d. wikang pambansa 3. Anong Artikulo ng saligang batas ang nagpatibay sa pangangalaga sa Wikang Pambansa ng Pilipinas? a. Artikulo VI seksyon 14 ng SB 1987 c. Artikulo XIV seksyon 16 ng SB 1987 b. Artikulo VII seksyon 14 ng SB 1986 d. Artikulo XIV seksyon 6 ng SB 1987 4. Ano ang itinakda ng kasalukuyang konstitusyonbilang wikang opisyal ng Pilipinas? a. Filipino at Ingles c. Filipino at Kastila b. Filipino, Ingles at Kastila d. Ingles 5. Sino ang nagbaba ng kautusan na tawaging Pilipino ang pambansang wika? a. Kalihim Jose Romero c. Pang. Manuel Quezon b. Kalihim Manuel Robredo d. Pang. Diosdado Macapagal 6. Kailan pormal na itinuro sa mga paaralan sa boung bansa ang tagalog? a. 1897 b. 1940 c. 1987 d. 2000 7. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng wikang Filipino. a. Lingua franca c. may verbalizing power b. highly agglutinative d. ekslusibong wika ng Maynila 8. Alin sa mga sumusunod ang magsisilbing pantulong na wika sa pagtuturo maliban sa mga wikang opisyal? a. wikang panrehiyon c. wikang polmal b. wikang pambansa d. wikang pampanitikan 9. Alin sa mga sumusunod ang hindi dahilan sa pagpili ng tagalog bilang batayan ng wikang Pambansa? a. Ang tagalog ay superyor na wikang gamitin sa mga pag-uusap ng mga Pilipino at marami ang nakauunawa rito. b. Ang tagalog ay hindi nahahati sa mas maliliit at hiwa-hiwalay na wika, hindi tulad ng Bisaya. c. higit na mas maraming aklat at panitikang nasusulat sa tagalog kaysa sa iba pang katutubong wikang awstronesyo. d. Ang tagalog ang wika ng Maynila- ang kabiserang pampolitika at ekonomiya sa boung bansa. 10. Anong wika ang kadalasang ginagamit sa lahislatibong sangay ng bansa? a. Wikang Pambansa b. Wikang Panturo c. Wikang Pormal d. Wikang Opisyal Prepared by: LOVELY U. DUMAJEL, MBA
  • 3. ANSWER KEY: 1. C 2. D 3. D 4. A 5. A 6. B 7. D 8. A 9. A 10. D