Modyul 1_ Pagsagot sa mga Tanong tungkol sa Napakinggan-Nabasang Pabula, Kuwento, Tekstong Pang-impormasyon at Usapan
Kumusta, mga mag aaral!
Isang panibagong paglalakbay na naman ang iyong kahaharapin
ngayon nasa ika-6 na baitang ka na ng iyong pag-aaral. Ngunit, huwag kang
mag-alala dahil sa paglalakbay mong ito, ako ang iyong makasasama.
Hindi ka rin mahihirapan sa pag-aaral mo dahil ang modyul na ito ay
isinulat batay sa iyong kakayahan. Tiyak na ang mga pag-aaralan mo ay
iyong kapapanabikan lalo na’t ito ay mga babasahing pupukaw ng iyong
kaisipan at interes.
Pagkatapos naman ng ating paglalakbay, ikaw ay inaasahang:
• nakasasagot ng mga tanong tungkol sa napakinggan/nabasang pabula,
kuwento, tekstong pang-impormasyon at usapan. (F6PN-Ia-g-3.1, F6PN-Ia-g-
3.1, F6PB-Ic-e-3.1.2, F6PN-Ia-g-3.1)
Si Manoka
Sa isang liblib na pook ay may nakatirang pamilya ng mga
manok. Simple, masaya at puno ng pagmamahal ang kanilang
maliit na tirahan. Mapagmahal na ama si Tandang Diro at
responsableng asawa si Inahing Nika. May lima silang anak, si
Manoka ang panganay na kapag wala ang mga magulang, siya
ang napag-iiwanan ng mga kapatid. Isang araw maagang umalis
ang mag-asawa upang dumayo sa anihan ng mais sa karatig
bayan.
Pinagbilinan ng ama na bantayan at pakainin ang mga kapatid.
Nagluto na si Manoka. Inisa-isa niyang ginising ang mga kapatid,
laking pagtataka niya wala ang bunso niyang kapatid. Iniwan ang iba
pang mga kapatid habang kumakain. Tanong dito, tanong doon ang
ginawa niya ngunit ni isa man ay walang makakapagturo dito
hanggang siya’y makarinig ng isang boses na tumatawa at malakas
na nagsasalita, “Diyan ka nababagay munting sisiw, sa kumunoy,
hanggang sa ika’y malunod, ha! ha! ha!,” malakas na tawa ni Asong
Malupit. Lumapit si Manoka, nakita niya si Mikmik, ang bunso nilang
kapatid umiiyak at parang takot na takot. Naghanap si Manoka ng
mahabang kahoy at inihampas niya ito sa nakabungisngis na aso.
“Malupit ka!, buong lakas na hinampas niya ang aso hanggang
kumaripas ito ng takbo. “Yeheey! Ligtas na ako, iniligtas ako ng Ate
Manoka ko,” buong kasiyahang niyakap ni Mikmik ang ateng
tagapagligtas niya.
Sariling Katha ni Marijo Panuncio
Mga tanong:
1. Ano ang pamagat ng nabasang pabula?
A. Si Manoka
B. Ang Tandang
C. Ang Asong Malupit
D. Ang Magkapatid na Manok
2. Sino ang mapagmahal at masunurin na tagapag-alaga ng kaniyang mga
kapatid?
A. Si Daga
B. Si Mikmik
C. Si Manoka
D. Si Asong Malupit
3. Sino-sino ang naghahanap ng pagkain para sa pamilya ni Manoka?
A. Si Asong Malupit
B. Sina Manoka at Mikmik
C. Si Manoka at mga kapatid
D. Sina Tandang Diro at Inahing Nika
4. Ano ang gawain ni Manoka kapag wala ang mga magulang sa bahay?
A. Naglalaro sa labas ng bahay.
B. Hinahayaan ang mga kapatid sa kalsada.
C. Hindi binibigyan ng pagkain ang mga kapatid.
D. Nagluluto, nagbabantay at nagpapakain sa mga kapatid.
5. Kailan nalaman ni Manoka na nawawala ang kaniyang bunsong
kapatid?
A. Nakita niya na lumabas si Mikmik.
B. Pagkatapos na siya ay naglalaro sa labas ng bahay.
C. Gigisingin na niya ang mga kapatid para sa kumain.
D. Pagkagising nakita niya wala na sa higaan ang kapatid.
6. Kaninong malakas na boses ang narinig ni Manoka habang siya’y
papalapit kumunoy?
