2. Dahil sa Cold War matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig,
binuo ng , , ,
, at ang upang
labanan ang banta ng komunismo.
Kalaunan, sumali rin ang , ,
, , at upang palakasin
ang katatagan at kapayapaan sa rehiyon.
Indonesia Malaysia
Thailand
Singapore
Pilipinas
ASEAN
Brunei Vietnam
Cambodia
Laos Myanmar
3. Isang susi sa
TAGUMPAY ng
ASEAN ang paraan
ng pakikipag-
ugnayan ng mga
kasapi na kilala
bilang ASEAN Way.
TAGUMPAY
ng ASEAN
ADYENDA
5. ASEAN Quest:
Nilagdaan noong Nobyembre 27, 1971
sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Layunin nitong tiyakin ang neutralidad
at kalayaan ng rehiyon mula sa
dayuhang impluwensya sa gitna ng
banta ng komunismo noong Cold War.
1.
ASEAN
CONCORD
SEANWFZ
AFTA
ZOPFAN
ASEAN
VISION
2020
6. ASEAN Quest:
Ito ay inilunsad noong Disyembre 15,
1997 sa Kuala Lumpur, Malaysia,
na naglalayong bumuo ng isang
pinagbuklod na komunidad ng mga
bansang ASEAN.
2.
ASEAN
CONCORD
SEANWFZ
AFTA
ZOPFAN
ASEAN
VISION
2020
7. ASEAN Quest:
Pormal na pinagtibay noong
Pebrero 24, 1976 sa Bali, Indonesia na
nagsusulong ng kapayapaan, kaunlaran, at
kabutihan ng mga mamamayan, kasama
ang pagpapalakas ng kooperasyon sa
larangan ng politika, ekonomiya, lipunan, at
kultura.
3.
ASEAN
CONCORD
SEANWFZ
AFTA
ZOPFAN
ASEAN
VISION
2020
8. ASEAN Quest:
Nilagdaan noong Enero 28, 1992 sa
Singapore. Layunin nitong palakasin
ang kompetisyon sa pandaigdigang
pamilihan at magtatag ng malayang
kalakalan sa rehiyon sa pamamagitan
ng pagbaba ng taripa.
4.
ASEAN
CONCORD
SEANWFZ
AFTA
ZOPFAN
ASEAN
VISION
2020
9. ASEAN Quest:
Kilala rin bilang Bangkok Treaty,
pinirmahan noong Disyembre 15, 1995.
Layunin nitong gawing ligtas ang
rehiyon mula sa anumang banta ng
sandatang nuklear at isulong ang
pandaigdigang kapayapaan.
5.
ASEAN
CONCORD
SEANWFZ
AFTA
ZOPFAN
ASEAN
VISION
2020
11. Bago pa man pormal na mabuo ang
Association of Southeast Asian Nations (ASEAN),
malinaw na makikita na ang aktibong papel
ng Pilipinas sa pagpapatatag ng
kapayapaan, seguridad, at kooperasyon sa
rehiyon.
12. Noong 1954, sa bisa ng
The Manila Pact, naging
kasapi ang Pilipinas ng
Southeast Asian Treaty
Organization (SEATO) —
isang samahang binuo
upang magbigay
proteksyon laban sa
paglaganap ng
komunismo sa Timog-
13. Kabilang sa mga
kasaping bansa
ng SEATO ang
United States,
Great Britain, France,
Australia, New
Zealand, Pakistan,
Thailand at Pilipinas.
14. Sumunod dito, noong
Agosto 5, 1963,
pinangunahan ni
Pangulong Diosdado
Macapagal
ang pagtatatag ng
MAPHILINDO —
isang panrehiyong alyansa
sa pagitan ng Malaysia,
Pilipinas, at Indonesia.
15. Nilagdaan nina
Pangulong Sukarno
ng Indonesia,
Pangulong Macapagal
ng Pilipinas,
at Prime Minister
Tunku Abdul Rahman
ng Malaysia
ang kasunduan na naglalayong
pagtibayin ang pagkakaisa at
pagtutulungan ng tatlong bansa.
16. Nag-ugat ang alyansa mula
sa kanilang pagkakatulad
sa etnisidad
(predominanteng Malay),
heograpikal na lokasyon
malapit sa mga karagatan,
at pagkakabahagi sa
kasaysayan ng kolonisasyon
ng mga Kanluraning bansa.
17. Sa kalaunan, napatunayan ang mahalagang
papel ng Pilipinas bilang isa sa mga
founding members ng ASEAN.
