5. ANG WIKA
L1
L2 L3
UNANG WIKA
-Kinagisnang wika
-Katutubong wika, mother-
tongue o arterial na wika
-pinakamataas o pinakamahusay
na naipapahayag ng tao ang
kanyang damdamin.
PANGALAWANG WIKA
-Habang lumalaki ang bata
ay nagkakaroon siya ng
exposure sa iba pang wika
sa kanyang paligid .
Madalas ito ay nakukuha
niya sa mga kalaro, kaibigan,
kaklase, guro at kahit na sa
teknolohiya katulad ng
selpon at telebisyon.
IKATLONG WIKA
-Nagagamit ang wikang ito
sa pakikiangkop niya sa
lumalawak ng mundong
kanyang ginagalawan.
7. Unang wika:
Filipino/Bicolano
Pangalawang wika:
• Magmula sa media
• Tagapag-alaga, kalaro, mga
kaklase, o guro atbp.
• Magulang
• Magmula sa media
• Tagapag-alaga, Kalaro, Mga
kaklase, Guro atbp.
• Magulang
9. Ano ito?
MONO kapag isa
BI kapag dalawa at
MULTI naman kung
tatlo at higit pa
10. Ano ito?
MONOLINGGUWALISMO
Ito ang tawag sa pagpapatupad ng isang
wika sa isang bansa tulad ng isinasagawa sa
mga bansang England, Paransya, South
Korea, Japan at iba pa kung saan iisang wika
ang ginagamit na wikang panturo sa lahat
ng larangan o asignatura.
11. Ayon kay Richards at
Schmidt (2002), ang
monolingguwal ay isang
indibiduwal na may iisang
wika lamang ang nagagamit.
12. • Sa isang bansa o nasyon, kung ito
ay isang monolingguwal bansa
nangangahulugang iisang wika
ang umiiral bilang wika ng
komersiyo, negosyo at
pakikipagtalastasan sa pangaraw-
araw na buhay ng mamamayan
nito. Bukod rito,ang gagamiting
wikang panturo sa lahat ng
asignatura o larangan ay iisang
wika.
13. Ano ito?
BILINGGUWALISMO
Ang kakayahan ng isang tao na
makapagsalita at makaunawa ng
dalawang wika. Ito ay maaaring
resulta ng pagiging lumaki sa isang
tahanan na gumagamit ng dalawang
wika, o ng pormal na pagkatuto sa
paaralan o komunidad.
15. JOHN MACNAMARA
Ang bilingguwal ay isang taong
may sapat na kakayahan isa sa
apat na makrong kasanayang
pangwikang kinabibilangan ng
pakikinig, pagsasalita, pagbasa at
pagsulat sa isa pang wika maliban
sa kanyang unang wika.
16. URIEL WEINREICH
Ang paggamit ng dalawang
wika nang magkasalitan ay
tinatawag na bilingguwalismo
at ang taong gumagamit nito ay
bilingguwal.
17. Cook at singleton (2014)
Kapag hindi mo na matukoy kung saan
ang unang wika ng taong bilinggwal,
ibig sabihin bihasa siya sa dalawang
wika na ginagamit niya. Siya ay
bilinggwal. Ito ang tinatawag na
balanced bilingual, ngunit kaunti lang
ang taong nakagagawa nito.
18. “BALANCED BILINGGUWAL”
• Nagagamit ang
ikalawang wika ng
matatas sa lahat ng
pagkakataon at
nagagamit ng mga
bilingguwal ang
dalawang wika ng
halos hindi na
matutukoy kung alin
sa dalawa ang una at
ikalawang wika.
20. BILINGGUWALISMO SA WIKANG PANTURO
• “Ang Batasang Pambansa ay
magsasagawa ng mga hakbang
tungo sa pagpapaunlad at pormal
na paggamit ng pambansang
wikang Filipino. Hangga’t hindi
binabago ang batas, ang Ingles at
Filipino ang mananatiling mga
wikang opisyal ng Pilipinas” -
Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 ng
Saligang Batas ng 1973
21. BILINGGUAL EDUCATION
• Ginamit na basehan ng
wikang pambansa ang
Artikulo 15 Seksyon 2 at 3 ng
Saligang Batas 1973 para
ipatupad ang
patakarang bilinggual
instruction.
• Pinagtibay ng Board of
National Education (BNE)
22. BILINGGUAL EDUCATION
•Ang patakarang bilinggual
instruction ay alinsunod sa
Executive Order No. 202 na
bubuo ng Presidential
Commission to Survey
Philippine Education.
23. BILINGGUAL EDUCATION
Nilagdaan ng Surian ng Wikang Pambansa ang isang
makasaysayang patakaran ukol sa edukasyong
bilingwal sa bisa ng Resolusyon Blg. 73-7, s. 1973, na
nagsasaad:
“Ang Ingles at Filipino ay magiging midyum ng
pagtuturo at ituturo bilang mga asignatura sa
kurikulum mula Grade 1 hanggang antas unibersidad
sa lahat ng paaralan, pampubliko man o pribado.”
24. BILINGGUAL EDUCATION
Ipinatupad ang mga gabayan sa pagpapatupad ng
Patakarang Bilingguwal (BEP 1974) upang linangin
ang kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral sa
dalawang wika — Filipino at Ingles.
25. PATAKARAN SA EDUKASYONG
BILINGGUWAL BILINGUAL EDUCATION
POLICY (BEP) 1974
LAYUNIN:
• Makamit ang kahusayan ng mga mag-aaral sa
dalawang wika.