A. Boses ni Pusang Malupit.
B. Boses ni Asong Malupit.
C. Tinig ng Maamong Kambing
D. Tinig ng Maamong Kalabaw.
7. Ano ang sinabi ni Asong Malupit sa kapatid ni Manoka na nagpasidhi ng
galit niya sa aso?
A. “Halika! Kumapit ka ng mabuti iaahon kita sa putikan.”
B. “Tanggalin mo ang tinik sa likod ko, parang awa mo.”
C. “Naku! Nahulog ang Sisiw kawawa naman tulungan ninyo.”
D. “Diyan ka nababagay munting sisiw, sa kumunoy, hanggang sa
ka’y malunod, ha! ha! ha!”.
8. Bakit umiyak nang sobra at takot na takot si Mikmik ng nadatnan ni
Manoka?
A. Pinapalo ng Asong Malupit si Mikmik ng kahoy.
B. Inilublob sa kumunoy ng Asong Malupit si Mikmik.
C. Kinakagatkagat ng Asong Malupit ang paa ni Mikmik.
D. Napilayan ang paa ni Mikmik sa katatakbo nang hinabol ni
Asong Malupit.
9. Paano nakaligtas si Mikmik sa ginawa ng Asong Malupit sa kaniya?
A. Mabilis na nakadampot ng mahabang kahoy at hinampas sa
Asong Malupit na kumaripas ng takbo.
B. Tinulungan ni Manoka na makaahon sa kumunoy si Mikmik.
C. Niyakap ng mahigpit ni Manoka ang kapatid para mawala na
ang takot nito.
D. Lahat na binanggit ay wasto.
10. Ano ang aral na makukuha sa nabasang pabula?
A. Dapat na paniwalaan ang sinasabi ng karamihan.
B. Tanggapin ang katotohanan nang walang alinlangan.
C. Nasa huli ang pagsisisi kaya’t pag-isipang mabuti ang bawat
desisyon.
D. Maging masunurin sa habilin ng magulang para maiwasan ang sakunang
kahihinatnan.
1. Pabula – kuwentong ang pangunahing tauhan ay mga hayop na
kumikilos at nagsasalitang parang tao.
2. Kuwento – nagsasalaysay ng mga pangyayari tungkol sa pangunahing
tauhan.
3. Tekstong pang-impormasyon – naglalahad ng mga impormasyon tungkol
sa paksa.
4. Usapan – pag-uusap ng dalawa o higit pang tauhan tungkol sa isang
paksa o isyu.
Balikan : Piliin sa kahon ang angkop na salita para sa
sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Modyul 1_ Pagsagot sa mga Tanong tungkol sa Napakinggan-Nabasang Pabula, Kuwento, Tekstong Pang-impormasyon at Usapan
Mga tanong:
1. Sino ang hinahanap ni Loisa sa ina?
A. Kaklase, dahil mag-aaral sila.
B. Kaibigan, dahil mamasyal sila.
C. Kapatid, dahil yayain niya itong maglaro.
D. Ama, dahil may maganda siyang ibabalita.
2. Ano ang magandang balita na dala ni Loisa?
A. Nanalo siya sa paligsahan.
B. Mataas ang markang nakuha niya sa pagsusulit.
C. Natapos na niya ang proyektong ipinapapasa ng kaniyang guro.
D. Pinuri siya ng kaniyang guro dahil sa husay na kaniyang ipinamalas.
3. Ayon sa ina, nasaan ang tatay ni Loisa?
A. nasa banyo
B. nasa kusina
C. nasa kuwarto
D. nasa sala
4. Ano-ano ang pinapangarap ni Loisa sa kaniyang buhay?
A. Pangarap niyang makatapos ng pag-aaral upang makapagtrabaho.
B. Pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral upang makatulong sa
kaniyang mga magulang.
C. Pangarap niyang matapos ang nais niyang kurso upang matulungan ang
kaniyang mga magulang.
D. Pangarap niyang makatapos ng pag-aaral, makamit ang nais na kurso,
makapagtrabaho at makatulong sa kaniyang mga magulang.
5. Bakit kailangang maabot ni Loisa ang kaniyang mga pangarap?
A. Gusto niyang makapagtrabaho.
B. Gusto niyang makatulong sa kaniyang magulang.
C. Gusto niyang umangat ang kanilang pamumuhay.
D. Gusto niyang maging maganda ang kaniyang kinabukasan.
Suriin
Basahin:
1. Ang Sino ay sumasagot sa ngalan ng tao lamang.
Halimbawa: Sino ang hinahanap ni Loisa sa ina?