18. Noong Agosto 8, 1967,
nagtipon ang limang bansa
— Indonesia, Malaysia,
Pilipinas, Singapore, at
Thailand — sa isang
beach resort sa Bang Saen,
malapit sa Bangkok, upang
isulat ang draft ng ASEAN
Declaration.
19. Bagamat nagkaroon ng
magkakaibang pananaw,
hidwaan, at pagkakaiba
sa kasaysayan, nanaig
ang diwa ng pagkakaisa
at pagtutulungan.
Sa huli, nilagdaan ang
kasunduan na nagtatag
ng ASEAN.
20. Ang Pilipinas
ay kinatawan ni
Narciso R. Ramos,
ama ng dating
Pangulong Fidel V.
Ramos, sa
makasaysayang
pagpupulong na ito.
21. Ang aktibong partisipasyon ng Pilipinas sa mga
inisyatibang ito ay patunay ng mahalagang
PAPEL nito sa pagtataguyod ng kapayapaan,
seguridad, at
kooperasyon sa
rehiyon, bago pa
man tuluyang
mabuo ang ASEAN.
22. Kailan sumapi ang Pilipinas
sa Southeast Asian Treaty
Organization (SEATO)?
Pili-Letra:
1.
A. 1954
B. 1963
C. 1967
D. 1971
23. Sino ang pinuno ng Pilipinas na
nagtatag ng MAPHILINDO?
Pili-Letra:
2.
A. Ferdinand Marcos
B. Diosdado Macapagal
C. Ramon Magsaysay
D. Fidel V. Ramos
24. Alin sa mga sumusunod ang HINDI
kasaping bansa ng SEATO?
Pili-Letra:
3.
A. Pilipinas
B. France
C. Malaysia
D. Australia
25. Sino ang kinatawan ng Pilipinas sa
pagbuo ng ASEAN?
Pili-Letra:
4.
A. Fidel V. Ramos
B. Narciso R. Ramos
C. Carlos P. Romulo
D. Diosdado Macapagal
26. Bakit mahalaga ang papel ng Pilipinas
sa pagbuo ng ASEAN?
Pili-Letra:
5.
A. Naging tagapamagitan sa usaping pang-
ekonomiya at pakikipagtulungan
B. Nanguna sa pagpapatibay ng kapayapaan,
seguridad, at kooperasyon sa rehiyon
C. Nagtatag ng mahalagang alyansa militar para
sa seguridad ng rehiyon
D. Naging tagapagtatag ng organisasyong
nagpalakas ng pandaigdigang ugnayan
27. Bilang kasapi ng ASEAN, isa sa pangunahing
tungkulin ng Pilipinas ay ang maging
tagapagpatnubay o tagapag-ayos ng panlabas
na pakikipag-ugnayan ng ASEAN sa mga
estratehikong dialogue partners.
28. Ginagawa ito
sa paikot na rotasyon
kada taon batay sa
alpabetikong
pagkakasunod-sunod ng
mga bansang kasapi,
alinsunod sa Article 31
ng ASEAN Charter.
29. Ang isang miyembrong bansa
na may hawak ng
pamumuno sa ASEAN ay
inaasahan na maging aktibo
sa pagsulong at pahusayin
ang interes at kabutihan ng
ASEAN, kabilang ang mga
pagsisikap na bumuo ng
isang komunidad ng ASEAN
30. sa pamamagitan ng mga
hakbangin sa patakaran,
koordinasyon,
pinagkasunduan, at
pakikipagtulungan at
bigyang-diin ang
pangunahing prinsipyo na
ASEAN Centrality.
ASEAN Centrality - prinsipyo na ang ASEAN
ay dapat nangingibabaw upang malagpasan
ang mga karaniwan hamon at makipag-
ugnayan sa mga panlabas na kapangyarihan
32. 1987 Manila
Declaration
Napagtibay ang mas
malapit na
pagtutulungang
pampolitika at pang-
ekonomiya sa pagitan ng
mga kasapi kasama ang
kanilang dialogue partners.
33. 3rd
ASEAN Informal Summit
Manila, Philippines
November 1999
Tinalakay dito ang seguridad,
ekonomiya, at mas mahigpit na
ugnayan sa Silangang Asya,
kabilang ang ASEAN Free Trade
Area, e-ASEAN, at mas matibay
na kooperasyon laban sa
krimen at kahirapan.
34. Ipinagpaliban ang 2006 ASEAN
Summit sa Cebu dahil sa masamang
panahon dulot ng Bagyong
Seniang at itinuloy ito noong Enero
2007.