• Maipalaganap ang Ingles bilang internasyonal
na wika
• Maipalaganap ang Filipino at magsilbing wika
ng literasi.
• Magamit ang Filipino bilang wika ng
akademikong diskurso.
29. Ano ito?
Upang tugunan ang
suliranin sa pagiging
eksklusibo ng edukasyon
para sa iilan, kailangan
buuin ang isang uri ng
edukasyong mataas ang
kalidad at may
pagpapahalaga sa
32. LEMAN(2014)
Ang mga tao ay maaaring
matawag na multilingguwal
kung maalam sila sa
pagsasalita ng dalawa o
higit pang wika, anuman
ang antas ng kakayahan.
33. Stavenhagen
iilan lamang daw sa
buong mundo ang
monolinggwal, Ibig
Sabihin lamang nito na
mas laganap ang mga
lipunan na
multilinggwal at kung
hindi man ay
bilinggwal.
34. Ano ito?
MULTIINGGUWALISMO
Maaaring tawaging mulitilingguwal
ang isang tao kung siya ay may
kakayahang makapagsalita ng
dalawa o higit pang wika ng hindi
sinusukat ang kanyang kasanayan
at kagalingan sa mga wikangito na
kanyang sinasalita. Ito ay
tumutukoy hindi lamang sa
kakayahan ng isang indibiduwal na
magsalita ng isang wika kung hindi
sa kakayahan rin nitong
makaunawa.
35. Ano ito?
PARA SA KARAGDAGANG
KAALAMAN MAY MGA
BANSA NA
MULTILINGGWAL AY ANG
MGA SUMUSUNOD:
37. Ayon naman sa pag aaral ito ay
mayroong 23 na opisyal na wika
na pangunahin ang Hindi, na
tinatayang apat na pung
porsyento ang Malayan, Tamil,
Kannada At ang Telugu.
45. TAMA O MALI
1. Ang paggamit ng wika sa pakikipag-usap
at pakikipagtalastasan ay isang katangiang
unique.
2. Habang lumalaki ang bata nagkakaroon
sya ng exposure sa kanyang paligid ito ay
tinatawag na pangatlong wika.
3. Ang Pilipinas ay mayroong 1 opisyal na
wika.
4. Maituturing na Monolingguwal ang
bansang England.
46. IBIGAY ANG HINIHINGING SAGOT.
6. Ito ang kinagisnang wika ng isang tao.
7. Ang batas na nagsasaad ng Filipino at
Ingles ang wikang opisyal ng Pilipinas.
8. Tumutukoy sa kakayahan ng isang tao o
indibidwal na makaunawa at makapagsalita
ng ng iba’t-ibang wika.
9. Pinagtibay ng Board of National Education
ang Artikulo 15 Seksyon 2 at 3 ng Saligang
Batas 1973 ang Patakarang ________.
47. IBIGAY ANG HINIHINGING SAGOT.
10. Ayon naman sa pag aaral ito ay mayroong
_______na opisyal na wika na pangunahin ang
bansang India.
Editor's Notes
#5:Unang wika: Ilocano
Pangalawang wika: Filipino
Ikatlong wika: Ingles
Unang wika: Cebuano
Pangalawang wika: Filipino
Ikatlong wika: Japanese (natutunan sa trabaho sa Japan)
Unang wika: Tausug
Pangalawang wika: Filipino
Ikatlong wika: Arabic (natutunan dahil sa relihiyon)
#10:Bukod sa larangan ng edukasyon, iisa rin ang Sistema ng wika pagdating sa komersiyo, wika ng Negosyo at wika ng pakikipagtalastasan sa pang-araw-araw na buhay.
#13:Isang batang lumaki sa Davao na ang unang wika ay Cebuano, at natuto ng Filipino sa paaralan — bilingguwal siya.
#19:Ano-ano nga ba ang dahilan ng billinguwalismo,
Geograpical –ito ay tumutukoy lamang sa dalawang lugar na magkalapit ngunit may dalawang magkaibang wika.hal. Ang baguio malapit sa ilocos .maraming taga baguio ang marunong mag ilokano.bukod pa sa wika nilang tagalog-dahil parte sila sa isla ng Luzon.
2. relihiyon –maaari rin dahil dito ay billiguwalismo dahil sa kanilang piniling relihiyon ,hal muslim –ang kanilang koran ay nasa salitang Arabic-natututo sila dahil sa kanilang relihiyon
Historical-hal, noong sinakop tayo ng amerikano-ay natuto tayo sa wikang ingles, ang mga espanyo –natuto tayo sa kanilang wikang Spanish
4. migration-o paglipat lipat ng mg a tao sa ibat ibang lugar hal. Ikaw ay Pilipino at ang wika mo ay wikang filipino o tagalog, pero ikaw ay lumaki sa ibang bansasa amerika natuto kang mag ingles .Hal nagtrabaho ka sa Japan matutunan mo rin yung kanilang wika
Dahil sa pakikipag-unagyan sa ibang bansa natututo tayo sa kanilang wika ,katulad ngayon sikat na sikat ang kpop-kdrama maraming interesado na matutunan ang kanilang wikang koreano dahil gusto natin na maintindihan tao ng mga oppa.
1.
#27:Ngayon kung ikaw naman ay may kakayahang magsalita ng tatlo o marami pa, maaaring ikaw ay mutilinggawal.
#28:Ngayon kung ikaw naman ay may kakayahang magsalita ng tatlo o marami pa, maaaring ikaw ay mutilinggawal.