Sagot: Ang hinahanap ni Loisa sa ina ay ang kaniyang itay.
2. Ang tanong na Ano ay sumasagot sa ngalan ng bagay at pangyayari.
Halimbawa: Ano ang magandang balita na dala ni Loisa?
Sagot: Ang magandang balita na dala ni Loisa sa ina ay ang
pagkakuha niya ng mataas na marka sa pagsusulit.
3. Ang Saan ay ginagamit sa tanong upang matukoy ang pinangyarihan o
lugar kung saan ginaganap ang kilos.
Halimbawa: Ayon sa ina, nasaan ang tatay ni Loisa?
Sagot: Nasa kusina ang itay mo.
4. Ang Kailan ay tumutukoy sa panahon.
Halimbawa: Kailan nag-usap sina Loisa at ang kaniyang ina?
Sagot: Pag-uwi niya ng hapon pagkatapos ng klase.
5. Ang Bakit ay ginagamit kapag humihingi ng kadahilanan ng pangyayari.
Halimbawa: Bakit kailangang maabot ni Luisa ang kaniyang
pangarap?
Sagot: Gusto ni Loisa na makatapos ng pag-aaral, makatrabaho,
at makatulong sa pamilya. 10 CO_Q1_Filipino6_Module1
6. Ang Paano na tanong ay para masagot ang pamamaraan sa isang kilos o
sitwasyon. Ito ay dagdag na pagpapaliwanag sa isang proseso.
Halimbawa: Kung ikaw si Loisa, gagayahin mo rin ba siya? Paano?
Sagot: Opo, dahil sa kaniyang pangarap nakapagtapos siya ng
kaniyang pag-aaral at nagsilbing inspirasyon sa kaniyang
adhika.
Modyul 1_ Pagsagot sa mga Tanong tungkol sa Napakinggan-Nabasang Pabula, Kuwento, Tekstong Pang-impormasyon at Usapan
Modyul 1_ Pagsagot sa mga Tanong tungkol sa Napakinggan-Nabasang Pabula, Kuwento, Tekstong Pang-impormasyon at Usapan
Mga tanong:
1. Ano ang tawag sa binasa mong teksto?
2. Anong timpalak ang sasalihan ng mga kalahok?
3. Sino-sino ang maaaring maging kalahok sa timpalak?
4. Kailan gaganapin ang nasabing patimpalak?
5. Saan gaganapin ang patimpalak ng tula?
6. Anong oras magsisimula ang patimpalak?
7. Kanino dapat makipag-ugnayan ang mga kalahok para sa
karagdagang impormasyon?
8. Ano ang susuotin ng mga kalahok sa patimpalak?
9. Sa palagay mo, anong preparasyon ang kailangang gawin ng
sinumang sasali sa patimpalak upang manalo?
10. Sa pagbasa at pakikinig ng anunsiyo o patalastas, bakit
kailangang unawain nang maigi ang mensahe?

More Related Content

PPTX
Q1 M1 Pagsagot sa mga Tanong tungkol sa napakinggan.pptx
PPTX
GRADE 3 LAPG Filipino Reviewer ELLNA.pptx
PPTX
Quarter 1_Powerpoint_FILIPINO_Week 1.pptx
PPTX
Filipino 6 Q1 Week 1-Pagsagot ng mga Tanong Tungkol sa NapakingganNabasang mg...
PPTX
FIL Q1 W1- DAY 1-5.pptxkgl,kggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggg...