35. 2007 Cebu Summit
Pinagtibay ang limang kasunduan, kabilang ang:
• Cebu Declaration on the Acceleration of the Establishment
of an ASEAN Community by 2015
• ASEAN Declaration on the Protection and Promotion of the
Rights of Migrant Workers
• Cebu Declaration on the Blueprint for the ASEAN Charter
36. Matapos ang halos isang
dekada, muling naging
tagapamuno ang Pilipinas
ng mga pagpupulong
sa ASEAN sa dalawang
ASEAN Summit noong 2017.
Dalawang beses ito dahil
sa panukala na pagkakaroon
ng magkasunod na pagpupulong
sa isang taon sa
tagapamunong bansa.
37. Isinagawa ang ika-30
ASEAN Summit noong
Abril 2017at ang ika-31
ASEAN Summit naman
noong Nobyembre 2017,
kapwa ginanap
sa Manila.
39. May temang
"Partnering for Change,
Engaging the World,"
tinalakay ang
pagpapatupad ng
ASEAN Community Vision
2025 at UN 2030 Agenda
for Sustainable
Development.
40. Pinagtibay din ang ASEAN Declaration on the Role
of the Civil Service at ASEAN Consensus on Migrant
Workers’ Rights, habang tinalakay rin ang tensiyon sa
Korean Peninsula at pagsunod sa resolusyon ng UN.
41. Kailan naging tagapangulo ang
Pilipinas ng ASEAN sa kauna-
unahang pagkakataon?
Pili-Letra:
1.
A. 1983
B. 1987
C. 2007
D. 2022
42. Bakit ipinagpaliban ang 2006
ASEAN Summit sa Cebu?
Pili-Letra:
2.
A. Dahil sa kakulangan sa pondo
B. Dahil sa hindi pagkakaunawaan
ng mga miyembro
C. Dahil sa masamang panahon
dulot ng Bagyong Seniang
D. Dahil sa isyu sa seguridad
43. Ano ang tema ng ASEAN Summit
noong 2017?
Pili-Letra:
3.
A. "Strengthening Regional Ties“
B. "Advancing Unity and Prosperity“
C. "Partnering for Change,
Engaging the World“
D. "Building Bridges for Peace"
44. Bakit mahalaga ang pagpapatibay ng
ASEAN Consensus on the Protection of the
Rights of Migrant Workers?
Pili-Letra:
4.
A. Upang magtatag ng bagong kasunduan sa
kalakalan
B. Upang maprotektahan ang karapatan ng
mga migranteng manggagawa sa rehiyon
C. Upang magbigay ng libreng edukasyon sa
lahat ng bansa
D. Upang palakasin ang kalakalan sa
pagitan ng mga kasaping bansa
45. Paano pinipili ang tagapangulo
ng ASEAN?
Pili-Letra:
5.
A. Bilang ng populasyon
B. Halalan ng miyembro
C. Paikot na rotasyon
D. Pinakaaktibong bansa
46. prinsipyo na ang ASEAN ay dapat
nangingibabaw upang malagpasan
ang mga karaniwan hamon at
makipag- ugnayan sa mga panlabas
na kapangyarihan
ASEAN Centrality
47. Ilan sa mga halimbawa ng prinsipyo
ng ASEAN Centrality ang pagsasagawa
ng state visit ng pangulo sa iba’t ibang bansa.
Presidential Challenge:
State Visit Edition
Tukuyin ang Pangulo ng Pilipinas
na nagsagawa ng state visit sa ibinigay
na petsa o bansa.
48. 11th
President
Bumisita siya sa Indonesia
noong 1986 upang
pagtibayin ang
pagtutulungan at
kasunduan sa air search
and rescue cooperation.
Pangulong Corazon C.
Aquino
49. 12th
President
Iminungkahi niya noong
1993 sa Malaysia ang
pagtatayo ng konsulado sa
Sabah at Davao, na sinang-
ayunan ng Malaysia, at
pinalakas ang ugnayan ng
dalawang bansa.
Pangulong Fidel V. Ramos
52. 15th
President
Bumisita siya sa Vietnam noong
2010 upang pagtibayin ang
pagtutulungan sa edukasyon,
depensa, at kalikasan.
Naging mahalaga rin ang
administrasyon niya sa
pagpapaliban ng bitay kay
Mary Jane Veloso noong 2015.
Pangulong Benigno S. Aquino
III
54. 17th
President
Bumisita siya sa Indonesia
noong 2022 upang lagdaan
ang plan of action para sa
depensa, seguridad, at
kultural na pagtutulungan
hanggang 2027.
Pangulong Ferdinand
"Bongbong" R. Marcos Jr.
55. Ang magandang ugnayan ng
bawat bansa sa Timog-
Silangang Asya
ay daan tungo sa
pagpapabuti ng politikal,
ekonomikal, panlipunan,
at kultural na aspekto
ng ating bansa.
Gayundin, nakakatulong ito
sa mga kasamahang bansa
sa ASEAN.
56. Presidential
Match:
Kilalanin at tukuyin kung pang-ilang pangulo ng Pilipinas
ang mga sumusunod:
1. 2. 3. 4. 5. 6. 7.
Pangulong
Joseph E.
Estrada
Pangulong
Corazon C.
Aquino
Pangulong
Benigno S.
Aquino III
Pangulong
Rodrigo R.
Duterte
Pangulong
Ferdinand
R. Marcos
Jr.
Pangulong
Fidel V.
Ramos
Pangulong
Gloria M.
Arroyo
13t h
President
11t h
President
15t h
President
16t h
President
17t h
President
12t h
President
14t h
President
57. Ang ASEAN ang
pundasyon ng
patakarang panlabas at
kalakalan ng Pilipinas,
na nagtataguyod ng
kapayapaan,
katatagan,
at kooperasyon sa
Timog-Silangang Asya.
59. Aktibo ang Pilipinas sa
pagbubuo ng mga
adyenda ng ASEAN,
pagpapalakas ng
ugnayan sa mga kasapi,
at pagtataguyod ng
karapatang pantao,
demokrasya, at
kalakalan.
60. Kasabay ng pagkakaroon ng mga
multilateral na relasyon sa ASEAN
at pagsasagawa ng mga patakarang
panloob at panlabas ng Pilipinas na
nakabatay rito, mayroon itong mga
bilateral na pakikipagrelasyon sa
piling mga bansa ng ASEAN at sa
mga nasa labas ng rehiyon.
B i l a t e ra l – Tumutukoy sa kasunduan
o ugnayan sa pagitan ng dalawang
bansa.
M u l t i l a t e ra l – Tumutukoy sa kasunduan
o ugnayan na may kinalaman sa tatlo o higit
pang mga bansa.
61. Philippines - Vietnam
Strategic Partnership
Pinalakas ng Pilipinas at
Vietnam ang kanilang ugnayan
sa pamamagitan ng strategic
partnership, na nagtataguyod
ng pagtutulungang
pandepensa, panseguridad, at
mga isyung may kaugnayan sa
West Philippine Sea.
62. May matatag at malalim na
diplomatikong ugnayan ang
Pilipinas at Indonesia,
na nagkakaisa sa mga usapin ng
demokrasya at batas pandagat,
lalo na sa West Philippine Sea.
Kapwa rin silang kasapi ng APEC,
EAST ASEAN Growth Triangle,
at BIMP-EAGA.
Relasyon ng Pilipinas at
Indonesia
63. BIMP-EAGA (Brunei, Indonesia, Malaysia,
at Pilipinas - East Asia Growth Area)
Inilunsad noong 1994,
ang BIMP-EAGA ay isang rehiyonal
na kooperasyon ng Brunei,
Indonesia, Malaysia, at Pilipinas
na naglalayong pabilisin ang
ekonomikong pag-unlad
sa mga lugar na mayaman
sa likas na yaman.
64. Sakop nito ang Brunei,
ilang bahagi ng Indonesia
(Kalimantan, Sulawesi, Maluku,
West Papua,
at Papua), Malaysia
(Sabah, Sarawak, at Labuan),
at Pilipinas
(Mindanao at Palawan).
65. Layunin ng BIMP-EAGA
na palakasin ang
kalakalan, turismo, at
pamumuhunan sa rehiyon,
na itinuturing na moderno
at masiglang bersyon ng
sinaunang Silk Road.
66. ASEAN-EU Links
Nagsimula noong 1977
bilang isang formal na
dialogue partnership.
Layunin nitong palakasin
ang ugnayan sa pagitan
ng ASEAN at
European Union,
partikular sa larangan
ng kalakalan,
pamumuhunan,
at politika.
67. ASEAN-US Links Nagsimula
rin noong 1977, nang
maging opisyal na dialogue
partner ang Estados Unidos
ng ASEAN.
Layunin ng kooperasyong ito
na palakasin ang
pagtutulungan sa larangan
ng kalakalan,
pamumuhunan,
at teknolohiya.
68. Sa ilalim ng administrasyong
Benigno S. Aquino,
pinangunahan ng Pilipinas
ang pagtutol sa pag-angkin ng
Tsina sa West Philippine Sea.
Pag-angkin ng Tsina
sa West Philippine Sea
Isinampa nito ang kaso sa arbitral
tribunal noong 2013,
isang matapang na hakbang
upang ipaglaban ang
karapatan sa teritoryo.