PPTX
FILIPINO WEEK 1- DAY 1-5 grade 6 PPT.pptx
PPTX
FILIPINO KUWARTER 2 MODYUL 3.pptx
PPTX
FIL Q1 W1- DAY 1-5.pptx FIL Q1 W1- DAY 1-5.pptx

Similar to Modyul 1_ Pagsagot sa mga Tanong tungkol sa Napakinggan-Nabasang Pabula, Kuwento, Tekstong Pang-impormasyon at Usapan (20)

PPTX
FILIPINO 6 Q1 Nasasagot ang tanong tungkol sa pabula, etc.....pptx
PPTX
FIL Q1 W1- DAY 1-5.pptx12JDLKHDUHWUDHDGHJHGWJC
PPTX
FIL 8-DAY-9 CATCH UP FRIDAY AND LESSON P
PPTX
Grade6-Quarter1-DLL - WEEK 6- FILIPINO.pptx
PPTX
WEEK 1- DAY 1-5 PPT.pptx
DOCX
PHIL IRI ALL PASSAGES-LOVE 19-20.docx
PPTX
GRADE 3 LESSON.pptx FOR STUDNETS GRADE 3
PPTX
MTB 2 PPT Q3 – Week 7.pptx
PDF
Reading for 2 nd q fil converted (3) - copy
PDF
Reading for 2 nd q fil converted (3) - copy
PPTX
LAPG FILIPINO PAGBASA GRADE 3 (1).pptx
PDF
Modyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismo
PPTX
aralin 2, maikling kwento 7 [Autosaved] [Autosaved] [Autosaved] [Autosaved].pptx
PPTX
Fil6_q4_week4_melc.pptx FILIPINO Mga Salitang Magkakatugma QUARTER 3 WEEK 8
DOCX
Final-Paunang-Pagtataya-sa-Filipino-7.docx
PDF
National Achievement Test Reviewer Grade 3 Filipino .pdf
PDF
K to 12 Grade 3 LAPG FILIPINO Reviewer
PPTX
Filipino-2-Lesson-9.pptx
PPTX
710339984-REVIEWER-FOR-ELLNA-FILIPINO-1.pptx
PPTX
PPT - FILIPINO 4 - Q4 - WEEK 2 - PANGHALIP PAMANGGIT (1).pptx

Ad

More from luisito jiao (20)

PPTX
in service training Rapid Mathematics assessment.pptx
PPTX
Table_Tennis_Rules_Update1 PowerPoint presentation .pptx
PPTX
Important Dates in Sports PowerPoint presentation.pptx
DOCX
third mid quarter exam in English 2 by me
DOCX
science and mapeh edited - Copy by me.docx
DOCX
third mid quarter examination in mapeh 2 by me
DOCX
third mid examination in science 2 by me
DOCX
third mid examination in edukasyon sa pagpapakatao 2
DOCX
third mid quarter examination in english.docx
PPTX
GRade 6-Edukasyon sa Pagpapakatao-WK 1-QTR 4.pptx
PPTX
GRade 6-ENGLISH-WeeK 1-Quarter 4.powepoint presentation
PPTX
GradeR 6-Araling Panlipunan-Week K 1-QTR 4.pptx
PPTX
Grade 6-Edukasyon sa Pagpapakatao -WK 7-Q1
PPTX
Grade 6-ENGLISH-Week 7-Q1.powerpoint presentation
PPTX
Grade 6-Araling Panlipunan-WeeK 7-Q1 -.pptx
PPTX
grade 6 filipino powerpoint presentation week 2 quarter 2
PPTX
powerpoint presentation in agriculture grade 6 quarter 2 week
PPTX
Grade 6-Araling Panlipunan .Week K1-Q2.pptx
PPTX
communicating and collaborating using ICT
PPTX
cOT 2 in science six week 8 powerpoint presentation

Recently uploaded (20)

PPTX
Filipino 8 Unang Markahan Unang Linggo Panahon ng Himagsikan at Propaganda
PPTX
PPT_FILIPINO_G4_Q2_W4.pptxhjshjhejhjhehhe
PPTX
ARPAN PPT.pptx Social Studies Reading on Philippine History
PPTX
G6 - Lesson 1.3 Likas na Yaman ng Pilipinas
PPTX
AP8_Q1_Week_3-2_Sinaunang_Kabihasnang_Mediterraneo.pptx
PPTX
AP8_Q1_Week_3-4_Kabihasnang_Mycenaean.pptx
PDF
Araling Panlipunan First Quarter Lesson 1 - Lipunan
DOCX
Pagsusulit Filipino 8 - Unang Markahan - Panahon ng Himagsikan at Propaganda
PPTX
Y1-Aralin-1-Kahulugan-at-Kahalagahan-ng-Ekonomiks-converted.pptx
PPTX
MGA URI NG TEKSTO MODYUL 1 PAGBASA AT PAGSUSURI.pptx
PPTX
Panitikan ng Rehiyon (LIT 101)_Olazo.pptx
PPTX
Wnejjdndjrjekekjeirnfj rjfifidoowEEK 6.2.2.pptx
PPTX
17._Mahahalagang_pangyayari_sa_daigdig_noong_ikalabing_lima_at_ikalabing_anim...