69. Bilang matagal nang
kaalyado ng Estados Unidos,
nakatanggap ang Pilipinas
ng suporta na nagpalakas
ng loob nitong
hamunin ang Tsina.
Dahil dito, nagkaisa ang
ilang bansang ASEAN upang
pigilan ang agresyon ng
Tsina at protektahan ang
kanilang mga teritoryo.
70. Sa Gitna ng Alon: Isyu at
Hamon sa West Philippine Sea
Bakit pinag-aagawan
ang West Philippine Sea?
Pinag-aagawan ang West Philippine
Sea dahil sa yaman ng likas na
resources nito, tulad ng langis, natural
gas, at iba’t ibang uri ng isda na
mahalaga sa kabuhayan ng mga
bansa sa paligid nito. Bukod dito,
mahalaga rin ang lokasyon nito para sa
internasyonal na kalakalan at military
strategy, dahil isa ito sa pinakamataong
rutang pangkalakalan sa mundo.
71. Ano ang UNCLOS?
Sa Gitna ng Alon: Isyu at
Hamon sa West Philippine Sea
Ang United Nations Convention
on the Law of the Sea (UNCLOS)
ay isang pandaigdigang kasunduan
na nagtatakda ng karapatan
at obligasyon ng mga bansa sa
paggamit ng karagatan.
Ipinagkakaloob nito ang Exclusive
Economic Zone (EEZ) na umaabot
hanggang 200 nautical miles mula sa
baybayin, kung saan may karapatan
ang bansa sa likas na yaman.
72. Sa Gitna ng Alon: Isyu at
Hamon sa West Philippine Sea
Bakit mahalaga ang UNCLOS
sa kaso ng Pilipinas at Tsina?
Mahalaga ang UNCLOS sa kaso
ng Pilipinas laban sa Tsina dahil ito
ang naging batayan ng arbitrasyon noong
2013. Iginiit ng Pilipinas na lumalabag
ang Tsina sa kanilang EEZ gamit ang "nine-
dash line," na hindi kinilala ng UNCLOS.
Noong 2016, nagpasya ang Permanent
Court of Arbitration pabor sa Pilipinas,
na nagsabing walang legal na batayan
ang pag-angkin ng Tsina sa halos
buong South China Sea.
73. Paano hinarap
ng ASEAN ang kaso?
Sa Gitna ng Alon: Isyu at
Hamon sa West Philippine Sea
Hinarap ng ASEAN ang isyu sa
pamamagitan ng diplomasya at dayalogo
upang mapanatili ang kapayapaan.
Bagamat may mga bansang sumuporta
sa Pilipinas, may ilan ding naging
maingat dahil sa ugnayang
pang-ekonomiya sa Tsina.
Nanawagan ang ASEAN ng mapayapang
resolusyon at paggalang sa internasyonal
na batas, lalo na sa UNCLOS.
74. Kailan nagsimula ang ASEAN-EU
at ASEAN-US partnerships?
Pili-Letra:
1.
A. 1967
B. 1977
C. 1987
D. 1997
75. Paano hinarap ng ASEAN ang isyu sa
West Philippine Sea?
Pili-Letra:
2.
A. Sa pamamagitan ng giyera
B. Sa pamamagitan ng diplomasya
at dayalogo
C. Sa pamamagitan ng economic
sanctions
D. Sa pamamagitan ng pagtatayo ng
militar
76. Alin sa mga sumusunod ang
HINDI kasapi ng BIMP-EAGA?
Pili-Letra:
3.
A. Brunei
B. Indonesia
C. Thailand
D. Malaysia
77. Ang sumusunod ay mga dialogue
partners ng Pilipinas MALIBAN sa
Pili-Letra:
4.
A. ASEAN
B. ASEAN-EU
C. ASEAN-US
D. BIMP-EAGA
Ito ay isang subregional cooperation
initiative, hindi isang dialogue partner.
78. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit
pinag-aagawan ang West Philippine Sea?
Pili-Letra:
5.
A. Mayaman ito sa likas na yaman at
estratehikong lokasyon
B. Mayroong natatagong yaman sa ilalim ng
dagat
C. Ginagamit ito bilang ruta ng migratory birds
D. Nagsisilbing bakasyunan ng mga
bansa sa ASEAN
79. Ang Pilipinas ay aktibong
kasapi at tagapagtatag ng
ASEAN, na nagtaguyod ng
ugnayan sa mga bansa tulad ng
Vietnam at Indonesia,
at nakipagtulungan sa iba’t
ibang larangan tulad ng
kalakalan at seguridad.
Sa PAGKAKAISA,
nagmumula ang
kapayapaan
at pag-unlad.