DOCX
ap10_q1_exam.docxbadjhbjadjkashdjkashdjas
PPTX
Mga_Karunungang_Bayan SA mALAYSIA ........
PPTX
EsP Quarter1 Module1 powerpoint presentation
PPTX
Batayang-Simulain-sa-Panunuring-Pampanitikan.pptx
PPTX
491976170-Tiyo-Simon.pptx dskfkksfjcskca
PPTX
IDE Lesson plan notes. kasaysayan ng wikang kastila
PPTX
Salitang_Magkatugma_PPT.pptx............
Filipino 8 Unang Markahan Unang Linggo Panahon ng Himagsikan at Propaganda
PPT_FILIPINO_G4_Q2_W4.pptxhjshjhejhjhehhe
ARPAN PPT.pptx Social Studies Reading on Philippine History
G6 - Lesson 1.3 Likas na Yaman ng Pilipinas
AP8_Q1_Week_3-2_Sinaunang_Kabihasnang_Mediterraneo.pptx
AP8_Q1_Week_3-4_Kabihasnang_Mycenaean.pptx
Araling Panlipunan First Quarter Lesson 1 - Lipunan
Pagsusulit Filipino 8 - Unang Markahan - Panahon ng Himagsikan at Propaganda
Y1-Aralin-1-Kahulugan-at-Kahalagahan-ng-Ekonomiks-converted.pptx
MGA URI NG TEKSTO MODYUL 1 PAGBASA AT PAGSUSURI.pptx
Panitikan ng Rehiyon (LIT 101)_Olazo.pptx
Wnejjdndjrjekekjeirnfj rjfifidoowEEK 6.2.2.pptx
17._Mahahalagang_pangyayari_sa_daigdig_noong_ikalabing_lima_at_ikalabing_anim...
ap10_q1_exam.docxbadjhbjadjkashdjkashdjas
Mga_Karunungang_Bayan SA mALAYSIA ........
EsP Quarter1 Module1 powerpoint presentation
Batayang-Simulain-sa-Panunuring-Pampanitikan.pptx
491976170-Tiyo-Simon.pptx dskfkksfjcskca
IDE Lesson plan notes. kasaysayan ng wikang kastila
Salitang_Magkatugma_PPT.pptx............

Modyul 1_ Pagsagot sa mga Tanong tungkol sa Napakinggan-Nabasang Pabula, Kuwento, Tekstong Pang-impormasyon at Usapan

  • 2. Kumusta, mga mag aaral! Isang panibagong paglalakbay na naman ang iyong kahaharapin ngayon nasa ika-6 na baitang ka na ng iyong pag-aaral. Ngunit, huwag kang mag-alala dahil sa paglalakbay mong ito, ako ang iyong makasasama. Hindi ka rin mahihirapan sa pag-aaral mo dahil ang modyul na ito ay isinulat batay sa iyong kakayahan. Tiyak na ang mga pag-aaralan mo ay iyong kapapanabikan lalo na’t ito ay mga babasahing pupukaw ng iyong kaisipan at interes. Pagkatapos naman ng ating paglalakbay, ikaw ay inaasahang: • nakasasagot ng mga tanong tungkol sa napakinggan/nabasang pabula, kuwento, tekstong pang-impormasyon at usapan. (F6PN-Ia-g-3.1, F6PN-Ia-g- 3.1, F6PB-Ic-e-3.1.2, F6PN-Ia-g-3.1)
  • 3. Si Manoka Sa isang liblib na pook ay may nakatirang pamilya ng mga manok. Simple, masaya at puno ng pagmamahal ang kanilang maliit na tirahan. Mapagmahal na ama si Tandang Diro at responsableng asawa si Inahing Nika. May lima silang anak, si Manoka ang panganay na kapag wala ang mga magulang, siya ang napag-iiwanan ng mga kapatid. Isang araw maagang umalis ang mag-asawa upang dumayo sa anihan ng mais sa karatig bayan.
  • 4. Pinagbilinan ng ama na bantayan at pakainin ang mga kapatid. Nagluto na si Manoka. Inisa-isa niyang ginising ang mga kapatid, laking pagtataka niya wala ang bunso niyang kapatid. Iniwan ang iba pang mga kapatid habang kumakain. Tanong dito, tanong doon ang ginawa niya ngunit ni isa man ay walang makakapagturo dito hanggang siya’y makarinig ng isang boses na tumatawa at malakas na nagsasalita, “Diyan ka nababagay munting sisiw, sa kumunoy, hanggang sa ika’y malunod, ha! ha! ha!,” malakas na tawa ni Asong Malupit. Lumapit si Manoka, nakita niya si Mikmik, ang bunso nilang kapatid umiiyak at parang takot na takot. Naghanap si Manoka ng mahabang kahoy at inihampas niya ito sa nakabungisngis na aso. “Malupit ka!, buong lakas na hinampas niya ang aso hanggang kumaripas ito ng takbo. “Yeheey! Ligtas na ako, iniligtas ako ng Ate Manoka ko,” buong kasiyahang niyakap ni Mikmik ang ateng tagapagligtas niya. Sariling Katha ni Marijo Panuncio
  • 5. Mga tanong: 1. Ano ang pamagat ng nabasang pabula? A. Si Manoka B. Ang Tandang C. Ang Asong Malupit D. Ang Magkapatid na Manok 2. Sino ang mapagmahal at masunurin na tagapag-alaga ng kaniyang mga kapatid? A. Si Daga B. Si Mikmik C. Si Manoka D. Si Asong Malupit 3. Sino-sino ang naghahanap ng pagkain para sa pamilya ni Manoka? A. Si Asong Malupit B. Sina Manoka at Mikmik C. Si Manoka at mga kapatid D. Sina Tandang Diro at Inahing Nika
  • 6. 4. Ano ang gawain ni Manoka kapag wala ang mga magulang sa bahay? A. Naglalaro sa labas ng bahay. B. Hinahayaan ang mga kapatid sa kalsada. C. Hindi binibigyan ng pagkain ang mga kapatid. D. Nagluluto, nagbabantay at nagpapakain sa mga kapatid. 5. Kailan nalaman ni Manoka na nawawala ang kaniyang bunsong kapatid? A. Nakita niya na lumabas si Mikmik. B. Pagkatapos na siya ay naglalaro sa labas ng bahay. C. Gigisingin na niya ang mga kapatid para sa kumain. D. Pagkagising nakita niya wala na sa higaan ang kapatid. 6. Kaninong malakas na boses ang narinig ni Manoka habang siya’y papalapit kumunoy? A. Boses ni Pusang Malupit. B. Boses ni Asong Malupit. C. Tinig ng Maamong Kambing D. Tinig ng Maamong Kalabaw.
  • 7. 7. Ano ang sinabi ni Asong Malupit sa kapatid ni Manoka na nagpasidhi ng galit niya sa aso? A. “Halika! Kumapit ka ng mabuti iaahon kita sa putikan.” B. “Tanggalin mo ang tinik sa likod ko, parang awa mo.” C. “Naku! Nahulog ang Sisiw kawawa naman tulungan ninyo.” D. “Diyan ka nababagay munting sisiw, sa kumunoy, hanggang sa ka’y malunod, ha! ha! ha!”. 8. Bakit umiyak nang sobra at takot na takot si Mikmik ng nadatnan ni Manoka? A. Pinapalo ng Asong Malupit si Mikmik ng kahoy. B. Inilublob sa kumunoy ng Asong Malupit si Mikmik. C. Kinakagatkagat ng Asong Malupit ang paa ni Mikmik. D. Napilayan ang paa ni Mikmik sa katatakbo nang hinabol ni Asong Malupit.
  • 8. 9. Paano nakaligtas si Mikmik sa ginawa ng Asong Malupit sa kaniya? A. Mabilis na nakadampot ng mahabang kahoy at hinampas sa Asong Malupit na kumaripas ng takbo. B. Tinulungan ni Manoka na makaahon sa kumunoy si Mikmik. C. Niyakap ng mahigpit ni Manoka ang kapatid para mawala na ang takot nito. D. Lahat na binanggit ay wasto. 10. Ano ang aral na makukuha sa nabasang pabula? A. Dapat na paniwalaan ang sinasabi ng karamihan. B. Tanggapin ang katotohanan nang walang alinlangan. C. Nasa huli ang pagsisisi kaya’t pag-isipang mabuti ang bawat desisyon. D. Maging masunurin sa habilin ng magulang para maiwasan ang sakunang kahihinatnan.
  • 9. 1. Pabula – kuwentong ang pangunahing tauhan ay mga hayop na kumikilos at nagsasalitang parang tao. 2. Kuwento – nagsasalaysay ng mga pangyayari tungkol sa pangunahing tauhan. 3. Tekstong pang-impormasyon – naglalahad ng mga impormasyon tungkol sa paksa. 4. Usapan – pag-uusap ng dalawa o higit pang tauhan tungkol sa isang paksa o isyu.
  • 10. Balikan : Piliin sa kahon ang angkop na salita para sa sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
  • 12. Mga tanong: 1. Sino ang hinahanap ni Loisa sa ina? A. Kaklase, dahil mag-aaral sila. B. Kaibigan, dahil mamasyal sila. C. Kapatid, dahil yayain niya itong maglaro. D. Ama, dahil may maganda siyang ibabalita. 2. Ano ang magandang balita na dala ni Loisa? A. Nanalo siya sa paligsahan. B. Mataas ang markang nakuha niya sa pagsusulit. C. Natapos na niya ang proyektong ipinapapasa ng kaniyang guro. D. Pinuri siya ng kaniyang guro dahil sa husay na kaniyang ipinamalas. 3. Ayon sa ina, nasaan ang tatay ni Loisa? A. nasa banyo B. nasa kusina C. nasa kuwarto D. nasa sala
  • 13. 4. Ano-ano ang pinapangarap ni Loisa sa kaniyang buhay? A. Pangarap niyang makatapos ng pag-aaral upang makapagtrabaho. B. Pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral upang makatulong sa kaniyang mga magulang. C. Pangarap niyang matapos ang nais niyang kurso upang matulungan ang kaniyang mga magulang. D. Pangarap niyang makatapos ng pag-aaral, makamit ang nais na kurso, makapagtrabaho at makatulong sa kaniyang mga magulang. 5. Bakit kailangang maabot ni Loisa ang kaniyang mga pangarap? A. Gusto niyang makapagtrabaho. B. Gusto niyang makatulong sa kaniyang magulang. C. Gusto niyang umangat ang kanilang pamumuhay. D. Gusto niyang maging maganda ang kaniyang kinabukasan.
  • 14. Suriin Basahin: 1. Ang Sino ay sumasagot sa ngalan ng tao lamang. Halimbawa: Sino ang hinahanap ni Loisa sa ina? Sagot: Ang hinahanap ni Loisa sa ina ay ang kaniyang itay. 2. Ang tanong na Ano ay sumasagot sa ngalan ng bagay at pangyayari. Halimbawa: Ano ang magandang balita na dala ni Loisa? Sagot: Ang magandang balita na dala ni Loisa sa ina ay ang pagkakuha niya ng mataas na marka sa pagsusulit. 3. Ang Saan ay ginagamit sa tanong upang matukoy ang pinangyarihan o lugar kung saan ginaganap ang kilos. Halimbawa: Ayon sa ina, nasaan ang tatay ni Loisa? Sagot: Nasa kusina ang itay mo.
  • 15. 4. Ang Kailan ay tumutukoy sa panahon. Halimbawa: Kailan nag-usap sina Loisa at ang kaniyang ina? Sagot: Pag-uwi niya ng hapon pagkatapos ng klase. 5. Ang Bakit ay ginagamit kapag humihingi ng kadahilanan ng pangyayari. Halimbawa: Bakit kailangang maabot ni Luisa ang kaniyang pangarap? Sagot: Gusto ni Loisa na makatapos ng pag-aaral, makatrabaho, at makatulong sa pamilya. 10 CO_Q1_Filipino6_Module1 6. Ang Paano na tanong ay para masagot ang pamamaraan sa isang kilos o sitwasyon. Ito ay dagdag na pagpapaliwanag sa isang proseso. Halimbawa: Kung ikaw si Loisa, gagayahin mo rin ba siya? Paano? Sagot: Opo, dahil sa kaniyang pangarap nakapagtapos siya ng kaniyang pag-aaral at nagsilbing inspirasyon sa kaniyang adhika.
  • 18. Mga tanong: 1. Ano ang tawag sa binasa mong teksto? 2. Anong timpalak ang sasalihan ng mga kalahok? 3. Sino-sino ang maaaring maging kalahok sa timpalak? 4. Kailan gaganapin ang nasabing patimpalak? 5. Saan gaganapin ang patimpalak ng tula? 6. Anong oras magsisimula ang patimpalak? 7. Kanino dapat makipag-ugnayan ang mga kalahok para sa karagdagang impormasyon? 8. Ano ang susuotin ng mga kalahok sa patimpalak? 9. Sa palagay mo, anong preparasyon ang kailangang gawin ng sinumang sasali sa patimpalak upang manalo? 10. Sa pagbasa at pakikinig ng anunsiyo o patalastas, bakit kailangang unawain nang maigi ang mensahe?

Editor's Notes

  • #2: Handa naba kayo? Subukin muna natin ang iyong kaalaman tungkol sa pag-aaral na ating gagawin. Nakapagbasa ka na ba ng kuwento kung saan ang mga tauhan ay mga hayop na kumikilos at nagsasalita na parang tao? Alam mo ba kung anong uri ito ng babasahin? Tama! Ang tawag dito ay pabula.
  • #8: SUBUKIN 1.B 2.B 3.C 4.C 5.C 6.A 7.A 8.A 9.C 10.D
  • #9: Magandang buhay! Isang panibagong paglalakbay ito ng iyong pag-aaral. Magiging bahagi ng paglalakbay mo ang pakikinig o pagbabasa ng pabula, kuwento, tekstong pang-impormasyon at usapan. Alam mo ba kung ano ang pagkakaiba ng mga ito sa isa’t isa? Kung hindi, basahin mo muna ito at siguradong hindi ka maliligaw sa ating paglalakbay.
  • #10: Ngayon naman, balikan muna natin ang iyong kaalaman tungkol sa ating aralin. Alam mo ba kung kailan angkop gamitin ang sino, saan, bakit, ano, kailan, at paano sa pagtatanong? Subukan mo nga ang gawain ito. BALIKAN 1.Sino 2.Saan 3.Ano 4.Bakit 5.Paano
  • #11: Basahin mo ang kaniyang kuwento na pinamagatang “Pangarap”. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong tungkol sa kaniyang buhay. Titik lamang ang piliin. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
  • #13: TUKLASIN 1.D 2.B 3.B 4.D 5.B 6.Iwasto ng guro ang sagot ng mag-aaral.
  • #14: Napukaw ba ang iyong kaisipan at interes sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa binasang kuwento? Dagdagan pa natin ang iyong kaalaman tungkol sa ating aralin. Basahin at unawain mo lang ang impormasyong ito: Mahalagang matutuhan ang pagsagot sa mga tanong tungkol sa anumang mapakikinggan/mababasang gaya ng pabula, kuwento, tekstong pang-impormasyon, at usapan dahil sa pamamagitan nito maipakikita ang pag-unawa rito.
  • #18: 1.Patalastas/anunsiyo 2.Sa pagbigkas ng tula 3.Ang mga batang may gulang 8-12. 4.Gaganapin sa darating na Biyernes, Nobtembre 22, 2019. 5.Gaganapin sa silid-aralan ni Gng. Baltar 6.Sa ika-ala 1:00 ng hapon 7.Pupuntahan si Gng. Marijo Panuncio 8.Ang susuutin ng mga kalahok ay kasuotang Pilipino. 9.Kailangang mag anunsiyo at maghanap ng mga kasuotan. 10.( Iwasto ang anumang sagot ng bata)
  • #20: Mga Tanong: 1. Tungkol kanino ang binasa? 2. Ano ang kalagayan ng buhay ni Francis at ng kaniyang pamilya? 3. Ano ang hanapbuhay ni Francis? 4. Paano umunlad ang buhay ni Francis? 5. Bakit umunlad ang buhay ni Francis? 6. Dapat bang tularan natin si Francis? Bakit? 7. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng sipag at tiyaga sa trabaho? 8. Hadlang ba sa pag-unlad ang kahirapan? Bakit? 9. Bakit mahalagang makapagtapos ng pag-aaral? 10. Paano mo tutularan ang magandang katangian ni Francis?
  • #21: Halika tayo’y magbasa at alamin ang nangyari sa isang pamilya sa panahon ng pandemya.
  • #27: Ilan sa mga salitang ginagamit sa pagtatanong ay ang bakit at paano. Pag-aralan mo ngayon ang pagsagot ng mga tanong na bakit at paano. Palawakin mo pa ang iyong kaalaman upang lubos mong malaman kung paano mo mapadali ang pagsagot sa mga ito.
  • #30: Isa ka ba sa mga batang ganado mag-aral? O isa ka sa mga batang tamad mag-aral? Mag-isip-isip ka kaibigan. Halika! Basahin natin ang kwento ni Ambrosio at samahan mo akong tuklasin ano maaaring mangyari sa batang nagsusumikap mag-aral kumpara sa batang katamaran lamang ang pinapairal